Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa relihiyong Neo-Confucianism. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang paniniwala ng relihiyong Neo-Confucianism
1. Lesson 14-P: Neo-Confucianism
Ang relihiyong o paniniwalang Neo-Confucianism ay isang moral at etikal na pilosopiyang Chinese na
Naimpluwensiyahan ng paniniwalang Confucianism.
Mga Paniniwalang Neo-Confucianism:
Ang Neo-Confucianism ay nagmula noong Dinastiyang Tang
Han Yu – isang essayistat makata na mula sa Tang Dynasty. Isa sa tinaguriang “tagapagtatag ng
paniniwalang Neo-Confucianism”
Zhu Xi – Pinakamaimpluwensiyang tagasunod ng Neo-Confucianism. Siya ay itinuturing bilang
ikalawang Pinakamaimpluwensiyang Chinese, pagkatapos ni Confucius
Ang pilosopiya ng Neo-Confucianism ay humanistiko at rationalistic
Naniniwala ang mga Neo-Confucian na ang sansinukob ay maiitindihan sa pamamagitan ng human
reason
Naniniwala ang mga Neo-Confucian na ang realidad ay totoo
Naniniwala ang mga Neo-Confucian na ang tamang pamamaraan ng pamumuhay ay maaaring mailahad
sa dalawang paraan: Prinsipyo (li) at Matter (qi)