1. C. Diin o Emfasis
Ito ang pagbibigay ng higit
na pansin sa
pinakamahalagang kaisipan sa
loob ng isang komposisyon.
2. 1. Diin sa pamamagitan ng posisyon
Tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang pangungusap sa wasto o angkop
lokasyon nito sa loob ng isang set ng mga pahayag o talata.
Paksang Pangungusap sa Unahan ng Talata.
May kapanatagan ding dala ang kulay berde. Nakapagpaalala ito sa atin ng
kabukiran,Kabundukan at kagubatan, ng kalikasan at kasaganahan ng mapagpalang
pagkalinga ng Maykapal sa kanyang nilikha, gaya ng naantig sa atin sa pagtanaw ng
malawak nakaparangan, matatayog na bundok at mga burol na tila nag papalinaw.
-mula sa Di Laging pasko ang Berde
Ni Rene Villanueva
3. Paksang Pangungusap sa Gitana ng Talata
Isimilang si Apolinario Mabini noong Hulyo 23, 1864 sa isang dampa sa
tanauan, Batagas. Nagmula siya sa isang angkang mahirap lamang. Ang kanyang mga
magulang ay sina Dionisia Maranan at Inocencio Mabini an bagama’t mga dukha
lamang ay kapwa mga
huwarang magulang sa Tanauan.
-mula sa Apolinario Mabini: Ang Utak ng Himagsikan
ni Rolando A. Bernales
4. Paksang Pangungusap sa Hulihan ng Talata
Nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila, dinakip at ibinilanggo si
Mabini dahil sa kanyang labis na paghanga kay Andres Bonifacio. Nang siya’y palayain,
agad siyang umanib sa pangkat ni Emillio Aguinaldo at kalauna’y naging kanyang
tagapayo at kanang-kamay. Simula noon, si Mabini ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.
-mula sa Apolinario Mabini:
Ang Utak ng Himagsikan