Isang pagsusuri sa tanyag na akda ni Liwayway Arceo, ang Canal dela Reina. Para ito sa mga nasa ikatlong taon ng sekundarya o mga nasa ika-siyam na grado. Hope it'll be of help :)
Isang pagsusuri sa tanyag na akda ni Liwayway Arceo, ang Canal dela Reina. Para ito sa mga nasa ikatlong taon ng sekundarya o mga nasa ika-siyam na grado. Hope it'll be of help :)
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
2. Canal de la Reina
Isinulat ni Liwayway A. Arceo
Inimprenta noong 1985
"The Queen's Canal“
Ito’y isang nobela kung saan pinapakita ang sakit
ng sosyedad o social cancer sa mataas na lebel ng
sosyedad sa Pilipinas.*
3. Arceo
Siya ay isang nobelistang Tagalog na nakapagkamit
ng napakaraming parangal dahil sa kanyang mga
akda.
Ipinanganak siya noong Enero 30, 1924.
Siya ang may-akda ng iba’t – ibang sikat na nobelang
tulad ng Canal de la Reina(1985) at Titser(1995).
Nagsulat din siya ng mga maikling kwento tulad ng
Ina, Maybahay, Anak at iba pa,Mga Maria, Mga Eva,
Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng
Pag-ibig (1997).
4. Tumanggap din siya ng iba’t- ibang parangal gaya ng
Carlos Palanca para sa Maikling Kwento sa Filipino,
Gawad CCP para sa literatura(1993), CatholicAuthors
Award from the Asian Catholic Publishers(1990), at
Gawad Balagtas LifeAchievement Award for Fiction
from the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
Siya ay pumanaw sa edad na 75.
Arceo
5. Ang tema ng nobelang Canal de la Reina ay
napapaloob sa aspetongSosyo-ekonomikal at Sosyo-
politikal.
Makikita rito ang tunay na kalagayan ng isang
lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang
isyung napapanahon.*
Sanobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. *
6. Sa isang lugar na mabaho, maputik and may
mga illegal na gawin. Mayroong isang canal
dito na puno ng “water lilies”; ang canal na
ito ay naghubog ng isang ilog na tinatawag
na ‘Canal de la Reina´.
7. Mga Tauhan
Pamilyang de los Angeles
Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa.
Masasabing isa silanghalimbawa ng maayos at halos perpektong
pamilya.
1. Salvador
Ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito
at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito
magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas
din siyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo na’t kung sa
tingin niya’y ito’y tama at parasa ikabubuti ng asawa.
8. Mga Tauhan
2. Caridad
Isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang
pagmamahal at pag-aalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang
mga anak na sina Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at
matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga
problemang kanyang kinakaharap.
3. Leni
Panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos
ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad
nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa
panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang
nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam.
9. Mga Tauhan
4. Junior
Huling miyembro ng pamilya. Kasalukuyan itong kumukuha ng
kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni
Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan nito ang kanyang
mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa
politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang
kanyang mga magulang.
11. Mga Tauhan
Pamilyang Marcial
Ang pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang
maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora
Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na
pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman
nito.
5. Victor
Ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa
kanyang ina. Hindi man kita, ay mahal na mahal niya ang
kanyang pamilya.
12. Mga Tauhan
6. Gracia
Asawang hiniwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng
inang si Nyora Tentay.
7. Gerry
Anak ni Victor at Gracia. Isang duktor at bukas palad
sa mga nangangailangan. Siya ay nagtatrabaho sa
isang pamublikong ospital.
13. Mga Tauhan
8. Vicenta Marcial o Nyora Tentay
Ang reyna ng Canal de laReina´.*
Pinapangunahan niya ang kanyang pamilya at
inaabuso ang mga mahihirap sa pagpapautang sa
kanila nang may mataas sa interes.
15. Mga Tauhan
9. Precioso Santos o Osyong
Siya ang nagbenta ng lupa kay Nyora
Tentay sa mababang halaga. *
10. Ingga
Siya ang katulong ni Nyora Tentay.
16.
17. Saglit na Kasiglahan
Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay
ang may kayasa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan
ng lahat ng naninirahan doonupang umutang dahil sa
kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niyaang mga ito
ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga
umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil
mayroong mgakatiwalian at bayaran sa mga opisyal.*
18. Suliranin
Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni
Caridad na biniliang kanyang lupa, di umano ni Nyora
Tentay mula sa dating katiwalanila na si Osyong. Dahil
sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasangmagkaroon
ng alitan sa pagitan ng dalawa.
19. Tunggalian
Nalaman ni Caridad na binili ang kanyang
lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating
katiwala nila na si Osyong. Dahil sa
mga pangyayaring ito, hindi naiwasang
magkaroon ng alitan sa pagitan ngdalawa.
20. Kasukdulan
Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at
masaya. Ang lahatay nagdiwang dahil ang
kanilang mga suliranin ay natapos sa isangmaayos
at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan
nang kumuhang abogasya at si Leni at Gerry
naman ay nagpakasal na. Nagpasyasilang mag-
umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa
kanilang lupasa Canal de la Reina.
21. Kakalasan
Nagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang
araw aymay dumating na napakalakas na bagyo sa
bansa. Naging dulotnito ay ang pagkakatangay sa baha
ng mga naninirahan sa Canalde la Reina at kasama rito
si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay
napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles
ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili
parin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging
patas.
22. Katapusan
Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay
naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang
mga ginagawa. Tinanggapnito ang kanyang
pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay
nanagmamay-ari.
23.
24. Maraming makikitang isyung-panlipunan sa
nobela. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito
sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Maliit man o
matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga
gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang
naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya
at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas
ng ating bansa. Makikita rito na ang tao ay maaaring
magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay
isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa
katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig
ang kasamaan sa kabutihan.