KONTEMPORARYONG
PROGRAMANG PANTELEBISYON
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
 Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31).
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o
mensahe (F8PN-IIIe-f-30)
 Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa (F8PB-IIIe-f-31).
 Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
mga pamantayan (F8PD-IIIe-f-31).
 Nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong pantelebisyon ang mga
ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal (F8PU-IIIe-f-32).
 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
(dahilan-bunga, paraan-resulat) (F8WG-IIIe-f-32).
Paunang Pagtataya!
Panuto: Suriin ang sumusunod na palabas sa telebisyon. Isulat ang DP kung ito
ay dokumentaryo, MS kung ito naman ay morning show, NP kung ang uri ng
palabas ay news program, at VS kung ito ay variety show.
_____ 1. 24 Oras _____ 6.
The Voice Kid
_____ 2. Eat Bulaga _____ 7.
TV Patrol
_____ 3. Investigative Documentaries _____ 8. Umagang
Kayganda
_____ 4. Reel Time _____ 9.
I-Witness
_____ 5. Sunday Pinasaya _____ 10.
Unang Hirit
1953 naitayo sa bansa ang kauna-
unahang estasyon ng telebisyon.
James Lidenberg – Ama ng Telebisyon
sa Pilipinas
Siya ang may-ari ng Bolinao Electronics
Corporation na tinawag na Alto
Broadcasting System o ABS.
Naipakilala ang telebisyon sa bansa
noong 1953 nang ipalabas ng ABS sa
Maynila ang DZAQ-TV.
Pagkalipas ng ilang taon, nabili ng
Chronicle Broadcasting Network (CBN)
na pag-aari nina Eugenio at Fernando
Lopez ang ABS kung kaya naitatag ang
ABS-CBN Network.
Ang ABS-CBN ang pinakamatanda at
nangungunang TV Network sa bansa na
may slogang “In the service of the
Filipino.”
Bukod sa ABS-CBN, nabuo rin ang DZBB
TV Channel 7 na mas kilala ngayon
bilang GMA Network na itinayo ni Bob
Stewart noong 1960. May slogan itong
“Kapuso, anumang kulay ng buhay.”
Noong 1960 rin nabuo ang isa pang
estasyon, ang TV5 na dating kilala sa
pangalang ABC 5 na pag-aari ng
MediaQuest Holdings, Inc. Ito ay may
slogang “Para sa Iyo, Kapatid!”
Binago ng telebisyon ang paraan ng pagpapahayag natin sa mga
kuwento o aral ng buhay. Dati, sinusubaybayan o inaabangan natin ang
mga kuwento ng buhay na umaantig sa ating puso gamit ang mga
imprenta o babasahin o kaya ay sa aktuwal na mga tanghalan.
Dulot na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay nabuo ang
telebisyon na higit na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa
ating paligid gamit ang mga ilaw at kamera.
Mga Kontemporaryong
Programa sa telebisyon
Children Show
Educational
Program
Magazine Show
Morning Show
News Program
Public Service
Program
Travel Show
VarietyShow
Youth-Oriented
Program
Drama Series
Children Show – mga
programa o palabas sa
telebisyon na ang
pangunahing mithiin ay
makuha ang atensyon ng
mga bata sa paraang sila
ay masisiyahan at
mabibigyan ng
impormasyon. Ang Art
Angel, Batibot at Tropang
Potchi ang ilan sa
halimbawa ng palabas na
ito.
Educational Program –
tumatalakay sa mga
bagay na noong una
ay pinag- aaralan
lamang sa
pamamagitan ng mga
nakalimbag na
impormasyon. Ang ilan
sa halimbawa nito ay
Matanglawin, I Believe
at Born to be Wild.
Magazine Show – isang
programang
pantelebisyon na
nagpapalabas ng iba’t
ibang napapanahong
isyu, ito ay may
kaunting panayam at
komentaryo. Ang
palabas na Rated K at
Kapuso Mo, Jessica
Soho! ay mga sikat na
programang kabilang
dito.
Morning Show – tinatawag
din na breakfast television
kung saan nag-uulat ang
programa nang live tuwing
umaga, ang mga
mamamahayag ay may
layuning makapaghatid
ng mga napapanahong
impormasyon sa
manonood. Ang Umagang
kay Ganda at Unang Hirit
ay ilan lamang sa kilalang
programa.
News Program –
naghahatid ng
napapanahong
kaganapan o
pangyayari sa loob at
labas ng bansa, ito’y
kinapalolooban din ng
ilang panayam at
komentaryo. Kabilang
ang TV Patrol at 24 Oras
sa halimbawa nito.
Public Service Program
– naghahatid ng tulong
sa mamamayan o
programang nagiging
daan sa paghahatid ng
tulong. Ang halimbawa
ng programa ay ang
Imbestigador, SOCO at
Bitag.
Travel Show –
naglalahad ng
paglalakbay sa iba’t
ibang bayan o bansa
at nagpapakilala sa
mga produkto na
matatagpuan dito. Ang
palabas na halimbawa
nito ay Biyahe ni Drew
at Lakbai.
Variety Show –
nagbibigay ng tuon sa
patimpalak sa pag-arte,
pag-awit, pagsayaw at
pagpapalabas ng isang
comedy skit. Ang ilan sa
halimbawa ay ang sikat
na palabas na It’s
Showtime at Eat Bulaga.
Youth-Oriented Program –
nakatuon sa pagtalakay
sa isyu ng kabataan.
Karaniwang tema nito ay
ang kanilang buhay pag-
ibig. Ngunit hindi
nawawala ang
pagbibigay o paglalaan
ng eksena sa
pagpapahalagang
pangkatuhan o moral
values. Ang Growing Up,
Luv U at Teen Gen ay
napabibilang dito.
Drama Series – ito
ay palabas na
kinagigiliwan ng
lahat, ito ay
binubuo ng iba’t
ibang tauhan na
nagsasadula sa
isang kuwento.
 Saglit mang natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon
ng paghahari ng Batas Militar ay sinasabing nang matapos ang yugto ng
diktaturyal sa ating bansa ay sumilang ang isang uri ng pamamahayag o
pagbabalita na maituturing na higit na liberal at mapusok ang anyo
sapagkat ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa
kasalukuyan na tinatawag na dokumentaryong pantelebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong Pantelebisyon
Ito ay isang programa o palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibo, mapanuri at masusing pinag-aralang proyekto o palabas
na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa
isyu, problema, kontrobersiyal na balita, at maging ng mga paksang may
kinalaman sa kultura at pamumuhay sa ating lipunan.
Ang dokumentaryong pantelebisyon ay maituturing na
isang uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay
ng mga tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at
damdamin ng isang tao patungkol sa isang isyu.
Dokumentaryong Pantelebisyon
Kilala sa larangan ng dokumentaryong pantelebisyon
ang mga batikang mamamahayag na sina Che-Che Lazaro,
Jessica Soho, Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo,
Jay Taruc at iba pa. Ang mga tanyag na dokumentaryong
pantelebisyon sa bansa ay ang Reporter’s Notebook, I-Witness,
Reel Time, Krusada, Investigative Documentaries, at iba pa.
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31).
PATAYO:
1 Tinatawag itong breakfast television kung saan nag-uulat ang programa nang live tuwing
umaga.
2 Kuwadradong elektronikong kagamitan na nagbigay-kulay at larawan sa mga
pangyayari sa ating paligid gamit ang mga ilaw at kamera.
3 Programang naghahatid ng tulong sa mamamayan.
5 Ang pangunahing mithiin ng show na ito ay makuha ang atensyon ng mga bata sa
paraang sila ay masisiyahan at mabibigyan ng impormasyon.
8 Programang naghahatid ng napapanahong kaganapan o pangyayari sa loob at labas
ng bansa.
9 Ang palabas na halimbawa nito ay Biyahe ni Drew at Lakbai.
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31).
PAHALANG:
4 Ang halimbawa ng programang ito ay Matanglawin, I Believe at Born to be
Wild.
6 Isang programang pantelebisyon na nagpapalabas ng mga napapanahong
isyu, ito’y mayroong panayam at komentaryo.
7 Higit na liberal at mapusok ang palabas na ito sapagkat ito ay tumatalakay sa
mga napapanahong isyu sa kasalukuyan.
10 Nagbibigay ng tuon ang palabas na ito sa patimpalak sa pag-arte, pagawit,
pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit.
Alam mo ba?
Ang rattan (siyentipikong pangalan:
Calameae) na mula sa Arecaceae family
ay isang uri ng halaman na kayang
tumubo mula 250 hanggang 650 na
metro. Ang halamang ito ay makikita sa
Africa, India, at Timog-Silangang Asya.
Ang ratan ay mayroong tendrils sa dulo
ng mga dahon upang makaakyat sa
ibang puno.
https://
www.google.com/search?q=puno+ng+rattan&tbm
=isch&chips=q:puno+ng+rattan,online_chips:plant:
mixt8d_sfrk%3D&bih=545&biw=1242&hl=fil&sa=X&ve
d=2ahUKEwjZ37jCzur9AhVKAN4KHaoBBzgQ4lYoAHo
ECAEQJg#imgrc=uX7s3_FtLJqJVM
https://www.google.com/search?
q=produkto+mula+sa+rattan&tbm=isch&ved=
2ahUKEwj63Yj2zur9AhUYVN4KHZ07CpUQ2-
https://www.google.com/search?
q=produkto+mula+sa+rattan&tbm=isch&ved=2
ahUKEwj63Yj2zur9AhUYVN4KHZ07CpUQ2-
cCegQIABAA&oq=produkto+mula+sa+rattan&
gs_lcp=CgNpbWcQ
https://www.google.com/search?
q=basket+na+gawa+sa+rattan&tbm=isch&
ved=2ahUKEwic-
Zq20Or9AhXNDt4KHceGCAgQ2-
Alam mo ba?
9/10 na tao sa buong mundo ay hindi
naniniwala sa “gender equality” at
ang kanilang “bias” ay pabor sa mga
lalake (75 bansa na may 80% populasyon sa
buong mundo ang katumbas)
Binanggit sa index na sumasalamin ang
“gender bias” na ito sa lakas paggawa,
edukasyon, at mga gawaing bahay.
Makikita pa rin ang reyalidad ng
misogyny at gender discrimination.
Isa sa mga resulta ng pag-aaral, 40% ng mga
kalahok ay naniniwalang mas kailangan ng
mga lalake ang trabaho. Nangangahulugan
ito na ipinagkakait pa rin sa mga kababaihan
ang karapatang mamuhay nang malaya at
maipakita ang kanilang magagawa.
Human Development Reports. (2020). 2020 Gender Social Norms Index (GSNI). Mula sa https
://hdr.undp.org/content/2020-gender-social-norms-index-gsni?fbclid=IwAR1TGW5vj37D1Hi3KZogkqvBfcY-4GF5Rf9kKjyrZyUk7LhRWc1ZyGdw6DE
Mag-reflect Tayo!
Papaano nakatutulong
angdokumentaryong programang
pantelebisyon sa pagtugon sa mga
isyung panlipunan?
Mag-reflect Tayo!
Ano ang malaking papel na
ginagampanan ng mga
dokumentaryong pantelebisyon sa
iyong buhay bilang kabataan?
Dugtungan mo Ako!
Matapos kong mapanood ang dokumentaryong I-
witness ay natutunan kong. . .
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___
Dugtungan mo Ako!
Natuklasan ko sa araling ito na ang tungkulin ng
dokumentaryong pantelebisyon ay. . .
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Kasanayang
Pangwika
Ang Batang Magtatanso at Batang Magbabayuko
Sina Joana Marie, 10 taong gulang at Andrew, 6 na
taong gulang ay itinampok sa Reporter’s Notebook na ini-ere
noong Marso 2013. Sila ay mga batang sa halip na nag-aaral
ay naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paghahanap ng
piraso ng kable sa basurahan bunga ng kahirapan. Ang mga
ito ay kanilang sinusunog upang makuha ang tanso.
Bagama’t pumutok ang kableng kanilang sinunog ay hindi
kinakitaan ng takot ang batang si Joana dahil ayon sa kanya
ay gagawin niya ang lahat upang maibigay ang
pangangailangan ng kanyang inang biyuda. Ang ganitong
gawain ay tinatawag na extreme risk o isang uri ng
mapanganib na child labor sa buong mundo ayon sa
Maplecroft.
Samantala noong buwan ng Agosto ng nasabi ring taon
ay isa pang dokumentaryong kahawig ng mga batang
magtatanso ang ipinalabas ng Reporter’s Notebook, ito ay
ang mga batang magbabayuko. Sila ay mga batang
naghahanap ng malalaking susong tinatawag na bayuko sa
kabundukan sa halip na nag-aaral o pumapasok sa paaralan.
Sila ay sina John Paul, Ronald, Gaspar, at Enteng, mga
batang taga-Daraitan, Tanay, Rizal. Halos maghapon silang
naghahanap ng bayuko sa bundok kaya’t pinagbabaon na
sila ng pagkain ng kanilang magulang. Ito ay kanilang
ibinebenta ng P3.00 hanggang P5.00 bawat isa kaya kumikita
sila ng P30.00 hanggang P100.00 isang araw.
1. Ano ang naramdaman mo nang iyong mabasa
ang ulat?
2. Ano ang ipinakikita ng nasabing ulat nina Maki
Pulido at Jiggy Manicad?
3. Kung ikaw ang nasa kanilang kalagayan, gagawin
mo rin ba ang kanilang ginagawa?
I-proseso Natin!
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang
lohikal na maipakita ang ugnayan upang madaling makuha o
maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o
nagpapahayag.
Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay at iba pang
ekspresyon ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga
pahayag.
Isaisip Natin!
Ekspresyong Hudyat ng
Kaugnayang Lohikal
SANHI AT BUNGA
Ang lohikal na
ugnayan ng sanhi at bunga
ay dapat na maliwanag na
Makita ng mga
mambabasa o
tagapakinig. Ang mga
pangatnig na sapagkat,
pagkat, palibhasa, dahil,
kasi, kaya at iba ay
madalas na ginagamit.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang
mabuti sa kanyang pag-
aaral kaya gumanda
ang kanyang buhay.
 Bunga ng kahirapan ang
maaga niyang pag-
aasawa.
PARAAN at RESULTA
Nagsasaad kung
paano nakuha ang
resulta. Ang pang-
ugnay na sa ay
karaniwang ginagamit
sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagbago ang
kanyang buhay sa tulong
ng kanyang mga
kaibigan.
 Sa sipag niyang mag-
aral, nanguna siya sa
klase.
KONDISYON at RESULTA
Sa ugnayang ito,
ipinakikitang maaaring
maganap o sumalungat
ang pangyayari kung
isasagawa ang kondisyon.
Ang pang-ugnay na kung,
kapag, sana, sakali ay
maaaring gamitin sa
ugnayang ito.
Halimbawa:
 Kung nagsisikap ka
sa buhay, hindi ka
mananatiling mahirap.
 Magiging matagumpay
ka sa buhay kapag
susundin mo ang payo
ng iyong mga magulang.
PARAAN at LAYUNIN
Isinasaad ng
ugnayang ito kung paano
makakamit ang layunin
gamit ang paraan. Ang
mga pang-ugnay na
upang, para, nang at iba
pa ay ginagamit ditto.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang
mabuti sa pag-aaral
upang mabago ang
kanyang buhay.
 Para makakuha nang
mataas na marka, nag-
aral siya nang mabuti.
PAG-AALINLANGAN at
PAG-AATUBILI
Ito ay magkaugnay
sapagkat ang nag-aalinlangan o
nagdududa ay nag-aatubili o
hindi kaagad isinasakatuparan o
pinaniniwalaan ang isang bagay.
Gayundin, ang nag-aatubili ay
bunga ng nag-aalinlangan. Ang
mga salitang hindi sigurado,
yata, tila, baka, marahil, at iba
pa ay maaaring gamitin sa
ganitong pahayag kasama na
ang pang-ugnay na kaya,
samakatuwid, kung gayon.
Halimbawa:
 Tila mahirap ang
sinasabi mo kaya hindi
ko magagawa ang
bagay na iyan.
 Marahil nakatulog siya
nang maaga kaya hindi
siya nakapag-reply sa
chat ko.
PAGTITIYAK at
PAGPAPASIDHI
Ito ay ugnayang
nagsasaad ng katiyakan o
kasidhian. Ilan sa mga
salitang ginagamit dito ay
ang siyang tunay, walang
duda, sa katotohanan,
talaga, tunay, siyempre
kasama ang pang-ugnay
na na at nang.
Halimbawa:
 Talagang hindi
hadlang ang kahirapan
sa buhay upang
magtagumpay.
 Nang dahil sa kanyang
kasipagan, walang
dudang makakpagtapos
siya ng pag-aaral.
Layunin: Nakikilala ang ugnayang lohikal na taglay ng pangungusap.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng ugnayang lohikal ang ginamit sa mga
sumusunod na pangungusap.
1. Naabutan mo sana siya kung maaga kang dumating.
2. Napuri si Honesto sa kanyang pagsasabi ng katotohanan.
3. Si Alex ang pinakamahusay na karpintero, dahil dito siya ang
naging foreman.
4. Tunay na ang kaginhawaan ay makakamtan sa pagsusumikap.
5. Itinaas niya ang kanyang kamay upang mapansin ng guro.
Pagsasanay
Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal (F8WG-IIIe-f-32).
Panuto: Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang gamit
ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.
1. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sa pag-aaral ng malaking
bahagdan ng mga kabataang mag-aaral sa bansa.
2. Magbigay ng ilang paraan at resulta ng isang proyektong
pangkabataan sa inyong lugar.
3. Sabihin ang isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-
aalinlangan.
4. Ipahayag ang isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong
pasidhiin upang makatulong sa iba.
5. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang
hakbang na hindi pinag-iisipan.
Pagsasanay

Kontemporaryong_Programang_Pantelebisyon.pptx

  • 1.
  • 2.
    Sa pagtatapos ngaralin, ikaw ay inaasahang:  Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31).  Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o mensahe (F8PN-IIIe-f-30)  Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa (F8PB-IIIe-f-31).  Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan (F8PD-IIIe-f-31).  Nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong pantelebisyon ang mga ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal (F8PU-IIIe-f-32).  Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulat) (F8WG-IIIe-f-32).
  • 3.
    Paunang Pagtataya! Panuto: Suriinang sumusunod na palabas sa telebisyon. Isulat ang DP kung ito ay dokumentaryo, MS kung ito naman ay morning show, NP kung ang uri ng palabas ay news program, at VS kung ito ay variety show. _____ 1. 24 Oras _____ 6. The Voice Kid _____ 2. Eat Bulaga _____ 7. TV Patrol _____ 3. Investigative Documentaries _____ 8. Umagang Kayganda _____ 4. Reel Time _____ 9. I-Witness _____ 5. Sunday Pinasaya _____ 10. Unang Hirit
  • 4.
    1953 naitayo sabansa ang kauna- unahang estasyon ng telebisyon. James Lidenberg – Ama ng Telebisyon sa Pilipinas Siya ang may-ari ng Bolinao Electronics Corporation na tinawag na Alto Broadcasting System o ABS. Naipakilala ang telebisyon sa bansa noong 1953 nang ipalabas ng ABS sa Maynila ang DZAQ-TV.
  • 5.
    Pagkalipas ng ilangtaon, nabili ng Chronicle Broadcasting Network (CBN) na pag-aari nina Eugenio at Fernando Lopez ang ABS kung kaya naitatag ang ABS-CBN Network. Ang ABS-CBN ang pinakamatanda at nangungunang TV Network sa bansa na may slogang “In the service of the Filipino.”
  • 6.
    Bukod sa ABS-CBN,nabuo rin ang DZBB TV Channel 7 na mas kilala ngayon bilang GMA Network na itinayo ni Bob Stewart noong 1960. May slogan itong “Kapuso, anumang kulay ng buhay.” Noong 1960 rin nabuo ang isa pang estasyon, ang TV5 na dating kilala sa pangalang ABC 5 na pag-aari ng MediaQuest Holdings, Inc. Ito ay may slogang “Para sa Iyo, Kapatid!”
  • 7.
    Binago ng telebisyonang paraan ng pagpapahayag natin sa mga kuwento o aral ng buhay. Dati, sinusubaybayan o inaabangan natin ang mga kuwento ng buhay na umaantig sa ating puso gamit ang mga imprenta o babasahin o kaya ay sa aktuwal na mga tanghalan. Dulot na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay nabuo ang telebisyon na higit na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa ating paligid gamit ang mga ilaw at kamera.
  • 8.
    Mga Kontemporaryong Programa satelebisyon Children Show Educational Program Magazine Show Morning Show News Program Public Service Program Travel Show VarietyShow Youth-Oriented Program Drama Series
  • 9.
    Children Show –mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay makuha ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyan ng impormasyon. Ang Art Angel, Batibot at Tropang Potchi ang ilan sa halimbawa ng palabas na ito.
  • 10.
    Educational Program – tumatalakaysa mga bagay na noong una ay pinag- aaralan lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon. Ang ilan sa halimbawa nito ay Matanglawin, I Believe at Born to be Wild.
  • 11.
    Magazine Show –isang programang pantelebisyon na nagpapalabas ng iba’t ibang napapanahong isyu, ito ay may kaunting panayam at komentaryo. Ang palabas na Rated K at Kapuso Mo, Jessica Soho! ay mga sikat na programang kabilang dito.
  • 12.
    Morning Show –tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat ang programa nang live tuwing umaga, ang mga mamamahayag ay may layuning makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon sa manonood. Ang Umagang kay Ganda at Unang Hirit ay ilan lamang sa kilalang programa.
  • 13.
    News Program – naghahatidng napapanahong kaganapan o pangyayari sa loob at labas ng bansa, ito’y kinapalolooban din ng ilang panayam at komentaryo. Kabilang ang TV Patrol at 24 Oras sa halimbawa nito.
  • 14.
    Public Service Program –naghahatid ng tulong sa mamamayan o programang nagiging daan sa paghahatid ng tulong. Ang halimbawa ng programa ay ang Imbestigador, SOCO at Bitag.
  • 15.
    Travel Show – naglalahadng paglalakbay sa iba’t ibang bayan o bansa at nagpapakilala sa mga produkto na matatagpuan dito. Ang palabas na halimbawa nito ay Biyahe ni Drew at Lakbai.
  • 16.
    Variety Show – nagbibigayng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit. Ang ilan sa halimbawa ay ang sikat na palabas na It’s Showtime at Eat Bulaga.
  • 17.
    Youth-Oriented Program – nakatuonsa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay ang kanilang buhay pag- ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng eksena sa pagpapahalagang pangkatuhan o moral values. Ang Growing Up, Luv U at Teen Gen ay napabibilang dito.
  • 18.
    Drama Series –ito ay palabas na kinagigiliwan ng lahat, ito ay binubuo ng iba’t ibang tauhan na nagsasadula sa isang kuwento.
  • 19.
     Saglit mangnatigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng paghahari ng Batas Militar ay sinasabing nang matapos ang yugto ng diktaturyal sa ating bansa ay sumilang ang isang uri ng pamamahayag o pagbabalita na maituturing na higit na liberal at mapusok ang anyo sapagkat ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan na tinatawag na dokumentaryong pantelebisyon. Dokumentaryong Pantelebisyon
  • 20.
    Dokumentaryong Pantelebisyon Ito ayisang programa o palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo, mapanuri at masusing pinag-aralang proyekto o palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa isyu, problema, kontrobersiyal na balita, at maging ng mga paksang may kinalaman sa kultura at pamumuhay sa ating lipunan. Ang dokumentaryong pantelebisyon ay maituturing na isang uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng mga tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at damdamin ng isang tao patungkol sa isang isyu.
  • 21.
    Dokumentaryong Pantelebisyon Kilala salarangan ng dokumentaryong pantelebisyon ang mga batikang mamamahayag na sina Che-Che Lazaro, Jessica Soho, Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at iba pa. Ang mga tanyag na dokumentaryong pantelebisyon sa bansa ay ang Reporter’s Notebook, I-Witness, Reel Time, Krusada, Investigative Documentaries, at iba pa.
  • 23.
    Natutukoy ang mgatamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31). PATAYO: 1 Tinatawag itong breakfast television kung saan nag-uulat ang programa nang live tuwing umaga. 2 Kuwadradong elektronikong kagamitan na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa ating paligid gamit ang mga ilaw at kamera. 3 Programang naghahatid ng tulong sa mamamayan. 5 Ang pangunahing mithiin ng show na ito ay makuha ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyan ng impormasyon. 8 Programang naghahatid ng napapanahong kaganapan o pangyayari sa loob at labas ng bansa. 9 Ang palabas na halimbawa nito ay Biyahe ni Drew at Lakbai.
  • 24.
    Natutukoy ang mgatamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31). PAHALANG: 4 Ang halimbawa ng programang ito ay Matanglawin, I Believe at Born to be Wild. 6 Isang programang pantelebisyon na nagpapalabas ng mga napapanahong isyu, ito’y mayroong panayam at komentaryo. 7 Higit na liberal at mapusok ang palabas na ito sapagkat ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan. 10 Nagbibigay ng tuon ang palabas na ito sa patimpalak sa pag-arte, pagawit, pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit.
  • 25.
    Alam mo ba? Angrattan (siyentipikong pangalan: Calameae) na mula sa Arecaceae family ay isang uri ng halaman na kayang tumubo mula 250 hanggang 650 na metro. Ang halamang ito ay makikita sa Africa, India, at Timog-Silangang Asya. Ang ratan ay mayroong tendrils sa dulo ng mga dahon upang makaakyat sa ibang puno. https:// www.google.com/search?q=puno+ng+rattan&tbm =isch&chips=q:puno+ng+rattan,online_chips:plant: mixt8d_sfrk%3D&bih=545&biw=1242&hl=fil&sa=X&ve d=2ahUKEwjZ37jCzur9AhVKAN4KHaoBBzgQ4lYoAHo ECAEQJg#imgrc=uX7s3_FtLJqJVM
  • 26.
  • 28.
    Alam mo ba? 9/10na tao sa buong mundo ay hindi naniniwala sa “gender equality” at ang kanilang “bias” ay pabor sa mga lalake (75 bansa na may 80% populasyon sa buong mundo ang katumbas) Binanggit sa index na sumasalamin ang “gender bias” na ito sa lakas paggawa, edukasyon, at mga gawaing bahay. Makikita pa rin ang reyalidad ng misogyny at gender discrimination. Isa sa mga resulta ng pag-aaral, 40% ng mga kalahok ay naniniwalang mas kailangan ng mga lalake ang trabaho. Nangangahulugan ito na ipinagkakait pa rin sa mga kababaihan ang karapatang mamuhay nang malaya at maipakita ang kanilang magagawa. Human Development Reports. (2020). 2020 Gender Social Norms Index (GSNI). Mula sa https ://hdr.undp.org/content/2020-gender-social-norms-index-gsni?fbclid=IwAR1TGW5vj37D1Hi3KZogkqvBfcY-4GF5Rf9kKjyrZyUk7LhRWc1ZyGdw6DE
  • 29.
    Mag-reflect Tayo! Papaano nakatutulong angdokumentaryongprogramang pantelebisyon sa pagtugon sa mga isyung panlipunan?
  • 30.
    Mag-reflect Tayo! Ano angmalaking papel na ginagampanan ng mga dokumentaryong pantelebisyon sa iyong buhay bilang kabataan?
  • 31.
    Dugtungan mo Ako! Mataposkong mapanood ang dokumentaryong I- witness ay natutunan kong. . . _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ ___
  • 32.
    Dugtungan mo Ako! Natuklasanko sa araling ito na ang tungkulin ng dokumentaryong pantelebisyon ay. . . _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________
  • 33.
  • 34.
    Ang Batang Magtatansoat Batang Magbabayuko Sina Joana Marie, 10 taong gulang at Andrew, 6 na taong gulang ay itinampok sa Reporter’s Notebook na ini-ere noong Marso 2013. Sila ay mga batang sa halip na nag-aaral ay naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paghahanap ng piraso ng kable sa basurahan bunga ng kahirapan. Ang mga ito ay kanilang sinusunog upang makuha ang tanso.
  • 35.
    Bagama’t pumutok angkableng kanilang sinunog ay hindi kinakitaan ng takot ang batang si Joana dahil ayon sa kanya ay gagawin niya ang lahat upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang inang biyuda. Ang ganitong gawain ay tinatawag na extreme risk o isang uri ng mapanganib na child labor sa buong mundo ayon sa Maplecroft.
  • 36.
    Samantala noong buwanng Agosto ng nasabi ring taon ay isa pang dokumentaryong kahawig ng mga batang magtatanso ang ipinalabas ng Reporter’s Notebook, ito ay ang mga batang magbabayuko. Sila ay mga batang naghahanap ng malalaking susong tinatawag na bayuko sa kabundukan sa halip na nag-aaral o pumapasok sa paaralan.
  • 37.
    Sila ay sinaJohn Paul, Ronald, Gaspar, at Enteng, mga batang taga-Daraitan, Tanay, Rizal. Halos maghapon silang naghahanap ng bayuko sa bundok kaya’t pinagbabaon na sila ng pagkain ng kanilang magulang. Ito ay kanilang ibinebenta ng P3.00 hanggang P5.00 bawat isa kaya kumikita sila ng P30.00 hanggang P100.00 isang araw.
  • 38.
    1. Ano angnaramdaman mo nang iyong mabasa ang ulat? 2. Ano ang ipinakikita ng nasabing ulat nina Maki Pulido at Jiggy Manicad? 3. Kung ikaw ang nasa kanilang kalagayan, gagawin mo rin ba ang kanilang ginagawa? I-proseso Natin!
  • 39.
    Sa paglalahad aymahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o nagpapahayag. Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay at iba pang ekspresyon ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag. Isaisip Natin! Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
  • 40.
    SANHI AT BUNGA Anglohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat na maliwanag na Makita ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya at iba ay madalas na ginagamit. Halimbawa:  Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag- aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.  Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag- aasawa.
  • 41.
    PARAAN at RESULTA Nagsasaadkung paano nakuha ang resulta. Ang pang- ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag. Halimbawa:  Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.  Sa sipag niyang mag- aral, nanguna siya sa klase.
  • 42.
    KONDISYON at RESULTA Saugnayang ito, ipinakikitang maaaring maganap o sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang pang-ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa ugnayang ito. Halimbawa:  Kung nagsisikap ka sa buhay, hindi ka mananatiling mahirap.  Magiging matagumpay ka sa buhay kapag susundin mo ang payo ng iyong mga magulang.
  • 43.
    PARAAN at LAYUNIN Isinasaadng ugnayang ito kung paano makakamit ang layunin gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay na upang, para, nang at iba pa ay ginagamit ditto. Halimbawa:  Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang buhay.  Para makakuha nang mataas na marka, nag- aral siya nang mabuti.
  • 44.
    PAG-AALINLANGAN at PAG-AATUBILI Ito aymagkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang nag-aatubili ay bunga ng nag-aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama na ang pang-ugnay na kaya, samakatuwid, kung gayon. Halimbawa:  Tila mahirap ang sinasabi mo kaya hindi ko magagawa ang bagay na iyan.  Marahil nakatulog siya nang maaga kaya hindi siya nakapag-reply sa chat ko.
  • 45.
    PAGTITIYAK at PAGPAPASIDHI Ito ayugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, walang duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama ang pang-ugnay na na at nang. Halimbawa:  Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay upang magtagumpay.  Nang dahil sa kanyang kasipagan, walang dudang makakpagtapos siya ng pag-aaral.
  • 46.
    Layunin: Nakikilala angugnayang lohikal na taglay ng pangungusap. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng ugnayang lohikal ang ginamit sa mga sumusunod na pangungusap. 1. Naabutan mo sana siya kung maaga kang dumating. 2. Napuri si Honesto sa kanyang pagsasabi ng katotohanan. 3. Si Alex ang pinakamahusay na karpintero, dahil dito siya ang naging foreman. 4. Tunay na ang kaginhawaan ay makakamtan sa pagsusumikap. 5. Itinaas niya ang kanyang kamay upang mapansin ng guro. Pagsasanay
  • 47.
    Layunin: Nagagamit nangwasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (F8WG-IIIe-f-32). Panuto: Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal. 1. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sa pag-aaral ng malaking bahagdan ng mga kabataang mag-aaral sa bansa. 2. Magbigay ng ilang paraan at resulta ng isang proyektong pangkabataan sa inyong lugar. 3. Sabihin ang isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag- aalinlangan. 4. Ipahayag ang isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong pasidhiin upang makatulong sa iba. 5. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang hakbang na hindi pinag-iisipan. Pagsasanay