Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Lesson Plan - Aralin 5 Paraan ng Pamamahala ng mga Espanyol sa Bansa
1. Topic: Paraan ng Pamamahala ng mga Espanyol sa Bansa
Date: July 16-17, 21-22, 2014
Inaasahang Bunga:
Makilala at matukoy ang mga bumubuo sa pamahalaang pambansa at pamahalaang lokal
na itinatag ng Espanyol.
Matalakay ang mga pamamahala ng mga Espanyol.
Maihambing ang pagbabago sa pamamhala ng mga Espanyol at ng sinaunang panahon.
Maihambing ang pamahalaang itinayo ng mga Espnayol sa kasalukuyang pamahalaan.
Pagpapahalaga: Paglilingkod at Pakikiisa
I. Introduction / Motivation / Illustration
Kilalanin ang mga tawag sa mamamayan ng mga sumusunod na bansa.
China
Japan
Malaysia
Portugal
Philippines
Sa kasalukuyan, tayo ay tinatawag na mga Pilipino. Subalit noong panahon ng Espanyol, ang
katawagang ito ay hindi nauukol sa ating mga ninuno. Ang mga Pilipino noon ay ang mga
Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas na kung tawagin rin ay mga insulares.
Ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya ay tinatawag na mga peninsulares.
Ang mga katutubo na noon ay tintawag na indio.
Nagbago ang anyo ng lipunang Pilipino. Dati-rati. Ito ay binubuo ng mga maginoo, timawa, at
alipin. Nanag maging kolonya ang bansa, nakaayos sa ganitong paraan na ang pinagbatayan ay
hindi na ang kapangyarihan kundi ang lahi:
1. Peninsulares
2. Insulares
3. Tsino
4. Mestisong Tsino
5. Indio
2. Ano kaya ang naging damdamin ng mga katutubongg Pilipino hinggil dito? Ikaw, ano ang iyong
naramdaman nang malaman mo ang ganitong katawagan sa mga naninirahan sa Pilipinas noon?
II. Processing Question
1. Ano ang pagkakaiba ng pamahalaang pambansa at pamahalaang local?
2. Bakit kinikilalang pinakamakapangyarihan ang gobernador-heneral?
3. Anong hakbang ang sinasagawa ng Hari ng Espnaya upang bantayan ang gobernador-
heneral na hindi abusuhin ang kapangyarihang kaloob?
4. Bakit nagtayo ng lokal na pamahalaan ang mga Espanyol?
III. Development of the lesson
Day 1
Pamahalaang Pambansa o Sentral
Noong una nasa pamamahala ng Consejo de Indies ang Pilipinas. Mga atas at kautusang
nagmumula sa Hari ng Espanya ang pinaiiral sa Pilipinas.
Sentralisado ang uri ng pamahalaan noon. Lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay
nanggagaling sa pamahalaang pambansa o sentral.
Hinihirang ng hari ng Espanya ang gobernador-heneral na siyang tumatayong
pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal ng kolonya.
Tungkulin ng Gobernador-Heneral:
1. Ipatupad ang mga kautusan ng hari sa bansa.
2. Humirang at magtanggal ng mga pinuno ng kolonya.
3. Magrekomenda ng mga arsobispo, Obispo, at mga pari.
4. Magpasya tungkol sa mga Gawain ng hukbo.
5. Mamagitan sa mga alitan ng pamahalaan at simbahan.
6. Humirang at tumanggap ng gma embahador mula sa pulo sa Pasipiko na bahagi ang
Pilipinas tulad ng Palau at Marianas.
Dahil sa kalayuan ng Pilipinas sa Espanya, may mga kautusan ang hari na hindi agad
nakararating at kung dumating man, minsan ay hindi akma sa kalagayan ng bansa.
Sa ganitong paraan, hindi ipinatuutpad ang batas nasa palagay ng gobernador-heneral ay
hindi nakabubuti sa Pilipinas. Gumagawa na siya ng isang decreto superior ma amg bias
ay parang tunay na batas.
3. Ang kapangyarihang ito ng gobernador-heneral ay tinatawag na cumplase.
Ang paggamit minsan ng cumplase ay sinasamantala ng ilang gobernador-heneral para sa
pansariling kapakanan.
Sa ganitong pagkakataon na kung saan umaabuso ang gobernador-heneral may tatlong
institusyong pansugpo upang bantayan ang pagsasamantala at pagmamalabis.
ROYAL AUDENCIA – ang katas-taasang hukuman ng kolonya.
Nakapagsisiyasat ito sa mga katiwaliang ginagwa ng mga opisyal ng pamahalan. Ito rin
ang humahalili sa gobernador-heneral kung wala ito o hindi makaganap ng kanyang
tungkulin.
RESIDENCIA – ito ay isang hayagang pagsisiyasat sa ginagwa ng mga opisyal sa
panahon ng panunugkulan.
Ang bagong gobernador-heneral ang madalas namumuno sa kupon. Ang lahat ng
sumbong ay dinidinig at ang resulta ay iuulat sa hari at sa konseho. Layunin nitong
mapabuti ang pamamhala sa kolonya.
VISITA – isang lihim na pagsisiyasat sa nagawa at ginawa ng papapalis na opisyal aat
iba pang pinuno ng pamahalaan. Ito ay hindi gaanong masakit para sa aalis na opisyal. Ito
ang magpapatunay kung may katotohanan ang hayagang pagsisiyasat ng Residencia.
Bukod sa mga nabanggit na institusyong nagmamasid sa gobernador-henera, nariyan din
ang simbahan. Sa pamamagitan ng arsobispo, nagmamanman sin siya sa kilos ng opisyal.
Day 2
Pamahalaang Lokal
Nang maitatag ang pamahalaang sentral, isinunod ang pagtatayo ng pamahalaang lokal,
ang pamahalaang panlalawigan. Noong una, wala pang lalawigan at ang tumatayong
lalawigan ay ang encomienda na pinamumunuan ng mga encomiendero.
4. PAMAMARAANG ENCOMIENDA
Ang encomienda ay isang kapangyarihang ipinagkaloob ng Hari ng Espanya sa mga
Espanyol na nakatulong nang husto sa “pagpapaamo” at pagsupil sa mga katutubong
mamamaya, na mamahala sa malawak na lupain.
Sa lupaing ipinamahala sa kanila, ang mga encomiendero ay maaaring sumingil ng
buwis. Katumbas ng pribilehiyong ito, tungkulin niyang ituro at ipalagananp ang
kristiyanismo sa mga nakatira dito, pangalagaan ang katahimikan at kapayapan, at
ipagtanggol ang mga ito sa mga kaaway.
Nagkaroon ng pagkakataong umabuoso ang mga encominedero sa pamamalakad ng
kanilang nasasakupan. Noong matapos ang ika-17 daantaon, iniutos ng Hari ng Espanya
na buwagin ang lahat ng encomiendero.
Kapalit nito itinataag ang lalawigan o probinsiya.
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Dalawang uri ng pamahalaang panlalawigan ang binalangkas.
ALCADIAS MAYORES – ang mga lalawigang sakop na at payapa’t tahimik, na
pinamumunuan ng alcalde mayor.
Habang ang lalawigang hindi pa sakop at pinananatili pa ang kapayapaan ng mamamayan
ay tinatawg na coregimento na pinamumunuan ng isang tagapamahalang militar, ang
Corregidor.
Tungkulin ng Alcalde-Mayor:
1. Pangangalaga sa kaligtasan at pananampalataya ng mamamayan sa lalawigang
nasasakupan.
2. Pagpapalaki ng produksiyon ng pagkain.
3. Pagbibigay ng lisensiya at pahintulot sa pagnenegosyo.
4. Pangungulekta ng buwis.
5. Pagpapagwa ng mga tulay, kalsada, at iba pang gawaing pampubliko.
6. Pangangasiwa ng halalan.
Day 3
PAMAHALAANG PAMBAYAN
5. Barangay – ito ang pinakamaliit nay unit ng pamahalaan. Tulad ng sinainang
pamayanan, ito ay binubuo lamang ng 30-100 pamilya. Ito ay dating pinamumunuan ng
isang datu, na naging cabeza de barangay o cabeza.
Ang cabeza ay naglilingkod ng walang sweldo at pangkarangalan lamang nag
katungkulan subalit may pribilehiyo na mapabilang sa pangkat ng mga principalia ang
kanyang pamilya.
Bukod sa pangongolekta ng buwis, ang Gawain niya ay naayon lamang sa kung ano ang
ipagagawa ng matataas na pinuno.
Pueblo o Bayan – binubuo ng kalipounan ng mga barangay. Ang bawat pueblo ay may
cabecera (kabisera). Dito matatagpuan ang simbahan, kumbento, paaralaang bayan, mga
bahay ng mga maykaya sa buhay, at ang gusaling pampamahalan. Isang gobernadorcillo
(munting gobernador) ang pinuno ng bayan.
PAMAHALAANG LUNGSOD
Bukod sa pamahalaang panlalwigan at pambayan, nagtatag din ang mga Espanyol ng
mga lungsod. Ito ay malalaking pueblo gaya ng Cebu, Arevalo (Iloilo), Maynila, Vigan
(Villa Fernandina), Nueva Segovia (ngayo’y Lal-loc, Cagayan), at Nueva Caceres
(ngayo’y Naga).
Ang mga lungsod ay sentro ng relihiyon, edukasyon, kalinangan, at ng mataaas na
lipunan. Ang tawag sa pamhalaan ng lungsod ay ayuntamiento.
IV. Closure
Assignment 1:
Blangkong mapang pulitikal ng Pilipinas. Kulayan ang mga lalawigan kung saan
matatagpuan ang mga malalking pueblo na itinatag ng mga Espanyol. Gumawa ng
pagsasaliksik upang magawa ang gawaing ito. (bond paper)
Assignment 2:
Kapanayamin ang iyong magulang. Tanungin kung sila ba ay sumasang-ayon sa
pagsasanib ng pamamahala ng simbahan at ng pamahalaan.
Sumasang-ayon ka ba sa sagot ng iyong magulang? Ipaliwanag kung bakit ka samasang-
ayon o di-sumasang-ayon.
6. Activity 1:
Nais man ng mamamayan na idulog sa hukuman ang kanilang mga hinaing laban sa mga
opisyal ng pamhalaan, hindi rin nila magagawa dahil ang mga namumuno rin ang
tumatayong pinakamataas na hukuman dito.
Sa ganitong kalagayan, paano mo maipaaabot sa mga kinauukulan ang iyong mga
hinaing? (Notebook)
Activity 2:
Sagutin ang mga tanong: (notebook)
1. Sa paanong paraan nagkakaiba ang alcadias mayor sa corregimiento?
2. Sa paanong paraan naman nagkakapareho-pareho ang ayuntamiento, pueblo, at
barangay?
Group Activity:
Balikan ang paraan ng pamamhala sa barangay noong panahon ng sinaunag Pilipino at
ihambing ito sa pamamahala sa barangay sa ilalim ng mga Espanyol. Sa anong panahon
mas makapangyarihan ang barangay? Ilahad ang mga kadahilanan.
Prepared by:
Tr. Maria Victoria de Leon