Module 3

9,863 views

Published on

0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
9,863
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
4
Actions
Shares
0
Downloads
110
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Module 3

  1. 1. Modyul 3 – Mga Hamon sa Pamamahala ng Matatag na Republika Mga Paksa: 1. Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng Awtonomiya mula sa Pamamahala 2. Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Muslim sa Mindanao Tema: D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa Bilang ng oras: apat (4) Alignment Matrix Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang nakapaloob sa sanggunian? Saang gawain makakamit ang kakayahan? Anong level of assessment nakapaloob ang gawain? Bilang ng oras Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng Awtonomiya mula sa Pamahalaan Negotiating for Peace in Cordilleras ni Abrino Aydinan , 1992 Natutukoy ang dahilan, layunin at pamamaraan ng mga katutubo sa Cordillera sa paghingi ng awtonomiya sa pamahalaan Gawain 1 Knowledge Skill/Process 1 Point 8 ng 1973 Draft of NDF Program Napahahalagahan ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at partisipasyon ng mga katutubo sa Cordillera sa pamamahala upang mapanatili ang katatagan ng republika Gawain 2 Knowledge Skill/Process Understanding 1 The Cordillera: Historical Accounts on Regional Identity, Development and Autonomy in Chronology (1565-2007) March Faiza, 2012 Nasusuri ang kahalagahan ng pagbibigay proteksiyon ng pamahalaan sa mga katutubo mula sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon upang maingatan ang kanilang lupain at kultura Gawain 3 Knowledge Skill/Process Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Moro sa Mindanao Pahayag ng mga datu at demonstrador sa Mindanao ukol sa integrasyon ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas Nauunawaan ang dahilan, pananaw at pamamaraan ng mga pinuno ng mga Muslim sa pagsulong ng sariling malayang pamahalaan Gawain 4 Knowledge Skill/Process 1 Muslim Separatism: The Moros and the Malays W.K. Che Man (1990) Natataya ang mga pangyayaring nagbigay- daan sa pagsulong ng mga Muslim ng sariling pamamahala upang maiwasan ang karahasan Nauunawaan ang pag-iwas sa marahas na pamamaraan at gawain bilang pagtugon sa mga isyung pampolitika, lipunan at kabuhayan Gawain 5 Knowledge Skill/Process Understanding Pahayag ni Senator Domacao Alonto noong 1955 at 1956 at ni Dr. Cesar Adib Majul noong 1968 Napahahalagahan ang pagkakaroon ng pantay na representasyon sa kasaysayan at edukasyong akma sa kultura at pangangailangan ng mga pangkat-etniko Gawain 6 Knowledge Skill/Process Understanding
  2. 2. Liham ni Datu Udtog Matalam ng Muslim Independence Movement kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong July 26, 1969 Naipakikita ang pagkilala at paggalang sa karapatan ng mga Muslim sa Pilipinas na magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala Gawain 7 Knowledge Skill/Process Understanding 1 Para sa Guro Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga hamon sa pamamahala ng isang matatag na Republika. Sa araling ito ipinapaliwanag ang pakikibaka ng mga pangkat-etniko sa Cordillera at Muslim sa Mindanao sa pagsusulong ng sariling pamamahala o awtonomiya. Layunin ng modyul na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang kultura, paniniwala at kalagayang panlipunan, pangkabuhayan at pampolitikal ng mga pangkat-etniko sa nabanggit na lugar upang magkaroon ng tamang perspektibo ukol sa isyung ito na patuloy pa ding kinakaharap ng bansa. Inaasahan na huhubugin sa mga mag-aaral ang pagiging sensitibo sa kalagayan at relihiyon ng mga pangkat-etniko upang mas maisulong ang pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa na magpapatatag sa bansa. Mahalaga ding sanayin ang mga mag-aaral na maging mapanuri at mapagmuni upang lubos na maisulong ang pagwawaksi sa marahas na pamamaraan ng pagsusulong ng adhikain at mabuo ng suhesyon kung paano makikipamuhay nang mapayapa sa mga taong may iba’t ibang kultura. Sa ganito pamamaraan, mahuhubog ang tamang kaisipan, kasanayan at pagpapahalaga na dapat taglayin sa pagharap sa mga hamon ng bansa. Pagganyak a. Ipakita ang dual picture trail ukol sa paniniwala ng mga taga-Cordillera at Muslim ng Mindanao. b. Sa pagsusuri ng mga larawan, gamitin ang mga pamprosesong tanong na nasa pahina ____. Mga inaasahang sagot: 1. Ang mga pangkat-etniko sa itaas na bahagi ay mga taga-Cordillera, ito ay binubuo ng mga pangkat-etniko na Ifugao, Igorot, Kankanaey, Ibaloi, Isneg, Kalinga, Tingguian at Bontoc. Samantalang ang mga larawan na nasa ilalim na bahagi ay maaring Maranao, Tausug, Badjao, Yakan, Samal, Iranun, Kalibugan at Maguindanaon. 2. Ang mga taga-Cordillera ay nag-aalay ng sayaw para sa kanilang Diyos na si Kabungian samantalang ang mga Muslim naman ay nagpapatirapa (sujud) kay Allah. *Ang sujud ay tumutukoy sa posisyon ng pagdadasal ng mga Muslim kung saan sila ay nakaluhod, nakayuko at nakadikit sa lapag ang ulo, ilong, kamay at tuhod. 3. Ito ay maaaring magdulot ng di pagkakaunawaan, kaguluhan, diskriminasyon at labanan na maaaring maging hamon sa katatagan ng isang pamahalaan.
  3. 3. Paalala: Mahalaga ipaliwanag ang kahulugan ng kultura bilang gabay sa pagsagot sa mga pamprosesong tanong. Ang kultura ay tumutukoy sa materyal at di-materyal na bagay na gawa ng tao. Ang mga materyal na kultura ay makikita tulad ng mga gusali, sining, kagamitan at iba pang tulad nito na gawa na tao. Samantala, ang di-materyal na kultura naman ay tumutukoy sa paniniwala, tradisyon, relihiyon at iba pang katulad nito (Jose Rizal Sanchez, 2002). Ang pag-unawa sa kultura ng isang pangkat ay makakatulong sa pag-unawa sa kanilang kamalayan at pag- uugali. Mahalaga ring tandaan na ang una at ikalawang larawan na nasa itaas na bahagi ng picture trail ay tumutukoy sa aspetong pangkultura ng mga taga-Cordillera at ang nasa ilalim na larawan naman ay ang mga Muslim sa Mindanao. Inaasahan din na iuugnay ang sagot sa ikatlong bilang sa pangunahing paksa ng modyul. Maaaring isaad na ang mga nabanggit na sagot sa ikatlong tanong ay mga hamon sa katatagan ng isang pamahalaan. Mahalagang banggitin na ang mga susunod na babasahing sanggunian ay makakatulong sa pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa dahilan, layunin at pamamaraan ng mga taga-Cordillera at Muslim sa Mindanao sa pagsusulong nito ng sariling pamamahala Pagtalakay sa Panimula a. Talakayin ang panimula upang lubos na maunawaan ang kadahilanan at adhikain ng mga taga-Cordillera at Moro/Muslim sa Mindano sa pagsulong ng sariling pamamahala. b. Sa talakayan, maaaring gamitin ang sumusunod na istratehiya: b.1. Flow Chart – Ipatala ang mga hamon na kinaharap ni Pangulong Diosdado Macapagal sa unang kahon at ipatala naman sa ikalawang kahon ang mga isyung hinarap ni Pangulong Ferdinand Marcos. Inaasahan na bibigyang-diin na ang mga hamon sa administrasyon ni Pangulong Macapagal ay minana ni Pangulong Marcos. Mahalaga ding banggitin na ang huling nabanggit na hamon sa panunungkulan ni Pangulong Marcos ang bibigyang pokus sa modyul na ito.
  4. 4. b.2. Mind Map - Iminumungkahi na gumamit ng mapa ng Pilipinas upang mapagyaman ang kaalaman sa heograpiya at ang epekto nito sa pagbubuo ng kasaysayan. Ituro ang kabuuang sakop ng Cordillera Administrative Region (CAR) at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Pagkatapos ay ipasulat sa callout box ang mga dahilan ng paghahangad ng sariling pamamahala ng mga pangkat-etniko sa Cordillera at Mindanao. Mungkahing Istratehiya Panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal  Suliranin sa lupa  Pagbaba ng halaga ng piso  Mataas na utang panlabas sa IMF at WB Mga Hamon sa Pamamahala ng Matatag na Republika Panunungkulan ni Pangulong Fedinand Marcos  Digmaan sa Vietnam  Kahirapan  Pagtataas ng presyo ng bilihin at langis  Korapsyon sa pamahalaan  Paglakas ng CPP/NPA  Pagsusulong ng sariling pamamahala ng mga taga-Cordillera at Mindanao Pigura 1. Flow Chart ng mga Hamon sa Pamamahala nina Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos
  5. 5. c. Gamitin ang mga mungkahing gabay na tanong sa talakayan upang mabuo ang mga gawain sa mga mungkahing istratehiya: c.1 Ano ang mga suliraning pangkabuhayan at pampulitikal ang hinarap nina Pangulong Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos? c.2. Bakit isinulong ng mga taga-Cordillera at Muslim sa Mindanao ang pagkakaroon ng sariling pamamahala? c.3. Maaari bang makaapekto sa katatagan ng isang bansa ang paghahangad ng sariling pamamahala? Ipaliwanag ang kasagutan. Makaapekto sa katatagan ng isang bansa ang paghahangad ng sariling pamamahala ng mga pangkat-etniko dahil ito ay maaaring magdulot ng mga labanan at karahasan sa bansa.  Mapabuti ang kalagayang panlipunan at kabuhayan  Mapangalagaan ang mga lupaing sakop ng kanilang ninuno (ancestral domain)  Mapangalagaan ang karapatanat kultura ng mga Muslim  Mabigyang proteksyon mula sa diskriminasyon at karahasan Pigura 2. Mind Map Mungkahing Istratehiya
  6. 6. *Ang mga kasagutan sa bilang 1 ay makikita sa pigura 1 habang ang bilang 2 ay matutunghayan sa pigura 2. d. Ipaliwanag ang pangkalahatang tanong sa pagtalakay at pagsusuri ng mga sanggunian sa modyul. Ang tanong ay “Paano nakaaapekto ang pagkakaroon ng iba’t ibang pananampalataya at paniniwala sa pamamahala ng isang bansa?.” e. Maaaring magbigay ng maikling pagsusulit upang malaman kung naunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto ng paksa. Tiyakin na ang bubuuing pagsusulit ay batay sa aspeto ng pag-unawa. Pagsuri sa mga Sanggunian Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng Awtonomiya sa Pamamahala Sanggunian 1- Negotiating for Peace in Cordillera ni Abrino Aydinan a. Ipabasa ang sanggunian 1. b. Ilahad ang mga salitang nasa glosari upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman ng sanggunian. c. Iminumungkahing magbigay ang patnubay na mga tanong sa pagbabasa ng sanggunian upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman nito. d. Pangkatin ang klase sa lima at bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral na isulat sa metacards ang sagot sa tanong na nasa loob ng mountain web. e. Magkaroon ng malayang talakayan sa pagwawasto ng gawain ng bawat pangkat. Gawain 1 - Akyatin at Alamin Adhikain ng Kapatid Natin! 1. Ignacio Capengsan, Jingjing Carino, Mario Pugong, Moises Linggayo, Fr. Bruno Ortega at Fr. Conrado Balweg 2. 1970 – paglaganap ng NPA sa Ifugao, Mountain Province at Benguet dahil sa pagnanais na mapaangat ang kalagayang panlipunan Bahagi ng Sanggunian Patnubay na Tanong sa Pagbasa ng Sanggunian Unang Talata Ano ang dahilan ng mga taga-Cordillera sa pagsanib sa CPP/NPA? Paano unti-unting lumaganap ang CPP/NPA sa Cordillera? Ikalawang Talata Bakit humiwalay ang mga lider ng Cordillera sa CPP/NPA? Ikatlong Talata Ano ang naging posisyon ng CPP/NPA sa pagsusulong ng awtonomiya ng mga lider sa Cordillera? Paano isinulong ng mga taga-Cordillera ang kanilang awtonomiya?
  7. 7. 1974 – paglaganap ng NPA sa Kalinga dahil sa pagtutol sa proyekto ng World Bank sa Ilog Chico- Pasil 1979 – pagpasok ng NPA sa Abra dahil sa pagtutol ng Tinguians sa proyekto pang-agrikultura sa kanilang kagubatan 3. Hangarin nila na mapabuti ang kalagayan at magkaroon ng self-determination o sariling pagpapasya. 4. Maitaguyod ang sariling pamamahala upang maiwasan ang pang-aapi sa kanilang pangkat at mapangalagaan ang kanilang kultura at lupain Sanggunian 2- Point 8 of 1973 Draft of the NDF Program Sanggunian 3-The Cordillera: Historical Accounts on Regional Identity, Development and Autonomy in Chronology (1565-2007) ni March Faiza 1. Maaring mamili sa dalawang mungkahing paraan sa pagbabasa ng mga sanggunian at pagsasagawa ng gawain: 1.1. Ipabasa ang Sanggunian 2 at pangunahan ang pagsagot sa Gawain 2. Maaaring ipasulat ng guro ang sagot sa metacard at ipaskil ito sa mga bunga ng tree web. Para sa Sanggunian 3, pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga sumusunod na taon na kanilang babasahin: a. 1964 c. 1968 e. 1972 b. 1966 d. 1970 1.2. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at ibigay ang sumusunod na sanggunian at gawain: Pangkat Sanggunian Gawain I Sanggunian 2 Gawain 2 II Sanggunian 3 – 1964 Gawain 3 – 1964 III Sanggunian 3 – 1966 Gawain 3 – 1966 IV Sanggunian 3 – 1968 Gawain 3 – 1968 V Sanggunian 3 – 1970 Gawain 3 – 1970 VI Sanggunian 3 – 1972 Gawain 3 – 1972 2. Maaaring gamitin ang sumusunod na pamprosesong tanong upang lalo pang mapalalalim ang talakayan ng mga sanggunian: 1. Matagumpay ba ang mga proyektong inilunsad ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga taga-Cordillera? Kung oo, maglahad ng patunay. Kung hindi, ano ang naging dahilan ng pagkabigo nito? Inaasahang Sagot: Ang mga proyektong inilunsad ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga taga-Cordillera ay bigo sapagkat ang mga ito ay hindi naaangkop sa kultura ng mga taga-Cordillera at ang inilaan na pondo para sa pagpapaunlad ng rehiyon ay hindi nagamit mabuti ng MPDA. 2. Paano makakabuo ang pamahalaan ng mas epektibong programa na aangkop sa mga indigenous people tulad ng mga taga-Cordillera?
  8. 8. Inaasahang Sagot: Makakabuo ang pamahalaan ng mas epektibong programa sa mga indigenous people tulad ng mga taga-Cordillera sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang kinatawan sa pamahalaan. Paalala: Ang sagot sa mga tanong na nasa talahanayan ay maaaring iba iba kaya maaaring tanggapin ang ibang sagot mula sa mga mag-aaral. Himukin ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang saloobin at ideya ukol sa mga tanong. Gawain 2 - Pagpapayabong ng Karapatan 1. Mga sagot sa tree web: a. Mapalaya sa kahirapan c. Pagkakapantay-pantay ng mga lahi b. Magpasya para sa kanilang pangkat d. Lumaya sa mapang-aping pamamahala 2. Mga sagot sa tanong sa talahanayan: a. Upang maiangat ang kanilang kabuhayan at maprotektahan ang sariling kultura at lupain. b. Oo, sa bisa ng RA 6766 ay nagkaroon ng awtonomiya ang mga taga-Cordillera upang maprotektahan ang kanilang kultura at magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala. c. Oo, sapagkat mahalagang magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala ang lahat ng tao lalong-lalo na ang mga indigenous people upang maging angkop at sensitibo sa paniniwala at kultura ang mga programa at patakarang isasabatas ng pamahalaan. Gawain 3 – Pagtahak sa Nakaraan Taon Pangyayari Bunga 1964 Komperensya ng Mt. Provincial Economic Council Nabuo ang MPDA kung saan naglaan ng 300 milyong piso noong 1966 ang pamahalaan upang mapaunlad ang Cordillera 1966 Pagpirma sa RA 4071 at RA 4695 Nagkaroon ng sariling rehiyon ang Benguet, Ifugao at Kalinga-Apayao 1968 Paghingi ng MPLM na alisin ang MPDA Walang nagawang programa ang MPDA at iminungkahi na hayaan na lamang ang apat na probinsya na humawak ng pondo ng MPDA 1970 Pagpasok ng NPA sa Cordillera at pagtatatag ng ILA at FTL Isinulong ng ILA at FTL ang awtonomiya ng Cordillera 1972 Paglabasa ng Presidential Order 1 Tuluyang nawalan ng awtonomiya ang mga probinsiya sa Cordillera.
  9. 9. Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Muslim sa Mindanao Sanggunian 4 - Pahayag ng mga Datu at Demonstrador sa Mindanao ukol sa Integrasyon ng mga Muslim sa Republika ng Pilipinas Sanggunian 5 - Muslim Separatism: The Moros and the Malays ni W.K. Che Man Sanggunian 6 - Pahayag ni Senator Domacao Alonto sa Second National Conference sa Marawi City noong October 11-16, 1956 Pahayag ni Senator Domacao Alonto sa First National Muslim Convention sa Cotabato, Cotabato noong Hunyo 8-12, 1955 Pahayag ni Dr. Cesar Adib Majul sa First National Symposium sa UP Diliman, Quezon City noong December 21, 1968 1. Iminumungkahi ang sumusunod na pamamaraan upang maisagawa ang mga gawain sa itinakdang oras: 1.1. Ang Sangguniang 4 at Gawain 4 ay maaaring maging bahagi ng panimulang gawain kung saan pangungunahan ang pagbasa at pagkuha ng sagot mula sa mga mag-aaral. 1.2. Matapos ang panimulang gawain, hatiin ang klase sa anim na pangkat. Banggitin na ang bawat pangkat ay pipili ng tagapag-tala sa mga sagot na kanilang napagpasyahan. Iaatas sa bawat pangkat ang mga sumusunod na sanggunian at gawain: Bilang ng Pangkat Sanggunian at Bahagi nito Gawain I Sanggunian 5 / Jabidah Massacre (1968) Gawain 5 II Sanggunian 5 / Manili Massacre (1971) Gawain 5 III Sanggunian 5 / Election of 1971 Gawain 5 IV Sanggunian 5 / Declaration of Martial Law in 1972 Gawain 5 V Sanggunian 6 / Una at Ikatlong Sipi Gawain 6 VI Sanggunian 6 / Ikalawang Sipi Gawain 6 Bigyan ng activity card ang mga pangkat na bubuo ng Gawain 5 upang maisagawa ang cross examination activity sheet. Habang ang pangkat na itatalaga sa pagbubuo ng Gawain 6 ay maaaring bigyan ng metacards. 2. Hayaang pumuli ang bawat pangkat ng isang kinatawan upang ipaliwanag ang sagot sa mga gawain. Paalala: Upang maiwasan ang pagkalito sa paggamit ng terminolohiya, iminumungkahi na ipaliwanag na ang pangkat-etnikong Muslim sa Mindanao ay tinatawag ding Moro. Ang salitang “Moro” ay ginamit ng mga Espanyol sa mga Muslim na nagmula sa Morroco na sumakop sa kanilang estado. Nang dumating ang mga Espanyol sa bansa ito na din ang salitang ginamit nila sa mga Muslim sa Timog na bahagi ng Pilipinas.
  10. 10. Maging maingat sa pagtalakay ng Sanggunian 4. Maaring isaad ang sumusunod na paliwanag sa ni Glang (1969) sa kanyang aklat na “Muslim Session or Integration?” ukol sa pagkakaroon ng negatibong damdamin ng mga lider na mga Muslim noong 1901 sa mga Kristiyanong Pilipino. Ayon sa kanya: “…the Muslim profroundly resented the participation of the Christian converts in the Spanish-initiated crusade to suppress the religion of Islam. This resentment had deep effects in the Muslims who regarded these converts as tools of Spain’s dream of coquest and expansion in Asia. Such resentment could account for their refusal to accept the appellation “Filipino” and their attitude of indifference and negativism vis-à- vis the government. With the coming of the Americans, the Muslims’ resentment against all forms of foreign authority was more or less assuaged by a demonstration of altruism. The American policy of attraction undoubtedly struck a responsive chord in the minds of the Muslims who had long been exposed to the tyrannies of Spanish military authorities. Their preference for American rule was evident in the statement of one Datu Amain Baning of Mindanao who said: “we Moros wish the protection of America. We wish to stay under the American flag.” The inference of the statement is clear. Having had unpleasant experience under the Spanish authorities, the Muslims regarded generally the adoption of Catholicism by the Filipino converts and Western culture as an acceptance of Spanish political orientation. So that when the Americans decided to relinquish the Philippines under a policy of self-determination, the Muslim Filipinos feared that the atrocities of the Spanish regime would be repeated under the newly oriented political system of the country, hence the preference for American rule”. Gawain 4 – Damit ng Pag-Unawa Pinagmulang Sipi Dahilan Pamamaraan Datu Sacaluran Di pagnanais na mapunta sa mga Pilipino ang pamumuno sa Mindanao Pakikipaglaban Unnamed Muslim Datu Di pagpayag na mapasailalim sa pamumuno ng mga Pilipino Pakikipaglaban Muslim Demonstrator in Zamboanga Pagnanais na magkaroon ng hiwalay na pamamahala sa Luzon at Visayas Paghingi ng pagbubuo ng sariling pamahalaang hiwalay sa Luzon at Visayas Mga inaasahang sagot sa Pamprosesong Tanong 1. Ang ipinakitang reaksiyon o emosyon ay galit at matinding pagtutol sa pagpapailalim sa pamumuno ng mga Kristiyanong Pilipino.
  11. 11. 2. Dahil ang pamumuno ng bansa sa panahong iyon ay hawak lamang ng mga Pilipinong Kristiyano. * Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba. Gawain 5 – Ating Suriin Kamalayang Pangkapayapaan 1. Jabidah Massacre Lugar: Corregidor Sangkot sa Pangyayari: Narecruit na mga Moro at Philippine Army Pangyayari: Pagpatay sa mga Moro Dahilan: Pagtanggi ng mga Moro sa pagsalakay sa Sabah at takot na mabunyag ang “Operation Merdeka” Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay at maipahayag ang posisyong pampolitikal Naramdaman sa Pangyayari: Galit, Awa, Inis (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Panagutin ang mga sangkot sa pangyayari at humingi ng paumanhin sa pamilya ng mga biktima Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa paninindigan ng kapwa 2. Manili Massacre Lugar: Manili, North Cotabato Sangkot sa Pangyayari: Muslim na naninirahan sa Manili at Ilagas Pangyayari: Pagpatay ng Ilagas sa mga Muslim sa loob ng Mosque Dahilan: Hidwaang pampolitika Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay Naramdaman sa Pangyayari: Galit, Awa, Inis (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Papanagutin ang mga Ilagas Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa relihiyon at posisyon sa politika ng kapwa 3. Election of 1971 Lugar: Mindanao Sangkot sa Pangyayari: Ilaga, PMA, Blackshirt at Barracudas Pangyayari: Karahasan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano Dahilan: Paglipat ng kapangyarihang pampolitikal sa Mindanao sa mga Kristiyano Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay at maihayag ang katuyuang pampolitika Naramdaman sa Pangyayari: Pagkadismaya (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Pagbuwag sa mga pribadong armadong pangkat ng mga politiko Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa posisyon pampolitikal ng kapwa 4. Martial Law Lugar: Pilipinas Sangkot sa Pangyayari: Pamahalaan at mga Muslim
  12. 12. Pangyayari: Pagdami ng radikal na pangkat Dahilan: Pagdedeklara ng Martial Law Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang umanib sa isang pangkat, maipahayag ang saloobin at magpagpasa ng petisyon sa pamahalaan Naramdaman sa Pangyayari: Pagkadismaya, pagkabahala (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Pagpapairal at pagtataguyod sa demokrasya at karapatang pantao Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa karapatang pantao at pagmamahal sa demokrasya Mga Inaasahang sagot sa pamprosesong tanong: 1. Ang paggalang sa karapatan pantao, relihiyon at paniniwala ay mahalaga upang maiwasan ang karahasan at mapanatili ang kapayapaan. 2. Maisusulong ang isang mapayapang lipunan sa kabila ng iba’t-ibang kultura sa pamamagitan ng paggalang sa karapatang pantao at pagiging sensitibo sa kultura ng iba. Gawain 6 – Gulong sa Pag-Unawa sa Ugat ng Hidwaan 1. Kasaysayan – Isinantabi ang mga kontribusyon ng mga Muslim sa pagbubuo ng kasaysayan at pagsusulong ng kasarinlan ng bansa. - Nakaramdam ang mga Muslim ng diskriminasyon dahil sa bansag na pirata, mamamatay tao at rebelde. 2. Edukasyon – Hindi angkop ang edukasyon sa kultura at pangangailangan ng mga Muslim 3. Politika at Ekonomiya – Malayo ang agwat ng katayuang pangkabuhayan at pampolitikal ng mga Muslim sa mga Kristiyano Mga inaasahang sagot sa pamprosesong tanong: 1. Upang maramdaman ng mga Muslim na sila ay bahagi ng Pilipinas at pinapahalagahan ang kanilang kontribusyon sa pagbubuo ng kasaysayan. 2. Mahalaga sa isang tao ang pagkakaroon ng edukasyon upang mapaunlad at malinang ang kanyang sarili at katayuan sa buhay. Sa ganitong paraan ang isang indibidwal ay magiging produktibo na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanyang pamayanan. Kung ang pamayanan ay maunlad kasabay na uunlad din ang bayan. * Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba. Sanggunian 7 - Liham ni Datu Udtog Matalam ng Muslim Independence Movement kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong July 26, 1969 1. Lahat ng mag-aaral ay atasang basahin ang kabuuan ng liham ni Datu Udtog Matalam kay Pangulong Ferdinand Marcos. Mahalagang ipaliwanag ang mga mahihirap na salita gamit ang glosari bago ipabasa ang sanggunian.
  13. 13. 2. Pangunahan ang pagsagot sa mga kategorya na nasa bangka. Hayaan ang mga mag-aaral na isulat ang kanilang sagot sa metacards. 3. Matapos mapunan ang bangka, hatiin ang klase sa apat na pangkat upang sagutan ang mga pamprosesong tanong sa Gawain 7. Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng isang tanong na kanilang tatalakayin sa loob ng 5 hanggang 7 minuto upang isagawa ang brainstorming activity. 4. Hayaan ang bawat pangkat na ibahagi ang kanilang napagkasunduan sagot sa klase. Gayundin, himukin ang ibang pangkat na magbigay din ng kanilang opinyon ukol sa mga tanong. Paalala: Maari sumanggunin sa mga sumusunod na web link upang magkaroon ng mas malalim pang kaalaman at pag-unawa sa posisyon ng Pamahalaan at mga Muslim sa Mindanao sa Isyu ng Sabah at Jabidah Massacre. Web Link ukol sa Isyu ng Sabah 1. Sabah Claim, November 29, 2012, www.epilipinas.com/SabahClaim.htm 2. Philippine Claim Over Sabah, November 29, 2012, bulatidnl.wordpress.com/2012/04/22/on-the-philippines-claim-to-sabah 3. Sabah, Juan Ponce Enrile, November 29, 2012, www.jpenrile.com/advocacies/article.asp?advocacy=reform&folder=speech&article=007 4. The Corregidor Masscre-1968, Paul F. Whiteman, www.corregidor.org/heritage_battalion/jabidah.html Gawain 7 – Layag sa Pagsasarili 1. Karanasan ng mga Muslim na nagpasidhi ng Pagnanais ng mga Moro na Magkaroon ng Sariling Pamamahala: a. Paggamit sa mga Muslim sa propaganda ng pamahalaan ukol sa isyu ng Sabah noong June 12, 1968 b. Pagtrato sa mga Muslim bilang second class citizen c. Pagrehistro ng Philippine Constabulary sa mga Muslim bilang alien o dayuhan d. Pagpapadala ng sundalo sa Cotabato upang supilin ang naising magkaroon ng awtonomiya e. Pagdami ng mga Kristiyano mula sa Luzon at Visayas sa Mindanao 2. Karapatan ng mga Muslim – Katarungan, pagkamit ng kaligayahan, karapatang mabuhay at maisulong ang katarungan, pantay na pagbibigay ng oportunidad at paninindigan. 3. Katangian ng mga Muslim – Ang Muslim sa mga isla ng Mindanao, Sulu at Palawan ay mayroong mayamang kultura at natatanging kasaysayan.
  14. 14. Mga inaasahang sagot sa pamprosesong tanong: 1. Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan ng mga Muslim at naunawaan ang dahilan ng kanilang ipinaglalabang awtonomiya. 2. Oo, upang mapabuti ang kalagayan at mabigyang proteksyon ang sariling kultura at relihiyon. Hindi, dahil maaaring makipag-usap sa mapayapang pamamaraan sa pamahalaan upang maresolba ang mga isyung nabanggit. 3. Makatwiran dahil nais lamang niyang maprotektahan ang interes ng kanyang kababayan at mapangalagaan ang kanilang karapatan upang mapaunlad ang kanilang pangkat. Hindi, sapagkat maari namang maisulong ang kanyang hangarin sa pamamagitan ng mapayapang pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng pamahalaan. 4. Magkaroon ng kinatawan ang mga Muslim sa pamahalaan upang maingatan ang kanilang interes at kultura. Mahalaga din na sila ay konsultahin sa mga patakarang papairalin upang ito ay maging angkop sa kanilang kalagayan at relihiyon. * Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba. Produkto / Pagganap 1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at bigyan ang bawat pangkat ng activity card na nagsasaad ng bahagi ng kasunduan na susuriin. Pangkat Kasunduan I 1, 2, at 3.1 II 3.2, 3.3. at 3.4 III 3.5, 3.6 at 3.7 IV 3.8, 3.9 at 3.10 V 3.11 at 3.12.a hanggang 3.12. d VI 3.13, 3.14, 3.15 at 3.16 2. Ipaliwanag na ang susuriin ay ang kalakasan at kahinaan ng bawat kasunduan. 3. Maaaring pangunahan ang pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng isang kasunduan upang magkaroon ng halimbawa ang mag-aaral. Minumungkahi din na bumuo ng mga gabay na tanong ang guro sa bawat kasunduan upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa katanungan. 4. Bago isagawa ang gawain mahalagang ipaliwanag ang pamantayan sa rubric. 5. Kung hindi sapat ang oras para sa pangkatang gawain, maaaring ibigay ito bilang takdang aralin at paalalahanan ang bawat pangkat na ibabahagi ang kanilang pagsusuri kinabukasan.
  15. 15. Mga Inaasahang Sagot: Unang Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Kalakasan Kalakasan Kahinaan The establishment of Autonomy in the Southern Philippines within the realm of the sovereignty and territorial integrity of the Republic of the Philippines. Matitigil ang armadong labanan sa pagitan ng mga Moro o Muslim dahil sa pagbibigay ng awtonomiya ng pamahalaan sa kanilang pangkat. Maaring may mga batas o patakaran ang mga Muslim na naayon sa Shari’ah Law subalit taliwas sa mga patakarang itinadhana ng Kongreso. The areas of the autonomy for the Muslims in the Southern Philippines shall comprise the following: 1. Basilan 2. Sulu 3. Tawi-Tawi 4. Zamboanga del Sur 5. Zamboanga del Norte 6, North Cotabato 7. Maguindanao 8. Sultan Kudarat 9. Lanao del Norte 10. Davao del Sur 11. South Cotabato 12. Palawan Ang mga Muslim ay magkakaroon pagkakataon na mamahala sa kanilang lalawigan. Sa ganitong paraan ay magiging angkop sa kanilang kultura ang mga patakarang papairalin. Maaring ang mga patakarang papairalin ay hindi angkop sa mga Kristiyanong naninirahan sa mga lalawigang nabanggit. Foreign Policy shall be of the competence of the Central Government of the Philippines. Magkakaroon pa din ng isang posisyon ang bansa ukol sa mga isyung panlabas. Maaring magkaroon ng pagkakaiba ng opinyon ang pamahalaan at liderato ng mga Muslim sa mga isyung kinasasangkutan ng mga Muslim na bansa. Isa sa halimbawa nito ay ang isyu ng Sabah.
  16. 16. Ikalawang Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Kalakasan Kahinaan The National Defense Affairs shall be the concern of the Central Authority provided that the arrangements for the joining of the forces of the Moro National Liberation Front with the Philippine Armed Forces be discussed later. Ang pagsasanib ng sandatahang lakas ng Pilipinas at Moro National Liberation Front ay isang paraan ng pagsusulong ng mas matagalang kapayapaan. Walang kalinawan ang pagpapatupad ng naturang kasunduan sapagkat hindi isinaad ang panahon kung kailan pag-uusapan ang naturang kasunduan. In the areas of the autonomy, the Muslims shall have the right to set up their own Courts which implement the Islamic Shari’ah laws. The Muslims shall be represented in all Courts including the Supreme Court. The representation of the Muslims in the Supreme Court shall be upon the recommendation from the authorities of the Autonomy and the Supreme Court. Decrees will be issued by the President of the Republic of their appointments taking into consideration all necessary qualifications of the candidates. Ang pagkakaroon ng kinatawan ng mga Muslim sa sangay ng hudikatura ay nagpapakita ng hangarin ng pamamahalaan na maging makatarungan sa paglilitis sa mga kasong kinasasangkutan ng mga Muslim. Hindi isinaad sa kasunduan na may kinatawan na Muslim sa komite na bubuo ng listahan ng itatalagang hukom sa Korte Suprema. Authorities of the autonomy in the South of the Philippines shall have the right to set up schools, colleges and universities, provided that matters pertaining to the relationship between these educational and scientific organs and the general education system in the state shall be subject of discussion later on. Ang edukasyong maibibigay sa mga Moro o Muslim ay aakma sa kanilang pangangailangan, kultura at relihiyon. Walang kalinawan kung kailan isasakatuparan ang naturang kasunduan.
  17. 17. Ikatlong Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Kalakasan Kahinaan The Muslims shall have their own administrative system in compliance with the objectives of the autonomy and its institutions. The relationship between this administrative system and the Central administrative system to be discussed later. Maaaring mapanatili ng mga pinunong lokal ang kanilang mga titulo sapagkat ang bubuuing pamunuan ay naayon sa kanilang kaugalian at tradisyon. Sa ganitong paraan maiiwasan ang hidwaang pampolitikal. Hindi isinaad ang magiging tungkulin ng pamahalaang nasyonal sa rehiyon. The authorities of the autonomy in the South of the Philippines shall have their own economic and financial system. The relationship between this system and the Central economic and financial system of the State shall be discussed later. Mas mapapaunlad ang mga lalawigan sa Mindanao dahil sa magiging angkop sa katangian heograpikal at kabuhayan ang mga programang pangekonomiyang itataguyod ng kanilang mga pinuno. Maaring magkaroon ng kalituhan sa tungkulin ang pamahalaang sentral sa gawaing pang-ekonomiya ng mga nabaggit na lalawigan dahil hindi isinaad ito sa kasunduan. The authorities of the autonomy in the South of the Philippines shall enjoy the right of representation and participation in the Central Government and in all other organs of the State. The number of representatives and ways of participation shall be fixed later. Maipaparating ng mga Muslim ang kanilang hinaing sa pamahalaan at maiingatan ang kanilang kapakanan dahil pagkakaroon ng kinatawan sa pamahalaan. Magiging sensitibo din sa kultura at paniniwala ng mga Muslim ang itatadhanang pambansang batas. Ang hindi pagsasaad ng tama at angkop na bilang ng kinatawan ng mga Muslim sa pamahalaang sentral ay maaring makaapekto sa pagsasakatuparan ng naturang kasunduan.
  18. 18. Ika-apat na Pangkat Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Kalakasan Kahinaan Special Regional Security Forces are to be set up in the area of the Autonomy for the Muslims in the South of the Philippines. The relationship between these forces and the Central security forces shall be fixed later. Ang pagkakaroon ng sariling sandatahang pangseguridad ay isang pamamaraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng mga lalawigan. Hindi isinaad kung ang bubuo sa Special Regional Security Forces ay pawang mga Muslim o mayroong Pilipinong Kristiyano. Ang hindi pagkakaroon ng malinaw na ugnayan ng pamahalaan at ng SRSF ay maaaring magkaroon pagkalito sa pagtugon sa suliraning panseguridad ng mga lalawigan A Legislative Assembly and an Executive Council shall be formed in the areas of the Autonomy for the Muslims. The setting up of the Legislative Assembly shall be constituted through a direct election, and the formation of the Executive Council shall take place through appointments by the Legislative Assembly. A decree for their formation shall be enacted by the President of the Republic respectively. The number of members of each assembly shall be determined later on. Makakapili ang mga mamamayan ng kinatawan na sa tingin nila ay nararapat at may kakayahan na isulong ang kanilang pangkat. Maaaring mahaluan ng politika ang pagpili sa kinatawan sa Executive Council. Mines and mineral resources fall within the competence of the Central Government, and a reasonable percentage deriving from the revenues of the mines and minerals be fixed for the benefit of the areas of the autonomy. Ang ilalaang bahagi ng pamahalaang nasyonal mula sa minahan sa Mindanao ay makakatulong sa pagtataguyod ng mga programang pangkabuhayan ng mga lalawigan. Ang hindi pagsasaad ng eksaktong paglalaanan ng pondo mula sa kita ng mga minahan ay maaaring magbunga ng korapsyon.
  19. 19. Ikalimang Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Kalakasan Kahinaan A Mixed Committee shall be composed of representatives of the Central Government of the Republic of the Philippines and the representatives of the Moro National Liberation Front. The Mixed Committee shall meet in Tripoli during the period from the Fifth of February to a date not later than the Third of March 1977. The task of said Committee shall be charged to study in detail the points left for discussion in order to reach a solution thereof in conformity with the provisions of this agreement. Binibigyang garantiya nito na ang mga bahagi ng kasunduan na hindi malinaw ay isasaayos ng Mixed Committee. Ang Tripoli sa Libya ay hindi isang patas na lugar para pagdausan ng pulong sapagkat ang pamahalaan ng Libya ay kilalang sumusuporta sa MNLF. Cease-fire shall be declared immediately after the signature of this agreement, provided that its coming into effect should not exceed the 20th January 1977. A Joint Committee shall be composed of the two parties with the help of the Organization of the Islamic Conference represented by the Quadripartite Ministerial Commission to supervise the implementation of the cease- fire. The said Joint Committee shall also be charged with supervising the following: a. A complete amnesty in the areas of the autonomy and the renunciation of all legal claims and codes Ang pagtatag ng Joint Committee ay nagbibigay ng garantiya na magkakaroon ng tigil putukan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng kapayapaan. Ang pagbibigay amnestiya, pagpapalaya sa mga political prisoner at pagpapabalik sa mga mamayang tumakas sa lalawigan dulot ng labanan at karahasan ay makakatulong upang maipakita ang sensiridad ng pamahalaan sa rekonsilyasyon na kanilang ibinibigay sa mga Muslim. Ang pagtigil ng mga labanan sa nasabing lugar ay maaaring hindi maganap sapagkat maliban sa MNLF ay mayroong mga pangkat na nagsusulong ng awtonomiya mula sa pamahalaan.
  20. 20. resulting from events which took place in the South of the Philippines. b. The release of all the political prisoners who had relations with the events in the South of the Philippines. c. The return of all refugees who have abandoned their areas in the South of the Philippines. d. To guarantee the freedom of movements and meetings. Ikaanim na Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Kalakasan Kahinaan A joint meeting be held in Jeddah during the first week of the month of March 1977 to initial what has been concluded by the Committee referred to in Para. 11. Makakatulong ang pagpupulong upang maunawaan at mabatid ng dalawang partido ang napagkabuuan ng Mixed Committee. Hindi isinaad kung maaaring umapila ang pamahalaan at MNLF sa napagkabuuan ng Mixed Committee. The final agreement concerning the setting up of the autonomy referred to in the first and second paragraphs shall be signed in the City of Manila, Republic of the Philippines, between the Government of the Philippines and Moro National Liberation Front, and the Islamic Conference represented by the Quadripartite Ministerial Commission and the Secretary General of the Organization of Islamic Conference. Ang kasunduan ay magiging makapangyarihan sapagkat ito ay nilagdaan sa sentro ng pamahalaan ng bansa. Ipinapakita din nito na bagamat kinilala ng pamahalaan ang karapatan ng mga Moro at Muslim sa pamamahala sila ay bahagi pa din ng Pilipinas. Maipaparating sa mga mamamayan ang napagkasunduan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF sa pamamagitan ng media. Maaaring magdulot pa din ito ng kaguluhan sapagkat maliban sa MNLF mayroong mga pangkat ng Muslim na nagsusulong ng sariling pamamahala.
  21. 21. Immediately after the signature of the Agreement in Manila, a Provisional Government shall be established in the areas of the autonomy to be appointed by the President of the Philippines; and be charged with the task of preparing for the elections of the Legislative Assembly in the territories of the Autonomy; and administer the areas in accordance with the provisions of this agreement until a Government is formed by the elected Legislative Assembly. Ang pagbubuo ng pamahalaan ng Provisional Government na mangangasiwa sa eleksiyon ay paraan ng pagsusulong ng demokrasya sa lalawigan. Magkakaroon din ng kasiguraduhan na maipapatupad ang mga nilalaman ng kasunduan. Hindi isinaad ang mga kakatawan sa Provisional Government. The Government of the Philippines shall take all necessary constitutional processes for the implementation of the entire Agreement. Sinisigurado nito na naaayon sa Konstitusyon ang proseso ng pagpapatupad ng kasunduan. Maaaring may mga probisyon sa Saligang Batas na hindi tugma sa batas ng Shari’ah na siyang sinusunod ng mga Muslim.

×