Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa relihiyong Korean Shamanism. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang paniniwala ng relihiyong Korean Shamanism
1. Lesson 14-R: Korean Shamanism
Ang relihiyong Korean Shamanism ay ang lokal na relihiyon ng mga Koreano.
Mga Paniniwalang Korean Shamanism:
Haneullim – “Lord ofHeaven”; tinatawag din na Hwanin o Sangjenim “HighestEmperor”; ito ay ang
konsepto ng Diyos sa Korean Shamanism. Ito ay ang pinakamataas na nilalang sa lahat
Mu – ito ay isang lumang salitang Korean na nangangahulugang “pari”. Ang mga Mu ang nagsisilbing
tagapamagitan sa diyos atsa mga tao.
Gut – ito ay ang ritwal na isinagagawa ng mga Mu na naaayon sa tradisyong Sinism, na binubuo ng mga
sakripisyong inaalay sa mga Diyos at sa kanilang mga ninuno
Mga Uri ng Gut:
1. Naerium-Gut – ito ay ang initiation rite. Dito sa uri ng gut na ito, napoposess ng mga ispiritu ang
mga taong may balak na maging Shaman.
2. Dodang-Gut – ito ay isang komunal na uri ng Gut na kilala sa mga probinsya ng Timog Korea. Ang
layunin nito ay magbigay ng magandang buhay o prosperidad sa isang bayan
3. Ssitgum-Gut – Ito ay isang rite na isinagagawa upang malinis ang kaluluwa ng isang tao
Naniniwala ang mga Shaman na napapagaling nila ang mga sakitna sanhi ng mga masasamang ispiritu
Ang mga Shaman ay nakakapag-usap sa mundo ng mga ispiritu
Karamihan sa mga shamans ay may madaming kaalaman sa mga lokal nilang mga halaman na
ginagamit nila sa pangagamot
Ang tawag sa mga templo ng mga Korean Shamanism ay tinatawag na Myo