Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng
palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga
gamit sa lagayan :
a. Natutukoy ang mga Paraan sa Pag-iimpok
GRADE 1
QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 1
Panimulang Gawain:
Panuto: Pagmasdan
ang mga larawan sa
ibaba. Ano ang
ipinapakita sa larawan?
alkansiya
bangko
Magaling!
Itanong:
1. Saan natin ginagamit ang
alkansiya?
2. Ano ang itinatabi natin sa
mga bangko?
Magaling!
OBJECTIVES:
Pagkatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay
inaasahan na natutukoy
ang mga paraan sa pag-
iimpok.
MGA
PARAAN SA
PAG-IIMPOK
Bilang isang
bata,
mahalaga na
alam mo ang
paraan sa
pag-iimpok.
1. Pag-iimpok
sa alkansiya o
mga gamit sa
lagayan.
2 Paraan ng Pag-iimpok
Bilang bata, maaari kang
gumamit ng alkansiya o
iba pang lalagyan kung
magsisimula sa pag-
iimpok.
2. Pag-iimpok
sa mga
bangko.
2 Paraan ng Pag-iimpok
Kung lumago na ang
iyong ipon sa malaking
halaga, maaari mo itong
itabi o itago sa iba’t ibang
mga bangko.
Mahalaga na kahit bata
pa lamang na tulad mo
ay matuto na sa paraan
ng pag-iimpok.
Tandaan:
Ang pag-iimpok ay
mahalaga sapagkat
natututo kang maging
responsableng tao.
Panuto: Gumuhit ng masayang
mukha  kung ang larawan ay
nagpapakita ng paraan ng
pag-iimpok at malungkot na
mukha  kung hindi.
___1. ___4.
___2. ___5.
___3.
Takdang Aralin:
Panuto: Gamit ang recycled
materials tulad ng lata, bote,
at iba pa. Gumawa ng iyong
sariling alkansiya. Lagyan ito
ng dekorasyon.
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng
palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga
gamit sa lagayan :
a. Natutukoy ang mga Paraan sa Pag-iipon sa Sariling
Kakayahan
GRADE 1
QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 2
Manuod Tayo!
Handa na
ba kayo?
Panimulang Gawain:
Itanong:
1. Tungkol saan ang ating
napanuod na video?
2. Mahalaga na matutunan
ang wastong pag-iipon?
Magaling!
OBJECTIVES:
Pagkatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay
inaasahan na natutukoy ang
mga paraan ng pagtitipid sa
sariling kakayanan.
Paraan ng
Pagtitipid sa
Sariling
Kakayahan
1. Itabi
kung may
sobrang
baon.
2. Unahing
bilhin ang
kailangan
hindi ang
kagustuhan.
3. Huwag
gumastos
ng sobra
sobra.
Panuto: Tulungan si Lisa na
bilugan ang mga bagay na
nararapat paglaan ng
kaniyang salapi at ekisan (x)
kung hindi.
Magaling!
Mahalaga na kahit bata
pa lamang na tulad mo
ay matuto na sa paraan
ng pagtitipid.
Tandaan:
Ang matalinong bata
ay marunong
magtipid.
Panuto: Binigyan ng kanilang
magulang ng 50 pesos bawat
isa ang magkakapatid na Nico,
Nene, Niño, Nini at Nilo. Kulayan
kung saan nila mas dapat ilaan
ang kanilang baon.
Nico
Nene
Niño
Nini
Nilo
Takdang Aralin:
Panuto: Itala ang iyong
sariling paraan sa
pagtitipid. Isulat ang
iyong sagot sa inyong
kwaderno.
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng
palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga
gamit sa lagayan :
b. Naisasaalang-alang ang sariling paraan ng pag-iimpok at
pagtitipid na makatutulong upang matugunan ang kaniyang
pangangailangan
GRADE 1
QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 3
Panimulang Gawain:
Panuto:
Pagmasdan
ang larawan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano sa tingin niyo ang
ginagawa ng bata?
2. Nag-iipon rin ba kayo?
Bakit kayo nag-iipon?
Magaling!
OBJECTIVES:
Pagkatapos ng aralin, ang mga
mag-aaral ay inaasahan na
naisasaalang-alang ang sariling
paraan ng pag-iimpok at pagtitipid
na makatutulong upang
matugunan ang kaniyang
pangangailangan.
Paraan ng Pag-
iimpok at
Pagtitipid na
Makatutulong sa
Pangangailangan
Manuod Tayo!
Handa na
ba kayo?
Panuto: Sagutin ang mga
tanong batay sa kwentong
napakinggan. Bilugan ang
tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng
kwento?
a. Si Pagong at Si Matsing
b. Si Langgam at Si Tipaklong
2. Bakit nag iipon si
Langgam ng pagkain?
a. bilang paghahanda sa
taglamig
b. dahil trip niya lang
3. Ano naman ang ginagawa ni
Tipaklong habang si Langgam
ay nagsisipag?
a. nag-iipon rin ng pagkain
b. nagsasaya at
nagpapahinga
4. Bakit kay Langgam humingi
ng pagkain si Tipaklong?
a. bilang dahil may pinatabi
siyang pagkain
b. dahil wala na siyang
mahanap na pagkain
5. Tinulungan ba sya ni
Langgam? Bakit?
a. Opo, dahil naawa ito sa
kalagayan ni Langgam.
b. Hindi po, dahil walang tao
sa bahay ni Langgam.
Magaling!
Sagutin:
Sa susunod na pangyayari,
ano sa palagay mo ang
gagawin ni Tipaklong bago
dumating ang tag ulan?
Bakit?​
Tandaan:
Ang pag-iimpok ay
nagpapaalala sa atin ng
halaga ng pag-iipon para
sa hinaharap na
pangangailangan.
Panuto: Kulayan ng pula si
Langgam kung ang pahayag
ay nagpapakita ng kahalagan
ng pag-iipon at kulay berde
naman kay tipaklong kung hindi
nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pag-iipon.
1. Masinop na iniipon ni Carla
ang sobra niyang baon upang
pambili ng bagong sapatos.
2. Nasira ang bag ni Perla sa
eskwela ngunit agad siyang
nakabili ng pamalit dahil ginamit
niya ang laman ng kaniyang piggy
3. Ibinili ni James ng laruang
teks ang kaniyang sobra baon
4. May proyektong dapat
bilhin si Andrew ngunit pinanlaro
na niya sa computer games ang
natira niyang baon.
5. Matapos ang pag-
iipon ng isang taon, masayang
nabili ni Kobe ang bago niyang
bisikleta.
Takdang Aralin:
Panuto: Itala ang iyong
sariling paraan sa
pagtitipid. Isulat ang
iyong sagot sa inyong
kwaderno.
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng
palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga
gamit sa lagayan :
c. Nailalapat ang mga paraan ng pag-iimpok at pagtitipid (hal.
pagtatabi ng pera o gamit sa paaralan)
GRADE 1
QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 4
Panimulang Gawain:
Saan nga ulit
tayo maaaring
magtabi o mag-
ipon ng pera?
Magaling!
Maaari tayong mag-ipon o
magtabi ng ating pera o salapi
sa mga bangko o sa alkansiya.
OBJECTIVES:
Pagkatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay inaasahan
na nailalapat ang mga
paraan ng pag-iimpok at
pagtitipid (hal. pagtatabi ng
pera).
Kahalagahan
ng Pagtatabi
ng Pera
Manuod Tayo!
Handa na
ba kayo?
Bakit nga ba
mahalaga
ang pagtatabi
ng pera o
salapi?
1. Nagagamit kapag nagkaroon
ng mga emergency. Tulad ng…
aksidente pagkakasakit
2. Nagagamit sa panghinaharap
na pangailangan. Tulad ng
pagbili ng….
bahay sasakyan
3. Nagagamit para sa pag-
aaral o edukasyon.
Itanong:
Nasunog ang bahay
ninyo ngunit wala
kayong pera o salapi
na naitabi. Ano kaya
ang mangyayari sa
inyong pamilya?
Itanong:
Dapat ba na
mayroon kang
naitatabing pera sa
lahat ng oras?
Bakit?
Magaling!
Tandaan:
Ang pag-iimpok ay
nagpapaalala sa atin ng
halaga ng pag-iipon para
sa hinaharap na
pangangailangan.
Panuto: Kulayan ang
piggy bank kung ang
larawan ay nagpapakita
ng pagpapahalaga sa
pagtatabi ng pera o
salapi.
1. Madalas na pamimili o
pagshopping sa iba’t ibang
lugar.
2. Paglista at pagbili ng
mga pinakakailangan gamit at
pagkain sa bahay.
3. Pagdedeposito ng
pera o salapi sa bangko.
4. Palagiang pag-alis ng
bansa kasama ang mga
kaibigan.
5. Paggastos ng
naayon sa pera o salapi.
Takdang Aralin:
Panuto: Bumuo ng akrostik gamit
ang salitang TIPID. Isulat sa
bawat titik kung paano mo
pinapahalagahan ang
pagtatabi ng iyong pera o
salapi.
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng
palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga
gamit sa lagayan :
c. Nailalapat ang mga paraan ng pag-iimpok at pagtitipid (hal.
pagtatabi ng pera o gamit sa paaralan)
GRADE 1
QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 5
Panimulang Gawain:
Panuto: Pagmasdan ang larawan.
Ano ang ipinapakita sa larawan?
Magaling!
Bukod sa pagtitipid ng
salapi o pera, maaari rin
nating tipirin ang iba
pang mga bagay.
OBJECTIVES:
Pagkatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay
inaasahan na nailalapat ang
mga paraan ng pag-iimpok
at pagtitipid (hal. gamit sa
paaralan).
Mga Paraan ng
Pag-iimpok at
Pagtitipid ng mga
Gamit sa
Paaralan
Magbasa Tayo!
Handa na
ba kayo?
Ang
Batang si
Lea
Nais kong ipakilala sa inyo ang
aking matalik na kaibigan na si Lea.
Magandang
Buhay! Ako nga
pala si Lea. Ako
ay katulad mo rin
na nasa unang
baitang.
Si Lea ay isang batang
matipid.
Kaya naman siya ay
kinagigiliwan ng
kaniyang mga guro at
kapwa kamag-aral.
Sinisiguro niya na nakasara ang ilaw sa silid-aralan.
Sinisiguro niya rin na nakasara ang gripo sa palikuran.
Gayundin ang pagtanggal ng mga saksakan sa silid.
Lagi niya isinasaisip ang
pagtitipid ng tubig at
kuryente. Kaya naman
natutuwa kay Lea ang
kaniyang mga
magulang.
Nagustuhan ba
ninyo ang kwento
mga bata?
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Bakit siya kinagigiliwan ng
kaniyang guro at kapwa
mag-aaral?
3. Ano ano ang kaniyang
sinisiguro bago umalis sa silid-
aralan?
4. Ginagawa niyo rin ba ang
ginagawa ni Lea?
Magaling!
Bilang isang mag-aaral,
dapat ay mayroon kang
pakialam o pagkalinga sa iyong
paaralan. Tipirin ang mga gamit
sa paaralan at panatalihin itong
maayos at malinis.
Tandaan:
Bukod sa pagtitipid ng salapi o
pera, maaari rin nating tipirin
ang iba pang mga bagay tulad
ng tubig, kuryente at iba pang
mga gamit.
Panuto: Kulayan ang
kahon ng pula kung ang
pahayag ay nagpapakita
ng pagpapahalaga o
pagtitipid ng mga gamit
sa paaralan.
1. Isasara ko ang ilaw ng
silid aralan pagkatapos ng
klase.
2. Tinatabi ko ang mga
lumang lapis na maaari pang
gamitin.
3. Pinagsasama sama ko
ang mga lumang papel sa
notebook na walang sulat upang
gawing bagong notebook.
4. Pinaglalaruan ko ang
tubig sa gripo.
5. Iniiwan kong
nakasaksak lahat ng bentilador
sa klase.
Takdang Aralin:
Gumuhit o gumupit ng tatlong
larawan na nagpapakita ng
pagpapahalaga o pagtitipid sa
mga gamit sa paaralan.
End of Week 3!

Good Manners and Right Conduct-Week 3.pptx