SlideShare a Scribd company logo
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?
Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)
Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga magulang, mga guro at prinsipal
Mga panauhing pinagpipitaganan
Naririto ngayon sa’ting paaralan.
Magandang umaga po, ang bating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Ikalimang baitang ang amin pong alay
Ipagmamalaki, isang balagtasan.
Wikang Filipino ay sariling wika
At ang wikang English ay wikang banyaga
Kapwa ginagamit ng may pang-unawa
Higit na mahalaga, alin na nga kaya?
Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala
Dalawang mahusay, maganda at batikang makata
Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.
Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran
Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald
At sa wikang English ang makakalaban
Bb. Lariza ng Grade V- Section one.
Wikang Filipino:
Sa puso at diwa, ako’y Pilipino
Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko
May sariling wika, wikang Filipino
Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko.
Wikang Filipino ay wikang panlahat
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas
Sa pagkakaisa naipahahayag
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.
Wikang English:
Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig
Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit
Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.
Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa
Ito’y mga pagbabagong Wikang English ang simula.
Wikang Filipino:
Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago
Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso
Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno
Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.
Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao
Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipno
Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago.
Wikang English:
Sapagkat itong English isang wikang unibersal
Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.
Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral
Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply
Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad
Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.
Wikang Filipino:
Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso
Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino
Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.
Wikang English:
Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino
Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo
Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo
Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.
Lakandiwa:
Tama na, sukat na, mahuhusay na makata
Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa
Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya
Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?
Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y nagpapasalamat
Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang
Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang
Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.
SA TABI NG DAGAT
Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...
DULA-DULAAN PARA SA ARAW NG MGA GURO
Teachers' Day Presentation
VO:
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Tunghayan po
natin ang isang nakakaiyak at nakakatawang pagtatanghal mula sa Ikalimang Baitang-
Pangkat Apat at ang inyong lingkod ____________________.
Teaching is a noble profession, ika nga. Totoo naman dahil kung walang guro,
walang doctor, walang inhinyero, walang ibang guro at iba pang propesyon. At bago
nagiging guro ang isang guro, sankatirbang aralin muna ang uunawain, sandamakmak
munang demonstration teaching ang pagdadaan at sandamukal munang pawis ang
patutuluin bago maging isang lisensyadong guro. Well, lahat naman ng propesyon ay
mahirap..ngunit, iba ang hirap ng isang guro lalo na kung ganito kagulo ang mga mag-
aaral mo..
(Ang mga mag-aaral ay maghahabulan sa loob ng classroom. May mag-aaway. May
magbabatuhan ng nilukot na papel. May nagsusulat sa board ng Noisy at Standing.
Tapos, papasok ang teacher. Sisigaw. Magbabalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga
estudyante... Manggigigil ang guro, ngunit walang magagawa.)
VO: Sabi ko sa inyo, e... Mahirap ang maging guro. Idagdag mo pa ang walang
katapusang paperworks..
(Papasok ang isang bata, may iaaabot sa teacher.)
DIALOGUE:
Bata: "Mam, pinabibigay po..."
Teacher: "Salamat... Ano naman kaya ito. Diyos ko, gawain na naman at due date na
agad... Di ba puwedeng next month na?!"
VO:
Hay! Oo nga naman, kabibigay lang tapos ipapasa na agad.. Ano ba ang teacher? LBC
Express?! Tapos, dagdagan pa ng problemang ganito...
(Papasok ang magulang, kasama ang anak na may black-eyed... Galit-na galit ang
magulang...)
DIALOGUE:
Magulang: "Kayo ba ang adviser ng anak ko?''
Teacher: "Ako nga po. Bakit po? Ano pong problema?"
Magulang: "Ang anak ko, binugbog ng kaklase niya. At di mo raw pinansin..."
Teacher: "Ano po? Di ko pinansin? Di nga nagsumbong iyang anak mo... Alam nilang
kasisimula pa lang ng klase, 'di ko pa sila kilala, nagpapasaway na. Siguro may kasalanan
kaya sinaktan."
Magulang: "Anong ginawa mo, bakit nangyari ang ganito? Di ba ikaw ang adviser? ''
Teacher: "Sir, 'di niyo po alam ang nangyari... 'di niyo rin alam ang pinagkaabalahan ko
kaya 'di niyo dapat ako sinisisi. Pasaway ang anak mo, kaya nasapok siya. Nasa mukha
naman, e.. Aminin mo, bata...''
Magulang: "A, kahit na, hindi dapat ginanito ang anak ko... nasaan ang Guidance?
Ipapatanggal ko ang lalaking nanakit sa anak ko."
Teacher: "Huwag naman, alamin muna natin ang dahilan."
Magulang: "A, hindi! Gusto mo isama pa kita?!"
Teacher: "Aba! Bakit po? Ako pa ang may kasalanan... Kung 'yan ang gusto mo...
magkakasubukan tayo... Sige mabuti pa nga... Magpamediko legal pa kayo. Ayun ang
guidance!"
VO:
Tsk Tsk! Ang hirap makasalamuha ng magulang na makitid ang utak at kunsintidor.
Akala siguro, uurungan siya ng teacher... ha ha. Isa pang mahirap ay ang pakikisalamuha
mo sa kapwa guro... Tulad nito...
(Nakaupo ang bidang guro nang pumasok ang mahaderong guro... namumula sa galit)
DIALOGUE:
Story continues below
Mahadero: "Anong problema mo?"
Bidang Guro: "Wala naman. Kayo po?"
Mahadero: "Kaw ang problema ko... Bakit mo tooooooot ang toot ng toooot ko? Gusto
mo away? Blah Blah Blah.."
Bidang Guro: "A, ganun ba? Gusto ko lang naman wag kang makialam o manghimasok
sa advisory class ko. At ang iniisip ko ay sa kapakanan lang ng kooperatiba natin dahil
nakikinabang naman tayong lahat, e..."
Mahadero: ''Tooot! Gago rin ako... kaya wag mo akong gaguhin pa. Gusto mo square na
lang tayo, e..."
Bidang guro: "Hindi ako lalaban sayo, ang laki mo ba namang 'yan.."
VO:
Haha! Nakakatawa ang eksenang ganyan.. Gayunpaman, part 'yan ng propesyon at
hamon sa pagkaedukado, kung papatulan mo, mapapahamak ka lang... Speaking of
mapapahamak, mapapahamak ka lang kung mamamalo ka ng mamamalo ng mga
estudyante..
(Mag-iingay ang nga estudyante... Magagalit ang guro... Hahampasin niya ang balikat
ng isang pinakamalapit sa kanya. At akma pa niyang hahampasin ang isa, ngunit
sasabihin ng bata...)
DIALOGUE:
Bata: "Ooops! Sayang ka, Mam!"
(Walang nagawa ang pobreng guro kundi ibaba ng dahan-dahan ang pamalo habang
nanginginig sa galit at takot... Duduriuin na lamang niya ang pasaway na bata.)
VO:
Ang hirap manakit ng bata. Sila na nga ang pasaway at abusado, sasabihan ka pa ng
Child Abuse! Walang hiya... Nagkaroon lang ng idea ng Bantay Bata at DSWD, child
abuse agad. Di ba pwedeng Teacher Abuse naman? Hay naku.. Wala pang natanggal na
bata sa kanyang pagpapasaway, pero marami nang guro ang natanggal ang lisensiya at
trabaho dahil sa pagdidisiplina sa kanila... Ang hirap magsalita... Kaya ang ginagawa ng
guro...
(Habang tahimik na ang mga bata... Magsasalita siya sa harap. Magkukuwento... )
DIALOGUE:
Guro:
"Alam niyo ba, hindi ako ganyan noong ako'y kasing edad ninyo. Ni hindi ako napalo ng
teacher ko. Ang hiya ko lang lumapit sa table ng teacher ko..At nakukuha kami sa
tingin... pero kayo, kahit murahin kayo nang murahin, 'di pa rin kayo nagbabago. Wala
na kayong respeto sa mga guro ninyo. Para ano pa at nag-aral kami para lang bastusin
ninyo ng ganito? Huwag naman ninyo kaming igaya sa inyong mga magulang o mga
kabarkada. Guro kami na handang tumugon sa pang-akademikong pangangailangan
ninyo. Tandaan ninyo na ang paaralan ay lugar para sa mga gustong matuto at
guminhawa ang buhay pagdating ng panahon. Hindi ito Estrella, Maginhawa o
anupamang kalsada d'yan na inyong kinalakhan."+
(Magwo-walk-out ang teacher. Magbubulungan ang mga estudyante..)
VO:
Ganyan ang ginagawa ng karamihan para lang mag-subside ang galit niya. Kesa naman,
makapanakit pa siya. Kailanganng habaan ang pasensiya.. Kelangan magtiyaga dahil
iyan ang napili at sinumpaang propesyon... at 'yan din ang bread and butter. Ang
hinihintay mo ngang madalas ay uwian... Pero..
(Ayaw umayos ng pila ang mga bata... nagtutulakan...)
DIALOGUE:
Guro: "Hindi kayo aayos?! Punyeta! Mula Kinder kayo, pumipila na kayo. Hanggang
ngayon ba, hindi pa rin ninyo maayos! Anong klase kayo! Hayan! Iniwan pa ninyo ang
mga kalat ninyo... Ano?! Janitor ba ako? Hala sige, umuwi na kayo. Magsigawan pa kayo
doon sa hagdan!
VO:
Ang mahirap pa... pati sa bahay, dala-dala mo pa rin ang mga gawain... At, pagdating
sa bahay... may kakaharapin ding problema. Minsan nga, hindi na makatulog ang guro,
dahil sa kakaisip ng trabaho. Paano ba magiging epektibong guro?
(Maagang papasok ang guro... Mag-aayos ng classroom. Maglilinis. Magsusulat uli.
Walang humpay na kakasulat)
VO:
Pero, wala naman siyang asenso... Sabagay, di naman siya naghahangad ng dagdag
sahod, sadya lang talagang committed sa trabaho ang guro... Ni hindi na nga niya
namamalayan ang oras. Susubo pa lamang siya ng pananghalian, magsisidatingan na
ang mga mag-aaral..
(Maiingay na naman ang mga bata. Labas pasok uli at naghaharutan... Kaya, sisigaw uli
siya bago nakasubo ng pagkain.)
DIALOGUE:
Guro: "Ummmmupooooooooo!! Lahat kayo magsiupo... Bakit ang aaga ninyo? Tapos,
magpapasaway lang kayo... Pakainin niyo naman muna ako... Maaari ba?"
Mag-aaral: "Opo!"
(Lalapit ang isang mag-aaral. May iaabot sa guro... Babasahin ng guro...)
DIALOGUE:
Guro: "Totoo ba 'to? Puro lang naman kayo pangako, e. Di ko kailangan ang pangako
ninyo o ang mga regalo ninyo... Gusto ko regalo ninyo... Joke lang! Sige, anak... salamat!
Kain muna ako, baka maiyak pa ako..."
Mag-aaral: "Sige po, Mam!"
(Babaliktarin ng mga mag-aaral ang blackboard... At sabay-sabay silang babati
ng HAPPY WORLDTEACHERS DAY! At sabay-sabay nilang lalapitan ang kanilang guro
at sabay-sabay ding sasabihing MYTEACHER: MY HERO!
(BOW!)

More Related Content

What's hot

Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Jenita Guinoo
 
Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)
Jenita Guinoo
 
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayanMga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
Charissa Longkiao
 
dokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyondokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyon
Dianah Martinez
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Reinaliza Perido
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
MARIA KATRINA MACAPAZ
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
Nico Granada
 
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARALALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
Reina Antonette
 
Hirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaHirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaArnel Rivera
 
Retorikal na pag uugnay
Retorikal na pag uugnayRetorikal na pag uugnay
Retorikal na pag uugnay
Mae Ann Legario
 
Paggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwaPaggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwa
Maricar Valmonte
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Juan Miguel Palero
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
John Elmos Seastres
 
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
dhelsacay20
 
Ang sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng taoAng sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng tao
Jared Ram Juezan
 
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoPagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Reina Antonette
 
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanTugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Michelle Muñoz
 

What's hot (20)

Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 
Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)Proyektong panturismo (travel brochure)
Proyektong panturismo (travel brochure)
 
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayanMga karunungang bayan at kantahing bayan
Mga karunungang bayan at kantahing bayan
 
dokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyondokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyon
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARALALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
 
Hirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaHirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halaga
 
Retorikal na pag uugnay
Retorikal na pag uugnayRetorikal na pag uugnay
Retorikal na pag uugnay
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Paggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwaPaggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwa
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
 
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
 
Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3
 
Ang sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng taoAng sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng tao
 
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyoPagsulat ng iskrip ng programang panradyo
Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo
 
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanTugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
 

Similar to Balagtasan

Lesson plan 8
Lesson plan 8 Lesson plan 8
Lesson plan 8
DebieAnneCiano1
 
Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12
April Rivera
 
Dula LP
Dula LPDula LP
Dula LP
Unkkasiacm
 
UGNAYAN SCRIPT PPT.pptx
UGNAYAN SCRIPT PPT.pptxUGNAYAN SCRIPT PPT.pptx
UGNAYAN SCRIPT PPT.pptx
Rey Mark Queano
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Bata, bata pano ka gagawa
Bata, bata pano ka gagawaBata, bata pano ka gagawa
Bata, bata pano ka gagawa
MARYJEANBONGCATO
 
Filipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docxFilipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docx
MarichuFernandez2
 
Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
Neilia Christina Que
 
speech.pptx
speech.pptxspeech.pptx
speech.pptx
EricMabesa2
 
Katinig Ll.docx
Katinig Ll.docxKatinig Ll.docx
Katinig Ll.docx
JessaMaeCalaustro
 
Esp
EspEsp
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Rosemarie Abano
 
SUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptx
SUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptxSUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptx
SUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptx
JOJIECARINO1
 
Grade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptx
Grade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptxGrade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptx
Grade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptx
docilyn eslava
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
christine lazaga
 
DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))
DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))
DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))
AlyFlores12
 
COT1-Editoryal.pptx
COT1-Editoryal.pptxCOT1-Editoryal.pptx
COT1-Editoryal.pptx
DeflePador1
 
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptxESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptx
BeverlyBaptista
 

Similar to Balagtasan (20)

Lesson plan 8
Lesson plan 8 Lesson plan 8
Lesson plan 8
 
Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12
 
Dula LP
Dula LPDula LP
Dula LP
 
UGNAYAN SCRIPT PPT.pptx
UGNAYAN SCRIPT PPT.pptxUGNAYAN SCRIPT PPT.pptx
UGNAYAN SCRIPT PPT.pptx
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
Bata, bata pano ka gagawa
Bata, bata pano ka gagawaBata, bata pano ka gagawa
Bata, bata pano ka gagawa
 
Filipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docxFilipino gawain1.docx
Filipino gawain1.docx
 
Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
 
speech.pptx
speech.pptxspeech.pptx
speech.pptx
 
Katinig Ll.docx
Katinig Ll.docxKatinig Ll.docx
Katinig Ll.docx
 
Esp
EspEsp
Esp
 
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
 
SUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptx
SUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptxSUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptx
SUBSCRIBE WATCH SHARE COMMENT ONLINE KAMUSTAHAN WITH PARENTS SLIDE.pptx
 
Grade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptx
Grade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptxGrade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptx
Grade 2 PPT_ESP_Q1_W2_Day 1-5.pptx
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))
DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))
DeFilipino Lesson plan (pagmamalasakit))
 
COT1-Editoryal.pptx
COT1-Editoryal.pptxCOT1-Editoryal.pptx
COT1-Editoryal.pptx
 
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptxESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptx
 

Balagtasan

  • 1. Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School) Lakandiwa: Minamahal naming mga kamag-aral Mga magulang, mga guro at prinsipal Mga panauhing pinagpipitaganan Naririto ngayon sa’ting paaralan. Magandang umaga po, ang bating marangal Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang Ikalimang baitang ang amin pong alay Ipagmamalaki, isang balagtasan. Wikang Filipino ay sariling wika At ang wikang English ay wikang banyaga Kapwa ginagamit ng may pang-unawa Higit na mahalaga, alin na nga kaya? Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala Dalawang mahusay, maganda at batikang makata Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila. Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald At sa wikang English ang makakalaban Bb. Lariza ng Grade V- Section one. Wikang Filipino: Sa puso at diwa, ako’y Pilipino Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko May sariling wika, wikang Filipino Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko. Wikang Filipino ay wikang panlahat Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas Sa pagkakaisa naipahahayag Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.
  • 2. Wikang English: Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip. Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa Ito’y mga pagbabagong Wikang English ang simula. Wikang Filipino: Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino. Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipno Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago. Wikang English: Sapagkat itong English isang wikang unibersal Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan Upang itong mga bansa ay magkaunawaan. Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag. Wikang Filipino: Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.
  • 3. Wikang English: Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo. Lakandiwa: Tama na, sukat na, mahuhusay na makata Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga? Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y nagpapasalamat Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.
  • 4. SA TABI NG DAGAT Marahang-marahang manaog ka, Irog, at kata’y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom na rosas! Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, nguni’t walang ingay, hangganq sa sumapit sa tiping buhangin... Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nanginigmi, gaganyakin kata sa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapit-hapon kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw... Talagang ganoon: Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan...
  • 5. DULA-DULAAN PARA SA ARAW NG MGA GURO Teachers' Day Presentation VO: Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Tunghayan po natin ang isang nakakaiyak at nakakatawang pagtatanghal mula sa Ikalimang Baitang- Pangkat Apat at ang inyong lingkod ____________________. Teaching is a noble profession, ika nga. Totoo naman dahil kung walang guro, walang doctor, walang inhinyero, walang ibang guro at iba pang propesyon. At bago nagiging guro ang isang guro, sankatirbang aralin muna ang uunawain, sandamakmak munang demonstration teaching ang pagdadaan at sandamukal munang pawis ang patutuluin bago maging isang lisensyadong guro. Well, lahat naman ng propesyon ay mahirap..ngunit, iba ang hirap ng isang guro lalo na kung ganito kagulo ang mga mag- aaral mo.. (Ang mga mag-aaral ay maghahabulan sa loob ng classroom. May mag-aaway. May magbabatuhan ng nilukot na papel. May nagsusulat sa board ng Noisy at Standing. Tapos, papasok ang teacher. Sisigaw. Magbabalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante... Manggigigil ang guro, ngunit walang magagawa.) VO: Sabi ko sa inyo, e... Mahirap ang maging guro. Idagdag mo pa ang walang katapusang paperworks.. (Papasok ang isang bata, may iaaabot sa teacher.) DIALOGUE: Bata: "Mam, pinabibigay po..." Teacher: "Salamat... Ano naman kaya ito. Diyos ko, gawain na naman at due date na agad... Di ba puwedeng next month na?!" VO: Hay! Oo nga naman, kabibigay lang tapos ipapasa na agad.. Ano ba ang teacher? LBC Express?! Tapos, dagdagan pa ng problemang ganito... (Papasok ang magulang, kasama ang anak na may black-eyed... Galit-na galit ang magulang...) DIALOGUE: Magulang: "Kayo ba ang adviser ng anak ko?'' Teacher: "Ako nga po. Bakit po? Ano pong problema?" Magulang: "Ang anak ko, binugbog ng kaklase niya. At di mo raw pinansin..."
  • 6. Teacher: "Ano po? Di ko pinansin? Di nga nagsumbong iyang anak mo... Alam nilang kasisimula pa lang ng klase, 'di ko pa sila kilala, nagpapasaway na. Siguro may kasalanan kaya sinaktan." Magulang: "Anong ginawa mo, bakit nangyari ang ganito? Di ba ikaw ang adviser? '' Teacher: "Sir, 'di niyo po alam ang nangyari... 'di niyo rin alam ang pinagkaabalahan ko kaya 'di niyo dapat ako sinisisi. Pasaway ang anak mo, kaya nasapok siya. Nasa mukha naman, e.. Aminin mo, bata...'' Magulang: "A, kahit na, hindi dapat ginanito ang anak ko... nasaan ang Guidance? Ipapatanggal ko ang lalaking nanakit sa anak ko." Teacher: "Huwag naman, alamin muna natin ang dahilan." Magulang: "A, hindi! Gusto mo isama pa kita?!" Teacher: "Aba! Bakit po? Ako pa ang may kasalanan... Kung 'yan ang gusto mo... magkakasubukan tayo... Sige mabuti pa nga... Magpamediko legal pa kayo. Ayun ang guidance!" VO: Tsk Tsk! Ang hirap makasalamuha ng magulang na makitid ang utak at kunsintidor. Akala siguro, uurungan siya ng teacher... ha ha. Isa pang mahirap ay ang pakikisalamuha mo sa kapwa guro... Tulad nito... (Nakaupo ang bidang guro nang pumasok ang mahaderong guro... namumula sa galit) DIALOGUE: Story continues below Mahadero: "Anong problema mo?" Bidang Guro: "Wala naman. Kayo po?" Mahadero: "Kaw ang problema ko... Bakit mo tooooooot ang toot ng toooot ko? Gusto mo away? Blah Blah Blah.." Bidang Guro: "A, ganun ba? Gusto ko lang naman wag kang makialam o manghimasok sa advisory class ko. At ang iniisip ko ay sa kapakanan lang ng kooperatiba natin dahil nakikinabang naman tayong lahat, e..." Mahadero: ''Tooot! Gago rin ako... kaya wag mo akong gaguhin pa. Gusto mo square na lang tayo, e..." Bidang guro: "Hindi ako lalaban sayo, ang laki mo ba namang 'yan.." VO: Haha! Nakakatawa ang eksenang ganyan.. Gayunpaman, part 'yan ng propesyon at hamon sa pagkaedukado, kung papatulan mo, mapapahamak ka lang... Speaking of mapapahamak, mapapahamak ka lang kung mamamalo ka ng mamamalo ng mga estudyante..
  • 7. (Mag-iingay ang nga estudyante... Magagalit ang guro... Hahampasin niya ang balikat ng isang pinakamalapit sa kanya. At akma pa niyang hahampasin ang isa, ngunit sasabihin ng bata...) DIALOGUE: Bata: "Ooops! Sayang ka, Mam!" (Walang nagawa ang pobreng guro kundi ibaba ng dahan-dahan ang pamalo habang nanginginig sa galit at takot... Duduriuin na lamang niya ang pasaway na bata.) VO: Ang hirap manakit ng bata. Sila na nga ang pasaway at abusado, sasabihan ka pa ng Child Abuse! Walang hiya... Nagkaroon lang ng idea ng Bantay Bata at DSWD, child abuse agad. Di ba pwedeng Teacher Abuse naman? Hay naku.. Wala pang natanggal na bata sa kanyang pagpapasaway, pero marami nang guro ang natanggal ang lisensiya at trabaho dahil sa pagdidisiplina sa kanila... Ang hirap magsalita... Kaya ang ginagawa ng guro... (Habang tahimik na ang mga bata... Magsasalita siya sa harap. Magkukuwento... ) DIALOGUE: Guro: "Alam niyo ba, hindi ako ganyan noong ako'y kasing edad ninyo. Ni hindi ako napalo ng teacher ko. Ang hiya ko lang lumapit sa table ng teacher ko..At nakukuha kami sa tingin... pero kayo, kahit murahin kayo nang murahin, 'di pa rin kayo nagbabago. Wala na kayong respeto sa mga guro ninyo. Para ano pa at nag-aral kami para lang bastusin ninyo ng ganito? Huwag naman ninyo kaming igaya sa inyong mga magulang o mga kabarkada. Guro kami na handang tumugon sa pang-akademikong pangangailangan ninyo. Tandaan ninyo na ang paaralan ay lugar para sa mga gustong matuto at guminhawa ang buhay pagdating ng panahon. Hindi ito Estrella, Maginhawa o anupamang kalsada d'yan na inyong kinalakhan."+ (Magwo-walk-out ang teacher. Magbubulungan ang mga estudyante..) VO: Ganyan ang ginagawa ng karamihan para lang mag-subside ang galit niya. Kesa naman, makapanakit pa siya. Kailanganng habaan ang pasensiya.. Kelangan magtiyaga dahil iyan ang napili at sinumpaang propesyon... at 'yan din ang bread and butter. Ang hinihintay mo ngang madalas ay uwian... Pero.. (Ayaw umayos ng pila ang mga bata... nagtutulakan...) DIALOGUE:
  • 8. Guro: "Hindi kayo aayos?! Punyeta! Mula Kinder kayo, pumipila na kayo. Hanggang ngayon ba, hindi pa rin ninyo maayos! Anong klase kayo! Hayan! Iniwan pa ninyo ang mga kalat ninyo... Ano?! Janitor ba ako? Hala sige, umuwi na kayo. Magsigawan pa kayo doon sa hagdan! VO: Ang mahirap pa... pati sa bahay, dala-dala mo pa rin ang mga gawain... At, pagdating sa bahay... may kakaharapin ding problema. Minsan nga, hindi na makatulog ang guro, dahil sa kakaisip ng trabaho. Paano ba magiging epektibong guro? (Maagang papasok ang guro... Mag-aayos ng classroom. Maglilinis. Magsusulat uli. Walang humpay na kakasulat) VO: Pero, wala naman siyang asenso... Sabagay, di naman siya naghahangad ng dagdag sahod, sadya lang talagang committed sa trabaho ang guro... Ni hindi na nga niya namamalayan ang oras. Susubo pa lamang siya ng pananghalian, magsisidatingan na ang mga mag-aaral.. (Maiingay na naman ang mga bata. Labas pasok uli at naghaharutan... Kaya, sisigaw uli siya bago nakasubo ng pagkain.) DIALOGUE: Guro: "Ummmmupooooooooo!! Lahat kayo magsiupo... Bakit ang aaga ninyo? Tapos, magpapasaway lang kayo... Pakainin niyo naman muna ako... Maaari ba?" Mag-aaral: "Opo!" (Lalapit ang isang mag-aaral. May iaabot sa guro... Babasahin ng guro...) DIALOGUE: Guro: "Totoo ba 'to? Puro lang naman kayo pangako, e. Di ko kailangan ang pangako ninyo o ang mga regalo ninyo... Gusto ko regalo ninyo... Joke lang! Sige, anak... salamat! Kain muna ako, baka maiyak pa ako..." Mag-aaral: "Sige po, Mam!" (Babaliktarin ng mga mag-aaral ang blackboard... At sabay-sabay silang babati ng HAPPY WORLDTEACHERS DAY! At sabay-sabay nilang lalapitan ang kanilang guro at sabay-sabay ding sasabihing MYTEACHER: MY HERO! (BOW!)