SlideShare a Scribd company logo
1 of 52
Chapter 11.1
TUREEN
Hindi talaga ako nakatulog kagabi.. kasi naman, makita palang ung mukha ni
Jake.. ay ni alam nio na at ni plastic witch nakaka-eyebugs na. :doubt:
Kinuha ko muna ung mga gamit ko sa bag ko, at may nahulog. Hmm, bracelet? Teka..
[flashback]
"Alam mo, ang bait mo talaga, Penny." sabi ko.
"Hindi kaya.. mas mabait ka Tureen." sabi ni Penny.
"Basta, mas mabait ka sa akin." sabi ko.
"Hehe.. ikaw kaya. Tignan mo oh, ang cute ng charms dito.."
"Oo nga noh.. tig-pa-partners pa."
"Kuya, pabili po nito." sabi ni Penny dun sa tindero.
"Penny? Bakit mo binili yan? Eh ang mahal mahal nian."
"Ok lang un, para sa akin ung isa, at sau naman ung isa. Sign of friendship
natin."
Nginitian nia ako. At, nginitian ko rin siya.
[end]
Tatapon ko ba ito? Pero.. sayang eh, ang mahal pa naman. Masuot na nga lang.
Cute naman xa eh.
---------------------------------------------------------------
"Mamili kau ng partner, mag-hi-hiking tau." sabi ng in-charge.
Hay. Hiking. :rolleyes:
"Dixie, tau na lang partners." sabi ko.
"O.. sige. Teka, bakit parang puyat na puyat ka?"
"Ahh.. wag mo nang tanungin. Sabihin ko palang, di na ako makakatulog eh."
"O sige." sabi ni Dixie.
"Meron taung laro, kung sino ang unang partner na makarating sa finish line, may
matatanggap na reward. Secret na kung ano ung reward." sabi ng in-charge.
"OK." sabi nang lahat.
"Ready, Set, Go!" At, ayun, naglakad na kami ni Dixie. Syempre, alangang tumakbo
kami?! :lol:
-----------------------------------------------------------
"Ang init! :mad:" sabi ni Dixie.
"Kaya nga eh."
"Grabe, baka umitim ako."
"Ha? Un lang ang iniisip mo?! :angry:"
"Nuh ka ba.. joke lang noh."
"Pahinga muna tau."
"Oo nga."
Nagpahinga muna kami. Umupo kami sa malaking bato.
"Tureen!" may narinig akong boses. waah, wag niong sabihing si anu yon..
"Seth?" sabi ni Dixie.
"At si alam mo na?" sabi ko.
"Tureen! Ok ka pa ba?" tanong ni Seth.
"Kung hindi na, pwede kitang buhatin." sabi naman ni alam nio na.
"Hindi.. ako ang magbubuhat sa kanya!" sabi naman ni Seth.
"Ako!" sabi naman ni alam nio na.
"Nako, Tureen. Pinag-aagawan ka ng mga heartthrobs."
"Ayy naku.. alis na nga tau Dixie."
"Sige." At umalis na kami. Hay, buti naman nakaalis rin kami doon. Haha. :lol:
Tapos, nakasalubong namin sina Justin at Louise. Oo, partners sila. Hmm.. I
smell something fishy ahh.. :eh:
"Ahh.. ate Tureen.." sabi ni Louise.
"Yo." greet naman ni Justin.
"Ahh.. hello. Sige ha, una na kami." sabi ko.
"Okay! Kita na lang tayo sa finish line!" sabi ni Justin.
"Oo nga." sabi din ni Dixie. Teka.. partners kami ni Dixie diba?
"Hoy Dixie! Halika nga rito!"
"Mauna ka na. Hahabol na lang ako. Pagod na ako eh."
"Bahala ka jan. :mad:" sabi ko at naglakad na lang. Hay, pagod rin naman ako eh.
Umupo muna ako sa isang bato. At, uminom ng mineral water. Vit water, try one
now nga diba. =D
"TULOOONG!" may narinig akong sigaw.. teka, pamilyar un ah.
"TULLLLOOONG!" teka.. si..
At, mahuhulog na pala si plastic witch sa isang bangin. Saan ba ung partner
nia?! :paranoid:
"Penny.." sabi ko.. Teka.. tutulungan ko ba siya?
Ano?
Bahala na nga, basta kaylangan ko siyang tulungan. :paranoid:
End of Chapter 11.1
Chapter 11.2
TUREEN
"Penny! Hawakan mo tong kamay ko!" sigaw ko sa kanya.
"Ha? Ano ako sira? YUCK." sabi nia. Grr.. witch talaga!
"Ano.. gusto mo na bang mamatay?! Mas sira ka nun."
"Argh.. no choice." sabi nia. At, hinawakan ko na nga ang kamay nia.
Kaso, nahulog ung charm.. na binigay nia.
"Bilisan mo! Baka mahulog pa ako!" sabi nia.
"Teka.." at, na-out of balance ako. Bggg.. hulog kaming dalawa. :doubt:
"Aray.." sabi ko. Teka.. asan na un? :paranoid:
"Kasalanan mo to eh.. HELP! Tulungan nio kami!" sigaw nia.
"Grr.. bahala ka na nga sa buhay mo. May hinahanap ako dito eh." sabi ko. At, sa
wakas, nakita ko rin.
"Ano ba yan? Gaano ba yan ka-importante sa iyo? Huh?"
"Basta!" tinago ko.. mahirap na eh.
Kung ano pa ang sabihin netong bruhang ito. :angry:
PENNY
Ang naging partner ko ay isang stranger, at, napunta si Jake ko dun sa Seth
Rodriguez na iyon. Hmph.. masundan nga sila.
"Teka.." sabi nung babaemg partner ko.
"Shut up! Huwag ka ngang lalapit sa akin, ang panget mo eh. :mad:" sabi ko.
Naiinis ako.
"Sorry.." sabi nia. Napaiyak pa nga eh. Eww.. ang tanda tanda na nia iyakin pa.
And.. she reminds me of my BEST OLD FRIEND, Tureen. Hindi sila magkamukha ha. =D
"Asan na ba kasi sila Jake.." sabi ko. Ang hirap pala maglakad dito ha,
nakakaasar.
Kaya umupo muna ako sa isang bato.
Naalala ko yung Tureen na iyon. She's kind, kaya nakakaasar. People like her
should vanish. Kasi naman.. kung hindi dahil doon sa bet nila Jake, they would
never meet. Ayun tului, ang Jake ko, na dating playboy, naging good boy. Tapos,
parang ayaw nia na sa akin. :doubt:
And that's because..
He fell in love with that annoying girl. :mad:
Ang sakit tului ng paa ko, kaya inis na inis ako. Kumuha ako ng isang maliit na
bato, at binato un. Inisip ko na lang, si Tureen ung binato ko. Kaso, na-out of
balance ako.
Mahuhulog na sa isang bangin. :O
"TULONG!" sigaw ko. Sana naman, maligtas pa ako. Hindi ko pa ata nakukuha ang
Jake ko noh.
Tapos, sa wakas, may narinig ako yapak. Buti naman.
And it was HER!
Bakit ba kasi sa dinadaming tao dito sa mundo, siya pa ang talagang nakakita sa
akin. Kaya syempre umayaw ako. Ano ako.. nasisiraan? Gusto nia ba akong tulungan
para magkaroon ako ng utang na loob sa kanya at maging sa kanya na ang Jake ko?
No way. He's only mine.
Pero, tinanggap ko na rin ung kamay nia. Come what may..
But.. may nahulog siyang gamit.. isang charm.
A charm that is familiar to me.. iyon ung charm na binigay ko sa kanya. :O
Eh bakit nia suot? After what I've done to her..
EWW. I'm starting to be OA na. Nahulog tului kami.
"Help!" sigaw ko. Ayoko ngang mastuck dito kasama yang malanding yan. :disgust:
After 5 minutes na kakasigaw naming dalawa, may tumulong din. And, it was Jake
and Seth. :wow:
TUREEN
"Help!" sigaw nia.
"Tulong!" nakisigaw na rin ako. English at Tagalog ha. :P
After 5 minutes na kakasigaw naming dalawa, may tumulong din. And, it was Jake
and Seth. Teka.. bakit sila pa? :crybaby:
-AFTER NANG RESCUE-
"Ok ka lang ba, Tureen?" tanong ni Seth.
"Ano.. ok ka lang ba?" tanong naman ni Jake.
Tapos, biglang yumakap si Penny kay Jake.
At inakbayan naman ako ni Seth.
"ACHOO!" hay, magkakasipon pa ata ako. :doubt:
Hay.. tapos na ang chapter eleven, sige.. kita-kits na lang ah. Bye!
End of Chapter Eleven.
Chapter 12.1
TUREEN
Ngayon ang araw ng kasal ko. Hay, ang saya saya ko ngaun. Kasi naman noh, ang
kasal, isang beses lang yan nararanasan. Haha. Pero.. masaya talaga ako, as
in. :lol: Hay.. sa kaylangan ko nang magmadali, baka malate pa ako sa sarili
kong kasal. :lol:
Palakad na ako doon sa simbahan.. ang daming nakatitig sa akin. :redface: Kasi
naman, ang ganda ko ngayon noh. Hehe. Kapal ng mukha ko. :P Ayan, malapit na ako
sa groom. Kaso, di ko makita ang mukha nia. Dumating na ung pare at nagsimula
na.
"I do." sabi ng groom ko.
"I do." sabi ko naman.
"You may kiss the bride." sabi naman ng pare. Ayan na.. ang kiss! :wow:
At, nasinagan ng araw ung mukha nia..
And it was Jake! :o
------------------------------------------------
Waah! Panaginip lang pala. Ay hindi, bangungot pala. Nasa kama na ako, at si
Dixie natutulog pa. Hmm, e kasi naman alas dos palang nang umaga eh. Ay, ang
sama ng pakiramdam ko. Kasi naman.. dahil doon sa camping kahapon. Kakauwi lang
namin kagabi ha. :paranoid:
"ACHOO!" waah, parang magkakasipon pa ata ako. May AH1N1 na yata ako! Waaah!
Oyy, OA na ha. :P
Hay, makatulog na nga lang. Sana di matului ung panaginip ko. :mad:
------------------------------------------------
"Tureen, baka malate ka pa nian. Gising na." Myunnn.. parang ginigising na ata
ako ni Dixie ha.
Kaso, parang ang bigat ng katawan ko. Ang sakit pa ng ulo ko.
"Teka, Tureen-- ang taas ng lagnat mo ha!" sabi ni Dixie.
"Teka.. sandali lang, kukuha ako ng gamot. At saka, wag ka ng pumasok ah."
"O-ok.." sabi ko na lang. Haist.
Kumuha na si Dixie ng gamot, at ininom ko na lang. At, umalis na rin si Dixie.
Hay.
Makatulog na nga lang. :P
JAKE
Wala namang naging improvement sa relationship namin ni Tureen.. hay. Tapos, ang
kulit-kulit pa ni Nel.
Buti na lang may pasok na, para magkita ulit kami ni Tureen. Nandito ako sa may
gate ng school, hinihintay siya. Kaso, parang antagal naman ata.
Nakita ko si Dixie. Hmm.. teka.. dapat magkasama sila ni Tureen ha.. pero bakit
wala siya?! :O
"Dixie!" tawag ko.
"Bakit?" tanong nia.
"Asan si Tureen?"
"Ahh.. kasi.. may lagnat siya." HUH?
"Ano?!" sabi ko.
"Cge, baka malate pa ako eh." sabi ni Dixie.
"Cge. Ano nga palang room nio?" tanong ko.
"Room 204." sabi nia at tumakbo nang mabilis. Ok lang kahit absent ako, basta
ang mahalaga ay si Tureen.
Kawawa naman siya pag nagkataon.
Nagmadali ako at pumunta sa room nila. At, natutulog pala siya. Tinitigan ko
siya nang mabuti. Ang cute nia talaga. At, kung halikan ko kaya siya? Hmm.. para
namang madaya yun. Hay.
Kaso, inantok rin ako, at nakatulog.
TUREEN
Nagising din ako. Kaso, parang may tao sa tabi ng ulo ko. At, lalake ata. Uyy,
sino ba ito?! :paranoid:
Nagulat ako. Si Jake.
"WAAAAAH!" sigaw ko. Nakakagulat naman kasi eh. Nagising siya.
"Tureen.. ahh.. kasi.."
"Bakit ka nandito?!" tanong ko.
"Kasi, nag-aalala lang naman ako sau." Suddenly, my heart skipped a beat. And,
parang nag-blublush ako. Nakakainis naman itong lalakeng ito.. ohhh! :mad:
"Umalis ka na nga!" sigaw ko.
"Hindi pwede noh!"
"At bakit?"
"Kasi.."
"Ano?!"
"Gusto ko nandito ako sa tabi mo." Nanaman.
"Ang cheesy mo! Umalis kang langaw ka! Di kita kaylangan sa buhay ko!"
"Eh kaylangan kita sa buhay ko!" sigaw nia. Ang cheesy talaga nitong lalakeng
ito ohh. Nakaka... ASAR! :angry:
"Ang kulit mo. Bahala ka jan sa buhay mo." sabi ko sa kanya.
"Ok." ngiti nia lang.
"Maliligo lang ako. Huwag kang gagawa ng kababalaghan ha." sabi ko.
"Ok." ngiti nia ulit. Grr.. naalala ko tului ung panaginip ko. Bakit siya.. pa?!
:redface::mad:
Pumasok na ako sa CR at naligo. Hay, makapag-relax din.
And I feel better now. Ng konti.
After nung bath ko, nakita ko siyang nakatayo sa may desk ko. Sabi na kasing eh!
"Anong ginagawa mo?!" tanong ko.
"Nasa iyo pa pala ito." sabi nia.
"Yung ano?"
"Eto ohh," at pinakita nia si Jane. Kilala nio pa ba iyon? Ahaha.
"Eh ano naman?!" tanong ko.
"Ibig sabihin, pinapahalagahan mo pa ako."
"Ang kapal mo!"
"Pero.. Tureen.."
"Ano?!" sabi ko.
"Kasi.."
"Ang kulit. Binibitin pa ako!" Wala talaga ako sa mood ngaun ah.
"ACHOOO!" ayan, may sipon pa pala akoh.
-----------------------------------------------------------
"Humiga ka muna, ako na lang ang mag-aalaga sa iyo ha. Haha."
"Tahimik! Tahimik!" sabi ko.
"Ang cute mo talaga." at aba, pinisil pa ang pisngi ko.
"Aray.." kakaasar na ito ah.
"Sorry." bulong nia sa akin.
"Para saan?" tanong ko.
"Ohh, bibili muna ako ng makakain mo ha. Jan ka lang." sabi nia at umalis na rin
sa wakas.
Buti naman, tahimik na. Pero.. bakit siya nag-sorry sa akin.. ?? Siguro dahil
doon sa bet nila.
Tama, oo nga pala noh. Kaaway ko siya!
Bakit ba nakakalimutan ko un?!
O kaya naman..
May gusto pa ako sa kanya?! :/
End of Chapter 12.1
Chapter 12.2
TUREEN
Haha. Hindi naman siguro noh. Haha. Nakakatawa ka talaga Tureen. :lol:
Pero.. hmm.. malay ko ba..
Hay.
After 10 minutes, nakabalik na siya. What if.. i-confirm ko kung may feelings pa
ako para sa kanya?
Ano yun? Tatanungin ko siya? Eh ang kapal pa naman ng mukha ng mokong na yan.
Haha. :lol:
"Susubuan na lang kita." sabi nia.
"HUH?! :o" Oyy, hindi naman kami UN no. Haha.
"Basta.. sumubo ka na lang." at sinubuan niya ko ng lugaw.
"ANG INITTTT! :angry:" nasabi ko. ARAY kaya.
"Ayy.. sorry ha.. hihipan ko na lang."
"Buti naman. :P" sabi ko.
Hinipan niya ung lugaw.
"Hmm.. mainit pa kaya.. tikman ko nga." at sinubo niya sa bibig niya yung lugaw.
"T-teka... bakit ka sumubo?! :mad:"
"Ayy.. Sorry.. marami pa naman eh." Argh... Hindi naman yun iyong inaalala ko
eh, kasi naman.. sumubo ako dun sa kutsara tapos sumubo rin siya.. diba indirect
kiss iyon?! :mad:
"Ohh.. AAAHH.." sabi nia pa. Ginawa ba naman akong bata.
"MYANG." << sound effect yan ng pagsubo ah.
Nung tapos na kaming kumain, tinake nia yung temperature ko.
"Hmm.. mediu bumaba na ung lagnat mo ahh.. mabuti yan." sabi nia.
"Para ka namang nurse." sabi ko.
"Ganun talaga, kasi.. pasyente kita."
"Huh?"
"Wala." Sa totoo lang, narinig ko ung sinabi nia. Eh paano naman kasi,
magsisimula na naman ung ka-cheesyhan nia.
"Sige, matutulog na lang ako." sabi ko.
"Ok.." sabi nia. Kumuha siya ng upuan at nagbasa ng libro. Hay.
Naalala ko tului.. nung unang pagkikita namin.
Ayy, bakit ko nga pala iniisip iyon? Dapat ang iniisip ko, ay kung paano ako
makakapaghiganti. Ang laki yata ng kasalanan nila sa akin noh. Nila ni plastic
witch. Diba? :doubt:
"Hindi ka ba makatulog? Nilalamig ka ba?" tanong nia bigla, at sinara ang libro
na binabasa nia.
I just nodded.
"Eh di.." lumapit siya sa akin at tumabi sa kama ko.
"Oyy.. Anong ginagawa mo?! Umalis ka nga dito... :redface:"
"Ayoko nga. :P"
"Hindi tayo close."
"Eh ang close nating ngayun oh." Argh.. kaasar talaga 'toh oh..
"Hmph! :angry:" sabi ko lang. Lagi na lang ako talo.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Ang sakit ah.
Pero.. nainitan ako.
Tinignan ko siya ng mata sa mata. And.. ang bilis ng tibok ng puso ko. :redface:
"Oyy.. may crush ka sa akin noh?"
"Ang kapal mo!" sabi ko. Kahit kaylan 'to oh.
----------------------------------
"Sige. Bye na ah." sabi ni Jake.
"Ok.."
"Wla bang goodbye kiss?"
"Goodbye kiss mo mukha mo!"
"Haha." tumawa lang siya.
"Thank you ah." sabi ko. Langan namang di mag thank you.
"Haha." tawa nia ulit at umalis na.
And.. I confirmed it..
May gusto pa ako sa kanya..
pero.. hindi dapat mangayari iyon! :doubt:
End of Chapter Twelve.
Chapter 13.1
TUREEN
"Tureen! Tureen!" tawag ni Dixie.
"Ahh.. ano nga ulit un?" tanong ko.
"Blanko ka na naman.. ano bang iniisip mo? Si Jake ba?"
"HUH? Hindi kaya.. :redface:" sabi ko. Nakakainis oh.
"Si Seth?"
"Ano ka ba!" sabi ko. Nang-aasar na naman kasi itong si Dixie eh.
Kumakain kami dito sa school cafeteria, at syempe inaaral ko yung mga notes kasi
namiss ko ang school kahapon. Hay.. yung kahapon ah.. di ako nakatulog nun.
:doubt:
"Tureen!" narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
"Ahh? S-seth?" sabi ko, at pinaliligiran siya ng mga babae.
"Tureen!" lumapit siya sa akin. Yung mga babae naman, nakatitig ng masama sa
akin. Hay.
"Kasi.. may sasabihin ako sa iyo mamaya.. makigta tayo sa school gate.. ng
5:00." sabi niya. Mukhang nahihiya ata siya.
"Ohh.. sige." ngiti ko. Tapos, umalis na siya.
Hay.
"Uyy Tureen ahh! Dala-dalawa ang boys mo!" sabi ni Dixie.
"Huh?!"
"Pareho pang mga hotties! Ang haba ng hair mo!!" sabi pa ni Dixie.
"Ano ka ba Dixie! Hindi naman ganoon eh.. at saka, imposibleng magkagusto sa
akin si Seth. Di naman ako maganda."
"Huh? Ano ka ba, cute ka naman eh, lalo na pag nakangiti!"
"Hay naku Dixie, bolera ka talaga."
"Haha." Tumawa na lang kaming dalawa. Haha. :lol:
---------------------------
"Ano kasi.. ate Tureen.. may gusto ako sa isang lalake.. pero di ko naman alam
kung may gusto din siya sa akin.." sabi ni Louise.
"Huh? Sino siya..? :O" tanong ko.
"Kasi.. si.. ano yun.. si.."
"TUREEEN!!" biglang may narinig akong isang nakakabinging boses.
"J-justin?"
"Long time no see ah! Miss na kita!!" sabi niya, patting my head. Mas matangkad
pa sa akin kahit mas matanda ako. :doubt:
"Ano ka ba.. eh isang araw lang naman tayo hindi nagkita." sabi ko.
"Haha.. ganun ba? Parang isang taon na eh."
"Ahh.. t-teka lang ahh.. kinakausap kasi ako ni Louise eh."
"Huh? Eh kanina pa siya umalis." sabi ni Justin.
"Huh? Na-OP siguro siya.. kasi naman Justin eh!"
"Sorry! Sorry!" sabi niya na tumatawa. Nakitawa na rin ako.
"Ah, oo nga pala, anong oras na?" tanong ko.
"5:20 na. Bakit?"
"Makikipagkita kasi ako kay Seth eh! Sige, Bye!" sabi ko.
"Ahh.. sige.. bye." Nung patakbo na ako, parang nakita ko siyang malungkot.
Ano bang nangyari? :/
---------------------------
"Seth!!!" tawag ko. Naku, parang kanina pa siya naghihintay doon ah.
"Tureen.. buti nakarating ka." smile niya.
"Hehe. Sorry kung late ako ah.. ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko.
"Kasi.. ano.."
Nakinig lang ako sa kanya. =)
"Tureen Allard, pwede ka bang.."
"Hmm?"
"Makipag-date sa akin?" sabi nia. I-isang confession?! :paranoid:
"S-seth..?"
"Kasi.. lagi na lang kita iniisip.. tapos narealize ko na..
may gusto ako sa iyo, Tureen."
End of Chapter 13.1
Chapter 13.2
Tureen
Nakakagulat talaga iyong nangyari kahapon.
Masyadong unexpected.
"May gusto ako sa iyo Tureen. Pwede bang mag-date tayo bukas? Please?"
"Ahh.. syempre naman." ngiti ko.
"Sige.. kita tayo bukas, 4pm sa park doon malapit sa bay."
"Ok." ngiti ko. At, umalis na si Seth.
Flashback un ah. Hay.. 4pm, sa park doon malapit sa bay.
Excited na ko!!
Kaso, date lang naman iyon eh.. at saka, ang sabi sa akin ni Seth..
Gusto nia daw ako.
Sa totoo lang, gusto ko din naman si Seth nung unang pagkikita palang namin eh..
kaso, lagi ko kasi naiisip ung Jake na iyon.
Wahh, erase erase erase!
-----------------------------
3pm pa lang nag-ayos na ko. Kasi naman, kapag excited masyado, parang
nababagalan sa oras.
Kaya ligo, ligo, ligo, ayos, ayos, ayos!
Habang naglalagay ako ng lipstick, naalala ko bigla ung date namin ni Jake..
ayos na ayos din ako nun.
Waah, yan na naman Tureen, iniisip mo na naman yung mokong na iyon!
Kaylangan si Seth muna ang isipin ko ngayon.
Pero di ko alam kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang mas gusto ko.
Waah!
3:55 PM -- PARK
Nauna na kong dumating kahit 5 minutes palang.
Kasi naman, excited ng diba?
After 1 minute..
Waahh! 4 minutes pa, Tureen. Got to be calm.
After 2 minutes..
Tick tock, tick tock.. bilissss!
After 3 minutes..
Ang init!! Ang bagal ng oras!!
After 4 minutes..
Isang minuto na nga lang ang bagal-bagal pa!!
4:00 PM
Biglang may dumaan na isang itim na limousine. Tapos, may mga dudes in black na
bumaba at binuksan ang pinto ng kotse dun sa may banda likuran.
At, ayan na pala si Seth.
"Sorry kung pinaghintay kita nang matagal, nakakahiya naman sa iyo.. babae ka
tapos pinaghihintay ka ng isang lalake.. na nag-imbita sa iyo.."
"Ano ka ba Seth, ok lang iyon!" ngiti ko.
"Sorry talaga.."
"Haha.. at saka 5 minutes lang naman ako naghintay eh.. excited kasi ako eh."
kahit parang 5 hours na iyong kanina.
"Thank you, Tureen.. sige, Mr. Regare, iwan niyo na lang kami dito."
"Sigurado po ba kayo?" tanong nung isa sa mga dudes in black.
"Oo, sige.. ha. Bye." sabi ni Seth at pinaalis na yung mga guards niya.
Grabe, ang yaman talaga ng mga taong naeencounter ko..
"Tureen, saan mo gusto pumunta? O kaya anong gusto mong gawin?"
"Ahh, kahit ano na lang.."
"Alam ko na, bumili na lang tayo ng ice cream. Ang init kasi ngayon eh."
"Ohh.. sigee." sabi ko.
Bumili kami ng ice cream, treat niya. Chocolate yung sa akin at Vanilla sa
kanya. Mahilig pala siya sa Vanilla.
Umupo kami sa isang bench sa may tapat ng isang fountain. Diba, ang romantic?
Haha.
"Alam mo Tureen.. ang cute mo ngayon." sabi nia.
"Huh? H-hindi.. naman." sabi ko. Nagblu-blush ako sigurado.
"At saka, mabait ka pa.. kaya nga nagustuhan kita."
"Ano.. hindi naman noh! Ikaw nga ang mabait jan eh.."
"Mas mabait ka."
"Hindi, ikaw ang mas mabait, Seth. Pramis."
"Haha.. ikaw kaya."
"Sige na nga suko na ako." sabi ko. Kasi naman, paulit-ulit lang kami.
"Tureen, natutunaw na yung ice cream mo.."
"Waahh.. natutunaw na nga.."
"Haha.. teka lang ah.." Naglabas si Seth ng panyo, at pinunasan ung blouse ko,
kasi natuluan eh.
"Nakakahiya naman sa iyo.." sabi ko. Talaga naman eh. Para kasing ang mahal pa
nung panyo.
Nginitian lang ako ni Seth.
"Ano kaya kung mag-ferris wheel na lang tayo?" yaya ko. May malapit kasi na
ferris wheel dito sa may park.
"Sige.." ngiti nia.
Si Seth pa rin ang nagbayad. Grabe nga eh, cheque pa talaga ang binayad niya,
10,000 pesos. Pero, sabi ni Seth, ok lang daw iyon.. grabe, nakaisa ung may ari
ng ferris wheel na iyon ah.
Sumakay kami ng ferris wheel.
Mediu dumidilim na nga rin eh.
"Tignan mo, Tureen.. ung sunset.." sabi ni Seth nung nasa tuktok na kami.
"Oo nga noh.. ang ganda.."
"Sing-ganda mo, Tureen." sabi nia.
"Thank you." sabi ko, kahit mediu nacheesyhan ako doon.
Sa totoo lang, masayang kasama si Seth..
pero, masaya din ako kapag kasama ko si Jake.
End of Chapter Thirteen.
Chapter 14.1
LOUISE
Napapaisip pa rin ako.
Kasi naman..
hindi ko alam kung ano ba talaga ito..
sa tuwing nakikita ko siya, namumula ako..
o kaya naman nauutal.
Hay.. ganun naman talaga ako eh..
kaso, pag siya ang nakikita o nakakausap ko..
pakiramdam ko, matutunaw ako. :redface::redface:
"Miss Louise, nakahanda na po ang almusal ninyo." sabi ni Ms. Sally, isa sa mga
maid namin.
"Ahh.. sige po!" sabi ko. Kakagising ko palang kasi eh.
Pumunta na ako doon sa dining room. Marami na namang pagkain. Hay.
Hindi naman namin mauubos yan eh.
Umupo na ako sa isang upuan. Sa tabi ni kuya Jake.
At nagsimula ng kumain.
Minsan, mahirap talaga kapag mayaman ka.. kasi naman.. pakiramdam ko..
hindi ako malaya.
Pagkatapos ko kumain, bumalik na ako sa kwarto ko at naligo. Sunday kasi ngayon,
aatend ako ng Church.
Kasama si Kuya Jake.
Minsan nga, naiingit ako kay Kuya Jake.. kasi, malakas ang loob niya. Alam ko
namang magkakilala na sila ate Tureen at kuya Jake noon pa. Sa ibang school kasi
ako nun. Si kuya Jake.. gustong-gusto niya si Ate Tureen.
Nakakainggit kasi, direkta niyang sinasabi kay Ate Tureen na hindi siya susuko.
Na, mahal niya si Ate Tureen.
Ako.. ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko.
Nung tapos na yung misa, may nakita akong isang batang umiiyak sa labas ng
simbahan.
Gusto ko siyang tulungan.
Kaso, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Tapos may lumapit sa kanyang babae..
and, it was Ate Tureen.
"May problema ba?" tanong ni ate Tureen doon sa batang umiiyak.
"K-kasi.. nawawala ako.." sabi naman nung bata.
"Huh? Sino ba ang kasama mo?" tanong ni Ate Tureen.
"Ang.. M-mama.. k-ko.."
"Ganun ba? Sige, hanapin natin siya." ngiti ni Ate Tureen doon sa bata.
Papunta sila sa loob ng simbahan, kaya nagtago ako.
At, nahanap nila ung nanay.
Masaya yung bata.. pati rin si Ate Tureen.
At, ako rin.
Kasi.. ngayon naiitindihan ko na..
na dahil nagustuhan ni Kuya Jake si Ate Tureen kasi..
siya yug tipo ng babae na matapang at mabait.
Gusto kong maging kaulad niya..
para naman mapansin din ako ni..
Justin.
End of Chapter 14.1
Chapter 14.2
TUREEN
Hayy.. grabe.. hindi pa rin ako makapaniwalang may gusto pala sa akin si Seth.
Kasi naman, di naman ako maganda o matalino. Haist. =|
"Tureen, grabe.. mahirap pala talaga ang maging college student noh?" biglang
akbay sa akin ni Dixie, at pinagpapawisan siya. Naglalakad kami sa paligid ng
campus. Tapos na ang klase.
"Ano ka ba, isang buwan ka nang college student tapos ngayon mo lang na-realize
yan.." sabi ko.
Haha.
"Nang-asar pa. Siya, bili na lang tayo ng ice cream. Ang enet eh." sabi nia.
Muka nga siyang pagod na pagod.
"Okei. Treat mo?"
"Nah. Kaw." Hay, lagi naman akouh eh.
Bumili na kami ng ice cream at umupo sa isang bench. Ang init nga talaga.
"Alam ko na!" biglang sigaw ni Dixie.
"Huh? Anong alam mo na? Nakakagulat ka naman."
"Naman ohh!" biglang palo niya sa likuran ko.
"Dixie!"
"Haha. Biro lang ah. Kasi, naalala ko na mero nga palang bagong fortune-telling
booth dyan sa may shopping district." sabi nia.
"Ahh? Ano na?"
"Edi ano pa nga ba, magpaghula tayo!"
"Tayo? Snong kasama mo?"
"Huwag ka nga KJ! Halika na!!"
"Haa? As in NOW NA?"
"Naman!" ngiti nia. Hay. Si Dixie talaga ohh. Hindi naman kasi ako naniniwala sa
mga hula-hulang iyan, basta. Di sila kapani-paniwala.
----------------------
"Nakakatakot dito ah.. nanginginig na ako. Sobrang dilim.. haunted house ba
'to?" tanong ko kay Dixie.
"Ano ka ba, ang ganda kaya! May mga candles pa ohh."
"Mangkukulam yata yan eh." Lumapit na kami doon sa manghuhula, as in nakakatakot
siya. Basta, mag-imagine kayu ng mangkukulam, at yun ang itsura ng nakikita ko
ngayon.
"Anong.. gusto niyong.. itanong?" ang lalim ng boses. Nakakataas ng balahibo.
"Ano po.. kasi, gusto kong malaman kung sino ba ang soulmate ko. Kahit initials
lang, pwede." sabi ni Dixie.
Tumingin yung manghuhula sa "bolang crystal" nia. Tapos, binalik ang tingin sa
amin.
"Tatanda kang dalaga." Haha, gulat ako doon ha.
"Ano bang sinasabi mo jan! Peke ka yata ehh! Makaalis na nga! Halika na Tureen!"
Haha. Ang labo talaga ni Dixie.
"Sandali.. ikaw.. na naka-yellow shirt." sabi nung manghuhula.
Ha? Ako daw?
"B-bakit?" tanong ko. Feeling ko parang ito yung scene sa Hansel and Gretel na
kakainin na ng mangkukulam si Hansel. Kakatakot.
"May nakikita ako sa iyo.. magiging.. malungkot ang buhay mo."
"Huh?" tanong ko, kaso, hinila na ako palabas ni Dixie.
"Ano ba, huwag kang maniniwala sa hula ahh! Peke ang mga hula!" sabi sa akin ni
Dixie.
"Eh diba ikaw ang nag-invite sa akin dito?"
"BASTAAA!" sigaw niya. Haha, hindi yata maaccept ni Dixie ang hula sa kanya.
Pero.. yung sinasabi sa akin nung manghuhula..
magiging malungkot daw ang buhay ko?
Paano?
Hay. Oo nga pala no, hindi totoo ang mga hula. :doubt:
End of Chapter Fourteen.
Chapter 15.1
TUREEN
"At unti-unti siyang kinain ng halimawww!!" sigaw ni Dixie nang malakas.
"WHAAAA!" tili ko. Natakot kasi talga ako eh.
"Hmm.. hindi naman masyadong nakakatakot un ehh." sabi ni Justin.
"Kaya nga. Mga bata nga lang yata ang natatakot sa mga ganung storya." agree
naman ni Dixie.
"Kahit na noh.. nakakatakot kaya!" sabi ko. Nasa kwarto kaming tatlo ngayon.
Tapos na ang klase, at umuulan pa nang malakas. Bumisita kasi tong si Justin
eh.. tapos nag-request na magsabihan daw kami ng ghost stories.
"Hay. Ikaw naman Tureen. Wala ka bang kwentong nakakatakot?" tanong ni Justin sa
akin.
"Syempre meron noh. Sariling experience ko nga eh." sabi ko.
"Huh? Sige, ikwento mo." sabi ni Dixie. Nakatingin lang silang dalawa sa akin.
"Kasi.. ganito yun.."
"BLAH BLAH BLAH BLAH.." << ayaw nang pahabain.
"Comedy ba iyon? O romance?" tanong ni Justin.
"Hindi!!! Horror yun!!! HORROR!" sigaw ko.
"Grabe ah, nakakatakot." sabi ni Dixie. Nang-aasar pa ahh.
"Hmph!" sabi ko.
SILENCE~~
"Alam ko na!" biglang napasigaw si Justin.
"Ano yun?!" tanong namin ni Dixie.
"Isang Ghost Hunting!"
"HUH?" tanong ko.
"Para namang masyadong childish iyun." sabi ni Dixie.
"Hindi naman eeh. Okay nga sa tenga ko ehh." ngiti ni Justin.
"Hay. Sige na nga, payag na kouh." sabi ni Dixie.
"Good luck sa inyong dalawa ahh!" ngiti ko sa kanila.
"Huy! Kasama ka kaya Tureen." sabi ni Dixie.
"Ayoko ngaaah!" Haha, sabi ko nga sa inyo diba? Takot ako sa moo-moo.
"Kaylangan nandon ka Tureen." sabi ni Justin.
"Bakit naman?!"
"Kasi, hindi magiging masaya pag hindi ka nandoon." sabi nia.
"Pag-tritripan nio lang naman ako eh!" sabi ko.
"Basta, sasama ka Tureen." sabi ni Justin.
Nagmamakaawa yung mukha.
"Oo... naaa.. sige... na nga!" sabi ko.
"Yay!" biglang yakap niya sa akin.
----------------------------
11:30 PM --- Sa loob ng school.
"Ah... huwag na lang kaya natin ituloy toh.." sabi ko.
"Ano ka ba, masaya nga to eh." sabi ni Dixie. Ininivite din ni Justin si Seth,
Jake, plastic witch at Louise.
Tapos, pinaalam ni Seth kung pwedeng buksan ang school ng ganitong oras sa mom
nia. Pumayag naman ung mom nia. Kaya nga naiinis ako eh. :mad:
"So, ganito ang gagawin natin. Magbubunutan tayo kung sino ang magiging
kapartner natin sa Ghost Hunting na ito." sabi ni Dixie. Tapos, bumunot kami ng
paper doon sa box na hawak niya.
"Number 02..?" sabi ko nung buksan ko na ung folded paper.
"So, ang partners are..." sabi ni Dixie.
"Louise, Seth and Justin, Jake and Tureen, and me and ugh.. ah.. Penelope."
Haha, parang nahihirapan pang sabihin ni Dixie ung name ng babaeng iyon ah.
"Teka, bakit naman kaylangan ganun ang resulta? May daya yata yang bunutan eh!"
reklamo ni plastic witch.
"Huh? Parang sinasabi mong ayaw mo sa akin ah. Pwes, ayaw ko rin sa iyo." sabi
ni Dixie.
"Mas ayaw ko naman sa iyo, babaeng mukhang kabayo!" sabi ni plastic witch.
"ARGH!!!" sabi ni Dixie. Mag-aaway pa ata tong dalawa na ito ah.
"Paano ba yan, partners tayo. Take care of me ah." biglang akbay sa akin ni
Jake.
BADUMP. :redface:
"Alis! Alis!" sigaw ko.
"Haha.." tawa niya.
-----------------------------------
Nagsimula na kaming pumasok sa loob. Magkakahiwalay nga lang kami. Ang laki at
luma pa naman nitong school na ito.. kaya nakakatakot. Buti nga eh may partner
ako at may flashlight.
"Nakakatakot.." sabi ko. Para kasing pakiramdam ko, merong taong nakatitig sa
akin.
"Okay lang yan, pag may nakita ka, yumakap ka lang sa akin." sabi nia.
"Kapal ng mukha mo! Makaalis na nga!" sabi ko, at maglalakad na sana ako palayo
sa kanya kaso..
"Bahala ka dyan, wala ka pa namang flashlight, baka may makita ka dyan." sabi
nia. Oo nga pala noh, siya ung may hawak ng flashlight.
"Ano ka ba, biro lang yun noh.. partners nga tau eh.. dapat magkasama lang tayo
diba?" ngiti ko.
Nakakainis naman toh.
Bakit ba kasi siya pa ang naging kapartner ko?!
Kamusta na kaya sila Seth..
LOUISE
Ang mga kasama ko ay sila Justin at Kuya Seth. Sa totoo lang, hindi rin naman
ako fanatic ng mga horror stories o kung ano pa man.. sa totoo lang, takot nga
ako sa kanila eh. Pumayag lang ako, kasi si Justin ang nag-invite sa akin dito
at nakakahiya naman kung hihindi ako.
Pumasok na kami sa loob. Nakakatakot pala sa school pag gabi..
tapos, bigla akong may nakitang puti na dumaan sa may stairs..
"WAAAH!" sigaw ko. Napayakap pala ako kay..
Justin!
"Louise, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Justin.
"Ahh.. o-oo.. :redface:" sabi ko.
"May nakita ka ba?" tanong ni Kuya Seth.
"Oo.. doon.. s-sa may.. hagdanan.." turo ko. Pero, nawala na pala.
"Sandali lang, titignan ko muna ah." sabi ni Kuya Seth, at dinala yung
flashlight. Umalis na siya.
"Buti na lang may isa pa tayong flashlight.." sabi ni Justin.
"Oo.. n-nga.." ngiti ko. Namumula pa rin ako, alam ko.
Kasi.. kaming dalawa na lang ang nandito..
pagkakataon ko na ito pero..
kinakabahan ako dun sa nakita ko!
DIXIE
Shocks. Grabe ah, hindi ko matake ang kaartehan ng babaeng ito. As in.
Alam niyo naman kung sinong babae ang sinasabi ko diba?
Bakit ba kasi siya pa talaga ang naging partner ko? Eh ang arte-arte nito eh.
Gusto pa talaga, ako ang mauuna, at siya ang hahawak ng flashlight. Tapos, every
now and then, hihinto kami para daw makapag-rest siya.
"Grabe.. malamig pala dito ah.. kahit nakaclose yung mga windows.." sabi niya.
Konyo english talaga ah.
"Pahinga muna ako.." sabi nia, at naupo sa lapag.
"Ano ba, ang arte mo ah! Pahinga ka nang pahinga eh! Akin na nga yang
flashlight." sabi ko sa kanya, at inaagaw yung flshlight.
Tumayo siya at, "Anong sabi mo?!"
"Sabi ko ang arte mo!" sigaw ko.
"Ikaw kaya iyon!" sigaw niya naman. Nag-aagwan lang kami sa flashlight.
Tapos biglang may nakita kaming dumaan na nakaputi.
"A---ANO IYON?" pareho naming sabi.
Grabe.. isa ba iyong.. multo?!
TUREEN
Buti naman sa tagal nang paglalakad namin wala pa kaming nakikitang di kanais-
nais. Haha.
"Pagod na ko." sabi ko.
"Sige, magpahinga na lang muna tayo." sabi ni Jake. Umupo lang kami dun sa may
lapag, sa tapat ng Biology Room sa may hallway. Gets nio? :lol:
"Ang.. lamig.." sabi ko. Wala kasi akong hoodie eh.
"Ohh.." sabi ni Jake at tinanggal yung hoodie nia. Tumayo siya, at ibinato yung
hoodie sa akin. Tapos tumalikod.
"S-salamt.. pero.. paano ka?" tanong ko.
"O-okk.. lang iyon.. di naman ako nalalamigan eh." sabi nia.
"Tlaga.." sabi ko at tumayo na rin. "Lakad na ulit tayo!" sabi ko. Tapos,
biglang may narinig kaming sigaw.
Parang boses ata yun nila Dixie at plastic witch aa.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Pabayaan mo sila." sabi ni Jake.
"Ano ka ba! Puntahan natin sila! Tara.."
"Tsk. Sige na nga." sabi nia. Tapos, tumakbo kami papunta doo sa boses.
Nakarating na rin kami. Malapit lang pala sila eh. Sa may tapat ng music room.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Meron.. kaming.. nakita.." sabi ni Dixie. At, may itinuturo sa may loob ng
music room.
"Anong meron?" tanong ni Jake.
"M-multooo..." sabi ni plastic witch, at yumakap kay Jake.
"Multo?!" tanong ko.
Ano ba itong.. multo na ito?
Natatakot na ako ahh!
End of Chapter 15.1
Chapter 15.2
TUREEN
Nasa harapan na kami ng music room. Malamig na ang hangin.. nakakatakot talaga.
"Tureeen!!" may narinig akong boses. Ahh, si Seth pala.
"Seth?" tanong ko.
"May.. hinahabol ako dito.. may nakita akong.. puti.." sabi ni Seth.
"Mero rin kaming nakita.." sabi ni Dixie.
"Kami din." sabi ko.
"Huh? Ibig-sabihin.. nandito un sa.. music room?" tanong ni Seth.
"Malamang." sabi naman ni Jake. Epal talaga tong lalakeng ito.
"Hay naku.. hindi ako natatakot sa ghost na yan noh.. basta nasa tabi ko ang
Jake ko." sabi ni plastic witch.
"Hay.. tumahimik ka nga jan. Pasukin na lang kasi natin yang music room." sabi
ni Dixie.
"Oo nga." sabi naman ni Seth.
"Ok." sabi naman naming lahat. Okay.. kung ano man ang nasa loob ng music room,
dapat.. di ko yun katakutan..
Kaso pagpasok namin..
"WAAAHHH!" sigaw ni Dixie. Bigla siyang hinila ng kung ano.
"Dixieee!" tawag ko. Kaso, sumara ang pintuan ng music room. Parang nakalock.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Seth.
"Si Dixie.. parang hinila siya ng kung ano.." sabi ko..
"Ng multo?" sabi ni plastic witch. Kaylangan pa talaga kasing sabihin yung word
na iyon eh.
"T-teka.." sabi ko.. "Ano iyon?" tinuro ko.
"Ang multo.." sabi ni plastic witch. Tapos biglang hinimatay.
"AYOKO NAAAAAA!" npasigaw ako. Tapos, biglang may nagbukas ng ilaw.
"O, ano Tureen.. tako ka na noh?" tanong ni Justin. Kasama niya si Louise at
Dixie.
"Grabe ah.. nakakahilo to.." biglang tumayo si plastic witch.
Tapos, tumatawa lang si Seth at Jake.
"T-teka.. ano bang.. nangyayari? Huh?" tanong ko. Para yatang ato lang ang
walang alam.
"Haha.. kinausap ko silang lahat para takutin ka, Tureen. At, Mission
Accomplished." sabi ni Justin, tumatawa.
"Ano..?" napanganga lang ako.
"Diba nga? Malapit na ang 17th birthday mo. Early gift yan." sabi ni Dixie.
"Sorry ate Tureen ah.." sabi ni Louise.
"Grabe, muntik nang himatayin si Tureen sa takot." sabi ni Jake.
"Nakakainis kayong lahat!!" sabi ko.
"Hay.. ang boring. Makaalis na nga." sabi ni plastic witch. Tapos, umalis na.
"Teka.. napapayag mo din si pla-- si Penelope, Justin? Ang galing mo ah." sabi
ko.
"Ewan ko nga eh.. pero nung sinabi kong para sa birthday mo 'to.. umooo siya."
sabi ni Justin.
"Penelope.." Hindi ko talaga maitindihan.
Bakit siya pumayag?
Di kaya.. ano ba itong iniisip ko?! Imposible naman yun diba?
Hay.. nakakapagod itong araw na ito ah.
"10.. 9.. 8..." nagco-countdown sila.
"7.. 6.. 5.. 4.. 3.. 2... 1!!"
"Happy Birthday Tureen!!" bait nilang lahat.
Hay, tumatanda na pala ako.
End of Chapter Fifteen.
Chapter 16.1
TUREEN
Ugh.. Ugh..
Hindi nga ito panaginip.
Kinurot-kurot ko ung pisngi ko, habang nakatitig sa salamin. Para atang..
nagkakawrinkles na ako ah. :crybaby::crybaby:
"WAAAAAAAHHHHH!"
"Tureen? Ano bang nangyayari sa iyo?!" biglang pumasok si Dixie sa loob ng
banyo.
"Kasi.. kasi... Dixie.." hindi na ako makapagsalita.
"Hay, alam ko na ang gusto mong sabihin. Parang nagkakawrinkles ka na ata at
ayaw mong magmukhang matanda. Dahil 17 ka na ngayon, at patanda ka na nang
patanda, lalo kang pumapanget. Yun iyon diba?" sabi niya.
"Teka.. paano mo nalaman?"
"Hay, last year, nung nasa ibang bansa ka pa, tumawag ka sa akin at ganun na
ganun ang sinabi mo."
"Dixie naman ehh.."
"Haha, kung gusto mo, since naman birthday mo ngayon, magkaroon tayo ng isang
little makeover."
"M-makeover??"
Amf. Parang hindi maganda ang nararamdaman ko dito ah.
----------
"T-teka.. saan mo ba ako dinala?" tanong ko kay Dixie. Nasa harapan kami ng
isang malaking building.
"Ano ka ba.. spa ito! Mediu may kamahalan dito pero.."
"Huh?! Ano ka ba?!"
"Ano ba Tureen.. birthday mo naman ngayon kaya huwag kang mag-alala sa mga
gastusin.. sagot ko na noh!" sabi ni Dixie at kinaladkad ako papuntang loob ng
spa na iyon.
Grr.. talaga itong si Dixie ohh.. mayaman kasi! :mad:
PAGKATAPOS NG SPA SPA TIME
"Wow.. effective talaga!" sabi ko.
"Haha, lagi akong nagpapa-spa thrice a month. Gusto mong sumama sa akin
pagnagpapa-spa ako?"
"Huwag na.. hehe.."
Tapos nun, may nareceived akong message mula kay Louise.
Ate Tureen, pwede ka bang pumunta sa bahay namin .. ahh.. mga 7pm?
Huh? Bakit kaya?
"Dixie, gusto mong sumama sa akin sa bahay nila Louise mamayang gabi?"
"Huh? Ayaw ko nga. May date ako ngayon noh."
"Eh? Kaylan ka pa nagka-boyfriend?!"
"Kanina lang. Naalala ko kasi ung sinabi sa akin nung panget na pekeng
manghuhula eh."
"Haha.. naaalala mo pa pala yun.." sabi ko sa kanya. Oo nga noh, ung
manghuhula..
sabi niya..
magiging malungkot daw ang buhay ko.
--------
"B-buti naman nakarating ka.. A-ate Tureennnnnn..." sabi ni Louise.
"Haha.. oo nga ehh.." sabi ko. Sa totoo lang kasi, wala naman akong magawa
ngayon. Kahit birthday ko pa.. basta!
"Sige.. pumasok ka na ate Tureen.."
"Ahh.. sige.."
Pag kapasok ko, nagulat ako sa laki ng bahay nila.
"T-tureen?" Si.. Jake?
"J-Jake? Bakit ka andito?!" tanong ko.
"Ano ka ba, kapatid ko si Louise. Kaya andito ako." Waaah.. oo nga pala noh..
"Pero.. peroo..." sabi ko..
"Ahh, ikaw pala si Ms. Allard. Welcome ka dito at, happy birthday nga pala sa
iyo." sabi ng isang babae.
"Hayy ma. Sinira mo ung surprise sana namin para kay Tureen." sabi ni Jake..
Mama.. pala siya.. nila... J-jake..
Ang mama nila Jake..
Ano kayang klaseng tao siya?!
Chapter 16.2
TUREEN
"Huwag kang mahiya, Ms. Tureen Allard. Feel at home, okay?" sabi ng Mama nila
Jake.
"O...opo.." nauutal kong sagot.
Nandito kami sa malaking dining room nila Jake, grabe... ang haba ng table at
may chandelier. Diba? Kapag nanonood kayo ng BOF, yung dining room nila Jun Pyo?
Haha, ganun nga ang nakikita ko ngaun.
"So," sabi ng Mama nila Jake. "How old are you, iha?"
Kinakabahan ako. Sasagutin ko pa ba itong tanong na ito?
"S-seventeen po.." Naku. Naalala ko tului ung ganitong scene na tanungan ng age
sa Twilight. Hmm, next question yata ay, how long have you been seventeen? Haha,
nasisiraan na yata ako. :lol:
"Oh," and she glanced at Jake. "Magsing-age pala kayo ng Jake ko."
Hay. Parang saglit na lang, matutunaw na ako. Ang Mama ni Jake..
Kaugali niya kaya ang mama ni Jun Pyo? O yung nanay ni Jan Di?
O kaya naman..
"Oh, how rude of me. Nakalimutan kong mag-introduce sa iyo, Ms. Allard." Oo nga
noh? Kung sabagay, kung alam ko na ang pangalan ng Mama nila Jake, mas
mababawasan ang paghihirap sa kakatype ni Ms. Author.
"I'm Mrs. Wanda Martinez," tapos, pinunasan niya ung bibig niya ng table napkin.
"Nice to meet you, Miss Allard." and, she gave me her warmest smile.
"N-nice to meet you po.." Hay, bakit ba hindi nagsasalita si Jake o si Louise?
Kaming dalawa lang yata ni Mrs. Martinez ang pinakamaraming dialogue sa update
na ito ah.
Tapos na rin kaming mag-dinner, at.. Grabe, gusto ko nang umuwi.
Kasi naman, marami pang tinanong sa akin si Mrs. Martinez. Hay, alam niyu un?
Ung mga getting-to-know type of questions.
Aalis na sana ako nang nagsalita si Mrs. Martinez. "Ms. Tureen Allard, pwedeng
mag-stay ka muna? May ipapakita lang ako sa iyo."
Pumunta kami sa isang room na punung-puno ng pictures, pictures, at pictures!
Haha, OA na ko ah.
Nandoon sila Jake at Louise sa living room, kaya kaming dalawa lang ang nasa
loob ng kwartong ito. Nanginginig ako sa takot, kasi.. parang ang stern ni Mrs.
Martinez. Haist.
"Tignan mo, ohh.." sabi ni Mrs. Martinez. Lumapit pa ako sa kanya at nakitingin
sa photo album na hawak ni Mrs. Martinez.
Ahh..
picture pala niya, si Jake at Louise nung mga bata pa. Ang cute nga eh.
"Pero teka po.. a-asan si Mr. Martinez?" tanong ko. Naku, bakit ko ba tinanong
un? Ang tsismosa ko ah..
"He.. ran off with another woman nung kakapanganak ko pa lang kay Louise." sabi
ni Mrs. Martinez, mukang serious. So.. ang dad pala nila Jake ay isang playboy
at nag-cheat sa kanyang asawa? Ahh, hindi na ko magtataka kung bakit pala
playboy si Jake. Mana sa tatay eh. :lol:
"Sorry po.." I apologized. Kasi.. basta. Syempre sad ung storya noh.
Tumingin-tingin pa kami ng ibang pictures. At, nung napagod na rin, nagdecide na
kong umuwi na.
"Sige, bye na po ah.." sabi ko kina Mrs. Martinez.
"Tureen, hatid na kita." offer ni Jake. Uyy, first dialogue mo yan sa update na
ito ah.
"Pero.. paano?" tanong ko.
"I can drive." sabi nia. Huh? Kaylan pa natutong mag-drive itong mokong 'to?!
"Sige, ate Tureen.. B-bye at Happy Birthday." sabi ni Louise. Both her and Mrs.
Martinez waved goodbye to me.
I opened the window sa car and waved back to them, tapos, sinara narin ang
windows.
Jake is driving. Jake is driving.
Naks, ahh! Haha. Tapos, he started to speak na rin. Btw, konyo mode ata ako
ngayun ah. :lol:
"Pasensya na sa mom ko ah.. ganun lang talaga siya. Masyado siyang workaholic,
buti nga napilit ko siyang mag-rest muna ngayon eh. Para sa.. birthday mo." he
looked at me seriously, then stopped the car.
"At, masyado siyang understanding minsan, kaya ang spoil ni Nel sa kanya." he
chuckled. Si Jake.. he really do love his mom, huh?
"So, good night." he smiled.
"Haha, good night nga." I smiled back. Tapos, bumaba siya ng kotse at binuksan
ang door para sa akin.
Watta gentleman ah. =D
"Tureen.." he said, looking down. Hmm.. I think he's shy.
Uyy, torpeng-playboy-na-mana-sa-tatay. Haha.
"Close your eyes, Tureen." he said, holding my shoulders.
"B-bakit?" I blushed. My heart is making the thump-thump sound. Basta, kung ano
mang tawag doon.
And, without realizing it.. I closed my eyes.
And he knelt to kissed me. Bakit alam ko? I was peeking kaya noh.
Akala ko kasi, may surprise sya sa akin.
Teka, this is a surprise diba?
And, tapos nung kiss na iyon, we both blushed.
"Ahh.. Tureen.."
"Ahh.. Jake.." Naku. Naku. I'm totally speechless.
"Pwede bang mag-date tayo sa Saturday, Tureen?!" mabilis na sabi ni Jake.
Nagulat ako, but at the same time, happy.
"Oo naman." And I flashed my sweetest smile.
"O sige.. gumagabi na eh, bye na." sabi ko.
"Bye." sabi naman nya.
Since it's just Thursday and walang pasok tomorrow, naiinip ako.
I couldn't actually believe it.
And, that was my first kiss too.
Jake...
is my first love.
End of Chapter Sixteen.
Chapter 17.1
TUREEN
Eto ba? O eto ba? Para namang masyadong plain ang isang ito..
eto naman, napaka-colorful. Hay! Ano bang susuotin ko?!
"T-tureeeeennnn.." sabi ni Dixie. Kakagising niya palang kasi ee.
"S-sorry! Nagising ba kita?"
"Oo.. bakit ba kasi ang aga mong gumising ngayon?"
"Basta.. sikreto ko na un." nag-blush ako. Kasi, kung sasabihin ko ito kay
Dixie, siguradong kung ano ang sasabihin nun. Hay, kilala niyu naman si Dixie,
diba?
"Kung ganun.. bahala ka jan. Kung date man yan, bahala ka nang mag-ayos sa
sarili mo." Eeek! Oo nga pala noh, hindi ako marunong mag-ayos ng sarili ko.
Kapag kasi may ayusan time, lagi akong pumupunta kay Dixie.
"Basta.. sasabihin ko sa iyo, pero huwag kang magrereact."
"Yup Yup."
"Okay.. kasi ganito un.." huminga ako nang malalim.
"Kami na ni Jake." at, bigla, napatili siya.
"Talaga? Si Jake... ang unang boyfriend ni Tureen Allard?! WOOOOW!" sabi nia.
"Hee.." pinilit ko lang ngumiti. Hay. Sabi na nga eh.
"Grabe haa.. pero, Tureen, sigurado ka bang mahal ka niya?" tanong ni Dixie nang
seryoso.
"Oo naman..."
"Nag-aalala lang ako sa iyo, Tureen. Kasi naman, baka.. kasi.. diba.." Oo nga
pala noh. Minahal ko na si Jake dati. At, akala ko noon.. mahal niya rin ako.
Yun pala, dahil lang iyon sa isang bet.
"Pero, kung masaya ka Tureen, edi masaya na rin ako." ngiti sa akin ni Dixie.
"Dixie.. salamat! Ikaw talaga ang best friend ko!" niyakap ko si Dixie nang
mahigpit.
"So, kaylan ba ang date niyo ni Jake?"
"Haa... b-bukas.."
"What time? Saan?"
"Eeek! Hindi ko natanong..." Hay naku Tureen, nadala kasi ako sa kiss ehh!
"Naku. Hmm, siguro naman he will pick you up, diba?"
"Hmm.. Oo nga." ngiti ko lang.
"Sige, magluluto na lang ako muna ng breakfast."
"Ehh? Marunong ka bang magluto?"
"Naman. Haha. Hidden talent ko ata un noh." sabi ko. Hay. Pumunta na si Dixie
papuntang kitchen, at ako naman ay naiwan sa kwarto ko. Tinignan ko lang ang
sarili ko sa salamin.
Tapos, biglang nag-ring ang phone ko.
--- 'Cause when I'm with him I am thinking of you ---
"Hello?" sagot ko. Unregistered number ee.
"Hello.. Tureen, si Seth ito."
"Ahh.. hi Seth. Bakit ka napatawag?"
"Kasi.. ano.. gusto ko sanang invite ka sa isang date bukas.. 4pm. Sa park. Ok?
Bye."
Binaba niya na ung phone. Meron siguro siyang ginagawa.
Teka.. bukas? E diba date din namin ni Jake bukas?!
Naku.. bakit ngayon pa?!
Pero.. sana naman hindi sila magkasabay ng oras..
kung hindi...
hindi ko alam kung sino ang dapat piliin sa kanilang dalawa.
End of Chapter 17.1
Chapter 17.2
TUREEN
4pm. 4pm.
Masyadong matagal.
Inip na inip na ko sa kahihintay. Araw na ng date namin ni Jake. Nakabihis na
ko, kahit 3:30 palang.
Hay. Masyado ata akong excited ha.
"O sige, siguro naman mamaya-maya dadating na iyon.. kaya alis na ko, huh? Good
luck na lang sa date nio!" sabi ni Dixie, at lumabas na. Hay. Andito lang ako sa
mesa dito sa dining room, malapit sa living room. At, malapit rin sa may pintuan
kung saan ka mag-eexit. Lahat malapit, ang hindi lang malapit ay,
4pm.
T-tureen...?
Wala akong maramdaman.
Ano bang nangyayari?
Nakahilata lang ako dito at..
at...
"T-tureen?" nagising na ako. Ayy, nakatulog pala ako. Kaasar.
Nandito na pala... si Jake.
4:05 na pala. Ano ba yan. Kung tutuusin, parang ako yata ang nalate ahh.
"S-sorry!" humingi ako ng patawad. Nakakahiya. Nakatitig siya sa akin.
"Haha, okay lang iyon. Ang cute mo nga ehh." sabi nia. Sa totoo lang, hindi
naman ako ang cute. Siya nga ung cute jan ehh.
"Sige.. shall we go?" tanong nia. Inalok niya ang kamay ko patayo.
Ang gentleman niya... somehow. :lol:
Palabas na kami nang may nag-doorbell.
Peroo... sino kaya un?
Si...
Binuksan ko ang pintuan. Dang, tama ang sagot ko.
It's Seth.
"S-seth...?" sabi ko.
"Seth?" sabi rin ni Jake.
"Tureen? Jake?" sabi naman ni Seth. Haha.
"Tureen.. anong ginagawa ni Seth dito? May napagusapan ba kayo? Mukha siyang
ayos na ayos ee." sabi ni Jake.
"Oo.. tinawagan ako ni Seth at niyaya akong lumabas, hindi ako nakatanggi.
Tapos.. ngayon.. sabay pa ang date ninyo sa akin." Hay. Nagmumukha akong malandi
dito ahh.
"Nag-dadate kayong dalawa, Tureen?!" sabay na sabi nila Jake at Seth.
Hay. Okay, explaining time.
------------
Makalipas ang dalawang minuto.. natapos na rin ako magdadakdak.
At, napa-"ahh." lang silang dalawa. Hay.
Pero.. kung sana hindi ako nakatulog habang hinihintay si Jake, hindi sana kami
maaabutan ni Seth..
Ngayk! Anu ba yan.. ma-guguilty naman ako pag nagkaganoon.
"Edi, mamasyal na lang tayong tatlo!" sabi ni Seth.
"Okayy yan!" sabi naman ni Jake.
Gusto ko sanang umayaw. Kaso, pareho silang nakangiti sa akin.
"Okay..." matamlay kong sabi.
Hay, isa ba tong "double date"?!
End of Chapter Seventeen.
Chapter 18.1
TUREEN
"Doon naman tayooo!" sigaw ni Jake.
"Okaayyy!" sabi naman ni Seth. At, pareho silang pumunta doon sa ride na iyon.
Nakaupo lang ako dito sa may isang bench. Hilong-hilo na ako. Nakakainis naman
kasi sila ee, ang saya-saya nila. Tapos ako... nandito lang. Hay. Ganito kasi
ang nangyari, nag-decide sila Seth at Jake na pumunta dito sa theme park. Kaso..
para silang childish. Hay.
"Sorry ahh... hindi ka ata nag-eenjoy ee.." sabi ni Seth.
"Eh? Ano ka ba, syempre nag-eenjoy ako nohhh!" ngiti ko sa kanya.
"Talaga...?"
"Oo naman!"
"Sige, bibili na lang ako ng ice cream, anong gusto mong flavor?"
"Hmm.. chocolate na lang." sabi ko.
"Okay!" sabi niya at umalis. Hayyy...
Tapos biglang,
"Hi Tureeennn!" sabi ni Jake.
"Eh? Bakit ba?"
"Hmm.. hindi ka ata nag-eenjoy ahh..." sabi nia.
"Ano ka ba, syempre nag-eenjoy ako."
"Weh? Eh hindi nga mapinta yang mukha mo ee."
"Jake...."
"Ehhh,, sorry, sorry. Bibili na lang ako ng ice cream. Anong gusto mong flavor?"
Ano ba yan, ice cream na naman.
"Ayoko ng ice cream." sabi ko.
"Ano ka ba, alam ko namang favorite mo ang ice cream ee. Vanilla flavor na lang
ang bibilhin ko!" sabi nia at umalis. Nakakainis talaga ung lalakeng iyon.
"Tureen, eto ang ice cream mo." sabi ni Seth, at umupo sa tabi ko.
"Eehh... thank you." ngiti ko. Dumila ako sa ice cream ko, at tapos tumingin ako
sa kanya.
"Ahh.. Tureen.. kayo na ba talaga ni Jake?" tanong ni Seth.
"Oo.." Oo nga pala noh, nag-confess sa akin si Seth. Naman...
"Hmm. Kung ganon, basted pala ako." ngiti nia. Grabe... ang cuteeee niiiaaaa!
Haha.
"Seth.. sorry ahh."
"Okay lang yun. At saka.. kung hindi mo naman ako gusto, wala naman akong
magagawa doon, diba?"
"Eeeh? Hindi naman sa ganun! Gusto rin kita Seth.. bilang kaibigan. Mabait ka..
kung sana nga lang katulad ka ni Jake. Pero.. si Jake kasi ang first love ko
eh.. at saka.. mahal ko talaga siya." ngiti ko.
"Haha, ang swerte niya."
"Hah? Seth naman ee.." nag-blush ako. Nakakahiya. Sa tingin ko, hindi naman
swerte si Jake sa akin ee. Ako nga ang swerte sa kanya.
"Tureeeennnnn! Eto na ang ice cream moooooo!"
"Jake?" pareho naming sabi ni Seth.
"Ahhh?" sabi ni Jake.
----------------------------
"Hindi mo naman sinabi sa aking may ice cream ka na pala..." sabi ni Jake.
"Hehe, okay lang iyon, mauubos ko naman to ee." Hay, sa totoo lang, hindi kasi
ako pinasalita ni Jake ee.
"Tutulungan na lang kitang ubusin iyan, Tureen." sabi ni Seth sabay dila sa ice
cream ko.
"Haaaaahhhh! Indirect kiss iyooooonnnnnn!" sabi ni Jake.
"Seth, akala ko ba haa..."
"Nagbago na ang isip ko. Gusto ko pa rin si Tureen." ngiti ni Seth.
"Seth..." sabi ko.
"Tureen, padila rin ng ice cream mooooo!" sabi ni Jake.
"Hah? Ano ba yan Jake.." tapos, napansin kong nagsisitinginan sa amin ang mga
tao doon.
"Hehe.. sige, halina tayo, ibang ride naman." anyaya ko.
"Okay mam." sabi nilang dalawa, at sumunod sa akin na parang mga aso.
Nakakahiya talaga tong dalawang ito.
Pareho sila mag-isip.
End of Chapter 18.1
Chapter 18.2
TUREEN
"Hay... anong ride ang gusto niyo?" tanong ko.
Nagtingin-tingin silang dalawa sa paligid.
"Ahaa!" biglang sabi ni Jake.
"Ano?!" pareho naming sabi ni Seth.
"Ayun ohh..." turo ni Jake.
Eeek.. isang... kiddie ride.
"Nagbibiro ka ba haa?!" tanong ko.
"Jake, alam ko masayang sumakay jan... pero.. kasi, pang-bata lang yan ee." sabi
naman ni Seth.
"Pero.. bakit ung mga taong iyon, nakasakay din?" tanong nia.
"Hay. Iba naman kasi yun ee. Mga parents yun, inaalagan ung mga anak nila na
nasa ride." sagot ko.
"Nghh.. Edi kunwari, mag-asawa tayo at si Seth ang anak natin." sabi nia.
"Heeennngghhh! Jake! Naman!"
"Sa roller coaster na lang tayo." suggest ni Seth.
"Buti pa nga." sang-ayon ko. Lumakad kami, kaso nag-stop si Jake.
"Bakit?" tanong ko.
"Gutom na ko, kakain na lang ako.. kayo na lang ni Seth." sabi nia.
"O.. sige.." sabi ko. Pumunta kami ni Seth sa pilahan, at nag-wave na lang ako
kay Jake. Nag-wave back siya. Tapos, kami na rin ang sasakay.
"Nakakapagtaka un si Jake.. mas pipiliin niya pa ang pangbatang ride kaysa
dito.." sabi ko.
"Oo nga eh. At, mas pipiliin niya pang kumain kaysa makasama sa roller coaster
ang girlfriend nia." sabi ni Seth. Napaisip ako. Hindi naman kaya...
hindi niya na ko mahal?
Nagseselos siya?
Ayaw niya kong makasamaaaa?
Aaahh! Bakit ba kasi kakaiba ang kilos ngayon ni Jake?!
Namannnnnn!
Tapos nang ride na iyon, pinili naman namin ung Swing, pero ayaw pa rin ni Jake
nun. Sumakay naman kami sa Ranger tapos nun, tumanggi pa rin si Jake. Tapos,
wala kaming magawa, nag-Bumper cars na lang kami. Umooo na rin si Jake.
Nabuhayan pa.
"Ang saya noon! Carousel naman tayooo!" sabi niya.
"Mag-isa ka nga. Space Shuttle na lang kaya. Sama ka naman." sabi ko.
"Ayoko nga. Nagugutom na ko."
"Eee.. lagi ka namang nagugutom eh! At saka, pagabi na.. konting rides na lang
ang masasakyan natin.. tapos... ayaw.. mo pa.. makisama.." sabi ko, mediu paiyak
na.
"Sige na nga.." sabi nia.
"Salamat!" sabi ko, at niyakap siya.
"O.. okay lang.. haha.." sabi nia.
Sumakay na kami.
"Ang saya noooooohhhh!" sabi ko. Tahimik lang siya.
"Ano ka ba!!!!! Ang saayyyyyyyyaaaaaaa ngaaaaa ohhhhhh!" sabi ko.
Tumingin siya sa akin.
"Tureenn... ayokooo... naaaahhhhh!"
Tapos nung ride na iyon, mukang hinang-hina si Jake. Nagsuka pa nga siya eeh.
"Sorry ahh... hindi ko alam na... takot ka pala sa heights.." sabi ko.
"Grabe, may kinakatakutan ka rin pala, Jake." tawa ni Seth.
"Ehehe.." tawa niya lang din, pero tinititigan nia nang masama si Seth.
"Joke lang, haha.." tawa ulit ni Seth.
"Hmm... gusto ko pa naman sana sumakay sa Ferris Wheel, kaso.. hay. Uwi na
tayo."
"Hindi.. okay lang.. kayo na lang ni Seth.. hihintayin ko na lang kayo dito."
sabi nia.
"Eh? Sure ka?" tanong ko.
"Oo nga ee... basta, walang kiss o hug haa... tandaan mo Tureen, ako ang
boyfriend mo." sabi nia.
"Alam naman namin yun eh." sabi ko sa kanya.
"Sige, sumakay na kayo.. gumagabi na ohh." sabi nia lang.
"Okay!"
Sumakay na kami. Mediu kabado ako.. kasi.. kaming dalawa lang ni Seth ang
nandito.
"Maganda ang view, noh?" sabi ko lang.
Tahimik lang siya.
"Tureen.. wala na ba talaga akong pag-asa?" sabi nia.
"Huh?"
"Mahal mo ba talaga si Jake... wala na ba akong pag-asa sa iyo, Tureen?"
"Ehh.. kasi.. ehh.."
"Haha. Alam ko na ang sagot mo."
"Seth.."
"Maswerte si Jake sa iyo, Tureen.."
Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Sethh.."
Tapos na pala ang ride namin. At, nakakagulat tong si Jake.
Nakasilip sa amin.
--------------------------
"Bye bye!" sabi ko na lang kay Seth.
Ngumiti siya.
Hinatid ako ni Jake sa bahay namin.
"Tureen, good night.. I love you..."
"Haha.. sige, sige." sabi ko lang.
And he kissed me.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Masaya ang araw na ito..
sana, laging ganito na lang.
End of Chapter Eighteen.
Chapter 19.1
TUREEN
Maulan ang umagang iyon. I stood up, then stretched. 1.. 2.. 3.. 1.. 2.. 3..
Tapos nun, pumunta na ako sa bathroom para gawin kung ano ang dapat gawain. Pero
nung nag-to-toothbrush na ako, nagulat ako nang biglang pumasok si Dixie sa CR.
Mukha siyang masaya.
"TUREEEENNNN!" She exclaimed.
"Ano? Grabe ha, ang aga-aga pa ang ingay-ingay mo na."
"Ano ka ba, huwag ka ngang party pooper! Buti ka nga may isha-share ako sa iyong
good news."
"Ano nga yun?"
"Kasi.. kasi.. may BOYFRIEND NA AKOOO!"
"Ah? Anong good news doon?!"
"Ano ka baaa! Friend mo ko diba? dapat masaya ka para sa akin.. kasi, hindi
totoo yung sinabi nung manghuhulang mukhang witch.. di ako tatandang dalaga!"
Naman. Talaga to si Dixie oh. Inaalala pa rin iyon.
"Oo na.. sige, labas, labas.." sabi ko at tinulak siya palabas sa CR.
Hay.
----------------------------
Ininvite ko si Jake na lumabas ngayon.
Nasa sinehan ako ngayon. Tumingin-tingin ako sa mga posters ng mga movies
ngayon. Ano kayang paparoonin namin? Horror ba or Romance? Naman.
Finally, dumating na rin si Jake at dala niya na ang tickets at popcorn.
"Ohh.. sorry ah, mukhang late ako." smile niya.
"Ahee.. okay lang iyon." smile back ko naman. Pinili na lang namin ang horror,
since mahilig si Jake sa mga ganun. Nasa kalahati na kami, at natatakot na ako.
Remember? Ayaw ko sa moomoo!
"Relax ka lang.." sabi ni Jake sa akin at hinawakan ang kamay ko.
I blushed.
"Andito naman ako eh. You and me, together."
"Naman, ang corny mo ah." sabi ko sabay subo sa popcorn.
"Haha, penge nga nyan."
Nung tapos na iyong movie, naglaro kami sa isang arcade. Mediu nakakahiya nga
eh, kasi mga bata ang nandoon. Pero, who cares. Haha.
Tapos nun, kumain na kami.
"Nag-eenjoy ka ba?" tanong nia.
"Malamang."
"Hmm, di naman mukha eh."
"Ano ka ba.. masaya ako kapag kasama kita." smile ko.
"Ganun ba.. pero, sana naman.. huwag nang maulit ung dati." bigla siyang naging
seryoso.
"Sana Tureen.. huwag mo na akong iiwan."
"Ano ka ba.. ikaw naman Jake, sana huwag mo na akong lolokohin. Dahil kapag
ginawa mo ulit iyon, hinding-hindi na kita babalikan."
"Haha.. syempre, maam. Promise iyon."
"Pinky promise muna."
"Naman.. sige na nga Tureen.. sabi mo eh."
"It's better than a promise, it's better than a dare, you made it with your..
ah.. boyfriend, so keep it till the end." we both chanted, pero iniba ko lang
nang konti.
"Haha, sige, kainan na." sabi nia.
"Okay."
----------------
"O sige, andito ka na.." sabi nia. Hinatid niya ako papuntang dorm.
"Salamat ha."
"Hehe. Good night."
"Good Night din."
Bumaba ako at pinanood siyang umalis. I just waved at him.
Maaga-aga pa, kaya tinawagan ko na lang si Louise. Matagal-tagal na rin kaming
hindi nag-uusap eh.
"Hello? Ate Tureen? Napatawag.. kaa?"
"Haha, oo eh."
"Ahh, wala pa dito si Kuya Jake eh.. ahh.. kanina umuwi na siya pero umalis siya
kasama si Mama.."
"Haha, ikaw ang kakausapin ko Louise. Kamusta ka na?"
"Aha.. ahh.. a-ayos lang naman.. ehehe.."
"Haha.. ganun ba? Hmm, sige mukhang busy ka eh.. bye---" I trailed off as she
spoke.
"Ate Tureen, may sasabihin ako sa iyo. Pero.. huwag... mong.. pagsasabi... haa?"
"Naman. Ano ba yun?"
"May.. ahh.. g-gusto.. ako.. k-kay.. J-J-J-Justinnn.."
"Talaga?! Wow haa..! Nakapagconfess ka na ba?"
"H-hindi pa.. ehh.. b-bukas.. nga.. d-dapat."
"Ganun ba? Sige, haa. Bukas yan. Sasamahan kita."
"T-talaga? Salamat kung.. ganoon.."
"Hehe. Okay, sige, bye."
"Bye."
Binaba ko na ang cell phone ko. Pero, biglang nakareceive ako nang message.
It's from Jake.
Tureen..
I'm breaking up with you.
I stared at his message. Tears are starting to form.
Why.. why?
He's.. suddenly.. breaking up with me?
What's wrong? Did I do something bad?
And, I thought we made a promise?
Me and him, TOGETHER.
Chapter 19.1 end.
Chapter 19.2
TUREEN
Kahit wala akong ganang pumasok, pumasok na lang ako dahil gusto kong kausapin
si Jake. I'm in the school gate right now, hinihintay siya. But, he's not yet
coming.
"Tureen, ano ka ba, gusto mo bang ma-late?!" sabi ni Dixie, at hinihila ako
papasok ng school.
"Dixie... kasi.. ayoko nang pumasok, kaya please.. mauna ka na."
"Tureen? Ano bang pignasasabi mo? Bakit? May problema ka ba?"
Nagtanong pa si Dixie tapos nun, pero hindi ko naririnig ang sinasabi niya. Ang
iniisip ko lang ngayon ay ang text na nanggaling kay Jake kagabi. Bakit... ba?
Akala ko hindi na niya ako lolokohin, pero nangyari na naman. Pwede ko pa ba
siyang pagkatiwalaan? O kaya naman.. hindi talaga ako bagay sa kanya.
"Tureen.. sabihin mo, may kinalaman si Jake dito, diba?" narinig kong tanong ni
Dixie.
"Dixie.." tinitigan ko lang siya, at hindi ko alam, umiiyak na pala ako.
I hugged Dixie.
"Dixie... nag... break.... na kami......" isa-isa kong sabi. Halos hindi na ako
makapagsalita, gusto ko lang umiyak nang umiyak. I'm facing something that I
can't bear.
"Tureen, sige.. doon na tayo mag-usap sa dorm." sabi ni Dixie.
At pumunta na kami doon, hindi na kami pumasok.
"Bakit kayo.. nagbreak?" inumpisahan ni Dixie.
I was still crying, pero in-offer ako ni Dixie ng handkerchief. Pinunasan ko ang
mukha ko.
"Kasi.. nag-date kami kahapon.. tapos, hinatid niya ko papunta dito.. tapos..
kinausap ko si Louise.. tapos nun, nag-text siya sa akin na break na kami." sabi
ko.
"Tureen.."
"Dixie, bakit ba? Bakit?" tinanong ko siya nang malakas. Hindi ko alam kung
anong gagawin. Parang ibabaling ko pa kay Dixie ang galit ko.
"Tureen... huwag ka nang umiyak.." Dixie said, at niyakap niya ako.
I felt like I'm a little girl, crying, and she's my mom..
"Thank you, Dixie." I whispered.
-----------------------
Hindi ko napansin na nakatulog pala ako. I looked around at wala si Dixie. And,
I saw a little note.
Aalis muna ako haa. Pero, babalik rin ako agad. Hehe.
-Dixie
p.s. kapag nagugutom ka, meron pagkain dyan sa ref.
Si Dixie talaga ohh. Biglang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko iyon.
Galing kay Louise.
"Hello.. ate Tureen! Ahhh.. kasi... emergency ehh... pwede ka bang pumunta dito
sa hospital? Sa.. ahh.. doon sa malapit sa park."
"Ano? B-bakit?"
"Kasi... si... Mama.. inatake sa puso.. k-kagabi.. eh."
"Huh? Sige, papunta na ako jaan." sabi ko at binaba ang phone ko. Kinuha ko ang
bag ko at hoodie. Tapos, umalis na ako.
--------------------------
Pagkadating ko, agad kong tinanong kung saan ang room ni Mrs. Martinez. At,
nakarating na rin ako sa room kung nasaan siya.
There was Louise, and her mom.
And.. there was no sign of Jake anywhere.
"Louise.."
"Ate Tureen.." sabi ni Louise at lumapit sa akin.
Natutulog si Mrs. Martinez.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Kasi.. inatake si mama kagabi.. kanina ko lang... din nalaman..." sabi ni
Louise.
"Louise.. huwag kang mag-alala. Alam kong mabubuhay ang mama mo."
"M-maraming.. s-salamat... ate Tureen.." ngiti niya, at ngumiti din ako.
"Teka, Louise.. asaan si Jake?"
"Si kuya..? Andito.. l-lang siya kanina.. ehh.. kasama ni.. ahh.. ate
Penelope.." nauutal na sabi ni Louise.
Nagulat ako. Si.. P-penny? Naku, kahit pangalan niya ayokong marinig.
"Ganun ba.. sige Louise, aalis na ako ah."
"Sige.. s-salamat ulit at.. ahh.. yung tungkol.. k-kagabi.. sa.. p-phone.. aah..
sige... bye, Ate Tureen."
Natawa ako.
"Sorry Louise ah, hindi ka tuloy nakapag-confess kay Justin."
Louise blushed.
"O-okay.. lang.. y-y-on.."
"Ohh sige, promise ko, bukas. Haha, sige, alis na ko ha. Bye." sabi ko lang.
Pagkalabas ko, napaisip ako. Kung kasama niya si She Should Not Be Name.. edi..
si Jake..
Di naman kaya pinagpalit ako ni Jake sa babaeng iyon?
Pero...
Pumunta ako sa CR. Tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin. Naku Tureen,
bakit ba kasi ang bofols mo? Naku.. hindi ko na alam ang gagawin ko. Palabas na
sana ako ng CR nang may narinig akong pamilyar na boses.
A girl voice..
And, it's HER, with HIM.
And worst, I saw them hugging.
I can't take the pain anymore, kaya lumabas ako. Nasulyapan kong binitawan ni
HIM si HER at tumingin sa akin. I don't care. They can make goo-goo eyes with
each other all day... basta...
I need to get out of here.
Tumakbo lang ako.. and sumusunod si HIM.
I just ran and ran, basta..
I don't wanna see him again.
And the next thing I knew, I was out there, in the road, and HE's behind me..
and there's a truck going towards me.
And, it's too late.
I really loved Jake.. but, it's just a game between us.
End of Chapter Nineteen.
Chapter 20.1
JAKE
Hindi ko alam kung bakit.. pero.. si Tureen kanina.. parang iniiwasan niya ako.
Nasa ospital kami ngayon, naaksidente si Tureen.
Kasalanan ko ito eh.
Tapos, biglang pumasok si Dixie. Tinawagan ko kasi siya ee.
At, tinitigan niya ako nang masama.
"Dixie.. kasi.. si Tureen.. anoo.." wala akong maisip kung anong sasabihin.
"Jake, pwede bang iwan mo na lang kami dito ni Tureen?"
"Pero.. Dixie.."
"UMALIS KA NA!" sigaw niya sa akin. Parang galit na galit siya.
Lumabas na lang ako.
Natutulog pa rin si Tureen.
---------------------
Naglakad-lakad ako at nakasalubong ko si Penny. Mukha rin siyang galit katulad
ni Dixie.
"Penny.."
"Jake, sabihin mo nga sa akin, sino ba ang mas mahal mo, ako o si Tureen?!"
"Penny.. pero alam mo naman na mahal na mahal ko si Tureen.."
"Bakit ba ha? Ano bang nakita mo sa babaeng iyon?!"
"Penny.. Sorry.."
"Jake! I hate you!" umalis na lang siya nang umiiyak.
Wala naman kasi akong magagawa eh, dahil mahal ko talaga si Tureen.
She's the only girl here in my heart. Naku, cheesy ah.
Nagisip-isip ako at bumalik na lang sa labas ng kwarto ni Tureen. Kakatok na
sana ako nang biglang lumabas si Dixie.
"Anong.. ginagawa mo dito?"
"Dixie.. kasi.. ano.."
"Umalis ka na lang Jake!"
"Pero Dixie.. gusto ko lang naman sanang makita si Tureen."
"Para saan pa? Diba nakipag-break ka na sa kanya?"
Nagulat ako. Naki-pagbreak? Pero..
"Anong.. naki.. pag.. break.. ako.. sa.. kanya?"
"Ano ka ba naman Jake?! Huwag mong sabihing hindi mo naalala nung tinext mo
siya? Huh? Diba sabi mo break na kayo?!"
"Pero Dixie.."
"Umalis ka na, please! For Tureen's sake!"
Sinarhan niya ako nang pinto.
Pero.. hindi naman ako nakipag-break kay Tureen ahh?
Hindi naman kaya.. may ibang taong nag-text sa kanya?
Pero, sino?
TUREEN
May naririnig akong boses. Binuksan ko ang mga mata ko at may nakitang babae.
"Tureen.. bumili pa naman ako ng ticket para sa concert ni Katy Perry.. diba
gusto mo ung Thinking of You niya? Kaya please.. gumising ka na.."
Teka.. sino ba si Tureen?
"Ahhh.." sabi ko.
"Tureen? Salamat naman at nagising ka na! Teka lang ha, tatawagin ko ung
doktor!" sabi nung babae at lumabas. Kaso, may nakasalubong siyang lalake.
Mukhang nag-aaway silang dalawa, at, may naririnig akong mga pangalan.
Tureen, Jake at Dixie.
Sino ba sila?
Pinag-sarhan nung babae ung lalake ng pinto. Bumalik siya sa akin.
"Akong bahala sa iyo, Tureen."
"Pero.. teka, miss.. kasi.. ano.. sino ba si Tureen?"
Mukhang nagulat siya.
"Tureen.. huwag ka ngang mag-biro nang ganyan!"
"Pero.. sino ka ba? At saka.. bakit ako nandito? Nasaan ba ako?"
"Tureen.. naku.. di naman kaya.. wait lang ah, tatawagin ko lang ang doktor."
Umalis ung babae.
Pinilit kong tumayo, pero hindi ko kaya.
Wala akong maalala, ang naalala ko lang ay..
hindi ko alam.
May nakita akong salamin at tinitigan ko ang sarili ko doon.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha ko.
Pero, wala pa rin.
Ni pangalan ko nga hindi ko maalala ee.
Tapos, biglang pumasok ung babae kasama ang doktor.
Inexamine ako ng doktor. Nag-aalala ung babae.
"Kinalulungkot ko pero.. nagkaroon siya ng traumatic brain injury, kung saan
natamaan ang ulo niya sa aksidente. Pero, pwede niya pa ring maalala ang mga
bagay na nakalimutan niya, pero paunti-unti. Sa ngayon, kaylangan niya munang
magpahinga." sabi nang doktor.
"Si Tureen.. nagka-amnesia..?"
"Sige, kung kaylangan niyo ng tulong, tawagin niyo na lang ako." At umalis na
ang doktor.
"Tureen.." sabi nung babae at niyakap ako nang mahigpit.
Umiiyak siya.
At, napaiyak rin ako. Hindi ko alam kung bakit..
pero, pakiramdam ko kilalang-kilala ko siya.
At sa ngayon, dalawang bagay lang ang alam ko tungkol sa akin.
Una, nagka-amnesia ako.
At ang pangalawa, ang pangalan ko ay Tureen.
End of Chapter 20.1
Chapter 20.2
DIXIE
It's been a week since that incident happen. Nagka-amnesia si Tureen, kaya wala
siyang maalala tungkol sa akin o tungkol kanino man. Nung isang araw na dinalaw
siya ng family niya, kahit sino sa kanila hindi niya natatandaan.
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako.
Matutuwa, kasi, atleast hindi na niya naalala si Jake. Hindi na siya masasaktan.
Nalulungkot, dahil.. ako, na best friend niya ay nakalimutan niya na.
Kahit sarili niya, hindi niya rin alam.
Absent muna si Tureen sa school, kaya more effort ako sa pag-aaral ko para kahit
papaano i-tutor si Tureen. Araw-araw pagkatapos ng class ako bumibisita sa
kanya.
At araw-araw ding bumibisita si Jake.
Sa totoo lang, hindi naman sana ako magagalit kay Jake.. pero, sinaktan niya
kasi si Tureen ee.
Hay, kalimutan ko na nga iyon.
Nagkukuwento ako lagi kay Tureen tungkol sa buhay niya, pero di ko sinasabi ung
tungkol kay Jake o kay Penelope. At, masasaya lang ung kinukwento ko. Sabi daw
kasi ng doktor, baka sumakit ang ulo ni Tureen kung iaalala niya pa ung mga ayaw
niya alalahanin.
Double Hay.
Tapos na rin ang class, at bumili ako ng mga pagkain para kay Tureen. Habang
bumibili ako, nakasalubong ko si Jericho. (Si Jericho ang new BF ko, mga
readers! ^w^) Kaso, nagulat akong may kasama siyang babae.
"Babe.. sino ba yang girl na yan?" tanong nung babaeng malandi. Nakaholding-
hands pa nga sila ee.
"Hindi ko nga alam ee.. baka nga stalker." sabi naman ni Jericho.
Galit na galit ako. Nakakainis kaya. I-deny ba naman ang beauty ko?!
"Kapal mo!" sinampal ko si Jericho. Tapos, gulat na gulat ung babae.
"Violente!" sigaw niya.
"Bakit, gusto mo ikaw na ang sunoddd?" I said in a very intimidating voice.
Kinaladkad niya ung BF niyang magaling paalis.
Hay. May bago na naman akong ex.
Baka nga tama ung manghuhulang witch.
Teka.. speaking of the witch, baka pwede ko namang tanungin ung manghuhula
tungkol kay Tureen.
Pinuntahan ko ung manghuhula at pinapaupo niya ako sa upuan.
Sinimulan niya na ung "ABARUMBARUM" ritual niya, grabe, katakot talaga.
At, dumilat siya. Laki ng mata, natakot tuloy ako.
"Kung ganun.. ung kaibigan mo.. nangyari na ang sinasabi ko sa kanya." sabi
niya.
"Huh? Anu po?"
"Diba nakalimutan ng kaibigan mo ang lahat ng tungkol sa kanya?"
"Whoa, ang galing niyo naman. Nahulaan niyu yun." biro ko.
"Pero.. babalik ang memorya niya sa pamamagitan ng isang tao."
"Sino?" tanong ko.
"Isang mahalagang tao sa kanya.. napakalapit sa puso niya. Dahilan kung bakit
siya sumasaya, at dahilan rin naman kapag nasasaktan siya. Ang taong iyon ay ang
pinakamamahal ng kaibigan mo."
"Teka, eh sino nga ho ba?"
"Hindi ko alam, pero.. alam kong alam mo kung sino."
Teka.. hindi naman kaya si Jake yung taong iyon? Pero..
"O.. sige ho lola.. ay este madam.. sige ho.. alis na ko."
"Sige."
Ayokong maalala ni Tureen pa si Jake.
Ayokong masaktan pa si Tureen.
Pero.. kung hindi ko mababalik ang memorya ni Tureen..
kaylangan kong gumawa ng mga bagong alaala para sa kanya.
End of Chapter Twenty.
Chapter 20.2
TUREEN
"Okay na siya.. pwede na siyang makalabas ng hospital. Ilibot mo siya sa mga
lugar na napuntahan niya na, dahil baka makatulong iyon sa kanya." sabi ng
doktor kay Dixie.
"Salamat po." sabi ni Dixie at lumabas na ung doktor. Ngumiti sa akin si Dixie
at tumingin sa relo niya.
"Maaga-aga pa naman. Halika na."
Tumungo lang ako, kahit hindi ko naman kung saan kami pupunta.
------
Tinulungan ako ni Dixie na bumaba sa kotse. Tapos, tinulungan niya rin akong
umupo sa wheelchair. Naka-wheelchair pa ako ngayon, at naka-bandage pa ang mga
paa ko. Pero sabi naman daw ng doktor, pwede na daw tanggalin iyon pagkatapos ng
isang week.
"Andito na tayo. Kaso.. uwian na kasi ee.."
"Uwian?" sabi ko.
"Haha. Nasa school tayo ngayon, Tureen. School natin."
"School.." tinitigan ko ung school. Malaki, pang-college students talaga. Pero,
wala ng mga estudyante.
"So.. halika na.." sabi ni Dixie at hinila niya ang aking wheelchair.
Pumasok na kami sa loob.
Una naming pinuntahan ung mga classrooms. Nagkuwento siya tungkol sa mga
nagiging kaklase ko, mga kaibigan ko at tungkol sa pag-aaral ko. Sabi ni Dixie
hindi daw ako ganun katalino.
"Pumunta naman tayo sa cafeteria." sabi ni Dixie.
"Sige." ngiti ko.
Malaki ung cafeteria, at maraming tables. Malawak talaga, parang pang-gym na.
"Lagi tayong kumakain na magkasama dito... nagkukuwentuhan tayo dito,
nagtatawanan."
"Talaga? Wow.. parang masaya yun ah."
"Haha. Sige, punta naman tayo sa gym."
Tapos nun, marami pa kaming pinuntahan. Sa Home Economics room, Science Lab,
Music room, Arts room, at nasa Rooftop na kami ngayon.
"Ang lakas ng hangin noh.." sabi ni Dixie.
Hinangin ang buhok ko. Hinawakan ko iyon at ngumiti.
"Oo nga. Ang sarap sa pakiramdam."
"Haha. Pagkatapos pumunta na tayo sa room natin. Dormitory school kasi ito..
kaya ung mga estudyante nasa kanya-kanyang rooms na. Magka-roommate tayu,
Tureen."
"Teka Dixie.."
"Bakit?"
"Pwede bang.. pumunta tayo sa library?"
"Ha? Bakit?"
Hindi ko rin alam kung bakit. Basta, pakiramdam ko na kaylangan kong pumunta
doon. Para bang may nangyari sa akin dati sa isang library..
"Ahh.. kasi.. ano.. gusto ko lang magbasa ng libro." sabi ko. Hay.
"Ohh.. sige."
Pumunta na kami sa library.
"Teka lang Tureen ha.. dito ka muna. Pupunta lang ako ng CR."
"Okay."
Lumabas na si Dixie at naiwan akong mag-isa. Hinila ko ang sarili ko at tinignan
ung mga libro. Maraming klase nga ee.. at may nakita akong libro na gusto kong
basahin. Kaso, mediu may kataasan. Siguro naman kung tatayo ako okay lang..
Pinilit kong tumayo. Kahit mediu masakit. Maaabot ko na.. malapit na.
Ayan! Naabot ko na!
Kaso, mahuhulog ako.
Pumikit ako at nagulat ako na parang may mga kamay na sumalo sa akin.
Pamilyar iyon. Siguro si Dixie.
"Okay ka lang ba, Tureen?" tanong niya.
Parang pamilyar ang boses.. lalaki ito.
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko yung lalaking nasa hospital na nakaaway
ni Dixie.
"Ahh.. oo..." sabi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko, parang matutunaw ako.
Ibaba niya na ako kaso nagsalita ako.
"Doon.. sa.. wheelchair." turo ko sa wheelchair.
Binuhat niya ako at nilagay ako sa wheelchair.
"S-salamat.." sabi ko. Nahihiya ako.
"Anong ginagawa mo dito? Ano yang hawak mo?"
"Ahh.. kasi ano..." biglang pumasok si Dixie. Tumitig siya nang masama sa
lalaki.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong niya. Mukhang galit na galit si Dixie. Lumapit
siya sa akin at nilayo ako doon sa lalaki.
"Halika na Tureen."
"Ahh.. oo.."
"Teka lang Dixie!" sabi nung lalaki, kaso hindi siya pinansin ni Dixie. Umalis
na kami doon, pumunta sa room namin, at tinulungan niya akong humiga sa kama ko.
"Magpahinga ka muna." sabi ni Dixie sa akin.
"Okay."
Umalis siya, at nakatitig lang ako sa bubong. Nung pinikit ko ung mga mata ko,
namula ako nang naisip ko ung lalaki.
Ni hindi ko nga siya kilala.
Pero, kilala niya ako.
Sino ba siya?
Why I am thinking of him?
End of Chapter 21.1
Chapter 21.2
JAKE
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko na hindi na ako kakilala ni Tureen
ngayon. Nung magkita kami kahapon, sa library.. para bang.. may mali sa kanya.
Parang hindi na niya ako maalala.
Malakas ang ulan ngayon, pero nandito ako sa park. Basang-basa na ako, pero wala
akong pakialam. Hihintayin ko si Dixie.
Pumayag si Dixie nang sinabi ko sa kanya kagabi kung pwede kaming mag-usap.
At hindi nagtagal, nakarating na rin siya.
"Bakit wala kang payong?" tanong niya sa akin. Lumapit siya sa akin at nag-share
ng payong.
"Dixie.. ano bang nangyari kay... Tureen?"
"Kay Tureen? Bakit mo ba tinatanong?"
"Dahil... dahill.. mahal ko siya."
"Jake.." tumitig sa akin nang malalim si Dixie.
"Hindi ko alam pero.. alam ko na si Tureen lang talaga ang mahal ko."
"Naiitindihan na kita. Pero Jake.. kasi.."
Nakita ko ang pagkalungkot sa kanyang mga mata.
"Ano ba talaga ang nagyari?" tanong ko.
"Jake.. si Tureen.."
Nakatitig lang ako sa kanya.
"Nagka-amnesia siya, Jake." napaiyak na si Dixie.
Kahit ako..
kasalanan ko ang lahat na ito.
PENELOPE
Lagi na lang si Tureen. Hindi ko alam kung ano bang meron sa babaeng iyon.
Mas maganda ako.. mas mayaman, lahat meron ako.
Pero siya? Wala.
Sabado ngayon.. tapos na ang klase. 5 in the afternoon na. Naglakad-lakad ako sa
may campus. Ang boring naman kasi ee. I stare out of the window at ang lakas ng
ulan.
Naalala ko nung..
Ayy, ano ba itong iniisip ko?
Pumasok ako sa library. Walang masyadong tao, pero may nakita akong isang
babaeng nagbabasa na nakaupo sa wheelchair.
As I get closer, I realize..
it was Tureen.
"Aah.." napaurong ako. Tinignan niya ako, at ngumiti.
Aba, ngumiti pa. Hinahamon yata ako nang babaeng ito ahh.
"Haha. Buti nga sa iyo, naaksidente ka. Ngayon alam mo nang hindi ka mahal ni
Jake?"
"Huh?" Kaasar talaga toh. Kung umasta daig pa ang may amnesia.
"Ano ka ba Tureen? Mag-react ka naman! Umiyak ka! Magalit..." hindi ko alam pero
parang umiiyak na ako.
Ano bang nangyayari sa akin...?
There's a part of me sinked in sorrow.
"Miss.. sino ka ba?" tanong niya nang mahinhin.
Napatitig ako sa kanya.
I examined her. Bandage sa ulo, bandage sa mga legs, naka-wheelchair tapos acts
weird.
Teka.. hindi naman kaya may amnesia talaga siya?
Pero.. car accident lang yun! Simple lang!
"Huh? Miss.. eto oohh.." nag-offer siya nang handkerchief.
And I reminisced the past. That time. When I first met and befriend with Tureen.
Flashback--
I was crying that time. Kasi naman, pinahiya ako ng teacher ko nung nag-iintro
kami dahil first day of classes. Nandito ako sa girl's washroom.
I'm a freshmen now, high school.
Pinunasan ko ung luha ko nang may pumasok.
Kung hindi ako nagkakamali, kaklase ko siya. Siya ata ung.. Tureen? Nakalimutan
ko na.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Bakit.. naman?"
"Mukha kasing umiiyak ee." sabi niya at naghugas ng mukha. Hindi siya maganda,
pero hindi rin siya panget.
Pero.. sa tingin ko, may pagka-cute din siya.
"Ganun ba? Kasi naman.."
Ngumiti siya sa akin at in-offer ung handkerchief niya.
"Pero.. pupunasan mo pa ang mukha mo diba?" tanong ko.
"Oo nga.. kaso, mas kaylangan mo yan." ngiti niya.
"Salamat..." At simula nun, doon na nga nag-umpisa ang pagkakaibigan namin.
Pero, hindi ko naman talaga siya tinuring na isang kaibigan ee.
NOW
"Salamat." sabi ko lang at kinuha ang handkerchief niya.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya.
"Ako.. si Penelope."
"Ganun ba? Ako naman si Tureen. Simula ngayon, magkaibigan na tayo ha?" ngiti
niya sa akin.
Napatigil ako. Ganun na ganun ang ngiti niya noon.
"Oo." ngiti ko rin. Pero, totoong ngiti na ito ngayon. Hindi gaya ng dati.
Ngayon alam ko na..
na hindi talaga ako pwede kay Jake.
Dahil ang babaeng katulad ni Tureen..
ang nababagay sa kanya.
JAKE
Ilang linggo na rin ang nakalipas. Pinapayagan na ako ni Dixie na bisitahin si
Tureen.
Pero ganun pa rin. Walang pagbabago.
Patapos na ang sem.. mag-papasko na.
Sana naman..
bumalik ka na, Tureen.
Nung isang araw na nagkukuwentuhan kami ni Tureen, nabanggit nia na nakilala
niya si Nel. Nag-alala ako na kung ano ang ginawa niya kay Tureen.
Kaya pinuntahan ko siya.
"Nel, anong ginawa mo kay Tureen?"
"Jake..?"
"Nel!"
Napatitig si Penelope sa akin. Malungkot siya.
At, umiiyak na rin siya.
"Jake.. patawad.. at saka.. sorry din kay Tureen.."
"Nel.."
"Jake.. alam kong mahal na mahal mo si Tureen."
"Nel.."
"Salamat Jake."
"Salamat din Penelope."
Umalis na ako at bumalik kay Tureen. Sabi niya walang ginawang masama si Nel sa
kanya.
Umiyak lang ito sa harapan niya.
"Jake.. tignan mo ohh.. ang ganda ng langit.. ang daming ibon."
"Tureen.."
Ngumiti ako sa kanya.
Kung sana nga lang parang ibon lang si Tureen.
Malaya, masaya.
Hindi na siya sana nagkaganito.
Kung sana naalala niya pa ang lahat..
alam kong mapapatawad niya ako.
At, magiging masaya kami.
End of Chapter Twenty-one.
Chapter 22 - I'm always Thinking of You!
TUREEN
"Tureen.." sabi ni Mama at niyakap ako nang mahigpit.
Umiiyak siya. Parang gusto ko tului ding... umiyak.
"Ma.." sabi ko lang at tinapik-tapik siya sa likuran.
"Tureen, pupunta tayong US. Baka doon ka pa bumuti.."
"Ma.. okay lang naman ako ee." sabi ko sa kanya at ngumiti. Humarap siya sa
akin.
"Anong okay?!" madiin niyang sabi. Si Mama.. nag-aalala talaga siya sa akin..
"Okay na nga ako.. nakakatayo na nga ako at nakakalakad.. mediu may nalalaman na
rin ako tungkol sa ---"
Napahinto ako nang umiyak pa lalo si Mama.
Iyak lang siya nang iyak.
"Ma.."
Mahal na mahal nga ko ni Mama.
Siguro para naman din ito sa ikakabuti ko.
"Pumapayag na po ako." sabi ko at ngumiti.
Ngumiti din si Mama at niyakap ako.
Yes, for my sake.
LOUISE
Matatapos na ang sem.. magpapasko na. Ang sabi daw ni Kuya Jake, umaayos na ang
lagay ni Ate Tureen.
Pero..
nung sabi ni Ate Tureen na sasamahan niya akong magtapat kay Justin..
Hindi natupad. Parang pakiramdam ko, hindi talaga ako dapat magtapat kay Justin.
Hindi ko man aminin, pero alam ko namang may gusto si Justin kay Ate Tureen ee.
Pero, hindi naman ako naiingit. Kasi.. mabuting tao si Ate Tureen.
"Louise, mamaya na yung speech mo para sa Christmas party. You'll be
representing 1st year college students. Galingan mo ha." sabi ni Ms. Hernandez.
I nodded and smiled shyly.
Hindi ko kaya ito.. nahihiya ako. Maraming tao.. at.. ako... nasa harapan nila?
Si Justin..
Ha.
Siguro nga wala akong pag-asa sa kanya.
Pero, kahit ganun, kaylangan kong magtapat sa kanya.
Kahit anong mangyari.
Gusto kong lumaban, gaya ni Ate Tureen.
JUSTIN
Naghahanda na ang lahat para sa Christmas Party. Magaganap iyon sa school gym, 4
ng hapon.
Sayang, wala si Tureen dito.
Nung nabalitaan kong naaksidente si Tureen at nagka-amnesia, malungkot na
malungkot ako nun.
Para ngang wala na akon pakialam.
Kasi naman.. ang babaeng gusto ko, nasaktan.
At ako, wala man lang ginawa.
Sabi ni Dixie okay naman daw si Tureen. Nung isang beses na binisita ko siya,
ngumiti siya sa akin at nagpakilala.
Buti nga napigilan ko ang pagtulo ng pag-iyak ko nun ee.
Ayokong mag-mukhang duwag.
Ayoko.
Ayokong ayoko.
SETH
"Okay lang siya.. oo.." sabi ni Dixie.
Nasa resto kmi ngayon, nag-uusap tungkol kay Tureen.
"Ganun ba.." sabi ko at yumuko.
"Pero huwag kang mag-alala! Sigurado naman akong maalala ka rin niya ee."
"Haha. Oo nga." sabi ko at pinilit na tumawa.
Ngumiti si Dixie sa akin.
"Si Tureen.. sa tingin mo ba maswerte siya kay Jake? Kasi mahal na mahal siya ni
Jake. Kahit hindi ko agad in-aacept un."
"Sa tingin ko.. ang maswerte ay si Jake." sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Huh?"
"Kasi.. alam kong laging iniisip ni Tureen si Jake. Masarap pag ganun diba?"
Tinitigan ako ni Dixie.
"Seth.. may gusto ka pa ba kay Tureen?"
Napatawa ako.
"Oo."
"Haa.. ganun ba.. kung sabagay, kung lalaki ako, magugustuhan ko rin si Tureen."
"Haha. Pero.. paano pag sinabi kong may gusto na ako sa iyo?" tanong ko sa
kanya.
Namula siya.
"Baliw."
Tumawa kaming dalawa.
Oo nga, si Tureen..
kakaiba talaga siya sa lahat.
DIXIE
3:30 na nga hapon nang umuwi ako sa dorm. Naabutan ko ang mama ni Tureen at nag-
iimpake sila ng mga gamit ni Tureen.
Teka.. ano bang nangyayari dito?
"Bakit.. kayo nag-iimpake?" tanong ko.
Tumayo si Tureen at niyakap ako nang mahigpit.
"Dixie.. pupunta na ako ng states ee."
"Pero.. bakit?"
"Para iyon sa ikakabuti ko."
"Pero.. paano na ako?"
"I-se-send kita ng mail."
"Marunong ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba.. hindi ko naman nakalimutan pati un no."
"Tureen.."
"Pero promise Dixie, uuwi din ako at kapag ikakasal ako, ikaw ang magiging
bridesmaid ko."
"Huh? Bakit malapit ka na bang ikasal?"
"Hindi pa noh. Tapos ng pag-aaral."
"Ganun ba.. pero Tureen, sasabihin ko ba ito sa iba?"
"Oo naman.. pero, huwag mo sanang sasabihin kay Jake."
Napahinto ako at bumitaw sa kanya.
Umiiyak siya, pero ngumingiti.
"Tureen.."
"Dixie.. pakiramdam ko.. masasaktan lang ako kung iiwan ko si Jake."
"Tureen.. may.. gusto ka ba kay Jake?"
"Hindi ko alam."
"Kung ganun.. lagi mo bang siyang iniisip?"
"Oo.."
"Edi mahal mo siya." ngumiti ako sa kanya. She cried and hugged me.
"Dixie.."
"Kaylan ang alis mo?"
"Ngayon na." sabi niya.
"As in.. ngayon na?"
"Oo.. eehh.."
"Ganun ba." Binitawan niya na ako at binuhat ang mga gamit niya at umalis na
sila ng mama niya.
"Bye." sabi niya.
"Bye."
At doon, naiwan akong mag-isa.
Kinuha ko ang phone ko, dinial ang number ni Jake.
Sorry Tureen pero.. kaylangan tong malaman ni Jake.
LOUISE
3: 59. Malapit na.
"Ngayon, si Louise Martinez ng 1st year ay magbibigay sa atin ng speech...."
Eto na.
Huminga ako nang malalim, kaya ko ito.
At, nandito na ako sa stage, sa harapan ng maraming tao.
At nakita ko si Justin, kumakaway sa akin.
Kaya ko to.
"Good afternoon schoolmates, good afternoon professors.. good afternoon
headmaster.. I'm Louise Martinez of 1st year batch 2009-2010. First of all,
congratulations to bathc 2009-2010. A sem just ended, and that means..."
Nagutuloy-tuloy ako. Hindi na ako nauutal.
"So, let's make more memories!" I ended the speech. Everyone applauded.
"Wow.. may gusto ka bang sabihin Miss Martinez?" sabi ng emcee.
"Meron po."
Ito na..
"Justin, gustong-gusto kita."
Nagawa ko na.. naging palaban na ako...
hindi na ako ang mahiyaing Louise.
Nagulat ata si Justin at ngumiti. Pinapunta siya sa stage.
"Huyyyyy!" sabi nang lahat.
"May masasabi ka ba sa confession ni Miss Martinez, huh?" sabi nung emcee kay
Justin.
"Louise.. hindi ko alam na.."
"Okay lang kung i-rereject mo ako." sabi ko sa kanya.
"Hindi.. dahil gusto rin kita Louise."
Nagulat ako. Gulat na gulat..
"At, hindi ka na mahiyain Louise. Maganda nga ung speech mo kanina ee.." sabi
niya.
"Salamat Justin."
"Salamat.."
That time, masayang-masaya ako.
Kahit hindi naman as in nandito si Ate Tureen,
naging palaban naman ako katulad niya.
Salamat.
PENELOPE
Lahat ay nagkakasiyahan dito sa school gym. Christmas party ee.
Lumabas ako para makahigop ng fresh air.
At, nasulyapan ko si Jake.
Mukha siyang alalang-alala.
Nilapitan ko siya at malungkot pala siya.
"Anong nangyari...?" tanong ko.
"Nel.. kasi, si Tureen.. aalis na siya ng Pilipinas."
Nagulat ako. Si Tureen?
"Pero.."
"Wala na akong pag-asa.. siguro nga dapat ko nang tigilan si Tureen.."
sinampal ko siya.
At, umiiyak na pala ako.
"Jake.. you're pathetic."
"Nel.."
"Aalis si Tureen, Jake! Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na siya!"
"Pero.."
"Wala nang pero pero! Kung mahal mo talaga siya.. at you're always thinking of
her... then, sundan mo siya. Ipaalala mo sa kanya ang lahat nung mga bagay
tungkol sa kanya. Tungkol sa inyo."
"Nel.."
"Bilis na Jake. Baka lumipad na ang airplane." tawa ko.
"Salamat."
Tumakbo siya.. at ako naman, ginamit ko lang ang handkerchief ni Tureen para
punasan ang mga mata ko.
Kaya mo yan, Jake.
JAKE
Tumakbo ako papunta doon sa airport kung saan si Tureen.
Kaylangan kong makapunta doon sa oras.
Tumawag ako ng taxi at binayaran ko ung manong.
"Sa airport po." sabi ko at inabot ang pera ko.
"Sige po."
Papunta na ako dyan, Tureen.
TUREEN
"Halika na Tureen. Aalis na tayo in 5 minutes." sabi ni Mama.
"Opo."
Hinila ko ang maleta ko at umupo sa may bench.
"Ma, pupunta lang ako nang CR ah."
"Sige, basta bilisan mo."
Pumunta ako ng CR at kinuha ang cell phone ko.
Parang may naalala ako.. parang nangyari na itoo..
Ehh, sumasakit ang ulo ko.
Lalabas na ako nang may nakabunggo ako.
"Sorry.." sabi ko at nahulog ang phone ko.
Pinulot ito nung taong nakabunggo ko.
"Ito miss ohh---"
Nagulat ako nang nakita ko siya.
Si Jake.
"Jake..."
"Tureen..?"
"Pero.. aalis na ako Jake.." sabi ko.
"Tureen.. hindi mo na ba naalala? Ako? Yung masasayang araw natin.."
"Hindi." umiiyak na ako.
"Pero.." Aalis na sana ako nang hinawakan ni Jake ang kamay ko.
"Huwag Jake.."
Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Mahal na mahal kita Tureen.. I'm always thinking of you." at, he kissed me.
That's when biglang naalala ko na ang lahat.
Everything.
Everything about him, and us.
"Jake.."
"Mahal kita Tureen, ikaw lang."
"Mahal din kita.. Jake.." and I hugged him tight.
--------------------------------------------------------------------------------
------------
"Ready na ba kayo?" sabi ni Dixie.
"Oo naman!" sabi ni Justin.
"Okay.. 1.. 2.. 3..." pumunta si Dixie sa tabi ko at nagpose.
SNAP!
"Congrats sa kasal niyo!" sabi ni Penny.
"Salamat.. sa inyong lahat!"
Sumakay kami ni Jake sa kotse, and we bid them goodbye.
Thanks for the memories, everyone.
Ano na nga ba ang nangyari simula nung bumalik ang alaala ko?
Hindi na kami natuloy sa States. Tinapos ko ang pag-aaral ko dito. Sa Pinas.
Naging si Justin at Louise.
Si Louise, isa nang scientist. Hindi na siya mahiyain.
Balita ko nga nag-confess siya kay Justin sa harap nang maraming tao!
Si Justin? Naku, energetic pa rin. Isa na siyang famous basketball player.
May gusto rin pala siya kay Louise eeh!
Ehh si Dixie? Mali nga ang manghuhula, dahil engaged na siya kay Seth ngayon.
Medyo imposible nga ee. Haha.
Si Penelope naman.. naging BFF ko na rin siya. Ang plano ko nga ay magiging
ninang siya kapag nagka-anak na ako.
At.. si Jake.. oo, nagpakasal na kami.
Ngayon, alam ko nang wala ng makakapag-hiwalay sa amin.
Oo nga pala, okay na rin ang Mama ni Jake.
Ako naman.. masayang-masaya.
Dahil alam ko, na hindi lang pala ako ang laging nag-iisip kay Jake..
He's also thinking of me.
FIN.
<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>4########################################################
###</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

More Related Content

What's hot (17)

You are my life
You are my lifeYou are my life
You are my life
 
Kaibigan - Alyxzandra Hope Cortes
Kaibigan - Alyxzandra Hope CortesKaibigan - Alyxzandra Hope Cortes
Kaibigan - Alyxzandra Hope Cortes
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
Chapter 6 20
Chapter 6 20Chapter 6 20
Chapter 6 20
 
Chopstick
ChopstickChopstick
Chopstick
 
Short story , , ,tagalog
Short story , , ,tagalogShort story , , ,tagalog
Short story , , ,tagalog
 
BUNGA NG PAGTATAKSIL?
BUNGA NG PAGTATAKSIL?BUNGA NG PAGTATAKSIL?
BUNGA NG PAGTATAKSIL?
 
Proj.
Proj.Proj.
Proj.
 
6 month rule_[girinlove][1]
6 month rule_[girinlove][1]6 month rule_[girinlove][1]
6 month rule_[girinlove][1]
 
a story
a storya story
a story
 
Never talk back to a gangster
Never talk back to a gangsterNever talk back to a gangster
Never talk back to a gangster
 
1 fake lovers 001
1 fake lovers 0011 fake lovers 001
1 fake lovers 001
 
Unintentionally perfect.
Unintentionally perfect.Unintentionally perfect.
Unintentionally perfect.
 
Text
TextText
Text
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
 
"Katalinuhan"- Ryan C. Pata
"Katalinuhan"- Ryan C. Pata"Katalinuhan"- Ryan C. Pata
"Katalinuhan"- Ryan C. Pata
 

Viewers also liked

งานด้ายปราง
งานด้ายปรางงานด้ายปราง
งานด้ายปรางSunisa Nakphiromkon
 
Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...
Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...
Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...Dwi Anggraini
 
Salesforce Training in Chennai
Salesforce Training in ChennaiSalesforce Training in Chennai
Salesforce Training in ChennaiRohit Sharma
 
Manuales Administrativos Esmeray Paez
Manuales Administrativos Esmeray PaezManuales Administrativos Esmeray Paez
Manuales Administrativos Esmeray PaezEsmerayPaez
 
Jaquet multitasker
Jaquet multitaskerJaquet multitasker
Jaquet multitaskerPaul Andrew
 
Cyber ID Sleuth Data Security Forensics
Cyber ID Sleuth Data Security ForensicsCyber ID Sleuth Data Security Forensics
Cyber ID Sleuth Data Security Forensicsbtr-security
 
งานด้ายปราง
งานด้ายปรางงานด้ายปราง
งานด้ายปรางSunisa Nakphiromkon
 

Viewers also liked (14)

งานด้ายปราง
งานด้ายปรางงานด้ายปราง
งานด้ายปราง
 
Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...
Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...
Analisis kebijakan indonesia meratifikasi asean agreement on transboundary ha...
 
Orthodox christianfamilylesson11
Orthodox christianfamilylesson11Orthodox christianfamilylesson11
Orthodox christianfamilylesson11
 
Salesforce Training in Chennai
Salesforce Training in ChennaiSalesforce Training in Chennai
Salesforce Training in Chennai
 
Orthodox christianfamilylesson05
Orthodox christianfamilylesson05Orthodox christianfamilylesson05
Orthodox christianfamilylesson05
 
Manuales Administrativos Esmeray Paez
Manuales Administrativos Esmeray PaezManuales Administrativos Esmeray Paez
Manuales Administrativos Esmeray Paez
 
Orthodox christianfamilylesson03
Orthodox christianfamilylesson03Orthodox christianfamilylesson03
Orthodox christianfamilylesson03
 
Jaquet multitasker
Jaquet multitaskerJaquet multitasker
Jaquet multitasker
 
Jan 2557
Jan 2557Jan 2557
Jan 2557
 
Cyber ID Sleuth Data Security Forensics
Cyber ID Sleuth Data Security ForensicsCyber ID Sleuth Data Security Forensics
Cyber ID Sleuth Data Security Forensics
 
สร้างบล็อก
สร้างบล็อกสร้างบล็อก
สร้างบล็อก
 
งานด้ายปราง
งานด้ายปรางงานด้ายปราง
งานด้ายปราง
 
Tuntutan untuk orangtua
Tuntutan untuk orangtuaTuntutan untuk orangtua
Tuntutan untuk orangtua
 
Orthodox christianfamilylesson09
Orthodox christianfamilylesson09Orthodox christianfamilylesson09
Orthodox christianfamilylesson09
 

Similar to Thinking ofyou_02_001

Similar to Thinking ofyou_02_001 (20)

Crazy first love
Crazy first loveCrazy first love
Crazy first love
 
sadist-lover
sadist-loversadist-lover
sadist-lover
 
Longing Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxLonging Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docx
 
Sunset in the Airport
Sunset in the AirportSunset in the Airport
Sunset in the Airport
 
Story ko
Story koStory ko
Story ko
 
The loveletter collection by enmacchi
The loveletter collection by enmacchiThe loveletter collection by enmacchi
The loveletter collection by enmacchi
 
What am i for you
What am i for youWhat am i for you
What am i for you
 
Falloutoflove
FalloutofloveFalloutoflove
Falloutoflove
 
Tagalog onlinepocketbook whateverittakeslouise
Tagalog onlinepocketbook whateverittakeslouiseTagalog onlinepocketbook whateverittakeslouise
Tagalog onlinepocketbook whateverittakeslouise
 
Ang manyak kong asawa
Ang manyak kong asawaAng manyak kong asawa
Ang manyak kong asawa
 
Girlfriend for hire_soft_copy
Girlfriend for hire_soft_copyGirlfriend for hire_soft_copy
Girlfriend for hire_soft_copy
 
Red rose
Red roseRed rose
Red rose
 
panglalait
panglalaitpanglalait
panglalait
 
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
 
Sa isang sulyap mo
Sa isang sulyap moSa isang sulyap mo
Sa isang sulyap mo
 
Txt
TxtTxt
Txt
 
k to 12 learning module electrical installtion and maintenance
k to 12 learning module electrical installtion and maintenancek to 12 learning module electrical installtion and maintenance
k to 12 learning module electrical installtion and maintenance
 
I am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdoI am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdo
 
Diary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosaDiary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosa
 
Quotes
QuotesQuotes
Quotes
 

Thinking ofyou_02_001

  • 1. Chapter 11.1 TUREEN Hindi talaga ako nakatulog kagabi.. kasi naman, makita palang ung mukha ni Jake.. ay ni alam nio na at ni plastic witch nakaka-eyebugs na. :doubt: Kinuha ko muna ung mga gamit ko sa bag ko, at may nahulog. Hmm, bracelet? Teka.. [flashback] "Alam mo, ang bait mo talaga, Penny." sabi ko. "Hindi kaya.. mas mabait ka Tureen." sabi ni Penny. "Basta, mas mabait ka sa akin." sabi ko. "Hehe.. ikaw kaya. Tignan mo oh, ang cute ng charms dito.." "Oo nga noh.. tig-pa-partners pa." "Kuya, pabili po nito." sabi ni Penny dun sa tindero. "Penny? Bakit mo binili yan? Eh ang mahal mahal nian." "Ok lang un, para sa akin ung isa, at sau naman ung isa. Sign of friendship natin." Nginitian nia ako. At, nginitian ko rin siya. [end] Tatapon ko ba ito? Pero.. sayang eh, ang mahal pa naman. Masuot na nga lang. Cute naman xa eh. --------------------------------------------------------------- "Mamili kau ng partner, mag-hi-hiking tau." sabi ng in-charge. Hay. Hiking. :rolleyes: "Dixie, tau na lang partners." sabi ko. "O.. sige. Teka, bakit parang puyat na puyat ka?" "Ahh.. wag mo nang tanungin. Sabihin ko palang, di na ako makakatulog eh." "O sige." sabi ni Dixie. "Meron taung laro, kung sino ang unang partner na makarating sa finish line, may matatanggap na reward. Secret na kung ano ung reward." sabi ng in-charge. "OK." sabi nang lahat. "Ready, Set, Go!" At, ayun, naglakad na kami ni Dixie. Syempre, alangang tumakbo kami?! :lol: ----------------------------------------------------------- "Ang init! :mad:" sabi ni Dixie. "Kaya nga eh." "Grabe, baka umitim ako."
  • 2. "Ha? Un lang ang iniisip mo?! :angry:" "Nuh ka ba.. joke lang noh." "Pahinga muna tau." "Oo nga." Nagpahinga muna kami. Umupo kami sa malaking bato. "Tureen!" may narinig akong boses. waah, wag niong sabihing si anu yon.. "Seth?" sabi ni Dixie. "At si alam mo na?" sabi ko. "Tureen! Ok ka pa ba?" tanong ni Seth. "Kung hindi na, pwede kitang buhatin." sabi naman ni alam nio na. "Hindi.. ako ang magbubuhat sa kanya!" sabi naman ni Seth. "Ako!" sabi naman ni alam nio na. "Nako, Tureen. Pinag-aagawan ka ng mga heartthrobs." "Ayy naku.. alis na nga tau Dixie." "Sige." At umalis na kami. Hay, buti naman nakaalis rin kami doon. Haha. :lol: Tapos, nakasalubong namin sina Justin at Louise. Oo, partners sila. Hmm.. I smell something fishy ahh.. :eh: "Ahh.. ate Tureen.." sabi ni Louise. "Yo." greet naman ni Justin. "Ahh.. hello. Sige ha, una na kami." sabi ko. "Okay! Kita na lang tayo sa finish line!" sabi ni Justin. "Oo nga." sabi din ni Dixie. Teka.. partners kami ni Dixie diba? "Hoy Dixie! Halika nga rito!" "Mauna ka na. Hahabol na lang ako. Pagod na ako eh." "Bahala ka jan. :mad:" sabi ko at naglakad na lang. Hay, pagod rin naman ako eh. Umupo muna ako sa isang bato. At, uminom ng mineral water. Vit water, try one now nga diba. =D "TULOOONG!" may narinig akong sigaw.. teka, pamilyar un ah. "TULLLLOOONG!" teka.. si.. At, mahuhulog na pala si plastic witch sa isang bangin. Saan ba ung partner nia?! :paranoid: "Penny.." sabi ko.. Teka.. tutulungan ko ba siya? Ano? Bahala na nga, basta kaylangan ko siyang tulungan. :paranoid: End of Chapter 11.1
  • 3. Chapter 11.2 TUREEN "Penny! Hawakan mo tong kamay ko!" sigaw ko sa kanya. "Ha? Ano ako sira? YUCK." sabi nia. Grr.. witch talaga! "Ano.. gusto mo na bang mamatay?! Mas sira ka nun." "Argh.. no choice." sabi nia. At, hinawakan ko na nga ang kamay nia. Kaso, nahulog ung charm.. na binigay nia. "Bilisan mo! Baka mahulog pa ako!" sabi nia. "Teka.." at, na-out of balance ako. Bggg.. hulog kaming dalawa. :doubt: "Aray.." sabi ko. Teka.. asan na un? :paranoid: "Kasalanan mo to eh.. HELP! Tulungan nio kami!" sigaw nia. "Grr.. bahala ka na nga sa buhay mo. May hinahanap ako dito eh." sabi ko. At, sa wakas, nakita ko rin. "Ano ba yan? Gaano ba yan ka-importante sa iyo? Huh?" "Basta!" tinago ko.. mahirap na eh. Kung ano pa ang sabihin netong bruhang ito. :angry: PENNY Ang naging partner ko ay isang stranger, at, napunta si Jake ko dun sa Seth Rodriguez na iyon. Hmph.. masundan nga sila. "Teka.." sabi nung babaemg partner ko. "Shut up! Huwag ka ngang lalapit sa akin, ang panget mo eh. :mad:" sabi ko. Naiinis ako. "Sorry.." sabi nia. Napaiyak pa nga eh. Eww.. ang tanda tanda na nia iyakin pa. And.. she reminds me of my BEST OLD FRIEND, Tureen. Hindi sila magkamukha ha. =D "Asan na ba kasi sila Jake.." sabi ko. Ang hirap pala maglakad dito ha, nakakaasar. Kaya umupo muna ako sa isang bato. Naalala ko yung Tureen na iyon. She's kind, kaya nakakaasar. People like her should vanish. Kasi naman.. kung hindi dahil doon sa bet nila Jake, they would never meet. Ayun tului, ang Jake ko, na dating playboy, naging good boy. Tapos, parang ayaw nia na sa akin. :doubt: And that's because.. He fell in love with that annoying girl. :mad: Ang sakit tului ng paa ko, kaya inis na inis ako. Kumuha ako ng isang maliit na bato, at binato un. Inisip ko na lang, si Tureen ung binato ko. Kaso, na-out of balance ako. Mahuhulog na sa isang bangin. :O "TULONG!" sigaw ko. Sana naman, maligtas pa ako. Hindi ko pa ata nakukuha ang Jake ko noh.
  • 4. Tapos, sa wakas, may narinig ako yapak. Buti naman. And it was HER! Bakit ba kasi sa dinadaming tao dito sa mundo, siya pa ang talagang nakakita sa akin. Kaya syempre umayaw ako. Ano ako.. nasisiraan? Gusto nia ba akong tulungan para magkaroon ako ng utang na loob sa kanya at maging sa kanya na ang Jake ko? No way. He's only mine. Pero, tinanggap ko na rin ung kamay nia. Come what may.. But.. may nahulog siyang gamit.. isang charm. A charm that is familiar to me.. iyon ung charm na binigay ko sa kanya. :O Eh bakit nia suot? After what I've done to her.. EWW. I'm starting to be OA na. Nahulog tului kami. "Help!" sigaw ko. Ayoko ngang mastuck dito kasama yang malanding yan. :disgust: After 5 minutes na kakasigaw naming dalawa, may tumulong din. And, it was Jake and Seth. :wow: TUREEN "Help!" sigaw nia. "Tulong!" nakisigaw na rin ako. English at Tagalog ha. :P After 5 minutes na kakasigaw naming dalawa, may tumulong din. And, it was Jake and Seth. Teka.. bakit sila pa? :crybaby: -AFTER NANG RESCUE- "Ok ka lang ba, Tureen?" tanong ni Seth. "Ano.. ok ka lang ba?" tanong naman ni Jake. Tapos, biglang yumakap si Penny kay Jake. At inakbayan naman ako ni Seth. "ACHOO!" hay, magkakasipon pa ata ako. :doubt: Hay.. tapos na ang chapter eleven, sige.. kita-kits na lang ah. Bye! End of Chapter Eleven. Chapter 12.1 TUREEN Ngayon ang araw ng kasal ko. Hay, ang saya saya ko ngaun. Kasi naman noh, ang kasal, isang beses lang yan nararanasan. Haha. Pero.. masaya talaga ako, as in. :lol: Hay.. sa kaylangan ko nang magmadali, baka malate pa ako sa sarili kong kasal. :lol: Palakad na ako doon sa simbahan.. ang daming nakatitig sa akin. :redface: Kasi naman, ang ganda ko ngayon noh. Hehe. Kapal ng mukha ko. :P Ayan, malapit na ako sa groom. Kaso, di ko makita ang mukha nia. Dumating na ung pare at nagsimula na. "I do." sabi ng groom ko. "I do." sabi ko naman.
  • 5. "You may kiss the bride." sabi naman ng pare. Ayan na.. ang kiss! :wow: At, nasinagan ng araw ung mukha nia.. And it was Jake! :o ------------------------------------------------ Waah! Panaginip lang pala. Ay hindi, bangungot pala. Nasa kama na ako, at si Dixie natutulog pa. Hmm, e kasi naman alas dos palang nang umaga eh. Ay, ang sama ng pakiramdam ko. Kasi naman.. dahil doon sa camping kahapon. Kakauwi lang namin kagabi ha. :paranoid: "ACHOO!" waah, parang magkakasipon pa ata ako. May AH1N1 na yata ako! Waaah! Oyy, OA na ha. :P Hay, makatulog na nga lang. Sana di matului ung panaginip ko. :mad: ------------------------------------------------ "Tureen, baka malate ka pa nian. Gising na." Myunnn.. parang ginigising na ata ako ni Dixie ha. Kaso, parang ang bigat ng katawan ko. Ang sakit pa ng ulo ko. "Teka, Tureen-- ang taas ng lagnat mo ha!" sabi ni Dixie. "Teka.. sandali lang, kukuha ako ng gamot. At saka, wag ka ng pumasok ah." "O-ok.." sabi ko na lang. Haist. Kumuha na si Dixie ng gamot, at ininom ko na lang. At, umalis na rin si Dixie. Hay. Makatulog na nga lang. :P JAKE Wala namang naging improvement sa relationship namin ni Tureen.. hay. Tapos, ang kulit-kulit pa ni Nel. Buti na lang may pasok na, para magkita ulit kami ni Tureen. Nandito ako sa may gate ng school, hinihintay siya. Kaso, parang antagal naman ata. Nakita ko si Dixie. Hmm.. teka.. dapat magkasama sila ni Tureen ha.. pero bakit wala siya?! :O "Dixie!" tawag ko. "Bakit?" tanong nia. "Asan si Tureen?" "Ahh.. kasi.. may lagnat siya." HUH? "Ano?!" sabi ko. "Cge, baka malate pa ako eh." sabi ni Dixie. "Cge. Ano nga palang room nio?" tanong ko. "Room 204." sabi nia at tumakbo nang mabilis. Ok lang kahit absent ako, basta ang mahalaga ay si Tureen. Kawawa naman siya pag nagkataon. Nagmadali ako at pumunta sa room nila. At, natutulog pala siya. Tinitigan ko siya nang mabuti. Ang cute nia talaga. At, kung halikan ko kaya siya? Hmm.. para namang madaya yun. Hay.
  • 6. Kaso, inantok rin ako, at nakatulog. TUREEN Nagising din ako. Kaso, parang may tao sa tabi ng ulo ko. At, lalake ata. Uyy, sino ba ito?! :paranoid: Nagulat ako. Si Jake. "WAAAAAH!" sigaw ko. Nakakagulat naman kasi eh. Nagising siya. "Tureen.. ahh.. kasi.." "Bakit ka nandito?!" tanong ko. "Kasi, nag-aalala lang naman ako sau." Suddenly, my heart skipped a beat. And, parang nag-blublush ako. Nakakainis naman itong lalakeng ito.. ohhh! :mad: "Umalis ka na nga!" sigaw ko. "Hindi pwede noh!" "At bakit?" "Kasi.." "Ano?!" "Gusto ko nandito ako sa tabi mo." Nanaman. "Ang cheesy mo! Umalis kang langaw ka! Di kita kaylangan sa buhay ko!" "Eh kaylangan kita sa buhay ko!" sigaw nia. Ang cheesy talaga nitong lalakeng ito ohh. Nakaka... ASAR! :angry: "Ang kulit mo. Bahala ka jan sa buhay mo." sabi ko sa kanya. "Ok." ngiti nia lang. "Maliligo lang ako. Huwag kang gagawa ng kababalaghan ha." sabi ko. "Ok." ngiti nia ulit. Grr.. naalala ko tului ung panaginip ko. Bakit siya.. pa?! :redface::mad: Pumasok na ako sa CR at naligo. Hay, makapag-relax din. And I feel better now. Ng konti. After nung bath ko, nakita ko siyang nakatayo sa may desk ko. Sabi na kasing eh! "Anong ginagawa mo?!" tanong ko. "Nasa iyo pa pala ito." sabi nia. "Yung ano?" "Eto ohh," at pinakita nia si Jane. Kilala nio pa ba iyon? Ahaha. "Eh ano naman?!" tanong ko. "Ibig sabihin, pinapahalagahan mo pa ako." "Ang kapal mo!" "Pero.. Tureen.."
  • 7. "Ano?!" sabi ko. "Kasi.." "Ang kulit. Binibitin pa ako!" Wala talaga ako sa mood ngaun ah. "ACHOOO!" ayan, may sipon pa pala akoh. ----------------------------------------------------------- "Humiga ka muna, ako na lang ang mag-aalaga sa iyo ha. Haha." "Tahimik! Tahimik!" sabi ko. "Ang cute mo talaga." at aba, pinisil pa ang pisngi ko. "Aray.." kakaasar na ito ah. "Sorry." bulong nia sa akin. "Para saan?" tanong ko. "Ohh, bibili muna ako ng makakain mo ha. Jan ka lang." sabi nia at umalis na rin sa wakas. Buti naman, tahimik na. Pero.. bakit siya nag-sorry sa akin.. ?? Siguro dahil doon sa bet nila. Tama, oo nga pala noh. Kaaway ko siya! Bakit ba nakakalimutan ko un?! O kaya naman.. May gusto pa ako sa kanya?! :/ End of Chapter 12.1 Chapter 12.2 TUREEN Haha. Hindi naman siguro noh. Haha. Nakakatawa ka talaga Tureen. :lol: Pero.. hmm.. malay ko ba.. Hay. After 10 minutes, nakabalik na siya. What if.. i-confirm ko kung may feelings pa ako para sa kanya? Ano yun? Tatanungin ko siya? Eh ang kapal pa naman ng mukha ng mokong na yan. Haha. :lol: "Susubuan na lang kita." sabi nia. "HUH?! :o" Oyy, hindi naman kami UN no. Haha. "Basta.. sumubo ka na lang." at sinubuan niya ko ng lugaw. "ANG INITTTT! :angry:" nasabi ko. ARAY kaya. "Ayy.. sorry ha.. hihipan ko na lang." "Buti naman. :P" sabi ko.
  • 8. Hinipan niya ung lugaw. "Hmm.. mainit pa kaya.. tikman ko nga." at sinubo niya sa bibig niya yung lugaw. "T-teka... bakit ka sumubo?! :mad:" "Ayy.. Sorry.. marami pa naman eh." Argh... Hindi naman yun iyong inaalala ko eh, kasi naman.. sumubo ako dun sa kutsara tapos sumubo rin siya.. diba indirect kiss iyon?! :mad: "Ohh.. AAAHH.." sabi nia pa. Ginawa ba naman akong bata. "MYANG." << sound effect yan ng pagsubo ah. Nung tapos na kaming kumain, tinake nia yung temperature ko. "Hmm.. mediu bumaba na ung lagnat mo ahh.. mabuti yan." sabi nia. "Para ka namang nurse." sabi ko. "Ganun talaga, kasi.. pasyente kita." "Huh?" "Wala." Sa totoo lang, narinig ko ung sinabi nia. Eh paano naman kasi, magsisimula na naman ung ka-cheesyhan nia. "Sige, matutulog na lang ako." sabi ko. "Ok.." sabi nia. Kumuha siya ng upuan at nagbasa ng libro. Hay. Naalala ko tului.. nung unang pagkikita namin. Ayy, bakit ko nga pala iniisip iyon? Dapat ang iniisip ko, ay kung paano ako makakapaghiganti. Ang laki yata ng kasalanan nila sa akin noh. Nila ni plastic witch. Diba? :doubt: "Hindi ka ba makatulog? Nilalamig ka ba?" tanong nia bigla, at sinara ang libro na binabasa nia. I just nodded. "Eh di.." lumapit siya sa akin at tumabi sa kama ko. "Oyy.. Anong ginagawa mo?! Umalis ka nga dito... :redface:" "Ayoko nga. :P" "Hindi tayo close." "Eh ang close nating ngayun oh." Argh.. kaasar talaga 'toh oh.. "Hmph! :angry:" sabi ko lang. Lagi na lang ako talo. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ang sakit ah. Pero.. nainitan ako. Tinignan ko siya ng mata sa mata. And.. ang bilis ng tibok ng puso ko. :redface: "Oyy.. may crush ka sa akin noh?" "Ang kapal mo!" sabi ko. Kahit kaylan 'to oh. ---------------------------------- "Sige. Bye na ah." sabi ni Jake.
  • 9. "Ok.." "Wla bang goodbye kiss?" "Goodbye kiss mo mukha mo!" "Haha." tumawa lang siya. "Thank you ah." sabi ko. Langan namang di mag thank you. "Haha." tawa nia ulit at umalis na. And.. I confirmed it.. May gusto pa ako sa kanya.. pero.. hindi dapat mangayari iyon! :doubt: End of Chapter Twelve. Chapter 13.1 TUREEN "Tureen! Tureen!" tawag ni Dixie. "Ahh.. ano nga ulit un?" tanong ko. "Blanko ka na naman.. ano bang iniisip mo? Si Jake ba?" "HUH? Hindi kaya.. :redface:" sabi ko. Nakakainis oh. "Si Seth?" "Ano ka ba!" sabi ko. Nang-aasar na naman kasi itong si Dixie eh. Kumakain kami dito sa school cafeteria, at syempe inaaral ko yung mga notes kasi namiss ko ang school kahapon. Hay.. yung kahapon ah.. di ako nakatulog nun. :doubt: "Tureen!" narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. "Ahh? S-seth?" sabi ko, at pinaliligiran siya ng mga babae. "Tureen!" lumapit siya sa akin. Yung mga babae naman, nakatitig ng masama sa akin. Hay. "Kasi.. may sasabihin ako sa iyo mamaya.. makigta tayo sa school gate.. ng 5:00." sabi niya. Mukhang nahihiya ata siya. "Ohh.. sige." ngiti ko. Tapos, umalis na siya. Hay. "Uyy Tureen ahh! Dala-dalawa ang boys mo!" sabi ni Dixie. "Huh?!" "Pareho pang mga hotties! Ang haba ng hair mo!!" sabi pa ni Dixie. "Ano ka ba Dixie! Hindi naman ganoon eh.. at saka, imposibleng magkagusto sa akin si Seth. Di naman ako maganda." "Huh? Ano ka ba, cute ka naman eh, lalo na pag nakangiti!"
  • 10. "Hay naku Dixie, bolera ka talaga." "Haha." Tumawa na lang kaming dalawa. Haha. :lol: --------------------------- "Ano kasi.. ate Tureen.. may gusto ako sa isang lalake.. pero di ko naman alam kung may gusto din siya sa akin.." sabi ni Louise. "Huh? Sino siya..? :O" tanong ko. "Kasi.. si.. ano yun.. si.." "TUREEEN!!" biglang may narinig akong isang nakakabinging boses. "J-justin?" "Long time no see ah! Miss na kita!!" sabi niya, patting my head. Mas matangkad pa sa akin kahit mas matanda ako. :doubt: "Ano ka ba.. eh isang araw lang naman tayo hindi nagkita." sabi ko. "Haha.. ganun ba? Parang isang taon na eh." "Ahh.. t-teka lang ahh.. kinakausap kasi ako ni Louise eh." "Huh? Eh kanina pa siya umalis." sabi ni Justin. "Huh? Na-OP siguro siya.. kasi naman Justin eh!" "Sorry! Sorry!" sabi niya na tumatawa. Nakitawa na rin ako. "Ah, oo nga pala, anong oras na?" tanong ko. "5:20 na. Bakit?" "Makikipagkita kasi ako kay Seth eh! Sige, Bye!" sabi ko. "Ahh.. sige.. bye." Nung patakbo na ako, parang nakita ko siyang malungkot. Ano bang nangyari? :/ --------------------------- "Seth!!!" tawag ko. Naku, parang kanina pa siya naghihintay doon ah. "Tureen.. buti nakarating ka." smile niya. "Hehe. Sorry kung late ako ah.. ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko. "Kasi.. ano.." Nakinig lang ako sa kanya. =) "Tureen Allard, pwede ka bang.." "Hmm?" "Makipag-date sa akin?" sabi nia. I-isang confession?! :paranoid: "S-seth..?" "Kasi.. lagi na lang kita iniisip.. tapos narealize ko na..
  • 11. may gusto ako sa iyo, Tureen." End of Chapter 13.1 Chapter 13.2 Tureen Nakakagulat talaga iyong nangyari kahapon. Masyadong unexpected. "May gusto ako sa iyo Tureen. Pwede bang mag-date tayo bukas? Please?" "Ahh.. syempre naman." ngiti ko. "Sige.. kita tayo bukas, 4pm sa park doon malapit sa bay." "Ok." ngiti ko. At, umalis na si Seth. Flashback un ah. Hay.. 4pm, sa park doon malapit sa bay. Excited na ko!! Kaso, date lang naman iyon eh.. at saka, ang sabi sa akin ni Seth.. Gusto nia daw ako. Sa totoo lang, gusto ko din naman si Seth nung unang pagkikita palang namin eh.. kaso, lagi ko kasi naiisip ung Jake na iyon. Wahh, erase erase erase! ----------------------------- 3pm pa lang nag-ayos na ko. Kasi naman, kapag excited masyado, parang nababagalan sa oras. Kaya ligo, ligo, ligo, ayos, ayos, ayos! Habang naglalagay ako ng lipstick, naalala ko bigla ung date namin ni Jake.. ayos na ayos din ako nun. Waah, yan na naman Tureen, iniisip mo na naman yung mokong na iyon! Kaylangan si Seth muna ang isipin ko ngayon. Pero di ko alam kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang mas gusto ko. Waah! 3:55 PM -- PARK Nauna na kong dumating kahit 5 minutes palang. Kasi naman, excited ng diba? After 1 minute.. Waahh! 4 minutes pa, Tureen. Got to be calm. After 2 minutes.. Tick tock, tick tock.. bilissss! After 3 minutes..
  • 12. Ang init!! Ang bagal ng oras!! After 4 minutes.. Isang minuto na nga lang ang bagal-bagal pa!! 4:00 PM Biglang may dumaan na isang itim na limousine. Tapos, may mga dudes in black na bumaba at binuksan ang pinto ng kotse dun sa may banda likuran. At, ayan na pala si Seth. "Sorry kung pinaghintay kita nang matagal, nakakahiya naman sa iyo.. babae ka tapos pinaghihintay ka ng isang lalake.. na nag-imbita sa iyo.." "Ano ka ba Seth, ok lang iyon!" ngiti ko. "Sorry talaga.." "Haha.. at saka 5 minutes lang naman ako naghintay eh.. excited kasi ako eh." kahit parang 5 hours na iyong kanina. "Thank you, Tureen.. sige, Mr. Regare, iwan niyo na lang kami dito." "Sigurado po ba kayo?" tanong nung isa sa mga dudes in black. "Oo, sige.. ha. Bye." sabi ni Seth at pinaalis na yung mga guards niya. Grabe, ang yaman talaga ng mga taong naeencounter ko.. "Tureen, saan mo gusto pumunta? O kaya anong gusto mong gawin?" "Ahh, kahit ano na lang.." "Alam ko na, bumili na lang tayo ng ice cream. Ang init kasi ngayon eh." "Ohh.. sigee." sabi ko. Bumili kami ng ice cream, treat niya. Chocolate yung sa akin at Vanilla sa kanya. Mahilig pala siya sa Vanilla. Umupo kami sa isang bench sa may tapat ng isang fountain. Diba, ang romantic? Haha. "Alam mo Tureen.. ang cute mo ngayon." sabi nia. "Huh? H-hindi.. naman." sabi ko. Nagblu-blush ako sigurado. "At saka, mabait ka pa.. kaya nga nagustuhan kita." "Ano.. hindi naman noh! Ikaw nga ang mabait jan eh.." "Mas mabait ka." "Hindi, ikaw ang mas mabait, Seth. Pramis." "Haha.. ikaw kaya." "Sige na nga suko na ako." sabi ko. Kasi naman, paulit-ulit lang kami. "Tureen, natutunaw na yung ice cream mo.." "Waahh.. natutunaw na nga.." "Haha.. teka lang ah.." Naglabas si Seth ng panyo, at pinunasan ung blouse ko,
  • 13. kasi natuluan eh. "Nakakahiya naman sa iyo.." sabi ko. Talaga naman eh. Para kasing ang mahal pa nung panyo. Nginitian lang ako ni Seth. "Ano kaya kung mag-ferris wheel na lang tayo?" yaya ko. May malapit kasi na ferris wheel dito sa may park. "Sige.." ngiti nia. Si Seth pa rin ang nagbayad. Grabe nga eh, cheque pa talaga ang binayad niya, 10,000 pesos. Pero, sabi ni Seth, ok lang daw iyon.. grabe, nakaisa ung may ari ng ferris wheel na iyon ah. Sumakay kami ng ferris wheel. Mediu dumidilim na nga rin eh. "Tignan mo, Tureen.. ung sunset.." sabi ni Seth nung nasa tuktok na kami. "Oo nga noh.. ang ganda.." "Sing-ganda mo, Tureen." sabi nia. "Thank you." sabi ko, kahit mediu nacheesyhan ako doon. Sa totoo lang, masayang kasama si Seth.. pero, masaya din ako kapag kasama ko si Jake. End of Chapter Thirteen. Chapter 14.1 LOUISE Napapaisip pa rin ako. Kasi naman.. hindi ko alam kung ano ba talaga ito.. sa tuwing nakikita ko siya, namumula ako.. o kaya naman nauutal. Hay.. ganun naman talaga ako eh.. kaso, pag siya ang nakikita o nakakausap ko.. pakiramdam ko, matutunaw ako. :redface::redface: "Miss Louise, nakahanda na po ang almusal ninyo." sabi ni Ms. Sally, isa sa mga maid namin. "Ahh.. sige po!" sabi ko. Kakagising ko palang kasi eh. Pumunta na ako doon sa dining room. Marami na namang pagkain. Hay. Hindi naman namin mauubos yan eh. Umupo na ako sa isang upuan. Sa tabi ni kuya Jake. At nagsimula ng kumain. Minsan, mahirap talaga kapag mayaman ka.. kasi naman.. pakiramdam ko.. hindi ako malaya. Pagkatapos ko kumain, bumalik na ako sa kwarto ko at naligo. Sunday kasi ngayon, aatend ako ng Church. Kasama si Kuya Jake.
  • 14. Minsan nga, naiingit ako kay Kuya Jake.. kasi, malakas ang loob niya. Alam ko namang magkakilala na sila ate Tureen at kuya Jake noon pa. Sa ibang school kasi ako nun. Si kuya Jake.. gustong-gusto niya si Ate Tureen. Nakakainggit kasi, direkta niyang sinasabi kay Ate Tureen na hindi siya susuko. Na, mahal niya si Ate Tureen. Ako.. ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Nung tapos na yung misa, may nakita akong isang batang umiiyak sa labas ng simbahan. Gusto ko siyang tulungan. Kaso, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tapos may lumapit sa kanyang babae.. and, it was Ate Tureen. "May problema ba?" tanong ni ate Tureen doon sa batang umiiyak. "K-kasi.. nawawala ako.." sabi naman nung bata. "Huh? Sino ba ang kasama mo?" tanong ni Ate Tureen. "Ang.. M-mama.. k-ko.." "Ganun ba? Sige, hanapin natin siya." ngiti ni Ate Tureen doon sa bata. Papunta sila sa loob ng simbahan, kaya nagtago ako. At, nahanap nila ung nanay. Masaya yung bata.. pati rin si Ate Tureen. At, ako rin. Kasi.. ngayon naiitindihan ko na.. na dahil nagustuhan ni Kuya Jake si Ate Tureen kasi.. siya yug tipo ng babae na matapang at mabait. Gusto kong maging kaulad niya.. para naman mapansin din ako ni.. Justin. End of Chapter 14.1 Chapter 14.2 TUREEN Hayy.. grabe.. hindi pa rin ako makapaniwalang may gusto pala sa akin si Seth. Kasi naman, di naman ako maganda o matalino. Haist. =| "Tureen, grabe.. mahirap pala talaga ang maging college student noh?" biglang akbay sa akin ni Dixie, at pinagpapawisan siya. Naglalakad kami sa paligid ng campus. Tapos na ang klase. "Ano ka ba, isang buwan ka nang college student tapos ngayon mo lang na-realize yan.." sabi ko. Haha.
  • 15. "Nang-asar pa. Siya, bili na lang tayo ng ice cream. Ang enet eh." sabi nia. Muka nga siyang pagod na pagod. "Okei. Treat mo?" "Nah. Kaw." Hay, lagi naman akouh eh. Bumili na kami ng ice cream at umupo sa isang bench. Ang init nga talaga. "Alam ko na!" biglang sigaw ni Dixie. "Huh? Anong alam mo na? Nakakagulat ka naman." "Naman ohh!" biglang palo niya sa likuran ko. "Dixie!" "Haha. Biro lang ah. Kasi, naalala ko na mero nga palang bagong fortune-telling booth dyan sa may shopping district." sabi nia. "Ahh? Ano na?" "Edi ano pa nga ba, magpaghula tayo!" "Tayo? Snong kasama mo?" "Huwag ka nga KJ! Halika na!!" "Haa? As in NOW NA?" "Naman!" ngiti nia. Hay. Si Dixie talaga ohh. Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga hula-hulang iyan, basta. Di sila kapani-paniwala. ---------------------- "Nakakatakot dito ah.. nanginginig na ako. Sobrang dilim.. haunted house ba 'to?" tanong ko kay Dixie. "Ano ka ba, ang ganda kaya! May mga candles pa ohh." "Mangkukulam yata yan eh." Lumapit na kami doon sa manghuhula, as in nakakatakot siya. Basta, mag-imagine kayu ng mangkukulam, at yun ang itsura ng nakikita ko ngayon. "Anong.. gusto niyong.. itanong?" ang lalim ng boses. Nakakataas ng balahibo. "Ano po.. kasi, gusto kong malaman kung sino ba ang soulmate ko. Kahit initials lang, pwede." sabi ni Dixie. Tumingin yung manghuhula sa "bolang crystal" nia. Tapos, binalik ang tingin sa amin. "Tatanda kang dalaga." Haha, gulat ako doon ha. "Ano bang sinasabi mo jan! Peke ka yata ehh! Makaalis na nga! Halika na Tureen!" Haha. Ang labo talaga ni Dixie. "Sandali.. ikaw.. na naka-yellow shirt." sabi nung manghuhula. Ha? Ako daw? "B-bakit?" tanong ko. Feeling ko parang ito yung scene sa Hansel and Gretel na kakainin na ng mangkukulam si Hansel. Kakatakot. "May nakikita ako sa iyo.. magiging.. malungkot ang buhay mo."
  • 16. "Huh?" tanong ko, kaso, hinila na ako palabas ni Dixie. "Ano ba, huwag kang maniniwala sa hula ahh! Peke ang mga hula!" sabi sa akin ni Dixie. "Eh diba ikaw ang nag-invite sa akin dito?" "BASTAAA!" sigaw niya. Haha, hindi yata maaccept ni Dixie ang hula sa kanya. Pero.. yung sinasabi sa akin nung manghuhula.. magiging malungkot daw ang buhay ko? Paano? Hay. Oo nga pala no, hindi totoo ang mga hula. :doubt: End of Chapter Fourteen. Chapter 15.1 TUREEN "At unti-unti siyang kinain ng halimawww!!" sigaw ni Dixie nang malakas. "WHAAAA!" tili ko. Natakot kasi talga ako eh. "Hmm.. hindi naman masyadong nakakatakot un ehh." sabi ni Justin. "Kaya nga. Mga bata nga lang yata ang natatakot sa mga ganung storya." agree naman ni Dixie. "Kahit na noh.. nakakatakot kaya!" sabi ko. Nasa kwarto kaming tatlo ngayon. Tapos na ang klase, at umuulan pa nang malakas. Bumisita kasi tong si Justin eh.. tapos nag-request na magsabihan daw kami ng ghost stories. "Hay. Ikaw naman Tureen. Wala ka bang kwentong nakakatakot?" tanong ni Justin sa akin. "Syempre meron noh. Sariling experience ko nga eh." sabi ko. "Huh? Sige, ikwento mo." sabi ni Dixie. Nakatingin lang silang dalawa sa akin. "Kasi.. ganito yun.." "BLAH BLAH BLAH BLAH.." << ayaw nang pahabain. "Comedy ba iyon? O romance?" tanong ni Justin. "Hindi!!! Horror yun!!! HORROR!" sigaw ko. "Grabe ah, nakakatakot." sabi ni Dixie. Nang-aasar pa ahh. "Hmph!" sabi ko. SILENCE~~ "Alam ko na!" biglang napasigaw si Justin. "Ano yun?!" tanong namin ni Dixie. "Isang Ghost Hunting!" "HUH?" tanong ko.
  • 17. "Para namang masyadong childish iyun." sabi ni Dixie. "Hindi naman eeh. Okay nga sa tenga ko ehh." ngiti ni Justin. "Hay. Sige na nga, payag na kouh." sabi ni Dixie. "Good luck sa inyong dalawa ahh!" ngiti ko sa kanila. "Huy! Kasama ka kaya Tureen." sabi ni Dixie. "Ayoko ngaaah!" Haha, sabi ko nga sa inyo diba? Takot ako sa moo-moo. "Kaylangan nandon ka Tureen." sabi ni Justin. "Bakit naman?!" "Kasi, hindi magiging masaya pag hindi ka nandoon." sabi nia. "Pag-tritripan nio lang naman ako eh!" sabi ko. "Basta, sasama ka Tureen." sabi ni Justin. Nagmamakaawa yung mukha. "Oo... naaa.. sige... na nga!" sabi ko. "Yay!" biglang yakap niya sa akin. ---------------------------- 11:30 PM --- Sa loob ng school. "Ah... huwag na lang kaya natin ituloy toh.." sabi ko. "Ano ka ba, masaya nga to eh." sabi ni Dixie. Ininivite din ni Justin si Seth, Jake, plastic witch at Louise. Tapos, pinaalam ni Seth kung pwedeng buksan ang school ng ganitong oras sa mom nia. Pumayag naman ung mom nia. Kaya nga naiinis ako eh. :mad: "So, ganito ang gagawin natin. Magbubunutan tayo kung sino ang magiging kapartner natin sa Ghost Hunting na ito." sabi ni Dixie. Tapos, bumunot kami ng paper doon sa box na hawak niya. "Number 02..?" sabi ko nung buksan ko na ung folded paper. "So, ang partners are..." sabi ni Dixie. "Louise, Seth and Justin, Jake and Tureen, and me and ugh.. ah.. Penelope." Haha, parang nahihirapan pang sabihin ni Dixie ung name ng babaeng iyon ah. "Teka, bakit naman kaylangan ganun ang resulta? May daya yata yang bunutan eh!" reklamo ni plastic witch. "Huh? Parang sinasabi mong ayaw mo sa akin ah. Pwes, ayaw ko rin sa iyo." sabi ni Dixie. "Mas ayaw ko naman sa iyo, babaeng mukhang kabayo!" sabi ni plastic witch. "ARGH!!!" sabi ni Dixie. Mag-aaway pa ata tong dalawa na ito ah. "Paano ba yan, partners tayo. Take care of me ah." biglang akbay sa akin ni Jake. BADUMP. :redface:
  • 18. "Alis! Alis!" sigaw ko. "Haha.." tawa niya. ----------------------------------- Nagsimula na kaming pumasok sa loob. Magkakahiwalay nga lang kami. Ang laki at luma pa naman nitong school na ito.. kaya nakakatakot. Buti nga eh may partner ako at may flashlight. "Nakakatakot.." sabi ko. Para kasing pakiramdam ko, merong taong nakatitig sa akin. "Okay lang yan, pag may nakita ka, yumakap ka lang sa akin." sabi nia. "Kapal ng mukha mo! Makaalis na nga!" sabi ko, at maglalakad na sana ako palayo sa kanya kaso.. "Bahala ka dyan, wala ka pa namang flashlight, baka may makita ka dyan." sabi nia. Oo nga pala noh, siya ung may hawak ng flashlight. "Ano ka ba, biro lang yun noh.. partners nga tau eh.. dapat magkasama lang tayo diba?" ngiti ko. Nakakainis naman toh. Bakit ba kasi siya pa ang naging kapartner ko?! Kamusta na kaya sila Seth.. LOUISE Ang mga kasama ko ay sila Justin at Kuya Seth. Sa totoo lang, hindi rin naman ako fanatic ng mga horror stories o kung ano pa man.. sa totoo lang, takot nga ako sa kanila eh. Pumayag lang ako, kasi si Justin ang nag-invite sa akin dito at nakakahiya naman kung hihindi ako. Pumasok na kami sa loob. Nakakatakot pala sa school pag gabi.. tapos, bigla akong may nakitang puti na dumaan sa may stairs.. "WAAAH!" sigaw ko. Napayakap pala ako kay.. Justin! "Louise, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Justin. "Ahh.. o-oo.. :redface:" sabi ko. "May nakita ka ba?" tanong ni Kuya Seth. "Oo.. doon.. s-sa may.. hagdanan.." turo ko. Pero, nawala na pala. "Sandali lang, titignan ko muna ah." sabi ni Kuya Seth, at dinala yung flashlight. Umalis na siya. "Buti na lang may isa pa tayong flashlight.." sabi ni Justin. "Oo.. n-nga.." ngiti ko. Namumula pa rin ako, alam ko. Kasi.. kaming dalawa na lang ang nandito.. pagkakataon ko na ito pero.. kinakabahan ako dun sa nakita ko! DIXIE
  • 19. Shocks. Grabe ah, hindi ko matake ang kaartehan ng babaeng ito. As in. Alam niyo naman kung sinong babae ang sinasabi ko diba? Bakit ba kasi siya pa talaga ang naging partner ko? Eh ang arte-arte nito eh. Gusto pa talaga, ako ang mauuna, at siya ang hahawak ng flashlight. Tapos, every now and then, hihinto kami para daw makapag-rest siya. "Grabe.. malamig pala dito ah.. kahit nakaclose yung mga windows.." sabi niya. Konyo english talaga ah. "Pahinga muna ako.." sabi nia, at naupo sa lapag. "Ano ba, ang arte mo ah! Pahinga ka nang pahinga eh! Akin na nga yang flashlight." sabi ko sa kanya, at inaagaw yung flshlight. Tumayo siya at, "Anong sabi mo?!" "Sabi ko ang arte mo!" sigaw ko. "Ikaw kaya iyon!" sigaw niya naman. Nag-aagwan lang kami sa flashlight. Tapos biglang may nakita kaming dumaan na nakaputi. "A---ANO IYON?" pareho naming sabi. Grabe.. isa ba iyong.. multo?! TUREEN Buti naman sa tagal nang paglalakad namin wala pa kaming nakikitang di kanais- nais. Haha. "Pagod na ko." sabi ko. "Sige, magpahinga na lang muna tayo." sabi ni Jake. Umupo lang kami dun sa may lapag, sa tapat ng Biology Room sa may hallway. Gets nio? :lol: "Ang.. lamig.." sabi ko. Wala kasi akong hoodie eh. "Ohh.." sabi ni Jake at tinanggal yung hoodie nia. Tumayo siya, at ibinato yung hoodie sa akin. Tapos tumalikod. "S-salamt.. pero.. paano ka?" tanong ko. "O-okk.. lang iyon.. di naman ako nalalamigan eh." sabi nia. "Tlaga.." sabi ko at tumayo na rin. "Lakad na ulit tayo!" sabi ko. Tapos, biglang may narinig kaming sigaw. Parang boses ata yun nila Dixie at plastic witch aa. "Ano iyon?" tanong ko. "Pabayaan mo sila." sabi ni Jake. "Ano ka ba! Puntahan natin sila! Tara.." "Tsk. Sige na nga." sabi nia. Tapos, tumakbo kami papunta doo sa boses. Nakarating na rin kami. Malapit lang pala sila eh. Sa may tapat ng music room. "Anong nangyari?" tanong ko. "Meron.. kaming.. nakita.." sabi ni Dixie. At, may itinuturo sa may loob ng music room. "Anong meron?" tanong ni Jake.
  • 20. "M-multooo..." sabi ni plastic witch, at yumakap kay Jake. "Multo?!" tanong ko. Ano ba itong.. multo na ito? Natatakot na ako ahh! End of Chapter 15.1 Chapter 15.2 TUREEN Nasa harapan na kami ng music room. Malamig na ang hangin.. nakakatakot talaga. "Tureeen!!" may narinig akong boses. Ahh, si Seth pala. "Seth?" tanong ko. "May.. hinahabol ako dito.. may nakita akong.. puti.." sabi ni Seth. "Mero rin kaming nakita.." sabi ni Dixie. "Kami din." sabi ko. "Huh? Ibig-sabihin.. nandito un sa.. music room?" tanong ni Seth. "Malamang." sabi naman ni Jake. Epal talaga tong lalakeng ito. "Hay naku.. hindi ako natatakot sa ghost na yan noh.. basta nasa tabi ko ang Jake ko." sabi ni plastic witch. "Hay.. tumahimik ka nga jan. Pasukin na lang kasi natin yang music room." sabi ni Dixie. "Oo nga." sabi naman ni Seth. "Ok." sabi naman naming lahat. Okay.. kung ano man ang nasa loob ng music room, dapat.. di ko yun katakutan.. Kaso pagpasok namin.. "WAAAHHH!" sigaw ni Dixie. Bigla siyang hinila ng kung ano. "Dixieee!" tawag ko. Kaso, sumara ang pintuan ng music room. Parang nakalock. "Ano bang nangyari?" tanong ni Seth. "Si Dixie.. parang hinila siya ng kung ano.." sabi ko.. "Ng multo?" sabi ni plastic witch. Kaylangan pa talaga kasing sabihin yung word na iyon eh. "T-teka.." sabi ko.. "Ano iyon?" tinuro ko. "Ang multo.." sabi ni plastic witch. Tapos biglang hinimatay. "AYOKO NAAAAAA!" npasigaw ako. Tapos, biglang may nagbukas ng ilaw. "O, ano Tureen.. tako ka na noh?" tanong ni Justin. Kasama niya si Louise at Dixie. "Grabe ah.. nakakahilo to.." biglang tumayo si plastic witch. Tapos, tumatawa lang si Seth at Jake.
  • 21. "T-teka.. ano bang.. nangyayari? Huh?" tanong ko. Para yatang ato lang ang walang alam. "Haha.. kinausap ko silang lahat para takutin ka, Tureen. At, Mission Accomplished." sabi ni Justin, tumatawa. "Ano..?" napanganga lang ako. "Diba nga? Malapit na ang 17th birthday mo. Early gift yan." sabi ni Dixie. "Sorry ate Tureen ah.." sabi ni Louise. "Grabe, muntik nang himatayin si Tureen sa takot." sabi ni Jake. "Nakakainis kayong lahat!!" sabi ko. "Hay.. ang boring. Makaalis na nga." sabi ni plastic witch. Tapos, umalis na. "Teka.. napapayag mo din si pla-- si Penelope, Justin? Ang galing mo ah." sabi ko. "Ewan ko nga eh.. pero nung sinabi kong para sa birthday mo 'to.. umooo siya." sabi ni Justin. "Penelope.." Hindi ko talaga maitindihan. Bakit siya pumayag? Di kaya.. ano ba itong iniisip ko?! Imposible naman yun diba? Hay.. nakakapagod itong araw na ito ah. "10.. 9.. 8..." nagco-countdown sila. "7.. 6.. 5.. 4.. 3.. 2... 1!!" "Happy Birthday Tureen!!" bait nilang lahat. Hay, tumatanda na pala ako. End of Chapter Fifteen. Chapter 16.1 TUREEN Ugh.. Ugh.. Hindi nga ito panaginip. Kinurot-kurot ko ung pisngi ko, habang nakatitig sa salamin. Para atang.. nagkakawrinkles na ako ah. :crybaby::crybaby: "WAAAAAAAHHHHH!" "Tureen? Ano bang nangyayari sa iyo?!" biglang pumasok si Dixie sa loob ng banyo. "Kasi.. kasi... Dixie.." hindi na ako makapagsalita. "Hay, alam ko na ang gusto mong sabihin. Parang nagkakawrinkles ka na ata at ayaw mong magmukhang matanda. Dahil 17 ka na ngayon, at patanda ka na nang patanda, lalo kang pumapanget. Yun iyon diba?" sabi niya. "Teka.. paano mo nalaman?"
  • 22. "Hay, last year, nung nasa ibang bansa ka pa, tumawag ka sa akin at ganun na ganun ang sinabi mo." "Dixie naman ehh.." "Haha, kung gusto mo, since naman birthday mo ngayon, magkaroon tayo ng isang little makeover." "M-makeover??" Amf. Parang hindi maganda ang nararamdaman ko dito ah. ---------- "T-teka.. saan mo ba ako dinala?" tanong ko kay Dixie. Nasa harapan kami ng isang malaking building. "Ano ka ba.. spa ito! Mediu may kamahalan dito pero.." "Huh?! Ano ka ba?!" "Ano ba Tureen.. birthday mo naman ngayon kaya huwag kang mag-alala sa mga gastusin.. sagot ko na noh!" sabi ni Dixie at kinaladkad ako papuntang loob ng spa na iyon. Grr.. talaga itong si Dixie ohh.. mayaman kasi! :mad: PAGKATAPOS NG SPA SPA TIME "Wow.. effective talaga!" sabi ko. "Haha, lagi akong nagpapa-spa thrice a month. Gusto mong sumama sa akin pagnagpapa-spa ako?" "Huwag na.. hehe.." Tapos nun, may nareceived akong message mula kay Louise. Ate Tureen, pwede ka bang pumunta sa bahay namin .. ahh.. mga 7pm? Huh? Bakit kaya? "Dixie, gusto mong sumama sa akin sa bahay nila Louise mamayang gabi?" "Huh? Ayaw ko nga. May date ako ngayon noh." "Eh? Kaylan ka pa nagka-boyfriend?!" "Kanina lang. Naalala ko kasi ung sinabi sa akin nung panget na pekeng manghuhula eh." "Haha.. naaalala mo pa pala yun.." sabi ko sa kanya. Oo nga noh, ung manghuhula.. sabi niya.. magiging malungkot daw ang buhay ko. -------- "B-buti naman nakarating ka.. A-ate Tureennnnnn..." sabi ni Louise. "Haha.. oo nga ehh.." sabi ko. Sa totoo lang kasi, wala naman akong magawa
  • 23. ngayon. Kahit birthday ko pa.. basta! "Sige.. pumasok ka na ate Tureen.." "Ahh.. sige.." Pag kapasok ko, nagulat ako sa laki ng bahay nila. "T-tureen?" Si.. Jake? "J-Jake? Bakit ka andito?!" tanong ko. "Ano ka ba, kapatid ko si Louise. Kaya andito ako." Waaah.. oo nga pala noh.. "Pero.. peroo..." sabi ko.. "Ahh, ikaw pala si Ms. Allard. Welcome ka dito at, happy birthday nga pala sa iyo." sabi ng isang babae. "Hayy ma. Sinira mo ung surprise sana namin para kay Tureen." sabi ni Jake.. Mama.. pala siya.. nila... J-jake.. Ang mama nila Jake.. Ano kayang klaseng tao siya?! Chapter 16.2 TUREEN "Huwag kang mahiya, Ms. Tureen Allard. Feel at home, okay?" sabi ng Mama nila Jake. "O...opo.." nauutal kong sagot. Nandito kami sa malaking dining room nila Jake, grabe... ang haba ng table at may chandelier. Diba? Kapag nanonood kayo ng BOF, yung dining room nila Jun Pyo? Haha, ganun nga ang nakikita ko ngaun. "So," sabi ng Mama nila Jake. "How old are you, iha?" Kinakabahan ako. Sasagutin ko pa ba itong tanong na ito? "S-seventeen po.." Naku. Naalala ko tului ung ganitong scene na tanungan ng age sa Twilight. Hmm, next question yata ay, how long have you been seventeen? Haha, nasisiraan na yata ako. :lol: "Oh," and she glanced at Jake. "Magsing-age pala kayo ng Jake ko." Hay. Parang saglit na lang, matutunaw na ako. Ang Mama ni Jake.. Kaugali niya kaya ang mama ni Jun Pyo? O yung nanay ni Jan Di? O kaya naman.. "Oh, how rude of me. Nakalimutan kong mag-introduce sa iyo, Ms. Allard." Oo nga noh? Kung sabagay, kung alam ko na ang pangalan ng Mama nila Jake, mas mababawasan ang paghihirap sa kakatype ni Ms. Author. "I'm Mrs. Wanda Martinez," tapos, pinunasan niya ung bibig niya ng table napkin. "Nice to meet you, Miss Allard." and, she gave me her warmest smile. "N-nice to meet you po.." Hay, bakit ba hindi nagsasalita si Jake o si Louise? Kaming dalawa lang yata ni Mrs. Martinez ang pinakamaraming dialogue sa update na ito ah.
  • 24. Tapos na rin kaming mag-dinner, at.. Grabe, gusto ko nang umuwi. Kasi naman, marami pang tinanong sa akin si Mrs. Martinez. Hay, alam niyu un? Ung mga getting-to-know type of questions. Aalis na sana ako nang nagsalita si Mrs. Martinez. "Ms. Tureen Allard, pwedeng mag-stay ka muna? May ipapakita lang ako sa iyo." Pumunta kami sa isang room na punung-puno ng pictures, pictures, at pictures! Haha, OA na ko ah. Nandoon sila Jake at Louise sa living room, kaya kaming dalawa lang ang nasa loob ng kwartong ito. Nanginginig ako sa takot, kasi.. parang ang stern ni Mrs. Martinez. Haist. "Tignan mo, ohh.." sabi ni Mrs. Martinez. Lumapit pa ako sa kanya at nakitingin sa photo album na hawak ni Mrs. Martinez. Ahh.. picture pala niya, si Jake at Louise nung mga bata pa. Ang cute nga eh. "Pero teka po.. a-asan si Mr. Martinez?" tanong ko. Naku, bakit ko ba tinanong un? Ang tsismosa ko ah.. "He.. ran off with another woman nung kakapanganak ko pa lang kay Louise." sabi ni Mrs. Martinez, mukang serious. So.. ang dad pala nila Jake ay isang playboy at nag-cheat sa kanyang asawa? Ahh, hindi na ko magtataka kung bakit pala playboy si Jake. Mana sa tatay eh. :lol: "Sorry po.." I apologized. Kasi.. basta. Syempre sad ung storya noh. Tumingin-tingin pa kami ng ibang pictures. At, nung napagod na rin, nagdecide na kong umuwi na. "Sige, bye na po ah.." sabi ko kina Mrs. Martinez. "Tureen, hatid na kita." offer ni Jake. Uyy, first dialogue mo yan sa update na ito ah. "Pero.. paano?" tanong ko. "I can drive." sabi nia. Huh? Kaylan pa natutong mag-drive itong mokong 'to?! "Sige, ate Tureen.. B-bye at Happy Birthday." sabi ni Louise. Both her and Mrs. Martinez waved goodbye to me. I opened the window sa car and waved back to them, tapos, sinara narin ang windows. Jake is driving. Jake is driving. Naks, ahh! Haha. Tapos, he started to speak na rin. Btw, konyo mode ata ako ngayun ah. :lol: "Pasensya na sa mom ko ah.. ganun lang talaga siya. Masyado siyang workaholic, buti nga napilit ko siyang mag-rest muna ngayon eh. Para sa.. birthday mo." he looked at me seriously, then stopped the car. "At, masyado siyang understanding minsan, kaya ang spoil ni Nel sa kanya." he chuckled. Si Jake.. he really do love his mom, huh? "So, good night." he smiled. "Haha, good night nga." I smiled back. Tapos, bumaba siya ng kotse at binuksan ang door para sa akin. Watta gentleman ah. =D
  • 25. "Tureen.." he said, looking down. Hmm.. I think he's shy. Uyy, torpeng-playboy-na-mana-sa-tatay. Haha. "Close your eyes, Tureen." he said, holding my shoulders. "B-bakit?" I blushed. My heart is making the thump-thump sound. Basta, kung ano mang tawag doon. And, without realizing it.. I closed my eyes. And he knelt to kissed me. Bakit alam ko? I was peeking kaya noh. Akala ko kasi, may surprise sya sa akin. Teka, this is a surprise diba? And, tapos nung kiss na iyon, we both blushed. "Ahh.. Tureen.." "Ahh.. Jake.." Naku. Naku. I'm totally speechless. "Pwede bang mag-date tayo sa Saturday, Tureen?!" mabilis na sabi ni Jake. Nagulat ako, but at the same time, happy. "Oo naman." And I flashed my sweetest smile. "O sige.. gumagabi na eh, bye na." sabi ko. "Bye." sabi naman nya. Since it's just Thursday and walang pasok tomorrow, naiinip ako. I couldn't actually believe it. And, that was my first kiss too. Jake... is my first love. End of Chapter Sixteen. Chapter 17.1 TUREEN Eto ba? O eto ba? Para namang masyadong plain ang isang ito.. eto naman, napaka-colorful. Hay! Ano bang susuotin ko?! "T-tureeeeennnn.." sabi ni Dixie. Kakagising niya palang kasi ee. "S-sorry! Nagising ba kita?" "Oo.. bakit ba kasi ang aga mong gumising ngayon?" "Basta.. sikreto ko na un." nag-blush ako. Kasi, kung sasabihin ko ito kay Dixie, siguradong kung ano ang sasabihin nun. Hay, kilala niyu naman si Dixie, diba? "Kung ganun.. bahala ka jan. Kung date man yan, bahala ka nang mag-ayos sa sarili mo." Eeek! Oo nga pala noh, hindi ako marunong mag-ayos ng sarili ko. Kapag kasi may ayusan time, lagi akong pumupunta kay Dixie. "Basta.. sasabihin ko sa iyo, pero huwag kang magrereact." "Yup Yup."
  • 26. "Okay.. kasi ganito un.." huminga ako nang malalim. "Kami na ni Jake." at, bigla, napatili siya. "Talaga? Si Jake... ang unang boyfriend ni Tureen Allard?! WOOOOW!" sabi nia. "Hee.." pinilit ko lang ngumiti. Hay. Sabi na nga eh. "Grabe haa.. pero, Tureen, sigurado ka bang mahal ka niya?" tanong ni Dixie nang seryoso. "Oo naman..." "Nag-aalala lang ako sa iyo, Tureen. Kasi naman, baka.. kasi.. diba.." Oo nga pala noh. Minahal ko na si Jake dati. At, akala ko noon.. mahal niya rin ako. Yun pala, dahil lang iyon sa isang bet. "Pero, kung masaya ka Tureen, edi masaya na rin ako." ngiti sa akin ni Dixie. "Dixie.. salamat! Ikaw talaga ang best friend ko!" niyakap ko si Dixie nang mahigpit. "So, kaylan ba ang date niyo ni Jake?" "Haa... b-bukas.." "What time? Saan?" "Eeek! Hindi ko natanong..." Hay naku Tureen, nadala kasi ako sa kiss ehh! "Naku. Hmm, siguro naman he will pick you up, diba?" "Hmm.. Oo nga." ngiti ko lang. "Sige, magluluto na lang ako muna ng breakfast." "Ehh? Marunong ka bang magluto?" "Naman. Haha. Hidden talent ko ata un noh." sabi ko. Hay. Pumunta na si Dixie papuntang kitchen, at ako naman ay naiwan sa kwarto ko. Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. Tapos, biglang nag-ring ang phone ko. --- 'Cause when I'm with him I am thinking of you --- "Hello?" sagot ko. Unregistered number ee. "Hello.. Tureen, si Seth ito." "Ahh.. hi Seth. Bakit ka napatawag?" "Kasi.. ano.. gusto ko sanang invite ka sa isang date bukas.. 4pm. Sa park. Ok? Bye." Binaba niya na ung phone. Meron siguro siyang ginagawa. Teka.. bukas? E diba date din namin ni Jake bukas?! Naku.. bakit ngayon pa?! Pero.. sana naman hindi sila magkasabay ng oras.. kung hindi... hindi ko alam kung sino ang dapat piliin sa kanilang dalawa.
  • 27. End of Chapter 17.1 Chapter 17.2 TUREEN 4pm. 4pm. Masyadong matagal. Inip na inip na ko sa kahihintay. Araw na ng date namin ni Jake. Nakabihis na ko, kahit 3:30 palang. Hay. Masyado ata akong excited ha. "O sige, siguro naman mamaya-maya dadating na iyon.. kaya alis na ko, huh? Good luck na lang sa date nio!" sabi ni Dixie, at lumabas na. Hay. Andito lang ako sa mesa dito sa dining room, malapit sa living room. At, malapit rin sa may pintuan kung saan ka mag-eexit. Lahat malapit, ang hindi lang malapit ay, 4pm. T-tureen...? Wala akong maramdaman. Ano bang nangyayari? Nakahilata lang ako dito at.. at... "T-tureen?" nagising na ako. Ayy, nakatulog pala ako. Kaasar. Nandito na pala... si Jake. 4:05 na pala. Ano ba yan. Kung tutuusin, parang ako yata ang nalate ahh. "S-sorry!" humingi ako ng patawad. Nakakahiya. Nakatitig siya sa akin. "Haha, okay lang iyon. Ang cute mo nga ehh." sabi nia. Sa totoo lang, hindi naman ako ang cute. Siya nga ung cute jan ehh. "Sige.. shall we go?" tanong nia. Inalok niya ang kamay ko patayo. Ang gentleman niya... somehow. :lol: Palabas na kami nang may nag-doorbell. Peroo... sino kaya un? Si... Binuksan ko ang pintuan. Dang, tama ang sagot ko. It's Seth. "S-seth...?" sabi ko. "Seth?" sabi rin ni Jake. "Tureen? Jake?" sabi naman ni Seth. Haha. "Tureen.. anong ginagawa ni Seth dito? May napagusapan ba kayo? Mukha siyang ayos na ayos ee." sabi ni Jake. "Oo.. tinawagan ako ni Seth at niyaya akong lumabas, hindi ako nakatanggi.
  • 28. Tapos.. ngayon.. sabay pa ang date ninyo sa akin." Hay. Nagmumukha akong malandi dito ahh. "Nag-dadate kayong dalawa, Tureen?!" sabay na sabi nila Jake at Seth. Hay. Okay, explaining time. ------------ Makalipas ang dalawang minuto.. natapos na rin ako magdadakdak. At, napa-"ahh." lang silang dalawa. Hay. Pero.. kung sana hindi ako nakatulog habang hinihintay si Jake, hindi sana kami maaabutan ni Seth.. Ngayk! Anu ba yan.. ma-guguilty naman ako pag nagkaganoon. "Edi, mamasyal na lang tayong tatlo!" sabi ni Seth. "Okayy yan!" sabi naman ni Jake. Gusto ko sanang umayaw. Kaso, pareho silang nakangiti sa akin. "Okay..." matamlay kong sabi. Hay, isa ba tong "double date"?! End of Chapter Seventeen. Chapter 18.1 TUREEN "Doon naman tayooo!" sigaw ni Jake. "Okaayyy!" sabi naman ni Seth. At, pareho silang pumunta doon sa ride na iyon. Nakaupo lang ako dito sa may isang bench. Hilong-hilo na ako. Nakakainis naman kasi sila ee, ang saya-saya nila. Tapos ako... nandito lang. Hay. Ganito kasi ang nangyari, nag-decide sila Seth at Jake na pumunta dito sa theme park. Kaso.. para silang childish. Hay. "Sorry ahh... hindi ka ata nag-eenjoy ee.." sabi ni Seth. "Eh? Ano ka ba, syempre nag-eenjoy ako nohhh!" ngiti ko sa kanya. "Talaga...?" "Oo naman!" "Sige, bibili na lang ako ng ice cream, anong gusto mong flavor?" "Hmm.. chocolate na lang." sabi ko. "Okay!" sabi niya at umalis. Hayyy... Tapos biglang, "Hi Tureeennn!" sabi ni Jake. "Eh? Bakit ba?" "Hmm.. hindi ka ata nag-eenjoy ahh..." sabi nia. "Ano ka ba, syempre nag-eenjoy ako."
  • 29. "Weh? Eh hindi nga mapinta yang mukha mo ee." "Jake...." "Ehhh,, sorry, sorry. Bibili na lang ako ng ice cream. Anong gusto mong flavor?" Ano ba yan, ice cream na naman. "Ayoko ng ice cream." sabi ko. "Ano ka ba, alam ko namang favorite mo ang ice cream ee. Vanilla flavor na lang ang bibilhin ko!" sabi nia at umalis. Nakakainis talaga ung lalakeng iyon. "Tureen, eto ang ice cream mo." sabi ni Seth, at umupo sa tabi ko. "Eehh... thank you." ngiti ko. Dumila ako sa ice cream ko, at tapos tumingin ako sa kanya. "Ahh.. Tureen.. kayo na ba talaga ni Jake?" tanong ni Seth. "Oo.." Oo nga pala noh, nag-confess sa akin si Seth. Naman... "Hmm. Kung ganon, basted pala ako." ngiti nia. Grabe... ang cuteeee niiiaaaa! Haha. "Seth.. sorry ahh." "Okay lang yun. At saka.. kung hindi mo naman ako gusto, wala naman akong magagawa doon, diba?" "Eeeh? Hindi naman sa ganun! Gusto rin kita Seth.. bilang kaibigan. Mabait ka.. kung sana nga lang katulad ka ni Jake. Pero.. si Jake kasi ang first love ko eh.. at saka.. mahal ko talaga siya." ngiti ko. "Haha, ang swerte niya." "Hah? Seth naman ee.." nag-blush ako. Nakakahiya. Sa tingin ko, hindi naman swerte si Jake sa akin ee. Ako nga ang swerte sa kanya. "Tureeeennnnn! Eto na ang ice cream moooooo!" "Jake?" pareho naming sabi ni Seth. "Ahhh?" sabi ni Jake. ---------------------------- "Hindi mo naman sinabi sa aking may ice cream ka na pala..." sabi ni Jake. "Hehe, okay lang iyon, mauubos ko naman to ee." Hay, sa totoo lang, hindi kasi ako pinasalita ni Jake ee. "Tutulungan na lang kitang ubusin iyan, Tureen." sabi ni Seth sabay dila sa ice cream ko. "Haaaaahhhh! Indirect kiss iyooooonnnnnn!" sabi ni Jake. "Seth, akala ko ba haa..." "Nagbago na ang isip ko. Gusto ko pa rin si Tureen." ngiti ni Seth. "Seth..." sabi ko. "Tureen, padila rin ng ice cream mooooo!" sabi ni Jake.
  • 30. "Hah? Ano ba yan Jake.." tapos, napansin kong nagsisitinginan sa amin ang mga tao doon. "Hehe.. sige, halina tayo, ibang ride naman." anyaya ko. "Okay mam." sabi nilang dalawa, at sumunod sa akin na parang mga aso. Nakakahiya talaga tong dalawang ito. Pareho sila mag-isip. End of Chapter 18.1 Chapter 18.2 TUREEN "Hay... anong ride ang gusto niyo?" tanong ko. Nagtingin-tingin silang dalawa sa paligid. "Ahaa!" biglang sabi ni Jake. "Ano?!" pareho naming sabi ni Seth. "Ayun ohh..." turo ni Jake. Eeek.. isang... kiddie ride. "Nagbibiro ka ba haa?!" tanong ko. "Jake, alam ko masayang sumakay jan... pero.. kasi, pang-bata lang yan ee." sabi naman ni Seth. "Pero.. bakit ung mga taong iyon, nakasakay din?" tanong nia. "Hay. Iba naman kasi yun ee. Mga parents yun, inaalagan ung mga anak nila na nasa ride." sagot ko. "Nghh.. Edi kunwari, mag-asawa tayo at si Seth ang anak natin." sabi nia. "Heeennngghhh! Jake! Naman!" "Sa roller coaster na lang tayo." suggest ni Seth. "Buti pa nga." sang-ayon ko. Lumakad kami, kaso nag-stop si Jake. "Bakit?" tanong ko. "Gutom na ko, kakain na lang ako.. kayo na lang ni Seth." sabi nia. "O.. sige.." sabi ko. Pumunta kami ni Seth sa pilahan, at nag-wave na lang ako kay Jake. Nag-wave back siya. Tapos, kami na rin ang sasakay. "Nakakapagtaka un si Jake.. mas pipiliin niya pa ang pangbatang ride kaysa dito.." sabi ko. "Oo nga eh. At, mas pipiliin niya pang kumain kaysa makasama sa roller coaster ang girlfriend nia." sabi ni Seth. Napaisip ako. Hindi naman kaya... hindi niya na ko mahal? Nagseselos siya? Ayaw niya kong makasamaaaa? Aaahh! Bakit ba kasi kakaiba ang kilos ngayon ni Jake?!
  • 31. Namannnnnn! Tapos nang ride na iyon, pinili naman namin ung Swing, pero ayaw pa rin ni Jake nun. Sumakay naman kami sa Ranger tapos nun, tumanggi pa rin si Jake. Tapos, wala kaming magawa, nag-Bumper cars na lang kami. Umooo na rin si Jake. Nabuhayan pa. "Ang saya noon! Carousel naman tayooo!" sabi niya. "Mag-isa ka nga. Space Shuttle na lang kaya. Sama ka naman." sabi ko. "Ayoko nga. Nagugutom na ko." "Eee.. lagi ka namang nagugutom eh! At saka, pagabi na.. konting rides na lang ang masasakyan natin.. tapos... ayaw.. mo pa.. makisama.." sabi ko, mediu paiyak na. "Sige na nga.." sabi nia. "Salamat!" sabi ko, at niyakap siya. "O.. okay lang.. haha.." sabi nia. Sumakay na kami. "Ang saya noooooohhhh!" sabi ko. Tahimik lang siya. "Ano ka ba!!!!! Ang saayyyyyyyyaaaaaaa ngaaaaa ohhhhhh!" sabi ko. Tumingin siya sa akin. "Tureenn... ayokooo... naaaahhhhh!" Tapos nung ride na iyon, mukang hinang-hina si Jake. Nagsuka pa nga siya eeh. "Sorry ahh... hindi ko alam na... takot ka pala sa heights.." sabi ko. "Grabe, may kinakatakutan ka rin pala, Jake." tawa ni Seth. "Ehehe.." tawa niya lang din, pero tinititigan nia nang masama si Seth. "Joke lang, haha.." tawa ulit ni Seth. "Hmm... gusto ko pa naman sana sumakay sa Ferris Wheel, kaso.. hay. Uwi na tayo." "Hindi.. okay lang.. kayo na lang ni Seth.. hihintayin ko na lang kayo dito." sabi nia. "Eh? Sure ka?" tanong ko. "Oo nga ee... basta, walang kiss o hug haa... tandaan mo Tureen, ako ang boyfriend mo." sabi nia. "Alam naman namin yun eh." sabi ko sa kanya. "Sige, sumakay na kayo.. gumagabi na ohh." sabi nia lang. "Okay!" Sumakay na kami. Mediu kabado ako.. kasi.. kaming dalawa lang ni Seth ang nandito. "Maganda ang view, noh?" sabi ko lang. Tahimik lang siya. "Tureen.. wala na ba talaga akong pag-asa?" sabi nia.
  • 32. "Huh?" "Mahal mo ba talaga si Jake... wala na ba akong pag-asa sa iyo, Tureen?" "Ehh.. kasi.. ehh.." "Haha. Alam ko na ang sagot mo." "Seth.." "Maswerte si Jake sa iyo, Tureen.." Niyakap niya ako nang mahigpit. "Sethh.." Tapos na pala ang ride namin. At, nakakagulat tong si Jake. Nakasilip sa amin. -------------------------- "Bye bye!" sabi ko na lang kay Seth. Ngumiti siya. Hinatid ako ni Jake sa bahay namin. "Tureen, good night.. I love you..." "Haha.. sige, sige." sabi ko lang. And he kissed me. Ngumiti lang ako sa kanya. Masaya ang araw na ito.. sana, laging ganito na lang. End of Chapter Eighteen. Chapter 19.1 TUREEN Maulan ang umagang iyon. I stood up, then stretched. 1.. 2.. 3.. 1.. 2.. 3.. Tapos nun, pumunta na ako sa bathroom para gawin kung ano ang dapat gawain. Pero nung nag-to-toothbrush na ako, nagulat ako nang biglang pumasok si Dixie sa CR. Mukha siyang masaya. "TUREEEENNNN!" She exclaimed. "Ano? Grabe ha, ang aga-aga pa ang ingay-ingay mo na." "Ano ka ba, huwag ka ngang party pooper! Buti ka nga may isha-share ako sa iyong good news." "Ano nga yun?" "Kasi.. kasi.. may BOYFRIEND NA AKOOO!" "Ah? Anong good news doon?!" "Ano ka baaa! Friend mo ko diba? dapat masaya ka para sa akin.. kasi, hindi totoo yung sinabi nung manghuhulang mukhang witch.. di ako tatandang dalaga!" Naman. Talaga to si Dixie oh. Inaalala pa rin iyon.
  • 33. "Oo na.. sige, labas, labas.." sabi ko at tinulak siya palabas sa CR. Hay. ---------------------------- Ininvite ko si Jake na lumabas ngayon. Nasa sinehan ako ngayon. Tumingin-tingin ako sa mga posters ng mga movies ngayon. Ano kayang paparoonin namin? Horror ba or Romance? Naman. Finally, dumating na rin si Jake at dala niya na ang tickets at popcorn. "Ohh.. sorry ah, mukhang late ako." smile niya. "Ahee.. okay lang iyon." smile back ko naman. Pinili na lang namin ang horror, since mahilig si Jake sa mga ganun. Nasa kalahati na kami, at natatakot na ako. Remember? Ayaw ko sa moomoo! "Relax ka lang.." sabi ni Jake sa akin at hinawakan ang kamay ko. I blushed. "Andito naman ako eh. You and me, together." "Naman, ang corny mo ah." sabi ko sabay subo sa popcorn. "Haha, penge nga nyan." Nung tapos na iyong movie, naglaro kami sa isang arcade. Mediu nakakahiya nga eh, kasi mga bata ang nandoon. Pero, who cares. Haha. Tapos nun, kumain na kami. "Nag-eenjoy ka ba?" tanong nia. "Malamang." "Hmm, di naman mukha eh." "Ano ka ba.. masaya ako kapag kasama kita." smile ko. "Ganun ba.. pero, sana naman.. huwag nang maulit ung dati." bigla siyang naging seryoso. "Sana Tureen.. huwag mo na akong iiwan." "Ano ka ba.. ikaw naman Jake, sana huwag mo na akong lolokohin. Dahil kapag ginawa mo ulit iyon, hinding-hindi na kita babalikan." "Haha.. syempre, maam. Promise iyon." "Pinky promise muna." "Naman.. sige na nga Tureen.. sabi mo eh." "It's better than a promise, it's better than a dare, you made it with your.. ah.. boyfriend, so keep it till the end." we both chanted, pero iniba ko lang nang konti. "Haha, sige, kainan na." sabi nia. "Okay." ---------------- "O sige, andito ka na.." sabi nia. Hinatid niya ako papuntang dorm.
  • 34. "Salamat ha." "Hehe. Good night." "Good Night din." Bumaba ako at pinanood siyang umalis. I just waved at him. Maaga-aga pa, kaya tinawagan ko na lang si Louise. Matagal-tagal na rin kaming hindi nag-uusap eh. "Hello? Ate Tureen? Napatawag.. kaa?" "Haha, oo eh." "Ahh, wala pa dito si Kuya Jake eh.. ahh.. kanina umuwi na siya pero umalis siya kasama si Mama.." "Haha, ikaw ang kakausapin ko Louise. Kamusta ka na?" "Aha.. ahh.. a-ayos lang naman.. ehehe.." "Haha.. ganun ba? Hmm, sige mukhang busy ka eh.. bye---" I trailed off as she spoke. "Ate Tureen, may sasabihin ako sa iyo. Pero.. huwag... mong.. pagsasabi... haa?" "Naman. Ano ba yun?" "May.. ahh.. g-gusto.. ako.. k-kay.. J-J-J-Justinnn.." "Talaga?! Wow haa..! Nakapagconfess ka na ba?" "H-hindi pa.. ehh.. b-bukas.. nga.. d-dapat." "Ganun ba? Sige, haa. Bukas yan. Sasamahan kita." "T-talaga? Salamat kung.. ganoon.." "Hehe. Okay, sige, bye." "Bye." Binaba ko na ang cell phone ko. Pero, biglang nakareceive ako nang message. It's from Jake. Tureen.. I'm breaking up with you. I stared at his message. Tears are starting to form. Why.. why? He's.. suddenly.. breaking up with me? What's wrong? Did I do something bad? And, I thought we made a promise? Me and him, TOGETHER. Chapter 19.1 end. Chapter 19.2
  • 35. TUREEN Kahit wala akong ganang pumasok, pumasok na lang ako dahil gusto kong kausapin si Jake. I'm in the school gate right now, hinihintay siya. But, he's not yet coming. "Tureen, ano ka ba, gusto mo bang ma-late?!" sabi ni Dixie, at hinihila ako papasok ng school. "Dixie... kasi.. ayoko nang pumasok, kaya please.. mauna ka na." "Tureen? Ano bang pignasasabi mo? Bakit? May problema ka ba?" Nagtanong pa si Dixie tapos nun, pero hindi ko naririnig ang sinasabi niya. Ang iniisip ko lang ngayon ay ang text na nanggaling kay Jake kagabi. Bakit... ba? Akala ko hindi na niya ako lolokohin, pero nangyari na naman. Pwede ko pa ba siyang pagkatiwalaan? O kaya naman.. hindi talaga ako bagay sa kanya. "Tureen.. sabihin mo, may kinalaman si Jake dito, diba?" narinig kong tanong ni Dixie. "Dixie.." tinitigan ko lang siya, at hindi ko alam, umiiyak na pala ako. I hugged Dixie. "Dixie... nag... break.... na kami......" isa-isa kong sabi. Halos hindi na ako makapagsalita, gusto ko lang umiyak nang umiyak. I'm facing something that I can't bear. "Tureen, sige.. doon na tayo mag-usap sa dorm." sabi ni Dixie. At pumunta na kami doon, hindi na kami pumasok. "Bakit kayo.. nagbreak?" inumpisahan ni Dixie. I was still crying, pero in-offer ako ni Dixie ng handkerchief. Pinunasan ko ang mukha ko. "Kasi.. nag-date kami kahapon.. tapos, hinatid niya ko papunta dito.. tapos.. kinausap ko si Louise.. tapos nun, nag-text siya sa akin na break na kami." sabi ko. "Tureen.." "Dixie, bakit ba? Bakit?" tinanong ko siya nang malakas. Hindi ko alam kung anong gagawin. Parang ibabaling ko pa kay Dixie ang galit ko. "Tureen... huwag ka nang umiyak.." Dixie said, at niyakap niya ako. I felt like I'm a little girl, crying, and she's my mom.. "Thank you, Dixie." I whispered. ----------------------- Hindi ko napansin na nakatulog pala ako. I looked around at wala si Dixie. And, I saw a little note. Aalis muna ako haa. Pero, babalik rin ako agad. Hehe. -Dixie p.s. kapag nagugutom ka, meron pagkain dyan sa ref. Si Dixie talaga ohh. Biglang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko iyon. Galing kay Louise. "Hello.. ate Tureen! Ahhh.. kasi... emergency ehh... pwede ka bang pumunta dito sa hospital? Sa.. ahh.. doon sa malapit sa park."
  • 36. "Ano? B-bakit?" "Kasi... si... Mama.. inatake sa puso.. k-kagabi.. eh." "Huh? Sige, papunta na ako jaan." sabi ko at binaba ang phone ko. Kinuha ko ang bag ko at hoodie. Tapos, umalis na ako. -------------------------- Pagkadating ko, agad kong tinanong kung saan ang room ni Mrs. Martinez. At, nakarating na rin ako sa room kung nasaan siya. There was Louise, and her mom. And.. there was no sign of Jake anywhere. "Louise.." "Ate Tureen.." sabi ni Louise at lumapit sa akin. Natutulog si Mrs. Martinez. "Anong nangyari?" tanong ko. "Kasi.. inatake si mama kagabi.. kanina ko lang... din nalaman..." sabi ni Louise. "Louise.. huwag kang mag-alala. Alam kong mabubuhay ang mama mo." "M-maraming.. s-salamat... ate Tureen.." ngiti niya, at ngumiti din ako. "Teka, Louise.. asaan si Jake?" "Si kuya..? Andito.. l-lang siya kanina.. ehh.. kasama ni.. ahh.. ate Penelope.." nauutal na sabi ni Louise. Nagulat ako. Si.. P-penny? Naku, kahit pangalan niya ayokong marinig. "Ganun ba.. sige Louise, aalis na ako ah." "Sige.. s-salamat ulit at.. ahh.. yung tungkol.. k-kagabi.. sa.. p-phone.. aah.. sige... bye, Ate Tureen." Natawa ako. "Sorry Louise ah, hindi ka tuloy nakapag-confess kay Justin." Louise blushed. "O-okay.. lang.. y-y-on.." "Ohh sige, promise ko, bukas. Haha, sige, alis na ko ha. Bye." sabi ko lang. Pagkalabas ko, napaisip ako. Kung kasama niya si She Should Not Be Name.. edi.. si Jake.. Di naman kaya pinagpalit ako ni Jake sa babaeng iyon? Pero... Pumunta ako sa CR. Tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin. Naku Tureen, bakit ba kasi ang bofols mo? Naku.. hindi ko na alam ang gagawin ko. Palabas na sana ako ng CR nang may narinig akong pamilyar na boses. A girl voice.. And, it's HER, with HIM. And worst, I saw them hugging.
  • 37. I can't take the pain anymore, kaya lumabas ako. Nasulyapan kong binitawan ni HIM si HER at tumingin sa akin. I don't care. They can make goo-goo eyes with each other all day... basta... I need to get out of here. Tumakbo lang ako.. and sumusunod si HIM. I just ran and ran, basta.. I don't wanna see him again. And the next thing I knew, I was out there, in the road, and HE's behind me.. and there's a truck going towards me. And, it's too late. I really loved Jake.. but, it's just a game between us. End of Chapter Nineteen. Chapter 20.1 JAKE Hindi ko alam kung bakit.. pero.. si Tureen kanina.. parang iniiwasan niya ako. Nasa ospital kami ngayon, naaksidente si Tureen. Kasalanan ko ito eh. Tapos, biglang pumasok si Dixie. Tinawagan ko kasi siya ee. At, tinitigan niya ako nang masama. "Dixie.. kasi.. si Tureen.. anoo.." wala akong maisip kung anong sasabihin. "Jake, pwede bang iwan mo na lang kami dito ni Tureen?" "Pero.. Dixie.." "UMALIS KA NA!" sigaw niya sa akin. Parang galit na galit siya. Lumabas na lang ako. Natutulog pa rin si Tureen. --------------------- Naglakad-lakad ako at nakasalubong ko si Penny. Mukha rin siyang galit katulad ni Dixie. "Penny.." "Jake, sabihin mo nga sa akin, sino ba ang mas mahal mo, ako o si Tureen?!" "Penny.. pero alam mo naman na mahal na mahal ko si Tureen.." "Bakit ba ha? Ano bang nakita mo sa babaeng iyon?!" "Penny.. Sorry.." "Jake! I hate you!" umalis na lang siya nang umiiyak. Wala naman kasi akong magagawa eh, dahil mahal ko talaga si Tureen. She's the only girl here in my heart. Naku, cheesy ah. Nagisip-isip ako at bumalik na lang sa labas ng kwarto ni Tureen. Kakatok na sana ako nang biglang lumabas si Dixie.
  • 38. "Anong.. ginagawa mo dito?" "Dixie.. kasi.. ano.." "Umalis ka na lang Jake!" "Pero Dixie.. gusto ko lang naman sanang makita si Tureen." "Para saan pa? Diba nakipag-break ka na sa kanya?" Nagulat ako. Naki-pagbreak? Pero.. "Anong.. naki.. pag.. break.. ako.. sa.. kanya?" "Ano ka ba naman Jake?! Huwag mong sabihing hindi mo naalala nung tinext mo siya? Huh? Diba sabi mo break na kayo?!" "Pero Dixie.." "Umalis ka na, please! For Tureen's sake!" Sinarhan niya ako nang pinto. Pero.. hindi naman ako nakipag-break kay Tureen ahh? Hindi naman kaya.. may ibang taong nag-text sa kanya? Pero, sino? TUREEN May naririnig akong boses. Binuksan ko ang mga mata ko at may nakitang babae. "Tureen.. bumili pa naman ako ng ticket para sa concert ni Katy Perry.. diba gusto mo ung Thinking of You niya? Kaya please.. gumising ka na.." Teka.. sino ba si Tureen? "Ahhh.." sabi ko. "Tureen? Salamat naman at nagising ka na! Teka lang ha, tatawagin ko ung doktor!" sabi nung babae at lumabas. Kaso, may nakasalubong siyang lalake. Mukhang nag-aaway silang dalawa, at, may naririnig akong mga pangalan. Tureen, Jake at Dixie. Sino ba sila? Pinag-sarhan nung babae ung lalake ng pinto. Bumalik siya sa akin. "Akong bahala sa iyo, Tureen." "Pero.. teka, miss.. kasi.. ano.. sino ba si Tureen?" Mukhang nagulat siya. "Tureen.. huwag ka ngang mag-biro nang ganyan!" "Pero.. sino ka ba? At saka.. bakit ako nandito? Nasaan ba ako?" "Tureen.. naku.. di naman kaya.. wait lang ah, tatawagin ko lang ang doktor." Umalis ung babae. Pinilit kong tumayo, pero hindi ko kaya. Wala akong maalala, ang naalala ko lang ay.. hindi ko alam. May nakita akong salamin at tinitigan ko ang sarili ko doon. Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha ko.
  • 39. Pero, wala pa rin. Ni pangalan ko nga hindi ko maalala ee. Tapos, biglang pumasok ung babae kasama ang doktor. Inexamine ako ng doktor. Nag-aalala ung babae. "Kinalulungkot ko pero.. nagkaroon siya ng traumatic brain injury, kung saan natamaan ang ulo niya sa aksidente. Pero, pwede niya pa ring maalala ang mga bagay na nakalimutan niya, pero paunti-unti. Sa ngayon, kaylangan niya munang magpahinga." sabi nang doktor. "Si Tureen.. nagka-amnesia..?" "Sige, kung kaylangan niyo ng tulong, tawagin niyo na lang ako." At umalis na ang doktor. "Tureen.." sabi nung babae at niyakap ako nang mahigpit. Umiiyak siya. At, napaiyak rin ako. Hindi ko alam kung bakit.. pero, pakiramdam ko kilalang-kilala ko siya. At sa ngayon, dalawang bagay lang ang alam ko tungkol sa akin. Una, nagka-amnesia ako. At ang pangalawa, ang pangalan ko ay Tureen. End of Chapter 20.1 Chapter 20.2 DIXIE It's been a week since that incident happen. Nagka-amnesia si Tureen, kaya wala siyang maalala tungkol sa akin o tungkol kanino man. Nung isang araw na dinalaw siya ng family niya, kahit sino sa kanila hindi niya natatandaan. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. Matutuwa, kasi, atleast hindi na niya naalala si Jake. Hindi na siya masasaktan. Nalulungkot, dahil.. ako, na best friend niya ay nakalimutan niya na. Kahit sarili niya, hindi niya rin alam. Absent muna si Tureen sa school, kaya more effort ako sa pag-aaral ko para kahit papaano i-tutor si Tureen. Araw-araw pagkatapos ng class ako bumibisita sa kanya. At araw-araw ding bumibisita si Jake. Sa totoo lang, hindi naman sana ako magagalit kay Jake.. pero, sinaktan niya kasi si Tureen ee. Hay, kalimutan ko na nga iyon. Nagkukuwento ako lagi kay Tureen tungkol sa buhay niya, pero di ko sinasabi ung tungkol kay Jake o kay Penelope. At, masasaya lang ung kinukwento ko. Sabi daw kasi ng doktor, baka sumakit ang ulo ni Tureen kung iaalala niya pa ung mga ayaw niya alalahanin. Double Hay. Tapos na rin ang class, at bumili ako ng mga pagkain para kay Tureen. Habang
  • 40. bumibili ako, nakasalubong ko si Jericho. (Si Jericho ang new BF ko, mga readers! ^w^) Kaso, nagulat akong may kasama siyang babae. "Babe.. sino ba yang girl na yan?" tanong nung babaeng malandi. Nakaholding- hands pa nga sila ee. "Hindi ko nga alam ee.. baka nga stalker." sabi naman ni Jericho. Galit na galit ako. Nakakainis kaya. I-deny ba naman ang beauty ko?! "Kapal mo!" sinampal ko si Jericho. Tapos, gulat na gulat ung babae. "Violente!" sigaw niya. "Bakit, gusto mo ikaw na ang sunoddd?" I said in a very intimidating voice. Kinaladkad niya ung BF niyang magaling paalis. Hay. May bago na naman akong ex. Baka nga tama ung manghuhulang witch. Teka.. speaking of the witch, baka pwede ko namang tanungin ung manghuhula tungkol kay Tureen. Pinuntahan ko ung manghuhula at pinapaupo niya ako sa upuan. Sinimulan niya na ung "ABARUMBARUM" ritual niya, grabe, katakot talaga. At, dumilat siya. Laki ng mata, natakot tuloy ako. "Kung ganun.. ung kaibigan mo.. nangyari na ang sinasabi ko sa kanya." sabi niya. "Huh? Anu po?" "Diba nakalimutan ng kaibigan mo ang lahat ng tungkol sa kanya?" "Whoa, ang galing niyo naman. Nahulaan niyu yun." biro ko. "Pero.. babalik ang memorya niya sa pamamagitan ng isang tao." "Sino?" tanong ko. "Isang mahalagang tao sa kanya.. napakalapit sa puso niya. Dahilan kung bakit siya sumasaya, at dahilan rin naman kapag nasasaktan siya. Ang taong iyon ay ang pinakamamahal ng kaibigan mo." "Teka, eh sino nga ho ba?" "Hindi ko alam, pero.. alam kong alam mo kung sino." Teka.. hindi naman kaya si Jake yung taong iyon? Pero.. "O.. sige ho lola.. ay este madam.. sige ho.. alis na ko." "Sige." Ayokong maalala ni Tureen pa si Jake. Ayokong masaktan pa si Tureen. Pero.. kung hindi ko mababalik ang memorya ni Tureen.. kaylangan kong gumawa ng mga bagong alaala para sa kanya. End of Chapter Twenty. Chapter 20.2 TUREEN
  • 41. "Okay na siya.. pwede na siyang makalabas ng hospital. Ilibot mo siya sa mga lugar na napuntahan niya na, dahil baka makatulong iyon sa kanya." sabi ng doktor kay Dixie. "Salamat po." sabi ni Dixie at lumabas na ung doktor. Ngumiti sa akin si Dixie at tumingin sa relo niya. "Maaga-aga pa naman. Halika na." Tumungo lang ako, kahit hindi ko naman kung saan kami pupunta. ------ Tinulungan ako ni Dixie na bumaba sa kotse. Tapos, tinulungan niya rin akong umupo sa wheelchair. Naka-wheelchair pa ako ngayon, at naka-bandage pa ang mga paa ko. Pero sabi naman daw ng doktor, pwede na daw tanggalin iyon pagkatapos ng isang week. "Andito na tayo. Kaso.. uwian na kasi ee.." "Uwian?" sabi ko. "Haha. Nasa school tayo ngayon, Tureen. School natin." "School.." tinitigan ko ung school. Malaki, pang-college students talaga. Pero, wala ng mga estudyante. "So.. halika na.." sabi ni Dixie at hinila niya ang aking wheelchair. Pumasok na kami sa loob. Una naming pinuntahan ung mga classrooms. Nagkuwento siya tungkol sa mga nagiging kaklase ko, mga kaibigan ko at tungkol sa pag-aaral ko. Sabi ni Dixie hindi daw ako ganun katalino. "Pumunta naman tayo sa cafeteria." sabi ni Dixie. "Sige." ngiti ko. Malaki ung cafeteria, at maraming tables. Malawak talaga, parang pang-gym na. "Lagi tayong kumakain na magkasama dito... nagkukuwentuhan tayo dito, nagtatawanan." "Talaga? Wow.. parang masaya yun ah." "Haha. Sige, punta naman tayo sa gym." Tapos nun, marami pa kaming pinuntahan. Sa Home Economics room, Science Lab, Music room, Arts room, at nasa Rooftop na kami ngayon. "Ang lakas ng hangin noh.." sabi ni Dixie. Hinangin ang buhok ko. Hinawakan ko iyon at ngumiti. "Oo nga. Ang sarap sa pakiramdam." "Haha. Pagkatapos pumunta na tayo sa room natin. Dormitory school kasi ito.. kaya ung mga estudyante nasa kanya-kanyang rooms na. Magka-roommate tayu, Tureen." "Teka Dixie.." "Bakit?" "Pwede bang.. pumunta tayo sa library?" "Ha? Bakit?"
  • 42. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta, pakiramdam ko na kaylangan kong pumunta doon. Para bang may nangyari sa akin dati sa isang library.. "Ahh.. kasi.. ano.. gusto ko lang magbasa ng libro." sabi ko. Hay. "Ohh.. sige." Pumunta na kami sa library. "Teka lang Tureen ha.. dito ka muna. Pupunta lang ako ng CR." "Okay." Lumabas na si Dixie at naiwan akong mag-isa. Hinila ko ang sarili ko at tinignan ung mga libro. Maraming klase nga ee.. at may nakita akong libro na gusto kong basahin. Kaso, mediu may kataasan. Siguro naman kung tatayo ako okay lang.. Pinilit kong tumayo. Kahit mediu masakit. Maaabot ko na.. malapit na. Ayan! Naabot ko na! Kaso, mahuhulog ako. Pumikit ako at nagulat ako na parang may mga kamay na sumalo sa akin. Pamilyar iyon. Siguro si Dixie. "Okay ka lang ba, Tureen?" tanong niya. Parang pamilyar ang boses.. lalaki ito. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko yung lalaking nasa hospital na nakaaway ni Dixie. "Ahh.. oo..." sabi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, parang matutunaw ako. Ibaba niya na ako kaso nagsalita ako. "Doon.. sa.. wheelchair." turo ko sa wheelchair. Binuhat niya ako at nilagay ako sa wheelchair. "S-salamat.." sabi ko. Nahihiya ako. "Anong ginagawa mo dito? Ano yang hawak mo?" "Ahh.. kasi ano..." biglang pumasok si Dixie. Tumitig siya nang masama sa lalaki. "Anong ginagawa mo dito?!" tanong niya. Mukhang galit na galit si Dixie. Lumapit siya sa akin at nilayo ako doon sa lalaki. "Halika na Tureen." "Ahh.. oo.." "Teka lang Dixie!" sabi nung lalaki, kaso hindi siya pinansin ni Dixie. Umalis na kami doon, pumunta sa room namin, at tinulungan niya akong humiga sa kama ko. "Magpahinga ka muna." sabi ni Dixie sa akin. "Okay." Umalis siya, at nakatitig lang ako sa bubong. Nung pinikit ko ung mga mata ko, namula ako nang naisip ko ung lalaki. Ni hindi ko nga siya kilala. Pero, kilala niya ako. Sino ba siya?
  • 43. Why I am thinking of him? End of Chapter 21.1 Chapter 21.2 JAKE Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko na hindi na ako kakilala ni Tureen ngayon. Nung magkita kami kahapon, sa library.. para bang.. may mali sa kanya. Parang hindi na niya ako maalala. Malakas ang ulan ngayon, pero nandito ako sa park. Basang-basa na ako, pero wala akong pakialam. Hihintayin ko si Dixie. Pumayag si Dixie nang sinabi ko sa kanya kagabi kung pwede kaming mag-usap. At hindi nagtagal, nakarating na rin siya. "Bakit wala kang payong?" tanong niya sa akin. Lumapit siya sa akin at nag-share ng payong. "Dixie.. ano bang nangyari kay... Tureen?" "Kay Tureen? Bakit mo ba tinatanong?" "Dahil... dahill.. mahal ko siya." "Jake.." tumitig sa akin nang malalim si Dixie. "Hindi ko alam pero.. alam ko na si Tureen lang talaga ang mahal ko." "Naiitindihan na kita. Pero Jake.. kasi.." Nakita ko ang pagkalungkot sa kanyang mga mata. "Ano ba talaga ang nagyari?" tanong ko. "Jake.. si Tureen.." Nakatitig lang ako sa kanya. "Nagka-amnesia siya, Jake." napaiyak na si Dixie. Kahit ako.. kasalanan ko ang lahat na ito. PENELOPE Lagi na lang si Tureen. Hindi ko alam kung ano bang meron sa babaeng iyon. Mas maganda ako.. mas mayaman, lahat meron ako. Pero siya? Wala. Sabado ngayon.. tapos na ang klase. 5 in the afternoon na. Naglakad-lakad ako sa may campus. Ang boring naman kasi ee. I stare out of the window at ang lakas ng ulan. Naalala ko nung.. Ayy, ano ba itong iniisip ko? Pumasok ako sa library. Walang masyadong tao, pero may nakita akong isang babaeng nagbabasa na nakaupo sa wheelchair.
  • 44. As I get closer, I realize.. it was Tureen. "Aah.." napaurong ako. Tinignan niya ako, at ngumiti. Aba, ngumiti pa. Hinahamon yata ako nang babaeng ito ahh. "Haha. Buti nga sa iyo, naaksidente ka. Ngayon alam mo nang hindi ka mahal ni Jake?" "Huh?" Kaasar talaga toh. Kung umasta daig pa ang may amnesia. "Ano ka ba Tureen? Mag-react ka naman! Umiyak ka! Magalit..." hindi ko alam pero parang umiiyak na ako. Ano bang nangyayari sa akin...? There's a part of me sinked in sorrow. "Miss.. sino ka ba?" tanong niya nang mahinhin. Napatitig ako sa kanya. I examined her. Bandage sa ulo, bandage sa mga legs, naka-wheelchair tapos acts weird. Teka.. hindi naman kaya may amnesia talaga siya? Pero.. car accident lang yun! Simple lang! "Huh? Miss.. eto oohh.." nag-offer siya nang handkerchief. And I reminisced the past. That time. When I first met and befriend with Tureen. Flashback-- I was crying that time. Kasi naman, pinahiya ako ng teacher ko nung nag-iintro kami dahil first day of classes. Nandito ako sa girl's washroom. I'm a freshmen now, high school. Pinunasan ko ung luha ko nang may pumasok. Kung hindi ako nagkakamali, kaklase ko siya. Siya ata ung.. Tureen? Nakalimutan ko na. "Okay ka lang ba?" tanong niya. "Bakit.. naman?" "Mukha kasing umiiyak ee." sabi niya at naghugas ng mukha. Hindi siya maganda, pero hindi rin siya panget. Pero.. sa tingin ko, may pagka-cute din siya. "Ganun ba? Kasi naman.." Ngumiti siya sa akin at in-offer ung handkerchief niya. "Pero.. pupunasan mo pa ang mukha mo diba?" tanong ko. "Oo nga.. kaso, mas kaylangan mo yan." ngiti niya. "Salamat..." At simula nun, doon na nga nag-umpisa ang pagkakaibigan namin. Pero, hindi ko naman talaga siya tinuring na isang kaibigan ee. NOW "Salamat." sabi ko lang at kinuha ang handkerchief niya. "Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya.
  • 45. "Ako.. si Penelope." "Ganun ba? Ako naman si Tureen. Simula ngayon, magkaibigan na tayo ha?" ngiti niya sa akin. Napatigil ako. Ganun na ganun ang ngiti niya noon. "Oo." ngiti ko rin. Pero, totoong ngiti na ito ngayon. Hindi gaya ng dati. Ngayon alam ko na.. na hindi talaga ako pwede kay Jake. Dahil ang babaeng katulad ni Tureen.. ang nababagay sa kanya. JAKE Ilang linggo na rin ang nakalipas. Pinapayagan na ako ni Dixie na bisitahin si Tureen. Pero ganun pa rin. Walang pagbabago. Patapos na ang sem.. mag-papasko na. Sana naman.. bumalik ka na, Tureen. Nung isang araw na nagkukuwentuhan kami ni Tureen, nabanggit nia na nakilala niya si Nel. Nag-alala ako na kung ano ang ginawa niya kay Tureen. Kaya pinuntahan ko siya. "Nel, anong ginawa mo kay Tureen?" "Jake..?" "Nel!" Napatitig si Penelope sa akin. Malungkot siya. At, umiiyak na rin siya. "Jake.. patawad.. at saka.. sorry din kay Tureen.." "Nel.." "Jake.. alam kong mahal na mahal mo si Tureen." "Nel.." "Salamat Jake." "Salamat din Penelope." Umalis na ako at bumalik kay Tureen. Sabi niya walang ginawang masama si Nel sa kanya. Umiyak lang ito sa harapan niya. "Jake.. tignan mo ohh.. ang ganda ng langit.. ang daming ibon." "Tureen.." Ngumiti ako sa kanya. Kung sana nga lang parang ibon lang si Tureen.
  • 46. Malaya, masaya. Hindi na siya sana nagkaganito. Kung sana naalala niya pa ang lahat.. alam kong mapapatawad niya ako. At, magiging masaya kami. End of Chapter Twenty-one. Chapter 22 - I'm always Thinking of You! TUREEN "Tureen.." sabi ni Mama at niyakap ako nang mahigpit. Umiiyak siya. Parang gusto ko tului ding... umiyak. "Ma.." sabi ko lang at tinapik-tapik siya sa likuran. "Tureen, pupunta tayong US. Baka doon ka pa bumuti.." "Ma.. okay lang naman ako ee." sabi ko sa kanya at ngumiti. Humarap siya sa akin. "Anong okay?!" madiin niyang sabi. Si Mama.. nag-aalala talaga siya sa akin.. "Okay na nga ako.. nakakatayo na nga ako at nakakalakad.. mediu may nalalaman na rin ako tungkol sa ---" Napahinto ako nang umiyak pa lalo si Mama. Iyak lang siya nang iyak. "Ma.." Mahal na mahal nga ko ni Mama. Siguro para naman din ito sa ikakabuti ko. "Pumapayag na po ako." sabi ko at ngumiti. Ngumiti din si Mama at niyakap ako. Yes, for my sake. LOUISE Matatapos na ang sem.. magpapasko na. Ang sabi daw ni Kuya Jake, umaayos na ang lagay ni Ate Tureen. Pero.. nung sabi ni Ate Tureen na sasamahan niya akong magtapat kay Justin.. Hindi natupad. Parang pakiramdam ko, hindi talaga ako dapat magtapat kay Justin. Hindi ko man aminin, pero alam ko namang may gusto si Justin kay Ate Tureen ee. Pero, hindi naman ako naiingit. Kasi.. mabuting tao si Ate Tureen. "Louise, mamaya na yung speech mo para sa Christmas party. You'll be representing 1st year college students. Galingan mo ha." sabi ni Ms. Hernandez. I nodded and smiled shyly. Hindi ko kaya ito.. nahihiya ako. Maraming tao.. at.. ako... nasa harapan nila? Si Justin..
  • 47. Ha. Siguro nga wala akong pag-asa sa kanya. Pero, kahit ganun, kaylangan kong magtapat sa kanya. Kahit anong mangyari. Gusto kong lumaban, gaya ni Ate Tureen. JUSTIN Naghahanda na ang lahat para sa Christmas Party. Magaganap iyon sa school gym, 4 ng hapon. Sayang, wala si Tureen dito. Nung nabalitaan kong naaksidente si Tureen at nagka-amnesia, malungkot na malungkot ako nun. Para ngang wala na akon pakialam. Kasi naman.. ang babaeng gusto ko, nasaktan. At ako, wala man lang ginawa. Sabi ni Dixie okay naman daw si Tureen. Nung isang beses na binisita ko siya, ngumiti siya sa akin at nagpakilala. Buti nga napigilan ko ang pagtulo ng pag-iyak ko nun ee. Ayokong mag-mukhang duwag. Ayoko. Ayokong ayoko. SETH "Okay lang siya.. oo.." sabi ni Dixie. Nasa resto kmi ngayon, nag-uusap tungkol kay Tureen. "Ganun ba.." sabi ko at yumuko. "Pero huwag kang mag-alala! Sigurado naman akong maalala ka rin niya ee." "Haha. Oo nga." sabi ko at pinilit na tumawa. Ngumiti si Dixie sa akin. "Si Tureen.. sa tingin mo ba maswerte siya kay Jake? Kasi mahal na mahal siya ni Jake. Kahit hindi ko agad in-aacept un." "Sa tingin ko.. ang maswerte ay si Jake." sabi ko at ngumiti sa kanya. "Huh?" "Kasi.. alam kong laging iniisip ni Tureen si Jake. Masarap pag ganun diba?" Tinitigan ako ni Dixie. "Seth.. may gusto ka pa ba kay Tureen?" Napatawa ako. "Oo." "Haa.. ganun ba.. kung sabagay, kung lalaki ako, magugustuhan ko rin si Tureen." "Haha. Pero.. paano pag sinabi kong may gusto na ako sa iyo?" tanong ko sa kanya.
  • 48. Namula siya. "Baliw." Tumawa kaming dalawa. Oo nga, si Tureen.. kakaiba talaga siya sa lahat. DIXIE 3:30 na nga hapon nang umuwi ako sa dorm. Naabutan ko ang mama ni Tureen at nag- iimpake sila ng mga gamit ni Tureen. Teka.. ano bang nangyayari dito? "Bakit.. kayo nag-iimpake?" tanong ko. Tumayo si Tureen at niyakap ako nang mahigpit. "Dixie.. pupunta na ako ng states ee." "Pero.. bakit?" "Para iyon sa ikakabuti ko." "Pero.. paano na ako?" "I-se-send kita ng mail." "Marunong ka ba?" tanong ko sa kanya. "Ano ka ba.. hindi ko naman nakalimutan pati un no." "Tureen.." "Pero promise Dixie, uuwi din ako at kapag ikakasal ako, ikaw ang magiging bridesmaid ko." "Huh? Bakit malapit ka na bang ikasal?" "Hindi pa noh. Tapos ng pag-aaral." "Ganun ba.. pero Tureen, sasabihin ko ba ito sa iba?" "Oo naman.. pero, huwag mo sanang sasabihin kay Jake." Napahinto ako at bumitaw sa kanya. Umiiyak siya, pero ngumingiti. "Tureen.." "Dixie.. pakiramdam ko.. masasaktan lang ako kung iiwan ko si Jake." "Tureen.. may.. gusto ka ba kay Jake?" "Hindi ko alam." "Kung ganun.. lagi mo bang siyang iniisip?" "Oo.." "Edi mahal mo siya." ngumiti ako sa kanya. She cried and hugged me. "Dixie.."
  • 49. "Kaylan ang alis mo?" "Ngayon na." sabi niya. "As in.. ngayon na?" "Oo.. eehh.." "Ganun ba." Binitawan niya na ako at binuhat ang mga gamit niya at umalis na sila ng mama niya. "Bye." sabi niya. "Bye." At doon, naiwan akong mag-isa. Kinuha ko ang phone ko, dinial ang number ni Jake. Sorry Tureen pero.. kaylangan tong malaman ni Jake. LOUISE 3: 59. Malapit na. "Ngayon, si Louise Martinez ng 1st year ay magbibigay sa atin ng speech...." Eto na. Huminga ako nang malalim, kaya ko ito. At, nandito na ako sa stage, sa harapan ng maraming tao. At nakita ko si Justin, kumakaway sa akin. Kaya ko to. "Good afternoon schoolmates, good afternoon professors.. good afternoon headmaster.. I'm Louise Martinez of 1st year batch 2009-2010. First of all, congratulations to bathc 2009-2010. A sem just ended, and that means..." Nagutuloy-tuloy ako. Hindi na ako nauutal. "So, let's make more memories!" I ended the speech. Everyone applauded. "Wow.. may gusto ka bang sabihin Miss Martinez?" sabi ng emcee. "Meron po." Ito na.. "Justin, gustong-gusto kita." Nagawa ko na.. naging palaban na ako... hindi na ako ang mahiyaing Louise. Nagulat ata si Justin at ngumiti. Pinapunta siya sa stage. "Huyyyyy!" sabi nang lahat. "May masasabi ka ba sa confession ni Miss Martinez, huh?" sabi nung emcee kay Justin. "Louise.. hindi ko alam na.." "Okay lang kung i-rereject mo ako." sabi ko sa kanya. "Hindi.. dahil gusto rin kita Louise." Nagulat ako. Gulat na gulat..
  • 50. "At, hindi ka na mahiyain Louise. Maganda nga ung speech mo kanina ee.." sabi niya. "Salamat Justin." "Salamat.." That time, masayang-masaya ako. Kahit hindi naman as in nandito si Ate Tureen, naging palaban naman ako katulad niya. Salamat. PENELOPE Lahat ay nagkakasiyahan dito sa school gym. Christmas party ee. Lumabas ako para makahigop ng fresh air. At, nasulyapan ko si Jake. Mukha siyang alalang-alala. Nilapitan ko siya at malungkot pala siya. "Anong nangyari...?" tanong ko. "Nel.. kasi, si Tureen.. aalis na siya ng Pilipinas." Nagulat ako. Si Tureen? "Pero.." "Wala na akong pag-asa.. siguro nga dapat ko nang tigilan si Tureen.." sinampal ko siya. At, umiiyak na pala ako. "Jake.. you're pathetic." "Nel.." "Aalis si Tureen, Jake! Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na siya!" "Pero.." "Wala nang pero pero! Kung mahal mo talaga siya.. at you're always thinking of her... then, sundan mo siya. Ipaalala mo sa kanya ang lahat nung mga bagay tungkol sa kanya. Tungkol sa inyo." "Nel.." "Bilis na Jake. Baka lumipad na ang airplane." tawa ko. "Salamat." Tumakbo siya.. at ako naman, ginamit ko lang ang handkerchief ni Tureen para punasan ang mga mata ko. Kaya mo yan, Jake. JAKE Tumakbo ako papunta doon sa airport kung saan si Tureen. Kaylangan kong makapunta doon sa oras.
  • 51. Tumawag ako ng taxi at binayaran ko ung manong. "Sa airport po." sabi ko at inabot ang pera ko. "Sige po." Papunta na ako dyan, Tureen. TUREEN "Halika na Tureen. Aalis na tayo in 5 minutes." sabi ni Mama. "Opo." Hinila ko ang maleta ko at umupo sa may bench. "Ma, pupunta lang ako nang CR ah." "Sige, basta bilisan mo." Pumunta ako ng CR at kinuha ang cell phone ko. Parang may naalala ako.. parang nangyari na itoo.. Ehh, sumasakit ang ulo ko. Lalabas na ako nang may nakabunggo ako. "Sorry.." sabi ko at nahulog ang phone ko. Pinulot ito nung taong nakabunggo ko. "Ito miss ohh---" Nagulat ako nang nakita ko siya. Si Jake. "Jake..." "Tureen..?" "Pero.. aalis na ako Jake.." sabi ko. "Tureen.. hindi mo na ba naalala? Ako? Yung masasayang araw natin.." "Hindi." umiiyak na ako. "Pero.." Aalis na sana ako nang hinawakan ni Jake ang kamay ko. "Huwag Jake.." Niyakap niya ako nang mahigpit. "Mahal na mahal kita Tureen.. I'm always thinking of you." at, he kissed me. That's when biglang naalala ko na ang lahat. Everything. Everything about him, and us. "Jake.." "Mahal kita Tureen, ikaw lang." "Mahal din kita.. Jake.." and I hugged him tight. -------------------------------------------------------------------------------- ------------
  • 52. "Ready na ba kayo?" sabi ni Dixie. "Oo naman!" sabi ni Justin. "Okay.. 1.. 2.. 3..." pumunta si Dixie sa tabi ko at nagpose. SNAP! "Congrats sa kasal niyo!" sabi ni Penny. "Salamat.. sa inyong lahat!" Sumakay kami ni Jake sa kotse, and we bid them goodbye. Thanks for the memories, everyone. Ano na nga ba ang nangyari simula nung bumalik ang alaala ko? Hindi na kami natuloy sa States. Tinapos ko ang pag-aaral ko dito. Sa Pinas. Naging si Justin at Louise. Si Louise, isa nang scientist. Hindi na siya mahiyain. Balita ko nga nag-confess siya kay Justin sa harap nang maraming tao! Si Justin? Naku, energetic pa rin. Isa na siyang famous basketball player. May gusto rin pala siya kay Louise eeh! Ehh si Dixie? Mali nga ang manghuhula, dahil engaged na siya kay Seth ngayon. Medyo imposible nga ee. Haha. Si Penelope naman.. naging BFF ko na rin siya. Ang plano ko nga ay magiging ninang siya kapag nagka-anak na ako. At.. si Jake.. oo, nagpakasal na kami. Ngayon, alam ko nang wala ng makakapag-hiwalay sa amin. Oo nga pala, okay na rin ang Mama ni Jake. Ako naman.. masayang-masaya. Dahil alam ko, na hindi lang pala ako ang laging nag-iisip kay Jake.. He's also thinking of me. FIN. <PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>4######################################################## ###</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>