Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo na nararamdaman simula noong kalagitnaan ng ika-20 siglo, na sanhi ng natural na pagbabago at mga gawain ng tao. Nagdudulot ito ng mga masamang epekto sa kapaligiran at kalusugan ng tao, tulad ng pag-init ng temperatura, malalakas na bagyo, at paglaganap ng mga sakit. Sa Pilipinas, ang mga epekto ng climate change ay lumalala ang panganib sa food security at nagiging sanhi ng pagkasira ng mga komunidad at ekosistema.