Pagbasa sa iabt ibang uri ng teksto.pptxJudeBlanker
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik Layunin nitong paunlarin ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t ibang uri ng teksto at ang kaugnayan ng mga ito sa sarili, pamilya, pamayanan, bansa, at daigdig. Gagabayan ang mga mag-aaral upang makasulat ng isang makabuluhang pananaliksik kaugnay ng isang napapanahong isyu o phenomenon.

Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...

1. Tekstong Deskriptibo:
Makulay na Paglalarawan
Aralin 4
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
2. Layunin ng Talakayan
• Maipaliwanag ang kahulugan at layunin ng tekstong deskriptibo
• Matukoy ang katangian ng tekstong deskriptibo
3. Daloy ng Talakayan
• Kahulugan at Layunin ng Tekstong Deskriptibo
• Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo
4. Kahulugan at Layunin ng Tekstong Deskriptibo
• Ang tekstong deskriptibo
ay may layuning maglarawan
ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon, at iba
pa. Ang uri ng sulating ito
ay nagpapaunlad sa
kakayahan ng mag-aaral na
bumuo at maglarawan ng
isang partikular na
karanasan.
5. Kahulugan at Layunin ng Tekstong Deskriptibo
• Sa isang tekstong
naratibo, pinatitingkad ng
mahusay na paglalarawan
ang kulay ng isang lugar
kung saan nangyayari ang
kuwento. Ipinakikilala nito
ang hitsura, ugali, at
disposisyon ng mga
tauhan.
6. Kahulugan at Layunin ng Tekstong Deskriptibo
• Sa isang prosidyural na teksto, natitiyak din
ng mambabasa ang hitsura, katangian, at
kalikasan ng yaring produkto sa
pamamagitan ng deskripsyon. Pinatatatag
ng paglalarawan ang anomang porma ng
sulatin kung mahusay at angkop ang
pagkagamit nito. Samakatuwid, mahalagang
gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa
atensyon ng mambabasa upang
maipaliwanag ang oryentasyon ng isang
malikhaing akda.
7. Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• Ang tekstong
deskriptibo ay may
isang malinaw at
pangunahing
impresyon na nililikha
sa mga mambabasa.
8. Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• Ang tekstong naratibo ay maaaring maging
obhetibo o suhetibo, at maaari ding
magbigay ng pagkakataon sa manunulat na
gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa
paglalarawan. Ang obhetibong paglalarawan
ay mga direktang pagpapakita ng katangiang
makatotohanan at ‘di mapasusubalian. Ang
subhetibong deskripsyon naman ay
maaaring kapalooban ng matatalinghagang
paglalarawan at naglalaman ng personal na
persepsiyon o kung ano ang nararamdaman
ng manunulat sa inilalarawan.
9. Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• Ang tekstong deskriptibo ay
mahalagang maging espisipiko
at maglaman ng mga
konkretong detalye. Ang
pangunahing layunin nito ay
ipakita at iparamdam sa
mambabasa ang bagay o
anomang paksa na inilalarawan.