Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
Isyu vollxv-no2
1. iSYUiSYUiSYUiSYUiSYSYUiSYUiSYUiSYUiSY
iSYUiSYUiSYUiSYUiS
SYUiSYUiSYUiSYUiSY
iSYUiSYUiSYUSYUiSYUiSYUiSYUiSY
iSYUiSYUiSYUiSYUiS
UiSYUiSYUiSYUiSY UiSYUiSYUiSYUiSYU
iSYUiSYUiSY
iSYUiSYUiSYUSYUiSYUiSYU
iSYUiSYUiSYU
SYUiSYUiSYUiSYUiS
kagustuhan na rin mismo ng maykapal, naging isang ganap na director
siya nito nang minsang walang magdidirek ng isa
nilang dula. At pagkatapos ay binuo niya ang
TUPAS na isa sa mga kumpanyang kabahagi ay
ang BAHNAAG Theater Company.
Wala na marahil hihigit pa sa pag-ibig ni
Kuya Mau sa teatro dahil sa katunayan, mula
taong 2005 hanggang kasalukuyan, nakaanim
na matatagumpay na produksyon ang TUPAS na
tumatak talaga sa isipan ng mga manonood
nito. At marahil sa mga darating pang
mga taon ay lalo pang darami ang
maipagmamalaki nilang mga dula at
mas iigting ang pundasyon ng mga
kwento’t impluwensiyang nililikha
para sa mga kapwa TUPian.
PAGBALANSE NG SARILI: SA
LOOB AT LABAS NG TABING
Napakahirap pagsabayin at
balansehin ang gawain sa loob at labas ng tabing, higit pang mga bagay
sa iisang oras at panahon. Higit lalo sa isang gaya ni Kuya Mau na kung
ika nga’y isang full time student at isang full time artist. Siya na sa likod
ng kurtina’y director - perfectionist, istrikto, masungit. Ngunit sa labas
ng teatro ay kaibigan ng marami.
Sabi nga ng ilan, kapag ika’y naiipit sa ganitong uri ng sitwasyon, ang
atensyon ay nahahati. Nang mabigyan ang bawat layon at organisasyong
kinabibilangan ng pantay na oras, atensyon at pagmamahal. Maraming
dapat iprayoridad, maraming dapat bigyang halaga’t importansiya. Sa
madaling sabi, para mo na ring binibiyak ang iyong pagkatao sa maram-
ing bahagi.
PAGTATANGHAL: ISANG MAHABANG KALBARYO
Ang teatro sa TUP ay tunay ngang isang mahabang kalbaryo.
Nangunguna sa kanilang listahan ang marketing ng buong play.
Kakulangan sa badyet na sa kamalasa’y tulung-tulong na lang sila sa
Ang teatro’y kinatatampukan ng iba’t ibang mga aktor. Mga taong di
lamang inatasa’t pinanutong husto nang magampanan nang maayos ang
papel sa entablado. Kundi ang mga actor na ito’y mga dinamikong or-
ganismong nagkakaroon ng mabining pakikipag-ugnayan at interaksyon
sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na
pinamamalas: ang baway pilantik ng mga daliri, yakag ng mga kamay,
sukat na imbay ng mga braso, banayad na pagtaas-pagsayad ng mga paa
sa lupa, kunot ng noo, ngiwi ng mukha. Mga aktor na nagsisilbing tulay
sa pagpapalaganap ng kamalayang muhon ng pagtanggap ng tao sa kaisa
niyang mundo, sa daigdig na kanyang kinabibilangan.
PAGSILIP SA LIKOD NG TELON
Sa pagtatapos ng pagtatanghal, hindi ba sumagi sa ating isipan kung
ano kaya ang mga nagaganap bago bumukas ang tabing? Ang mga
paghahanda sa bawat pagtapak ng kanilang paa sa entablado? Anu-
anu kaya ang mga tuwa’t hirap na nagkukubli sa bawat arteng kanilang
ipinapakita? Paano naman kaya nila nababalanse ang kanilang sarili
bilang isang mag-aaral at bilang isang actor?
Ang atin lamang namamalas ay ang harapang mukha ng kurtina ng
teatro. Ngunit sa dakong likod nito, anong misteryosong tagpo kaya ang
nagaganap doon?
Halina’t samahan ninyo kami sa paghawi ng telon, sa pagtuklas at
pagsalamin sa totoong mukha ng teatro sa TUP sa likod ng kurtina, sa
entabladong walang ilaw.
ALING PAG-IBIG ANG HIHIGIT KAYA?
Sa simula pa’y nakalimbag na sa ating mga puso’t isipan ang mga
angking naisin. Ang sining at drama sa teatro na marahil ang siyang na-
kaukol para kay Maurelio C. Cabo, Jr. mas kilala sa tawag na Kuya Mau,
Stage Director ng TUP Artist’s Society (TUPAS).
Ngumiti ang kapalaran para kay Kuya Mau nang minsan siyang im-
bitahan ng SEXTER na umarte para sa isang adbokasiya sa Drug Abuse.
Hanggang sa magtuluy-tuloy ang tawag ng larangan, at siya’y naging
kabahagi ng Bahaghari, ang aktibong teatro noon sa TUP. Noong una’y
mariin niyang ipinagdiinan sa presidente ng Bahaghari na siya’y ma-
giging isa lamang scriptwriter ng pangkat sa kadahilanang mayroon si-
yang stage fright. Subalit nakatakda na marahil sa kanyang mga palad at
sundan sa p8
VOLUME LXV NO.2
iSYU
2009-2010Arte. Sining. Drama. Iyan ang Teatro.
Iba’t ibang mga putahe ang inihahandog sa atin ng teatro. Isang sining na nagbibigay kasiyahan sa lupon ng mga manunood mula sa
manuskrito hanggang sa pagladlad ng mga linya at pag-arte sa saliw ng musika at kwento mula sa unang hakbang hanggang sa pag-
abot sa rurok ng tagumpay.
TEATRO SA TUP:
PAGTUKLAS SA ENTABLADONG
WALANG ILAW
Sa panulat nina: Christian Joseph Ambong, Gizell Ganit,
Christopher Rosales at Salve Gina Totanes
2. Lipad Gray Hawks:
Ang Takbo ng Laro ng mga Atletang TUPian
Sa panulat nina: Jenilyne Pumaris at Brian Fabregas
Isports, hindi lang isang libangan kundi isang paraan upang maipakita at mahasa ang galing at talentong TUPian.
Sa bawat pawis na pumapatak, sa pagod na nararamdaman at galing na ipinapamalas ng bawat manlalaro ay nagkukubli
ang kaligayahang nag-uugat sa tagumpay ng isang laban. Laban na ginagamitan ‘di lamang ng pisikal na kakayahan kundi
pati ng disiplina at tamang asal. Ang isports ay isang aktibidad o labanan gamit ang pisikal at bilis ng depensa ng manlalaro.
Dahil likas na sa ating mga Pilipino ang kawilihan sa isports, lumalaki na rin ang bilang ng mga atletang Pinoy na patuloy na
nagbibigay ng malalaking karangalan sa bawat institusyong kanilang kinabibilangan.
Isa na rito ang ating unibersidad na siyang maituturing na lunduyan ng matitibay na atletang-TUPian. Subalit, lubusan na
nga ba itong suportado hindi lamang ng administrasyon kundi pati na rin ng mga estudyante at mga propesor? Kasabay nga ba
ng mga manlalarong ito ang pag-angat ng pamantasan tungo sa mataas na paglipad ng mga Gray Hawks?
Oras ng training
Ang taktika sa laban ng isang manlalaro ang nagsisilbing
paraan niya upang umangat at manalo. Katulad din nito ang
ginagawang paghahanda ng mga atletang TUPian at nariyan
na nga ang kanilang training. Bagaman kulang sa pahinga,
patuloy na gumugugol ang bawat manlalaro ng sapat na oras
para sa kanilang weekly training. Humigit kumulang tatlong
oras bawat araw pagkatapos ng kanilang klase tumatagal ang
kanilang pag-eensayo para sa mga pinaghahandaang kompeti-
syon. Kulang na kulang ang tatlong oras bilang paghahanda sa
mga malalaking kompetisyon. Buwan din ang bibilangin bago
masabing handa na ang mga pambato ng ating unibersidad. Sa
gitna ng hirap na dinaranas nila ay dobleng pagpupursigi ang
kinakailangan nilang isakripisyo sa mga ganitong oras.
Pagsasakripisyo para sa pangarap
Pagod, pawis at pagsasakripisyo.
Mga bagay na namumutawi sa mga atletang-estudyante sa
oras ng kanilang pag-eensayo. Batid naman ng lahat ang ba-
wat sakripisyo nila sa pagitan ng kanilang pag-aaral at kom-
petisyon na kailangan nilang harapin. Hindi lingid sa kaala-
man ng marami na ang ilan sa mga atleta ay hindi makuhang
higitan ang kanilang responsibilidad bilang mga estudyante.
Ayon sa aming pakikipanayam kay volleyball coach Jonathan
Lopez, hindi nila pinamimihasa ang bawat atleta ng TUP na
makulong na lamang sa paglalaro ang takbo ng kanilang mga
buhay. “Hangga’t maari dapat iwasan nilang magkaroon ng
failing grades, kundi automatic silang mawawala sa varsity,”
aniya.
Hindi pa rin mawawala sa kanilang mga pasanin ang prob-
lema nila sa pag-aaral: ang hindi raw pagbibigay ng ilan sa
mga propesor nila ng pagkakataong ma-excuse sa klase sa
oras ng kanilang mga pagsasanay at maging sa oras ng kom-
petisyon mismo. “Minsan nga kami pa ang nakikiusap sa mga
professors para i-excuse yung mga players natin, may ilan
din na kahit may university order na ayaw talaga pumayag,”
dagdag pa ni coach Lopez. Mahirap man para sa mga atleta
ang kanilang sitwasyon sa pagsasabay ng dalawa sa kanilang
mga pangarap sa buhay, nananatili pa rin ang pagpupursigi
at determinasyon upang matimbang nila ng maayos ang da-
lawang mundong ito. At para sa kanila, ang kanilang pagsa-
sakripisyo ay may malaki at magandang maidudulot hindi
lang pansarili kundi para sa buong pamantasan.
Sarap pagkatapos ng hirap
Malaking bagay ang isinusugal ng bawat manlalaro sa oras
ng kanilang mga laban. Oras, pagod at pag-aaral ang nakataya
ISYU2
3. kaya naman dobleng pagsusumikap ang kinakailangan upang
makapag-uwi ng karangalan hindi lamang para sa paman-
tasan kundi pati na rin sa pribilehiyong kapalit ng kanilang
tagumpay.
Katambal ng programa ng pamunuan ukol sa varsity ay ang
scholarship grants na ipinagkakaloob sa ating mga manlalaro.
Subalit ang ilan sa mga pribilehiyong tulad ng allowance,
transportasyon, supplies and equipments at food allowances
sa oras ng kompetisyon ay limitadong ipinagkakaloob sapag-
kat sa bilang ng ating mga manlalaro ay kulang na kulang ang
Php 100.00 na athletic fee upang matugunan ang mga gani-
tong pangangailangan ng ating mga manlalaro. Sa kabilang
dako, ang mga manlalarong nagpapakitang gilas at nakapag-
uuwi ng karangalan ng TUP sa mga kompetisyon ay tinutus-
tusan ng athletic scholarship sa loob ng isang semestre. Kapag
ang isang atleta ay nakasungkit ng gintong medalya sa laban,
nagiging libre siya sa binabayarang tuition fee at miscella-
neous fee sa unibersidad; 50 porsiyentong matrikula at libreng
tuition naman sa makapag-uuwi ng pilak at libreng tuition na-
man sa makakakuha ng tansong medalya.
Opensa ng manlalarong TUPian
Sa gitna ng mainit na kompetisyon, magkahalong lungkot,
kaba at sabik ang karaniwan nilang nararanasan. “Marami
kaming pangangailangang dapat mapansin ng university na-
tin ngayon pagdating sa mga varsity na tulad namin” ani ng
isang manlalarong si Gimo (hindi tunay na pangalan). Sa am-
ing pakikipanayam sa kanya, naisiwalat niya ang malaking
pagkukulang sa suporta ng pamantasan sa ating mga atleta
ngayon. Mabigat na pasanin ang ganitong bagay na kanilang
pinasok, kaya naman ang iba sa kanila ay nagdadalawang isip
pa makilahok dito. Bagay na pinatunayan ng isang coach na
nagpapatago sa pangalang coach X.
“Maraming anggulo ang hindi maganda sa players, coach-
es at administrasyon,” sambit niya. “Walang room, para kam-
ing basahan.” Bukod sa kakulangan ng suportang pangpinan-
siyal, ang mga atletang TUPian ay may dobleng inggit pang
nararanasan sa oras ng kompetisyon.
Depensa ng administrayon
“The idea of developing sports goes hand in hand with de-
veloping the athletes physically, mentally, socially, emotional-
ly, morally, spiritually and aesthetically. Players will develop
their teamwork, harmonious relationship, respect to officials
and other values.”
Ito ang sinabi ni Dr. Robert Milton A. Calo, Sports Direc-
tor bilang pagpapa-abot sa lahat ng magandang adhikain ng
ating varsity. Subalit maraming ispekulasyon at katanungan
pa rin ang ating mga kapatid na TUPian ukol sa mga isyung
kinasasangkutan nito. Ayon kay Dr. Calo, napupunta nga
ito sa pondo nila ngunit idiniin niya na kulang talaga ang
100 piso para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng
buong varsity. “One hundred pesos is not enough to support
the sports development and needs of our varsity.” Idinagdag
pa niya na kung kakayaning itaas ang halaga ng athletic fee
hanggang Php 300.00 man lang ay sasapat na ito upang mas
masuportahan ang bawat manlalaro sa pampinansiyal na as-
peto. Pinabulaanan din niya ang mga varsitarian kabilang na
ang mga coaches na nagsasabing kaya maraming mag-aaral
ang nagdadalawang-isip na sumali sa varsity ay dahil wala
namang nakukuhang benepisyo. “There are things which are
better said than done and there are things which are better
done than said. Katulad din ng shallow water runs noisy and
deep water runs silent,” sagot niya.
Kung tatantiyahin, ang ibinabayad ng bawat TUPian ay di
hamak na maliit o mura kumpara sa malaking halagang ibina-
bayad ng ibang unibersidad para sa athletic fee. Isang magan-
dang halimbawa na lamang dito ay ang Rizal Technological
University. Naging malaking usapin ang biglaang pagtaas sa
singil ng kanilang athletic fee na umabot sa P500.00 kumpara
sa P100.00 na mula sa matrikula ng bawat mag-aaral ng ating
unibersidad.
Tuloy pa rin ang laban
Sa kabila ng maraming pagkukulang, mga di kanais-nais
na gawai’t mga pangyayari at di-inaasahang kaganapan sa
loob ng varsity, tayo bilang mga simpleng estudyante, hindi
man tunay na manlalaro, ang susi sa tagumpay ng isports na
tatak TUPian. Sa suporta ng bawat isa ay mapapalakas natin
ang loob, tiwala at kumpiyansa ng isang manlalaro, tungo sa
matagumpay na laban para rin sa ating lahat. Ang katapatan
at responsibilidad ng pamunuan ay magmumula sa ating mga
palad. Ito’y mula sa ating tinig, sa boses na pilit isinisigaw
tungo sa tamang hakbangin ng nakatataas. Ang tagumpay ng
varsity ay hindi lamang magmumula sa mga manlalaro kundi
mula rin sa bawat estudyante, coach at propesor ng ating paar-
alan. Ang kontribusyon ng lahat ang magpapalakas ng pang-
kat ng atletang TUPian. PA
ISYU 3
4. Balakid sa mga Pangarap
Sa Pilipinas, ang patuloy na pagtaas ng tuition fee ang pan-
gunahing dahilan kung bakit napipilitan ang mga estudyan-
teng pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral sa kabila ng
kawalan ng trabaho ng mga magulang.
Sa pamamagitan ng mga student jobs ay kaya ng matustu-
san ang sariling pag-aaral at iba pang personal na gastusin ng
isang mag-aaral.
Suliraning Kinakaharap ng mga
Student Assistant
Sa pagdami ng gawaing pang-akademiko at ng trabaho, tu-
mataas din ang antas ng kapaguran ng isang working student.
Sila ay nakararanas ng iba’t ibang sakit o disorders tulad ng
insomnia at depresyon. Kinakaharap nila ang paglimot sa pag-
gawa ng iba pang mahahalagang bagay sapagkat naibubuhos
ang kanilang oras sa ibang bagay na sa tingin nila ay mahalaga
rin ngunit hindi pala.
“Minsan, kapag kailangang mag-overtime sa klase para sa
mga make-up classes, di na nakakapag-SA. Kaya pinagbubuti-
han ko na lang sa susunod na araw, para yung dapat matapos
nung araw na absent ako eh, mabilis pa ring natatapos nang
maayos,” sagot ni Divine, isang SA, sa isang panayam.
Iba’t ibang Mukha ng Student Assistant
Maging Library Assistant
Ang magiging trabaho mo rito ay magmatyag ng mga
estudyanteng pumapasok sa silid-aklatan, maglista ng mga
hihiraming aklat at siguraduhing walang nasulatan at napu-
nit na pahina. Kung mag-aapply ka bilang library assistant,
ang pagiging masinop, pagkakatanda sa ayos ng mga aklat at
ang pagiging masipag mo ay maaari mo ng maging puhunan
sa pagpasok bilang library assistant. Kapag natanggap ka na,
nasa harapan mo na ang mga librong susi sa hinahangad mong
kaalaman.
Maging Computer Laboratory Assistant
Kadalasan, second or third year students ang mga com-
puter laboratory assistant. Libre ang paggamit ng computer
dito. Ang magiging trabaho mo rito ay manmanan ang mga
estudyanteng gumagamit ng computer, kinakailangang sigu-
raduhin na walang ibubulsang keyboard o mouse, o kaya na-
man monitor o di kaya’y pagkakasya sa bag ng CPU.
Maging Student Janitor
Kung gusto mong mag-aral sa araw at magtrabaho sa gabi,
pwede kang maging student janitor. Nagsisimula ang trabaho
mo kapag tapos na ang lahat ng klase. Sipag at tiyaga lang
ang kailangan. Dapat ipakita mo rin na mapagkakatiwalaan
ka para panatag ang paaralan na walang mawawala o masisira
kung maglilinis ka ng silid-aralan at mga opisina.
* * *
Ang pinakamabigat na dahilan kung bakit maraming
estudyante sa kolehiyo ang nagtatrabaho ay upang maagang
kumita ng pera. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang pan-
gungutang at ang pagbabadyet nang maayos ay maisakatu-
paran. Nakapupulot din ng mga karanasang hindi matatawaran
at nagsisilbing daan upang mamulat sa mas mataas na kalidad
ng gawain. Ito rin ay nagbubukas ng pinto sa pagkakakilan-
lan ng mga tao. Ang isang mahusay na working student ay
napapansin at nabibigyang oportunidad upang magkaroon ng
magandang trabaho pagkatapos mag-aral.
Student Assistant:
Isang TEKnik sa Pag-ahon
Isinulat nina: Ma. Edalyn M. Reduta, Syne R. Mirasol, Sharon B. Ditucalan
Tunay na Mukha ng Buhay
Alam natin na ang edukasyon ay isa sa pinakamahala-
gang kayamanan nating mga tao. Ito ang tanging pamana
ng ating mga magulang na hindi basta-basta makukuha ninu-
man. Isinisiksik sa utak ng kabataan at laging bukam-bibig
ng karamihan na upang tayo’y maging matagumpay sa bu-
hay, kailangan nating makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit
nakalulungkot isipin na isa sa mga dahilan kung bakit kara-
mihan sa kabataang Pinoy ay hanggang high school lang ang
natatapos dahil sa kahirapan ng buhay. Kung isa ka sa mily-
un-milyong kabataan na hindi kakayanin ng mga magulang
ang pagkokolehiyo dahil sa mahal at maraming gastusin sa
pag-aaral, ano ang iyong gagawin?
ISYU4
5. Sa kabila ng puspusang pagseserbisyo, may mga benepisyo
na matatanggap ang isang SA. Sa dalawang magkasunod na
semestre ng pagiging SA ay maaaring pagkalooban ng 100%
na diskwento sa matrikula. Kasama na rin dito ang karagda-
gang karanasan at panibagong mga kaibigan at ang bayad na
P20.00 kada oras.
Hindi rin maiiwasang maging bugnutin dahil nakatuon ang
kanilang utak sa seryosong pag-aaral kasabay ng kanilang
mahusay na pagtatrabaho. Ang bagay na ito ay nangyayari sa
mga SA na nagsisimula pa lamang sa pag-aangkop ng sarili sa
mga pagbabagong masasabi nating hindi ganoon kadali. Ang
pagod mula sa trabaho ay isang dahilan kung bakit hindi na
sila nakapag-aaral at nakatutugon sa mga pangangailangan sa
klase pagdating sa bahay.
Katangian ng isang Student Assistant
Kung ninanais mong maging SA, kinakailangang bonafide
student ka ng unibersidad at may mahigit sa 18 units kada
araw o mahigit 12 units kung pang-gabi. Mahigit isang taon
na nag-aaral sa unibersidad at kinakailangang walang bagsak
sa anumang asignatura kasama ang PE at NSTP. Ang mga
may dropped subject ay maaring maging case-to-case basis
depende sa rason at sitwasyon ng estudyante. May sapat na
husay sa pagsasalita at pagsusulat. Ang pagliban sa trabaho
ay kinakailangang hindi humigit sa 15% oras kada buwan
(tatlong sunod-sunod na pagliban). Kinakailangang hindi ito
iskolar ng ibang foundation. Kinakailangang makakumpleto
ng sampung oras kada linggo. Ang mga first year students ay
hindi inaanyayahan na mag-apply at mga may OJT at Off-
campus na estudyante ay hindi rin pinapayagan.
Kaya mo ba ito?
Matapos nating makita ang papel ng mga SA, tunghayan
naman natin at alamin ang buhay ng ilang natatanging
estudyante sa ating unibersidad.
Pagkilala kay Carol
“Hindi mahirap ang maging student assistant hangga’t sa
gusto mo iyong trabaho at masaya ka habang ginagawa ito.”
Hindi mahirap ngunit hindi ibig sabihin na ganoon na la-
mang kadali para kay Carol ang magbanat ng buto bilang stu-
dent assistant kasabay ng paggugol ng kanyang oras sa pag-
aaral bilang mag-aaral ng Civil Engineering Technology sa
ikalawang taon. Ang pagmamahal at job satisfaction ang nag-
ing puhunan at pundasyon ni Carol upang patuloy na tahakin
ang landas na napili. Naging gabay niya ang pagkakaroon ng
time management sa pagresolba ng kanyang mga problema sa
paghahati-hati ng kanyang gintong panahon sa lahat ng bagay
na dapat pagka-abalahan.
Sa pagdaan ng panahon at habang si Carol ay nakakapit pa
rin sa pagiging SA, hindi maiiwasan ang magkaroon ng ilang
pagkakamali sa kanyang pagtatrabaho. Ngunit gayon pa man,
respeto, pagtitiwala at pagturing sa kanya bilang bahagi ng
opisina ang ibinibigay sa kanya ng taong kanyang pinaglil-
ingkuran.
Itinuturing ni Carol na isang magandang pribelehiyo ang
kanyang pagpasok sa nasabing trabaho at higit sa lahat ay ini-
enjoy niya ang pagtatrabaho bilang SA. Nang amin siyang
nakapanayam, sinabi n’ya na ang pag-ayaw sa kanyang napil-
ing karera ay hindi pa niya nagawang planuhin at maisip man
lang. “Nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Magandang privilege
ito para sa’kin, so bakit ako magku-quit?”
Ang pamilya at ang kanyang pag-aaral ang nagsisilbing
inspirasyon ni Carol upang ipagpatuloy ang pagiging SA. Bi-
lang SA, hindi maitatatwa ang kanyang natatanggap na ko-
mento mula sa iba’t ibang tao. May mga masaya para sa kanya
at meron din namang nagsasabing astig siya dahil nagagawa
niyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Sabi naman ng
iba’y puros na lamang siya trabaho at hindi na nagagawang
magkaroon ng oras para sa mga kaibigan.
Sa kaunting oras na siya ay aming nakapanayam, ngiti,
pag-asa at kawalan ng pagod ang nakita namin kay Carol.
Isa lamang ang kanyang gustong iparating, na hindi mahirap
gawin ang isang bagay kung nasa puso ang pagtatrabaho.
***
Iba’t ibang paraan ang naiisip ng tao upang matugunan o
magkaroon ng satisfaction sa sarili. Hindi lahat ng mag-aaral
ay suportado ng kani-kanilang mga magulang. Mapalad ang
estudyanteng galing sa bulsa ng mga magulang ang perang
iginugugol sa matrikula. Sa kabilang dako ay mas mapalad
ang mga working students na kinabibilangan ng SA at iba pa
kung saan sila rin mismo ang nakikinabang sa mga karanasan
at kaalamang natatamo sa bawat araw ng pagtatrabaho.
Walang mahirap na gawa kung may tiyaga. PA
ISYU 5
6. USG Election:
Bintana ng Pagbabago?
Sa pananaliksik nina Ma. Roan Barredo, Joemar Papa, Christine Chua
Ang eleksyon ay parang isang audition sa talent search. Kung hindi mo taglay ang lahat ng qualifications, hindi ka nararapat
manalo.
Pagkainip. Ito ang damdaming patuloy na nangingibabaw sa nakadungaw na puso’t isipan ng isang TUPian na uhaw sa pagkakaroon ng
tunay na pag-unlad. Isang pagbabagong dapat na simulan ng isang bagong lider na may kakayahang makita ang lahat ng pangangailangan ng
kapwa nya TUPians. Isang lider na magsisilbing sigaw sa mga maling sistemang dapat gawan ng planadong resolusyong tutuwid sa lahat. Ya-
ong taglay ang pusong kakabog sa mga piping hinaing ng mga estudyanteng iisa lamang ang hangad, ang mabuksan ang bintana ng tunay na
lider at tunay na pagbabago.
Ang COMSELEC
Ang TUP Electoral board ay kinikilala bilang Commission on Stu-
dent Election na kinabibilangan ng mga student volunteers mula sa
iba’t ibang kolehiyo ng unibersidad. Mula rito, pipiliin ang mga karapat-
dapat na umupo sa posisyon bilang Chairman, Vice Chairman, Secretary
at Committee Heads sa screening, finance, publicity at canvassing.
Nais mo bang maging bahagi ng Comselec?
Una, dapat ay isa kang bonafide o tunay at matagal ng estudyante ng
ating unibersidad. Dapat ay taglay mo ang kinakailangang bilang ng
units na itinakda ng Registrar’s Office at walang anumang bagsak na
grado sa nakaraang semestre. May maayos na kalusugan. Kung maari
ay isang aktibong opisyal o kasapi ng anumang akreditadong organ-
isasyon ng unibersidad at higit sa lahat ay walang pinapanigang partido
habang kasalukuyang bahagi ng Comselec.
Kasabay nito, ang pagiging parte ng Electoral board ay may mga
layuning gampanan, panatilihin, gawing maayos at matagumpay ang
eleksyon.
Samantala, ang Comselec ay may mga nakaatang na misyong dapat
na panghawakan. Responsibilidad nila ang magplano ng election
calendar, isang talaan kung saan ipinapakita ang lugar at petsa ng
pagbobotohan. Tungkulin nilang ipatupad ang mga probisyon sa
malayang pagboto ng mga estudyante at bantayan ang daloy ng eleksyon.
Ito rin ang nagpapakalat ng mga impormasyon sa naturang eleksyon at
nagsasagawa ng Certificate of Candidacy at USG positions. Pagkatapos
nito ay ang pagsasala sa lahat ng mga aplikante sa pagkakandidatura at
ang paghahayag ng mga kwalipikadong kandidato. Responsibilidad din
nilang ihanda ang mga lugar ng pagbobotohan kasabay ng pagtatalaga ng
mga commitee sa naturang lugar. Kahit ang pagdedeklara at pagpapaskil
ng listahan ng mga nanalo sa pagkakandidatura at ipinapasa ito sa OSA
at sa iba pang kinauukulang awtoridad.
Ang PUSO at ang ASAP Party
Malaking bahagi ng eleksyon ang pagkakaroon ng partido ng mga
kakandidato. Ilan sa mga partidong aktibo at kinikilala sa ating uniber-
sidad ay ang partidong PUSO at ASAP.
Sino ba ang dapat na paniwalaan?
Ang Pagkakaisang Uunlad Tungo sa Serbisyong Progresibo (PUSO)
ay unang nabuo noong 2006. Pawang nagmula sa pwersa ng Accredited
Club and Students Organization (ACSO) ang bumuo sa naturang partido.
“Abilidad, Kredibilidad at Responsibilidad”, ito ang nagsilbing opisyal
na slogan ng kanilang grupo. Isang malinaw na pagpapahayag na ang
kanilang partido ay hindi basta-basta lamang kumukuha ng kandidatong
walang sapat na kakayahan na maging student leader. Ipinakilala rin ng
partidong PUSO ang kanilang mga slogan na “Certified PUSO Party”
at “Say Yes to PUSO”. Ipinakikita nito ang matibay na samahan at apoy
ng malinis na hangarin ng partido na hindi mamatay kailanman. Nag-
ing prayoridad nila ang manatiling galing sa PUSO ang tapat at narara-
pat na maglingkod sa ating unibersidad at patunayang hindi matitinag
sa kahit anong pagsubok na kanilang pagdaraanan. Para sa kanila, ang
buong PUSO ay simbolo ng pagkakaisa, at patuloy at tuloy-tuloy na
progresong pro-student lamang.
Aming kinapanayam si makaPUSO, kasapi ng partidong PUSO,
upang hingin ang kanilang panig at opinyon hinggil sa nalalapit na
eleksyon. Ayon sa kanya, ang layunin ng kanilang partido ay ang
maglingkod at tumulong sa minamahal nating unibersidad. Sambit niya
na sa bawat partido, hindi talaga maiiwasan ang mga paninira. Ang
pagiging tahimik ng kanilang partido ang magpapatunay lamang na wala
silang ginagawang kasiraan sa kalaban at anomalyang kinasasangkutan
sapagkat naniniwala sila sa patas na labanan.
Samantala, noong Agosto 2001, isang primyadong organisasyong
pulitikal na nagngangalangAlliance for Renewed TUP o START-UP ang
nabuo at pinamunuan ni James Edward Taruc. Subalit noong ika-20 ng
Enero 2003, dulot ng kagustuhang magkaroon ng mas magandang pag-
babago ay napalitan ito bilang Alternative Student Alliance for Progress
o ASAP. Ang ASAP ay isang organisasyong pulitikal na humahawak
sa iba’t-ibang estudyanteng kasapi o opisyal ng ACSO upang sanayin
na maging bahagi ng USG. Ang ASAP ay isang tahanang nagsisilbing
lugar sa mga student leaders upang magbahagi at makipagpalitan ng
kaalaman sa pag-unlad ng kakayahang mamuno at mangasiwa. Layunin
ng ASAP na bigyang pansin ang kahalagahan ng mga estudyante bilang
TUPians sa pamamagitan ng isang demokratiko at maka-estudyanteng
pamumuno at mapanatili ang kaayusan ng mga state scholars at hindi
ng mga taong may mapaniil at makasariling interes.
Sa amin namang panayam kay MakaASAP, kasapi ng partidong
ASAP, ang adhikain ng kanilang partido ay tulad din ng karaniwang
gusto ng mga TUPian, ang pagbabago dulot ng magandang pagliling-
kod. Ayon sa kanya, ang pagpili ng mga kasapi ay hindi naman talaga
nakabatay sa kung ano mang credentials ng isang tao. Sa panahon ng
eleksyon, hindi nawawala ang mga siraan pagdating sa pangalan ng ba-
wat partido. Ang mga away na nagaganap noon ay nagmumula lamang
sa mga nakaraang away ng nakaraang mga lider at naipapasa lamang sa
kanila. Kung tutuusin ay wala namang gaanong pagkakaiba ang adhikain
ISYU6
7. nila at ng kabilang partido dahil ang nais lamang ng lahat ay ang pagba-
bago at ang burahin ang mga hidwaan ng nakaraang panahon.
Usaping Pinansyal
Marahil bilang mga TUPian ay marami ang nagtatanong kung saan
ba nila kinukuha ang pondo tuwing panahon ng pangangampanya. Ayon
kay Bb. Cheenie Bagus, ang mga pondong ginagamit ng bawat partido
sa pagtakbo ay buhat sa kanilang sariling mga bulsa at hindi sa pon-
dong nagmumula sa salaping ibinabayad ng mga mag-aaral. Bawat isa
ay may nakalaang pondo tuwing oras ng kampanya. Maaaring ito ay
mula sa ambag ng bawat isa at mga alumni ng bawat partido. Mariin nil-
ang iginigiit na ito’y hindi galing sa mga salaping ibinabayad ng bawat
estudyante. Dagdag niya, pagod at sakripisyo ang kailangang ibinubu-
wis makapaglingkod lamang sa minamahal na unibersidad.
Oo nga’t hindi biglaan ang kaunlarang ninanais ng karamihan ngunit
kung tuluy-tuloy naman ang daloy ng matuwid na pamunuan, tulad ng
agos sa ilog patungong karagatan ay makakamtan din natin ang bukana
ng payapa’t malawak na dagat-dagatang tagumpay.
Boses ng Teyups:
“Sana’y walang dayaan tulad ng mga suhol at sana di lang puro sa
simula ang mga pinapangako nila . Maging totoo sila kasi yung iba ay
sa pangangampanya lang magaling at approachable pero pag nanalo ay
wala na.”
-CJ
BSIE-AE1A
“Dapat piliin yung deserving na mamuno. Yung tipong makakatu-
long para maisaayos ang cr, ventilation, mga kulang na books sa library
at ang bulok na ID system.”
-Rocil
NFT/1E
“Sana mabigyang solusyon ng mananalo yung problema sa ingay
lalong-lalo na sa mga rooms na malapit sa kalsada. Sa library naman
kulang kulang ang mga books.”
-Julian Paolo Aragon
BSEM/2C
“Sana ‘y mabigyan ng mas malaking suporta at pansin ang ating
mga atletang TUPian. Bilang saksi kasi sa naganap na SCUAA ay ma-
papansing kaunti lamang ang mga atleta natin kumpara sa ibang uni-
versities.”
-Shin
BSA-1A
Anu’t-ano pa man, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananaw
kung sino ba at kung ano ba ang dapat nating paniwalaan. Iisa lang ang
ating hangarin, ang magkaroon ng isang tunay na student leader na ga-
gawa ng kakaibang pagbabago at pag-unlad. Magbubukas sa natakpang
bibig ng mga estudyanteng patuloy ang daing at hiyaw. Hindi sapat na
batayan ang kasikatan ng isang tao para lamang sa isang di-birong posi-
syon. Talino at galing din ang kailangan. Responsable at may paninindi-
gan sa lahat ng bagay. Isang lider na kakatawan sa mga TUPian bilang
kabataan at hindi bilang isang aso na sunud-sunuran sa kapuna-punang
sistema ng nakaraan.
Karapatan ng bawat isa sa atin na pumili ng nararapat maluklok bi-
lang isang tunay na student leader. Hindi ka lamang isang ordinaryong
mag-aaral bagkus isa kang tunay na TUPian na may isang adhikain, ang
mapaunlad ang sibol ng kinabuksan.
Imulat mo ang iyong mga mata, hahayaan mo bang maging ganito
na lamang tayo? Panahon na para umaksyon. Malay mo, nasa iyong
kamay pala ang tunay na pagbabago. PA
ISYU 7
MGA PATNUGOT
Geo Raphiel I. Anico & Benjunar G. Barcoma Mga Punong Patnugot
Mark Leilan O. Tanglao Kapatnugot sa Inggles
Francis Andrew A. Dy Kapatnugot sa Filipino / Patnugot sa Lathalain
Jeffry A. Caigoy Sirkulasyon at Tagapamahalang Pampinansyal
Rafael G. Cultura Patnugot sa Balita
Mary Anne S. Roa Patnugot sa Literatura
Melchor L. Eduarte Jr. Patnugot sa Isports
Mga Ganap na kawani
Almira Lyn B. Recto, Ma. Edalyn M. Reduta, Jacky Ortega, Salve Gina M. Totanes,
Jenilyne S. Pumaris, Julius T. Costa, Ma. Roan O. Barredo
Mga kawani
Christian Joseph N. Ambong, Christine J. Chua, Thea Camille M. Diaz,
Sharon B. Ditucalan, Brian A. Fabregas, Shainne Angelie Flores, Gizelle G. Ganit,
Syne R. Mirasol, Joemar A. Papa, John Andre M. Papasin, Mary Grace C. Reyes,
Christopher S. Rosales, Mary Jane V. Venegas
Tagapaglapat
Nico L. Lasaca, Anne Karla D. Rivera
Cliff Kevin M. Cedaña, Jonathan Savellano, Catherine L. Sy
grapiks
Wilvic Joie C. Cañas, Nestor M. Cayabyab Jr., Albert A. Dadag, Hermis F. Palicte,
Reymond P. Reymundo, Russel John T. Ramos
Arnel E. Arenal, John Carlo Dizon, Dino Alberto R. Nillo, Carlo R. Sotero Jr.,
tagapayo
Prof. Almina T. Tengco-Chan
Ang opisina ng Philippine Artisan ay matatagpuan sa silid 103, gusali ng CAFA/CIE,
Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, Ayala Blvd., Ermita, Maynila.
8. iSYUiSYUiSYUiSYUiSYiSYUiSYUiSYUiSYUiSYU
iSYUiSYUiSYUiSYUiSY
iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU
iSYUiSYUiSYUiSYUiSYiSYUiSYUiSYUiSYUiSYU
iSYUiSYUiSYUiSYUiSY
iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU
iSYUiSYUiSY
iSYUiSYUiSYUSYUiSYUiSYU
iSYUiSYU
iSYUiSYUiS
ISYU
mula sa unang pahina
8
giging willing at agresibo di-umano sa pagkuha ng mga stage
plays na gawa ng mga taga-labas sa kabila ng mga nagtataasang
presyo ng mga tiket nito.
“Hindi sa nag-aangat kami ng upuan, sa apat na taon ng
TUPAS nakukumpara ‘yung mga palabas namin na worth
Php30.00 lang na kung ihahambing sa mga kinukuhang play
sa labas na worth Php80-100.00 na kesahoda mas maganda pa
daw sa amin. Na mas may laman ang istorya. Pasensya hindi
ako nagpaparinig pero tanungin nila ang mga estudyante. Sig-
uro sapat na ‘yung mga reaksyon na ‘yun na may dapat tala-
gang pagtuunan ng pansin ang administration at kailangan din
makipagtulungan ng mga faculty member ukol sa pagpapaya-
bong ng sining ng pagtatanghal,” sabi ni Kuya Mau.
Ang depensa naman ng mga departamento sa TUP, easy
money daw iyon. Ready-made. Magbebenta sila ng tiket. Sub-
alit ang tanong naman ni Kuya Mau sa kanila’t sa kanyang sari-
li, tuluyan na nga bang naglaho’t nalusaw ang tiwala ng mga
kinauukulan sa mga TUPians? Bakit ang mga taga-labas pa ang
ineendorso’t binibigyan ng prayoridad at importansya? Bakit
hindi muna tangkilikin ang sariling atin bago ang iba?
“Nakalulungkot talaga, sila pa ang pumapatay,” nalulumbay
pang wika ni Kuya Mau.
“Kung hindi ko babalansehin ang pag-aaral at teatro ay hin-
di kami tatagal ng ganito. Wala akong mga taong nahubog ng
dahil sa wala lamang. Nahubog ko hindi lamang ang kanilang
talento kundi pagkatao. Ganoon din ako. Dito ako naging buo.
Buong-buong AKO.”
***
Nawa’y magsilbing mitsa ang pitak na ito tungo sa mas
maiging pagkakaintindihan at malusog na pagtutulungan ng
bawat isa patungo sa kaayusa’t pag-unlad na inaasam ng lahat.
Ang isyung itong kinakaharap ng teatro sa TUP at ng
administrasyon ay hindi dapat na ipagsawalang bahala na lamang
ng mga kasangkot. Sapagkat
ang pagkikibit-balikat ay
walang maidudulot na
buti sa bawat isa kundi
ang paglaki’t lalo
pang paglala ng isang
problemang kung
tutuusi’y simple lang
naman resolbahin at
solusyunan.
Pang-unawa ang
kailangan. Wastong
pag-uusap. AKSYON.
Mabuhay ang
TUPians! Mabuhay ang
Sining ng Pagtatanghal
Pilipino! PA
pagdilihensiya at ambagan. Minsa’y kailangan pang mangutang,
minsa’y kailangang humingi ng request sa kung sinuman na
kung minsan ay may kaakibat na sandamukal at katakut-takot
na pagmamakaawa. Syempre hindi rin pahuhuli ang problema
sa kakulangan sa pasilidad kaya kung minsa’y nanghihiram na
lamang sila ng mga gamit. At idagdag mo pa ang conflict sa
iskedyul at pag-aaral ng mga kasapi.
Subalit ang buhay ay di naman parating hirap at pagdarahop
na lamang. Sa gitna ng mga pagsubok ay laging may saya’t kag-
inhawaang nag-aabang, liwanag at magandang bukas na naghi-
hintay. At marahil ang ligayang iyon ng TUPAS ay ang matapos
ang kanilang pagtatanghal at mabigyang halaga ang kanilang
mga sakripisyo’t pagpupunyagi.
“Alam mo lahat ng hirap na yun simple lang ang kapalit.
Ma-appreciate kami ng mga nakapanood o mapansin man lang
ng administration na bigyang importansya ang teatro. Iyong
palakpakan nila, yung i-congratulate at maging bukambibig
yung mga aktor na gumanap. Sobrang solve na kami dun,” wika
ni Kuya Mau.
At syempre pa, sa bawat pagtatanghal ng TUPAS ay napak-
arami dyan sa tabi-tabi ang may nakahandang mga negatibong
puna at komento na pilit ipinagduduldulan sa kanila. Mga bagay
na tila tinik, masakit sa pandinig at damdamin, subalit itinutur-
ing na positibo ng iba. Sa sarili kasi nilang pananaw, ang mga
ito’y nangangahulugan lamang na ang mga nagbabato sa kanila
ng mga negasyon ay may tiwala sa TUPAS. Kaya nilang ayusin
ang mga dapat ayusin, punan ang mga dapat punan. Isang bagay
na higit nilang ibig kaysa naman plastikin sila ng mga ito. “Ga-
noon kami sa TUPAS, mas mahalaga sa amin ang mga negative
feedbacks kaysa positive,” dagdag pa ni Kuya Mau.
Sa madaling sabi, sa kabila ng lahat ng kalbaryong pinag-
daraanan at krus na pinapasan ng TUPAS, ang mga paghihirap
na ipinupukol sa kanila ng tadhana ay siya nilang ginagawang
tuntungang-bato tungo sa tagumpay at satispaksyon. Nagsisil-
bing mga rekado tungo sa mas lalo pang matatag at matibay na
pagsasamahan.
SARILING ATIN, DI TINATANGKILIK?
“Naiinggit kami sa ibang state university. Ang lakas ng te-
atro sa kanila. Kinikilala at sinusuportahan ng administration
at mga estudyante. May scholarship. May allowance. May ben-
efits. At ready made market at audience. Kumbaga hindi mahi-
rap sa kanila ‘yung proseso. Focus lang sila sa pagpapaganda
at pagpapayabong ng sining ng pagtatanghal sa entablado.”
Ang pahayag sa itaas ay ang panaghoy at himutok ng TUPAS
patungkol sa isyung kinakaharap ng teatro sa TUP. Hindi kasi
gaya ng Bahaghari noon na may nakahanda ng mga manonood
para sa kanila. Kung saan sa ilalim ng Departamento ng Filipino
ay obligado ang lahat ng mga freshmen at sophomores na may
asignaturang Filipino na manood. Subalit sa TUPAS, sugal kung
sugal. Kasi’y non-college based ang pangkat nila.
Subalit sa kabila ng lahat ng mga balakid, ang talaga namang
nakalulungkot at nakasasama ng loob para sa TUPAS ay ang
isyung kinasasangkutan ng teatro at ng administrasyon. Ang pa-