paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
1st quarter performance task
1. 1
Nopart of this materialmay be reproduced, stored ina retrievalsystem or transmittedinany from or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permissionfrom the school.
PROPERTY OF LCC - M
OPENING PRAYER: Prayer to the Holy Spirit
In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.
Breathe in me O Holy Spirit, that my thoughts may all be holy.
Act in me O Holy Spirit, that my work, too, may be holy.
Draw my heart O Holy Spirit, that I love what is holy.
Strengthen me O Holy Spirit, to defend all that is holy.
Guard me, then, O Holy Spirit, that I always may be holy. Amen.
In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.
- St. Augustine
DISTANCE EDUCATION
Instructional Module
Subject Information
Subject Title : Filipino 7
Teacher/s : Mrs. Rowena B. Magquilat
Contact Details : 09519765712/09957644051
Consultation Schedule : Monday thru Friday, 10:00 - 11:00 AM
Helplines : Guidance: (034) 345 – 2149
Learning Module Guide
The key to successfully finish this learning module lies in your hands. The following guidelines will help
you completely accomplish all the tasks given.
Always follow instructions.
Make a time table to schedule your study and recreation. Discipline is very important.
Before you start doing your tasks, read and understand the assessment tools provided.
Do not settle with low standards, target the highest standards in doing your assigned tasks.
You are free to browse and read the different materials even prior in doing each task in the
module.
All the discussions are academic discussions, which mean that the relevant academic
conventions apply.
Complete all tasks/ activities in the worksheets.
Do not plagiarize.
Consult the glossary for difficult words.
Do your module on your own. Your family members and friends at home will support you but
the activities must be done by you.
If you have questions, use the subject information above to reach/ask your teacher.
Unang Markahan, Module 7
I. Pamantayang Pangnilalaman
naipamamalas ng mga estudyante ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikaan ng
Mindanao.
2. 2
Nopart of this materialmay be reproduced, stored ina retrievalsystem or transmittedinany from or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permissionfrom the school.
PROPERTY OF LCC - M
II. Pamantayang Pagganap
naisasagawa ng mga estudyanteang isang makatotohanang proyektong panturismo.
III. Pamantayan sa Pagkatuto
Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
masuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa:
pagsusuri sa iisang promo coupon o brochure)
maibahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa youtube o ibang website na
maaaring magamit.
IV. Mga Layunin:
a. nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa:
pagsusuri sa iisang promo coupon o brochure); at
b. naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa youtube o ibang
website na maaaring magamit.
V. Nilalaman
Paksa: Retorikal na Ppang-ugnay
Sanggunian: Pinagyamang Pluma, pahina 135
May Akda: Aileen Baisa-Julian
VI. Value Pokus: Pagmamalaki ng sariling atin.
VII. Pagpapakilala tungkol sa Paksa
Kapansin-pansin ang matinding epekto ng mga islogan na naririnig, nababasa o napapanood ng
publiko. Mula sa produktong kailangang bilhin para sa pang araw-araw na pangangailangan
hanggang sa mga pagpapasya sa kung saang lugar titira, o kung anong programang pantelebisyon
ang panonoorin, o kung saang eskwelahan mag-aaral, malaki ang ambag ng mga promosyong
ginamit sa kung ano ang pinipili o nagiging pasta ng tao.
Sa araling ito matutunan mo ang mga panghihikayat na taglay ng isang brochure na makaapekto sa
iyong desisyon sa pagpili.
VIII. Interaksyon
Gawain # 1
A. Ano kaya ang inaasahan mo mula sa mga islogang ito?
Gawain #2 – Sagutin ang mga tanong tungkol sa dalawang larawan sa ibaba.
Sa Mercury Drug Strore,
gamot ay lagingbago!
It’s more fun
in the Philippines
Hindi umaatras ang may
tunay na lakas.
Hindi lang balita,
kundi aksiyon
3. 3
Nopart of this materialmay be reproduced, stored ina retrievalsystem or transmittedinany from or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permissionfrom the school.
PROPERTY OF LCC - M
1. Alin sa dalawang ito ang nagustuhan mo?
B. Para sa iyo ano ang kahulugan ng tatlong salitang ito?
Turismo-
Brochure-
Islogan-
4. 4

Gawain #3
A. Sa pagtatapos ng unang markahan ang lahat ng mga mag aaral ay hindi maiwasang makabuo ng
proyekto. Ginagawa ito upang mahasa ang iyong kasanayan habang isinasagawa ang proyekto.
Nagiging oportunidad din ito upang tumuklas ng bago at maipamalas ang kritikal na malikhaing
pag-iisip.
Narito ang mga mahahalagang pagtuunan ng pansin sa pagbuo ng proyekto.
MGA HAKBANG AT PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG MAKATOTOHANAN AT
MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG PANTURISMO (TRAVEL BROCHURE)
1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng iyong “Travel Brochure”
Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang aakit sa mga turista upang ang
lugar ay pasyalan. Makabubuti kung gayon na magsaliksik at magbasa ka upang marami kang maibabahagi
tungkol sa lugar na ito. Ngunit napakahalagang suriin mo ang mga datos na iyong nasaliksik upang
umangkop sa uri ng turistang nais mong maabot ng iyong gagawin. Makatutulong ang pagsagot sa tanong
na nasa ibaba:
Anong uri ng turista ang turget ng tyong travel broclhure? Sila ba'y mga kabataang mahilig sa adventure:
mga backpacker na may limitadong badyet? mga mag-aaral na gusto ng isang educational fieldtrip?
pamilyang may mga anak? mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik na bakasyon?
Kapag alam mo na ang uri ng turistang nais mong maabot ng iyong travel brochure ay ituloy mo na ang
pananaliksik. Mula sa iyong nasaliksik ay piliin ang pinakamahahalagang bagay na gusto mong bigyang-diin
tungkol sa lugar na sa tingin mo ay aakit sa uri ng turistang target ng iyong travel brochure Maging maingat at
mapili sa mga salitang ilalagay mo sa brochure. Dapat, naglalaman lamang ito ng pinakainteresante at
pinakamahalagang impormasyon patungkol sa lugar dahil hindi makabubuti kung mapupuno ng salita ang
brochure. Baka kasi katamaran na itong basahin ng target mong babasa.
2. Pagpili ng mga Larawang Isasama sa Travel Brochure
Pumili ka ng mga mga larawang aangkop sa iyong binubuong travel brochure. Ang mga larawang ito ay
inaasahan na lalo pang makapang- aakit sa target mong uri ng turista. Makabubuti kung mas maraming
larawan ang iyong ihahanda para mas marami kang pagpilian dahil hindi naman lahat ng larawang ito ay
isasama mo. Maliban sa larawan ng iba't ibang pasyalan o magagandang tanawin ay huwag mo ring
kalimutang magsama ng mga larawan ng puwedeng gawin sa mga lugar na ito tulad ng pangangabayo, pagzi-
zipline, pagpi-piknik, o simpleng paglalakad-lakad sa malapulbos na dalampasigan. Tiyaking ang mga larawan
ay sadyang makaaakit, bago, at may mataas na kalidad o hindi malabo.
3. Pagbuo ng BoradorPara sa Iyong Travel Brochure
Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo muna ng borador para maging
huwaran o template ng iyong bubuoin. Sa pagbuo ng borador o draft ay tiyaking nagamit mo ang wasto at
angkop na wikang Filipino upang ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi makapanghihikayat din sa
target na mambabasa. Kahit wala munang mga larawan o teksto, iguhit lang muna kung saan ilalagay ang mga
ito gayun din kung paano titiklupin ang travel brochure. Karaniwang itinitiklop sa tatllo ang travel brochure.
4. Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure
Mula sa borador ay handang handa ka na sa pagbuo ng aktuwal na travel brochure. Gagamitin mo ang iyong
mga impormasyon sa iyong nasaliksik gayundin ang mga larawang pinili mo. Tiyaking malinaw at nababasa ang
teksto sa travel brochure. Iwasan ang masyadong maliliit na titik. Bigyang diin ang pinakamahahalagang bahagi
sa pamamagitan ng paggamit ng ibang kulay o paggamit ng diin (bold face) sa mga ito.
5. 5
Nopart of this materialmay be reproduced, stored ina retrievalsystem or transmittedinany from or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permissionfrom the school.
PROPERTY OF LCC - M
Sangguniin ang binuong borador para matiyak na naaayon sa plano ang harap, ang gitna, at ang huling bahagi
ng brochure. Tiyaking tama ang baybay at bantas sa iyong gagawin at naipaliliwanag din ang mga salitang
ginamit sa paggawa ng proyekto tulad ng mga acronym. Gumamit din ng wasto at angkop na wikang Filipino.
Ito ang isang uri ng sulating ginagamitan ng pormal na wika at hindi ng mga balbal, kolokyal, o lalawiganing
salita. Makatutulong ang mga libreng template na matatagpuan sa Internet sa pagbuo ng travel brochure.
Gawain # 4
A. Suriin naman ang brochure na nasa ibaba. Malinaw, malaman, at maganda ba ang pagkakagawa?
6. 6
Nopart of this materialmay be reproduced, stored ina retrievalsystem or transmittedinany from or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permissionfrom the school.
PROPERTY OF LCC - M
PRAYER to the Intercession of Our LADY of CONSOLATION
In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit. Amen.
God our Father, you sent your only Son, born of the Virgin Mary,
as the consolation of Your people. Through the prayers of His Mother,
may we find in Him the fullness of Your compassion,
and share its blessings to all around us.
May Mary, Our Mother of Consolation, who brought comfort and strength to Monica
with the conversion of her son, Augustine,
help all those in need, and bring consolation to them. Amen.
In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit. Amen.
A. Panooorin ang video clip: It’s more fun in the Philippines/DOT Official AVP
(https://www.youtube.com/watch?v=ADNgEHFDYzo – in upload ng tourism Philippines noong Okubre 3, 2012.
Huling na accsess noong Abril 4, 2019.)
o Ano – ano ang ipinakita rito ukol sa Pilipinas?
o Malinaw ba at malaman ang impormasyon na nakarating sa iyo?
o Epektibo bang panturismo ito? Naakit ka bang maglibot sa Pilipinas?
Tandaan: Kung ano man ang iyong opinyon o sagot sa mga katanungang nasa itaas, e apply mo ito sa iyong
gagawing travel brochure.
B. Panuto: Lumikha ng isang travel brochure tungkol sa Mindano o mga lugar na matatagpuan dito at may
magagandang tanawing makakaakit sa mga turista . Gamitin ang isang bond paper o espesyal na papel, likod at
harap nito. Maaaring laman ng brochure ang sumusunod: mapa, mga pangunahing produkto, paliwanag sa
mga pangalan ng kalye, mga kilalang personalidad na isinilang o nagmula sa inyong barangay, at iba pa sa
inyong palagay ay makapag-aambag sa paghikayat sa makakabasa. Lumikha rin ng makatawag-pansing
islogan na gumagamit ng wastong gamit ng Filipino at angkop na wika. Ipakita ang iyong pagiging malikhain
sa iyong proyekto.
Gawain # 5
Paalala - Ang travel brochure na iyong gagawin o ipapasa ay magsisilbing proyekto mo sa Unang
Markahan. Ipasa sa nakatakdang panahon.
IX. Pangwakas na Panalangin:
7. 7
Nopart of this materialmay be reproduced, stored ina retrievalsystem or transmittedinany from or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permissionfrom the school.
PROPERTY OF LCC - M
Reminder: Please return only the answer sheet. Thank you!
Isulat ang iyong sagot dito:
Gawain #2
1. Alin sa dalawang ito ang nagustuhan mo?
B. Para sa iyo ano ang kahulugan ng tatlong salitang ito?
Filipino 7, Unang Markahan , MODULE 7
Name: ______________________________________________________________________________
Grade and Section: ____________________________________________________________________
Name of Subject Teacher: Gng. Rowena B. Magquilat, LPT
Turismo-
8. 8

Gawain #4
o Ano – ano ang ipinakita rito ukol sa Pilipinas?
o Malinaw ba at malaman ang impormasyon na nakarating sa iyo?
o Epektibo bang panturismo ito? Naakit ka bang maglibot sa Pilipinas?
Brochure-
Islogan-