Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Ikatlong republika(roxas)

18,535 views

Published on

Ikatlong republika(roxas)

  1. 1. YUNIT: IV Ang Pamumuhay sa Panahon ng Ikatlong Republika (1946-1972) ANG PILIPINAS BILANG ISANG GANAP NA ESTADO
  2. 2. Mababasa sa maraming aklat sa kasaysayan na ang Pilipinas ang unang bansa sa Asya na ngakamit ng kalayaan mula sa kamay ng mga kanluraning mananakop. Sinasabing nakamit ng mga bansa ang kasarinlan noong pang Hunyo 12, 1898. Ngunit marami ring nagsasabing ang Pilipinas ay hindi pa ganap na malaya noong 1898, sapagkat hindi pa ito maituturing na isang estado.
  3. 3. Ano nga ba ang estado? Ang estado ay isang komunidad na binubuo ng mga mamamayang naninirahan nang palagian sa isang teritoryo, may sariling pamahalaan, at malaya sa kapangyarihan ng anumang bansa. Batay sa kahulugan, apat ang sangkap o elemento ng isang estado: populasyon, teritoryo, pamahalaan at soberanya.
  4. 4. Ang Pagsilang ng Isang Ganap na Republika
  5. 5. Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay nagpatuloy sa bago nitong himpilan sa Washington D.C. sa Estados Unidos kahit napasailalim ang bansa sa kapangyarihan ng mga Hapones. Si Quezon ay nanungkulan bilang pangulo ng Komonwelt hanggang sa siya ay mamatay. Humalili sa kanya ang panagalawang pangulong si Sergio Osmena.
  6. 6. Tinupad ng Estados Unidos ang pangako nitong pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas tulad ng itinatadhana sa Batas Tyding McDuffie. Nang mamatay si Pang. Roosevelt noong ika-12 ng Abril, 1945 ay humalili sa kanya ang pangalawang pangulong si Harry Truman. Ipinagpatuloy ni Truman ang programa para sa Pilipinas noong ika- 4 ng Hulyo 1946, gaya ng ipinangako ng Estados Unidos.
  7. 7. Kaugnay nito ay ipinahayag din ni Truman ang ang pangako ng Estados Unidos na tututlungan ang Pilipinas sa pagpapanibagong-tatag nito pagkatapos ng matinding dagok na dinanas sa nagdaang digmaang pandaigdig.
  8. 8. Kaya naman noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ni Harry S. Truman ang kasarinlan ng Pilipinas. Ganap ng inalis ang Pilipinas sa kapangyarihan ng mga Amerikano at tuluyan nang nagsarili ang Pilipinas bilang isang republikang nag-aangkin ng ganap na soberanya bilang estado. At bilang tanda ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ay binasa ni Paul V. McNutt, ang pahayag ni Truman na nagsasabing:
  9. 9. …the United States of America hereby withdraws and surrenders all rights of possession, supervision, jurisdiction, control of sovereignty now existing and exercised by the United States of America and in over the territory and people of the Philippines and on behalf of the United States of America, I do hereby recognize the independence of the Philippines as a separate and self governing nation and acknowledge the authority and control over the same of the Government instituted by the people thereof under the constitution now and in force…
  10. 10. Pagkatapos nito ay binaba ang bandilang Amerikano at itinaas ang bandilang Pilipino bilang tanda ng pagwawakas ng kapangyarihan ng Estados Unidos sa Pilipinas at ang pagsisimula naman Pilipinas bilang isang ganap na estado na ngayo’y kabilang na sa mga bansang malaya at nagsasarili.
  11. 11. Ang pamamahala ng Ikatlong Republika ay nagsimula noong taong 1946 at nagtapos noong taong 1986. Sa loob ng apat na dekada ng Ikatlong Republika, ang bansa ay pinamahalaan ng anim na pangulo kung saan ang bawat isa nagsasagawa ng iba’t-ibang patakaran at programa para sa higit na ikasusulong at ikabubuti ng bansa.

×