1. Pabula : Ang Tigre ay Reyna ng Kagubatan
Isang araw sa kagubatan, sila ay nangangailangan ng namumuno dahil kailangan nila ng
makatutulong upang mapaunlad at mapabuti ang kagubatan na kanilang pinaninirahan. Kaya
naman nagboluntaryo bilang pinuno ang mga naninirahan dito katulad nila baboy, kabayo, unggoy,
at tigre.
Napagdesisyunan ng nakararami na dapat isaad ng mga nais tumakbo bilang pinuno ang kanilang
mga intensyon at mga magagawa para sa kagubatan. "Oink Oink! Ako dapat ang mamuno dahil
napatunayan ko na ako lamang ang may kakayahan na tumulong dito gaya ng mga magulang ko.
Kaya naman ako ang dapat!" sabi niya nang may ngiting parang siya'y nanalo na. Marami mang
pabor sa kanya ngunit mayroon ding humatol katulad na lang ni kuneho. Sinaad niya ang totoong
intensyon ni baboy "Hindi dahil ang mga magulang mo'y namuno sa kanilang oras dito sa
kagubatan ikaw ay dapat mamuno rin. Hindi ba't ikaw ang nagnakaw ng mga pagkain noong
taglamig?" Dahil sa rebelasyon ni kuneho, namula si baboy na nagsasaad na ang sinabi ni kuneho
ay totoo, kaya sumang-ayon ang kaniyang mga kapwang hayop.
"Ooh Ooh! Aah Aah! Mahal ko ang kagubatan, ngunit hindi ko man alam ang matutulong ko pero
ako'y determinado na mapabuti ang kagubatan natin!" banggit ni unggoy habang kinakamot ang
ulo nang may nahihiyang ngiti dahil sa reaksyong pagtataka mula sa kanyang mga kapwang hayop.
Napagdesisyunan ng karamihan na hindi nila maasahan si unggoy kung wala siyang sapat na
kaalaman sa kagubatan.