1. Yunit 2
ARALIN 7: Instrumental, Regulatori,
at Heuristikong Tungkulin ng Wika
2. Instrumental na Tungkulin ng Wika
Kung layon nitong makipagtalastasan
para tumugon sa pangangailangan
ng tagapagsalita.
Ginagamit ang wika para tukuyin ang
mga preperensiya, kagustuhan, at
pagpapasiya ng tagapagsalita.
Kapag nilulutas ang isang problema,
nangangalap ng materyales,
nagsasadula, nanghihikayat.
3. Instrumental na Tungkulin ng Wika
Halimbawa:
A. Sa palagay ko, kailangan na nating
magpahinga muna.
B. Sa akin, gusto ko munang
makipaghiwalay.
Alin sa dalawang pangungusap
nagamit nang mabisa ang instrumental
na tungkulin ng wika?
4. Instrumental na Tungkulin ng Wika
Halimbawa:
A. Sa palagay ko, kailangan na nating
magpahinga muna.
(Hindi mabisa sapagkat hindi nito nililinaw ang
tiyak na kagustuhan at pangngangailangan ng
tagapagsalita.)
B. Sa akin, gusto ko munang
makipaghiwalay.
(Mabisa sapagkat may tiyak na paggamit ng
pahayag na ''gusto ko...'')
5. Regulatori na Tungkulin ng Wika
• Kapag may kakayahang
makaimpluwensiya at mgkontrol sa
pag-uugali ng iba.
• Upang makapanghikayat, mag-utos
at humiling sa kausap.
• Maaaring gamitin sa mga aktuwal na
karanasan ng pagbibigay ng panuto,
batas, at pagtuturo.
6. Heuristikong Tungkulin ng Wika
• Kapag ginagamit ang wika sa pag-
aaral at pagtuklas upang makatamo
ng kaalaman ukol sa kapaligiran.
• Sumusulpot ang ganitong tungkulin
sa mga pagkakataong nagtatanong,
sumasagot, o dumadaloy ang isang
pamumuna bilang pagkilos ng isang
bata o indibidwal.
7. Heuristikong Tungkulin ng Wika
• “Ano'ng nangyari?”
• “Para saan?”
• “Bakit mo ginawa iyon?”
• “Sabihin mo sa akin kung bakit?”
• “Ano ang ginagawa ng mga taong
gobyerno?”
8. AKTIBIDAD
Lumikha ng isang islogan na
humihikayat o nakaiimpluwensiya sa
pagsusulong ng pangngangalaga sa
ating kalikasan.
9. Yunit 2
ARALIN 8: INTERAKSIYONAL,
PERSONAL, AT IMAHINATIBONG
TUNGKULIN NG WIKA
10. INTERAKSIYONAL
Kapag nagbubukas ng interaksiyon
humuhubog ng panlipunang ugnayan.
“ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay
lumilikha ng panlipunang ekspresyon.
mga pagbating kagaya ng, “Mahal Kita,”
“Kamusta?” “Nanay,” “Mabuhay!”
Estratehiyang interaksiyon (kilos, tuon ng
mata, pagwiwika ng katawan)
Pinalalakas ang pagbuo ng ugnayan sa isang
lipunan.
11. PERSONAL
Kapag pinapalakas ang personalidad at
pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Upang ipahayag ang personal na
preperensiya, saloobin at pagkakakilanlan.
12. IMAHINATIBONG TUNGKULIN NG WIKA
Kapag pinapahayag ang imahinasyon at
haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga
salita.
Paggamit ng tayutay sa mga komposisyon.
Paglikha ng pick-up lines.