Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
John Marco C. Bajana Mahan Bernadette A. Lagadia
Stephen Nap P. Saroca Eianna Faye V. Tagalog
Happy Nezza B. Aranjuez Jene...
di ito inalintana ng braso kong sa lamig ay namimilipit
habang binabagtas ko ang daan
sa ilalim ng mapaminsalang ulan
bigl...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Payong sa tuwing umuulan

101 views

Published on

Tula

Published in: Education
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Payong sa tuwing umuulan

  1. 1. John Marco C. Bajana Mahan Bernadette A. Lagadia Stephen Nap P. Saroca Eianna Faye V. Tagalog Happy Nezza B. Aranjuez Jenella Mae P. Todoc Shaica S. Cordez 10 – Einstein Lumaki ako sa pook na kailan man ay di natuyo ang mga halaman kung saan mayabong ang mga punong luntian mabulaklak at maberde ang kapaligiran kailan ma'y hindi kami nakaranas ng lupang tigang ngunit habang ako'y tumatanda't nagkakaisip unti-unti kong nabatid ang palagiang pagdilim ng paligid ang sabi ng mga magulang ko'y natural na iyon natural nang magkaroon ng sigwa at daluyong hindi raw mapipigilan ang bawat unos hindi ko na inalintana ang kanilang mga sinabi pagkat alam kong ako’y buhay pa at nasa mabuting kalagayan, alam kong di ko kailangang pangambahan ang ulan ang ulang naghatid sa amin ng buhay at nagsilbing kanlungan ngunit sa paglipas ng mga panahon napagtanto kong hindi na pangkaraniwan ang nilalandas at lakas ng ihip ng hangin biglang nag-iba, lumihis ang tinatahak ng dating payapa at malamig na simoy ng hangin kaya't ako'y nagtaka at ako rin ay nasabik nang lumusong ako sa ulan isang gabi kahit ang mapamasong ginaw ng ihip ay kumapit
  2. 2. di ito inalintana ng braso kong sa lamig ay namimilipit habang binabagtas ko ang daan sa ilalim ng mapaminsalang ulan biglang pumasok sa aking isipan ang kanilang sinambit ba noon ay pawang mga kasinungalingan? sadyang hindi makatotohanan na ang unos na ito'y pangkaraniwan marami na ang naaapektuhan ito'y di ko na kayang pagdaanan lumakas ang kulog at kidlat ngayon lang sa ganitong pangyayari ang mata ko’y namulat dumating ang bagyong kailanma’y di ko inasahan bumaha at napuno ng tubig ang kapaligiran madilim, mahangin, malamig napakadilim, napakamahangin, napakalamig napakabagsik, napakalakas, napakalupit napakabagsik ng katotohanan masyadong malakas at di ko matakasan ang malupit na trahedya na nasa aking harapan may magagawa pa ba ang kanilang mga payo? May maitutulong ba ang payong na hawak ko? Upang hindi malunod sa bahang hain ng bagyo At nang magawa ko pang umahon mula sa siphayo? Tingin ko’y ito na ang dapat kong kasadlakan Malagim man ay ito ang katotohanan Ang realidad na nararanasan ng lipunan Ay ang bagyong nagsimula sa simpleng ulan

×