1

946 views

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
946
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
4
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

1

  1. 1. THESIS ABSTRACT Title: Ang paghubog ng anak sa nobelang bata bata… paano ka ginawa? Ni Lualhati Bautista Total No. of Pages: 211 Text No. of Pages: 157 Author: Lagria Ma. Lourdes Morales Type of Document: Thesis Type of Publication: Unpublished Accrediting Institution: Saint Louis University Bonifacio Street, Baguio City CHED-CAR Keywords: Paghubog ng Anak, Nobela, Bata, Paano Ginawa, Lualhati Bautista, Femenismo, Paglalarawan Abstract: Paglalagom: Sa pag-aaral na ito ay pinag-ukulan ng pansin and paraan ng paghuhubog ng anak na nakapaloob sa nobelang BATA, BATA… PAANO KA GINAWA? ni Lualhati Bautista. Sa pagaaral ay ginamit ang paraang palarawan at malikhain. Sinipi ang mga tuwirang pahayag ng mga tauhan at isinagawa and harapang pakikipanayam sa ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DSWD at ng Substitute Home Care for Women gayundin ang harapang pakikipanayam kay Lualhati Bautista tungo sa lalong ikalilinaw at ikatitibay ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay nakipanayam din sa ilang mga ina na malapit sa kaniya. Upang mapayaman ang mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang babasahin, lathalain, at mga pag-aaral na naglalaman ng mga diwang may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan. Nakatulong din ng malaki ang paggamit ng manaliksik ng internet. Upang maging mabunga ang pag-aaral ay pinagtuunan ng pansin ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Ayon sa mga sumusunod, anu-ano ang mga suliraning pampamilya na inilalahad ng may-akda sa nobela kaugnay ng A. Komunikasyon ng mag-asawa, mag-anak, at ng kaniyang kapaligiran na kinasasangkutan ng paaralan, kalaro, at kapitbahay, B. Hanapbuhay, C. Paninindigan 2. Anu-ano ang mga suliraning sikolohikal at sosyolohikal ang inilantad ng may akda sa nobela? Ano ang pananalig-pampanitikang ginamit upang mapalinaw ang mga suliraning nakapaloob sa nobela? 3. Anu-ano ang mga mungkahing solusyon sa mga suliraning nabanggit tungo sa pahubog ng pagkatao ng mga kabataan?
  2. 2. Batay sa mga nilahad na suliranin, ang mga sumusunod ay inilalahad ng mananaliksik bilang kinalabasan ng isinagawang pag-aaral: Ang mga suliraning pampamilya na inilahad ng mayakda sa nobela ay nag-uugat sa magkaibang pamamaraan sa pagdidisiplina sa anak, pang-iinsulto at paulit-ulit na pananariwa sa mga naging kamalian at pagiging makasarili ng asawa. Ang hindi pagsasakatuparan sa naiatang na tungkulin, pagtatanim ng sama ng loob at pilit na paninisi sa anumang nagawang kasalanan o pagkukulang ng magulang ay nagpapalubha rin sa suliranin. Nakakapagpalala rin ang pagtuntong ng kapatid sa kanyang kabataan, pakakaroon ng magkaibang ama ng magkapatid, at ang paghihimasok ng magulang sa buhay ng anak. Ang mag-anak ay nagkakaroon ng suliranin sa kaniyang kapaligiran bunga ng hindi magandang pakikisangkot at pagtingin ng guro at ng prinsipal sa buhay ng kanilang mag-aaral. Ang kalaro ay nagiging suliranin din sanhi ng magkasalungat na paniniwalang kinamulatan. Nagluluwal din ng suliranin ang hindi pagkakasundo ng magkapitbahay sanhi ng magkasalungat na pagpapahalagang pinaninindigan ng bawat isa. Ang magkaibang paninindigan at ang makaluma at makitid na paniniwalang ang asawang lalaki ang siyang dapat na maghanapbuhay at bubuhay sa pamilya ay isa ring banta sa tibay ng pagsasama ng pamilya. Ang suliraning sikolohikal ay naipakita sa paghahanap ni Lea ng pagmamahal at pagtanggap, pagiging chauvinist ni Raffy, pagiging Mama’s boy ni Ding at kawalan niya ng kasiguruhan at katiyakan sa sarili. Sa papel ni Ojie, ang suliranin ay sanhi ng pagtuntong niya sa masalimuot na kapanahunang puno ngpagkabalisa at negatibong pagtingin sa mga bagay-bagay na pinalala ng kawalan niya ng ama. Sa katauhan ng prinsipal, ang suliranin ay nag-ugat sa mataas na pagtingin at pagpapahalaga nito sa sarili. Sa mga suliraning sosyolohikal, ang suliranin ay nagmula sa pagigigng makabago ni Lea,kawalan ni Ding ng sariling pagpapasiya at sariling disposisyon sa buhay, pagkakaeskandalo ni Ojie sa pagkakaroon nila ni Maya ng magkaibang ama, at ang labis na pag-iidolo ni Maya sa kaniyang ina sa paniniwalang lahat ng itinuturo nito ay tama. Sa pamamagitan ng pananalig na Feminismo ay malinaw na nailantad ang pakikisangkot at pagsasatinig ng mga kababaihan sa kanilang mga hinaing para sa kagalingan at kaunlaran ng kanilang pamilya gayundin ng lipunang ginagalawan. Upang mapaunlad at umani ng mabuting binhi sa paghubog na anak ay kailangan ang malaya at positibong komunikasyon na magbubuklod sa buong mag-anak. Isang komunikasyon na mabisang susi tungo sa pagkakaroon ng pamilya ng magandang ugnayan sa loob at labas ng tahanan. Konklusyon: Ang matagumpay na pakakahubog na kabataan ay makakamit sa pamamagitan ng magandang komunikasyon, isang komunikasyong magsisilbing tanglaw na hahawi sa anino ng anumang uri ng pag-aalinlangang nakatago sa puso at isipan ng pamilya, isang komunikasyong magsisilbing gintong tanikala na magbubuklod sa pamilya upang sabay-sabay nilang mapatagumpayan ang anumang balakid na manghahamon sa katatagan ng bawat isa sa pamilya. Si Lualhati Bautista, isang batikang manunulat ng kontemporaryong panitikan, at ang kaniyang nobela, “Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?” ay nagbigay ng malaking ambag sa ating pagtuklas ng katototohanang bumabalot sa atin sa kasalukuyan tungo sa matagumpay na pagkakahubog ng ating mga anak na sa malao’t madali ay magiging boses at pag-asa ng ating bayan. Dahil sa paggamit niya ng pananalig na feminismo at mahusay na pagkakalantad sa mga suliraning bumabalot sa pamilya sa paraang sikolohikal at sosyolohikal ay nagigyan tayo ng
  3. 3. malawak na pananaw at pang-unawa sa mahahalagang papel at tungkulin ng ating mga kababaihan bilang isang asawa, ina, at aktibong mamamayan ng lipunang kinabibilangan. Ang wastong pagkakahubog ng anak ay nakasalalay sa mabuting pagmamagulang na mabisang naipapakita sa pamamagitan ng magandang pakikipag-ugnayan ng magulang sa anak. Sa pamamagitan lamang nito malayang naipapadama ng ama o ng ina ang taos pusong pagpapahalaga at pagmamahal na natatangi para sa bawat anak. Pagpapahalaga at pagmamahal na magsisilbing halimbawa rin ng anak sa kanyang magandang pagtingin sa sarili at kaaya-ayang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran. Mga Tagubilin: Batay sa kinalabasan ng pananaiksik at pag-aaral na isinagawa, inihaharap ang mga sumusunod na tagubilin. 1. Ang sinumang nagbabalak na lumagay sa tahimik ay dapat munang magkaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan sa pagganap ng mas malawak at mapanghamong pananagutan at tungkulin bilang asawa upang magampanan ang pagiging mabuting magulang na mabisang puhunan sa wastong pagkakahubog ng kabataan. Ang pagiging handa bago pumasok sa buhay may pamilya ay makakatulong nang malaki upang maiwasan ang mga suliraning haharapin sa buhay na ito. 2. Ang sinumang may kaugnayan sa kabataan --- sa pagpapalaki at paghubog dito tungo sa pagiging mahusay na kasapi ng lipunan ay kailangang may maging sensitibo sa mga ipinapakitang kilos at pag-uugali ng mga mag-aaral gayundin sa pagsasaalangalang sa damdamin ng mga ito. Ang kanilang tungkulin ay hindi dapat magtapos lang sa pagtuturo ng aralin kundi bilang pangalawang magulang ay dapat din silang maging tapat na magamahal na hangdang makinig, kumalinga at magbigay-payo sa kanilang mga mag-aaral upang kung di man makaiwas, maharap naman nang mahusay ang mga suliraning sikolohikal at sosyolohikal. 3.a. Sa mga pinuno at tagapangasiwa ng paaralan, na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa mga kahinaan at pakukulang ng kanilang mga nasasakupan upang makapagdulot ng payapa at masayang kapaligiran na magbibigay ng kapanatagan at panghikayat sa mga kabataan na bukas makalawa ay pagasa ng bayan. 3.b. Ang pamahalaan at simbahan ay dapat na magkatuwang sa kanilang pagtataguyod ng mga programa at seminar na magbibigay – patnubay sa pamilya at sa kaniyang kapaligiran. 3.c. Iminumungkahi rin na ang mga datos mula sa ginawang pananaliksik ay gamitin bilang saggunian sa mas malawak na pag-aaral sa mga paksang may kaugnayan sa buhay at pag-uugali ng mga kalalakihan na may kakitiran ng pag-iisip gawa ng maling pagkakagapos sa makalumang tradisyon. 3.d. Sa pagtuturo ng panitikan, iminumungkahi na ang magturo nito ay yaong may malawak na kaalaman upang buong husay na mapahalagahan ang akdang pinagaaralan. Sa pamamagitan nito ay sapat nang maikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang mga kaisipang hatid ng akda na hitik sa aral, sining, buhay, at karanasan na magsisilbing tanglaw sa kanilang paghatak masukal na daan ng kanilang kabataan. 3.e. Suriin at pag-aralan ang iba pang mga nobela ni Lualhati Bautista at iba pa
  4. 4. pang manunulat gayundin sa mga pelikula sa kasalukuyan upang mapahalagahan ang mga ito sa kanilang mga nagawang ambag sa pag-unlad at pagbabagong-buhay ng tao tungo sa kaniyang magandang pagtingin sa sarili at wastong pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa pamiya gayundin sa kaniyang kapwa at kapaligiran.

×