Ang modyul na ito ay tumatalakay sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Asya, at kung paano ito nakatulong sa pagkakakilanlang Asyano. Inaanyayahan ang mga mag-aaral na suriin ang mga pilosopiya, relihiyon, at kultura na may kinalaman sa mga kabihasnang ito, pati na rin ang kanilang mga ambag sa kasaysayan. Sa mga aralin, inaasahang matutunan ang mga konsepto ng kabihasnan, mga pangunahing kabihasnan sa Asya, at ang impluwensya ng tradisyon at pamumuhay sa paghubog ng mga sinaunang lipunan.