1. Pangaral kayJuan
(Tune: Felimon )
Kaibigang Juan, Kaibigang Juan
Nais kitang pangaralan
nawa’y ikaw ay makinig
sa susog ko’y matutulig
Ang tinig ko,ang tinig ko
dapat mo nang marinig
ibayong pagsisikap at taos na paghahanda
sa buhay mo’y isagawa.
Kaibigang Juan, Kaibigang Juan
Ang buhay ay isang laban
di mo alam, di mo alam
balang araw ang kahinanatnan
hangga’t maaga’t bata pa
alamin ang sandata
sa buhay may pag-asa at hindi mapariwara
kung tama ang ginagawa
Kaibigang Juan, Kaibigang Juan
ang sibol ng karunungan
sa mumos na kaisipan
ang s’yang panimulang tasaan
naghuhubog ng kaalaman
ginagawa sa paaralan
kaya wag kang maging tamad
determinasyon ihahayag
sa tagumpay maglalayag.
Kaibigang Juan, Kaibigang Juan
huwag mo ring kakalimutan
kakampi mo, kakampi mo
sa lahat ng pinagdaanan
sa pagkamit ng tagumpay
Dios ang tanging kaagapay
sa pangarap at daan na nais tatahakin
sa Ama ipanalangin.
katangiang tataglayin
mga pagsubok na darating, mga unos na
haharapin siya ang ay
Kaibigang Juan, Kaibigang Juan (pedi ma indi
na lang)
Bigyang pansin at pagtuunan
Mahalaga ang edukasyon para sa
kinabukasan
ito’y yamang di mawawala
di maagaw ninuman
kaya payoko sa’yo dapat na isapuso mo
ng sa buhay di mabigo.