SlideShare a Scribd company logo
LORD’SHAND ACADEMY INC.
Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue,
Pinagbuhatan, Pasig City
Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 01, 2019
Araw at Oras: Lunes (9:10 – 10:30 AM, 10:40 –
12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.)
Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Aralin 1: Ang Kwentong Bayan
MGALAYUNIN
Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :
 Natutukoy ang kahulugan, kasaysayan,at mga uri ng kuwentong-bayan
 Naibabahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaralng mga kuwentong-bayan; at
 Nasusuri ang mga kaugalian at tradisyon na sinasalamin sa kuwentong-bayan na binasa at tinalakay.
Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Larawan ng matsing at pagong, word map ng salitang tuso, K-W-L chart, video
clip ng Alamat ng Bulkang Mayon at Power Point presentation at Laptop.
Sanggunian:
● Filipino 7, Yunit 1: Si Pilandok at ang Kaharian ng Dagat. Aralin 1: Ang Kuwentong-bayan. Quipper Study
Guide. 2018
● Si Pilandok sa Kaharian sa Dagat. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=V5m1VWaygDM
● Pagong at Matsing. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=U_d-aQ7i5sU
● Kung Bakit Umuulan? YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=eKJU3gt2YZw
Keywords: Mapanlinlang, namataan,at tuso.
PAMAMARAAN
Panimulang gawain:
Springboard – Ipagawa:Ibigay mo na! (Slide 3)
1. Ang larong ito ay gaya ng programang It’s Showtime. Babanggitin ng mga mag-aaral ang pamagat ng
kuwentong-bayan na kanilang nabasa noong sila ay nasa elementarya.
2. Ang mga mag-aaral ay kailangang makapagbanggit ng kuwento at kinakailangan na hindi maulit ang sagot.
3. Itanong:
● Ano ang karaniwang nilalaman ng mga kuwentong inyong nabasa?
● Masasabibang naging kawili-wili ang pagbabasa ninyo ng mga kuwentong inyong nabanggit?
Panganyak:
Ipakita ang larawan ng sikat na kuwentong “Si Pagong at si Matsing.”
Mga Gabay na tanong:
 Natatandaan mo ba ang nilalaman ng kuwentong ipinapakita sa larawan?
Ipagawa: Batay sa kuwento, magtala ng inyong sariling pakahulugan sa salitang TUSO gamit ang word map.
PAGSUSURI
Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Paksa: Ang Kuwenong Bayan
Estratehiya sa Pagtuturo:
Ang guro ay magbibigay ng pangkatang gawain. Bawat pangkat ay magsasaliksik tungkol sa kasaysayan,
nilalaman, at uri ng kuwentong bayan gamit ang Internet, matapos makapagsaliksik ay ibahagi ito sa klase
sa pamamagitan ng pag-uulat.
Talakayan: Isa sa mga tatalakayin kung paano lumaganap ang panitikan sa pilipinas at ang mga karunungang
bayang matatawag sa ating bansa.
Mga Gabay na tanong:
 Paano nagsimula ang paglaganap ng kuwentong-bayan sa ating bansa? Bakit natatangi ang asya?
 Bakit sa panahon ng Espanyol ay walang nailathalang kuwentong-bayan?
 Ano ang dahilan bakit kawili-wiling basahin ang mga kuwentong bayan?
 Bakit masasabi nating nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon ang mga kuwentong bayan?
 Sa pamamagitan ng mga kaalamang natalakay ukol sa kuwentong bayan, paano mo masasabing
sumasalamin sa tradisyon at kaugalian ng lugar na pinagmulan ang isang kuwentong-bayan?
Paglalahat: Ang Guro ay tatawag ng mga piling mag-aaralupang sagutin ang inihandang katanungan.
Mahalagang Tanong:
● Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kuwentong-bayan?
● Paano sumasalamin ang kuwentong-bayan sa kaugalian at kalagayang panlipunan?
Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan:
● Bilang isang kabataan,paano mo mapahahalagahan at maisasabuhay ang mga kaugalian o tradisyon na
ipinapakita sa mgakuwentong-bayannaiyong nababasa o natatalakay?
PAGLALAPAT
A. Pagtataya: Ipatutukoy ng Guro ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay TAMA O MALI
1. Ang Pilipinas ay mayroon nang sariling alpabeto bago pa dumating ang mga kastila_____
2. Ang Pilipinas ay wala pang panitikan noong unang panahon___________
3. Ang mga babaylan noong unang panahon ang nagssisilbing guro ng mga tao. _____________
4. Bulong ang sinasabing kauna-unahang panitikang lumaganap sa pilipinas____________
5. Ang karunungang bayan ay hindi na nagagamit ngayon sa kasalukuyan_____________
ASSESSMENT
LAYUNIN
MGA INAASAHANG
MAKAMIT NG MAG-
AARAL PAGKATAPOS NG
ARALIN
NAISAGAWA
KATAMTAMANG
NAISAGAWA
HINDI
NAISAGAWA
Salawikain,
Sawikain,
Bugong, Bulong,
Palaisipan
Natutukoy ang kahulugan,
kasaysayan,at mga uri ng
kuwentong-bayan
Mga panitikang
lumaganap
noong unang
panahon
Naibabahagi ang kahalagahan ng
pagbabasa at pag-aaralng mga
kuwentong-bayan
mga kilos o gawi
at pag-uugali ng
ating mga
ninuno noong
unang panahaon
Nasusuri ang mga kaugalian at
tradisyon na sinasalamin sa
kuwentong-bayan na binasa at
tinalakay.
LORD’SHAND ACADEMY INC.
Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue,
Pinagbuhatan, Pasig City
Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 03, 2019
Araw at Oras: Miyerkules (9:10 – 10:30 AM,
10:40 – 12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.)
Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kasingkahulugan at
Kasalungat Ayon sa Gamit sa Pangungusap.
MGALAYUNIN
Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :
 Natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nagbibigay-katangian sa mga larawan;
 Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kaalaman sa bokabularyo sa pakikipagtalastasan; at
 Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita.
Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Larawan, Power Point presentation at Laptop at Tv.
Sanggunian:
● Filipino 7, Yunit 1: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat. Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kasingkahulugan at
Kasalungat ayon sa Gamit sa Pangungusa
Keywords: Naiisahan, namataan,sumisid, at nag-aalangan.
PAMAMARAAN
Panimulang gawain:
Springboard – Ipagawa:Wika-natics (Slide 3)
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap. Ipatukoy ang kahulugan o nais ipahiwatig ng salitang
nakadiin batay sa gamit sa pangungusap at ibigay ang kasing kahulugan ng mga ito.
● Datu man siya pero naiisahan din siya ng isang matalinong binata.
● Isang araw,habang lumilibot si Pilandok sa palengke ay namataan siya ng datu.
● Pagdating sa dagat, agad na sumisid siPilandok at pagkaahon ay may dala na itong perlas.
● Nilapitan siyang negosyante at nagsalaysay siyang ipakakasal daw siya sa prinsesa ngunit siya ay nag-aalanganb
2. Itanong: Nakatulong ba ang pagtukoy mo ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nakadiin upang
matukoy o maunawaan mo ang nais ipahiwatig ng pahayag?
Panganyak:
Larawanatics (Slide 4 - 5) – Pagpapakita ng ga larawan at ipapatukoy ang ugnayan ng mga larawan kung ito ba
ay magkapareho ng katangian o magkaiba.
Mga Gabay na tanong:
1. Ano-anong mga larawan ang magkatulad? Alin naman ang magkaiba?
2. Sa papaanong paraan mo nasabing magkatulad at magkaiba ang mga larawan?
3. Maaari ka bang bumuo ng mga pangungusap na gumagamit ng mga salitang naglalarawan sa mga nasa larawan
at nagpapakita ng kanilang pagkakatulad o pagkakaiba?
Halimbawa.: mabagal – mabilis
Ipagawa: Batay sa unang pares ng larawan, kailangan itong gawan ng mga mag-aaralng pangungusap
PAGSUSURI
Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Paksa: Kahulugan ng Salita: Kasingkahulugan at Kasalungat Ayon sa Gamit sa Pangungusap.
Estratehiya sa Pagtuturo:
Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase, bawat grupo ay bubuo ng sampung pangungusap mula sa akdang “Kung
Bakit Umuulan?” Kinakailangang bumuo ng mga pangungusap na naglalaman ng ilang salita na malalim ang
kahulugan at maaarilang matukoy sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng kasingkahulugan o kasalungat nito.
Talakayan: (Hahayaan ang mga mag-aaral na iulat ito sa klase at pasagutan sa kapwa kamag-aral.
Mga Gabay na tanong:
 Sa papaanong paraan natin natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salita?
 Sa palagay mo paano nakatulong ang paggamit ng mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa iyong
pahayag?
 Sa papaanong paraan nakatutulong ang malawak na bokabularyo sa ating pagbuo ng mga pahayag?
Paglalahat: Ang Guro ay tatawag ng mga piling mag-aaralupang sagutin ang inihandang katanungan.
Mahalagang Tanong:
● Mahalaga bang malawak ang ating bokabularyo?
● Bakit mahalagang sinusuri natin ang nilalaman ng mga pangungusap?
● Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan sa pagtukoy ng
nilalaman o nais ipahiwatig ng isang pahayag?
Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan:
● Bakit mahalaga ang mga kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita sa pakikipagtalastasan o
pakikipag-usap?
● Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan sa pagtukoy
ng nilalaman o nais ipahiwatig ng isang pahayag?
PAGLALAPAT
A. Pagtataya: Basahin nang mabuti ang pangungusap at tukuyin naman ang kasalungat ng
salitang nakadiin at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
1. Sa tagal ng panahon ay naging marupok na ang mga kahoy na naging haligi ng bahay ng kanilang lola.
2. Isa siyang sinungaling sapagkat sinabi niyang natapos niya na ang kaniyang mga takdang-aralin kahit ni isa
ay wala pa siyang nasisimulan.
3. Makipot ang daan papunta sa kanilang bahay kaya naman nahirapan ang mga bumisita sa kanilang
marating ito.
4. Nais niyang tumalas pa lalo ang isipin kaya palagi siyang nagbabasa ng mga aklat.
5. Bawal ang batugan sa aming tahanan sapagkat sinanay kami ng aming magulang na magsumikap
sa buhay.
ASSESSMENT
LAYUNIN
MGA INAASAHANG
MAKAMIT NG MAG-
AARAL PAGKATAPOS NG
ARALIN
NAISAGAWA
KATAMTAMANG
NAISAGAWA
HINDI
NAISAGAWA
Pabibigay ng
isang salita at
ang kasalungat
na salita nito.
Natutukoy ang kasingkahulugan at
kasalungat ng mga salitang
nagbibigay-katangian sa mga
larawan
Nagagamit ang
mga salitang
kasalungat sa
pakikipagtalast
asan.
Naisasabuhay ang kahalagahan ng
pagpapalawak ng kaalaman sa
bokabularyo sa pakikipagtalastasan
Nakabubuo ng
salitang may
kasing
kasalungat
Nakabubuo ng mga pangungusap
gamit ang kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan ng mga
salita.
matibay tapat malapad pumurol masipag
mahina manloloko masikip tumalim maalaga
LORD’SHAND ACADEMY INC.
Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue,
Pinagbuhatan, Pasig City
Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 05, 2019
Araw at Oras: Biyernes (9:10 – 10:30 AM, 10:40
– 12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.)
Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Aralin 3: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
MGALAYUNIN
Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :
 Natutukoy ang mga pahayag na nagbibigay patunay;
 Naibabahagi ang kahalagahan ng mga pahayag na nagbibigay patunay; at
 Nagagamit ang mga pahayag na nagbibigay patunay sa paglalahad ng argumento o pakikipagtalastasan.
Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Larawan, Power Point presentation at Laptop at Tv.
Sanggunian:
● Filipino 7, Yunit 1: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat. Aralin 3: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay.
Keywords: Ordinary, Maginaw, Sakim, Labis, at Makupad
PAMAMARAAN
Panimulang gawain:
Springboard – Ipagawa:Ibahagi Mo! (Slide 3) Kaugnay ng natalakay sa Aralin 2, ibabahagi ng mga mag-aaral
ang mga pangungusap na nabuo mula sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang nasa tsart.
KASING KAHULUGAN KASALUNGAT
Ordinary
Maginaw
Makupad
Sakim
Labis
Panganyak:
Ipagawa:(Slide 4) Basahing mabuti ang mga pahayag. Salungguhitan ang bahagi ng pangungusap
na nagpapahayag ng patunay.
1. Tunay na mayaman ang panitikang Pilipino, sapagkat nariyan ang mga tinipong koleksyon ni Damiana Eugenio.
2. Hindi makapaniwala ang datu, ngunit nang ipinakita ni Pilandok ang kayamanang
sinasabingnakuhaniyasanasabingkaharianaynaniwalanarin siya.
3. Batay sa mga pagsusuring pampanitikan, ang mga kuwentong-bayan ay sadyang mabisang hanguan ng
magagandang aralsa buhay.
4. Isa si Dean Fansler sa mga dayuhang nagkainteres sa panitikang Pilipino, katunayan ay inilathala niya noong
1921 ang Filipino Popular Tales.
5. Sadyang tuso si Pilandok, katunayan ay makailang ulit na niyang naisahan ang datu.
Mga Gabay na tanong:
1. Ano ang ipinapahayag ng mga bahagi ng pangungusap na iyong sinalungguhitan?
2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang mga patunay na ito sa pagpapahayag?
PAGSUSURI
Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Paksa: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
Estratehiya sa Pagtuturo:
1. Sa gawaing ito, maaaring magpanood ng isang video clip ukol sa napapanahong pangyayari o kaganapan sa
bansa. Sundan ang link na ito NTG: Mga dating Miss U queens, very proud kay Catriona Gray.
2. Habang pinapanood ng mga mag-aaralang video, maaarisilang magtala ng mga impormasyon. Matapos ito,
atasan ang bawat isa na bumuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng patunay batay sa video na napanood
at tutukuyin ang paraan kung paano ito nakapagpahayag ng patunay.
Talakayan: Ang guro ay magpapanood ng isang video clip ukol sa napapanahong pangyayari o kaganapan sa
bansa na mayroong “Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay.
Mga Gabay na tanong:
 Sa papaanong paraan mahusay na magagamit ang mga pahayag na naglalahad ng patunay sa
pakikipagtalastasan?
 Masasabibang matagumpay na pagpapatunay ang paggamit ng mga pahiwatig, patunayan ang iyong sagot.
 Sa papaanong paraan nakatutulong ang malawak na bokabularyo sa ating pagbuo ng mga pahayag?
Paglalahat: Sa araling ito ang mga mag-aarla ay magbabahagi ng kanilang natutuhan sa araling tinalakay.
Mahalagang Tanong:
● Ano-ano ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay?
● Bakit mahalaga ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay?
● Sa papaanong paraan nakatutulong ang mga pahayag na nagbibigay patunay sa paglalahad ng mga argumento
ukol sa isang isyu?
Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan:
● Sa iyong palagay, bakit higit na nagiging matibay ang anumang pinaninindigan kung may sapat kang patunay?
PAGLALAPAT
A. Pagtataya: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap o pahayag ay nagbibigay patunay.
_________1. Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral ng panitikan, sa
katunayan sa pamamagitan ng pagiging bahagi nito sa kurikulum; napag-aaralan ang
kasaysayan, kultura o tradisyon ng ating bansa.
_________2. Marapat na pahalagahan natin ang mga panitikan ng ating bansa.
_________3. Bilang pagpapahalaga sa ating panitikan, itiinalaga ang Abril bilang Buwan ng Panitikan ng
Pilipinas, kung saan isinunod ito sa araw ng pagkasilang ni Francisco Balagtas
_________4. Ang panitikan ay sumasalamin sa kultura, kaugalian, tradisyon o maging kalagayang
panlipunan ng isang lugar, ayon na rin iyan sa mga kahulugang ibinigay ng mga sikat na
manunulat na sina Arrogante, Salazar at Villafuerte.
_________5. Ang panitikan ng Pilipinas ay lubhang mayaman sa kultura at tradisyon.
_________6. Ayon sa mga pag-aaral, ang baybayin ang isa sa matibay na ebidensiya na mayroon ng
sistema ng pagsusulat ang mga sinaunang Plipino bago pa man dumating ang mga dayuhan.
_________7. Bago pa man dumating ang mga Kastila mayaman na ang panitikan ng mga sinaunang
Pilipino, patunay riyan ang mga pasalindilang panitikan gaya ng epiko, alamat, bugtong,
salawikain, kuwentong bayan, awiting bayan maging ang mga sayaw at ritwal ng mga katutubo.
_________8. Sumasalamin ang mga panitikan gaya ng kuwentong bayan sa kalagayang panlipunan na
mayroon ang isang lugar.
_________9. Sinasabing ang pangunahing layunin ng mga Kastila nang sakupin ang bansa ay ang
ipalaganap ang Kristiyanismo ngunit nang tuluyan nila masakop ang bansa lumutang ang
tunay nilang pakay sa Pilipinas.
_________10. Ikinagalit ng mga prayle na patuloy na mabuhay ang mga sinaunang panitikang mayroon
ang mga Pilipino kaya naman ipinasunog at ipinasira nila ang mga ito
ASSESSMENT
LAYUNIN
MGA INAASAHANG
MAKAMIT NG MAG-
AARAL PAGKATAPOS NG
ARALIN
NAISAGAWA KATAMTAMANG
NAISAGAWA
HINDI
NAISAGAWA
Matukoy ang
mga pahayag
na nagbibigay
patunay.
Inaasahang malaman ang mga
pahayag na nagbibigay patunay ay
nagpapahiwatig, nagpapakita,
nagpapatunay, nagtataglay ng
matibay na kongklusyon, kapani-
paniwala, may dokumentaryong
ebidensiya, at pinatutunayan ng
mga detalye.
Naibabahagi ang
kahalagahan ng
mga pahayag na
nagbibigay
patunay
Ito ay mahalaga sa pagbuo ng
mga pahayag sapagkat sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
mga patunay ay mas
nagiging malinaw ang pahayag
at nagiging dahilan upang
maunawaan nang lubusan ng
tagapakinig o mambabasa ang
isang mensahe o babasahin.
Nagagamit ang
mga pahayag na
nagbibigay
patunay sa
paglalahad ng
argumento
o pakikipagtalas
tasan.
Magamit ng tama at angkop sa
pakikipagtalastasan ang mga
pahayag na nagbibigay patunay.
LORD’SHAND ACADEMY INC.
Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue,
Pinagbuhatan, Pasig City
Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 10, 2019
Araw at Oras: Miyerkules (9:10 – 10:30 AM,
10:40 – 12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.)
Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Aralin 4: Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa
Lipunan at Panitikang Pilipino
MGALAYUNIN
Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :
 Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino
 Nakabubuo ng storyboard ukol sa mga kuwentong-bayan ng kanilang lipunang kinabibilangan; at
 Naibabahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaralng kuwentong bayan sa ating lipunan at Panitikang
Pilipino.
Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Manila paper , pentel pen, storyboard, sipi ng akdang “Ang Pilosopo”, kahon na
naglalaman ng tanong, laptoclip ng “Alamat ng Bulkang Mayon” at Power Point presentation at Laptop.
Sanggunian:
● Filipino 7, Yunit 4: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat. Aralin 4: Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa
Lipunan at Panitikang Pilipino .
Keywords: Kuwentong-bayan at Panitikan.
PAMAMARAAN
Panimulang gawain:
Springboard – Ipagawa:Patunayan Natin! (Slide 3)
Hahatiin sa apat na grupo ang klase, bawat pangkat ay bibigyan ng manila paper at pentel pen kung saan isusulat
nila ang mga pahayag o pangungusap na nabuo nila mula sa video na pinanood sa kanilang kasunduan ukol
sa inflation rate. Matapos ito, ibabahagi ng dalawang kinatawan ang kanilang kasagutan.
Panganyak:
Ipagawa:Dugtungang Pagbasa (Slide 4) Babasahin ng mga mag-aaralang isang kuwentong-bayan na
“Ang Pilosopo” mula sa Mindanao. Tatawag ang guro ng mga kinatawan sa bawat pangkat, may mga bahagi ng
kuwento na ibibigay sa mga kinatawan at babasahin nila ito nang sunod-sunod.
Mga Gabay na tanong:
● Ilarawan ang tagpuan ng kuwentong-bayan na binasa.
● Ano ang mga kalagayan ng lipunan o kaugalian ng lugar na pinagmulan ng kuwento ang isinasalamin ng akda?
● Sa iyong palagay, nag-iiwan ba ng aral o mensahe ang kuwento? Ano ito?
PAGSUSURI
Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat
Paksa: Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino
Estratehiya sa Pagtuturo:
Ang guro ay magbibigay ng pangkatang gawain. Bawat pangkat ay magsasaliksik tungkol sa isang kuwnetong
bayan na nagmula sa kanilang lugar gamit ang story board ay ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ngpag-uulat.
Talakayan: Isa sa mga tatalakayin ang mga kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa lipunan at Panitikang Pilipino.
Mga Gabay na tanong:
● Sa papaanong paraan nakakapagturo ang mga kuwentong bayan?
● Masasabiba nating ang panitikan ay nangyayari sa nakaraan at maaaring may kaugnayan ng kasalukuyan?
● Sa iyong palagay, patuloy bang umuunlad ang panitikang Pilipino? Bakit?
● Sa papaanong paraan nakatutulong ang pagbabasa ng mga kuwentong bayan sa pag-unlad ng ating panitikan?
Paglalahat: Ang Guro ay tatawag ng mga piling mag-aaralupang sagutin ang inihandang katanungan.
Mahalagang Tanong:
● Masasabi bang may kaugnayan ang kuwentong bayan sa lipunan at panitikang Pilipino, sa papaanong paraan?
● Sa iyong palagay, bakit sinasabing masasalamin sa kuwentong bayan ang buhay sa buong lipunan na
pinagmulan nito?
Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan:
● Bakit mahalaga ang kuwentong bayan sa ating lipunan at panitikang Pilipino?
● Sa iyong palagay, bakit marapat na kilalanin at pahalagahan natin ang mga kuwentong bayan ng iba’t
ibang bayan o lugar?
AGLALAPAT
A. Pagtataya: Susulat ang mga mag-aaral ng isang sanaysay na nagbabahagi ng kanilang kaisipan ukol
sa kabuuang kahalagahan ng kuwentong bayan sa lipunan at panitikang Pilipino.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Narito ang pamantayan sa pagmamarka sa bawat pangkat:
Mahusay na paglalahad ng mga kaisipan 10
Mahusay na pag-uugnay sa paksa 10
Kaisahan ng mga inilahad na kaisipan 10
Kabuuan 30 puntos
ASSESSMENT LAYUNIN
MGA INAASAHANG
MAKAMIT NG MAG-
AARAL PAGKATAPOS NG
ARALIN
NAISAGAWA
KATAMTAMANG
NAISAGAWA
HINDI
NAISAGAWA
Ang Kaugnayan
ng Kuwentong-
bayan sa Lipunan
at Panitikang
Pilipino
Malaman Ang Kaugnayan ng
Kuwentong-bayan sa Lipunan
at Panitikang Pilipino
Nakabubuo ng
storyboard ukol sa
mga kuwentong-
bayan ng kanilang
lipunang kinabibi
langan
Nakabuo ng storyboard ukol sa
mga kuwentong-bayan ng
kanilang lipunang kinabibilangan
Naibabahagi ang
kahalagahan ng
pagbabasa at pag-
aaralng
kuwentong bayan
sa ating lipunan
at Panitikang
Pilipino.
Maibahagi ang kahalagahan ng
pagbabasa at pag-aaralng
kuwentong bayan sa ating
lipunan at Panitikang Pilipino.

More Related Content

What's hot

Module 11 session 1
Module 11 session 1Module 11 session 1
Module 11 session 1
andrelyn diaz
 
Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral esp 10
Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral  esp 10Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral  esp 10
Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral esp 10
Ma Theresa Mediodia-Agsaoay
 
pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]Darwin Briones
 
Katarungan
KatarunganKatarungan
Katarungan
temarieshinobi
 
Grade 10 CGP Modules 1-3.pdf
Grade 10 CGP Modules 1-3.pdfGrade 10 CGP Modules 1-3.pdf
Grade 10 CGP Modules 1-3.pdf
GtScarlet
 
Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong
Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastongKasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong
Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong
Vanessa Cruda
 
kohesyong grammatikal.pptx
kohesyong grammatikal.pptxkohesyong grammatikal.pptx
kohesyong grammatikal.pptx
CANDELYNCALIAO
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
Ian Jurgen Magnaye
 
FIL.9-MOD5.ppt
FIL.9-MOD5.pptFIL.9-MOD5.ppt
FIL.9-MOD5.ppt
JamesFulgencio1
 
Q1 ppt
Q1 pptQ1 ppt
MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
MODULE 4 DIGNIDAD.pptxMODULE 4 DIGNIDAD.pptx
MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
julieannebendicio1
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
Emmalyn Bagsit
 
DIGNIDAD-Q1.pptx
DIGNIDAD-Q1.pptxDIGNIDAD-Q1.pptx
DIGNIDAD-Q1.pptx
Jackie Lou Candelario
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
VernaJoyEvangelio1
 
EsP 7 Curriculum Guide rev.2016
EsP 7 Curriculum Guide rev.2016EsP 7 Curriculum Guide rev.2016
EsP 7 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptxANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ChrisAncero
 
Powerpoint
PowerpointPowerpoint
Powerpoint
Enmie Dela Cruz
 
Ang kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at katapora
Ang kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at kataporaAng kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at katapora
Ang kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at katapora
Cherry Ann Capuz
 
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docxNATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
KarenPolinar
 
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at BuganNagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
jeralyn rusaban
 

What's hot (20)

Module 11 session 1
Module 11 session 1Module 11 session 1
Module 11 session 1
 
Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral esp 10
Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral  esp 10Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral  esp 10
Modyul 2: Paghubog ng Konsensya Batay sa Likas na Batas Moral esp 10
 
pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]
 
Katarungan
KatarunganKatarungan
Katarungan
 
Grade 10 CGP Modules 1-3.pdf
Grade 10 CGP Modules 1-3.pdfGrade 10 CGP Modules 1-3.pdf
Grade 10 CGP Modules 1-3.pdf
 
Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong
Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastongKasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong
Kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong
 
kohesyong grammatikal.pptx
kohesyong grammatikal.pptxkohesyong grammatikal.pptx
kohesyong grammatikal.pptx
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
 
FIL.9-MOD5.ppt
FIL.9-MOD5.pptFIL.9-MOD5.ppt
FIL.9-MOD5.ppt
 
Q1 ppt
Q1 pptQ1 ppt
Q1 ppt
 
MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
MODULE 4 DIGNIDAD.pptxMODULE 4 DIGNIDAD.pptx
MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
 
DIGNIDAD-Q1.pptx
DIGNIDAD-Q1.pptxDIGNIDAD-Q1.pptx
DIGNIDAD-Q1.pptx
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
 
EsP 7 Curriculum Guide rev.2016
EsP 7 Curriculum Guide rev.2016EsP 7 Curriculum Guide rev.2016
EsP 7 Curriculum Guide rev.2016
 
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptxANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
 
Powerpoint
PowerpointPowerpoint
Powerpoint
 
Ang kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at katapora
Ang kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at kataporaAng kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at katapora
Ang kuwintas ni Guy De Maupassant/ anapora at katapora
 
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docxNATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
 
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at BuganNagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
 

Similar to Filipino 7 u1 exeed

Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
R Borres
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
gielmark
 
APRIL 4, 2023.docx
APRIL 4, 2023.docxAPRIL 4, 2023.docx
APRIL 4, 2023.docx
cindydizon6
 
Aralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docxAralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docx
EsterMontonTimarioLu
 
Aralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docxAralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docx
RosarioNaranjo6
 
DLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docxDLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docx
HonneylouGocotano1
 
filipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsfilipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materials
JoanMarieCustodio
 
Filipino9
Filipino9Filipino9
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Lin Lavanza
 
Filipino module
Filipino moduleFilipino module
Filipino module
M.J. Labrador
 
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Perl_1011
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Rose Espino
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
None
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
LiGhT ArOhL
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
Nico Granada
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
Jhanine Cordova
 
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docxDLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
MarivicFabro
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
Andrei Manigbas
 

Similar to Filipino 7 u1 exeed (20)

Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
 
APRIL 4, 2023.docx
APRIL 4, 2023.docxAPRIL 4, 2023.docx
APRIL 4, 2023.docx
 
Aralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docxAralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docx
 
Aralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docxAralin 1.1.docx
Aralin 1.1.docx
 
DLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docxDLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docx
 
filipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsfilipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materials
 
Filipino9
Filipino9Filipino9
Filipino9
 
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
 
Filipino module
Filipino moduleFilipino module
Filipino module
 
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Filipino1 curriculum guide 7
Filipino1 curriculum guide 7Filipino1 curriculum guide 7
Filipino1 curriculum guide 7
 
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docxDLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
 

Recently uploaded

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 

Recently uploaded (6)

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
 
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
 

Filipino 7 u1 exeed

  • 1. LORD’SHAND ACADEMY INC. Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue, Pinagbuhatan, Pasig City Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 01, 2019 Araw at Oras: Lunes (9:10 – 10:30 AM, 10:40 – 12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.) Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Aralin 1: Ang Kwentong Bayan MGALAYUNIN Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :  Natutukoy ang kahulugan, kasaysayan,at mga uri ng kuwentong-bayan  Naibabahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaralng mga kuwentong-bayan; at  Nasusuri ang mga kaugalian at tradisyon na sinasalamin sa kuwentong-bayan na binasa at tinalakay. Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Larawan ng matsing at pagong, word map ng salitang tuso, K-W-L chart, video clip ng Alamat ng Bulkang Mayon at Power Point presentation at Laptop. Sanggunian: ● Filipino 7, Yunit 1: Si Pilandok at ang Kaharian ng Dagat. Aralin 1: Ang Kuwentong-bayan. Quipper Study Guide. 2018 ● Si Pilandok sa Kaharian sa Dagat. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=V5m1VWaygDM ● Pagong at Matsing. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=U_d-aQ7i5sU ● Kung Bakit Umuulan? YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=eKJU3gt2YZw Keywords: Mapanlinlang, namataan,at tuso. PAMAMARAAN Panimulang gawain: Springboard – Ipagawa:Ibigay mo na! (Slide 3) 1. Ang larong ito ay gaya ng programang It’s Showtime. Babanggitin ng mga mag-aaral ang pamagat ng kuwentong-bayan na kanilang nabasa noong sila ay nasa elementarya. 2. Ang mga mag-aaral ay kailangang makapagbanggit ng kuwento at kinakailangan na hindi maulit ang sagot. 3. Itanong: ● Ano ang karaniwang nilalaman ng mga kuwentong inyong nabasa? ● Masasabibang naging kawili-wili ang pagbabasa ninyo ng mga kuwentong inyong nabanggit? Panganyak: Ipakita ang larawan ng sikat na kuwentong “Si Pagong at si Matsing.” Mga Gabay na tanong:  Natatandaan mo ba ang nilalaman ng kuwentong ipinapakita sa larawan? Ipagawa: Batay sa kuwento, magtala ng inyong sariling pakahulugan sa salitang TUSO gamit ang word map. PAGSUSURI Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Paksa: Ang Kuwenong Bayan Estratehiya sa Pagtuturo: Ang guro ay magbibigay ng pangkatang gawain. Bawat pangkat ay magsasaliksik tungkol sa kasaysayan, nilalaman, at uri ng kuwentong bayan gamit ang Internet, matapos makapagsaliksik ay ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ng pag-uulat. Talakayan: Isa sa mga tatalakayin kung paano lumaganap ang panitikan sa pilipinas at ang mga karunungang bayang matatawag sa ating bansa. Mga Gabay na tanong:  Paano nagsimula ang paglaganap ng kuwentong-bayan sa ating bansa? Bakit natatangi ang asya?  Bakit sa panahon ng Espanyol ay walang nailathalang kuwentong-bayan?  Ano ang dahilan bakit kawili-wiling basahin ang mga kuwentong bayan?  Bakit masasabi nating nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon ang mga kuwentong bayan?  Sa pamamagitan ng mga kaalamang natalakay ukol sa kuwentong bayan, paano mo masasabing sumasalamin sa tradisyon at kaugalian ng lugar na pinagmulan ang isang kuwentong-bayan? Paglalahat: Ang Guro ay tatawag ng mga piling mag-aaralupang sagutin ang inihandang katanungan. Mahalagang Tanong: ● Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kuwentong-bayan? ● Paano sumasalamin ang kuwentong-bayan sa kaugalian at kalagayang panlipunan? Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan: ● Bilang isang kabataan,paano mo mapahahalagahan at maisasabuhay ang mga kaugalian o tradisyon na ipinapakita sa mgakuwentong-bayannaiyong nababasa o natatalakay?
  • 2. PAGLALAPAT A. Pagtataya: Ipatutukoy ng Guro ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay TAMA O MALI 1. Ang Pilipinas ay mayroon nang sariling alpabeto bago pa dumating ang mga kastila_____ 2. Ang Pilipinas ay wala pang panitikan noong unang panahon___________ 3. Ang mga babaylan noong unang panahon ang nagssisilbing guro ng mga tao. _____________ 4. Bulong ang sinasabing kauna-unahang panitikang lumaganap sa pilipinas____________ 5. Ang karunungang bayan ay hindi na nagagamit ngayon sa kasalukuyan_____________ ASSESSMENT LAYUNIN MGA INAASAHANG MAKAMIT NG MAG- AARAL PAGKATAPOS NG ARALIN NAISAGAWA KATAMTAMANG NAISAGAWA HINDI NAISAGAWA Salawikain, Sawikain, Bugong, Bulong, Palaisipan Natutukoy ang kahulugan, kasaysayan,at mga uri ng kuwentong-bayan Mga panitikang lumaganap noong unang panahon Naibabahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaralng mga kuwentong-bayan mga kilos o gawi at pag-uugali ng ating mga ninuno noong unang panahaon Nasusuri ang mga kaugalian at tradisyon na sinasalamin sa kuwentong-bayan na binasa at tinalakay.
  • 3. LORD’SHAND ACADEMY INC. Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue, Pinagbuhatan, Pasig City Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 03, 2019 Araw at Oras: Miyerkules (9:10 – 10:30 AM, 10:40 – 12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.) Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kasingkahulugan at Kasalungat Ayon sa Gamit sa Pangungusap. MGALAYUNIN Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :  Natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nagbibigay-katangian sa mga larawan;  Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kaalaman sa bokabularyo sa pakikipagtalastasan; at  Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita. Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Larawan, Power Point presentation at Laptop at Tv. Sanggunian: ● Filipino 7, Yunit 1: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat. Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kasingkahulugan at Kasalungat ayon sa Gamit sa Pangungusa Keywords: Naiisahan, namataan,sumisid, at nag-aalangan. PAMAMARAAN Panimulang gawain: Springboard – Ipagawa:Wika-natics (Slide 3) 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap. Ipatukoy ang kahulugan o nais ipahiwatig ng salitang nakadiin batay sa gamit sa pangungusap at ibigay ang kasing kahulugan ng mga ito. ● Datu man siya pero naiisahan din siya ng isang matalinong binata. ● Isang araw,habang lumilibot si Pilandok sa palengke ay namataan siya ng datu. ● Pagdating sa dagat, agad na sumisid siPilandok at pagkaahon ay may dala na itong perlas. ● Nilapitan siyang negosyante at nagsalaysay siyang ipakakasal daw siya sa prinsesa ngunit siya ay nag-aalanganb 2. Itanong: Nakatulong ba ang pagtukoy mo ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nakadiin upang matukoy o maunawaan mo ang nais ipahiwatig ng pahayag? Panganyak: Larawanatics (Slide 4 - 5) – Pagpapakita ng ga larawan at ipapatukoy ang ugnayan ng mga larawan kung ito ba ay magkapareho ng katangian o magkaiba. Mga Gabay na tanong: 1. Ano-anong mga larawan ang magkatulad? Alin naman ang magkaiba? 2. Sa papaanong paraan mo nasabing magkatulad at magkaiba ang mga larawan? 3. Maaari ka bang bumuo ng mga pangungusap na gumagamit ng mga salitang naglalarawan sa mga nasa larawan at nagpapakita ng kanilang pagkakatulad o pagkakaiba? Halimbawa.: mabagal – mabilis Ipagawa: Batay sa unang pares ng larawan, kailangan itong gawan ng mga mag-aaralng pangungusap
  • 4. PAGSUSURI Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Paksa: Kahulugan ng Salita: Kasingkahulugan at Kasalungat Ayon sa Gamit sa Pangungusap. Estratehiya sa Pagtuturo: Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase, bawat grupo ay bubuo ng sampung pangungusap mula sa akdang “Kung Bakit Umuulan?” Kinakailangang bumuo ng mga pangungusap na naglalaman ng ilang salita na malalim ang kahulugan at maaarilang matukoy sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng kasingkahulugan o kasalungat nito. Talakayan: (Hahayaan ang mga mag-aaral na iulat ito sa klase at pasagutan sa kapwa kamag-aral. Mga Gabay na tanong:  Sa papaanong paraan natin natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salita?  Sa palagay mo paano nakatulong ang paggamit ng mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa iyong pahayag?  Sa papaanong paraan nakatutulong ang malawak na bokabularyo sa ating pagbuo ng mga pahayag? Paglalahat: Ang Guro ay tatawag ng mga piling mag-aaralupang sagutin ang inihandang katanungan. Mahalagang Tanong: ● Mahalaga bang malawak ang ating bokabularyo? ● Bakit mahalagang sinusuri natin ang nilalaman ng mga pangungusap? ● Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan sa pagtukoy ng nilalaman o nais ipahiwatig ng isang pahayag? Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan: ● Bakit mahalaga ang mga kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap? ● Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan sa pagtukoy ng nilalaman o nais ipahiwatig ng isang pahayag? PAGLALAPAT A. Pagtataya: Basahin nang mabuti ang pangungusap at tukuyin naman ang kasalungat ng salitang nakadiin at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. 1. Sa tagal ng panahon ay naging marupok na ang mga kahoy na naging haligi ng bahay ng kanilang lola. 2. Isa siyang sinungaling sapagkat sinabi niyang natapos niya na ang kaniyang mga takdang-aralin kahit ni isa ay wala pa siyang nasisimulan. 3. Makipot ang daan papunta sa kanilang bahay kaya naman nahirapan ang mga bumisita sa kanilang marating ito. 4. Nais niyang tumalas pa lalo ang isipin kaya palagi siyang nagbabasa ng mga aklat. 5. Bawal ang batugan sa aming tahanan sapagkat sinanay kami ng aming magulang na magsumikap sa buhay. ASSESSMENT LAYUNIN MGA INAASAHANG MAKAMIT NG MAG- AARAL PAGKATAPOS NG ARALIN NAISAGAWA KATAMTAMANG NAISAGAWA HINDI NAISAGAWA Pabibigay ng isang salita at ang kasalungat na salita nito. Natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nagbibigay-katangian sa mga larawan Nagagamit ang mga salitang kasalungat sa pakikipagtalast asan. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kaalaman sa bokabularyo sa pakikipagtalastasan Nakabubuo ng salitang may kasing kasalungat Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita. matibay tapat malapad pumurol masipag mahina manloloko masikip tumalim maalaga
  • 5. LORD’SHAND ACADEMY INC. Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue, Pinagbuhatan, Pasig City Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 05, 2019 Araw at Oras: Biyernes (9:10 – 10:30 AM, 10:40 – 12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.) Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Aralin 3: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay MGALAYUNIN Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :  Natutukoy ang mga pahayag na nagbibigay patunay;  Naibabahagi ang kahalagahan ng mga pahayag na nagbibigay patunay; at  Nagagamit ang mga pahayag na nagbibigay patunay sa paglalahad ng argumento o pakikipagtalastasan. Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Larawan, Power Point presentation at Laptop at Tv. Sanggunian: ● Filipino 7, Yunit 1: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat. Aralin 3: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay. Keywords: Ordinary, Maginaw, Sakim, Labis, at Makupad PAMAMARAAN Panimulang gawain: Springboard – Ipagawa:Ibahagi Mo! (Slide 3) Kaugnay ng natalakay sa Aralin 2, ibabahagi ng mga mag-aaral ang mga pangungusap na nabuo mula sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang nasa tsart. KASING KAHULUGAN KASALUNGAT Ordinary Maginaw Makupad Sakim Labis Panganyak: Ipagawa:(Slide 4) Basahing mabuti ang mga pahayag. Salungguhitan ang bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng patunay. 1. Tunay na mayaman ang panitikang Pilipino, sapagkat nariyan ang mga tinipong koleksyon ni Damiana Eugenio. 2. Hindi makapaniwala ang datu, ngunit nang ipinakita ni Pilandok ang kayamanang sinasabingnakuhaniyasanasabingkaharianaynaniwalanarin siya. 3. Batay sa mga pagsusuring pampanitikan, ang mga kuwentong-bayan ay sadyang mabisang hanguan ng magagandang aralsa buhay. 4. Isa si Dean Fansler sa mga dayuhang nagkainteres sa panitikang Pilipino, katunayan ay inilathala niya noong 1921 ang Filipino Popular Tales. 5. Sadyang tuso si Pilandok, katunayan ay makailang ulit na niyang naisahan ang datu. Mga Gabay na tanong: 1. Ano ang ipinapahayag ng mga bahagi ng pangungusap na iyong sinalungguhitan? 2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang mga patunay na ito sa pagpapahayag?
  • 6. PAGSUSURI Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Paksa: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay Estratehiya sa Pagtuturo: 1. Sa gawaing ito, maaaring magpanood ng isang video clip ukol sa napapanahong pangyayari o kaganapan sa bansa. Sundan ang link na ito NTG: Mga dating Miss U queens, very proud kay Catriona Gray. 2. Habang pinapanood ng mga mag-aaralang video, maaarisilang magtala ng mga impormasyon. Matapos ito, atasan ang bawat isa na bumuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng patunay batay sa video na napanood at tutukuyin ang paraan kung paano ito nakapagpahayag ng patunay. Talakayan: Ang guro ay magpapanood ng isang video clip ukol sa napapanahong pangyayari o kaganapan sa bansa na mayroong “Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay. Mga Gabay na tanong:  Sa papaanong paraan mahusay na magagamit ang mga pahayag na naglalahad ng patunay sa pakikipagtalastasan?  Masasabibang matagumpay na pagpapatunay ang paggamit ng mga pahiwatig, patunayan ang iyong sagot.  Sa papaanong paraan nakatutulong ang malawak na bokabularyo sa ating pagbuo ng mga pahayag? Paglalahat: Sa araling ito ang mga mag-aarla ay magbabahagi ng kanilang natutuhan sa araling tinalakay. Mahalagang Tanong: ● Ano-ano ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay? ● Bakit mahalaga ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay? ● Sa papaanong paraan nakatutulong ang mga pahayag na nagbibigay patunay sa paglalahad ng mga argumento ukol sa isang isyu? Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan: ● Sa iyong palagay, bakit higit na nagiging matibay ang anumang pinaninindigan kung may sapat kang patunay? PAGLALAPAT A. Pagtataya: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap o pahayag ay nagbibigay patunay. _________1. Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral ng panitikan, sa katunayan sa pamamagitan ng pagiging bahagi nito sa kurikulum; napag-aaralan ang kasaysayan, kultura o tradisyon ng ating bansa. _________2. Marapat na pahalagahan natin ang mga panitikan ng ating bansa. _________3. Bilang pagpapahalaga sa ating panitikan, itiinalaga ang Abril bilang Buwan ng Panitikan ng Pilipinas, kung saan isinunod ito sa araw ng pagkasilang ni Francisco Balagtas _________4. Ang panitikan ay sumasalamin sa kultura, kaugalian, tradisyon o maging kalagayang panlipunan ng isang lugar, ayon na rin iyan sa mga kahulugang ibinigay ng mga sikat na manunulat na sina Arrogante, Salazar at Villafuerte. _________5. Ang panitikan ng Pilipinas ay lubhang mayaman sa kultura at tradisyon. _________6. Ayon sa mga pag-aaral, ang baybayin ang isa sa matibay na ebidensiya na mayroon ng sistema ng pagsusulat ang mga sinaunang Plipino bago pa man dumating ang mga dayuhan. _________7. Bago pa man dumating ang mga Kastila mayaman na ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino, patunay riyan ang mga pasalindilang panitikan gaya ng epiko, alamat, bugtong, salawikain, kuwentong bayan, awiting bayan maging ang mga sayaw at ritwal ng mga katutubo. _________8. Sumasalamin ang mga panitikan gaya ng kuwentong bayan sa kalagayang panlipunan na mayroon ang isang lugar. _________9. Sinasabing ang pangunahing layunin ng mga Kastila nang sakupin ang bansa ay ang ipalaganap ang Kristiyanismo ngunit nang tuluyan nila masakop ang bansa lumutang ang tunay nilang pakay sa Pilipinas. _________10. Ikinagalit ng mga prayle na patuloy na mabuhay ang mga sinaunang panitikang mayroon ang mga Pilipino kaya naman ipinasunog at ipinasira nila ang mga ito ASSESSMENT LAYUNIN MGA INAASAHANG MAKAMIT NG MAG- AARAL PAGKATAPOS NG ARALIN NAISAGAWA KATAMTAMANG NAISAGAWA HINDI NAISAGAWA
  • 7. Matukoy ang mga pahayag na nagbibigay patunay. Inaasahang malaman ang mga pahayag na nagbibigay patunay ay nagpapahiwatig, nagpapakita, nagpapatunay, nagtataglay ng matibay na kongklusyon, kapani- paniwala, may dokumentaryong ebidensiya, at pinatutunayan ng mga detalye. Naibabahagi ang kahalagahan ng mga pahayag na nagbibigay patunay Ito ay mahalaga sa pagbuo ng mga pahayag sapagkat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patunay ay mas nagiging malinaw ang pahayag at nagiging dahilan upang maunawaan nang lubusan ng tagapakinig o mambabasa ang isang mensahe o babasahin. Nagagamit ang mga pahayag na nagbibigay patunay sa paglalahad ng argumento o pakikipagtalas tasan. Magamit ng tama at angkop sa pakikipagtalastasan ang mga pahayag na nagbibigay patunay.
  • 8. LORD’SHAND ACADEMY INC. Gate 2, Asahi Glass Philippines, A. Sandoval Avenue, Pinagbuhatan, Pasig City Pangkat at Baitang: Grade 7 - A, B, & Sci-tech Petsa: Hulyo 10, 2019 Araw at Oras: Miyerkules (9:10 – 10:30 AM, 10:40 – 12:00 NN, & 1:30 – 2:50 PM.) Yunit I : Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Aralin 4: Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino MGALAYUNIN Sa Pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mabibigyang pansin ang :  Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino  Nakabubuo ng storyboard ukol sa mga kuwentong-bayan ng kanilang lipunang kinabibilangan; at  Naibabahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaralng kuwentong bayan sa ating lipunan at Panitikang Pilipino. Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Manila paper , pentel pen, storyboard, sipi ng akdang “Ang Pilosopo”, kahon na naglalaman ng tanong, laptoclip ng “Alamat ng Bulkang Mayon” at Power Point presentation at Laptop. Sanggunian: ● Filipino 7, Yunit 4: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat. Aralin 4: Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino . Keywords: Kuwentong-bayan at Panitikan. PAMAMARAAN Panimulang gawain: Springboard – Ipagawa:Patunayan Natin! (Slide 3) Hahatiin sa apat na grupo ang klase, bawat pangkat ay bibigyan ng manila paper at pentel pen kung saan isusulat nila ang mga pahayag o pangungusap na nabuo nila mula sa video na pinanood sa kanilang kasunduan ukol sa inflation rate. Matapos ito, ibabahagi ng dalawang kinatawan ang kanilang kasagutan. Panganyak: Ipagawa:Dugtungang Pagbasa (Slide 4) Babasahin ng mga mag-aaralang isang kuwentong-bayan na “Ang Pilosopo” mula sa Mindanao. Tatawag ang guro ng mga kinatawan sa bawat pangkat, may mga bahagi ng kuwento na ibibigay sa mga kinatawan at babasahin nila ito nang sunod-sunod. Mga Gabay na tanong: ● Ilarawan ang tagpuan ng kuwentong-bayan na binasa. ● Ano ang mga kalagayan ng lipunan o kaugalian ng lugar na pinagmulan ng kuwento ang isinasalamin ng akda? ● Sa iyong palagay, nag-iiwan ba ng aral o mensahe ang kuwento? Ano ito? PAGSUSURI Yunit I: Aralin I: Si Pilandok at ang Kaharian sa Dagat Paksa: Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino Estratehiya sa Pagtuturo: Ang guro ay magbibigay ng pangkatang gawain. Bawat pangkat ay magsasaliksik tungkol sa isang kuwnetong bayan na nagmula sa kanilang lugar gamit ang story board ay ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ngpag-uulat. Talakayan: Isa sa mga tatalakayin ang mga kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa lipunan at Panitikang Pilipino. Mga Gabay na tanong: ● Sa papaanong paraan nakakapagturo ang mga kuwentong bayan? ● Masasabiba nating ang panitikan ay nangyayari sa nakaraan at maaaring may kaugnayan ng kasalukuyan? ● Sa iyong palagay, patuloy bang umuunlad ang panitikang Pilipino? Bakit? ● Sa papaanong paraan nakatutulong ang pagbabasa ng mga kuwentong bayan sa pag-unlad ng ating panitikan? Paglalahat: Ang Guro ay tatawag ng mga piling mag-aaralupang sagutin ang inihandang katanungan. Mahalagang Tanong: ● Masasabi bang may kaugnayan ang kuwentong bayan sa lipunan at panitikang Pilipino, sa papaanong paraan? ● Sa iyong palagay, bakit sinasabing masasalamin sa kuwentong bayan ang buhay sa buong lipunan na pinagmulan nito? Pagpapahalaga: Sagutan ang katanungan: ● Bakit mahalaga ang kuwentong bayan sa ating lipunan at panitikang Pilipino? ● Sa iyong palagay, bakit marapat na kilalanin at pahalagahan natin ang mga kuwentong bayan ng iba’t ibang bayan o lugar? AGLALAPAT A. Pagtataya: Susulat ang mga mag-aaral ng isang sanaysay na nagbabahagi ng kanilang kaisipan ukol sa kabuuang kahalagahan ng kuwentong bayan sa lipunan at panitikang Pilipino. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Narito ang pamantayan sa pagmamarka sa bawat pangkat: Mahusay na paglalahad ng mga kaisipan 10 Mahusay na pag-uugnay sa paksa 10 Kaisahan ng mga inilahad na kaisipan 10 Kabuuan 30 puntos
  • 9. ASSESSMENT LAYUNIN MGA INAASAHANG MAKAMIT NG MAG- AARAL PAGKATAPOS NG ARALIN NAISAGAWA KATAMTAMANG NAISAGAWA HINDI NAISAGAWA Ang Kaugnayan ng Kuwentong- bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino Malaman Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa Lipunan at Panitikang Pilipino Nakabubuo ng storyboard ukol sa mga kuwentong- bayan ng kanilang lipunang kinabibi langan Nakabuo ng storyboard ukol sa mga kuwentong-bayan ng kanilang lipunang kinabibilangan Naibabahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag- aaralng kuwentong bayan sa ating lipunan at Panitikang Pilipino. Maibahagi ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaralng kuwentong bayan sa ating lipunan at Panitikang Pilipino.