1. Recyl Mae L. Javagat
Special Science Teacher 1 (SST1)
Mandaue City Comprehensive National High School
LIHAM PANGNEGOSYO
AT MEMORANDUM
Aralin 4
2. Liham Pangnegosyo
Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga
tao sa labas ng organisasyon o kompanya. May iba’t ibang
sinasaklaw ang liham pangnegosyo:
1. Paghahanap ng trabaho;
2. Paghingi ng impormasyon
3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw;
4. Promosyon ng mga ibinibenta at/o serbisyo;
5. Paglakap ng pondo;
6. Pagrehistro ng mga reklamo;
7. Pagbibigay ng mga tulong para sa pagsasaayos ng mga
patakaran o stiwasyon; atbp.
3. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
1.Pamuhatan
2.Patunguhan
3.Bating Pambungad
4.Katawan
5.Pamitagang Pangwakas
6.Lagda
4. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
1. Pamuhatan
- “buhat” = pinagmulan, nagtataglay ng adres ng
nagpapadala ng liham na nasa kadalasang 2-3
linya lamang.
- Maaari ding magdagdag ng isa pang linya para sa
numero ng telepono, fax, e-mail address, atbp.
- Hindi na kailangang ilagay ang pamuhatan kung
ang ginagamit na papel ay ang itinatawag na
stationery na may nakalimbag nang pamuhatan
at/o pangalan ng kompanya
- Laging lagyan ng petsa.
5. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
2. Patunguhan
- “tungo” = ang pupuntahan, patutunguhan o
padadalhan ng liham
- Kumpletuhin ang adres na ito at isama
ang ang mga titulo at pangalan ng
padadalhan ng liham
- Lagi itong nasa kaliwang bahagi
6. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
3. Bating Pambungad
- “Mahal na –” , G., Gng., Bb., atbp.
- Laging nagtatapos sa tutuldok ( : ) , hindi
sa kuwit ( , )
- Hal.: Mahal na Ginoo: , Maha na Bb.:
7. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
4. Katawan
- Palaging typewritten o computerized
– Unang talata: malinaw na ipahayag ang
punong diwa at ang buod ng nais sabihin.
– Gitnang bahagi: isalaysay ang mga
pangyayari at/o magbigay ng mga
katibayan hinggil sa pangyayari o usapin.
– Huling bahagi: sinasabi ang aksiyong
dapat gawin sa mapitagang pamamaraan.
8. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
4. Katawan
Tandaan:
*maging magalang.
*iwasan ang paggamit ng nananakot na pananalita
*iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong
mungkahi
*iwasan ang pagggamit ng walang kaugnayan at di-
mahalagang pananalita.
*iwasan ang paggamit ng panghalip sa unang
panauhan lalo na sa unang pangungusap o talata ng
katawan ng liham
9. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
5. Pamitagang Pangwakas
- Isa itong maikling pagbati ng na nagpapahayag ng
paggalang at pamamaalam.
- Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang nasa
kaliwang gilid (margin) ng liham, depende sa
pormat na iyong pinili.
- Madalas na ginagamit ang block style na pormat
dahil hindi na ito kinakailangan ang anumang
indensyon sa buong liham.
10. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
6. Lagda
- Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago
ilagay ang pangalan ng taong lalagda.
- Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal
ng pangalan, bagaman hindi naman lagging
kinakailangan.
11. 2 Pangunahing Pormat:
1. Anyong Block (Block Form)
Lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan.
2. Anyong may Indensyon (Indented Form)
Nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang
patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa kanan
naman ang pamuhatan at pamitagang pangwakas.
12. Mga katangiang dapat
taglayin ng L.P.:
1. Malinaw ngunit magalang.
2. Maikli ngunit buong-buo.
3. Tiyak
4. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa
5. Wasto ang gramatika
6. Maganda sa paningin
13. Memorandum
Ito ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o mas may
nakatataas na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa
trabaho.
1. Upang paaalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na,
kasalukuyan, o bagong usapin o tuntunin sa trabaho.
2. Layunin din nitong magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng
mga patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat.
3. Kadalasang nagbibigay ng babala sa isang particular na sector o
departamento, o kaya sa isang indibidwal na empleyado kung
may nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho.
14. Katawan ng memorandum
1. Pagsulat ng Panimula
-ipakilala ang suliranin o isyu
-thesis statement
-karaniwang ¼ lamang ng bahagi ng buong memo.
2. Pagsulat ng Buod
-pangunahing aksyong nais ipagawa ng nagpapadala
sa mambabasa.
-nagtataglay ng mga ebidensya bilang pansuporta sa
mga rekomendasyong ibinibigay ng nagpapadala.
-sa isang napakaikling memo, hindi na kinakailangan
ang buod; isinasama na ito sa pagtalakay na nasa
gitnang bahagi nito.
15. Pagsulat ng Liham
Pangnegosyo
8 ½” x 11” bondpaper, 1” all sides margin
Mga 6 na Bahagi:
1.Pamuhatan
2.Patunguhan
3.Bating Pambungad
4.Katawan
5.Pamitagang Pangwakas
6.Lagda
19. Gawain:
Sa isang buong papel, gumawa ng isang liham pangneg
osyo gamit ang mga detalyeng ito:
Ikaw ay nais mag-apply ng trabaho sa i
sang kompanyang gusto mo talagang
mapagtrabahuan kaya naisip mong ma
g-apply ngayon at nais mo silang padal
han ng liham.