SlideShare a Scribd company logo
3 
Edukasyon sa 
Pagpapakatao 
Kagamitan ng Mag-aaral 
Yunit 1 
Kagawaran ng Edukasyon 
Republika ng Pilipinas 
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. 
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang 
Kagamitan ng Mag-aaral – Yunit 1 
Unang Edisyon, 2014 
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi: Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. 
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. 
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon 
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC 
Pangalawang Kalihim: Dr. Dina S. Ocampo 
Kawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino 
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat 
(DepEd-IMCS) 
Office Address : 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex, 
Meralco Avenue. Pasig City, 
Philippines 1600 
Telefax : (02) 634-1054 or 634-1072 
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com 
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral 
Consultants/Reviewers: Dr. Fe A. Hidalgo, Dr. Erico M. Habijan, Ms. Irene 
C. De Robles 
Content & Language Reviewers: Prof. Elanor O. Bayten, Dr. Corazon L. 
Santos 
Writers/Authors: Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang, 
Rodel A. Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D. Sajise,Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A. Canlas, Leah D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Irene de Robles, Dr. Erico M. Habijan, 
Illustrator: Randy G. Mendoza 
Encoder: Gabriel Paolo C. Ramos 
Proofreader: Joselita B. Gulapa 
Focal Person: Marilou D. Pandiño
Talaan ng Nilalaman 
Yunit 1: Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya 
Aralin 1 – Kaya Ko, Sasali Ako! ............................................. 2 
Alamin Natin ............................................................................ 2 
Isagawa Natin ......................................................................... 5 
Isapuso Natin ........................................................................... 7 
Isabuhay Natin ........................................................................ 8 
Subukin Natin ........................................................................... 9 
Aralin 2 – Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin ........... 10 
Alamin Natin .......................................................................... 10 
Isagawa Natin ....................................................................... 11 
Isapuso Natin ......................................................................... 13 
Isabuhay Natin ...................................................................... 14 
Subukin Natin ......................................................................... 15 
Aralin 3 – Hawak Ko: Tatag ng Loob .................................. 16 
Alamin Natin .......................................................................... 16 
Isagawa Natin ....................................................................... 17 
Isapuso Natin ......................................................................... 20 
Isabuhay Natin ...................................................................... 22 
Subukin Natin ......................................................................... 23 
Aralin 4 – Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! ..................... 24 
Alamin Natin .......................................................................... 24 
Isagawa Natin ....................................................................... 25 
Isapuso Natin ......................................................................... 27 
Isabuhay Natin ...................................................................... 29 
Subukin Natin ......................................................................... 29 
Aralin 5 – Malusog na Katawan, Damdamin 
at Kaisipan: Pangalagaan ................................. 30 
Alamin Natin .......................................................................... 31 
Isagawa Natin ....................................................................... 32 
Isapuso Natin ......................................................................... 32
Isabuhay Natin ...................................................................... 33 
Subukin Natin ......................................................................... 34 
Aralin 6 – Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan!....... 34 
Alamin Natin .......................................................................... 34 
Isagawa Natin ....................................................................... 36 
Isapuso Natin ......................................................................... 38 
Isabuhay Natin ...................................................................... 39 
Subukin Natin ......................................................................... 40 
Aralin 7 – Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa ................. 40 
Alamin Natin .......................................................................... 41 
Isagawa Natin ....................................................................... 42 
Isapuso Natin ......................................................................... 43 
Isabuhay Natin ...................................................................... 44 
Subukin Natin ......................................................................... 44 
Aralin 8 – Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya .... 45 
Alamin Natin .......................................................................... 45 
Isagawa Natin ....................................................................... 46 
Isapuso Natin ......................................................................... 47 
Isabuhay Natin ...................................................................... 48 
Subukin Natin ......................................................................... 49 
Aralin 9 – Ako, Ang Simula! ................................................ 50 
Alamin Natin .......................................................................... 50 
Isagawa Natin ....................................................................... 51 
Isapuso Natin ......................................................................... 53 
Isabuhay Natin ...................................................................... 54 
Subukin Natin ......................................................................... 55
1 
Yunit I 
Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
2 
Aralin 1 
Kaya Ko, Sasali Ako! 
Ang bawat tao ay may natatanging kakayahan. Bilang batang 
mag-aaral, unti-unti mong natututuhan at nalalaman ang mga 
kakayahang ito. Mahalaga na ito ay iyong mapaunlad. Alamin 
kung papaano mo ito gagawin. 
Gawain 1 
Pagmasdan ang mga batang nakaguhit sa bawat kahon. 
Alamin Natin
3 
Nais kong tularan ang batang_____________________ _________________________________________________sapagkat______ ________________________________________. 
Gawain 2 
Ngayon naman ay tingnan mo ang mga batang nasa larawan. Ipinakikita rito ang kanilang mga natatanging kakayahan.
4 
Bigyang-pansin ang kahong walang nakaguhit na bata kundi ang isang tandang pananong (?). Ito ay para sa kakayahan mong hindi mo nakita sa mga kahon. Suriin mo ang iyong sarili. Isipin mo ang iyong natatanging kakayahan. Isulat o iguhit ito sa iyong kuwaderno. Lagyan ito ng pamagat na “Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!” o kung anong pamagat ang gusto mo. 
? 
Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!
5 
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa mga kakayahang iyong inilista o iginuhit: 
1. Sa mga itinala mong kakayahan, alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa? 
2. Masaya ka ba kapag naipapakita mo ang kakayahang ito sa ibang tao? Bakit? 
3. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita ng iyong kakayahan? 
Gawain 1 
“Ano-ano ang mga kaya kong gawin kahit na ako ay nag- iisa?” Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 
Mga kaya kong gawin: 
1. ________________________________________________ 
2. ________________________________________________ 
3. ________________________________________________ 
4. ________________________________________________ 
5. ________________________________________________ 
Isagawa Natin
6 
Gawain 2 
Magplano kayo! 
Alam na ninyo ang inyong mga kakayahan. Kaya na ninyo ang magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan. 
 Lahat ng mahuhusay sa pagguhit ay magsama-sama upang mag-isip at gumawa ng mga likhang- sining na maaaring maipaskil sa isang bahagi ng dingding o pader ng silid-aralan. 
 Ang mahuhusay umawit, sumayaw, tumula, at umarte ay magsama-sama upang magplano naman ng isang natatanging palabas o pagtatanghal. 
 Magsama-sama naman sa isang grupo kung ang inyong mga kakayahan ay hindi nabanggit sa dalawang naunang pangkat. Umisip ng isang gawaing makapagpapakita ng natatanging kakayahan para sa isang palabas o pagtatanghal. 
Gawain 3 
Ang Araw ng Pagtatanghal 
Ipakita ninyo ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong. 
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga iginuhit ng inyong kamag-aral? Bigyan sila ng kaukulang pagsusuri. 
2. Pansinin naman natin ang mga kumanta, tumula, sumayaw, at nagdula-dulaan. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang kanilang lakas ng loob sa pagtatanghal? Patunayan. 
3. Ano naman ang ipinakita ng ikatlong grupo? Suriin naman ang kanilang pagpapakitang gilas. 
4. Bakit kayo may lakas ng loob na ipakita ang inyong mga natatanging kakayahan?
7 
Punan ang kard sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na papel. 
Ako si ___________________________________. 
Ako ay nasa____________________________________ 
(baitang) 
ng _____________________________________________. 
(paaralan) 
Kaya kong____________________________________ 
_____________________________________ 
_____________________________________ 
Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing 
may __________________________________________ 
_______________________________________________ 
_______________________________________________ 
larawan 
Isapuso Natin
8 
Tandaan Natin 
Lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan. Ilan sa mga ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw, pagtula, pagsulat, pagguhit, isport, at iba pa. 
Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya mula sa Diyos. Ito ay dapat nating gamitin at linangin sapagkat nakapagbibigay ito sa atin ng sariling pagkakakilanlan. Maraming sikat na tao ang nakilala dahil sa kanilang kakayahan. Ilan sa mga halimbawa ay sina Liza Macuja bilang sikat na mananayaw, Leah Salonga bilang sikat na mang-aawit, Julian Felipe bilang sikat na kompositor, si Manny Pacquio bilang sikat na boksingero, at si Presidente Corazon Aquino bilang sikat sa kaniyang demokratikong pamumuno. 
Mahalagang malaman mo ang iyong mga kakayahan bilang isang bata. Ang mga ito ay dapat na patuloy na nililinang o pinauunlad para higit na magkaroon ng tiwala sa sarili. Kailangan natin itong gamitin hindi lamang para sa ating sariling kapakanan kundi para din sa kapakanan at ikasisiya ng ibang tao. 
Palagi mong tandaan na ang anumang kakayahan na meron ka ay dapat ipinapakita upang ito ay higit na malinang. 
Pag-isipan mo ang tanong na ito. 
“Paano ko mapauunlad at magagamit ang aking angking kakayahan?” 
Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na ito o gumuhit ng isang katumbas ng talata. 
Isabuhay Natin
9 
A. Lagyan ng tsek () ang bilang ng mga kakayahang na kaya mo nang gawin at ekis () kung hindi mo pa ito kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang sagot sa iyong papel. 
1. Maglaro ng chess 
2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit 
3. Tumula sa palatuntunan 
4. Sumali sa field demonstration 
5. Sumali sa panayam/interview 
6. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo 
7. Umawit sa koro ng simbahan 
8. Makilahok sa paggawa ng poster 
9. Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan 
10. Makilahok sa isang scrabble competition 
11. Makilahok sa isang takbuhan 
12. Maglaro ng sipa 
13. Maglaro ng tumbang preso 
14. Paglalahad sa paggawa ng myural 
15. Umarte sa isang pang-entabladong pagtatanghal 
Kung wala ang iyong kakayahan sa mga nakasulat sa itaas, isulat mo ito sa iyong kuwaderno. 
Naipakita mo ang natatangi mong kakayahan. Binabati kita. Isiping muli ang mga nagawa mo ukol sa kakayahang itinala at naipakita. Isaalang-alang ang kayang-kaya mong magawa nang nag-iisa. Patuloy mo itong paunlarin. Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may tiwala sa sarili. 
Sapagkat natapos mo nang may tiwala sa sarili ang araling ito, maaari ka nang tumuloy sa susunod na leksyon. 
Subukin Natin
10 
Aralin 2 
Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin 
Mayroong mga gawaing iniaatang sa bawat kasapi ng tahanan maging sa batang tulad mo. Kabilang dito ang mga aksyong dapat isagawa sa loob ng iyong paaralan. 
Ang pagkukusa ay isang napakahalagang pag-uugali na dapat mong isakatuparan. 
1. Isipin mo ang mga gawain na isinasakatuparan sa inyong tahanan. 
2. Gagabayan ka sa pagbuo ng isang Talahanayan tungkol sa mga gawaing nakaatang sa iyo. 
3. Sa ipapaskil ng guro na isang talahanayan, kukuha ka ng hugis sa kahon at iyong ididikit sa tapat ng tungkuling iniatang sa iyo sa tahanan. 
Mga Gawain 
Mga Ilalagay na Hugis 
Naghuhugas ng pinggan 
Nagpapakain ng alagang hayop 
Nagpupunas ng mga kasangkapan 
Nagliligpit ng hinigaan 
Nagtatapon ng basura 
Nagsasauli ng gamit sa angkop na lalagyan 
Alamin Natin
11 
Sagutin ang tanong: 
Ano ang nais ipakahulugan ng Talahanayan? 
Gawain 1 
Basahin ang tula. 
Kusa Kong Gagawin 
Sa aming tahanan may mga tungkulin 
Na dapat gampanan kasaping butihin 
Magaa’t mabigat kusa kong gagawin 
Tiwala at husay ay pananatilihin. 
Paglilinis ng bahay pati ng bakuran 
Paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, 
Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan 
Kusang-loob na gagawin na may kasiyahan. 
Sagutin ang mga tanong. 
1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula? 
2. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang tula? 
3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano-ano pang mga gawain ang maaaring ibigay sa iyo? 
4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan ang mga gawaing ibinigay sa iyo? 
5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. 
Isagawa Natin
12 
Gawain 2 
Pangkatang Gawain – Paggawa ng Poster 
Ngayon ay ipakikita natin ang mga gawain natin sa paaralan sa pamamagitan ng poster. 
Ito ang mga panuntunan na dapat tandaan sa paggawa. 
1. Gumawa nang maayos at tahimik. Iwasan ang pag-iingay. 
2. Iwasan ang paglipat-lipat sa ibang pangkat. 
3. Iwasan ang pag-aaksaya ng gamit. 
4. Panatilihing malinis ang gawain. 
5. Kapag tapos na ang gawain, iligpit ang mga kagamitan at linisin ang lugar. 
Aming Gawain sa Paaralan 
Mga kailangang kagamitan: 
Manila paper/cartolina gunting pambura 
lumang magasin pangkulay 
Pamamaraan: 
1. Pag-usapan ang mga tungkuling isasaad sa poster at kung paano ito isasagawa. 
2. Paghanap ng larawan sa lumang magasin na nagsasaad ng gawain sa paaralan. 
3. Pagdikit ng ginupit o iginuhit na larawan 
4. Pagpaskil ng natapos na poster. 
Suriin ang mga poster na ipinaskil. 
1. Isa-isahin ang mga tungkuling makikita sa poster. 
2. Ano ang isinasaad ng mga poster? 
3. Ano ang iyong mga nararamdaman habang ginagawa ang mga ibinigay sa inyong gawain mula sa inyong pamilya? Sa inyong paaralan? Ipaliwanag.
13 
4. Dapat bang magkaroon ng tungkulin ang tulad ninyong mga bata sa inyong sarili? tahanan? sa paaralan? Pangatwiranan. 
Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing ibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang pagganap sa tungkulin. 
Tandaan Natin 
Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan, simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang biro sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang responsibilidad at pananagutan. 
Bilang isang kasapi, may mga gawaing naiaatang sa iyo na dapat gawin at pahalagahan. Dapat mong isapuso ang mga gawaing ibinigay sa iyo tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa. Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay na kapalit. 
Ang Aking Pangako 
Ako, si _______________ ay nangangakong 
______________________________________________ 
______________________________________________ 
________________________________________. 
____________ 
Lagda 
Isapuso Natin
14 
Ang mga naiatang na gawain sa iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan ay nagpapakita ng malaking tiwala sa iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki kanino man. 
Gawain 1 
Magpakita ng dula-dulaan ayon sa hinihingi sa bawat pangkat. 
Pangkat 1 – Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mgag gawain sa tahanan: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagliligpit ng pinagbihisan, pag-iigib, pagbili ng kakailanganin sa pagluluto ng Nanay o Tatay, at iba pa na inyong maiisip. 
Pangkat 2 – Pagpapakita ng pagpapahalaga ng mga gawain sa paaralan: pagtatama ng papel, paglilista ng maingay sa klase, paglilinis sa silid-paaralan, pagbubura ng sulat sa pisara, pagtitinda sa kantina sa oras ng rises, at iba pang maiisip ninyong gawin. 
Pagkatapos ng palabas sagutin ang mga tanong: 
 Ano ang ipinahihiwatig ng bawat dula-dulaan? 
 Aling pangkat ang mas nagustuhan ninyo? Bakit? 
Isabuhay Natin
15 
Gumawa ng isang talaarawan sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba. Hayaan ang isang kamag-aral na nakakita ng iyong kilos na may pagkukusa ang siyang magtala ng iyong ginawa. Punan ang talaarawan para sa isang linggo at ipasa. 
Subukin Natin
16 
Aralin 3 
Hawak Ko: Tatag ng Loob 
“Sa isang batang katulad mo, katatagan ng loob ay dapat 
na tangan mo!” 
Bilang bata, ano-anong mga damdamin at palatandaan 
ang makapagpapakita ng katatagan ng iyong loob? Pag-aralan 
ang mga gawain sa araling ito upang mas maging matatag ang 
iyong kalooban. 
Pag-aralan mo ang sumusunod na larawan. Pumili ng isa na 
maaari mong tularan. Ano kayang damdamin ang maaaring 
nararamdam ng mga batang tulad mo sa sandaling ito ay iyong 
ginagawa sa harapan ng maraming tao? 
A 
B 
Alamin Natin
17 
Isulat sa metacard ang iyong sagot. Pagkatapos, ipaskil ito sa tapat ng pinalaking larawan na idinikit naman sa pisara ng inyong guro. Ihanda ang sarili para ipaliwanag kung bakit ito ang mga napili mong kasagutan. 
Gawain 1 
Suriin at sagutin mo ang sumusunod na sitwasyon gamit ang mga pananda. Gawin ito sa inyong papel. 
P- Palaging ginagawa 
M- Madalas ginagawa 
B- Bihirang ginagawa 
H- Hindi ginagawa 
1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti. 
2. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit na kung minsan ako ay natatalo. 
3. Umiiwas ako sa pakikipag-away. 
4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko ng loob. 
C 
D 
Isagawa Natin
18 
5. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapagagalitan. 
6. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong kasalanan. 
7. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di-mabuting udyok ng iba. 
8. Tinatanggap ko ang mga puna ng aking mga kaibigan nang maluwag sa aking puso. 
9. Tinatanggap ko kung pinagagalitan ako ng mga nakatatanda. 
10. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para mapaunlad ang aking kakayahan. 
Markahan mo ang iyong sarili. Gamitin ang katumbas na marka at pagsama-samahin ang mga ito. 
P-5; 
M-3; 
B-2; 
H-0 
Ibigay sa guro ang iyong papel, upang ito ay mabigyan ng kahulugan. 
Ang natapos na gawain ay isa lamang pagtuklas sa iyong taglay na katatagan ng loob. Maaari ka nang tumuloy sa susunod na gawain. 
Gawain 2 
Pangkatang Gawain 
Pumili ng lider at tagasulat sa inyong pangkat. 
Pag-aralan ninyo ang komik- istrip at talakayin ang mga pangyayari. Pagkatapos sagutin ninyo ang sumusunod na katanungan. Pumili ng isang miyembro na maglalahad ng mga kasagutan ng inyong pangkat.
19 
Isang tagpo sa paaralan ang nagaganap hinggil sa pag- uusap nina Tom at Juan tungkol sa kanilang kamag-aral na si Allan. Suriin ang kanilang palitan ng mga salita. 
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa komik-istrip na inyong binasa. 
1. Ano ang paksa ng pag-uusap nina Tom at Juan? 
2. Bakit nila pinag-uusapan si Allan? 
3. Tama ba ang ginawa ni Allan sa kanila? Bakit? 
4. Ano kaya ang pakiramdam nina Tom at Juan ukol sa sitwasyon? 
5. Sino sa kanila ang may matatag na kalooban? Bakit? 
6. Kung kayo ang nasa kalagayan nina Tom at Juan, ano ang inyong gagawin? Bakit? 
7. Masasabi mo bang ang pagtitimpi ay palatandaan ng katatagan ng loob?
20 
Ano ang mga natutuhan natin sa komik-istrip? Sino-sino sa mga bata ang may matatag na kalooban? 
Gawain 1 
Pag-usapan sa inyong grupo ang sagot sa mga tanong. Isipin ninyo ang mga damdaming may kaugnayan sa pagiging matatag ang loob. Isulat ito sa loob ng bilog. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Pumili ng mag-uulat sa inyong grupo para ibahagi sa klase. 
Gawain 2 
Ngayon, gagawa kang mag-isa ng isang graphic organizer sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang kalagayan sa ibaba. 
Kalagayan 
Magkakaroon ng paligsahan sa pagbigkas ng tula. Napili kang kinatawan ng iyong paaralan. Ano-ano ang mga aksyon para maipakita mo na matatag ang iyong kalooban? 
Katatagan ng 
Loob 
Isapuso Natin
21 
Ilagay ang mga kasagutan sa graphic organizer sa inyong kuwaderno. 
***Maaari mong dagdagan ang kahon. 
Tandaan Natin 
May mga palatandaang nagpapakita ng pagiging matatag ang loob. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng lakas at tapang ng loob na harapin ang isang mabigat na problema, tibay ng loob kapag naatasan na ipakita ang anumang kakayahan, pag-iisip o pagninilay bago gumawa ng aksyon, at pagkakaroon ng kontrol o pagtitimpi sa kapwa. 
Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong kalooban upang patuloy kang makagawa ng mga makabuluhang aksyon. Palaging isaisip na ang katatagan ng loob ay isang uri ng pagpapahalaga na kinakailangang isabuhay ng bawat tao. Isa sa mga tatak nito ang pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon na kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin. Maaari namang humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan. 
Mga Damdamin na Nagpapamalas ng Katatagan ng Loob
22 
Sa iyong palagay, taglay mo ba ang katatagan ng kalooban? 
Basahin ang kalagayan at isulat ang sagot sa sagutang papel. 
Kalagayan: Habang naglilinis sa silid-aralan ay nasagi ni Rio ang paso ng halaman at ito ay nabasag. Hinintay niya ang kanilang guro at sinabi niya ang nangyari. 
1. Ano-ano kaya ang kanyang mga naramdaman bago at pagkatapos niyang magsabi sa guro ng totoong pangyayari? 
2. Paano naipakita ni Rio na matatag ang kaniyang kalooban? 
Isabuhay Natin
23 
Sagutin ang sumusunod na katanungan. 
Ano-ano ang mga damdaming ipinamamalas ng isang batang may matatag na kalooban? Isulat sa loob ng lobo sa sagutang papel ang iyong sagot. 
Subukin Natin
24 
Aralin 4 
Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! 
Ang katatagan ng loob ng isang batang tulad mo ay maaaring ipakita sa iba’t ibang pagkakataon. Ngunit paano mo naman tinatanggap ang puna ng ibang tao sa mga pagkakamali mo o hindi magandang kilos, gawa, at gawi? Sasama ba ang loob mo o itatama mo ang mga ito? 
Gawain 1 
Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa sumusunod ang nangangailangan ng iyong katatagan. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. 
1. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral. 
2. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit. 
3. Magwawalis ka ng bakuran. 
4. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro. 
5. Mag-aalaga ka ng halaman. 
6. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba. 
7. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan. 
8. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi. 
9. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa paglahok sa isang patimpalak sa labas ng paaralan. 
10. Makikipaglaro ka sa iyong mga kababata. 
Alamin Natin
25 
Gawain 1 
Basahin ang diyalogo. 
Nagbago Dahil sa Tamang Puna 
Oras ng rises, pinalabas na ng kanilang guro ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang pangkat Rosas. Nakapila ang klase subalit si James at Robert ay hindi pumila. Nag-uunahan silang tumakbo sa labas. 
James: 
Dalian mo Robert! Mauunahan tayo ng iba sa pilahan sa kantina! 
Robert: 
Sige, sabay tayo! Baka tayo maubusan. 
(At nag-uunahan silang tumakbo sa kantina.) 
Robert: 
Ano ba ang bibilhin mo? 
James: 
Ang gusto ko ay pansit at sago. Ikaw? 
Robert: 
Banana cue at juice. 
(Hindi nila napansin si Gng. Gonzales kaya nabunggo nila ito. Agad silang pinigil ni Gng. Gonzales.) 
Gng. Gonzales: 
Mga bata, tigil muna kayo. Hindi ba ninyo nabasa ang nakasulat na paalaala na nakapaskil sa pader? 
Bawal tumakbo sa pasilyo ng mga gusali. Baka kayo madulas at maaksidente. Dapat ninyo itong sundin para maiwasan ang anumang aksidente at makasakit ng ibang tao. 
James at Robert: (Hiyang- hiya) 
Sori po, Ma’am. Nagmamadali lang po kami. Hinding-hindi na po kami uulit. 
Simula noon ay lagi nang pumipila ang dalawa kapag lumalabas ng silid-aralan kasama ng kanilang kamag-aral. At lahat ng tuntunin sa paaralan ay kanila nang sinusunod. 
Isagawa Natin
26 
Sagutin ang mga tanong. 
1. Sino ang pumuna sa maling gawi nina Robert at James? 
2. Anong mga katangian ang ipinakita ng dalawang bata na magpapatunay na matatag ang kanilang kalooban lalo na nang kausapin sila ng guro? 
3. Patunayan na ang puna na ibinigay ng guro sa dalawang bata ay naging epektibo. 
4. Bakit mahalaga ang pagtatama sa mga mali mong asal at gawi? 
5. Kung ikaw ang isa sa mga mag -aaral, ano ang iyong mararamdaman kapag itinatama ka ng iyong guro? Ipaliwanag. 
Gawain 2 
Bumuo ng pangkat na may anim hanggang walong kasapi. Pumili kayo ng lider. Pag-aralan at talakayin ang kalagayan. 
May proyekto tungkol sa paggawa ng accessory gaya ng kuwintas o pulseras ang mga bata. Gagamitin sa proyekto ang mga kagamitang makikita sa kanilang pamayanan. Kabilang dito ang kabibe, mga buto ng prutas, o gulay. Nakasubaybay sa kanila si Gng. Magbuhat. Nagbibigay siya ng puna at mga mungkahi. Sinunod ng mga bata ang mga sinabi ng kanilang
27 
guro. Kahit na ito ay mahirap gawin, hindi sila nagpakita ng sama 
ng loob o pagtatampo sa kanilang guro, dahil alam nila na ito ay 
tama. Alam din nila na ito ay para sa ikagaganda ng kanilang 
proyekto. Pagkaalis ng guro, patuloy nilang sinunod ang habilin. 
Natapos ang proyekto at nakakuha sila ng mataas na marka. 
Sagutin ang mga tanong. 
1. Anong proyekto ang pinagagawa ni Gng. Magbuhat? 
2. Bakit pinahahalagahan ng mga bata ang mga puna at 
mungkahi ng kanilang guro? 
3. Sa iyong palagay, ang pagtanggap ba sa mga puna at 
pagsunod sa mga mungkahi ng mga nakatatanda tulad ng 
guro ay nagpapamalas ng katatagan ng loob? Ipaliwanag. 
Basahin ninyo ang kalagayan. Magkaroon ng masusing 
talakayan tungkol dito at pag-usapan ang nararapat gawin. 
Kalagayan: Dumating ang mga kamag-aral ni Ana sa 
bahay. Inilabas niya ang kahon ng laruan at naglaro sila. 
Matapos maglaro ay umuwi na sila. 
Isapuso Natin
28 
Naiwang nakakalat ang mga laruan, at si Ana naman ay nanood ng palabas sa telebisyon. Dumating ang kaniyang kuya at pinagsabihan si Ana. Ipinaliwanag ng kaniyang kuya ang kaniyang dapat gawin kung sakaling tapos na ang kanilang paglalaro. 
Sagutin ang sumusunod na tanong: 
1. Bakit pinagsabihan ni Kuya si Ana? 
2. Tama bang iwanan ni Ana at ng mga kalaro niya na nakakalat ang mga laruan? Bakit? 
3. Ano ang dapat ginawa ni Ana bago nanood ng telebisyon? 
Tandaan Natin 
Nasusubok ang katatagan ng ating loob sa pamamagitan ng: 
 pagtanggap sa puna ng ibang tao at pagtatama sa mga hindi magandang kilos, gawa, at gawi bilang tao 
 pagtatama sa mga maling nagawa at pagsasakatuparan ng mga pagbabago mula sa mga mungkahi upang lalo pa itong mapaganda at mapabuti. 
Isa sa kasabihan ng mga nakatatanda ay ito: “ang pinakamagandang silid sa mundong ito ay ang silid ng pagbabago at pag-unlad.” Ang katatagan ng ating loob ay maipakikita ng isang tao sa pamamagitan ng payapang pagtanggap ng mga puna at puri sa ating buhay. Ang taong marunong tumanggap ng papuri ay dapat na marunong ding tumanggap ng puna para makamtan ang tunay na pagbabago.
29 
Kaya mo na bang tanggapin ang puna ng ibang tao sa maling kilos, gawa, o gawi na iyong ipinapakita? Kumuha ka ng iyong kapareha at pag-usapan ang sumusunod na kalagayan. Maaaring iguhit o isulat ang inyong gagawin kung paano tatanggapin ang iba’t ibang puna. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 
1. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi mong kinukuha ang kanyang lapis nang hindi ka nagpapaalam. 
2. Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi pagkatapos ng klase. 
3. Pinagsabihan ka ng ate mo na dapat magpakita ng paggalang habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda. 
4. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat palaging maligo bago pumasok sa paaralan. 
5. Pinaalalahanan ka ng iyong Nanay dahil palagi mong inaaksaya ang tubig na iniigib ng iyong Kuya. 
Sipiin sa inyong papel. Lagyan ng tsek () ang hanay ng iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 
Ginagawa mo ba ang mga ito? 
Palagi 
Bihira 
Hindi 
1. Tinatanggap nang maluwag sa loob ang puna ng ibang tao sa iyong mga natapos na Gawain. 
Isabuhay Natin 
Subukin Natin
30 
Ginagawa mo ba ang mga ito? 
Palagi 
Bihira 
Hindi 
2. Tinatanggap nang maluwag sa loob ang puna sa iyong naging gawi. 
3. Nagkakaroon nang pagbabago sa gawa at gawi dahil sa puna. 
4. Binabago ang isang gawain kapag napagsabihang hindi ito nakasusunod sa pamantayan. 
5. Naghahangad na higit na mapabuti ang anumang gawa o gawi 
Magaling mong naisagawa ang katatapos na aralin. Tingnan mo naman ang susunod na aralin upang lalo pang mapatibay ang iyong kaalaman at pagpapahalaga. 
Sapagkat mahusay mong naisakatuparan ang araling ito, subukin mo nang alamin at sagutin ang susunod na aralin. 
Aralin 5 
Malusog Na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan 
Mahalaga ang kalusugan sa bawat isa sa atin. Matatamo ito kung maisasagawa ang iba’t ibang wastong kilos at gawi upang mapanatili ang malusog at ligtas na pangangatawan mula sa anumang karamdaman.
31 
May kasabihan tayo na “Ang Kalusugan ay Kayamanan.” Naniniwala ka ba rito? Naalala mo pa ba ang iba’t ibang paraan na iyong ginawa para mapanatili ang iyong kalusugan? 
Awitin ang likhang-awit sa himig ng “Sitsiritsit Alibangbang.” Pagkatapos ay basahin naman ito ng pa-rap. 
“Mga batang katulad ko 
Kalusuga’y ingatan nyo 
Kaligtasan ng isip ko 
Wastong gawi ang alay ko. 
Masustansiyang pagkain 
Ehersisyo’y dapat gawin 
Mapagpasensiyang damdamin 
Ang hinahon ay kakamtin” 
Sagutin ang tanong sa inyong kuwaderno. 
1. Tungkol saan ang awit? 
2. Ayon sa awit, ano-anong mga wastong kilos at gawi ang nabanggit tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman? 
3. Ipaliwanag kung bakit ang pagiging mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay may kinalaman din sa pagpapanatili ng ating kalusugan. 
4. May mga gawi ka ba na hindi nabanggit sa awit/rap? Talakayin ang mga ito sa klase. 
Alamin Natin
32 
Gawain 1 
Bumuo ng limang pangkat sa klase. Pumili ng inyong lider na magkukunwaring isang sikat na “host”. (Halimbawa si Mike Enriquez at Karen Davila o iba pa). Ang mga natitirang kasapi ng pangkat ay uupo sa harapan at iinterbyuhin ng inyong napiling host tungkol sa inyong mga gawi sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan mula sa karamdaman. Pagkatapos ng panayam, ang bawat host ay mag-uulat sa klase tungkol sa buod ng napag-usapan. 
Gumawa ka ng isang pangako sa loob ng isang malaking puso tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan at kaligtasan ng katawan. Pagkatapos mo itong gawin, makipagpalitan ka sa iyong mga kaklase at papirmahin mo sila sa loob ng puso tanda ng pagiging saksi nila sa komitment na iyong isinulat. 
Isagawa Natin 
Isapuso Natin 
Ako si ______ ay nangangakong 
________________________________ 
_________________________.
33 
May kilala ka bang tao o grupo na palagiang tumutulong sa mga may sakit? Sa iyong palagay, bakit nila ito ginagawa? 
Sumulat ka sa tao o grupong ito ng Liham Pasasalamat hinggil sa kanilang mga ginagawang pagtulong. 
Tandaan Natin 
Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kasabihang “Ang kalusugan ay Kayamanan” ay isang makatotohanang kaisipan na dapat paniwalaan. 
Ang isang batang malusog ay madaling makagawa ng mga proyekto o gawain na may kahusayan. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip ay kahanga-hanga sapagkat nasasalamin sa kaniya ang katalinuhan. Masasabi ring malusog ang isang bata kung naipakikita niya nang wasto ang kaniyang emosyon o damdamin. 
Ang katawan ay maaaring maging ligtas mula sa karamdaman kung nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi tulad ng pagpapanatiling malinis ng katawan, tamang bilang at oras ng pagtulog, tamang pag- eehersisyo, pagkakaroon ng positibong pagkilala sa sarili, pagiging masayahin, at pagkain ng tama at masusustansiyang pagkain sa tamang oras. 
Isabuhay Natin
34 
Isulat mo sa loob ng bawat lobo ang natutuhang mga gawi sa pangangalaga ng iyong kalusugang pisikal, mental, emosyonal. Gawin mo ito sa isang malinis na papel. 
Binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. 
Aralin 6 
Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan! 
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga wastong kilos at gawi upang mapangalagaan ang iyong kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman. Sino-sino ang ibig mong bahaginan at hikayatin upang hawak-kamay kayong magtulungan tungo sa maayos na kalusugan at pangangatawan? 
Gawain 1 
Awitin ang liriko sa ibaba sa himig ng “Hawak-Kamay.” 
Subukin Natin 
Alamin Natin
35 
Hawak-Kamay 
Para sa ating kalusugan 
At ‘olrayt’ na kaligtasan, 
Hawak-kamay, 
Halina’t sumama 
Sa paglalakbay. 
Sagutin sa isang papel. 
1. Ano ang pagkaunawa mo sa awit? 
2. Sino-sino ang ibig mong hikayatin upang matamo ang mabuting kalusugan at kaligtasan ng katawan? 
Gawain 2 
Masdan mo ang larawan sa loob ng kahon. Ipagpalagay mo na ikaw ay nasa gitna. Isulat mo sa ibabaw ng larawan ang pangalan ng mga taong nais mong hikayatin para matamo ang maayos na kalusugan at kaligtasan ng katawan.
36 
Sagutin ang mga tanong: 
1. Sino-sino ang mga taong nais mong isama tungo sa pagtamo ng maayos na kalusugan? 
2. Bakit mo sila hinihikayat? Ano-ano ang iyong mga dahilan? 
3. Paano ka manghihikayat? Itala ang mga paraang naiisip mo. 
Narito ang isang tseklis. Ibigay mo ito at pasagutan sa mga napili mong hikayatin upang malaman mo kung gaano nila kadalas ginagawa ang mga gawain. Lagyan ito ng kaukulang tsek (). 
Mga Gawain 
Madalas 
Bihira 
Hindi 
1. Kumakain nang sapat sa tamang oras 
2. Nakikilahok sa mga laro 
3. Nakikilahok sa mga sayaw 
4. Kumakain ng mga gulay at prutas 
5. Umiinom ng tubig na hindi kukulangin sa walong baso sa bawat araw 
6. Nag-iingat sa paglalakad at pagtawid sa daan 
7. Inililigpit ang mga kagamitang maaring makadisgrasya 
Isagawa Natin
37 
Mga Gawain 
Madalas 
Bihira 
Hindi 
8. Nakikisalamuha sa mga kaibigang may mabubuting gawi at katangian 
9. Iniiwasang magpuyat 
10. Nagdarasal bilang pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap 
Gawin ang sumusunod: 
1. Itala mo at kunin ang bahagi ng bawat sagot sa tseklis. 
2. Ano ang iyong gagawin sa mga sumagot nang bihira at hindi? Isulat ang inyong mga mungkahi sa inyong kuwaderno. 
1. ______________________________________________ 
2. ______________________________________________ 
3. ______________________________________________ 
3. Pag-usapan ang mga iminungkahi at papirmahin sila sa kuwaderno bilang patunay ng pagsang-ayon. 
4. Magkaroon ng pag-uulat hinggil sa napagkasunduang mungkahi. Iulat ito sa harapan ng klase.
38 
May ideya ka ba kung ano ang networking? 
Halika! Magnetworking tayo! 
1. Bumuo ng limang pangkat. Mula sa mga sagot na bihira at hindi, gumawa ng isang programa sa pamamagitan ng networking. 
2. Pumili ng lider sa bawat pangkat. Kausapin ang mga kasapi upang makahikayat ng ibang miyembro hanggang sa lumawak ang adhikain upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat tao laban sa sakit o anumang karamdaman. 
(Halimbawa: Oplan Walong Basong Tubig Bawat Araw) 
3. Pag-usapan ninyo kung kailan kayo magkikita- kita upang maiulat ang listahan ng mga taong kanilang nahikayat at kung anong estratehiya ang ginawa nila para makahikayat ng iba. 
Tandaan Natin 
Ang kaalaman sa mga wastong gawi sa pagkakamit ng wastong kalusugan at kaligtasan mula sa anumang karamdaman ay dapat ibahagi sa iba. 
Isa sa mga magagawa ng mga batang katulad mo ay ang sumali sa mga gawaing pambarangay o 
Mungkahi: 
Sa pagpupulong, maari kayong mag- anyaya ng mga resource speaker na magsasalita tungkol sa kahalagahan ng adhikaing inyong pinagkasunduan. 
Isapuso Natin
39 
pampamayanan. Gawin mong advocacy ang pagpapanatili ng kalinisan sa inyong kapaligiran upang maging ligtas ang tao sa anumang sakit na dala ng hayop, maruming tubig at hangin. Maaari na sa inyong kapitbahayan ay magsama-sama kayong magkakalaro upang maglinis ng inyong kanal o estero sa araw na walang pasok. Ang simpleng gawaing ito ay makatutulong para mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at maligtas sa anumang sakit na dulot ng maruming pamayanan. 
Nilalayon ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Kagawaran ng Kalusugan na ang bawat mag-aaral ay maging bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kalinisan at kalusugan. 
Sa Brigada Eskwela na ginagawa taon-taon, makikita na ang dalawang ahensiya ay nagtutulungan upang maging malinis at kaaya-aya ang bawat silid sa paaralan para sa madali at epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. 
Magpaskil ng isang manila paper sa wall ng paaralan na may islogan na “Kampanya… Kalusugan at Kaligtasan, Halina… Sali Na! Kung nais ninyong sumama, isulat ang inyong pangalan at pirma.” 
Ang lahat ng susuporta sa kampanya ay pipirma at maglalagay ng maikling pahayag, pangungusap o komitment. Tatawagin mo silang mga tagapagtaguyod ng mabuting kalusugan at kaligtasan. 
Isabuhay Natin
40 
Sa tulong ng inyong punong-guro, mga guro, at mag-aaral sa inyong paaralan, magkakaroon kayo ng isang pagpupulong kung saan ay pag-uusapan ninyo ang gagawing proyekto para sa kalusugan at kaligtasan sa inyong paaralan o pamayanan. 
Umisip o tumukoy ng mga taong ang advocacy ay tungkol sa kalusugan at kaligtasan ng katawan. 
Sino siya? Isulat ang pangalan sa frame. Maaari mo ring idikit ang larawan niya sa frame kung mayroon ka. Lagyan mo ng isang maikling paliwanag kung paano mo siya naging inspirasyon. Ipakita/iulat mo ito sa inyong klase. 
Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Binabati kita sa araling iyong natapos. Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. 
Aralin 7 
Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa 
Kumusta na ang iyong kalusugan kaibigan? 
Alam ko, ito ay ayos na ayos! Sa iyong mga natutuhan tungkol sa wastong kalusugan, maglakbay ka at tuklasin ang magagandang ibubunga sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng magandang gawi tungo sa pangangalaga ng iyong sariling kalusugan. 
Subukin Natin
41 
Suriin at pag-aralan ang mga larawan. May paligsahan ng A-1 Child sa paaralan. 
Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno. 
1. Kung ikaw ang hurado, sino sa kanila ang pipiliin mong sumali sa paligsahan? 
2. Bakit siya ang pinili mo? 
3. Kung ikaw naman ang mapipiling kandidato sa A-1 Child, ano ang iyong mararamdaman? Bakit? 
4. Ano-ano ang magagandang ibinubunga ng may palagiang pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan? Isa-isahin. 
A 
B 
Alamin Natin
42 
Gawain 1 
Isagawa ang gawaing ibinigay sa inyong pangkat. 
1. Kung kayo ay may angkop na gawi sa pangangalaga ng inyong kalusugan at kaligtasan. Isagawa ito sa pamamagitan ng: 
 Jingle para sa Unang Pangkat 
 Rap para sa Ikalawang Pangkat 
 Pantomime para sa Ikatlong Pangkat 
 Komiks-Iskrip para sa Ika-apat na Pangkat 
2. Pagkatapos ng pagtatanghal, magbigay kayo ng mga reaksiyon sa mga palabas na nakita. 
Gawain 2 
“Word Search” 
Bilugan ang mga salitang nagpapahayag ng mabuting resulta sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. 
L 
M 
A 
L 
U 
S 
O 
G 
M 
I 
C 
D 
F 
G 
L 
I 
S 
A 
S 
M 
A 
L 
I 
K 
S 
I 
S 
T 
L 
L 
I 
G 
T 
A 
S 
A 
O 
S 
B 
O 
L 
A 
M 
L 
Y 
G 
M 
A 
S 
I 
G 
L 
A 
A 
Isagawa Natin
43 
Sagutin ang sumusunod na tanong: 
1. Ano-anong salita ang nabuo mo? Isulat sa kuwaderno. 
2. Makikita ba sa iyong katauhan ang mga salitang nabuo mo? 
3. Magbigay ng mga kayang gawin kapag ang isang bata ay malusog. 
Ang inyong paaralan ay nagplano ng Fun Run. 
Ang lahat ay inaanyayahang lumahok sa nasabing gawain. Papaano mo ipakikita ang iyong pakikiisa sa nasabing gawain? Magtala ng isa hanggang limang paraan paraan. 
Tandaan Natin 
Ang patuloy na pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ay makabubuti sa ating katawan. Makabubuti rin ito sa ating aspektong pandamdamin o emosyon. 
Isa sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan para sa gawaing pangkalusugan ay ang pagkakaroon ng Fun Run. Marami na sa ating bansa ang gumagawa nito: sa Pamahalaang Lokal, sa Barangay, sa Sangguniang Lokal, sa mga Samahang Pangkabataan at kung ano-ano pa. Ang paglahok sa mga ganitong gawain ay pagpapakita ng pakikiisa sa pamayanan at higit sa lahat ang pagbibigay pansin sa pagpapanatili ng sariling kalusugan at mabuting pangangatawan. 
Isapuso Natin
44 
Time Out! Bumuo ng apat na pangkat sa klase at umisip ng isang commercial o patalastas na may kaugnayan sa kalusugan. Ipakita ito sa klase. Pagkatapos ng bawat palabas, talakayin ang mga natututuhan sa palabas. Tukuyin kung ito ay nagustuhan o hindi at ipaliwanag ang mga kadahilanan. 
Fish Bowl Game 
Pumili ka ng isang isda sa bowl. Basahin mo ang nakasulat sa isdang ito. Sagutin at ipaliwanag kung bakit nakatutulong sa kalusugan ng isang tao ang mga katagang nakasulat sa isdang nakuha mo. 
Isabuhay Natin 
Subukin Natin
45 
Mahusay mong nagawa ang araling ito. Kudos! Ngayon ay maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. 
Aralin 8 
Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya 
Napakaganda ng tahanang masaya lalo na kung nagkakaisa at nagkakasundo ang bawat kasapi ng pamilya. 
Basahin mo ang tula. 
Tuloy Po Kayo 
Halina, tuloy po kayo 
Sa aming tahanan 
Kahit na simple lang 
Ay maayos naman! 
Si Nanay, si Tatay 
Kanilang mga utos 
Sinusunod namin 
May kusang-loob at lubos 
Si Ate, si Kuya 
Ako at si bunso 
Ay nagmamahalan 
Nang taos sa puso. 
Alamin Natin
46 
Sagutin ang sumusunod na tanong. 
1. Tungkol saan ang tula? 
2. Maglista ng mga madalas na tagubilin ng inyong mga magulang. 
3. Sinusunod mo ba ang mga utos at tagubilin ng iyong mga magulang? Bakit? 
4. Ano-anong sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal at pagkakasundo sa inyong pamilya? 
5. Ano ang iyong nararamdaman kung ang iyong pamilya ay nagkakasundo at nagmamahalan? 
Gawain 1 
Isulat mo sa metacard ang isang alituntunin o patakaran sa inyong tahanan na iyong sinusunod. Idikit ito sa paskilan. 
Bakit ito ang iyong napiling patakaran sa lahat ng mga alituntuning mayroon sa iyong tahanan? 
Gawain 2 
Pagkatapos magawa ang unang gawain. Magpangkat- pangkat. Pumili ng lider. Sa pangunguna ng inyong lider, pagsama-samahin ang mga nakapaskil na metacards ayon sa nakasulat. Talakayin kung papaano at bakit kailangan itong sundin. 
IIulat ito sa klase. 
PATAKARAN TANDAAN 
Isagawa Natin
47 
Kulayan ng berde ang arrow kung araw-araw mong ginagawa ang nakasulat, dilaw kung bihira at pula kung hindi. Gawin ito sa isang papel. 
Sagutin ang sumusunod na tanong. 
1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin? 
2. Magiging masaya ba ang tahanan kung ang bawat kasapi ng pamilya ay nagkakaisang sumunod sa mga alituntuning itinakda? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. 
Mga Tagubilin sa Akin 
Nagdadabog ako kapag inuutusan 
Nagsasabi ako ng totoo. 
Naisasagawa ko ang nakatakda kong gawain sa bahay 
Bumibili ako kung kailangan lamang 
Malinis ako sa aking katawan 
Isapuso Natin
48 
Tandaan Natin 
Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang nagpapasigla ng pamayanan lalo na kung ang bawat kasapi nito ay nakatutupad sa tungkuling iniaatas sa kaniya. 
Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda ng tahanan tungo sa masaya at maayos na samahan. 
Ang mga tuntunin ay itinakda upang sundin ng bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at masayang pamumuhay. 
Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti ang iyong mga ginagawa ay dapat na ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi itong inspirasyon upang lalo pa nilang mapaganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak na tulad mo. Dahil dito, mahalagang sinusunod mo ang mga alituntunin at patakarang pinagkasunduan sa tahanan lalo na sa disiplina at sa iyong pag-aaral. 
Umisip ka ng isang pangyayari sa iyong buhay na may kinalaman sa hindi mo pagsunod sa tagubilin ng iyong mga magulang. Ano ang epektong naidulot nito sa iyo? Ano ang aral na iyong natutuhan? Gawin ito sa iyong kuwaderno. 
Pangyayari: ______________________________________________ 
Epekto:___________________________________________________ 
Aral na natutuhan: ________________________________________ 
Isabuhay Natin
49 
Pagmasdan ang nakaguhit na puno. Ipagpalagay mo na ito ay ang iyong pamilya. Ang iyong mga magulang o sinumang kasama sa bahay ay ang malalaking ugat. Ano-anong mga tagubilin ang pinasusunod sa iyo ng iyong mga magulang hanggang sa ikaw ay maging isang mabuting bunga? Isulat ang mga tagubilin o iniuutos sa iyo ng iyong mga magulang sa katawan ng puno at ang iyong pangalan naman bilang bunga. 
Pamilyang Nagkakaisa 
Sa iyong ipinakitang kagalingan sa araling ito, binabati kita! Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Panatilihin mo ang pagsunod mo sa mga gawain. 
Subukin Natin 
Ako bilang bunga Mga tagubilin ng aking mga magulang o sinumang kasama sa pamilya. Hal. Mag-aral ng leksyon bago manood ng TV 
Ang aking Ina/Ama o sinumang kasama sa pamilya 
Emily
50 
Aralin 9 
Ako, Ang Simula! 
Ako ang Simula! Ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito? Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano-ano ang mga kaya mong pamunuang gawin tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, maayos, at masayang pagsasama ng iyong pamilya? Kung ito ay kaya mo, Isigaw mo, Ako ang Simula! 
Ano-ano ang mga tungkuling isinasagawa mo sa araw-araw sa inyong bahay na nakatutulong sa iyong pamilya? Isulat mo ito sa mga bilog at ibahagi sa iyong mga kaklase. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno. 
Ang Aking Kalendaryo ng Gawain 
Alamin Natin
51 
Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 
1. Ano-ano ang mga maaari mong tuparing gawain? Isa- isahin. 
2. Matapat mo bang isinasagawa ang iyong mga tungkulin? Patunayan. 
3. Patunayan kung gaano kahalaga ang naidudulot mong kagalingan sa iyong pamilya. 
4. Bakit may pagkakataong hindi mo naisasagawa ang iyong mga tungkulin? 
5. Makatutulong ba ang pagpaplano ng mga gawain? Bakit? 
Gawain 1 
Ang pagpapaalaala ay gamot sa mga batang nakalilimot. Mapatutunayan ito sa pangkatang gawain na isasagawa. 
Magkaroon ng apat na pangkat sa klase. Pagtulungang buuin ang clock time organizer ng inyong takdang oras para sa mga dapat at kayang gawin sa inyong klase. Siguraduhing makatutulong ito sa inyong pag-aaral at sa mga gawaing makapagpapagaan sa inyong guro. Gawin ito sa inyong papel. Iulat ito sa klase. 
9 
1 
2 
5 
4 
3 
6 
7 
12 
11 
8 
10 
Isagawa Natin
52 
Sa bawat takdang oras, ano-ano ang inyong mga napagkasunduang gawin? 
Gawain 2 
Narito ang malaking “Tandang Pananong” na may kaukulang tanong. Sagutin mo ito nang buong katapatan. 
Patunayan. 
? 
Ako ba ay sumusunod sa mga utos nang may ngiti? 
Patunay: 
Ako ba ay hindi nag-aaksaya ng mga gamit, tubig, at kuryente? 
___________________________________ 
Patunay: 
Maasahan ba ako sa lahat ng oras? 
Patunay: 
Ako ba ay bumibili ng mga kailangan lamang? 
Patunay: 
Ipinapasa ko ba sa iba ang mga inuutos sa akin? 
Patunay:
53 
Sumulat ng Pick Up Line na galing sa iyong puso. Ito ay dapat na nagbibigay kasiyahan sa iyong damdamin hinggil sa mga naitutulong mo sa iyong pamilya at paaralan sa loob ng 24 oras. Makipagpalitan ka ng iyong sagot sa iyong kamag-aral. 
Halimbawa: 
Walis ka ba? 
Bakit? 
Kasi, winawalis mo ang pagod ng iyong Nanay 
kapag tinutulungan mo siya sa mga gawaing 
bahay. 
Tandaan Natin 
Tunay na ang isang masayang pamilya ay nakikita sa pamamagitan ng maayos at mabuting pagsasama. Ang mga magulang na may mga anak na katulad mo ay natutuwa kung ikaw ay sumusunod sa kanilang mga utos at patakaran. Halimbawa ay ang sumusunod: 
- Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral at paggawa ng mga takdang-aralin 
- Maging magalang sa lahat ng oras at pagkakataon 
- Tumulong sa mga gawaing-bahay sa mga araw na walang pasok 
- Magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pang bagay 
Isapuso Natin
54 
Kung may pagsusunuran sa tahanan, makikita mo ang tunay na pagmamahalan. Ang pagsunod nang buong katapatan sa mga itinakdang tuntunin at gawain ay magbubunga ng kapayapaan at kaayusan sa samahan sa bawat kasapi ng isang pamilya. 
Palagian mong hangarin na maging masaya ang iyong mga magulang. Utos ng Diyos sa mga anak na mahalin nila ang kanilang mga magulang. Kinalulugdan ng Diyos ang mga anak na nagmamahal sa kanilang mga magulang. 
Gumawa ka ng isang pangako sa anyong patula o pa-rap o pakanta. Itanghal ito sa klase. 
Halimbawa: 
1. Hingin ang tulong ng iyong mga magulang at pasagutan sa kanila ang sipi ng “Ang Aking Anak” na iyong isinulat sa kuwaderno. 
Ang Aking Pangako 
Kapag inutusan 
O tinatawag ako 
Agad, akong sasagot 
At sa utos ay susunod. 
Isabuhay Natin
55 
Ang Aking Anak! 
 Paano ginagampanan ng inyong anak ang kanyang mga tungkulin sa tahanan? 
Ang aking anak na si ______________________ 
ay tinutupad nang buong husay at tapat ang kanyang mga tungkulin tulad ng __________________ 
__________________________________________________ 
__________________________________________________ 
Lagda:______________________ 
Lagyan ng kaukulang tsek ang iyong pinaniniwalaan 
Mga Gawain 
Totoo 
Hindi totoo 
1. Hindi ako nagdadabog kapag inuutusan ako ng aking mga magulang. 
2. Tumatakas ako sa paglilinis ng aming silid-aralan kapag uwian na. 
3. Naghuhugas ako ng aming pinagkainan sa aming bahay. 
4. Ginagawa ko kaagad ang aking takdang-aralin bago pumasok sa paaralan. 
Magaling! Natapos mo ang mga gawain nang tama. Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Pagbutihin mo. 
Subukin Natin

More Related Content

What's hot

Esp gr-1-learners-matls-q12
Esp gr-1-learners-matls-q12Esp gr-1-learners-matls-q12
Esp gr-1-learners-matls-q12EDITHA HONRADEZ
 
Esp 1 k-12 1st quarter
Esp 1 k-12 1st quarterEsp 1 k-12 1st quarter
Esp 1 k-12 1st quarter
TabucoCentral DepEd
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Ric Dagdagan
 
Aralin 9 Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng Pagkakataon
Aralin 9  Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng PagkakataonAralin 9  Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng Pagkakataon
Aralin 9 Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng Pagkakataon
Ella Socia
 
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradezEsp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
EDITHA HONRADEZ
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
Kristine Marie Aquino
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
judithvelaro
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12EDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
LiGhT ArOhL
 
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
cye castro
 
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
EDITHA HONRADEZ
 

What's hot (15)

Esp gr-1-learners-matls-q12
Esp gr-1-learners-matls-q12Esp gr-1-learners-matls-q12
Esp gr-1-learners-matls-q12
 
Esp 1 k-12 1st quarter
Esp 1 k-12 1st quarterEsp 1 k-12 1st quarter
Esp 1 k-12 1st quarter
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
 
Aralin 9 Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng Pagkakataon
Aralin 9  Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng PagkakataonAralin 9  Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng Pagkakataon
Aralin 9 Q1-Ako, Mahinahon Ako Sa Lahat ng Pagkakataon
 
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradezEsp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
 
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
 
Gr. 2 es p lm
Gr. 2 es p lmGr. 2 es p lm
Gr. 2 es p lm
 
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
Esp y2 aralin 2 puna at mungkahi mo, tanggap ko
 

Similar to 3 es p lm q1 v1.0

Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdfFilipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
MayMendoza29
 
EsP10_LM_U1.pdf
EsP10_LM_U1.pdfEsP10_LM_U1.pdf
EsP10_LM_U1.pdf
RossellVillavicencio
 
GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3
khikox
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
Ian Jurgen Magnaye
 
Lm esp grade10_q2
Lm esp grade10_q2Lm esp grade10_q2
Lm esp grade10_q2
Gabriel Fordan
 
Es p10 tg_u4
Es p10 tg_u4Es p10 tg_u4
Es p10 tg_u4
Mark Ferrer
 
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
Bobbie Tolentino
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
LiGhT ArOhL
 
Esp 140705070733-phpapp01
Esp 140705070733-phpapp01Esp 140705070733-phpapp01
Esp 140705070733-phpapp01
jennifer Tuazon
 
Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3
Gabriel Fordan
 
AralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdf
AralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdfAralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdf
AralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdf
WizlyVonLedesmaTandu
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
Ian Jurgen Magnaye
 
aralingpanlipunan-170425070746.pdf
aralingpanlipunan-170425070746.pdfaralingpanlipunan-170425070746.pdf
aralingpanlipunan-170425070746.pdf
TrigosNetshop4
 
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers GuideTG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
AilaAnissaBanaag
 
dokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdf
dokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdfdokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdf
dokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdf
zaldy324
 
Ap4 tg complete
Ap4 tg completeAp4 tg complete
Ap4 tg complete
EDITHA HONRADEZ
 

Similar to 3 es p lm q1 v1.0 (20)

3 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.03 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.0
 
3 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.03 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.0
 
3 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.03 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.0
 
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdfFilipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
 
EsP10_LM_U1.pdf
EsP10_LM_U1.pdfEsP10_LM_U1.pdf
EsP10_LM_U1.pdf
 
GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
 
Lm esp grade10_q2
Lm esp grade10_q2Lm esp grade10_q2
Lm esp grade10_q2
 
Es p10 tg_u4
Es p10 tg_u4Es p10 tg_u4
Es p10 tg_u4
 
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10 tg quarter 4
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Es p 3 lm draft complete
Es p 3 lm draft completeEs p 3 lm draft complete
Es p 3 lm draft complete
 
Esp 140705070733-phpapp01
Esp 140705070733-phpapp01Esp 140705070733-phpapp01
Esp 140705070733-phpapp01
 
Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3
 
AralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdf
AralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdfAralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdf
AralingPanlipunan8_q1_mod5_MgaSinaunangKabihasnan_v5 FINAL.pdf
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
 
aralingpanlipunan-170425070746.pdf
aralingpanlipunan-170425070746.pdfaralingpanlipunan-170425070746.pdf
aralingpanlipunan-170425070746.pdf
 
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers GuideTG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
 
dokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdf
dokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdfdokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdf
dokumen.tips_k-to-12-grade-4-teachers-guide-in-araling-panlipunan-q1-q4.pdf
 
Ap4 tg complete
Ap4 tg completeAp4 tg complete
Ap4 tg complete
 

More from EDITHA HONRADEZ

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
EDITHA HONRADEZ
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
EDITHA HONRADEZ
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
EDITHA HONRADEZ
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
EDITHA HONRADEZ
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
EDITHA HONRADEZ
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
EDITHA HONRADEZ
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
EDITHA HONRADEZ
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
EDITHA HONRADEZ
 

More from EDITHA HONRADEZ (20)

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 

3 es p lm q1 v1.0

  • 1. 3 Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral – Yunit 1 Unang Edisyon, 2014 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi: Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Dina S. Ocampo Kawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600 Telefax : (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultants/Reviewers: Dr. Fe A. Hidalgo, Dr. Erico M. Habijan, Ms. Irene C. De Robles Content & Language Reviewers: Prof. Elanor O. Bayten, Dr. Corazon L. Santos Writers/Authors: Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang, Rodel A. Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D. Sajise,Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A. Canlas, Leah D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Irene de Robles, Dr. Erico M. Habijan, Illustrator: Randy G. Mendoza Encoder: Gabriel Paolo C. Ramos Proofreader: Joselita B. Gulapa Focal Person: Marilou D. Pandiño
  • 3. Talaan ng Nilalaman Yunit 1: Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya Aralin 1 – Kaya Ko, Sasali Ako! ............................................. 2 Alamin Natin ............................................................................ 2 Isagawa Natin ......................................................................... 5 Isapuso Natin ........................................................................... 7 Isabuhay Natin ........................................................................ 8 Subukin Natin ........................................................................... 9 Aralin 2 – Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin ........... 10 Alamin Natin .......................................................................... 10 Isagawa Natin ....................................................................... 11 Isapuso Natin ......................................................................... 13 Isabuhay Natin ...................................................................... 14 Subukin Natin ......................................................................... 15 Aralin 3 – Hawak Ko: Tatag ng Loob .................................. 16 Alamin Natin .......................................................................... 16 Isagawa Natin ....................................................................... 17 Isapuso Natin ......................................................................... 20 Isabuhay Natin ...................................................................... 22 Subukin Natin ......................................................................... 23 Aralin 4 – Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! ..................... 24 Alamin Natin .......................................................................... 24 Isagawa Natin ....................................................................... 25 Isapuso Natin ......................................................................... 27 Isabuhay Natin ...................................................................... 29 Subukin Natin ......................................................................... 29 Aralin 5 – Malusog na Katawan, Damdamin at Kaisipan: Pangalagaan ................................. 30 Alamin Natin .......................................................................... 31 Isagawa Natin ....................................................................... 32 Isapuso Natin ......................................................................... 32
  • 4. Isabuhay Natin ...................................................................... 33 Subukin Natin ......................................................................... 34 Aralin 6 – Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan!....... 34 Alamin Natin .......................................................................... 34 Isagawa Natin ....................................................................... 36 Isapuso Natin ......................................................................... 38 Isabuhay Natin ...................................................................... 39 Subukin Natin ......................................................................... 40 Aralin 7 – Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa ................. 40 Alamin Natin .......................................................................... 41 Isagawa Natin ....................................................................... 42 Isapuso Natin ......................................................................... 43 Isabuhay Natin ...................................................................... 44 Subukin Natin ......................................................................... 44 Aralin 8 – Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya .... 45 Alamin Natin .......................................................................... 45 Isagawa Natin ....................................................................... 46 Isapuso Natin ......................................................................... 47 Isabuhay Natin ...................................................................... 48 Subukin Natin ......................................................................... 49 Aralin 9 – Ako, Ang Simula! ................................................ 50 Alamin Natin .......................................................................... 50 Isagawa Natin ....................................................................... 51 Isapuso Natin ......................................................................... 53 Isabuhay Natin ...................................................................... 54 Subukin Natin ......................................................................... 55
  • 5. 1 Yunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
  • 6. 2 Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! Ang bawat tao ay may natatanging kakayahan. Bilang batang mag-aaral, unti-unti mong natututuhan at nalalaman ang mga kakayahang ito. Mahalaga na ito ay iyong mapaunlad. Alamin kung papaano mo ito gagawin. Gawain 1 Pagmasdan ang mga batang nakaguhit sa bawat kahon. Alamin Natin
  • 7. 3 Nais kong tularan ang batang_____________________ _________________________________________________sapagkat______ ________________________________________. Gawain 2 Ngayon naman ay tingnan mo ang mga batang nasa larawan. Ipinakikita rito ang kanilang mga natatanging kakayahan.
  • 8. 4 Bigyang-pansin ang kahong walang nakaguhit na bata kundi ang isang tandang pananong (?). Ito ay para sa kakayahan mong hindi mo nakita sa mga kahon. Suriin mo ang iyong sarili. Isipin mo ang iyong natatanging kakayahan. Isulat o iguhit ito sa iyong kuwaderno. Lagyan ito ng pamagat na “Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!” o kung anong pamagat ang gusto mo. ? Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!
  • 9. 5 Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa mga kakayahang iyong inilista o iginuhit: 1. Sa mga itinala mong kakayahan, alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa? 2. Masaya ka ba kapag naipapakita mo ang kakayahang ito sa ibang tao? Bakit? 3. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita ng iyong kakayahan? Gawain 1 “Ano-ano ang mga kaya kong gawin kahit na ako ay nag- iisa?” Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mga kaya kong gawin: 1. ________________________________________________ 2. ________________________________________________ 3. ________________________________________________ 4. ________________________________________________ 5. ________________________________________________ Isagawa Natin
  • 10. 6 Gawain 2 Magplano kayo! Alam na ninyo ang inyong mga kakayahan. Kaya na ninyo ang magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan.  Lahat ng mahuhusay sa pagguhit ay magsama-sama upang mag-isip at gumawa ng mga likhang- sining na maaaring maipaskil sa isang bahagi ng dingding o pader ng silid-aralan.  Ang mahuhusay umawit, sumayaw, tumula, at umarte ay magsama-sama upang magplano naman ng isang natatanging palabas o pagtatanghal.  Magsama-sama naman sa isang grupo kung ang inyong mga kakayahan ay hindi nabanggit sa dalawang naunang pangkat. Umisip ng isang gawaing makapagpapakita ng natatanging kakayahan para sa isang palabas o pagtatanghal. Gawain 3 Ang Araw ng Pagtatanghal Ipakita ninyo ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga iginuhit ng inyong kamag-aral? Bigyan sila ng kaukulang pagsusuri. 2. Pansinin naman natin ang mga kumanta, tumula, sumayaw, at nagdula-dulaan. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang kanilang lakas ng loob sa pagtatanghal? Patunayan. 3. Ano naman ang ipinakita ng ikatlong grupo? Suriin naman ang kanilang pagpapakitang gilas. 4. Bakit kayo may lakas ng loob na ipakita ang inyong mga natatanging kakayahan?
  • 11. 7 Punan ang kard sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na papel. Ako si ___________________________________. Ako ay nasa____________________________________ (baitang) ng _____________________________________________. (paaralan) Kaya kong____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing may __________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ larawan Isapuso Natin
  • 12. 8 Tandaan Natin Lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan. Ilan sa mga ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw, pagtula, pagsulat, pagguhit, isport, at iba pa. Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya mula sa Diyos. Ito ay dapat nating gamitin at linangin sapagkat nakapagbibigay ito sa atin ng sariling pagkakakilanlan. Maraming sikat na tao ang nakilala dahil sa kanilang kakayahan. Ilan sa mga halimbawa ay sina Liza Macuja bilang sikat na mananayaw, Leah Salonga bilang sikat na mang-aawit, Julian Felipe bilang sikat na kompositor, si Manny Pacquio bilang sikat na boksingero, at si Presidente Corazon Aquino bilang sikat sa kaniyang demokratikong pamumuno. Mahalagang malaman mo ang iyong mga kakayahan bilang isang bata. Ang mga ito ay dapat na patuloy na nililinang o pinauunlad para higit na magkaroon ng tiwala sa sarili. Kailangan natin itong gamitin hindi lamang para sa ating sariling kapakanan kundi para din sa kapakanan at ikasisiya ng ibang tao. Palagi mong tandaan na ang anumang kakayahan na meron ka ay dapat ipinapakita upang ito ay higit na malinang. Pag-isipan mo ang tanong na ito. “Paano ko mapauunlad at magagamit ang aking angking kakayahan?” Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na ito o gumuhit ng isang katumbas ng talata. Isabuhay Natin
  • 13. 9 A. Lagyan ng tsek () ang bilang ng mga kakayahang na kaya mo nang gawin at ekis () kung hindi mo pa ito kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang sagot sa iyong papel. 1. Maglaro ng chess 2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit 3. Tumula sa palatuntunan 4. Sumali sa field demonstration 5. Sumali sa panayam/interview 6. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo 7. Umawit sa koro ng simbahan 8. Makilahok sa paggawa ng poster 9. Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan 10. Makilahok sa isang scrabble competition 11. Makilahok sa isang takbuhan 12. Maglaro ng sipa 13. Maglaro ng tumbang preso 14. Paglalahad sa paggawa ng myural 15. Umarte sa isang pang-entabladong pagtatanghal Kung wala ang iyong kakayahan sa mga nakasulat sa itaas, isulat mo ito sa iyong kuwaderno. Naipakita mo ang natatangi mong kakayahan. Binabati kita. Isiping muli ang mga nagawa mo ukol sa kakayahang itinala at naipakita. Isaalang-alang ang kayang-kaya mong magawa nang nag-iisa. Patuloy mo itong paunlarin. Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may tiwala sa sarili. Sapagkat natapos mo nang may tiwala sa sarili ang araling ito, maaari ka nang tumuloy sa susunod na leksyon. Subukin Natin
  • 14. 10 Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin Mayroong mga gawaing iniaatang sa bawat kasapi ng tahanan maging sa batang tulad mo. Kabilang dito ang mga aksyong dapat isagawa sa loob ng iyong paaralan. Ang pagkukusa ay isang napakahalagang pag-uugali na dapat mong isakatuparan. 1. Isipin mo ang mga gawain na isinasakatuparan sa inyong tahanan. 2. Gagabayan ka sa pagbuo ng isang Talahanayan tungkol sa mga gawaing nakaatang sa iyo. 3. Sa ipapaskil ng guro na isang talahanayan, kukuha ka ng hugis sa kahon at iyong ididikit sa tapat ng tungkuling iniatang sa iyo sa tahanan. Mga Gawain Mga Ilalagay na Hugis Naghuhugas ng pinggan Nagpapakain ng alagang hayop Nagpupunas ng mga kasangkapan Nagliligpit ng hinigaan Nagtatapon ng basura Nagsasauli ng gamit sa angkop na lalagyan Alamin Natin
  • 15. 11 Sagutin ang tanong: Ano ang nais ipakahulugan ng Talahanayan? Gawain 1 Basahin ang tula. Kusa Kong Gagawin Sa aming tahanan may mga tungkulin Na dapat gampanan kasaping butihin Magaa’t mabigat kusa kong gagawin Tiwala at husay ay pananatilihin. Paglilinis ng bahay pati ng bakuran Paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan Kusang-loob na gagawin na may kasiyahan. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula? 2. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang tula? 3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano-ano pang mga gawain ang maaaring ibigay sa iyo? 4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan ang mga gawaing ibinigay sa iyo? 5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. Isagawa Natin
  • 16. 12 Gawain 2 Pangkatang Gawain – Paggawa ng Poster Ngayon ay ipakikita natin ang mga gawain natin sa paaralan sa pamamagitan ng poster. Ito ang mga panuntunan na dapat tandaan sa paggawa. 1. Gumawa nang maayos at tahimik. Iwasan ang pag-iingay. 2. Iwasan ang paglipat-lipat sa ibang pangkat. 3. Iwasan ang pag-aaksaya ng gamit. 4. Panatilihing malinis ang gawain. 5. Kapag tapos na ang gawain, iligpit ang mga kagamitan at linisin ang lugar. Aming Gawain sa Paaralan Mga kailangang kagamitan: Manila paper/cartolina gunting pambura lumang magasin pangkulay Pamamaraan: 1. Pag-usapan ang mga tungkuling isasaad sa poster at kung paano ito isasagawa. 2. Paghanap ng larawan sa lumang magasin na nagsasaad ng gawain sa paaralan. 3. Pagdikit ng ginupit o iginuhit na larawan 4. Pagpaskil ng natapos na poster. Suriin ang mga poster na ipinaskil. 1. Isa-isahin ang mga tungkuling makikita sa poster. 2. Ano ang isinasaad ng mga poster? 3. Ano ang iyong mga nararamdaman habang ginagawa ang mga ibinigay sa inyong gawain mula sa inyong pamilya? Sa inyong paaralan? Ipaliwanag.
  • 17. 13 4. Dapat bang magkaroon ng tungkulin ang tulad ninyong mga bata sa inyong sarili? tahanan? sa paaralan? Pangatwiranan. Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing ibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang pagganap sa tungkulin. Tandaan Natin Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan, simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang biro sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang responsibilidad at pananagutan. Bilang isang kasapi, may mga gawaing naiaatang sa iyo na dapat gawin at pahalagahan. Dapat mong isapuso ang mga gawaing ibinigay sa iyo tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa. Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay na kapalit. Ang Aking Pangako Ako, si _______________ ay nangangakong ______________________________________________ ______________________________________________ ________________________________________. ____________ Lagda Isapuso Natin
  • 18. 14 Ang mga naiatang na gawain sa iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan ay nagpapakita ng malaking tiwala sa iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki kanino man. Gawain 1 Magpakita ng dula-dulaan ayon sa hinihingi sa bawat pangkat. Pangkat 1 – Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mgag gawain sa tahanan: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagliligpit ng pinagbihisan, pag-iigib, pagbili ng kakailanganin sa pagluluto ng Nanay o Tatay, at iba pa na inyong maiisip. Pangkat 2 – Pagpapakita ng pagpapahalaga ng mga gawain sa paaralan: pagtatama ng papel, paglilista ng maingay sa klase, paglilinis sa silid-paaralan, pagbubura ng sulat sa pisara, pagtitinda sa kantina sa oras ng rises, at iba pang maiisip ninyong gawin. Pagkatapos ng palabas sagutin ang mga tanong:  Ano ang ipinahihiwatig ng bawat dula-dulaan?  Aling pangkat ang mas nagustuhan ninyo? Bakit? Isabuhay Natin
  • 19. 15 Gumawa ng isang talaarawan sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba. Hayaan ang isang kamag-aral na nakakita ng iyong kilos na may pagkukusa ang siyang magtala ng iyong ginawa. Punan ang talaarawan para sa isang linggo at ipasa. Subukin Natin
  • 20. 16 Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob “Sa isang batang katulad mo, katatagan ng loob ay dapat na tangan mo!” Bilang bata, ano-anong mga damdamin at palatandaan ang makapagpapakita ng katatagan ng iyong loob? Pag-aralan ang mga gawain sa araling ito upang mas maging matatag ang iyong kalooban. Pag-aralan mo ang sumusunod na larawan. Pumili ng isa na maaari mong tularan. Ano kayang damdamin ang maaaring nararamdam ng mga batang tulad mo sa sandaling ito ay iyong ginagawa sa harapan ng maraming tao? A B Alamin Natin
  • 21. 17 Isulat sa metacard ang iyong sagot. Pagkatapos, ipaskil ito sa tapat ng pinalaking larawan na idinikit naman sa pisara ng inyong guro. Ihanda ang sarili para ipaliwanag kung bakit ito ang mga napili mong kasagutan. Gawain 1 Suriin at sagutin mo ang sumusunod na sitwasyon gamit ang mga pananda. Gawin ito sa inyong papel. P- Palaging ginagawa M- Madalas ginagawa B- Bihirang ginagawa H- Hindi ginagawa 1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti. 2. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit na kung minsan ako ay natatalo. 3. Umiiwas ako sa pakikipag-away. 4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko ng loob. C D Isagawa Natin
  • 22. 18 5. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapagagalitan. 6. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong kasalanan. 7. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di-mabuting udyok ng iba. 8. Tinatanggap ko ang mga puna ng aking mga kaibigan nang maluwag sa aking puso. 9. Tinatanggap ko kung pinagagalitan ako ng mga nakatatanda. 10. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para mapaunlad ang aking kakayahan. Markahan mo ang iyong sarili. Gamitin ang katumbas na marka at pagsama-samahin ang mga ito. P-5; M-3; B-2; H-0 Ibigay sa guro ang iyong papel, upang ito ay mabigyan ng kahulugan. Ang natapos na gawain ay isa lamang pagtuklas sa iyong taglay na katatagan ng loob. Maaari ka nang tumuloy sa susunod na gawain. Gawain 2 Pangkatang Gawain Pumili ng lider at tagasulat sa inyong pangkat. Pag-aralan ninyo ang komik- istrip at talakayin ang mga pangyayari. Pagkatapos sagutin ninyo ang sumusunod na katanungan. Pumili ng isang miyembro na maglalahad ng mga kasagutan ng inyong pangkat.
  • 23. 19 Isang tagpo sa paaralan ang nagaganap hinggil sa pag- uusap nina Tom at Juan tungkol sa kanilang kamag-aral na si Allan. Suriin ang kanilang palitan ng mga salita. Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa komik-istrip na inyong binasa. 1. Ano ang paksa ng pag-uusap nina Tom at Juan? 2. Bakit nila pinag-uusapan si Allan? 3. Tama ba ang ginawa ni Allan sa kanila? Bakit? 4. Ano kaya ang pakiramdam nina Tom at Juan ukol sa sitwasyon? 5. Sino sa kanila ang may matatag na kalooban? Bakit? 6. Kung kayo ang nasa kalagayan nina Tom at Juan, ano ang inyong gagawin? Bakit? 7. Masasabi mo bang ang pagtitimpi ay palatandaan ng katatagan ng loob?
  • 24. 20 Ano ang mga natutuhan natin sa komik-istrip? Sino-sino sa mga bata ang may matatag na kalooban? Gawain 1 Pag-usapan sa inyong grupo ang sagot sa mga tanong. Isipin ninyo ang mga damdaming may kaugnayan sa pagiging matatag ang loob. Isulat ito sa loob ng bilog. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Pumili ng mag-uulat sa inyong grupo para ibahagi sa klase. Gawain 2 Ngayon, gagawa kang mag-isa ng isang graphic organizer sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang kalagayan sa ibaba. Kalagayan Magkakaroon ng paligsahan sa pagbigkas ng tula. Napili kang kinatawan ng iyong paaralan. Ano-ano ang mga aksyon para maipakita mo na matatag ang iyong kalooban? Katatagan ng Loob Isapuso Natin
  • 25. 21 Ilagay ang mga kasagutan sa graphic organizer sa inyong kuwaderno. ***Maaari mong dagdagan ang kahon. Tandaan Natin May mga palatandaang nagpapakita ng pagiging matatag ang loob. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng lakas at tapang ng loob na harapin ang isang mabigat na problema, tibay ng loob kapag naatasan na ipakita ang anumang kakayahan, pag-iisip o pagninilay bago gumawa ng aksyon, at pagkakaroon ng kontrol o pagtitimpi sa kapwa. Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong kalooban upang patuloy kang makagawa ng mga makabuluhang aksyon. Palaging isaisip na ang katatagan ng loob ay isang uri ng pagpapahalaga na kinakailangang isabuhay ng bawat tao. Isa sa mga tatak nito ang pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon na kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin. Maaari namang humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan. Mga Damdamin na Nagpapamalas ng Katatagan ng Loob
  • 26. 22 Sa iyong palagay, taglay mo ba ang katatagan ng kalooban? Basahin ang kalagayan at isulat ang sagot sa sagutang papel. Kalagayan: Habang naglilinis sa silid-aralan ay nasagi ni Rio ang paso ng halaman at ito ay nabasag. Hinintay niya ang kanilang guro at sinabi niya ang nangyari. 1. Ano-ano kaya ang kanyang mga naramdaman bago at pagkatapos niyang magsabi sa guro ng totoong pangyayari? 2. Paano naipakita ni Rio na matatag ang kaniyang kalooban? Isabuhay Natin
  • 27. 23 Sagutin ang sumusunod na katanungan. Ano-ano ang mga damdaming ipinamamalas ng isang batang may matatag na kalooban? Isulat sa loob ng lobo sa sagutang papel ang iyong sagot. Subukin Natin
  • 28. 24 Aralin 4 Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! Ang katatagan ng loob ng isang batang tulad mo ay maaaring ipakita sa iba’t ibang pagkakataon. Ngunit paano mo naman tinatanggap ang puna ng ibang tao sa mga pagkakamali mo o hindi magandang kilos, gawa, at gawi? Sasama ba ang loob mo o itatama mo ang mga ito? Gawain 1 Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa sumusunod ang nangangailangan ng iyong katatagan. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. 1. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral. 2. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit. 3. Magwawalis ka ng bakuran. 4. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro. 5. Mag-aalaga ka ng halaman. 6. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba. 7. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan. 8. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi. 9. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa paglahok sa isang patimpalak sa labas ng paaralan. 10. Makikipaglaro ka sa iyong mga kababata. Alamin Natin
  • 29. 25 Gawain 1 Basahin ang diyalogo. Nagbago Dahil sa Tamang Puna Oras ng rises, pinalabas na ng kanilang guro ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang pangkat Rosas. Nakapila ang klase subalit si James at Robert ay hindi pumila. Nag-uunahan silang tumakbo sa labas. James: Dalian mo Robert! Mauunahan tayo ng iba sa pilahan sa kantina! Robert: Sige, sabay tayo! Baka tayo maubusan. (At nag-uunahan silang tumakbo sa kantina.) Robert: Ano ba ang bibilhin mo? James: Ang gusto ko ay pansit at sago. Ikaw? Robert: Banana cue at juice. (Hindi nila napansin si Gng. Gonzales kaya nabunggo nila ito. Agad silang pinigil ni Gng. Gonzales.) Gng. Gonzales: Mga bata, tigil muna kayo. Hindi ba ninyo nabasa ang nakasulat na paalaala na nakapaskil sa pader? Bawal tumakbo sa pasilyo ng mga gusali. Baka kayo madulas at maaksidente. Dapat ninyo itong sundin para maiwasan ang anumang aksidente at makasakit ng ibang tao. James at Robert: (Hiyang- hiya) Sori po, Ma’am. Nagmamadali lang po kami. Hinding-hindi na po kami uulit. Simula noon ay lagi nang pumipila ang dalawa kapag lumalabas ng silid-aralan kasama ng kanilang kamag-aral. At lahat ng tuntunin sa paaralan ay kanila nang sinusunod. Isagawa Natin
  • 30. 26 Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang pumuna sa maling gawi nina Robert at James? 2. Anong mga katangian ang ipinakita ng dalawang bata na magpapatunay na matatag ang kanilang kalooban lalo na nang kausapin sila ng guro? 3. Patunayan na ang puna na ibinigay ng guro sa dalawang bata ay naging epektibo. 4. Bakit mahalaga ang pagtatama sa mga mali mong asal at gawi? 5. Kung ikaw ang isa sa mga mag -aaral, ano ang iyong mararamdaman kapag itinatama ka ng iyong guro? Ipaliwanag. Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may anim hanggang walong kasapi. Pumili kayo ng lider. Pag-aralan at talakayin ang kalagayan. May proyekto tungkol sa paggawa ng accessory gaya ng kuwintas o pulseras ang mga bata. Gagamitin sa proyekto ang mga kagamitang makikita sa kanilang pamayanan. Kabilang dito ang kabibe, mga buto ng prutas, o gulay. Nakasubaybay sa kanila si Gng. Magbuhat. Nagbibigay siya ng puna at mga mungkahi. Sinunod ng mga bata ang mga sinabi ng kanilang
  • 31. 27 guro. Kahit na ito ay mahirap gawin, hindi sila nagpakita ng sama ng loob o pagtatampo sa kanilang guro, dahil alam nila na ito ay tama. Alam din nila na ito ay para sa ikagaganda ng kanilang proyekto. Pagkaalis ng guro, patuloy nilang sinunod ang habilin. Natapos ang proyekto at nakakuha sila ng mataas na marka. Sagutin ang mga tanong. 1. Anong proyekto ang pinagagawa ni Gng. Magbuhat? 2. Bakit pinahahalagahan ng mga bata ang mga puna at mungkahi ng kanilang guro? 3. Sa iyong palagay, ang pagtanggap ba sa mga puna at pagsunod sa mga mungkahi ng mga nakatatanda tulad ng guro ay nagpapamalas ng katatagan ng loob? Ipaliwanag. Basahin ninyo ang kalagayan. Magkaroon ng masusing talakayan tungkol dito at pag-usapan ang nararapat gawin. Kalagayan: Dumating ang mga kamag-aral ni Ana sa bahay. Inilabas niya ang kahon ng laruan at naglaro sila. Matapos maglaro ay umuwi na sila. Isapuso Natin
  • 32. 28 Naiwang nakakalat ang mga laruan, at si Ana naman ay nanood ng palabas sa telebisyon. Dumating ang kaniyang kuya at pinagsabihan si Ana. Ipinaliwanag ng kaniyang kuya ang kaniyang dapat gawin kung sakaling tapos na ang kanilang paglalaro. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bakit pinagsabihan ni Kuya si Ana? 2. Tama bang iwanan ni Ana at ng mga kalaro niya na nakakalat ang mga laruan? Bakit? 3. Ano ang dapat ginawa ni Ana bago nanood ng telebisyon? Tandaan Natin Nasusubok ang katatagan ng ating loob sa pamamagitan ng:  pagtanggap sa puna ng ibang tao at pagtatama sa mga hindi magandang kilos, gawa, at gawi bilang tao  pagtatama sa mga maling nagawa at pagsasakatuparan ng mga pagbabago mula sa mga mungkahi upang lalo pa itong mapaganda at mapabuti. Isa sa kasabihan ng mga nakatatanda ay ito: “ang pinakamagandang silid sa mundong ito ay ang silid ng pagbabago at pag-unlad.” Ang katatagan ng ating loob ay maipakikita ng isang tao sa pamamagitan ng payapang pagtanggap ng mga puna at puri sa ating buhay. Ang taong marunong tumanggap ng papuri ay dapat na marunong ding tumanggap ng puna para makamtan ang tunay na pagbabago.
  • 33. 29 Kaya mo na bang tanggapin ang puna ng ibang tao sa maling kilos, gawa, o gawi na iyong ipinapakita? Kumuha ka ng iyong kapareha at pag-usapan ang sumusunod na kalagayan. Maaaring iguhit o isulat ang inyong gagawin kung paano tatanggapin ang iba’t ibang puna. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi mong kinukuha ang kanyang lapis nang hindi ka nagpapaalam. 2. Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi pagkatapos ng klase. 3. Pinagsabihan ka ng ate mo na dapat magpakita ng paggalang habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda. 4. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat palaging maligo bago pumasok sa paaralan. 5. Pinaalalahanan ka ng iyong Nanay dahil palagi mong inaaksaya ang tubig na iniigib ng iyong Kuya. Sipiin sa inyong papel. Lagyan ng tsek () ang hanay ng iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel. Ginagawa mo ba ang mga ito? Palagi Bihira Hindi 1. Tinatanggap nang maluwag sa loob ang puna ng ibang tao sa iyong mga natapos na Gawain. Isabuhay Natin Subukin Natin
  • 34. 30 Ginagawa mo ba ang mga ito? Palagi Bihira Hindi 2. Tinatanggap nang maluwag sa loob ang puna sa iyong naging gawi. 3. Nagkakaroon nang pagbabago sa gawa at gawi dahil sa puna. 4. Binabago ang isang gawain kapag napagsabihang hindi ito nakasusunod sa pamantayan. 5. Naghahangad na higit na mapabuti ang anumang gawa o gawi Magaling mong naisagawa ang katatapos na aralin. Tingnan mo naman ang susunod na aralin upang lalo pang mapatibay ang iyong kaalaman at pagpapahalaga. Sapagkat mahusay mong naisakatuparan ang araling ito, subukin mo nang alamin at sagutin ang susunod na aralin. Aralin 5 Malusog Na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan Mahalaga ang kalusugan sa bawat isa sa atin. Matatamo ito kung maisasagawa ang iba’t ibang wastong kilos at gawi upang mapanatili ang malusog at ligtas na pangangatawan mula sa anumang karamdaman.
  • 35. 31 May kasabihan tayo na “Ang Kalusugan ay Kayamanan.” Naniniwala ka ba rito? Naalala mo pa ba ang iba’t ibang paraan na iyong ginawa para mapanatili ang iyong kalusugan? Awitin ang likhang-awit sa himig ng “Sitsiritsit Alibangbang.” Pagkatapos ay basahin naman ito ng pa-rap. “Mga batang katulad ko Kalusuga’y ingatan nyo Kaligtasan ng isip ko Wastong gawi ang alay ko. Masustansiyang pagkain Ehersisyo’y dapat gawin Mapagpasensiyang damdamin Ang hinahon ay kakamtin” Sagutin ang tanong sa inyong kuwaderno. 1. Tungkol saan ang awit? 2. Ayon sa awit, ano-anong mga wastong kilos at gawi ang nabanggit tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman? 3. Ipaliwanag kung bakit ang pagiging mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay may kinalaman din sa pagpapanatili ng ating kalusugan. 4. May mga gawi ka ba na hindi nabanggit sa awit/rap? Talakayin ang mga ito sa klase. Alamin Natin
  • 36. 32 Gawain 1 Bumuo ng limang pangkat sa klase. Pumili ng inyong lider na magkukunwaring isang sikat na “host”. (Halimbawa si Mike Enriquez at Karen Davila o iba pa). Ang mga natitirang kasapi ng pangkat ay uupo sa harapan at iinterbyuhin ng inyong napiling host tungkol sa inyong mga gawi sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan mula sa karamdaman. Pagkatapos ng panayam, ang bawat host ay mag-uulat sa klase tungkol sa buod ng napag-usapan. Gumawa ka ng isang pangako sa loob ng isang malaking puso tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan at kaligtasan ng katawan. Pagkatapos mo itong gawin, makipagpalitan ka sa iyong mga kaklase at papirmahin mo sila sa loob ng puso tanda ng pagiging saksi nila sa komitment na iyong isinulat. Isagawa Natin Isapuso Natin Ako si ______ ay nangangakong ________________________________ _________________________.
  • 37. 33 May kilala ka bang tao o grupo na palagiang tumutulong sa mga may sakit? Sa iyong palagay, bakit nila ito ginagawa? Sumulat ka sa tao o grupong ito ng Liham Pasasalamat hinggil sa kanilang mga ginagawang pagtulong. Tandaan Natin Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kasabihang “Ang kalusugan ay Kayamanan” ay isang makatotohanang kaisipan na dapat paniwalaan. Ang isang batang malusog ay madaling makagawa ng mga proyekto o gawain na may kahusayan. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip ay kahanga-hanga sapagkat nasasalamin sa kaniya ang katalinuhan. Masasabi ring malusog ang isang bata kung naipakikita niya nang wasto ang kaniyang emosyon o damdamin. Ang katawan ay maaaring maging ligtas mula sa karamdaman kung nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi tulad ng pagpapanatiling malinis ng katawan, tamang bilang at oras ng pagtulog, tamang pag- eehersisyo, pagkakaroon ng positibong pagkilala sa sarili, pagiging masayahin, at pagkain ng tama at masusustansiyang pagkain sa tamang oras. Isabuhay Natin
  • 38. 34 Isulat mo sa loob ng bawat lobo ang natutuhang mga gawi sa pangangalaga ng iyong kalusugang pisikal, mental, emosyonal. Gawin mo ito sa isang malinis na papel. Binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. Aralin 6 Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan! Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga wastong kilos at gawi upang mapangalagaan ang iyong kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman. Sino-sino ang ibig mong bahaginan at hikayatin upang hawak-kamay kayong magtulungan tungo sa maayos na kalusugan at pangangatawan? Gawain 1 Awitin ang liriko sa ibaba sa himig ng “Hawak-Kamay.” Subukin Natin Alamin Natin
  • 39. 35 Hawak-Kamay Para sa ating kalusugan At ‘olrayt’ na kaligtasan, Hawak-kamay, Halina’t sumama Sa paglalakbay. Sagutin sa isang papel. 1. Ano ang pagkaunawa mo sa awit? 2. Sino-sino ang ibig mong hikayatin upang matamo ang mabuting kalusugan at kaligtasan ng katawan? Gawain 2 Masdan mo ang larawan sa loob ng kahon. Ipagpalagay mo na ikaw ay nasa gitna. Isulat mo sa ibabaw ng larawan ang pangalan ng mga taong nais mong hikayatin para matamo ang maayos na kalusugan at kaligtasan ng katawan.
  • 40. 36 Sagutin ang mga tanong: 1. Sino-sino ang mga taong nais mong isama tungo sa pagtamo ng maayos na kalusugan? 2. Bakit mo sila hinihikayat? Ano-ano ang iyong mga dahilan? 3. Paano ka manghihikayat? Itala ang mga paraang naiisip mo. Narito ang isang tseklis. Ibigay mo ito at pasagutan sa mga napili mong hikayatin upang malaman mo kung gaano nila kadalas ginagawa ang mga gawain. Lagyan ito ng kaukulang tsek (). Mga Gawain Madalas Bihira Hindi 1. Kumakain nang sapat sa tamang oras 2. Nakikilahok sa mga laro 3. Nakikilahok sa mga sayaw 4. Kumakain ng mga gulay at prutas 5. Umiinom ng tubig na hindi kukulangin sa walong baso sa bawat araw 6. Nag-iingat sa paglalakad at pagtawid sa daan 7. Inililigpit ang mga kagamitang maaring makadisgrasya Isagawa Natin
  • 41. 37 Mga Gawain Madalas Bihira Hindi 8. Nakikisalamuha sa mga kaibigang may mabubuting gawi at katangian 9. Iniiwasang magpuyat 10. Nagdarasal bilang pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap Gawin ang sumusunod: 1. Itala mo at kunin ang bahagi ng bawat sagot sa tseklis. 2. Ano ang iyong gagawin sa mga sumagot nang bihira at hindi? Isulat ang inyong mga mungkahi sa inyong kuwaderno. 1. ______________________________________________ 2. ______________________________________________ 3. ______________________________________________ 3. Pag-usapan ang mga iminungkahi at papirmahin sila sa kuwaderno bilang patunay ng pagsang-ayon. 4. Magkaroon ng pag-uulat hinggil sa napagkasunduang mungkahi. Iulat ito sa harapan ng klase.
  • 42. 38 May ideya ka ba kung ano ang networking? Halika! Magnetworking tayo! 1. Bumuo ng limang pangkat. Mula sa mga sagot na bihira at hindi, gumawa ng isang programa sa pamamagitan ng networking. 2. Pumili ng lider sa bawat pangkat. Kausapin ang mga kasapi upang makahikayat ng ibang miyembro hanggang sa lumawak ang adhikain upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat tao laban sa sakit o anumang karamdaman. (Halimbawa: Oplan Walong Basong Tubig Bawat Araw) 3. Pag-usapan ninyo kung kailan kayo magkikita- kita upang maiulat ang listahan ng mga taong kanilang nahikayat at kung anong estratehiya ang ginawa nila para makahikayat ng iba. Tandaan Natin Ang kaalaman sa mga wastong gawi sa pagkakamit ng wastong kalusugan at kaligtasan mula sa anumang karamdaman ay dapat ibahagi sa iba. Isa sa mga magagawa ng mga batang katulad mo ay ang sumali sa mga gawaing pambarangay o Mungkahi: Sa pagpupulong, maari kayong mag- anyaya ng mga resource speaker na magsasalita tungkol sa kahalagahan ng adhikaing inyong pinagkasunduan. Isapuso Natin
  • 43. 39 pampamayanan. Gawin mong advocacy ang pagpapanatili ng kalinisan sa inyong kapaligiran upang maging ligtas ang tao sa anumang sakit na dala ng hayop, maruming tubig at hangin. Maaari na sa inyong kapitbahayan ay magsama-sama kayong magkakalaro upang maglinis ng inyong kanal o estero sa araw na walang pasok. Ang simpleng gawaing ito ay makatutulong para mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at maligtas sa anumang sakit na dulot ng maruming pamayanan. Nilalayon ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Kagawaran ng Kalusugan na ang bawat mag-aaral ay maging bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kalinisan at kalusugan. Sa Brigada Eskwela na ginagawa taon-taon, makikita na ang dalawang ahensiya ay nagtutulungan upang maging malinis at kaaya-aya ang bawat silid sa paaralan para sa madali at epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Magpaskil ng isang manila paper sa wall ng paaralan na may islogan na “Kampanya… Kalusugan at Kaligtasan, Halina… Sali Na! Kung nais ninyong sumama, isulat ang inyong pangalan at pirma.” Ang lahat ng susuporta sa kampanya ay pipirma at maglalagay ng maikling pahayag, pangungusap o komitment. Tatawagin mo silang mga tagapagtaguyod ng mabuting kalusugan at kaligtasan. Isabuhay Natin
  • 44. 40 Sa tulong ng inyong punong-guro, mga guro, at mag-aaral sa inyong paaralan, magkakaroon kayo ng isang pagpupulong kung saan ay pag-uusapan ninyo ang gagawing proyekto para sa kalusugan at kaligtasan sa inyong paaralan o pamayanan. Umisip o tumukoy ng mga taong ang advocacy ay tungkol sa kalusugan at kaligtasan ng katawan. Sino siya? Isulat ang pangalan sa frame. Maaari mo ring idikit ang larawan niya sa frame kung mayroon ka. Lagyan mo ng isang maikling paliwanag kung paano mo siya naging inspirasyon. Ipakita/iulat mo ito sa inyong klase. Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Binabati kita sa araling iyong natapos. Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. Aralin 7 Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa Kumusta na ang iyong kalusugan kaibigan? Alam ko, ito ay ayos na ayos! Sa iyong mga natutuhan tungkol sa wastong kalusugan, maglakbay ka at tuklasin ang magagandang ibubunga sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng magandang gawi tungo sa pangangalaga ng iyong sariling kalusugan. Subukin Natin
  • 45. 41 Suriin at pag-aralan ang mga larawan. May paligsahan ng A-1 Child sa paaralan. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno. 1. Kung ikaw ang hurado, sino sa kanila ang pipiliin mong sumali sa paligsahan? 2. Bakit siya ang pinili mo? 3. Kung ikaw naman ang mapipiling kandidato sa A-1 Child, ano ang iyong mararamdaman? Bakit? 4. Ano-ano ang magagandang ibinubunga ng may palagiang pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan? Isa-isahin. A B Alamin Natin
  • 46. 42 Gawain 1 Isagawa ang gawaing ibinigay sa inyong pangkat. 1. Kung kayo ay may angkop na gawi sa pangangalaga ng inyong kalusugan at kaligtasan. Isagawa ito sa pamamagitan ng:  Jingle para sa Unang Pangkat  Rap para sa Ikalawang Pangkat  Pantomime para sa Ikatlong Pangkat  Komiks-Iskrip para sa Ika-apat na Pangkat 2. Pagkatapos ng pagtatanghal, magbigay kayo ng mga reaksiyon sa mga palabas na nakita. Gawain 2 “Word Search” Bilugan ang mga salitang nagpapahayag ng mabuting resulta sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. L M A L U S O G M I C D F G L I S A S M A L I K S I S T L L I G T A S A O S B O L A M L Y G M A S I G L A A Isagawa Natin
  • 47. 43 Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano-anong salita ang nabuo mo? Isulat sa kuwaderno. 2. Makikita ba sa iyong katauhan ang mga salitang nabuo mo? 3. Magbigay ng mga kayang gawin kapag ang isang bata ay malusog. Ang inyong paaralan ay nagplano ng Fun Run. Ang lahat ay inaanyayahang lumahok sa nasabing gawain. Papaano mo ipakikita ang iyong pakikiisa sa nasabing gawain? Magtala ng isa hanggang limang paraan paraan. Tandaan Natin Ang patuloy na pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ay makabubuti sa ating katawan. Makabubuti rin ito sa ating aspektong pandamdamin o emosyon. Isa sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan para sa gawaing pangkalusugan ay ang pagkakaroon ng Fun Run. Marami na sa ating bansa ang gumagawa nito: sa Pamahalaang Lokal, sa Barangay, sa Sangguniang Lokal, sa mga Samahang Pangkabataan at kung ano-ano pa. Ang paglahok sa mga ganitong gawain ay pagpapakita ng pakikiisa sa pamayanan at higit sa lahat ang pagbibigay pansin sa pagpapanatili ng sariling kalusugan at mabuting pangangatawan. Isapuso Natin
  • 48. 44 Time Out! Bumuo ng apat na pangkat sa klase at umisip ng isang commercial o patalastas na may kaugnayan sa kalusugan. Ipakita ito sa klase. Pagkatapos ng bawat palabas, talakayin ang mga natututuhan sa palabas. Tukuyin kung ito ay nagustuhan o hindi at ipaliwanag ang mga kadahilanan. Fish Bowl Game Pumili ka ng isang isda sa bowl. Basahin mo ang nakasulat sa isdang ito. Sagutin at ipaliwanag kung bakit nakatutulong sa kalusugan ng isang tao ang mga katagang nakasulat sa isdang nakuha mo. Isabuhay Natin Subukin Natin
  • 49. 45 Mahusay mong nagawa ang araling ito. Kudos! Ngayon ay maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Aralin 8 Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya Napakaganda ng tahanang masaya lalo na kung nagkakaisa at nagkakasundo ang bawat kasapi ng pamilya. Basahin mo ang tula. Tuloy Po Kayo Halina, tuloy po kayo Sa aming tahanan Kahit na simple lang Ay maayos naman! Si Nanay, si Tatay Kanilang mga utos Sinusunod namin May kusang-loob at lubos Si Ate, si Kuya Ako at si bunso Ay nagmamahalan Nang taos sa puso. Alamin Natin
  • 50. 46 Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Maglista ng mga madalas na tagubilin ng inyong mga magulang. 3. Sinusunod mo ba ang mga utos at tagubilin ng iyong mga magulang? Bakit? 4. Ano-anong sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal at pagkakasundo sa inyong pamilya? 5. Ano ang iyong nararamdaman kung ang iyong pamilya ay nagkakasundo at nagmamahalan? Gawain 1 Isulat mo sa metacard ang isang alituntunin o patakaran sa inyong tahanan na iyong sinusunod. Idikit ito sa paskilan. Bakit ito ang iyong napiling patakaran sa lahat ng mga alituntuning mayroon sa iyong tahanan? Gawain 2 Pagkatapos magawa ang unang gawain. Magpangkat- pangkat. Pumili ng lider. Sa pangunguna ng inyong lider, pagsama-samahin ang mga nakapaskil na metacards ayon sa nakasulat. Talakayin kung papaano at bakit kailangan itong sundin. IIulat ito sa klase. PATAKARAN TANDAAN Isagawa Natin
  • 51. 47 Kulayan ng berde ang arrow kung araw-araw mong ginagawa ang nakasulat, dilaw kung bihira at pula kung hindi. Gawin ito sa isang papel. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin? 2. Magiging masaya ba ang tahanan kung ang bawat kasapi ng pamilya ay nagkakaisang sumunod sa mga alituntuning itinakda? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. Mga Tagubilin sa Akin Nagdadabog ako kapag inuutusan Nagsasabi ako ng totoo. Naisasagawa ko ang nakatakda kong gawain sa bahay Bumibili ako kung kailangan lamang Malinis ako sa aking katawan Isapuso Natin
  • 52. 48 Tandaan Natin Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang nagpapasigla ng pamayanan lalo na kung ang bawat kasapi nito ay nakatutupad sa tungkuling iniaatas sa kaniya. Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda ng tahanan tungo sa masaya at maayos na samahan. Ang mga tuntunin ay itinakda upang sundin ng bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at masayang pamumuhay. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti ang iyong mga ginagawa ay dapat na ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi itong inspirasyon upang lalo pa nilang mapaganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak na tulad mo. Dahil dito, mahalagang sinusunod mo ang mga alituntunin at patakarang pinagkasunduan sa tahanan lalo na sa disiplina at sa iyong pag-aaral. Umisip ka ng isang pangyayari sa iyong buhay na may kinalaman sa hindi mo pagsunod sa tagubilin ng iyong mga magulang. Ano ang epektong naidulot nito sa iyo? Ano ang aral na iyong natutuhan? Gawin ito sa iyong kuwaderno. Pangyayari: ______________________________________________ Epekto:___________________________________________________ Aral na natutuhan: ________________________________________ Isabuhay Natin
  • 53. 49 Pagmasdan ang nakaguhit na puno. Ipagpalagay mo na ito ay ang iyong pamilya. Ang iyong mga magulang o sinumang kasama sa bahay ay ang malalaking ugat. Ano-anong mga tagubilin ang pinasusunod sa iyo ng iyong mga magulang hanggang sa ikaw ay maging isang mabuting bunga? Isulat ang mga tagubilin o iniuutos sa iyo ng iyong mga magulang sa katawan ng puno at ang iyong pangalan naman bilang bunga. Pamilyang Nagkakaisa Sa iyong ipinakitang kagalingan sa araling ito, binabati kita! Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Panatilihin mo ang pagsunod mo sa mga gawain. Subukin Natin Ako bilang bunga Mga tagubilin ng aking mga magulang o sinumang kasama sa pamilya. Hal. Mag-aral ng leksyon bago manood ng TV Ang aking Ina/Ama o sinumang kasama sa pamilya Emily
  • 54. 50 Aralin 9 Ako, Ang Simula! Ako ang Simula! Ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito? Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano-ano ang mga kaya mong pamunuang gawin tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, maayos, at masayang pagsasama ng iyong pamilya? Kung ito ay kaya mo, Isigaw mo, Ako ang Simula! Ano-ano ang mga tungkuling isinasagawa mo sa araw-araw sa inyong bahay na nakatutulong sa iyong pamilya? Isulat mo ito sa mga bilog at ibahagi sa iyong mga kaklase. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno. Ang Aking Kalendaryo ng Gawain Alamin Natin
  • 55. 51 Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga maaari mong tuparing gawain? Isa- isahin. 2. Matapat mo bang isinasagawa ang iyong mga tungkulin? Patunayan. 3. Patunayan kung gaano kahalaga ang naidudulot mong kagalingan sa iyong pamilya. 4. Bakit may pagkakataong hindi mo naisasagawa ang iyong mga tungkulin? 5. Makatutulong ba ang pagpaplano ng mga gawain? Bakit? Gawain 1 Ang pagpapaalaala ay gamot sa mga batang nakalilimot. Mapatutunayan ito sa pangkatang gawain na isasagawa. Magkaroon ng apat na pangkat sa klase. Pagtulungang buuin ang clock time organizer ng inyong takdang oras para sa mga dapat at kayang gawin sa inyong klase. Siguraduhing makatutulong ito sa inyong pag-aaral at sa mga gawaing makapagpapagaan sa inyong guro. Gawin ito sa inyong papel. Iulat ito sa klase. 9 1 2 5 4 3 6 7 12 11 8 10 Isagawa Natin
  • 56. 52 Sa bawat takdang oras, ano-ano ang inyong mga napagkasunduang gawin? Gawain 2 Narito ang malaking “Tandang Pananong” na may kaukulang tanong. Sagutin mo ito nang buong katapatan. Patunayan. ? Ako ba ay sumusunod sa mga utos nang may ngiti? Patunay: Ako ba ay hindi nag-aaksaya ng mga gamit, tubig, at kuryente? ___________________________________ Patunay: Maasahan ba ako sa lahat ng oras? Patunay: Ako ba ay bumibili ng mga kailangan lamang? Patunay: Ipinapasa ko ba sa iba ang mga inuutos sa akin? Patunay:
  • 57. 53 Sumulat ng Pick Up Line na galing sa iyong puso. Ito ay dapat na nagbibigay kasiyahan sa iyong damdamin hinggil sa mga naitutulong mo sa iyong pamilya at paaralan sa loob ng 24 oras. Makipagpalitan ka ng iyong sagot sa iyong kamag-aral. Halimbawa: Walis ka ba? Bakit? Kasi, winawalis mo ang pagod ng iyong Nanay kapag tinutulungan mo siya sa mga gawaing bahay. Tandaan Natin Tunay na ang isang masayang pamilya ay nakikita sa pamamagitan ng maayos at mabuting pagsasama. Ang mga magulang na may mga anak na katulad mo ay natutuwa kung ikaw ay sumusunod sa kanilang mga utos at patakaran. Halimbawa ay ang sumusunod: - Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral at paggawa ng mga takdang-aralin - Maging magalang sa lahat ng oras at pagkakataon - Tumulong sa mga gawaing-bahay sa mga araw na walang pasok - Magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pang bagay Isapuso Natin
  • 58. 54 Kung may pagsusunuran sa tahanan, makikita mo ang tunay na pagmamahalan. Ang pagsunod nang buong katapatan sa mga itinakdang tuntunin at gawain ay magbubunga ng kapayapaan at kaayusan sa samahan sa bawat kasapi ng isang pamilya. Palagian mong hangarin na maging masaya ang iyong mga magulang. Utos ng Diyos sa mga anak na mahalin nila ang kanilang mga magulang. Kinalulugdan ng Diyos ang mga anak na nagmamahal sa kanilang mga magulang. Gumawa ka ng isang pangako sa anyong patula o pa-rap o pakanta. Itanghal ito sa klase. Halimbawa: 1. Hingin ang tulong ng iyong mga magulang at pasagutan sa kanila ang sipi ng “Ang Aking Anak” na iyong isinulat sa kuwaderno. Ang Aking Pangako Kapag inutusan O tinatawag ako Agad, akong sasagot At sa utos ay susunod. Isabuhay Natin
  • 59. 55 Ang Aking Anak!  Paano ginagampanan ng inyong anak ang kanyang mga tungkulin sa tahanan? Ang aking anak na si ______________________ ay tinutupad nang buong husay at tapat ang kanyang mga tungkulin tulad ng __________________ __________________________________________________ __________________________________________________ Lagda:______________________ Lagyan ng kaukulang tsek ang iyong pinaniniwalaan Mga Gawain Totoo Hindi totoo 1. Hindi ako nagdadabog kapag inuutusan ako ng aking mga magulang. 2. Tumatakas ako sa paglilinis ng aming silid-aralan kapag uwian na. 3. Naghuhugas ako ng aming pinagkainan sa aming bahay. 4. Ginagawa ko kaagad ang aking takdang-aralin bago pumasok sa paaralan. Magaling! Natapos mo ang mga gawain nang tama. Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Pagbutihin mo. Subukin Natin