1. “Hahaha! Nakakatawa talaga ang mukha ni Luzviminda. Parang kabayong walang buntot!”
“Uy, huwag ka namang ganyan, El Fred. Masasaktan ‘yun kapag narinig ka nya,” paalala ng kaibigan
kong si Kano.
“Eh sa totoo naman ah! Kaya nga ang pangit-pangit ng Luzvimindang ‘yan!”
“Naku, patay! Narinig ka nya, pare! Andyan sya sa likod natin.
Tumingin ako sa likod at nakita kong matalim ang tingin sa akin ni Luzviminda.
“Hi Luzviminda! Kanina ka pa ba nandyan?”
“Oo, kanina pa at dinig na dinig ko ang lahat ng pangungutya mo. Ang sama-sama talaga ng ugali mo.
Wala naman akong ginagawang masama sa’yo ah!”
“Ah, hindi. Joke lang naman ‘yun eh. Di ba, pare?
“O-oo, Luzviminda. Joke lang yun.”
“Hinding-hindi ko na mapapalampas ito, El Fred. Matitikman mo ngayon ang bagsik ko. Lintik lang ang
walang ganti!”
“Ikaw naman Luzviminda. Hindi ka na mabiro.”
Pagkasabi ko nun tinalikuran na lang nya kami ni Kano.
“Pare, nakakatakot sya. Para syang mamamatay ng tao.”
“Oo nga eh. Pero kahit anung sabihin nya, pangit pa rin sya! Hahaha!”
Lagi na lang ganoon. Madalas naming pinagtitripan si Luzviminda.
Bago magtungo sa klase, dumaan muna ako sa CR. Nanghugas ako at nanghilamos para syempre,
gumwapo. Pero nagulantang ako sa aking nakita. Ang aking mga tenga ay katulad ng sa dwende.
Kumakapal din ang balahibo ko sa katawan. At ano ito? Ahh… ayayay! Aaaaah! Buntot? Mayroon
akong buntot! Tulong! Tulungan nyo ako!
Mas lalo akong nagulat nang Makita ko ang imahe ni Luzviminda sa salamin at humahalakhak. Itim na
itim ang mga labi nya. Ang damit nya ang purong itim at ang kanyang mga buhok ay nagsisitaasan.
“Luzviminda, anong ibig sabihin nito?”
“Hahaha! Natikman mo na ngayon ang bagsik ng aking paghihiganti. Mananatili kang ganyan, El Fred –
habang buhay!”
2. “Huwag Luzviminda, maawa ka. Hindi na ako uulit. Sorry na. Ibalik mo na ako sa dati. Pangako, hindi
na kita aasarin.”
“Napakama mo. Dapat sa’yo ay turuan ng leksyon. Pinagbigyan na kita noon, El Fred, pero naubos na
ang pasensya ko.”
“Sorry na, Luzviminda. Itigil mo na ako. Please…”
“Hahaha! Me—me-me-me-me! Hahaha!”
“Aaaah. Please, maawa ka.”
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta’t ang gusto ko lang makaalis sa lugar na iyon. Tumakbo ako
palabas. Tumakbo ng tumakbo, hanggang makarating ako sa rooftop. Hanggang ditto ay naririnig ko
pa rin ang tinig ni Luzviminda. “Binging-bingi na ako. Tama na!” Tumakbo ako ulit at habang palayo sa
tinig ay nakadulas ako at nahulog sa building... “aaaah! Tulooooooooooooooooooooooooong!”
Boom!
“Hoy Pare! Anong nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ni Kano.
“Tenga, ok pa. Buntot, salamat wala na. Ang katawang ko. Ok lang ba ako?”
“Mukhang ok ka naman, pare. Binangungot ka ba? Tinatawag mo kasi ang pangalan ni Luzviminda.
May gusto ka yata sa kanya eh!” pangungutya ni Kano.
“Ha? Ah eh, wala yun.”
“Hayun na siya oh.”
Nang makita ko si Luzviminda, napansin kong may kakaiba sakanya. Malayo siya sa Luzvimindang
mukhang mangkukulam sa panaginip ko kanina.
“Luzviminda, ahm, ano nga pala… pasensya ka na sa mga pang-aasar ko sa’yo. Hindi na talaga ako
uulit,” paghingi ko ng paumanhin.
“Mabuti na man at nahimasmasan ka na, El Fred.”
Pagkasabi nun ay ngumiti siya. Noon ko lang din napansin na may angking siyang kagandahan.
Mabuti na nga lang at panaginip lang ang lahat ng iyon. Kasi sayang lang ang kagwapuhan ko pag
nangyari ‘yun.
Kahit anuman ang mukha ng iba, pare-pareho pa rin tayong may mga damdamin na nasasaktan.
Dapat na lang nating igalang ang isa’t-isa para maging mas maging masaya tayo at magkaroon ng
pagkakaisa.