SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
A
Filipino 10
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang Pakikipagsapalaran ni Samson
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Arlene S. Cordial
Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Jave ña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 10
Ikalarawang Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto
Ang Pakikipagsapalaran ni Samson
Manunulat: Arlene S. Cordial
Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino10 sa araling Ang
Pakikipagsapalaran ni Samson !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino10 ang Modyul ukol sa
Ang Pakikipagsapalaran ni Samson !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silidaralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
MGA INAASAHAN
FIL10 MODYUL2 Q2
MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
A. Naiisa-isa ang mga dapat tandaang kailangan sa pagsusuri ng mitolohiya.
B. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda batay sa kayarian
nito.
C. Nailalahad ang sariling pananaw/opinyon ayon sa nabasa o napanood na
mitolohiya.
PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng mitolohiya maliban sa _____.
A. may salamangka at mahika
B. kapani-paniwala ang wakas
C. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
2. Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti-
buti, na ang ibig sabihin ay______.
A. maayos C. magaling-galing
B. magaling D. katamtamang ayos
3. Uri ng mitolohiya na representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng
sinaunang tao.
A. Klasikal C. Makaluma
B. Makabago D. Sinauna
4. Alin sa sumusunod ang pagkakatulad ng mitolohiya sa iba pang akdang
pampanitikan? A. Kawili-wili
B. Nagbibigay aral
C. Nagbibigay saya
D. Pumupukaw ng damdamin
5. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan?
A. Maaaring hango sa tunay na buhay o katha lamang
B. Nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
C. Sumasakop sa mahabang panahon ang daloy ng kuwento
D. Tumatalakay sa kultura, mga diyos at Bathala
Ating balikan ang kuwento nina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante.
PANUTO: Tukuyin ang pangunahing paksa at ideya batay sa usapan ng mga
tauhan.
1. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain
ng Higante, ang kalaban ng mga diyos.
PAUNANG PAGSUBOK
BALIK -ARAL
A. Pinadala siya ni Odin upang makipagkasundo.
B. Nais ni Thor at Loki na masilayan ang ganda ng Utgaro.
C. Nais patunayan ni Thor na siya ang pinakamalakas na diyos.
D. Sila ay makikipagkita sa kaibigang matagal nang hindi nakikita.
2. Nagalit nang husto at nanlisik ang mga mata ni Thor. Halos magmakaawa
ang pamilya ng magsasaka at sinabing handa nilang ibigay ang lahat.
A. Mainitin ang ulo ni Thor.
B. Ipinakita ni Thor kung gaano siya kalakas.
C. Labis ang pagsisisi ng pamilya ng magsasaka.
D. Nagpapanggap lamang ang pamilya ng magsasaka.
3. Malalim ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila
makapagpahinga at inasikaso nang maayos.
A. Tapos na ang labanan.
B. Nais nang magpahinga ni Thor.
C. Maayos na pagtanggap ng bisita.
D. Napagod si Thor sa matinding labanan.
4. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o
anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.
A. Gumamit ng itim na mahika.
B. Sumugod sa laban kahit hindi handa.
C. Linlangin ang kalaban upang magwagi sa labanan.
D. Humanap ng iba’t ibang pamamaraan upang magtagumpay sa
laban.
5. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang sinuman sa
naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.”
A. Sadyang mabilis siyang kumain
B. Labis ang kanyang kahambugan
C. Taglay niya ang kakaibang kakayahan.
D. Siya ang kampeon sa ganoong larangan.
Palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa
ng buhay ni Samson, isang kilalang karakter sa Bibliya. Alamin mo kung
paanong naging katulad ni Thor na may pinagmumulan din ang taglay na
lakas ni Samson.
Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay, ito ay isang natatanging
kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura sa mga diyos o bathala at ang
ARALIN
kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Sa pamamagitan ng
mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at mga
nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat,
pagkagutom, pagbaha at kamatayan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsusuri ng Mitolohiya
1. Tauhan- Ang tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan- May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna
ang panahon.
3. Banghay- Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa mga
sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema- Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay
Maaaring i-click ang link sa ibaba upang mapanood ang isang halimbawa
ng mitolohiya. Kung walang access sa internet ay maaaring basahin ang
mitolohiya na makikita sa modyul na ito. http://youtu.be/3LuL1QswMtA
Ang Pakikipagsapalaran ni Samson
Mula sa Bibliya ( Mga Hukom 16)
Umibig si Samson kay Delilah na taga Sorek na naging dahilan ng kanyang
pagbagsak. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang Philistino ang kanilang
ugnayan. Binigyan nila ng maraming salapi ang babae upang makipagsabwatan sa
kanila.Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson kung saan nagmumula ang
kaniyang pambihirang lakas.Gamit ang kaniyang kagandahan at husay sa
panlilinlang, ilang beses niyang tinanong si Samson kung saan nanggagaling ang
lakas nito. Hanggang sa ipagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga. Ang
Panginoon at mga magulang ni Samson ay may kasunduan na hindi maaaring
gupitin ang buhok ni Samson kung hindi siya ay manghihina. Ang sikretong ito ay
sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino.Isang araw, habang natutulog si Samson sa
kandungan ni Delilah tinawag nito ang kanilang kasabwat at ginupit ang buhok nito.
Si Samson ay nanghina kaya’t nahuli siya ng mga kalaban. Sa halip na siya ay
patayin, mas pinili ng mga Philistino na ipahiya si Samson. Dinukot ang mga mata
nito at pinagtrabaho ng mabigat sa kulungan sa Gaza. Habang siya ay nasa
kulungan, humaba na ang kaniyang buhok na hindi napansin ng mga kalaban.
Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin ng taimtim. Nagkaroon ng
pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza bilang pagsamba sa kanilang diyos.
Nakaugalian na nila na magparada ng isang bilanggo sa harap ng mga
naghihiyawang manonood. Inunat ni Samson nang malakas ang kaniyang mga
kamay kaya’t nawasak ang mga haligi ng templo. Libo-libong Philistino ang namatay
kabilang na si Samson.Sa kaniyang kamatayan, nalipol niya ang kaniyang mga
kaaway sa pamamagitan ng pagbuwis niya ng sariling buhay.
Matapos mong basahin ang mitolohiya, bigyang kahulugan ang mga
salitang ginamit ayon sa kayarian nito.
PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nasa
panaklong. Salungguhitan ang iyong sagot.
1. Nais nilang mabatid ang sikreto ni Samson. (malaman)
2. Habang natutulog si Samson sa kandungan ng dalaga ay ginupit nito ang
kanyang buhok. (pinutol)
3. Ginamit ng dalaga ang kanyang galing sa panlilinlang. (husay)
4. Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza bilang pagsamba sa
kanilang paganong diyos. (pulong)
5. Sa halip na paslangin ng mga Philistino si Samson, mas pinili nila itong ikulong
at ipahiya. (patayin)
PAGSASANAY BLG.2
PANUTO: Ayusin ang sumusunod na pangungusap batay sa pangyayari sa istoryang
“Ang Pakikipagsapalaran ni Samson”. Gamitin ang letrang A-E
____1. Ginamit ni Delilah ang kanyang kagandahan at husay sa panlilinlang.
____ 2. Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza.
____ 3. Umibig si Samson kay Delilah na taga Sorek.
____ 4. Nalipol ni Samson ang kanyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagbuwis
niya ng sariling buhay.
____ 5. Sa halip na patayin si Samson ng mga Philistino mas pinili nila itong
ipahiya.
PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Napagpasiyahan ni Samson na sabihin kay Delilah ang kanyang sikreto.
A. Mahal niya ang dalaga.
B. Ayaw niyang lokohin ang dalaga.
C. Ayaw niyang magtago ng sikreto sa dalaga.
MGA PAGSASANAY
D. Upang mapatunayan niya kay Delilah na ito ang kanyang lakas.
2. Saan nanggagaling ang kakaibang lakas ni Samson?
A. Buhok C. Paa
B. Kamay D. Puso
3. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim.
Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan na_______.
A. Kinilala niya ang kapangyariahang ng Diyos.
B. Sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong.
C. Sa Diyos pa rin siya kumuha ng lakas.
D. Siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos.
4. Anong kaisipan ang nangingibabaw sa akda?
A. Huwag magtago ng sikreto sa taong mahal.
B. Tanging magulang ang dapat pagkatiwalaan.
C. Maging maingat sa taong pagkakatiwalaan.
D. Sarili lamang ang dapat pagkatiwalaan.
5. Ilarawan ang ginawa ng mga Philistino kay Samson nang siya ay madakip.
A. Pinarusahan bago pinatay.
B. Ipinarada sa harap ng mga Philistino.
C. Sinunog sa harap ng maraming tao.
D. Dinukot ang mga mata nito at pinagtrabaho sa kulungan.
Panuto: Buuin ang mga pahayag:
Matapos kong mabasa ang mitolohiyang “Ang Pakikipagsapalaran ni Samson”
nalaman ko na __________________________________________________________________
Nararamdaman ko rin na ________________________________________________________
Dahil dito, nais kong baguhin ang aking ugali na _________________________________
__________________________________________________________________________________
PANUTO: Lagyan ng letrang S kung sang-ayon at DS kung di- sang-ayon sa
sumusunod na pahayag.
____1. Nakaiinggit ang mga taong may taglay na talento.
____2. Ipagkatiwala ang mga pinakaiingatang sikreto sa mga mahal sa buhay.
____3. Ang kagandahang taglay ay nakapanlilinlang ng kapwa.
____4. Kailangan mong gumanti sa mga taong hindi marunong lumaban ng patas.
PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA
____5. Walang halaga ang kapangyarihan kung wala naman sa puso ang kabutihan
at karunungan.
PANUTO: Paglalahad ng sariling opinyon/pananaw ayon sa nabasang istorya “Ang
Pakikipagsapalaran ni Samson”.
Pamantayan sa Pagmamarka
4-5 Puntos - Mahusay ang pangangatwiran sa ibinigay na opinyon o pananaw.
3-2 Puntos – Di-gaanong mahusay ang pangangatwiran.
1 Puntos- Kailangan pang paghusayin ang pangangatuwiran
Tanong: Batay sa inyong nabasa, ano ang inyong naging saloobin sa ginawa ni
Delilah kay Samson?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
SUSI SA PAGWAWASTO
FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON

More Related Content

Similar to FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON

Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialBotzKIER
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Luwen Borigas
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Kimberly Abao
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialWalter Colega
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModulePRINTDESK by Dan
 
Filipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdfFilipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdfJanBaje
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialRonalyn Concordia
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialKakishika Ji
 
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2Gabriel Fordan
 
Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Reynan Bolisay
 
Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1Gabriel Fordan
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2paul edward
 
Filipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LMFilipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LMHarry Fox
 
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)Zeref D
 
Filipino lm yunit 2
Filipino lm   yunit 2Filipino lm   yunit 2
Filipino lm yunit 2SantosTeresa
 

Similar to FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON (20)

Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
Filipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdfFilipino 10 1st Quarter.pdf
Filipino 10 1st Quarter.pdf
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 
Fil 10 lm q2
Fil 10 lm q2Fil 10 lm q2
Fil 10 lm q2
 
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2LM Filipino Grade 10 Quarter 2
LM Filipino Grade 10 Quarter 2
 
Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2Filipino 10 lm q2
Filipino 10 lm q2
 
Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2Filipino Grade 10 module unit 2
Filipino Grade 10 module unit 2
 
Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1
 
FIL6-Q1-M1.pdf
FIL6-Q1-M1.pdfFIL6-Q1-M1.pdf
FIL6-Q1-M1.pdf
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2
 
filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 
Filipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LMFilipino 10 Unit 2 LM
Filipino 10 Unit 2 LM
 
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
 
Filipino lm yunit 2
Filipino lm   yunit 2Filipino lm   yunit 2
Filipino lm yunit 2
 

Recently uploaded

AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxDonnaMaeSuplagio
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxvh27pvs4b5
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfAizaStamaria3
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxfranciscagloryvilira1
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxMartin M Flynn
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdfEugeneBarona1
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfAizaStamaria3
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 

Recently uploaded (20)

AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 

FILIPINO 10 ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI SAMSON

  • 2. Filipino – Ikasampung Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang Pakikipagsapalaran ni Samson Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Arlene S. Cordial Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera EdD OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Jave ña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
  • 3. Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Filipino 10 Ikalarawang Markahan Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto Ang Pakikipagsapalaran ni Samson Manunulat: Arlene S. Cordial Tagasuri: Concepcion A. Argame at Imelda T. Tuaño / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino10 sa araling Ang Pakikipagsapalaran ni Samson ! Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino10 ang Modyul ukol sa Ang Pakikipagsapalaran ni Samson ! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO MGA INAASAHAN
  • 6. FIL10 MODYUL2 Q2 MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO A. Naiisa-isa ang mga dapat tandaang kailangan sa pagsusuri ng mitolohiya. B. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda batay sa kayarian nito. C. Nailalahad ang sariling pananaw/opinyon ayon sa nabasa o napanood na mitolohiya. PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng mitolohiya maliban sa _____. A. may salamangka at mahika B. kapani-paniwala ang wakas C. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan 2. Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti- buti, na ang ibig sabihin ay______. A. maayos C. magaling-galing B. magaling D. katamtamang ayos 3. Uri ng mitolohiya na representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng sinaunang tao. A. Klasikal C. Makaluma B. Makabago D. Sinauna 4. Alin sa sumusunod ang pagkakatulad ng mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan? A. Kawili-wili B. Nagbibigay aral C. Nagbibigay saya D. Pumupukaw ng damdamin 5. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan? A. Maaaring hango sa tunay na buhay o katha lamang B. Nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan C. Sumasakop sa mahabang panahon ang daloy ng kuwento D. Tumatalakay sa kultura, mga diyos at Bathala Ating balikan ang kuwento nina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante. PANUTO: Tukuyin ang pangunahing paksa at ideya batay sa usapan ng mga tauhan. 1. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng Higante, ang kalaban ng mga diyos. PAUNANG PAGSUBOK BALIK -ARAL
  • 7. A. Pinadala siya ni Odin upang makipagkasundo. B. Nais ni Thor at Loki na masilayan ang ganda ng Utgaro. C. Nais patunayan ni Thor na siya ang pinakamalakas na diyos. D. Sila ay makikipagkita sa kaibigang matagal nang hindi nakikita. 2. Nagalit nang husto at nanlisik ang mga mata ni Thor. Halos magmakaawa ang pamilya ng magsasaka at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. A. Mainitin ang ulo ni Thor. B. Ipinakita ni Thor kung gaano siya kalakas. C. Labis ang pagsisisi ng pamilya ng magsasaka. D. Nagpapanggap lamang ang pamilya ng magsasaka. 3. Malalim ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpahinga at inasikaso nang maayos. A. Tapos na ang labanan. B. Nais nang magpahinga ni Thor. C. Maayos na pagtanggap ng bisita. D. Napagod si Thor sa matinding labanan. 4. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin. A. Gumamit ng itim na mahika. B. Sumugod sa laban kahit hindi handa. C. Linlangin ang kalaban upang magwagi sa labanan. D. Humanap ng iba’t ibang pamamaraan upang magtagumpay sa laban. 5. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” A. Sadyang mabilis siyang kumain B. Labis ang kanyang kahambugan C. Taglay niya ang kakaibang kakayahan. D. Siya ang kampeon sa ganoong larangan. Palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng buhay ni Samson, isang kilalang karakter sa Bibliya. Alamin mo kung paanong naging katulad ni Thor na may pinagmumulan din ang taglay na lakas ni Samson. Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay, ito ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura sa mga diyos o bathala at ang ARALIN
  • 8. kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha at kamatayan. Mga Dapat Tandaan sa Pagsusuri ng Mitolohiya 1. Tauhan- Ang tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan. 2. Tagpuan- May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon. 3. Banghay- Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa mga sumusunod: a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig 4. Tema- Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod: a. magpaliwanag sa natural na pangyayari b. pinagmulan ng buhay sa daigdig c. pag-uugali ng tao d. mga paniniwalang panrelihiyon e. katangian at kahinaan ng tauhan f. mga aral sa buhay Maaaring i-click ang link sa ibaba upang mapanood ang isang halimbawa ng mitolohiya. Kung walang access sa internet ay maaaring basahin ang mitolohiya na makikita sa modyul na ito. http://youtu.be/3LuL1QswMtA Ang Pakikipagsapalaran ni Samson Mula sa Bibliya ( Mga Hukom 16) Umibig si Samson kay Delilah na taga Sorek na naging dahilan ng kanyang pagbagsak. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang Philistino ang kanilang ugnayan. Binigyan nila ng maraming salapi ang babae upang makipagsabwatan sa kanila.Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson kung saan nagmumula ang kaniyang pambihirang lakas.Gamit ang kaniyang kagandahan at husay sa panlilinlang, ilang beses niyang tinanong si Samson kung saan nanggagaling ang lakas nito. Hanggang sa ipagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga. Ang Panginoon at mga magulang ni Samson ay may kasunduan na hindi maaaring gupitin ang buhok ni Samson kung hindi siya ay manghihina. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino.Isang araw, habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah tinawag nito ang kanilang kasabwat at ginupit ang buhok nito. Si Samson ay nanghina kaya’t nahuli siya ng mga kalaban. Sa halip na siya ay patayin, mas pinili ng mga Philistino na ipahiya si Samson. Dinukot ang mga mata nito at pinagtrabaho ng mabigat sa kulungan sa Gaza. Habang siya ay nasa
  • 9. kulungan, humaba na ang kaniyang buhok na hindi napansin ng mga kalaban. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin ng taimtim. Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza bilang pagsamba sa kanilang diyos. Nakaugalian na nila na magparada ng isang bilanggo sa harap ng mga naghihiyawang manonood. Inunat ni Samson nang malakas ang kaniyang mga kamay kaya’t nawasak ang mga haligi ng templo. Libo-libong Philistino ang namatay kabilang na si Samson.Sa kaniyang kamatayan, nalipol niya ang kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagbuwis niya ng sariling buhay. Matapos mong basahin ang mitolohiya, bigyang kahulugan ang mga salitang ginamit ayon sa kayarian nito. PAGSASANAY BLG.1 PANUTO: Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nasa panaklong. Salungguhitan ang iyong sagot. 1. Nais nilang mabatid ang sikreto ni Samson. (malaman) 2. Habang natutulog si Samson sa kandungan ng dalaga ay ginupit nito ang kanyang buhok. (pinutol) 3. Ginamit ng dalaga ang kanyang galing sa panlilinlang. (husay) 4. Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza bilang pagsamba sa kanilang paganong diyos. (pulong) 5. Sa halip na paslangin ng mga Philistino si Samson, mas pinili nila itong ikulong at ipahiya. (patayin) PAGSASANAY BLG.2 PANUTO: Ayusin ang sumusunod na pangungusap batay sa pangyayari sa istoryang “Ang Pakikipagsapalaran ni Samson”. Gamitin ang letrang A-E ____1. Ginamit ni Delilah ang kanyang kagandahan at husay sa panlilinlang. ____ 2. Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza. ____ 3. Umibig si Samson kay Delilah na taga Sorek. ____ 4. Nalipol ni Samson ang kanyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagbuwis niya ng sariling buhay. ____ 5. Sa halip na patayin si Samson ng mga Philistino mas pinili nila itong ipahiya. PAGSASANAY BLG.3 PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Napagpasiyahan ni Samson na sabihin kay Delilah ang kanyang sikreto. A. Mahal niya ang dalaga. B. Ayaw niyang lokohin ang dalaga. C. Ayaw niyang magtago ng sikreto sa dalaga. MGA PAGSASANAY
  • 10. D. Upang mapatunayan niya kay Delilah na ito ang kanyang lakas. 2. Saan nanggagaling ang kakaibang lakas ni Samson? A. Buhok C. Paa B. Kamay D. Puso 3. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan na_______. A. Kinilala niya ang kapangyariahang ng Diyos. B. Sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong. C. Sa Diyos pa rin siya kumuha ng lakas. D. Siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos. 4. Anong kaisipan ang nangingibabaw sa akda? A. Huwag magtago ng sikreto sa taong mahal. B. Tanging magulang ang dapat pagkatiwalaan. C. Maging maingat sa taong pagkakatiwalaan. D. Sarili lamang ang dapat pagkatiwalaan. 5. Ilarawan ang ginawa ng mga Philistino kay Samson nang siya ay madakip. A. Pinarusahan bago pinatay. B. Ipinarada sa harap ng mga Philistino. C. Sinunog sa harap ng maraming tao. D. Dinukot ang mga mata nito at pinagtrabaho sa kulungan. Panuto: Buuin ang mga pahayag: Matapos kong mabasa ang mitolohiyang “Ang Pakikipagsapalaran ni Samson” nalaman ko na __________________________________________________________________ Nararamdaman ko rin na ________________________________________________________ Dahil dito, nais kong baguhin ang aking ugali na _________________________________ __________________________________________________________________________________ PANUTO: Lagyan ng letrang S kung sang-ayon at DS kung di- sang-ayon sa sumusunod na pahayag. ____1. Nakaiinggit ang mga taong may taglay na talento. ____2. Ipagkatiwala ang mga pinakaiingatang sikreto sa mga mahal sa buhay. ____3. Ang kagandahang taglay ay nakapanlilinlang ng kapwa. ____4. Kailangan mong gumanti sa mga taong hindi marunong lumaban ng patas. PAGLALAHAT PAGPAPAHALAGA
  • 11. ____5. Walang halaga ang kapangyarihan kung wala naman sa puso ang kabutihan at karunungan. PANUTO: Paglalahad ng sariling opinyon/pananaw ayon sa nabasang istorya “Ang Pakikipagsapalaran ni Samson”. Pamantayan sa Pagmamarka 4-5 Puntos - Mahusay ang pangangatwiran sa ibinigay na opinyon o pananaw. 3-2 Puntos – Di-gaanong mahusay ang pangangatwiran. 1 Puntos- Kailangan pang paghusayin ang pangangatuwiran Tanong: Batay sa inyong nabasa, ano ang inyong naging saloobin sa ginawa ni Delilah kay Samson? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ PANAPOS NA PAGSUSULIT