1. Tauhan ng Maskara
Subukan mong masdan ang kaniyang ngiti
Dinggin ang tagong tinig na nagkukubli
Sa madilim na sild ng pagkatao niya
Iyo pa bang natatanaw ang pag-asa?
Ang pag-asang ang nakikita mo’y totoo
At hindi niya mapagbalat-kayong anyo
Ang ilaw na di lamang basta kislap
Kundi singningning ng bituin sa alapaap
Paano mo malalaman dahilan ng pagtatago
Kung sinasarili niya kaniyang totoong anyo
Paano mo mauunawaan, laman ng kaniyang isipan
Kung bukang-bibig niya’y puro kasinungalingan
May liwanag pa kayang sisinag sa kaniya?
Kung pilit niyang inililihim ang kaniyang mukha?
Sa sari-saring maskara na suot niya tuwina
Alin ba talaga ang itsurang taglay niya?
Gugustuhin mo pa bang makilala,
Ang tauhang nasa likod ng maskara?
Aalamin mo ba ang dahilan niya,
Sa pagtatago ng kaniyang mukha?
Happy Nezza B. Aranjuez 10 - Einstein