1. Ang Alamat ng Basted
by Emerson Casar (Notes) on Sunday, April 21, 2013 at 12:53pm
Sa isang mapayapang lugar ng Malayo, May isang lalaki na nagngangalang Baste, isang matipuno,
maputi, makinis at kapita-pitagang lalaki. Dahil nga siya ay nasa kapanahunan ng pagbibinata, ang
hangad niya lamang ay magkaroon ng makakasama o girlfriend. At ang kanyang mga pagtatangkang
panliligaw ay lagi na lang nabibigo. Ibinibigay niya naman ang kanyang makakaya upang mabihag ang
puso ng babae. Isang araw ay humingi siya sa kanyang kaibigan na si Dose ng mga payong pangkaibigan
. “Pare, ano ba talaga ang dapat kong gawin para magkaroon na ako ng nobya ?” sabi ni Baste . Medyo
napailing si Dose at napaisip . “Alam mo pre, wala talagang paraan para diyan sa problema mo. Diskarte
na lang ang tatapos ng paghihirap mo .” Ngunit dahil napapaisip kung saan siya nagkulang ay hindi niya
ito pinakinggan at wari’y gagawa talaga ng paraan para masagot ang kanyang pinakaaasam na
sagot.”Saan ba siya nagkulang ?” Malapit na lumubog ang araw, habang naglalakad siya pauwi ay may
nakasalubong siya na matandang babae, nakaputi ito at mahaba ang buhok, “hindi naman araw ng patay
bakit may naliligaw na white lady dito” sa isipan ni Baste. Nagulat na lang siya ng biglang tumigil ito sa
harap niya at ngumiti, ang matatakuting lalaki naman ay hindi nakagalaw kaya hindi siya makatakbo, at
ayun naninindig ang balahibo , nagsalita ang matanda “Boy wag kang mabahala , ako ay nandito para
tulungan ka. Sabi ni Baste “alam mo ba ang problem ako ?”
Sagot naman ng matanda “May gamot para diyan, isang patak lamang sa mata mo nito ay tiyak
mapapasagot na ang babaeng ninanais mo”. Ngunit matatagpuan lamang ito sa buwan. Kung saan may
Diyosa na naninirahan doon . Tuwing hating-gabi daw ay nagkakaroon ng tulay papunta sa buwan mula
sa parke. Walang atubili ay naghintay siya ng oras kung saan matatagpuan ang gayumang hinahangad.
Hindi na siya nagbaon ng kung anu-ano, dumiretso siya sa parke at nag-abang ng tulay. Maya-maya ay
ay lumitaw ang iang kumikinang na parang bahaghari at tumulay siya papunta doon. Mga kinse minuto
siyang naglakad habang pinagmamasdan ang magagandang tanawin sa labas ng Earth. Tumapak siya sa
lupa ng buwan, nilibot ang paligid nito at mga ilang sandal ay may nakita siyang puno, na akala niya
naman ay wala sa totoong buhay na naririnig niya sa mga lecture habang siya ay nag-aaral. Nilapitan
niya ito, at nakita niya na wala namang bago sa puno na ito “parang walang buhay”.. Sa isang kisap-
mata , lumabas ang isang diwata, napakaganda nito at mukha talagang Diyosa. “Ano ang iyong
hinahanap at kailangan?”pagalit na tanong ng Diyosa. “Isang gayuma lamang” sabi ni Baste, agad naman
ibinigay ng diyosa ang gayuma kay baste. “Hmmm…san ko kaya gagamitin ito?” sa una kaya kung sa
kanya ko ito gamitin? “Naisip niya na parang nag aatubili, bago siya kumilos para gawin ang balak,
inunahan na niya ng Diyosa, “ayoko, hindi ka pumasa sa aking standards”, at nagising siya sa kama niya,
“hala akala ko…yun pala BASTED!”