1. Pamumunong
Adaptibo
Ibinabatay sa sitwasyon ang estilo ng
pamumunong adaptibo. May mataas na
antas ng pagkilala sa sarili (self-
awareness) at kakayahang pamahalaan
ang sarili (self-mastery) ang lider na
gumaganap ng pamumunong adaptibo.
Mayroon siyang mataas na emotional
quotient (EQ) at personalidad na
madaling makakuha ng paggalang at
tagasunod. Ang pamumuno ni Ban Ki-
2. Moon, Barack Obama, at Lee Kuan Yew
ay halimbawa ng ganitong uri ng
pamumuno.
May apat na
katangian ang
adaptibong lider:
1.)Kakayahang pamahalaan ang sarili
(self-mastery o self-adaptation).
Mataas ang kamalayang pansarili ng
isang tao kung nalalaman niya ang tunay
na layon ng kaniyang pagkatao, mga
pinahahalagahan, layunin sa buhay at
3. kung ano ang nagbibigay ng kahulugan,
kapanatagan, at kaligayahan sa
kaniyang buhay. Maaari mong makamit
ang katangiang ito sa pamamagitan ng:
a.)pagpapaunlad ng iyong panloob na
pagkatao (inner self) sa pamamagitan ng
pag-unawa sa iyong buong pagkatao
tungo sa kaliwanagan (enlightened self).
b.)pagpapaunlad ng iyong ispiritwal na
pagkatao at pagkakaroon ng maliwanag
na pananaw sa pagiging mapanagutang
bahagi ng lipunan.
c.)pagpapaunlad ng pagkataong hindi
makasarili sa pamamagitan ng
kahandaang maglingkod at magsakripisyo
para sa ikabubuti ng iba.
2.)Kakayahang makibagay sa sitwasyon.
4. Maraming paraan ng pamamahala ang
kayang gawin ng isang adaptibong lider.
Nalalaman niya kung anong uri ng
pamamahala o estilo ang nararapat sa
bawat sitwasyon na kaniyang
kinakaharap dahil siya ay sensitibo,
marunong makibagay, at dagliang
tumutugon sa mga pangangailangan ng
kaniyang pinamamahalaan.
3.)Kakayahang makibagay sa
personalidad. Kinakikitaan ang isang
adaptibong lider ng masidhing
pagnanasang magtagumpay at umiwas sa
kabiguan; ang makipagsapalaran at
ipaglaban ang kaniyang mga karapatan
tungo sa pagtatagumpay. Nalalaman
niya kung paano makitungo sa iba’t
ibang tao na mayroong iba’t ibang
5. personalidad.
4.)kakayahang makibagy sa mga
tao.madaling makipag-ugnayan at
makitungo sa ibang tao ang isang
adaptibong lider dahil sa kaniyang
mataas na antas ng kamalayan at
kasanayang panlipunan. Madali rin para
sa kaniya ang makaisip ng mga paraan
upang mapagkasundo ang mga di-
nagkakaunawaang panig.
6. personalidad.
4.)kakayahang makibagy sa mga
tao.madaling makipag-ugnayan at
makitungo sa ibang tao ang isang
adaptibong lider dahil sa kaniyang
mataas na antas ng kamalayan at
kasanayang panlipunan. Madali rin para
sa kaniya ang makaisip ng mga paraan
upang mapagkasundo ang mga di-
nagkakaunawaang panig.