SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Download to read offline
Si Pagong at si Matsing
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit
si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit at
hindi nagtagal ay nagyaya na si Pagong na kainin na ang pansit ngunit sinabi ni Matsing na
nangangamoy panis na ang pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito hanggang sa
naubos na ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong humingi ng tawad si Matsing
dahil naubos at hindi nakakain si Pagong ng pansit.
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.
Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging at pinaghatian nila
ang puno ng saging ngunit an kinuha ni matsing ay ang parteng taas dahil ayaw na daw nyang mag
patubo ng mga dahon kayat ang bandang ibaba ang napunta ky pagong ay my mga ugat at umuwi
na sila upang itanim at patubuin ang puno ng saging. Umuwing malungkot si Pagong dala ang
kanyang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi
dala ang madahong bahagi ng puno.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta
ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na
dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na
hitik.
Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.
Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at
pumayag naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na
lamang ang aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong, pumayag si Pagong
sa alok ni Matsing.
Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng
puno. Wala itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa
sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya
habang natutulog ito sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong.
Nang magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.
Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang
sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa
puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba.
Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong.
Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot.
Nagtanong si Pagong kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya nito
ng pinung-pino. Nag-isip ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya ang sambit
nito kay Matsing na kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito at kakainin.
Nag-isip nang malalim si Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong, ngunit nangatwiran
na naman si Pagong na hindi naman tinatablan ng apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay.
Kaya muling nag-isip si Matsing, hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon
na lamang itapon si Pagong. Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.
Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya
itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang
bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan
nito sa tubig. At naghalakhak si Pagong na sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil
gustung-gusto ko na lumangoy sa dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na
napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag
naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.
Ang Pabula ng Kabayo at Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang
mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa
bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong
gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"anang kabayo na lalo pang
binilisan ang paglalakad."Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala
ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang
init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi
ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay
pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at
inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si
kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
Ang pagong at ang kalabaw
Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw.
Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, "Hindi ang isang tulad mo ang
nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa na't
maliit ay sobra pa ang kupad kumilos."
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. "Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo
ang aking kakayahan dapata mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.
Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang
sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. "Kapag ako ay tinalo mo sa labanang
ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon."
"Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?" pakutyang sambit ng
kalabaw.
"Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling sagot ng pagong.
Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis
tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto
niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya
sa karera" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?" tanong ng
kaiabaw.
"Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na iyon
ay siyang panalo," sabi ng pagong.
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang
bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang
kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang
kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo
ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok." Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din
sa ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng
malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang
kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina at
maliit na pagong.
Ang Kuneho at ang Pagong
Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa
makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating
niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng
Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."
Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni
Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon."
Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong.
Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong
libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila
ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan."Handa na
ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na
nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng
bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga
nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad,
walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang
likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang
tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng
makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating
niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas
na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang
hangganan ng kanilang karera.
Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa
din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na
lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.
ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP
Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito ay hindi
totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit gumagamit ng
apoy ang mga alitaptap?
Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na
iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong
ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?
Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang
kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing
maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa
mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?
Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang
punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang
nagkubli sa mga talulot.
"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot?
Kayo ba ay natatakot sa dilim?"
"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.
"At saan?" ang tanong ng sampaguita.
"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.
"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita.
"Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"
"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami
at iyon na ang katapusan ng aming buhay."
"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.
"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang
pakaunti."
"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."
"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.
"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng
sampaguita.
"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot
ng isang kulisap.
"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.
"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.
"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo
kung ano and dapat ninyong gawin."
"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay
magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."
"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.
"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.
Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila
ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong
lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.
Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.
"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."
Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy.
Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."
Ang Buaya At Ang Tusong Matsing
BALISANG BALISA ang Matsing. Ubos at wala nang pagkain sa kanyang munting pulo ng
Buyayaw, at gutom na gutom na siya. Maraming pagkain sa kabilang malaking pulo at tumpak!
Dapat siyang lumipat duon! Ang hirap, kailangang tumawid sa makitid na dagat nang palangoy. Mas
mahirap, isang katutak na mga buaya ang palangoy-langoy sa tubig, gutom din tulad niya. Paano
siya makakarating sa kabilang pulo?
“Maigi pa, tanungin ko ang dagat,” sabi ni matsing, sa wakas. “Dagat, dagat, kung mapanganib
talaga sa akin ang tumawid, dapat kang maging malamig!”
Lumapit sa dalampasigan si Matsing at isinawsaw ang kanyang kamay. Ang lamig! Natigilan si
Matsing sa sagot ng dagat, na mapapatay siya kung lumangoy. Subalit mahirap din ang mamatay sa
gutom, kaya ipinasiya ni Matsing na tumawid sa tubig, kahit ano ang mangyari! Nagsimula na siya
nang nakita niya si Buaya, naghihintay sa gitna ng tubig.
“Ano ang gusto mo sa akin?” tanong ni Matsing.
“Ang atay mo,” ungol ni Buaya. “Iyon ang favorito ko.”
“Atay ko!” bulalas ni Matsing. “Sayang, iniwan ko duon sa kabilang pampang dahil mabigat at baka
malunod ako kung dinala ko. Subalit matalik kitang kaibigan, kaya kukunin ko para sa iyo. Maaari
bang isakay mo ako sa likod mo at itawid sa kabila?”
Pumayag si Buaya at itinawid si Matsing sa kabilang pulo. Mabilis na bumaba ito at tumakbo sa
gubat. Nang ligtas na saka lamang siya lumingon.
“Wala kang kaalam-alam, Buaya!” sigaw ni Matsing. “Mayruon ba namang nag-iiwan ng atay niya!”
Tuluy-tuloy na siya sa gubat at nagtago. Naiwan si Buaya sa pampang, galit na galit, at ipinasiya
niyang maghiganti. Isang araw, pinasok niya ang bahay ni Matsing. Walang laman ang bahay, nasa
labas si Matsing at naghahanap ng pagkain. Nagtago sa luob ng bahay si Buaya at nag-abang.
Pagbalik ni Matsing, nakita niya ang mga bakas sa lupa at naghinalang tatambangan siya ni Buaya.
Upang makatiyak, sumigaw siya, “Kung mayruong nasa luob ng bahay, tumahimik siya, subalit kung
walang naghihintay sa luob, dapat siyang humiyaw!”
Pagkarinig ni Buaya, humiyaw nga siya upang ipahiwatig na walang naghihintay sa luob ng bahay.
“Tanga ka, Buaya!” sigaw ni Matsing bago tumakas. “May hihiyaw ba kung
walang nasa luob ng bahay!?”
Nabigo uli, hindi sumuko si Buaya. Kinabukasan, naglublob siya sa putik hanggang bumantot ang
amoy niya. Tapos, dumapa siya sa lupa nang walang kilos, nagkunwaring patay na siya. Hindi siya
gumagalaw, kaya dinapuan siya ng maraming langaw tulad ng gawa nila sa bangkay. Hindi
nagtagal, dumating si Matsing at lumapit sa “patay” na Buaya.
“Ikaw, Buaya, kung buhay ka pa, huwag kang umimik,” sabi ni Matsing, “subalit kung talagang patay
ka na, umongol ka!”
At umngol nga si Buaya upang patunayan na hindi siya nagpapatay-patayan!
Kumaripas patakas si Matsing.
“Talagang gunggong ka, Buaya!” sigaw ni Matsing mula sa malayo. “Sino ba namang patay na
buaya ang umuungol?!”
Marami pa silang naging paghahamok, subalit dahil tuso, laging nakaiwas si Matsing sa mga pakana
ni Buaya.
ALAMAT NG PARU-PARO
May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya'y mapula at kulobot. Ang mga mata'y
singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya'y
pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad.
Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan
dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring
halamanang namulmulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga
punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw.
Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan.Sila'y
maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila'y nagging palaboy at walang tirahan. Sila'y nagpapasasa
sa hirap upang may makain.
Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang,"Ang
lagit ay asul at ang bunkok ay lunti." Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila'y nakakpagsalita ng,
Matigas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang mga nakikita nlang
tanawin araw-araw ay sapat ng magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang
tirahan at perang panakip sa pangangailangan.
Sila'y naglibot at naakita ang bahay ng diwata." Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon,"
sabi ng batang lalaki.
"Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak.
Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy," ang
dugtong pa.
"Tayo na pumasok sa hardin,"ang alok ni Malakas.
"Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya.
Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandaali, sila,y hintakot nguni't
lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila'y namupol ng mga bulakla. Si
Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si Ligaya ng maatamisna bunga.
"Walang nakatira rito!"
"Oo,noong ako'y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol sa lunang katulad nito.
Huwag na tayong umaalis," Sabi ni Ligaya.
"Ako'y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin," Sabi ni Maalaakas,
"Gayon din ako," sagot ni Ligaya.
"Ako'y paalibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang
loobang ito."
Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon.
Sa-darating ang diwatang galling sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-hingkod. Siya'y langhap ng
langhap pagka'tmay naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot.
"Bakit kayo naaangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang ginagawa ninyo?" patuloy
pa.
Natakot sina Malakas aat Ligaya. Sila'y nanginig sa takot.
"Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda.
Naglakas loob na sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming...gusto
ang...mga prutas..."
"Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!"
"Inaamin po amin an gaming kasalanan. Kami po'y handing magbayad. Kami po'y mga ulila. Gawin
po ninyo kaming alila! Handa kaming magsilbi!"
Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang kanyang katawan,
pinangiwi-ngiwi ang mga labi at nag-isip.
"Nauunawaan ko. Pakikinabbangan ko kayo."
Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engsekto at nammangha ang dalawang bata.Siya
kapagkarakay ay nagging isang maganndang diwata. Sila'y may tangang mahiwagang baston na
may nakakabit na bituin sa dulo.
Patakang nagsalita si Malakas, "Oh, magandang diwata!"
Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa
liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya'y may taangang mga bagwis na yari sa
bulaklak.
"Yayamang maawilihin kayo sa buulaklak, kayo'y gagawin kong haaaardinero. Mula ngayon
mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga!"
Dinantayan ng diwata ng kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila'y
nagkapakpak. Sila'y nagpadapo-dapo sa mga halaman.
"Ako ngayo'y magandang paru-paro!" sabi ni Malakas.
"Ako rin!" sang-ayon Ligaya. "Masdan mo aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel!"
"Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon!" sabi ni Malakas, "sapagka't tayo
ngayo'y mga paruparo ng diwata!"
Si Langgam at Si Tipaklong
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si
Langgam Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya
ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita
siya ni Tipaklong.
"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala
ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"
"Oo nga, nag-iipon ako ngpagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.
"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo
ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."
"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda
ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag
sumama ang panahon."
Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay
ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang
Tipaklong. Naalala niyang puntahan ang kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
"Tok! Tok! Tok!" Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya.
"Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain.
Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga
palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom."
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto
siyang mag-impok.
Ang Daga at Ang Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Ang Agila at ang Kalapati
Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan.
Nang mapansin ng aroganteng Hari na mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na
kalapati ang putting pakpak nito ay naghamon ang Agila.
“Hoy, Kalapati. Lalaban ka bas a akin sa pabilisan ng paglipad?”
Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapating bigyan ng aral ang
humahamon.
“O sige,” sagot ng Kalapati, “kalian mo gusting magtunggali tayo?”
Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutang ng hinamon.
“I…ikaw ang bahala kong kalian mo gusto,”
Napansin ng Kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa kalawakan. Alam niyang
ilang sandali lamang ay uulan na.
‘Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban,kailangan may
kagat-kagat tayong anumang bagay sa paglipad natin.Dadalhin ko paitaas ang
isang tipak ng asin. Ikaw nanam ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka
ba?”
Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa asin.
Napagkayariang sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at
magtatapos sa tuktok ng berdeng Bundok.
Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak
na dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang bumigat. Nagpabagal ito
sa paglipad ng Hari ng mga Ibon.
Ang asin ay nalusaw naman na nagpabilis sa paglipad ng Kalapati.
Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyabang mula noon ang palalong Agila.

More Related Content

Similar to 10-Tagalog Simple Short Stories for Kids.pdf

Ang kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagongAng kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagongassedllij
 
Demonstration Teaching Filipino 2nd.pptx
Demonstration Teaching Filipino 2nd.pptxDemonstration Teaching Filipino 2nd.pptx
Demonstration Teaching Filipino 2nd.pptxSireQuinn
 
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongrizaldymargate
 
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongrizaldymargate
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinosolivioronalyn
 
Ang Hatol ng Kuneho
Ang Hatol ng KunehoAng Hatol ng Kuneho
Ang Hatol ng KunehoAi Sama
 
Filipino 7 Module 3 Q1.pptx
Filipino 7 Module 3 Q1.pptxFilipino 7 Module 3 Q1.pptx
Filipino 7 Module 3 Q1.pptxElsaNicolas4
 

Similar to 10-Tagalog Simple Short Stories for Kids.pdf (11)

Ang kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagongAng kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagong
 
Demonstration Teaching Filipino 2nd.pptx
Demonstration Teaching Filipino 2nd.pptxDemonstration Teaching Filipino 2nd.pptx
Demonstration Teaching Filipino 2nd.pptx
 
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
 
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagongSang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
Sang araw habang naglalakad si kuneho ay nakasalubong niya si pagong
 
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at XKwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Pabula 2.docx
Pabula 2.docxPabula 2.docx
Pabula 2.docx
 
Ang Hatol ng Kuneho
Ang Hatol ng KunehoAng Hatol ng Kuneho
Ang Hatol ng Kuneho
 
Filipino 7 Module 3 Q1.pptx
Filipino 7 Module 3 Q1.pptxFilipino 7 Module 3 Q1.pptx
Filipino 7 Module 3 Q1.pptx
 

Recently uploaded

Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 

Recently uploaded (20)

Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 

10-Tagalog Simple Short Stories for Kids.pdf

  • 1. Si Pagong at si Matsing Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit at hindi nagtagal ay nagyaya na si Pagong na kainin na ang pansit ngunit sinabi ni Matsing na nangangamoy panis na ang pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito hanggang sa naubos na ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong humingi ng tawad si Matsing dahil naubos at hindi nakakain si Pagong ng pansit. Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging at pinaghatian nila ang puno ng saging ngunit an kinuha ni matsing ay ang parteng taas dahil ayaw na daw nyang mag patubo ng mga dahon kayat ang bandang ibaba ang napunta ky pagong ay my mga ugat at umuwi na sila upang itanim at patubuin ang puno ng saging. Umuwing malungkot si Pagong dala ang kanyang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahong bahagi ng puno. Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik. Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at pumayag naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na lamang ang aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong, pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya habang natutulog ito sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong. Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba. Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong. Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot. Nagtanong si Pagong kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya nito ng pinung-pino. Nag-isip ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya ang sambit nito kay Matsing na kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito at kakainin. Nag-isip nang malalim si Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong, ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi naman tinatablan ng apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing, hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Pagong. Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan. Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan
  • 2. nito sa tubig. At naghalakhak si Pagong na sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko na lumangoy sa dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.
  • 3. Ang Pabula ng Kabayo at Kalabaw Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
  • 4. Ang pagong at ang kalabaw Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, "Hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa na't maliit ay sobra pa ang kupad kumilos." Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. "Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan dapata mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing. Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. "Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon." "Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?" pakutyang sambit ng kalabaw. "Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling sagot ng pagong. Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok. Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya sa karera" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?" tanong ng kaiabaw. "Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na iyon ay siyang panalo," sabi ng pagong. Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok." Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok. Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina at maliit na pagong.
  • 5. Ang Kuneho at ang Pagong Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan."Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya.
  • 6. ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit gumagamit ng apoy ang mga alitaptap? Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap? Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya? Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa mga talulot. "Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?" "Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap. "At saan?" ang tanong ng sampaguita. "Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap. "Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?" "Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay." "Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita. "Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti." "Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo." "Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap. "Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng sampaguita. "Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang kulisap. "Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap. "Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap. "Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin." "Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap. "Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan." "Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap. "Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap. Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.
  • 7. Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita. "Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na." Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."
  • 8. Ang Buaya At Ang Tusong Matsing BALISANG BALISA ang Matsing. Ubos at wala nang pagkain sa kanyang munting pulo ng Buyayaw, at gutom na gutom na siya. Maraming pagkain sa kabilang malaking pulo at tumpak! Dapat siyang lumipat duon! Ang hirap, kailangang tumawid sa makitid na dagat nang palangoy. Mas mahirap, isang katutak na mga buaya ang palangoy-langoy sa tubig, gutom din tulad niya. Paano siya makakarating sa kabilang pulo? “Maigi pa, tanungin ko ang dagat,” sabi ni matsing, sa wakas. “Dagat, dagat, kung mapanganib talaga sa akin ang tumawid, dapat kang maging malamig!” Lumapit sa dalampasigan si Matsing at isinawsaw ang kanyang kamay. Ang lamig! Natigilan si Matsing sa sagot ng dagat, na mapapatay siya kung lumangoy. Subalit mahirap din ang mamatay sa gutom, kaya ipinasiya ni Matsing na tumawid sa tubig, kahit ano ang mangyari! Nagsimula na siya nang nakita niya si Buaya, naghihintay sa gitna ng tubig. “Ano ang gusto mo sa akin?” tanong ni Matsing. “Ang atay mo,” ungol ni Buaya. “Iyon ang favorito ko.” “Atay ko!” bulalas ni Matsing. “Sayang, iniwan ko duon sa kabilang pampang dahil mabigat at baka malunod ako kung dinala ko. Subalit matalik kitang kaibigan, kaya kukunin ko para sa iyo. Maaari bang isakay mo ako sa likod mo at itawid sa kabila?” Pumayag si Buaya at itinawid si Matsing sa kabilang pulo. Mabilis na bumaba ito at tumakbo sa gubat. Nang ligtas na saka lamang siya lumingon. “Wala kang kaalam-alam, Buaya!” sigaw ni Matsing. “Mayruon ba namang nag-iiwan ng atay niya!” Tuluy-tuloy na siya sa gubat at nagtago. Naiwan si Buaya sa pampang, galit na galit, at ipinasiya niyang maghiganti. Isang araw, pinasok niya ang bahay ni Matsing. Walang laman ang bahay, nasa labas si Matsing at naghahanap ng pagkain. Nagtago sa luob ng bahay si Buaya at nag-abang. Pagbalik ni Matsing, nakita niya ang mga bakas sa lupa at naghinalang tatambangan siya ni Buaya. Upang makatiyak, sumigaw siya, “Kung mayruong nasa luob ng bahay, tumahimik siya, subalit kung walang naghihintay sa luob, dapat siyang humiyaw!” Pagkarinig ni Buaya, humiyaw nga siya upang ipahiwatig na walang naghihintay sa luob ng bahay. “Tanga ka, Buaya!” sigaw ni Matsing bago tumakas. “May hihiyaw ba kung walang nasa luob ng bahay!?” Nabigo uli, hindi sumuko si Buaya. Kinabukasan, naglublob siya sa putik hanggang bumantot ang amoy niya. Tapos, dumapa siya sa lupa nang walang kilos, nagkunwaring patay na siya. Hindi siya gumagalaw, kaya dinapuan siya ng maraming langaw tulad ng gawa nila sa bangkay. Hindi nagtagal, dumating si Matsing at lumapit sa “patay” na Buaya. “Ikaw, Buaya, kung buhay ka pa, huwag kang umimik,” sabi ni Matsing, “subalit kung talagang patay ka na, umongol ka!” At umngol nga si Buaya upang patunayan na hindi siya nagpapatay-patayan! Kumaripas patakas si Matsing. “Talagang gunggong ka, Buaya!” sigaw ni Matsing mula sa malayo. “Sino ba namang patay na buaya ang umuungol?!” Marami pa silang naging paghahamok, subalit dahil tuso, laging nakaiwas si Matsing sa mga pakana ni Buaya.
  • 9. ALAMAT NG PARU-PARO May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya'y mapula at kulobot. Ang mga mata'y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya'y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad. Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring halamanang namulmulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw. Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan.Sila'y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila'y nagging palaboy at walang tirahan. Sila'y nagpapasasa sa hirap upang may makain. Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang,"Ang lagit ay asul at ang bunkok ay lunti." Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila'y nakakpagsalita ng, Matigas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang mga nakikita nlang tanawin araw-araw ay sapat ng magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa pangangailangan. Sila'y naglibot at naakita ang bahay ng diwata." Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon," sabi ng batang lalaki. "Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy," ang dugtong pa. "Tayo na pumasok sa hardin,"ang alok ni Malakas. "Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya. Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandaali, sila,y hintakot nguni't lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila'y namupol ng mga bulakla. Si Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si Ligaya ng maatamisna bunga. "Walang nakatira rito!" "Oo,noong ako'y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis," Sabi ni Ligaya. "Ako'y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin," Sabi ni Maalaakas, "Gayon din ako," sagot ni Ligaya. "Ako'y paalibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang loobang ito." Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon.
  • 10. Sa-darating ang diwatang galling sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-hingkod. Siya'y langhap ng langhap pagka'tmay naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot. "Bakit kayo naaangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang ginagawa ninyo?" patuloy pa. Natakot sina Malakas aat Ligaya. Sila'y nanginig sa takot. "Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda. Naglakas loob na sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming...gusto ang...mga prutas..." "Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!" "Inaamin po amin an gaming kasalanan. Kami po'y handing magbayad. Kami po'y mga ulila. Gawin po ninyo kaming alila! Handa kaming magsilbi!" Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang kanyang katawan, pinangiwi-ngiwi ang mga labi at nag-isip. "Nauunawaan ko. Pakikinabbangan ko kayo." Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engsekto at nammangha ang dalawang bata.Siya kapagkarakay ay nagging isang maganndang diwata. Sila'y may tangang mahiwagang baston na may nakakabit na bituin sa dulo. Patakang nagsalita si Malakas, "Oh, magandang diwata!" Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya'y may taangang mga bagwis na yari sa bulaklak. "Yayamang maawilihin kayo sa buulaklak, kayo'y gagawin kong haaaardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga!" Dinantayan ng diwata ng kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila'y nagkapakpak. Sila'y nagpadapo-dapo sa mga halaman. "Ako ngayo'y magandang paru-paro!" sabi ni Malakas. "Ako rin!" sang-ayon Ligaya. "Masdan mo aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel!" "Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon!" sabi ni Malakas, "sapagka't tayo ngayo'y mga paruparo ng diwata!"
  • 11. Si Langgam at Si Tipaklong Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. "Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?" "Oo nga, nag-iipon ako ngpagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam. "Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta." "Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon." Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahan ang kaibigang si Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong. "Tok! Tok! Tok!" Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya. "Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong." Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain.
  • 12. Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan. "Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom." Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok. Ang Daga at Ang Leon Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
  • 13. nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga. Ang Agila at ang Kalapati Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang mapansin ng aroganteng Hari na mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na kalapati ang putting pakpak nito ay naghamon ang Agila. “Hoy, Kalapati. Lalaban ka bas a akin sa pabilisan ng paglipad?” Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapating bigyan ng aral ang humahamon. “O sige,” sagot ng Kalapati, “kalian mo gusting magtunggali tayo?” Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutang ng hinamon. “I…ikaw ang bahala kong kalian mo gusto,” Napansin ng Kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa kalawakan. Alam niyang ilang sandali lamang ay uulan na. ‘Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban,kailangan may kagat-kagat tayong anumang bagay sa paglipad natin.Dadalhin ko paitaas ang
  • 14. isang tipak ng asin. Ikaw nanam ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?” Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa asin. Napagkayariang sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at magtatapos sa tuktok ng berdeng Bundok. Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak na dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang bumigat. Nagpabagal ito sa paglipad ng Hari ng mga Ibon. Ang asin ay nalusaw naman na nagpabilis sa paglipad ng Kalapati. Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyabang mula noon ang palalong Agila.