1. Happy Nezza B. Aranjuez 10-Einstein
Ang Manlalayag
Noong una tayong nagkakilala, sa isang malawak na isla
Nagkasundo tayong gumawa ng Bangka
Di ko alam kung saan mo man nais magtungo
Ako nama’y balisa’t nalilito sa ibig kong tahakin
Sinabi mong ang bangka ay gagamitin mo sa paglalakbay,
at kailangan mo ng tulong upang matapos iyon
nagtanong ako kung para saan
ang sabi mo’y upang makahanap ng kaibigan
pumayag ako, sumang-ayon at tumulong dahil ayokong mag-isa
ayokong ako’y nag-iisa, ayokong maiwang nag-iisa sa isla,
na nangungulila at tulala
Hindi naging madali ang paggawa ng Bangka
Kinailangan kong magtiyaga
Sa paghahanap ng matibay na kahoy para sa pundasyon
Kinailangan kong magsakripisyo
At ilaan halos lahat ng oras ko upang makatulong sa iyong misyon
Kinailangan kong palakasin ang sarili ko
Ang loob at ang puso ko upang mapagtagumpayan itong hamon
Aaminin ko kahit noong una’y tingin ko sayo’y isang istrangherong baliw sa paglalakbay
Unti-unti namang naging ikaw ang dahilan kung bakit pa ko nagpapatuloy
Kung bakit ako hindi sumusuko kahit ilang beses pa ko masugatan ng kahoy
Kung bakit di ko kayang iwan ang misyon na ni minsan ay di ko inasahang darating
Kung bakit kahit mahirap ay mas pipiliin kong magawa ang bangka nang matibay at husto
Minsan napag-isipan kong huwag tapusin ang Bangka,
ngunit hindi ba’t makasarili ang ganoong desisyon?
Kaligayahan mo lang ang nais kong maibigay kaya’t naisipan kong itanong
“bakit di na lang tayo gumawa ng barko?”
Ang sabi mo’y mahirap, imsposible at matrabaho
2. Sabi ko nama’y diba’t kung gugustuhin ay matatapos naman natin
Ito ang unang pagkakataon na pareho tayong nagdesisyon para sa barko
Na alamkong para lamang sa’yo, para Makita mo ang hinahanap mo
Nagdaan ang mga araw at gabi
At sa wakas dumating na ang sandali na matagal mo nang kinasasabikan
Ang araw ng iyong paglalayag
Magagamit mo na rin ang barkong matagal nating binuo
Ang barkong magkasama nating itinayo
Nagsimula na akong mamaalam
Kailangan ko nang tanggapin ang kasalukuyan at manatili na lamang
Aalis ka na at ako pa rin ang nag-iisa sa malawak na isla
Lilisanin mo na ang pansamantalang tinuluyan upang tapusin ang barko
Iiwan mo na ako
Nang sinabi mong… gusto mo bang sumama?
Isa lang ang sagot at sigaw ng isip at damdamin ko
OO kahit saan, kahit di ko alam ang ating patutunguhan
OO kahit mapadpad man tayo sa sari-saring dalampasigan
OO kahit mawasak ang barko ng mapanirang delubyo
OO maglalayag TAYO, OO gusto ko, OO sasama ako
Basta’t maipapangako mo sana na hinding-hindi tayo magkakalayo
Na walang maiiwan, walang mang-iiwan at walang iwanan
Dahil kahit ilang beses mawasak ang barko
Handa akong itayo muli ito para sa’yo
Handa akong ayusin ang bawat bahaging napinsala ng unos
Handa akong buuin ang bawat parteng nagupo
Handa akong ilaan ang oras, pagod at lakas ko para makagawa ng mas matibay na barko
Kaya’t sana’y wag kang lumayo, wag ka nang maghanap ng iba pang gagawa nito para sa’yo
Dahil alammo bang ang mga katagang “Ayokong mag-isa”
Nang dahil sayo ay unti-unting naging “Ayokong mawala ka”.