2. Mailalarawan ang mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
Masundan ang wastong mga hakbang sa
proseso ng pagkondak ng pulong, miting o
asemblea.
Makabuo ng isang iskrip para sa
pagsasagawa ng isang pgpupulong.
3. Ang pulong o mas kilala sa tawag na
miting ay ang pagtitipon-tipon ng mga
tao na karaniwan ay kasapi sa isang
grupo o samahan na may itinataguyod
na layunin.
Ang katitikan ng pulong ay
naglalaman ng mga bagay at paksang
pinag usapan sa pagpupulong.
4. Isang malakihang pagpupulong.
Ang Kapulungan Pambansa ng
Pilipinas (National Assembly of the
Philippines; Asamblea Nacional de
Filipinas ) ay naging lehislatura ng
Komonwelt ng Pilipinas mula 1935
hanggang 1941 at ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas.
5. Nagtatag ng isang Bangko para sa mga
magsasaka.
Nagtibay ng batas para maipalaganap ang
edukasyon sa buong bansa.
Nagpaunlad ng sisitema ng transportasyon at
komunikasyon sa pamamagitan ng mga daan,
tulay, pahatiran tulad ng telepono at telegrapo.
Nagpagawa ng maraming poso at patubig
6. Nagpatibay ng batas na lumikha sa
Kawanihan ng Paggawa at mga kaugnayan
nito.
Nagtakda ng “Araw ng Paggawa” tuwing
unang araw ng Mayo.
Nagtakda ng Pambansang Aklatin at
pampublikong mga gusali.
7. 1. Pagpaplano (Planning). Mga tanong na dapat masagot
kapag nagpaplano ng isang pulong:
A. Ano ba dapat makuha o maabot ng grupo pagkatapos ng
pulong?
B. Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong?
C. Kung kinakailangan magpulong, linawin ang layunin ng
pulong: ito bay ay pagbibigay lamang ng impormasyon?
D. May mga kailangan bang pagpasyahan? Mahalaga ito
upang malinaw kung sino ang iimbitahan sa pulong.
8. E. Magkakaroon ng malinaw na layunin, kung bakit
may pagpupulong?:
Pagpaplano para sa organisasyon (planning)
Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa
kasapi)
Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang
sagutin ng ilang miyembro lamang)
Paglutas ng problema (may suliranin na dapat
magkaisa ang lahat)
Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o
proyekto)
9. 2. Paghahanda (Arranging).
- Isang paghahanda sa pulong ang
pag-iimbita ng sangkot ito. Ang
imbitasyon (by letter, text o verbal),
kailangan sabihang ang mga taong
dumalo sa pulong: kung kailan (petsa
at oras), saan (lugar ng pulong) at
kung ano ang agenda (mga dapat
pag-uusapan) na tatalakayin.
10. MGA TAONG KASANGKOT AY ANG SUMUSUNOD: A.
Chairman/President (presiding officer), kailangan alam
niya ang agenda, kung paano patatakbuhin ang pulong, at
alam kung paano hahawakan ang mga mahihirap o
kontrobersyal na mga isyu.
B. Secretary (kalihim), Kaiangan niyang ihanda ang
katitikan (minutes of the meeting) o talaan noong
nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng
organisasyon.
C. Mga kasapi sa pulong (members), Kailangan pag-aralan
nila ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo
ang kanilang pakikilahok.
11. D. Pinuno (chairperson), Tinatawag ding facilitator
tagapatnubay o meeting leader. Sinisigurado niya na maayos
ang takbo ng pag-uusap at pagdedesiyon. Ang Chairperson
ay parang pulis-trapiko nasiyang nagpapaandar o
nagpapahinto ng usapan sa pulong.
Nangunguna at nag aambag sa usapan.
Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga
bagay na pinag-uusapan.
Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at
nagpapatawa sa mga usapan.
Nag-aayos ng sistema ng pulong.
Namamagitan sa mga alitan o hindi pagkakaunawaan ng
mga kasama sa pulong.
12. E. Sa imbitasyon dapat ipaalam ang mga pag-
uusapan/tatalakayin (agenda of the meeting). Ang salitang
Agenda ay nagmula sa pandiwang latin na agree na
nangangahulugang gagawin.
F. At para sa iba pang paghahanda nararapat namagkaroon
tayo ng tseklist katulad ng mga sumusunod:
Ihanda ang lugar, mesa, upuan, pagkain kung
kinakailangan, palikuran, kasiguruhan o security, at iba pa.
Ang mga gagamiting pisara o blackboard, chalk or pentel
pen, at iba pa.
Pag aralan (research) ang mga topiko na tatalakayin, kung
kinakailangan magtalaga (assign) ng taong higit na
nakakaalam sa usapin.
13. 3. Pagpoproseso (Processing).
- Ang pulong ay dapat mayroong mga “rules, procedures
o standing orders” kung paano ito patatakbuhin.
NARITO ANG RULING SA PROSESO NG
PAGPUPULONG:
A. Quorum
- ito ay bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na
dapat dumalo para sa opisyal ang pulong.
B. Consensus
- Isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan
kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga
kasapi sa pulong.
14. C. Simpleng mayorya
- Isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan
kinakailangan ang 50% + 1 (simply majority) ng
pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo
sa isang opisyal na pulong.
D. 2/3 majority
- kinakailangan ay 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o
hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal
na pulong.
15. 4. Habang sa panahon ng Pulong
A. Pagbubukas ng pulong (date, day, time, and place of
meeting)
B. Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang
pulong (reading the minutes of the previous meeting)
C. Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa
nakaraang pulong (pending matters)
D. Pinakamahalagang pag-uusapan (business of the day)
E. Ibang paksa (other matters)
F. Pagkatapos ng pulong (adjournment)
16. 5. Magsimula at magtapos sa takdang oras
A. Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras.
B. Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras,
alalahanin, ang ibang kasapi ay may iba pang
nakatakdang gagawin.
6. Pagtatala (recording)
- Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes)
ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na rekord ng mga
desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong balikan
ng organisasyon kung may kinakailangang linawin sa mga
nakaraang pag-uusap.