Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
1. Aralin 6
Layunin:
Paghahambingh ng mga pangungusap. Isulat ang K sa linya kung ito’y nasa karaniwan o kabaligtaran
o kabalikan
Pagbibigay ng motibo/dahilan para magbasa
Pagkakapareho at Pagkakaiba ng mga Aklat
Kapag napunta ka sa aklatan o sa isang bookstore ay tiyak na makakikita ka ng iba’t ibang uri ng aklat.
Mapapansin mo rin ang pisikal na pagkakapareho at pagkakaiba-iba ng mga aklat. May mga aklat na malalapad at
makakapal tulad ng ensayklopedia, mayroon ding makakapal tulad ng diksyonaryo at mga aklat para sa mga
nakakatanda. Siyempre pa, hindi mawawala ang mga aklat na maninipis, makukulay, at maraming larawan o
drowing, para naman sa mga batang tulad mo.
Hindi lang sa itsura nagkakaiba-iba ang mga aklat. Magkakaiba rin ang nilalaman ng mga ito. Ang aklat na
naglalaman ng mga kuwento halimbawa ay nagkakaiba-iba sa tema, tauhan, at tagpuan. Karaniwang pinipili ng isang
tao ang susunod niyang babasahin batay sa mga aklat na nauna na niyang binasa. Madalas na isa rin sa mga isinulat
ng paborito niyang awtor ang susunod niyang babasahing aklat at karaniwang may pagkakapareho rin ang tema ng
mga ito.
Sa isang aklatan ay inaayos at pinagsasama-sama ang mga aklat na may magkakaparehong uri. Karaniwang
ginagamit ang Dewey Decimal System sa pag-aayos kung saan ang iba’t ibang uri ng aklat ay nakaayos ayon sa
numero. Ginagawa ito para madaling mahanap o makita ang kinalalagyan ng mga uri ng aklat na gusting basahin.
Makikita sa ibaba ang mga bilang na ginagamit sa pagsasaayos ayon sa Dewey Decimal System.
Maraming tao ang nahihilig sa pagbababasa dahil sa dalawang mahahalagang dahilan, upang matuto at
malibang. Sa pamamagitan ng mga aklat natututo ng maraming bagay ang mga tao. Di-piksyon ang tawag sa mga
aklat na nagtataglay ng mahahalagang impormasyon. Ang ilang halimbawa ng di-piksiyon ay ensayklopedia, mga
aklat sa pagluluto, at iba pa. Natututo ang mga tao mula sa mga impormasyong taglay ng mga aklat na ito. Piksiyon
naman ang tawag sa mga aklat na likha lamang ng mayamang imahinasyon ng mga manunulat. Ang ilang halimbawa
ng piksiyon ay nobela, maikling kwento, tula, at iba pa. nagiging isang libangan para sa maraming tao ang pagbabasa
ng ganitong uri ng mga aklat.
2. Dalawang Ayos ng Pangungusap
Karaniwang Ayos – nasa karaniwang ayos ang pangungusap kapag nauuna ang panaguri kaysa simuno o paksa.
Tinatawag itong karaniwang ayos sapagkat ito ang ayos na pangkaraniwang ginagamit kapag tayo’y nakikipag-usap.
Panagui + simuno
Panaguri + simuno + panaguri
Halimbawa:
panaguri simuno
Magaling na guro si Bb. Pedras.
Di karaniwang o Kabalikang Ayos – nasa di karaniwan o kabalikang ayos ang pangungusap kung nauuna ang simuno
at sinusundan ito ng panaguri. Ang panaguri sa ayos na ito ay pinangungunahan ng panandang ay.
Simuno + ay + panaguri
Halimbawa:
simuno panaguri
Ang mga mag-aaral ay hindi na magsasayang ng kanin.
3. Aralin 6 Pagsusulit
Pangalan: ______________________________________ Petsa:_________________
Baitang: ________________________________________ Iskor:_________________
Guro: Bb. Angelica G. Marohom Asignatura: Filipino III
A. Kilalanin kung tama o mali ang mga pahayag batay sa binasang teksto sa itaas. Isulat sa linya ang sagot.
__________ 1. Ang lahat ng aklat sa aklatan ay may pare-parehong kapal at laki.
__________ 2. Ang mga Aklat pambata ay karaniwang manipis at makukulay.
__________ 3. Ang mga aklat para sa mga nakatatanda ay karaniwang maraming makukulay na larawan at
drowing.
__________ 4. Ang mga aklat sa aklatan ay inaayos nang numero batay sa pagkakapare-pareho ng mga uri
nito.
__________ 5. Ang tawag sa ganitong pag-aayos nang panumero ayon sa uri ay Dewey Decimal System.
B. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang K sa linya kung ito’y nasa karaniwang ayos at ang
DK kung ito’y nasa di karaniwang ayos.
________ 1. Ang tirang kanin ay di dapat itapon.
________ 2. Puwede itong isangag para sa almusal.
________ 3. Si Aling Naty ay masarap magsangag.
________ 4. Ang hiniwa-hiwang pritong itlog at tirang adobo ay isinasahog niya.
________ 5. Nagugustuhan ng pamilya ang sinangag.
________ 6. Ang tirang litson ay pinapaksiw niya.
________ 7. Isinasahog niya sa pansit ang tirang gulay.
________ 8. Ang lumang tinapay ay ginagawa niyang bread pudding.
________ 9. Walang inaaksayang pagkain ang mag-anak.
________ 10. Hindi na rin ako magsasayang ng mga tirang pagkain.
4. Inihanda ni: Bb. Angelica G. Marohom
Para sa iba pang katanungan maaari niyo akong kontakin sa
mga sumusunod :
Contact number: 09489770318
Messenger: Angie Gandamaser Marohom
Ang modyul na ito ay sadyang nakalaan para sa
iyo. Mahalagang pag-aaralan mo ito dahil makakatulong
ito sa iyo sa pag-aaral patungkol sa Filipino. May mga
pagsasanaykang sasagutinupangmasukatmo ang iyong
kaalamang malinang sa modyul na ito.