Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Happy Nezza B. Aranjuez 10 - Einstein
“Naririnig mo ba ang tinig ng mga abang api~”. Nang dahil sa napanood namin sa UMAK
...
Reaksiyon para sa pagtatangha na "May Pag-asa"
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Reaksiyon para sa pagtatangha na "May Pag-asa"

66 views

Published on

Isang palabas na binibgyang-buhay ang istorya ng himagsikan kung saan nanguna si Andres Bonifacio.

Published in: Education
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Reaksiyon para sa pagtatangha na "May Pag-asa"

  1. 1. Happy Nezza B. Aranjuez 10 - Einstein “Naririnig mo ba ang tinig ng mga abang api~”. Nang dahil sa napanood namin sa UMAK theatre noong Setyembre 10, nabuhayan ang puso at isip kong mas pag-ibayuhin ang pag-awit ng mga awitin mula sa klasikong henerasyon ng musika sa Pilipinas. Nakamamahanga ang bawat bahagi ng palabas, hangang-hanga kami sa bawat eksena at kaganapan. Hihilingin mo na sana’y nakapagtatanghal ka rin gaya nila at sana’y may talento ka rin na taglay nila. Tunay na nakabibilib ang ipinakita ng bawat aktor at aktres sa tanghalan. Hindi mo mababakas at mapupuna ang kaba sa kanilang kilos at itsura, marahil dahil matagal na silang nag-eensayo para sa palabas na iyon o di naman kaya’y bihasa na sila sa larangan ng sining ng pag-arte at pag-awit. Kakikitaan din ang bawat aktor ng husay sa pagsayaw, at ang kanilang mga kilos lubos na kapani-paniwala at takaw-atensiyon. Di mo nanaising pumikit habang pinapanood sila. Kung mapakikinggan mo naman ang kanilang mga tinig, tila dadalhin ka nila sa kailaliman ng kasaysayan ng ating bansa. Bawat bigkas ng linya at salita, bawat tono na lumalabas sa kanilang bibig, lubos na kapani-paniwala na sila nga ang mga bayani ng ating bansa. Isa lang ang ipinararating ng pagtatanghal, na may PAG-ASA ang mga Pilipino, na may bukas pa ang Pilipinas. Ipinakita nila ang musikal na pagsasadula ng mga naganap sa kasaysayan upang makalaya tayo sa pagkagapos sa ‘tin ng mga Kastila. Pangunahing karakter dito sina Andres Bonifacio at ang kaniyang kasintahang si Gregoria De Jesus. Ipinakita rito kung paano sila nakibahagi sa rebolusyon tungo sa kalayaan ng mga Pilipino. Marami pang tauhan ang ipinakita sa palabas gaya nina Jose Rizal, Apolinario Mabini, Diego Silang, Pio Del Pilar, Emilio Aguinaldo, Melchora Aquino at Santiago Bonifacio. May mga bahagi ng palabas na nakakatawa, mayroon ding magaan ang pakiramdam na nagpapakita kung gaano kapayapa at kasaya ang mga Pilipino kahit sila’y nasa gitna ng pananakop ng mga dayuhan. Ang ibang bahagi ay puno ng takot at hinagpis dahil sa mga pang- aabuso at pagmamalupit ng mga Kastila. Galit at damdaming nasyonalismo ang nangibabaw sa karamihan mula sa mga eksena dahil na rin sa matinding damdaming ipinakita ng mga aktor na bayani na makalaya na sa rehas at kadena na sumasakal sa kalayaan ng Pilipinas. Mapoot man ang sinapit ng ating mga bayani, naipakita sa pagtatanghal na sila’y naging dakila at nararapat lamang na sila’y na tingalain. Labis kong iniidolo ang mga aktor lalo na ang lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang palabas. Mula sa ayos ng stage, props, backdrop, musika, awitin, ilaw, kasuotan, diyalogo, sayaw at pag-arte, labi na kahanga-hanga. Maaaring maging inspirasyon sila sa maraming kabataan na ilabas ang talento nila upang mas mapagyaman ang kultura at pagkakakilanlan nating mga Pilipino sa ating bangsang Pilipinas.

×