1. ARALIN 3: AGWAT TEKNOLOHIKAL
*ALVIN TOFFLER (The Third Wave) – pagdating ng dekada setenta ay nakaranas na ang mundo ng tatlong bugso ng
mga pagbabago sa teknolohiya
a. panahon ng agrikultura – umabot ng 3000 taon
b. pahong pang-industriya – umabot 300 taon
c. panahon ng computer – pumailanglang at bumulusok sa loob lamang ng 30 taon
*ROSEN (2004) – ang panahon ng Computer at Internet ay maihahambing sa patuloy na pagtaas at pagbaba ng alon sa
dalampasigan
*Sa loob lamang ng ilang taon naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino ang cellular phone (texting capital of
the world)
*AGWAT TEKNOLOHIYAL SA PAGITAN NG MGA HENERASYON (Generation Gap)
- salitang nagmula sa mga kanluraning bansa noong 1960’s; nangangahulugan ito ng pagkakaiba sa pagitan ng mga
nakababata at nakatatandang henerasyon, lalo na sa pagitan ng mga anak at mga magulang.
- unang nararanasan sa pamilya
- kung hindi matutugunan ay maaaring magdulot ito ng di pagkakaunawaan sa loob ng pamilya
- para matugunan ito, ang susi ay ang paggalang at pagmamahal sa magulang
A. Digital immigrants (Silent Generation, Baby Boomers at Gen X)
- ang mga taong ipinanganak bago pa man naging laganap ang paggamit ng digital technology
- mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataong gumamit ng digital technology sa mas murang edad
B. Digital natives (Generation Y at Generation Z)
- mga taong ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital technology
*MODERNONG TEKNOLOHIYA (Rosen, 2004)
1. Silent Generation
- ipinanganak at lumaking walang makabagong teknolohiya
- nabuhay sa panaho ng tinawag na Depression sa Estados Unidos at sa panahon ng WWII
- tinatawag din silang mga Builders at War Babies
2. Baby Boomers
- ipinanganak nooong 1946-1964
- sa panahon ng kanilang kabataan iginigiit nila ang kanilang mga karapatan at mga pagpapahalagang panlipunan at
politikal sa kapwa
- may mataas na pagtingin sa sariling kakayahan
- naniniwala sila sa gawa higit sa salita, walang takot nilang ipinahahayag ang kanilang opinyon at damdamin
- kadalasan sila’y nagtatagumpay sa kanilang sinimulang gawain
- minsan nga lamang marami sa kanila ang nag-aakalang alam nila ang lahat ng bagay
3. Generation X
- ipinanganak sa mga taong 1965-1979
- tinatawag ding Martial Law Babies
- iminulat sila sa paniniwalang ang lahat ay maayos, payapa, at mabuti sa bansa, habang sa likod ng kanilang mga
isip ay may munting tinig na nagsasabing hindi maayos ang lahat
4. Generation Y
- ipinanganak sa pagitan ng 1980-1997
- panahon ng internet, mobile phones, computer at telebisyon
- text messages, viral marketing, pagbili ng mga gadgets at gizmo
5. Generation Z
- ipinanganak sa taong 1998 pataas
- panahon ng information overload
- mas mahusay silang magsala ng impormasyon kaya’t hindi madaling kunin ang kanilang atensiyon
- ipinanganak sa pamilyang iisa ang magulang o hiwalay ang magulang
- lahat ay mabilisan o instant
2. *NET GENERATIONS (Generation Y at Generation Z)
- sa edad na 3, gumagamit na ng internet o cell phone
- namumuhay sa instant messaging, at nakikipag-usap nang sabay sabay sa tatlo o higit pang tao sa IM habang
nagtatrabaho gamit ang computer
- sanay sa multi-tasking at labis silang mainipin
*PARAAN NG PAGKATUTO
Baby Boomers
Auditory Learners- higit na natututo sa pakikinig
Visual Learners - higit na natututo sa pagbabasa
Gen X at Net Gen
Tactile Learners – natututo sa pamamagitan ng paggawa o sa karanasan
*DIGITAL DIVIDE O AGWAT TEKNOLOHIKAL