3. Isaias 9:6
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak
ang isang bata, sa atin ay ibinigay
ang isang anak na lalake; at ang
pamamahala ay maaatang sa
kaniyang balikat: at ang kaniyang
pangalan ay tatawaging
Kamanghamangha, Tagapayo,
Makapangyarihang Dios, Walang
hanggang Ama, Pangulo ng
Kapayapaan. TAB
5. Marcos 10:15
15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo,
Ang sinomang hindi tumanggap ng
kaharian ng Dios na tulad sa isang
maliit na bata, ay hindi siya papasok
doon sa anomang paraan. TAB
9. 1 Juan 1:9
9 Kung ipinahahayag natin ang ating
mga kasalanan, ay tapat at banal
siya na tayo'y patatawarin sa ating
mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa
lahat ng kalikuan. TAB
16. Exodus 20:4
4 "Huwag kang gagawa ng imahen ng
anumang nilalang na nasa langit,
nasa lupa, o nasa tubig upang
sambahin.
17. Exodus 20:5
5 Huwag mo silang yuyukuran ni
sasambahin sapagkat akong si
Yahweh na iyong Diyos ay
mapanibughuing Diyos. Ang
kasalanan ng mga magulang ay
sinisingil ko sa kanilang mga anak
hanggang sa ikatlo at ikaapat na
salinlahi.
26. Genesis 41:50
50 At bago dumating ang taong
kagutom ay ipinanganak kay Jose
ang dalawang lalake, na ipinanganak
sa kaniya ni Asenath na anak ni
Potiphera, na saserdote sa On.
27. Genesis 41:51
51 At tinawag ni Jose ang pangalan
ng panganay na Manases, sapagka't
aniya'y, Ipinalimot ng Dios sa akin
ang lahat ng aking kapagalan at ang
buong bahay ng aking ama.
28. Genesis 41:52
52 At ang ipinangalan sa ikalawa ay
Ephraim: Sapagka't ako'y pinalago
ng Dios sa lupain ng aking
kadalamhatian. TAB
39. Lukas 7:37
37 Nang mabalitaang kumakain si
Jesus sa bahay ng naturang Pariseo,
isang babaing itinuturing na
makasalanan sa bayang iyon ang
nagpunta roon na may dalang
pabangong nasa sisidlang alabastro.
40. Lukas 7:38
38 Umiiyak siyang lumapit sa paanan
ni Jesus, at hinugasan ng kanyang
luha ang mga paa nito. Pinunasan
niya ng kanyang sariling buhok ang
mga paa ni Jesus, hinalikan ito at
binuhusan ng pabango. RTPV
43. Lukas 7:47
47 Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki
ang kanyang pagmamahal sapagkat
maraming kasalanan ang pinatawad
sa kanya; ngunit ang pinatawad ng
kaunti ay kaunti rin lang ang
nadaramang pagmamahal.“