1. Pagpili ng Mabisang Pananalita sa Pagbuo ng Kahulugang Nilalayon
A. Mga Salitang Magkakasingkahulugan
Mayroong mga salitang magkakasingkahulugan ngunit hindi naman angkop na gamitin sa pahayag
Halimbawa
a) Ang aking kapatid ay matangkad
b) Mataas ang kanyang takong
B. Tamang Pagpili ng mga Salita
Uri ng mga Mambabasa o Tagapakinig
a) Edukado
b) Bata
c) Kabataan
d) Matatanda
3 Anyo ng Salita
a) Likas- katutubong salita na pantawag sa tao, hayop, bagay, o lunan
Halimbawa: amain, aso, dagat, aklat
b) Likha- ito ay gawa o arkitektong guhit
Halimbawa: salinlahi, kapitbahay, silid-aralan
c) Hiram o Hango- Ito ay ang pangngalan na hiram sa dayuhang wika.
Halimbawa: tinidor, dyip, silya, kendi, mesa, kama, sahig, kwarto
C. Kahulugan ng Salita
Denotativ- likas o literal na kahulugan ng salita
Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!
Konotativ-ang mga salita ay nabibigay ng ibang kahulugan batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap
Ang anak nila Mang Pepeng ay dulingkung kaya pinagtatawanan sila ng mga kapitbahay
D. Kaangkupan ng Pananalita
Formal
Seryoso ang pagtatalakay sa paksa
Mga salitang umaayon sa tuntuning gramatikal
Dapat gamitan ng puspusang pananaliksik
Pinagbabawal ang paggamit ng jargon,balbal, kolokyal, at bulgar na mga salita
Mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aral ng
wika
Gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan
Kalamitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal
2 Uri ng Pormal na Salita
a. Pambansa
Mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing ipinapalabas sa buong kapuluan at lahat ng
paaralan
Halimbawa: kapatid, malaki, katulong
b. Pampanitikan
2. Mga salitang matatayof, malalalim, makukulay, at sadyang matataas ang uri
Mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika
Halimbawa: kapusod( kapatid), Malaki(ga-higante), katulong(katuwang)
Di- formal
Pinahihintulutan ang paggamit ng pansarili o personal na pahayag
Kabaligtaran ang taglay sa formal na paraan ng pagsasalita
Higit na gamitin
Mga salitang karaniwan at palasak sa mga pangaraw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga
kakilala o kaibigan
3 Uri ng Di-Pormal
a. Lalawiganin
Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinanggalingan
May mga kakaibang bigkas at tono
Halimbawa: malaki- dakula(Bikol), Ina- iloy(Bisaya), Habag-Piman(Ilokano)
b. Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pangaraw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsabi
Halimbawa
Pormal Kolokyal
Aywan Ewan
Piyesta Pista
Nasaan Nasan
c. Balbal
Noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw
maganda pakinggan
Kilala rin bilang salitang kanto o salitang kalye
Palabuuan ng mga salitang balbal
• Paghango ng mga salitang katutubo
Halimbawa: gurang, utol, buwang, hawot
• Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa: tisoy, tsimay, toma, sikyo
• Pagbabaliktad(buong salita)
Halimbawa: etnieb(beinte),yatap(patay)
• Pagbabaliktad(Papantig)
Halimbawa: todits, ngetpa, tsikot,lispu
• Nilikha
Halimbawa: paeklat(maeklat), espi(esposo), hanep(papuri)
• Pinaghalu-halo
Halimbawa: jinx(malas), weird( pambihira), bad trip (kawalang pag-asa)
• Dinaglat
Halimbawa: KSP(kulang sa pansin), SMB( style mo bulok), LOL(laughing-out-loud)
• Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay
Halimbawa: lagay(tong), Boga( baril), bangag(nakadroga)
Inihanda ni : Mary Ann Camille Ferrer
3. Relasyon ng Mga Ideya
"Kapag may kaisahan ang ideyang ipinapahayag, nagkakawing-kawing ang mga pangyayari o ang argumento sa isang pangungusap na
lilikha naman ng mga kawing-kawing ding ideya sa isang talata." Ito ay tinatawag na COHERENCE o KAISAHAN NG IDEYA
Ayon sa isang dalubwikang nagngangalang Willis (1964) may dalawang paraan kung paanong ang kaisahan ng pangungusap ay
mawala:
1.Sa pamamagitan ng pagpapaloob ng ikalawang sentrong ideya; at
2. Pagsasama ng isa o higit pang mga pangungusap na may detalyeng hindi kaugnay o malabo ang kaugnayan sa sentrong ideya ng
talata.
Kaisahan/Relasyon ng Mga Ideya sa Iba’t-ibang Uri ng Talata
Talatang ekspositori
Tunay na mahirap makakita ng tunay na kaibigang dadamay sa iyo sa kagipitan. Madaling magkaroon ng mga kaibigan ngunit
kung minsan ay talagang mahiwaga ang buhay, baka kaibigan lamang habang may gata at kapag wala ay kasira. Maaaring sa
paningin mo ay tunay ka niyang pinagmamalasakitan, iyon pala ay may tinatanaw lamang siyang kapalit. "Talagang-talagang
minamahal kitang kaibigan," ganito ang sasabihin sa iyo ngunit hindi tunay na matapat sa kanyang kalooban sapagkat `pag
nakatalikod ka ay pinipintasan ka.
Talatang palarawan
Si Padre Florentino ay mula sa isang tanyag na angkan. Bagama't siya ay walang hilig sa pagpapari, siya'y pumasok sa
seminaryo bilang pagsunod sa kanyang ina. Bilang pari, si Padre Florentino ay mahinahon, may malamig na kalooban,
magalang at matapat sa kapwa kaya naman maging Pilipino ay Kastila ay gumagalang sa kanya.
Talatang palahad
"Sa pagwawari ko'y ang maliwanag na kahulugan ng sining ay ang pagpapalagay na ito'y pagpapahayag ng nakalulugod at
panatilihing kasiglahan sa buhay. Ito'y totoo sa anumang uri ng sining na nalikha ng tao sa kaniyang pagkatha ng dula, pag-ukit
ng larawan sa kahoy o bato – sapagkat ang paglikha ay galing sa pagkalugod sa isang lagay ng buhay at ang pagkalugod ay
lalong malalim at mataas kaysa dinanas ng ibang tao, mayaman at mahirap, bata at matanda, may puti mang balat o kulayan,
higante man o pandak sapagkat nabatay sa magandang karanasan ang maligayang buhay. At ang lahat sa kalikikasang ito ay
kapiling ng magandang karanasan ayon sa kung gaano kalawak at kabukas ang isip ay kung gaano kataimtim ang damdamin."
Tunay ngang masasabi nating tagumpay lamang ang anumang uri ng pagpapahayag kung ang mga ideyang nakapaloob sa mga
pangungusap na ginamit ay magkakaugnay at nagtutulungan upang bumuo ng isang talata o lumawig ang isang diskurso.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtiyak sa pangunahing ideya na siyang patutungkulan ng mga pangungusap pasalita man o
pasulat
Inihanda ni :Reynalyn Navales
4. MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING PAGPAPAHAYAG
1. Linaw – tumutukoy ito sa katangian ng pagpapahayag na kung saaan madaling maunawaan bagaman gumagamit ito ng mga
matatalinghagang salita o idyomatikong paraan ng nagpapahayag. May malinaw na paglalarawan at pagbibigay ng katangian
ng isang tao, bagay, lugar o pangyayari upang maiwasan ang kalituhan ng mga nakikinig o bumabasa.
Halimbawa:
Masayang binabagtas ni Von ang daan pauwi sa bahay nila ng walang anu-ano’y binulaga siya ng isang maganda at
makulay na ibon. Labis siyang nabighani sa tila bahagharing kulay ng mga pakpak nito at ang lamyos ng huni nito na tila nag-
aanyayang matulog ang sino mang dito’y makarinig. Alam ni Bon na maraming kababalaghang nangyari sa lugar na iyon kaya’t
binilisan na lang niya ang lakad at hindi na pinansin pa ang ibon.
2. Puwersa – nadadala nito ang emosyon buhat sa kung ano ang nais iparating ng pahayag. Isa itong estilo na ginagawang buhay
ang isang patay na pahayag.
Halimbawa:
Labanan mo ang pagdurusang sa ‘yong puso’y bumabalot. Ilabas at wag kimkimin ang hinanakit na alam mong s’yang
tanging magpapaluwag ng bigat sa ‘yong dibdib. Sige... lumuha ka, hayaan mong bumalisbis ang kirot at hapdi na nasa iyong
puso.
3. Kagandahan – ang isang pahayag ay nagtatalay ng kagandahan kapag nagawa nitong mapukaw at mapanatili ang kawilihan ng
mga mambabasa o tagapakinig. Paano ba matatamo ito . Una, kailangan magkaroon ng kasanayan sa pagbuo ng pahayag.
Halimbawa:
Ilang beses ko nang nakita ang mukha ko sa salamin . Ilang beses ko nang nakita ang mukha ni Karl na kaparehas ng
mukha ni Karl nakikita ng iba... tulad ng sinasabi ng iba.
Maraming Beses ko nang nalaman na ilang taon na ang gustong makipagkaibigan sa akin ngunit natatakot. Oo nga
naman... dahil sa taglay kong makapal na kilay at tila nanlilisik na mga mata. Isama mo pa ang kapansin-pansin kong
katangkaran. Minsan nga raw ay napagkamalan akong miyembro ng isang kinakatatakutang grupo. Ang mukha ko pa ay higit
na matanda sa tunay na gulang ko.
4. Katapatan – masasabi nating tapat ang pahayag kung wasto o tumpak ang ideyang nilalaman ng kapahayagan. Bagaman
nasasalamin sa pahayag ang pagiging piksyunal, makikita pa rin ng mga realidad sa tunay ng buhay. Isinasaalang-alang din dito
ang kawastuhang panggramatika gaya ng wastong gamit ng salita , ang pagkakaugnay ng mga salita sa pangungusap at iba pa.
Halimbawa:
Kitang kita nya sa kanyang panaginip kung paano binaril sa Bagumbayan si Dr. Jose Rizal. Noon ay umaga ng Disyembre,1898
at sa gitna ng maraming nag-uusyusong tao ay kabilang siyang nakikiusyoso. Mga usyuserong nagtataglay nang magkahalong
emosyon ng galit, ng tuwa at takot.
5. Karakter – Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng pahayag. Sumasagot ito sa tanong na : “Ano ang ipinagkaiba nito sa iba pang
kapahayagan?” Mababakas dito ang katangian taglay ng isang tagapaghayag, maaring seryoso at diretso ang paglalahad ng
ideya o maaring mapagpatawa o maligoy sa kanyang pagpapahayag.
Halimbawa:
Ang kabataang ito ay naiiba sa karamihan. Mulat siya sa katotohanang nagaganap sa kanyang paligid. Pinipilit niyang huwag
magbingi-bingihan sa hinaing ng mga kapus-palad niyang kababayan- kahit ang mga kaedad niya’y sadlak sa pagtamasa ng
kaligayahan dulot ng kamunduhan. Iba siya at ito’y alam niya at paninindigan niya.
Inihanda ni: Edje Ambas