SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
Pabula 2
"Neigh! Ako'y laging tumutulong. Laging malinis ang aking kapaligiran at lahat ay nakakakain.
Tutal ayaw niyo naman kay baboy at unggoy, ano pa kaya ang mahihita ninyo kay tigre? Lalo na't
siya ay isang babae! Kung gusto ninyo ng maganda at mapayapang gubat, ako ang ihalal ninyo!"
sabi ni kabayo na may mapang-asar na tono. Nakapagtataka man sa karamihan ngunit ang iba
nilang kasamahan ay tuwang-tuwa at sang-ayon kay kabayo lalo na sa kaniyang mga sinabi
tungkol kay tigre. Hindi naman nagdalawang-isip si kuneho na siya'y sagutin at kaniyang sinabi,
"Hindi dahil ikaw ay isang lalaki, mapamumunuan mo ang kagubatan nang walang bahid na dumi
na galing sa iyong mga kamay. Kita namin ang iyong tunay na kulay! Lalo na at minamaliit mo
kaming mga kababaihan. Hindi mo ba alam na babae ang nagpaparami at nagtatrabaho dito!" sigaw
ni kuneho na may galit kay kabayo. Maraming kumampi kay kuneho, dahilan kung bakit si kabayo
ay napalunok na lamang habang iniisip niya na hindi siya apektado at maninindigan siya sa
kaniyang hangarin.
"Rawr! Hindi dahil sa ako ay babae, hindi ko na magagawa ang kayang gawin ng isang lalaki. May
paninindigan ako na gawin ang tama at ituwid ang maling gawain dito sa kagubatan. Hindi lang
ako nagmamasid, ako rin ay tumutulong at gumagawa ng pagbabago para sa ikauunlad ng ating
tirahan. Nasa inyong mga kamay na kung sino ang inyong ihahalal. Hahayaan ko kayong
magdesisyon kung sino ang nais ninyong maging pinuno. Kung hindi man ako ang inyong
mapusuan, hindi pa rin ako hihinto sa pagtulong dito" ani ni tigre.
Nag-isip ang mga hayop nang malalim. Napagdesisyunan nila na ihalal si Tigre para mamuno
dahil siya ang karapat-dapat sa posisyon. Dahil dito, isang maganda at punong puno ng pag-asa
ang kinakaharap na buhay ng mga hayop sa kagubatan.

More Related Content

What's hot

8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)
Conan1412
 
Modyul 11 sinaunang timog silangang asya
Modyul 11 sinaunang timog silangang asyaModyul 11 sinaunang timog silangang asya
Modyul 11 sinaunang timog silangang asya
Evalyn Llanera
 

What's hot (20)

Myanmar
MyanmarMyanmar
Myanmar
 
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptxtankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
 
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang AsyaChina Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Ang dinastiyang tang
Ang dinastiyang tangAng dinastiyang tang
Ang dinastiyang tang
 
Nakalbo ang Datu_G7.pptx
Nakalbo ang Datu_G7.pptxNakalbo ang Datu_G7.pptx
Nakalbo ang Datu_G7.pptx
 
Buod ng kuneho
Buod ng kunehoBuod ng kuneho
Buod ng kuneho
 
Filipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno
Filipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa ImpiyernoFilipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno
Filipino 9 Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno
 
Ang-Hatol-ng-Kuneho.pptx
Ang-Hatol-ng-Kuneho.pptxAng-Hatol-ng-Kuneho.pptx
Ang-Hatol-ng-Kuneho.pptx
 
Tg filipino 9
Tg filipino 9Tg filipino 9
Tg filipino 9
 
Filipino 8 Alamat ni Maria Makiling
Filipino 8 Alamat ni Maria MakilingFilipino 8 Alamat ni Maria Makiling
Filipino 8 Alamat ni Maria Makiling
 
8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)
 
Modyul 11 sinaunang timog silangang asya
Modyul 11 sinaunang timog silangang asyaModyul 11 sinaunang timog silangang asya
Modyul 11 sinaunang timog silangang asya
 
PAGPAPAHAYAG-NG-EMOSYON (1).pptx
PAGPAPAHAYAG-NG-EMOSYON (1).pptxPAGPAPAHAYAG-NG-EMOSYON (1).pptx
PAGPAPAHAYAG-NG-EMOSYON (1).pptx
 
9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
 
Filipino 9 Panitikan ng Vietnam
Filipino 9 Panitikan ng VietnamFilipino 9 Panitikan ng Vietnam
Filipino 9 Panitikan ng Vietnam
 
Ang hatol ng Kuneho.pptx
Ang hatol ng Kuneho.pptxAng hatol ng Kuneho.pptx
Ang hatol ng Kuneho.pptx
 
Ang Tigre
Ang  TigreAng  Tigre
Ang Tigre
 
Persia (Iran)
Persia (Iran)Persia (Iran)
Persia (Iran)
 
Panitikan ng india_ni_jake_casiple at marbebe
Panitikan ng india_ni_jake_casiple at marbebePanitikan ng india_ni_jake_casiple at marbebe
Panitikan ng india_ni_jake_casiple at marbebe
 

Pabula 2.docx

  • 1. Pabula 2 "Neigh! Ako'y laging tumutulong. Laging malinis ang aking kapaligiran at lahat ay nakakakain. Tutal ayaw niyo naman kay baboy at unggoy, ano pa kaya ang mahihita ninyo kay tigre? Lalo na't siya ay isang babae! Kung gusto ninyo ng maganda at mapayapang gubat, ako ang ihalal ninyo!" sabi ni kabayo na may mapang-asar na tono. Nakapagtataka man sa karamihan ngunit ang iba nilang kasamahan ay tuwang-tuwa at sang-ayon kay kabayo lalo na sa kaniyang mga sinabi tungkol kay tigre. Hindi naman nagdalawang-isip si kuneho na siya'y sagutin at kaniyang sinabi, "Hindi dahil ikaw ay isang lalaki, mapamumunuan mo ang kagubatan nang walang bahid na dumi na galing sa iyong mga kamay. Kita namin ang iyong tunay na kulay! Lalo na at minamaliit mo kaming mga kababaihan. Hindi mo ba alam na babae ang nagpaparami at nagtatrabaho dito!" sigaw ni kuneho na may galit kay kabayo. Maraming kumampi kay kuneho, dahilan kung bakit si kabayo ay napalunok na lamang habang iniisip niya na hindi siya apektado at maninindigan siya sa kaniyang hangarin. "Rawr! Hindi dahil sa ako ay babae, hindi ko na magagawa ang kayang gawin ng isang lalaki. May paninindigan ako na gawin ang tama at ituwid ang maling gawain dito sa kagubatan. Hindi lang ako nagmamasid, ako rin ay tumutulong at gumagawa ng pagbabago para sa ikauunlad ng ating tirahan. Nasa inyong mga kamay na kung sino ang inyong ihahalal. Hahayaan ko kayong magdesisyon kung sino ang nais ninyong maging pinuno. Kung hindi man ako ang inyong mapusuan, hindi pa rin ako hihinto sa pagtulong dito" ani ni tigre.
  • 2. Nag-isip ang mga hayop nang malalim. Napagdesisyunan nila na ihalal si Tigre para mamuno dahil siya ang karapat-dapat sa posisyon. Dahil dito, isang maganda at punong puno ng pag-asa ang kinakaharap na buhay ng mga hayop sa kagubatan.