SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
MAG “CLUTTER - FREE” TAYO!
  (Let’s Keep Our Homes Clean and Orderly)
Panimula:
     Napakaganda ng ating paksa ngayon na
pinamagatang       MAG     “CLUTTER-FREE”       TAYO!
...Napakahalaga nito at lubhang napapanahon. Bilang
bahagi ng ating pagtalakay, hayaan ninyong mag-
survey kami sa mga naririto ukol sa kalagayan natin sa
larangan ng pag-aayos at pagsisinop ng ating mga
kagamitan. Itaas po lamang ang inyong kamay kung
aplikable sa inyo ang mga sitwasyon na aming
babanggitin. Makipagkaisa po tayo ng lubusan sa
bahaging ito. Sana ay maging matapat (honest) tayo
sa pagtugon upang lubos nating pakinabangan ang
pagtalakay ng ito. Narito po ang mga sitwasyon.
1. Kung lilipat ng bahay, maraming gamit o bagay ang
   iiwan na lamang.
2. Puno ang drawers at cabinets ng mga bagay na
   hindi na ginagamit.
3. Nagtatago ng mga damit na hindi na kasya, wala na
   sa uso, luma na, at hindi na kailangan.
4. Maraming mga libro na di na ginagamit, at mga
   lumang magazines at diyaryo na inaalikabukan na.
5. Nagtatago ng mga invitations, greeting cards at
   mga sulat na mula sa mga taong halos di na
   matandaan.
6. Mayroong mga gamit para sa mga proyektong
   sinimulan na umaasang balang-araw ay matatapos.
7. May mga appliances at equipment na huindi na
   gumagawa pero nakatabi pa.
8. Maraming make-up, pabango o after shaves na
   hindi na ginagamit pero itinatago pa.
9. Nagkalat ang mga pictures, mementos at mga
    souvenirs sa iba’t ibang bahagi ng bahay.
10. Kapag naghanapng mga bagay, inaabot ng higit sa
    10 minuto dahil sa di malaman kung nasaan ito o
    dahil kasama ito sa mga bunton ng mga gamit.


Ano ba ang “Clutter-Free” Environment?
     Ito ay ang kapaligiran na maayos , malinis at
  napakaaliwalas tingnan. Wala kang kalat na
  makikita. Lahat ng bagay ay nasa tamang lugar.
  Lahat ay organisado. Lahat ng gamit na makikita
  mo ay may silbi o function.Kapag may hahanapin
  ka dahil kailangan mo, sa ilang saglit ay makikita
  mo na dahil alam mo kung saan eksaktong lugar
  nakalagay.
Sinasabing “Clutter” o “junk” ang mga bagay
na sira na o di na magagamit mga damit na di na
kasya o wala na sa uso o luma na , mga laruan at libro
na pinaglipasan na ng mga gumagamit, mga
kagamitang pambahay na di na kailangan, mga gamit
na nakapipinsalakaysa pinakikinabangan, mga gamit
na walang masamang epekto kahitt di na makikita
pa, o mga gamit na magiging pasanin pa ng susunod
na henerasyon.
       Masasabi namang hindi “junk” o “clutter” kung
ang mga gamit o bagay ay patuloy na nagbibigay
kasiyahan sa may-ari, may katumbas ito na halaga ng
salapi, nakatutulong ito sa hanapbuhay, pag-aaral at
iba pang mga gampanin, may sapat na silbi o function
sa may-ari, o kaya ay malulugod na pagyamanin pa ng
susunod na henerasyon.
Ano ang mga sanhi ng “clutter” sa
      ating paligid o tahanan..
A. Ang hangarin natin na makamit, mabili, matipon
   ang mga      bagay na ninanais sa buhay. Subali’t
   “enough      is    never    enough’’.    Habang
   nagkakaroon, lalong naghahangad ng higit pa.
   Habang dumarami, nadaragdagan ang “clutter” o
   kalat natin.

B. Ang pagbigay katuwiran o dahilan upang maitago
   ang isang bagay katulad ng:
   1. Puwede ko pang magamit itong mga gusot na
      gift wrapper, paplantsahin lang.
   2. Di ko maitapon ang mga envelop ng mga sulat
      na natanggap ko isang taon nang nakaraan kasi
      kailangan ko pang kopyahin ang mga address
3. balang araw mgakakaroon din ako ng panahon
      para matapos ko ang m,ga proyektong sinimulan
      ko gaya ng cross stitch, pagsulat ng libro,
      pangongolekta ng stamps, atbp. Balang araw.....
      Someday....
C. Ang pag-iwas o hindi pagharap sa katotohanan gaya
   ng tunay na kalagayan ng iyon pananalapi. Ayaw
   mong buksan at basahin ang mga bills at statements
   ng bayarin kasi mapipilitan kang magbayad.
D. Ang      hindi     kahandaan      sa     pagbabago.
   Halimbawa, kapag tumaba ka ay pilit mong
   pinagkakasya ang dati mong malilit na mga damit o
   kaya naman kapag pumayat ka na at makita mo ang
   dating damit, ay muling lumakas ang iyong pagkain.
E. Ang pagkakaroon ng suliranin. Halimbawa, may
   problema ang mag-asawa. Kapag galit si misis kay
   mister, hindi siya gagawa sa bahay, di maglilinis, di
   mag-aayos ng mga kalat, at di kikilos na parang
   katapusan na ng mundo.
Ano ang masamang epekto ng
      “clutter”sa ating buhay?
A. Pinatatagal ng clutter ang lahat ng gawain. Ito ay
kaaway ng pagiging efficient. Ang “clutter” ay
maituturing na tagapagnakaw ng oras natin. Kung
ikaw ay magpapako, ang kailangan mo lamang ay 6 na
segundo para ito maibaon nguni’t kung di mo alam
nasaaan ang pako at martilyo, tiyak na mas maraming
oras ang gugulin mo. Nagbibihis ka upang pumasok
sa trabaho, mabilis mo sana itong magagawa kung di
ka maghahanap ng kapares na medyas, saan
nakalagay ang paborito mong damit, atbp. Mabilis din
magluto kung lahat ng sangkap ay hanap na kaysa
hahanapin mo pa sa bunton ng mga sangkap ang
panimpla.
B. Pinaiikli ng “clutter” ang mga bagay na gustong
   gawin. Napapasin ba ninyo na habang nagkaka-
   edad ang tao ay umiikli ang oras sa mga gusto
   niyang gawin? Bakit may oras ang isang anim (6)
   na taong gulang na bata na maglaro maghapon,
   ang 18 yr old, bahagi na lamang ng isang araw,
   kapag 30 yr old, oras na lamang, at 40’s na, minuto
   na lamang. Dahil ito sa lahat ng tao, lugar, at gamit
   na pumapaligid sa atin. Kung gusto natin ng mas
   maraming oras para sa sarili dapat maging
   organisado at mag- “clutter-free”.
C. Ang pagpapanatili ng “clutter” ay magastos.
   Habang dumadami ang mga gamit, lumalaki naman
   ang dapat na paglagyan nito. Minsan kailangan na
   ng isang kuwarto upang paglagyan ng lahat ng mga
   gamit o kaya ay nakakalat ang mga ito sa buong
   bahay.
D. May bayad ang paglilipat ng “clutter”. Kapag ang
   pamilya ay naglipat ng bahay at 1/3 ng mga gamit
   ay “clutter”, malaki ang nagagasta nila kaysa kung
   itatapon o ipamimigay na lamang lahat ng hindi na
   kailangan.
E. Ang “clutter” ay nagdudulot ng “stress” sa ating
   buhay. Dahil sa “clutter” ay parang hindi tayo
   makahinga ng maluwag. Hindi tayo makapag-isip
   ng maayos. Ito rin ay nakakaapekto sa pakikitungo
   natin sa ating mga mahal sa buhay at sa ating
   kapwa.

Mga TIPS para maging “clutter-free”
A. Tukuyin at paghiwa-hiwalayin ang mga “clutter”
      1. Kumuha ng tatlong (3) plastic bags at isang
   (1) kahon. Pangalanan ang 3 plastic bags ng
   JUNK, SHARE, SORT at ang kahon ng EMOTIONAL
2. Bitbit ang bags at box, puntahan ang lahat
ng    lugar sa inyong bahay.
      3. Lahat ng makitang “clutter” o kalat (gaya ng
      damit, magazine, laruan, sapatos, libro, atbp) ay
      uriin at ilagay isa-isa sa mga angkop na bags at
      box.
          a. Ilagay sa JUNK BAG (1) kung ito ay sira
na, nakalakhan na, wala na sa istilo, pangit, wala ng
pagagamitan, wala ng ka-partner, kulang na sa parte, o
inaamag na. Wala na itong silbi. ITAPON NA!
            b. Sa SHARE BAG (2) naman, kung ito
maganda pa at puwede, pang magamit ng
iba, magagawa pa, kung hindi na kasya sa iyo dahil
masyadong malaki o maliit na, o sobra na. May silbi pa
ito pero hindi mo na kailangan. IPAMIGAY MO!
c. Ilagay naman sa SORT BAG (3) ang lahat ng
mga nakakalat na wala sa tamang lalagyan ngunit
maari pang gamitin. Hindi mo lang malaman agad
kung saan itatago. Uriin mo muli sa loob ng isang
buwan. ITAGO MUNA!
       d. Sa EMOTIONAL BOX naman, ilagay mo ang
lahat ng may ”sentimental value” sa iyo at di mo
maihiwalay sa iyong buhay, ITAGO MO MUNA NANG
MAAYOS sa loob ng 6 na buwan hanggang
madesisunan mo na puwede nang itapon.
4. Matapos ang araw ng o panahon ng iyong paglilinis
sa lahat ng “clutter” sa inyong buhay, dalhin ang mga
JUNK BAG sa pinakamalapit na basurahan. Ang nasa
SHARE BAGS sa ukay-ukay o kaya ay sa “second
hand stores”, o ipamigay mo. Maari rin itong
pagsimulan ng proyekto nsa Lokal na pamamahagi sa
mga     kapatid     sa    nangangailangan.     Maaring
pangasiwaan ng mga Maytungkuling nasa Kapisanan
ang ukol sa proyektong ito.
5. Habang tinitingnan ninyo ang nasa SHORT BAG, at
di kayo magkapanahon na ito ay isa-isahin, unti-unti
ay nawawalan ito ng halaga sa iyo. Nagiging magaan
na piliin na lamang at ipuwesto ang talagang
kailangan. Ang natitira ay ipamigay na muli.
Kaya, three bags down at one box to go na lang.
END

More Related Content

Similar to Clutter free

Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHomeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
HenryViernes
 
halinat matutong magbasa.pptx
halinat matutong magbasa.pptxhalinat matutong magbasa.pptx
halinat matutong magbasa.pptx
LyzaGalagpat2
 

Similar to Clutter free (20)

ESP-Q3-WEEK 3.pptx
ESP-Q3-WEEK 3.pptxESP-Q3-WEEK 3.pptx
ESP-Q3-WEEK 3.pptx
 
Esp aralin 9 quarter 4
Esp aralin 9 quarter 4Esp aralin 9 quarter 4
Esp aralin 9 quarter 4
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
ESP Q2 Week 5 Day 1.pptx
ESP Q2 Week 5 Day 1.pptxESP Q2 Week 5 Day 1.pptx
ESP Q2 Week 5 Day 1.pptx
 
FIL Q1 W4 Day 1 (1).pptx
FIL Q1 W4 Day 1 (1).pptxFIL Q1 W4 Day 1 (1).pptx
FIL Q1 W4 Day 1 (1).pptx
 
Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa...
Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa...Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa...
Es p 9 Modyul 11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa...
 
EsP1 1st Q Aralin 6 DLL.pdf
EsP1 1st Q Aralin 6 DLL.pdfEsP1 1st Q Aralin 6 DLL.pdf
EsP1 1st Q Aralin 6 DLL.pdf
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4
 
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docxDLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
 
Module-6-day2.docx
Module-6-day2.docxModule-6-day2.docx
Module-6-day2.docx
 
Module-6-day2.docx
Module-6-day2.docxModule-6-day2.docx
Module-6-day2.docx
 
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOSUnang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
Unang Markahang Pagsusulit sa EsP Baitang walo w/ TOS
 
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHomeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
 
Third GRADING TEST IN ESP 4.docx
Third GRADING TEST IN ESP 4.docxThird GRADING TEST IN ESP 4.docx
Third GRADING TEST IN ESP 4.docx
 
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptxPPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptx
 
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptxPPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptx
 
Q4-WEEK6DAY3.pptx
Q4-WEEK6DAY3.pptxQ4-WEEK6DAY3.pptx
Q4-WEEK6DAY3.pptx
 
halinat matutong magbasa.pptx
halinat matutong magbasa.pptxhalinat matutong magbasa.pptx
halinat matutong magbasa.pptx
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 
lakbay sanaysay sa filipino sa piling l
lakbay sanaysay  sa filipino sa piling llakbay sanaysay  sa filipino sa piling l
lakbay sanaysay sa filipino sa piling l
 

Clutter free

  • 1. MAG “CLUTTER - FREE” TAYO! (Let’s Keep Our Homes Clean and Orderly)
  • 2. Panimula: Napakaganda ng ating paksa ngayon na pinamagatang MAG “CLUTTER-FREE” TAYO! ...Napakahalaga nito at lubhang napapanahon. Bilang bahagi ng ating pagtalakay, hayaan ninyong mag- survey kami sa mga naririto ukol sa kalagayan natin sa larangan ng pag-aayos at pagsisinop ng ating mga kagamitan. Itaas po lamang ang inyong kamay kung aplikable sa inyo ang mga sitwasyon na aming babanggitin. Makipagkaisa po tayo ng lubusan sa bahaging ito. Sana ay maging matapat (honest) tayo sa pagtugon upang lubos nating pakinabangan ang pagtalakay ng ito. Narito po ang mga sitwasyon.
  • 3. 1. Kung lilipat ng bahay, maraming gamit o bagay ang iiwan na lamang. 2. Puno ang drawers at cabinets ng mga bagay na hindi na ginagamit. 3. Nagtatago ng mga damit na hindi na kasya, wala na sa uso, luma na, at hindi na kailangan. 4. Maraming mga libro na di na ginagamit, at mga lumang magazines at diyaryo na inaalikabukan na. 5. Nagtatago ng mga invitations, greeting cards at mga sulat na mula sa mga taong halos di na matandaan. 6. Mayroong mga gamit para sa mga proyektong sinimulan na umaasang balang-araw ay matatapos. 7. May mga appliances at equipment na huindi na gumagawa pero nakatabi pa. 8. Maraming make-up, pabango o after shaves na hindi na ginagamit pero itinatago pa.
  • 4. 9. Nagkalat ang mga pictures, mementos at mga souvenirs sa iba’t ibang bahagi ng bahay. 10. Kapag naghanapng mga bagay, inaabot ng higit sa 10 minuto dahil sa di malaman kung nasaan ito o dahil kasama ito sa mga bunton ng mga gamit. Ano ba ang “Clutter-Free” Environment? Ito ay ang kapaligiran na maayos , malinis at napakaaliwalas tingnan. Wala kang kalat na makikita. Lahat ng bagay ay nasa tamang lugar. Lahat ay organisado. Lahat ng gamit na makikita mo ay may silbi o function.Kapag may hahanapin ka dahil kailangan mo, sa ilang saglit ay makikita mo na dahil alam mo kung saan eksaktong lugar nakalagay.
  • 5. Sinasabing “Clutter” o “junk” ang mga bagay na sira na o di na magagamit mga damit na di na kasya o wala na sa uso o luma na , mga laruan at libro na pinaglipasan na ng mga gumagamit, mga kagamitang pambahay na di na kailangan, mga gamit na nakapipinsalakaysa pinakikinabangan, mga gamit na walang masamang epekto kahitt di na makikita pa, o mga gamit na magiging pasanin pa ng susunod na henerasyon. Masasabi namang hindi “junk” o “clutter” kung ang mga gamit o bagay ay patuloy na nagbibigay kasiyahan sa may-ari, may katumbas ito na halaga ng salapi, nakatutulong ito sa hanapbuhay, pag-aaral at iba pang mga gampanin, may sapat na silbi o function sa may-ari, o kaya ay malulugod na pagyamanin pa ng susunod na henerasyon.
  • 6. Ano ang mga sanhi ng “clutter” sa ating paligid o tahanan.. A. Ang hangarin natin na makamit, mabili, matipon ang mga bagay na ninanais sa buhay. Subali’t “enough is never enough’’. Habang nagkakaroon, lalong naghahangad ng higit pa. Habang dumarami, nadaragdagan ang “clutter” o kalat natin. B. Ang pagbigay katuwiran o dahilan upang maitago ang isang bagay katulad ng: 1. Puwede ko pang magamit itong mga gusot na gift wrapper, paplantsahin lang. 2. Di ko maitapon ang mga envelop ng mga sulat na natanggap ko isang taon nang nakaraan kasi kailangan ko pang kopyahin ang mga address
  • 7. 3. balang araw mgakakaroon din ako ng panahon para matapos ko ang m,ga proyektong sinimulan ko gaya ng cross stitch, pagsulat ng libro, pangongolekta ng stamps, atbp. Balang araw..... Someday.... C. Ang pag-iwas o hindi pagharap sa katotohanan gaya ng tunay na kalagayan ng iyon pananalapi. Ayaw mong buksan at basahin ang mga bills at statements ng bayarin kasi mapipilitan kang magbayad. D. Ang hindi kahandaan sa pagbabago. Halimbawa, kapag tumaba ka ay pilit mong pinagkakasya ang dati mong malilit na mga damit o kaya naman kapag pumayat ka na at makita mo ang dating damit, ay muling lumakas ang iyong pagkain. E. Ang pagkakaroon ng suliranin. Halimbawa, may problema ang mag-asawa. Kapag galit si misis kay mister, hindi siya gagawa sa bahay, di maglilinis, di mag-aayos ng mga kalat, at di kikilos na parang katapusan na ng mundo.
  • 8. Ano ang masamang epekto ng “clutter”sa ating buhay? A. Pinatatagal ng clutter ang lahat ng gawain. Ito ay kaaway ng pagiging efficient. Ang “clutter” ay maituturing na tagapagnakaw ng oras natin. Kung ikaw ay magpapako, ang kailangan mo lamang ay 6 na segundo para ito maibaon nguni’t kung di mo alam nasaaan ang pako at martilyo, tiyak na mas maraming oras ang gugulin mo. Nagbibihis ka upang pumasok sa trabaho, mabilis mo sana itong magagawa kung di ka maghahanap ng kapares na medyas, saan nakalagay ang paborito mong damit, atbp. Mabilis din magluto kung lahat ng sangkap ay hanap na kaysa hahanapin mo pa sa bunton ng mga sangkap ang panimpla.
  • 9. B. Pinaiikli ng “clutter” ang mga bagay na gustong gawin. Napapasin ba ninyo na habang nagkaka- edad ang tao ay umiikli ang oras sa mga gusto niyang gawin? Bakit may oras ang isang anim (6) na taong gulang na bata na maglaro maghapon, ang 18 yr old, bahagi na lamang ng isang araw, kapag 30 yr old, oras na lamang, at 40’s na, minuto na lamang. Dahil ito sa lahat ng tao, lugar, at gamit na pumapaligid sa atin. Kung gusto natin ng mas maraming oras para sa sarili dapat maging organisado at mag- “clutter-free”. C. Ang pagpapanatili ng “clutter” ay magastos. Habang dumadami ang mga gamit, lumalaki naman ang dapat na paglagyan nito. Minsan kailangan na ng isang kuwarto upang paglagyan ng lahat ng mga gamit o kaya ay nakakalat ang mga ito sa buong bahay.
  • 10. D. May bayad ang paglilipat ng “clutter”. Kapag ang pamilya ay naglipat ng bahay at 1/3 ng mga gamit ay “clutter”, malaki ang nagagasta nila kaysa kung itatapon o ipamimigay na lamang lahat ng hindi na kailangan. E. Ang “clutter” ay nagdudulot ng “stress” sa ating buhay. Dahil sa “clutter” ay parang hindi tayo makahinga ng maluwag. Hindi tayo makapag-isip ng maayos. Ito rin ay nakakaapekto sa pakikitungo natin sa ating mga mahal sa buhay at sa ating kapwa. Mga TIPS para maging “clutter-free” A. Tukuyin at paghiwa-hiwalayin ang mga “clutter” 1. Kumuha ng tatlong (3) plastic bags at isang (1) kahon. Pangalanan ang 3 plastic bags ng JUNK, SHARE, SORT at ang kahon ng EMOTIONAL
  • 11. 2. Bitbit ang bags at box, puntahan ang lahat ng lugar sa inyong bahay. 3. Lahat ng makitang “clutter” o kalat (gaya ng damit, magazine, laruan, sapatos, libro, atbp) ay uriin at ilagay isa-isa sa mga angkop na bags at box. a. Ilagay sa JUNK BAG (1) kung ito ay sira na, nakalakhan na, wala na sa istilo, pangit, wala ng pagagamitan, wala ng ka-partner, kulang na sa parte, o inaamag na. Wala na itong silbi. ITAPON NA! b. Sa SHARE BAG (2) naman, kung ito maganda pa at puwede, pang magamit ng iba, magagawa pa, kung hindi na kasya sa iyo dahil masyadong malaki o maliit na, o sobra na. May silbi pa ito pero hindi mo na kailangan. IPAMIGAY MO!
  • 12. c. Ilagay naman sa SORT BAG (3) ang lahat ng mga nakakalat na wala sa tamang lalagyan ngunit maari pang gamitin. Hindi mo lang malaman agad kung saan itatago. Uriin mo muli sa loob ng isang buwan. ITAGO MUNA! d. Sa EMOTIONAL BOX naman, ilagay mo ang lahat ng may ”sentimental value” sa iyo at di mo maihiwalay sa iyong buhay, ITAGO MO MUNA NANG MAAYOS sa loob ng 6 na buwan hanggang madesisunan mo na puwede nang itapon.
  • 13. 4. Matapos ang araw ng o panahon ng iyong paglilinis sa lahat ng “clutter” sa inyong buhay, dalhin ang mga JUNK BAG sa pinakamalapit na basurahan. Ang nasa SHARE BAGS sa ukay-ukay o kaya ay sa “second hand stores”, o ipamigay mo. Maari rin itong pagsimulan ng proyekto nsa Lokal na pamamahagi sa mga kapatid sa nangangailangan. Maaring pangasiwaan ng mga Maytungkuling nasa Kapisanan ang ukol sa proyektong ito. 5. Habang tinitingnan ninyo ang nasa SHORT BAG, at di kayo magkapanahon na ito ay isa-isahin, unti-unti ay nawawalan ito ng halaga sa iyo. Nagiging magaan na piliin na lamang at ipuwesto ang talagang kailangan. Ang natitira ay ipamigay na muli. Kaya, three bags down at one box to go na lang.
  • 14. END