1. Natataya ang partisipasyon ng iba’t-
ibang rehiyon at sektor (katutubo at
kababaihan) sa pakikibaka ng
bayan. AP5PKB-IVf-4
Pag – usbong ng Pakikibaka ng mga
Kababaihan ng Bayan
AP5PKB-IVf-4
GNG. RUBENEVA V. NUÑEZ
Teacher III
20. Siya ay kilala sa bansag
na “Lakambini ng
Katipunan”. Siya ay
sumapi sa Katipunan bago
pa man makasal kay
Andres Bonifacio.
21. Sa isang pagpupulong ng mga
Katipunero, nabuo ang isang
sector na pambabae sa
samahan. Si Josefa Rizal,
kapatid ni Jose Rizal, ay
nahalal na pangulo at siya
ang inihalal na pangalawang
pangulo.
22. Mahirap ang naging kalagayan ni
Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang
matuklasan ang Katipunan. Bilang
Lakambini ng Katipunan at asawa ng
Supremo. Siya ang tagapagtago ng mga
lihim na dokumento ng samahan.
Pinamahalaan din ni Oriang ang
pagpapakain at pagpapagamot sa mga
kasapi ng Katipunan na nasugatan sa
labanan.
23. Bagaman marami ang kumampi sa
mga dayuhan, may mga miyembro rin ng
mga mayayamang angkan ang matapat
na sumuporta sa layunin ng rebolusyon.
24. Isa sa kanila si Gliceria Marella de
Villavicencio ng Taal, Batangas.
Maaga siyang nagpakasal kay
Eulalio Villavicencio sa gulang na
19. Dahil parehong nagmula sa
mayamang angkan at mahusay sa
pagnenegosyo, mas napalago nila
ang kanilang mga ari-arian.
25. Nang mapatay noong 1872 ang mga
paring GOMBURZA, nagsimula na si
Gliceria at ang kanyang asawa sa
pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si
Rizal ay nasa Hong Kong, nakipagkita sa
kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18,
000.00. Nang bumalik, may dala na
itong mga kopya ng Noli Me Tangere at
ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga
ito ay kanilang ipinamigay.
26. Tubong Ilo-Ilo si Patrocinia
Gamboa. Bagaman nagmula rin
siya sa isang mayamang angkan
ng mga illustrado, kabilang siya sa
mga naghahangad ng kalayaan ng
Pilipinas mula sa Espanya. Mahilig
siyang magbasa ng mga
komposisyon nina Rizal at Lopez
Jaena.
27. Hindi nagtagal, sumapi na rin siya
sa mga nagrerebolusyonaryo sa
kanilang lalawigan. Hindi siya
kaagad pinagdudahan ng mga
Espanyol dahil siya ay babae.
Nakatulong siya sa paniniktik at
sa pag-iipon ng pondo para sa
rebolusyon. Naging aktibo rin siya
bilang miyembro ng Red Cross.
28. Kilala si Melchora Aquino sa bansag na
“Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84,
hindi siya nag-atubiling magbigay ng
tulong sa mga nasugatang Katipunero
sa tuwing napapasabak ang mga ito sa
labanan. Dahil mayroon siyang palayan,
naging mainam na kanlungan ng mga
rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi
rin siya naging maramot na magbigay ng
palay o kalakal niya sa kanyang tindahan.
Dito madalas niyang makausap si
Andres.
29. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa
kaniyang pagtulong sa mga
Katipunero. Siya ay ipinatapon sa
Guam kung saan tinanggap siya
ng mag-asawang Pilipino. Pinili
niyang magtrabaho sa kanila
kaysa tumanggap ng libreng
tulong.
30. Tinaguriang “Unang Magdirigma
sa Panay” at mas kilala bilang
“Joan of Arc ng Visayas”. Nang
sumiklab ang rebolusyon, sumanib
siya sa kabila ng pagtutol ng
kaniyang asawa. Naunang sumapi
sa Katipunan ang kaniyang
dalawang kapatid na lalaki na
pawang may mataas na
katungkulan sa Katipunan.
31. Pinamunuan niya ang
isang pangkat ng mga
kalalakihan. Tumulong
siya sa pakikipaglaban.
Nakilala siya sa kaniyang
husay sa pamumuno at
tinawag na ‘Nay Isa’.
32. Maraming labanan ang kanilang
naipanalo. Sa kabila ng gutom at
kakulangan sa armas, unti-unting
naagaw nila ang mga bayan ng Panay
hanggang masakop ng mga puwersang
rebolusyonaryo ang buong isla. Nakuha
niya ang mga armas laban sa mga
Espanyol, pinangunahan ang mga
tropa at nanalo ng ilang mga labanan
sa ilalim ng pamumuno ni Heneral
Martin Delgado.
33. Ipinagpatuloy niya ang
pakikipaglaban sa panahon ng
mga Amerikano. Itinigil niya
ang pakikipaglaban nang
makita niyang walang
mangyayari sa pagtutol nila sa
pananakop ng mga Amerikano.
34. GROUP A. Buuin ang Puzzle.
GROUP B. Kilalanin kung sino-sino ang
kababaihan sa larawan.
GROUP C. Ibigay ang mga naiambag ng
mga kababaihan sa nabuong puzzle.
Pangkatang Gawain (Group A-C)
36. Panuto: Ilagay ang naging partisipasyon sa
pakikibaka ng mga kababaihan ng bayan. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.
Melchora
Aquino
_________
_________
Teresa
Magbanua
_________
_________
Gregoria
De Jesus
_________
_________
Patrocinia
Gamboa
__________
__________
Gliceria Marella de
Villavicencio
________________
________________
37. 1.Sino-sino ang mga kababaihan na
nagpakita ng partisipasyon sa
pakikibaka o pakikipaglaban para sa
bayan?
2.Sa mga paanong paraan sila nakibaka?
PAGLALAHAT
39. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng kakabaihang tinutukoy sa bawat bilang.
______________1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan.
______________2. Kinikilala bilang Ina ng Katipunan.
______________3. Tinaguriang “Unang Magdirigma sa
Panay” at mas kilala bilang “Joan of Arc ng Visayas”.
______________4. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-
iipon ng pondo para sa rebolusyon.
______________5. Nang mapatay noong 1872 ang mga paring
GOMBURZA, siya at ang kanyang asawa ay naging aktibo sa
Propaganda.
C
A B
D E
40. SUSI SA PAGWAWASTO
1. D. Gregoria De Jesus
2. A. Melchora Aquino
3. B. Teresa Magbanua
4. C. Patrocinia Gamboa
5. E. Gliceria Marella De Villavicencio
41. Magsaliksik ng iba pang Kababaihan
na naging bahagi ng pakikipaglaban
para sa pagkamit ng kalayaan ng
bansa.
TAKDANG -ARALIN