Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Ang alamat ng tansan

7,756 views

Published on

  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Ang alamat ng tansan

  1. 1. Ang Alamat ng TansanJeric A. LopezGinagamit ang tansan bilang panakip ng mga softdrinks, hard drinks, tubig at maramipang iba. Naisip mo na ba kung bakit nagkaroon ng tansan? Ano ang pingamulan nito? Atbakit animo’y pinaliit itong batsa. Bakit kaya may patulis ito sa gilid? Tara at ating alamin angpinagmulan ng tansan.Si Jonathan o mas kilala bilang Tan ay larawan ng isang matulunging tao. Lahat ngdalawampu’t isang pamilya sa kanilang nayon ay kanyang natutulungan. Batid niyang siya aymatalino ngunit gaya ng ibang tao ay may kahinaan rin. Oo, tama, bobo nga sya pagdating samga lugar. Gusto niyang sumali sa pinakatanyag na laro sa buong mundo ang “PinoyHenyo,” ngunit natatakot siyang baka lugar ang matapat na kategorya sa kanya at doon ngaay tiyak siyang papalya.Nag-aral sya sa Harvard University at nag-enrol ng kursong may kinalaman sa mgalugar. Hindi niya natapos ang pag-aaral dahil mismong guro ay sumusuko na sa kanya.Bumalik siya ng nayon at doon nakita niya si Kuya Kim ang “Matang Lawin.” Humingi siya ngtulong dito “Kuya Kim, maaari mo ba akong matulungan patungkol sa lugar?” tanong niya.“ah, eh ako? Pasensya na iho pero may taping pa kami ng showtime. Try mo nalang huminging tulong kay Jose at Wally sali ka na rin sa Juan For All, All for Juan baka dun mo mahanapang kasagutan.” Nagkibit balikat na lamang si Tan at nalulungkot niyang binagtas angpunong kakahuyan. Sa di kalayuan ay may nakita siyang mataas na puno. Nilapitan niya ito atdoon nanaghoy ng tuluyan. “Kung mayroon lang sanang makakatulong sa akin, kahit sino pasya lalapitan ko talaga” umiiyak na sabi ni Tan sa puno.Nayanig ng bahagya ang puno at nahati ito sa gitna. Umilag si Tan dahil malalaglagansiya. Lumitaw ang isang Lolang may hawak na magic wand. “Iho, ang ingay mo naman!Nagising tuloy ako. Ano ba ang problema?” Una ay nahintakutan si Tan sa pag-aakalang itoay bruha. Tumakbo siya ng ubos lakas ngunit napansin niya nagmu-moonwalk lang siya.“Tulong-tulong!!!” sigaw ni Tan. Nilapitan siya ng lola at sinampal “Huwag ka ngangumatungal na parang bata dyan!” Ikinuwento nga ni Tan ang kanyang problema sa matanda.
  2. 2. Tumawa ng malakas ang matanda at bahagyang bumuka ang lupa, “ayy, sorry” sabi nito.“eh ang dali lang naman pala ng problema mo, akala ko naman kung ano” sabi ng matanda.“hawakan mo ang aking mga kamay at lilipad tayo sa alapaap”- utos ng matanda. Bago paman mahawakan ni Tan ang kamay nito ay sumipol muna si Lola at doon nga lumabas angsasakyang animo’y batsa. “Ayan na ang Zan” sabi ni Lola. “Tara sakay na!” madaling sabi niTan.At iyon nga ang nangyari, nagkaroon ng world tour ang dalawa sakay ng Zan. Unanilang pinuntahan ang Mercury. Napansin nilang sobrang lapit nito sa araw. Lumipad nglumipad at lumipad pa ang dalawa hanggang sa narating nila ang Jupiter. “talagangnapakalaki nga ng Jupiter”Bumalik sila ng earth at nagulat sa nakita nila “ayan ang laki na ng butas ng ozonelayer- dahil yan sa maling gawain ng tao” sabi ng matanda. “sing laki na siya ng Australia”sagot naman ni Tan. Naglakbay sila sa ulap sakay ng Zan. Pumunta sila sa White House,London Bridge, Eiffel Tower , Taipei 101 at marami pang iba. Nagawa rin nilang bisitahin ang‘Konoha’ at doon natunghayan nila ang paglalaban ni Naruto at Sasuke. Nang magutom aypumunta sila sa Japan at nagpa-bake ng tinapay kay Kazuma Azuma, natikman nila ang obranitong “Mount Fujiwara Bread”. Nakaramdam sila ng pagod kung kaya’t nanood sila ngconcert ni Psy sa Korea. Nakita nilang wala pang giyera dito. At bumalik sila sa nayon sakayng Zan. Ipinagkatiwala ng matanda kay Tan ang kanyang Zan sa pag-aakalang magagamit itosa kabutihan.Naging maalam nga si Tan pagdating sa lugar. Wala siyang sinayang na oras. Satulong ng kanyang mga natutunan ay sumali siya sa “Pinoy Henyo”. Tama nga ang kanyanghinala, nagwagi siya at inuwi niya ang 21,000,000 na premyo sa palaro.Kasabay ng kanyang pagyaman ang pagbabago ng kanyang pag-uugali. Nagingmaramot siya sa kapwa at naging mapagmataas. Nakalimutan niyang tulungan ang mgakanayon niya, bagkus, nilustay niya ang pera sa pagpunta sa iba’t-ibang lugar sakay ng Zan.Wala ng ibang bukambibig si Tan kundi ang kanyang Zan. Ipinagmamayabang niya ito kaninoman.
  3. 3. Isang araw ay may matandang lalaking taga-nayon ang humingi ng tulong sa kanya.Sa halip na tulungan ay inutusan niya ang Zan at sumakay rito. Lumipad ang Zan sa ibabawng matanda, dahilan ng pagkaka-buwal nito sa kinatatayuan. Nagpuntang Great Wall ofChina si Tan at nagpasyang doon nga matulog. Samantala, malungkot na inihayag ngmatanda ang ginawa sa kanya ni Tan sa mga taga-nayon.Pumunta ang dalawampu’t isang pamilya sa kakahuyan at nag-alay ng chooks-to-gochicken sa puno. Bumuka ito at lumitaw ang isang matandang babae. Kinain muna niya angmanok at nagwikang “mas yummy!”“Bakit nyo ako kailangan?” tanong ng matanda sa mga tao. At doon nga inilahad ngmga taga-nayon ang istorya.Naiiyak ang matanda at humuhikbi dahil sa kaawaan. “hindi ko akalaing ang Zan angmagpapabago sa pag-uugali ni Tan, kailangan niyang maturuan ng leksyon” sabi ngmatanda.Sa isang iglap ay nawala ang matanda, animo’y nag-teleport. Dinatnan niya si Tan nanatutulog sa Great Wall, akap-akap ang Zan. Kinalabit siya ng matanda hanggang sa siya aymagising.“Anong ginagawa mo dito tanda?”- walang galang na sabi ni Tan.“Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na nagkasala ka at kailangan mong makamit angkarampatang kaparusahan sa iyong maling nagawa.” Tugon ng matanda.“Wala ka namang kapangyarihan eh. Bagkus, isang utos ko lang sa aking Zan aytataob ka na”- mayabang na sagot ni Tan.“ipinagkatiwala ko yan sa iyo sa pag-aakalang makakatulong ka sa iba”- naiiyak ngsabi ng matanda.“oh! Wag kang iiyak tanda! At maraming namamatay sa maling akala” natatawangsabad ni Tan.“Yaman din lamang lagi mong ipinagmamalaki ang Zan, ikaw na mismo ang gagawinkong Zan.”Isinumpa nga ng matanda si Tan, ang Zan na mala-batsa ay nagkaroon ngdalawampu’t isang patulis sa gilid tanda ng dalawampu’t isang pamilyang nasaktan ni Tan.
  4. 4. Ipinasya ng matandang tawagin itong “TanZan” bilang paalalang huwag tutulad kay Tan.Winika niyang “ikaw Tanzan ay mananatiling nakataob bilang tanda ng iyong pagluhod samga taong nasaktan mo. Ilalagay ka sa mga inumin bilang panakip upang lagi ka nilangmaalala at wag lang tutularan.” At doon nga ay lumiit ang tanzan.Bumalik ang matanda sa nayon upang ikwentong wala na si Tan. Ibinigay niya angmaliit na bagay sa dalawampu’t isang pamilya upang magamit nila bilang panakip sa inumin.“ano po ito?” tanong ng isa sa mga taga-nayon. Dahil sa bungi ang matanda kung kaya’t diniya mabanggit ng maayos ang Tanzan bagkus ito ay nabanggit niyang “Tansan.” Mula noonhanggang ngayon, ginagamit na ng mga tao ang tansan bilang panakip sa mga botelyangnaglalaman ng likidong inumin.

×