SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
ANG ASYA SA PANGKALAHATAN
Isa sa mga kontinente ng daigdid ang Asya.Nagmula ang pangalang Asya sa wikang
Akkadian na asu na nangangahulugang “pagsikat”.
Maraming natatanging katangian ang Asya.Naririto ang ilan:
Pinakamalaking kontinente sa daigdig kung kabuuang teritoryo at populasyon ang paguusapan.
Pinagmulan ng mga pangunahing relihiyon tulad ng
Kristiyanismo,Islam,HINDUISM,Buddhism,
Confucianism,at Shintoism
Pinagmulan ng tatlo sa mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig:MESOPOTAMIA,HUANG HE,AT INDUS.
SUKAT AT LAWAK
Kung sukat at lawak ang pag-uusapan, ang Asya ang pinakamalaki sa lahat ng kontinente
sa daigdig.Ang Asya ay tinatayang may 44,579,000 kilometro kuwadrado.
HANGGANAN NG ASYA
Maraming anyong-lupa at tubig ang nagsisilbing hangganan ng Asya sa iba pang
kontinente.Ang hangganan ng asya sa hilagang bahagi ay ang ARCTIC OCEAN kasama na
ang mga dagat ng BARENTS,KARA,LAPTEV,at EAST SIBERIAN.Pinaghihiwalay ng BERING
STRAIT ang Asya,STATE of ALASKA,USA sa North America.Nasa Silangan ng Asya ang
PACIFIC OCEAN.Ang TIMOR SEA na nasa timog ng Indonesia ang naghihiwalay s Asya at
Australia.Ang malaking Karagatang Indian sa ang hangganan ng kontinente sa
Timog.Pinaghihiwalay ng Red Sea at Isthmus of Suez ang Asya at Africa.Ang mga hangganan
ng Asya sa kanlurang bahagi nito ay ang Mediterranean Sea,Aegean Sea,Black Sea,at
Caspian Sea.Pinaghihiwalay ng Caucasus at Ural angbAsya at Europe.
ANYONG LUPA AT TUBIG
Matatagpuan sa Asya ang lahat ng uri ng anyong-lupa at tubig ng mundo.Naririto sa
Asya ang mga nagtataasang kabundukan at mga mabababang lugar sa mundo.Mga
naglalakihang lawa,look,dagat,at mga karagatan ay makikita sa kontinente Asya.
 Tatak asya:
Matatagpuan ang Mt.Everest sa silangang bahagi ng Himalaya.Nasa pagitan ito ng
Nepal at Tibet sa China.May taas na 29,028 na talampakan,pinakamataas na tuktok
sa mundo.Matatagpuan din sa Asya ang pinakamalaking lawa sa buong daigdig.Ang
Caspian Sea ay may lawak na 349,299 square kilometer.
REHIYON NG MGA BANSANG ASYANO
Dahil sa lubhang malawak ang kalupaan ng Asya,hinati ito ng mga heograpo sa limang rehiyon.
PAGHAHATING HEOGRAPIKO:TIMOG SILANGANG ASYA
Sa rehiyong ito matatagpuan ang 11 bansa kabilang na ang Pilipinas.May klimang tropical ang
Timog Silangang Asya dahil malapit ito sa equator. May kabuuang sukat ito na 4,510,000
sq.km.
SILANGANG ASYA
Binubuo ang Silangang Asya ng anim na bansa kabilang ang China na pinakamalaki nsa buong
kontinente at ang Japan na pinakamaunlad sa buong Asya.ang Silangang Asya ay may
kabuuang sukat na 11,749,795 sq.km.
TIMOG ASYA
May pitong bansa ang sumasakop sa rehiyong ito na may kabuuang sukat na 4,489,240
sq.km.Pinaniniwalaan na ang India ay isang masa ng lupa na nakahiwalay sa Kalakhang
Asya.Dahil sa patuloy na paggalaw ng mga lupain,unti-unting dumikit ang India sa Asya
hanggang tuluyang bumangga sa kontinente.Dahil ditto,tinagurian ang India bilang
subcontinent ng Asya.
HILAGANG ASYA(Gitnang Asya)
Ang rehiyon ay may sukat na 4,180,500 sq.km.Ang walong bansa na matatagpuan ditto ay
dating kabilang sa Unyong Sobyet.Humiwalay ang mga naturang lugar sa USSR at naging
malalayang bansa noong 1991.
TIMOG KANLURANG ASYA
Ang Timog Kanlurang Asya ang may pinakamaraming bansang kabilang sa Asya na may
kabuuang sukat na 6,645,878 sq.km.
KLIMA AT KALIKASAN NG ASYA
Klima ng Asya
Nasa Asya bang halos lahat ng uri ng klima sa mundo.Mula sa pinakamalamig na klimang polar
sa hilagang bahagi ng Asya hanggang sa pimakamainit na lugar sa timog-kanlurang bahagi
nito.
Ang Monsoon
Ang Monsoon ay hanging umiihip sa isang particular na direksiyon sa isang panahon.Nagmula
ang salitang monsoon sa wikang Arabic na nangangahulugang season. Ang hanging ito ang
nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa mga bansang kabilang sa dalawang rehiyon tulad ng
Pilipinas.Hanging Habagat ang taguri natin sa timog-kanlurang monsoon.Nagmumula ang
monsoon sa hilagang-silangang bahagi ng asya na nagdadala ng malamig na panahon.
Klima
Nahahati sa iba’t ibang uri ng klima ng Asya.
Tropical-mainit at basa;may mataas na lebel ng presipitasyon sa buong taon.
Semiarid-mula mainit papalamig;mabilisang pagbabago ng temperature mula araw patungong
gabi maliban sa mga lugar na malapit sa karagatan;may mababang lebel ng presipitasyon
Desert-mula mainit patungo sa hindi gaanong malamig;mabilisang pagbabago ng temperatura
mula araw hanggang gabi.May napakababang presipitasyon.
Humid Tropical- katamtamang init patungong mainit na tagtuyot at hindi gaanong malamig na
taglamig;may katamtamang presipitasyon sa lahat ng panahon.
Humid Continental-katamtamang tag-init patungong taglamig; may katamtamang
presipitasyon sa lahat ng panahon
Subarctic-maikling tagtuyot na malamig-lamig at mahabang taglamig.
Highland-batay ito sa taas ng lupain.

KAYAMANANG LIKAS NG ASYA
Hayop ng Asya
Maraming hayop ang inaalagaan ng mga Asyano na nakakatulong sa kanilang
paghahanapbuhay at sa iba pang Gawain.
Komodo Dragon-pinakamalaking nabubuhay na butiki sa mundo na may bigat na 140
kilo.
Orangutan-pangalawa sa pinakamalaki sa lahing ape.
Mayaman din ang Asya sa mga yamang-dagat.Naging isa sa pangunahing kabuhayan ng mga
Asyano na naninirahan sa baybayin ang pangingisda.

Halaman ng Asya
Iba’t ibang uri ng tanim ang tumutubo sa kontinente ng Asya.Ang mga tropical rain forest na
matatagpuan sa mga bansa ng Timog-Silangan at ilang bahagi ng Timog Asya ay
pinanggagalingan ng iba’t ibang species ng halaman.Dahil na rin ito sa mamasa-masang
klima.Bukod dito ,mayaman din sa mga pang agrikulturang pananim ang silangan at timog na
bahagi ng Asya.Nangunguna rito ang bigas na pangunahing pagkain ng mga Asyano.Sa
Silangang Asya,maraming uri ng tanim at puno ang makikita tulad ng
soybean,ginkgo,bamboo,at oak.

Yamang Mineral ng Asya
Sa Asya rin matatagpuan ang iba’t ibang yamang mineral.Nangnguna rito ang Petrolyo na
pangunahing yaman ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya.
ANG KAPALIGIRAN NG ASYA
Ang interaksiyon ng mga biotic o may buhay na organismo at abiotic o walang buhay na
elemento ay tinatawag na ecosystem.
ISYUNG PANGKAPALIGIRAN NG ASYA
Sa kasalukuyan,ang Asya ay nahaharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran na may dimabubuting epekto sa tao at sa buong ecosystem kung hindi ito matutugunan ng tao.

Polusyon-ito ay kontaminasyon ng kapaligiran dulot ng mga bagay na nakasisira ng buhay at
nakaaapekto sa wastong daloy ng ecosystem.Ilan sa mga halimbawa nito ay polusyon sa
hangin,tubig,at lupa.
Deforestation-ito ay ang patuloy na pagputol ng puno sa mga kagubatan.
Global Warming-ito ang pagtaas ng temperatura ng atmospera,karagatan,at kalupaan ng
mundo.

YAMANG TAO NG ASYA
Populasyon ay isang malakas na impluwensiyang nakapagdudulot ng mabuting kalagayan at
kaunlaran sa isang bansa.Kung populasyon ang pag-uusapan,ang asya ang may
pinakamalaking populasyon sa lahat ng kontinente.Tinatayang may halos 60% ng dami ng tao
ay mula sa Asya
Yamang-tao
Tumutukoy ang yamang tao sa populasyon ng bansa na may kakayahang paunlarin ang
sarili,ang kanilang pamilya,at ang buong bansa.Malaking salik ang yamang-tao sa
pagpapaunlad ng isang bansa.
Bahagdan ng Paglaki
Tumutukoy ang bahagdan ng paglaki sa tinatayang taunang pagtaas ng populasyon sa isang
bansa.
Komposisyon at Kasarian
Ang asya ay maibibilang na may batang populasyon.Maraming bansang Asyano ang may
batang populasyon kung saan mas malaki ang bahagdan ng dami ng mga bata kaysa sa mga
matatanda.
Distribusyon ng Tao
Ito ay tumutukoy sa kakapalan ng tao sa isang partikular na lugar.
Antas ng Kamuwangan
Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng tao sa isang particular na bansa na may kakayahang
bumasa at sumulat.
Kita ng bawat Tao
Ibinabatay ang kita ng bansa sa pamamagitan ng pagkuwenta ng kabuuang kita ng bansa na
hahatiin sa kabuuang populasyon nito.
Antas ng Urbanisasyon
Ang mga lungsod ng isang bansa ang tinutukoy bilang mga pook-urban.
Tao at Teknolohiya
Ang teknolohiya ay isang proseso kung saan gumagawa ang tao ng mga kasangkapan tulad ng
makina upang mapabilis at mapadali ang isang Gawain.
ANG ASYA SA IBA’T IBANG PANAHON
Ebolusyong Bayolohikal ng Tao
Ang salitang ebolusyon ay tumutukoy sa kahit na anong bagay na dumaan sa maayos na pag
unlad nagmula sa pinakapayak nitong anyo.

Pinagmulan ng Tao
Mayroong dalawang pahayag na nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng mga species kabilang
na ang tao.Ito ay ang biblical at ang teoryang siyentipiko.Ayon SA Biblikal nagmula lahat ng
bagay at species kasama na ang tao sa paglikha ng Diyos ng mundo.Sa teoryang
siyentipiko,maraming tao ang nagsagawa ng mga pag-aaral masagot ang palaisipan ukol sa
pinagmulan ng mga species.

Teorya Ng Ebolusyon
Charles Darwin(1809-1882)-Isang British naturalist na may-akda ng teorya ng ebolusyon na
pinag-usapan ng lahat ng tao sa kanyang panahon.Ipinanganak siya noong Pebrero 12,1809
sa Shrewsbury,England at nakapag-aral sa mga unibersidad ng Edinburgh at
Cambridge.Katulad ng ilang mga dalubhasa sa pagpapaliwanag ng ebolusyon,naniwala si
Darwin na may malaking kaugnayan ang kalikasan at mga element nito sa pag-unlad ng mga
speciesmula sa kinagisnang kaanyuan patungo sa kasalukuyang estado nito.Naririto ang ilan:
Payak na species-pinaniniwalaan na lahat ng makabagong species ay nagmula sa
pinakapayak na uri na tinatawag na one-celled organism.
Kapaligiran-malaki ang papel na ginagampanan sa ebolusyong bayolohikal ng mga species.
Adaptation-ito ay kakayahan ng isang specxies na makiayon sa kanyang kapaligiran,maging
ito man ay sa klima ng lugar upang mabuhay.
Mutation-ay ang permanenteng pagbabago sa katangian mana ng isang species sa kanyang
magulang.
Panahon-sinasabi ng mga siyentipiko na nagsimula ang proseso ng ebolusyon ng mga species
noong 3.8 bilyong taon na ang nakalipas.

ANG DAAN TUNGO SA MAKABAGONG TAO
Maraming siyentipiko ang naniniwalang nagmula ang makabagong tao sa ape tulad ng
chimpanzee at gorilya.Dahil na rin sa maraming katangian ng tao at ape na magkatulad gaya ng
mga mahahabang braso at kamay,utak,ngipin,at genetic material.Ang mga natuklasang fossil
ay sinasabing nagpapakita ng posibilidad na ang tao ay nagmula sa iisang ninuno lamang.
Pliopithecus-isang primitibong ape.
Procunsul-ang mga nagkalat na labi nito ay sinasabing ninuno ng kasalukuyang chimpanzee.
Dryopithecus-ang unang ape na may mahusay na labi.
Ramapithecus-pinapalagay na pinakamatandang ninuno ng tao sa kabila ng ilang mga labi na
natagpuan ditto.
Australopithecus-isang genus na nanirahan sa Africa mga apat na milyong taon na ang
nakalilipas.
Australopithecus Anamensis-ilang labi ay natagpuan sa Kanapoi at Allia bay sa Hilagang
Kenya.
Australopithecus afarensis-ito ay may brasong tulad ng ape ngunit ang spine, balakang ,at
binti ay nagpapatunay na naglalakad ng tuwid ang species na ito.
Australopithecus africanus-ang species na ito ay mas bilugan ang bungo at hindi mahusay
ang binti upang makapaglakad ng tuwid.
Australopithecus Boisei-ang species na ito ay mlakas ang katawan,panga,at may malaking
molar.
Australopithecus Robustus-may malapad na mukha at pisngi.
Homo-salitang tumutukoy sa klasipikasyon ng mga species kung saan kabilang ang tao.
Homo habilis-nangangahulugang “skillfulman”.
Homo Erectus-nangangahulugang “upright man”.
Java Man-isang homo erectus na natuklasan ang labi sa Sangiaran,Indonesia.
Peking Man-natuklasan ang mga fossil sa isang yungib sa Zhoukoudian.
Homo sapiens-nangangahulugang “wise man”o taong nag-iisip.
EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO
1.Katuturan ng Kultura
2.Pag-unlad ng Tao Ayon sa Kagamitan Nito
a.Panahon Ng Lumang Bato
b.Panahon Ng Mesolitiko
c.Panahon Ng Bagong Bato
d.Panahon Ng Metal

Kaakibat ng pag-aaral ng kasaysayan ang salitang kultura.Ito ay tumutukoy sa paraan ng
pamumuhay na nakagawian na ng tao.Kabilang dito ang sining,wika,musika,at
panitikan.Kasama rin ang panirahan,pananamit,kaugalian,tradisyon,at mga pagpapahalagang
moralng isang pangkat ng tao.Ang kultura ay pinagsasaluhan ng tao at siyang nagsisilbing
gabay sa mga panlipunang gawain nito.
Nahahati ang kultura sa dalawang uri:ang payak at kumlikadong kultura.Ang mga pangkat ng
tao na nabuhay noong sinaunang panahon ang karaniwang halimbawa ng isang lipunang may
payak na kultura.Ang lipunang may payak na kultura ay may simpleng paraan ng pamumuhay.
Nasa kumplikadong kultura naman ang mga taong nakabuo ng organisadong
pamahalaan,relihiyon,at ekonomiya tulad ng mga Sumeriann ng Mesopotamia 3500 taon na
ang nakalilipas.Ang kumplikadong kultura ay mga pangkat ng tao na may mataas na antas ng
pamamahala,pamamahala,pananampalataya,at kabuhayan kasama na ang pagkakaroon ng
mahusay na teknolohiya,sining,at wika.

PAG-UNLAD NG TAO AYON SA KAGAMITAN NITO
Ayon sa mga paleontologist ;mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng sinaunang kasaysayan
gamit ang mga nakuhang fossil o labi ng mga species,nagsimulang mamuhay ang mga tao
dalawang milyong taon na ang nakalipas.Natutunan nilang gumawa ng mga kasangkapan at
sandata upang mapagaan ang kanilang pamumuhay.Sa pagdaan ng panahon,kinakitaan ng
pag-unlad ang aspetong kultural ng tao na pinatunayan ng mga artifact;mga kasangkapan o
sandata na gawa ng mga sinaunang tao.Dahil ditto,hinati ang kasaysayan ng mundo sa apat na
panahon.Ang Panahon ng Lumang Bato,Bagong Bato,Mesolitiko,at Metal.
Panahon ng Lumang Bato
Tumutukoy ito sa panahon sa kasaysayan kung saan ang bato ang karaniwang gamit at
kasangkapan ng mga sinaunang tao.Tinagurian din itong panahong Paleolitiko na mula sa
mga salitang Greek na palaios at lithos na nangangahulugang sinauna at bato.
Panahong Mesolitiko
Nagmula ang salitang Mesolitiko sa meso at lithos na ang ibig sabihin ay gitna at bato.Ito ay
isang transisyon mula sa panahon ng Lumang Bato hanggang Bagong Bato.Pinapalagay na
nagsimula ito sa pagtatapos ng Pleistocene at nagwakas sa panahon kung saan ang
pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng tao.
Panahon ng Bagong Bato
Tinatawag din itong panahong Neolitiko,mula sa neos at lithos na nangangahulugang bago at
bato.Tinatayang nagsimula ang panahong ito noong 10,000 taon kung saan natutunan ng tao
na manirahan nang permanente sa isang lugar.
Panahon ng Metal
Sa pagpapatuloy na pag-unlad ng pamumuhay ng tao,unti-unting napalitan ang kanilang
kasangkapan mula sa yaring bato patungong metal.Nagsimula ang kaalaman ng tao sa
paggawa ng metal sa Asya,partikular sa Timog Kanlurang rehiyon nito.Lumaganap ang
kaalamang ito sa iba pang karatig-lugar ng Asya.Pinapalagay na ang unang metal na ginamit
ng tao ay ang copper o tanso.Sa kasalukuyan,patuloy pa ring gumagamit ng mga
kasangkapang yari sa metal ang tao.

PANDAIGDIGANG PANANAW MULA TIMOG ASYA
Ang pandaigdigang pananaw ng mga Asyano ay batay sa kanilang relihiyon.Ang kanilang
pamumuhay at kaugalian ay nakasandig sa relihiyong kanilang kinaaniban.
HINDUISM
Ang relihiyong Hinduism ang pinakamatandang relihiyon sa buong mundo.Ito ay umusbong sa
bansang India .Nagsimula ang salitang Hinduism sa Persiyanong wika na “Hindu”na
nangangahulugang India.Kung gayon ang salitang Hinduism ay patungkol sa “relihiyon ng mga
tao sa India”Isang poleitismong relihiyon ang Hinduism.Ilan sa mga ito ay sina
Brahma,Vishnu,at Shiva.
Trimurti
Taguri sa tatlong pangunahing Diyos ng mga Hindu.
Brahama-Ang tagapaglikha.Hindi siya sinasamba tulad ng ibang diyos dahil nagampanan na
niya ang kanyang tungkulin na likhain ang mundo.
Vishnu-Ang tagapanatili.Siya ang nagpapanatili ng balanse sa pagitan ng kabutihan at
kasamaan.
Shiva-Ang tagasira.Siya ang lahat ng bagay.
MGA PANINIWALA NG MGA HINDU:
1.Banal na Kasulatan-walang partikular na aklat ang pinagmulan ng lahat ng doktrina ng
Hinduism.
a.Vedas-pinakamatandang kasulatan ng mga Hindu at pinapalagay na kauna-unahang banal
na aklat sa mga pangunahing relihiyon.Binubuo ito ng apat na aklat
Rigveda,Samaveda,Yajurveda,at Aharvaveda.Bawat isa ay may apat na bahagi:ang Samhitas
na tungkol sa mga dasal at awitin;Brahmanas na tungkol sa mga ritwal;ang Aranyakas at
Upanishads na mga gawa ukol sa hiwaga at pilosopiya ng relihiyon.
b.Ramayana at Mahabharata-mahabang epiko ukol sa mga tauhang Hindu.Pangunahing
tauhan sa Ramayana ang mag-asawang sina Prinsepe Rama na isang bayaning Hindu at
Prinsesa Sita na isang mapagmahal sa asawang si Rama.Ang Mahabharata ay kuwento sa
mga digmaan kung saan magkakampi ang mga mortal na tao at mga diyos sa pagkontrol sa
kaharian.
2.Sistemang Caste-Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu.Kabilang sa bumubuo ng
sistemang caste ang Brahman(pari at iskolar),Kshatriya(pinuno at
mandirigma)Vaishya(mangangalakal at propesyunal)at Sudra(manggagawa).
3.Dharma-ibig sabihin ay “nararapat”.Ang bawat Hindu ay may nakatakdang Gawain na
nararapat na gampanan.
4.Reincarnation-naniniwala ang mga Hindu na ang isang indibidwal ay muling isisilang at
mabubuhay muli sa ibang katauhan o anyo.
5.Moksha-nangangahulugang kalayaan o kaligtasan.
6.Karma-bawat aksiyon na gawin ng isang tao ay may malaking impluwensiya sa magiging
buhay niya sa susunod na panahon o muli niyang pagsilang.
7.Pilgrimage-nagsasagawa ang mga Hindu ng mga banal na paglalakbay.
8.Puja o Pagsamba-karaniwang nagsasagawa ang mga Hindu ng ritwal sa sa pagsamba sa
kanilang mga diyos.

BUDDHISM
Ang relihiyong Buddhism ay itinatag sa India ni Siddharta Gautama.Isang prinsipe at kabilang
sa pangkat ng mga Kshatriya na nabuhay noong ikaanim na siglo BCE.
SIDDHARTHA GAUTAMA (c560 BCE – c483 BCE)
Siya ang tagapagtatag ng Buddhism.Ipinanganak siya sa Lumbini malapit sa bayan ng
Kapilavastu sa Nepal.
Mga Paniniwala ni Buddha:
1.Walang iisang diyos ngunit may paniniwala sa maraming espiritung nilalang.
2.Nirvana-estado ng walang hanggang kaligayahan at kapayapaan.
3.Apat na Marangal na Katotohanan(Noble Truth)-natutunang aral ni Buddha habang siya ay
nagninilay sa ilalim ng puno ng Bodhi.
4.Walong Daan ni Buddha(Eightfolg Path)-buod ng katuruan ni Buddha at mga dapat sundin ng
tao upang makamit ang kaliwanagan.
PAGLAGANAP NG BUDDHISM
Pagkamatay ni Siddhartha Gautama,ipinagpatuloy ng mga alagad niya ang kanyang misyon at
unti-unting pinalaganap ito sa buong India at sa iba pang lupain.Nang lumaon,ginawa itong
relihiyon ng mga tagasunod ni Buddha at nagtayo sila ng misyonero.Habang lumalaganap ang
Buddhism sa Asya ,nahati ito sa dalawang pangkat.Ito ay ang Theravada Hinayana Buddhism
at Mahayana Buddhism.

PANDAIGDIGANG PANANAW MULA SILANGANG ASYA

Ang mga pananaw at pilosopiya ng mga tanyag na Tsino ay tunay na humubog sa pamumuhay
ng mga mamamayan ng China.Naimpluwensiyahan nina Confucius at Lao Tzu ang kalagayang
pulitikal at panlipunang aspeto ng ng bansa.
CONFUCIANISM
Umusbong ang relihiyong Confucianism sa China.Ito ay itinatag ni Confucius na nabuhay sa
panahon ng dinastiyang Chou.Para sa nakararami,ang Confucianism ay hindi isang relihiyon
kundi isang paraan ng pamumuhay na nakasandig sa kodigo ng mga dapat gawin ng isang
tao.Sa pagkamatay ni Confucius,ginawa itong relihiyon ng kanyang mga alagad at ipinalaganap
ang kanyang mga katuruan.
Confucius (551 BCE-479 BCE)
Si Confucius ang itinuturing bilang pinakadakilang pilosopo ng China.Ang tunay niyang
pangalan ay Kung Fu-Tzu na nangangahulugang Grand Master Kung.Ipinanganak siya sa Lu
noong 551 BCE.Nabuhay siya sa panahon ng dinastiyang Chou (1027-256 BCE).Ang mga
salaysay ukol sa kaniyang buhay ay pawing alamat lamang at ang tanging batayang historikal
sa buhay niya ay ang aklat na Lun-Yu o Analects.Naging tanyag si Confucius sa kaniyang
Ginintuang Aral o Golden Rule.
Mga Paniniwala ng Confucianism:
Filial Piety
Pagsamba
Pakikipagkapuwa
Lipunan
Pagiging Pinuno
Kabilang Buhay

TAOISM
Isa sa mga relihiyon ng China ay ang Taoism.Nagmula ito sa salitang Tao na
nangangahulugang “daan o landas”.Ang simbolo ng Taoism ay ang Yin Yang.Ang Yin ay
nangangahulugang kadiliman,kahinahunan,o pagiging maamo samantalang ang Yang ay
tumutukoy sa kaliwanagan,kasiglahan o pagiging matibay.
Lao Tzu (570 BCE-490 BCE)
Pinapalagay na si Lao Tzu ang nagtatag ng Taoism ngunit maraming iskolar ngayon ang
nagsasabing isa lamang siyang alamat.Ayon sa tradisyong Taoist,siya ay ipinanganak sa
lalawigan ng Henan noong ikaanim na siglo BCE.Naglingkod siya bilang opisyal sa dinastiyang
Chou.Dahil sa hindi mabuting pamamahala ng mga pinunong Chou,nagpasya siya na lisanin
ang imperyo ngunit hinadlangan siya at inutusang isulat ang kanyang mga pananaw sa isang
aklat na tinaguriang Tao Te Ching.
Mga Paniniwala ng Taoism:
Tao Te Ching
Ibig sbihin ay Aklat ng Daan at Kabutihan.
Tao-nangangahulugang “daan”Pinaniniwalaan na ang pagsunod sa Tao ay pagsunod sa daan
ng kalikasan.

SINOCENTRISM
Bukod sa relihiyong Confucianism at Taoism ang mga sinaunang Tsino ay may makahulugang
pananaw ukol sa kanilang kabihasnan at pagkamamamayan tinatawag itong Sinocentrism. Ito
ay paniniwala ng ng mga Tsino na ang kanilang bansa ang katangi-tangi sa buong mundo.Sa
Sinocentrism,ang emperador ng China ang nag-iisang lehitimong pinuno ng buong mundo at
ang mga pinuno sa ibang bansa ay mas mababa kaysa sa emperador.

SHINTOISM
Ang Shintoism ay isang katutubong relihiyon ng Japan.Ang ibig sabihin nito ay “daan ng mga
diyos”.Nakabatay ang Shintoism sa pagsamba sa kami.Ang kami ay mga ispiritu o diyos sa
kalikasan tulad ng bundok,puno,halaman,ibon,hayop,bato at maging tao.Karaniwan sa mga
templo kung saan sumasamba ang mga Shinto ay may sagradong bakod na tinatawag na Torii.
Mga Paniniwala ng Shintoism:
1.Divine origin-ito ay ang paniniwala sa pinagmulan ng bansang Japan at ng mga
mamayanang Hapones.Ayon sa mitolohiya ng Shinto,ang Japan ay nilikha ng mga diyos na
Sina Izanami at Izanagi.Ang kanilang apo na si Amaterasu Omi Kami,ang diyosa ng araw ang
lumikha sa mga Hapones at pinagmulan ni Jimmu Tenno ang kauna-unahang emperador ng
Japan.
2.Pagbigay-Paslamat s biyayang mula sa kami,pagtulong sa kapuwa at pamumuhay ng
matiwasay.
PANDAIGDIGANG PANANAW MULA TIMOG-KANLURANG ASYA
Ang mga paniniwalang umusbong sa Timog-Kanlurang asya ay malaking papel na ginampanan
hindi lamang sa buhay ng Asyano kundi sa buong sangkatauhan.Ang tatlong
pananampalatayang ito ay nakasandig sa paniniwalang iisang Diyos at ang paglilingkod sa
kapuwa ang kaakibat ng pananalig na ito.

JUDAISM
Ang Judaism ang kauna-unahang monoteismong relihiyon sa mundo.Nagmula ang salitang
monoteismo sa Greek na mono at theos na nangangahulugang isa at paniniwala sa Diyos.Si
Abraham ang itinuturing na tagapagtatag ng Judaism.Ang simbolo ng Judaism ay tinatawag na
Star of David.Ito ay sumasagisag sa bansang Israel kung saan nagmula ang nasabing
relihiyon.Mahigit na 13 milyon ang tagasunod ng Judaism.
Ang Torah ang nagsisilbing bibliya ng mga Hudyo.Isinasagawa nila ang kanilang pagsamba sa
Synagogue at ang namumuno sa gawaing ispiritwal ng mga Hudyo ay ang Rabbi.Ang banal na
araw ng mga Hudyo ay ang Sabbath.Ang Passover isang mahalagang pagdiriwang ng mga
Hudyo kung saan ginugunita nito ang dakilang pagligtas ng Diyos mula sa pagkakaalipin sa
kamay ng mga Egyptian.

KRISTIYANISMO
Ang Kristiyanismo ang may pinakamaraming tagasunod sa lahat ng relihiyon sa
mundo.Nagmula ang pangalan ng relihiyon kay Hesukristo.Nag-ugat ang Kristiyanismo sa
relihiyong Judaism kung saan pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na si Hesus ang Mesiyas na
ipinangako ng Diyos na magliligtas sa tao.Krus ang simbolo ng Kristiyanismo.
Hesukristo (c6 BCE-30 BCE)
Tinaguriang “Anak ng Diyos”.Ipinanganak si Hesus sa isang maliit na bayan ng Bethlehem sa
Israel na noong panahong iyon ay sakop ng Imperyong Roman ang bansa.
Ang Simbahan
Isang pamayanan ng mga Kristiyanismo na pinamumunuan ng Santo Papa na nakabase sa
Vatican City sa Rome.
Ang Bibliya
Tinaguriang banal na kasulatan at “Salita ng Diyos”.Ito ang pinakamahalagang aklat para sa
mga Kristiyanismo.Dito nakapaloob ang istorya ng buhay ng mga natatanging tauhan sa
Kristiyanismo kabilang na ang kanilang mga aral at katuruan.
Mga paniniwala ng Kristiyanismo:
Misa
Santo Papa
Komunyon
Paggamit ng mga imahen nina Hesus,Maria,at mga banal na tao
Binyag
Huling Paghuhukom
Debosyon kay Maria ang ina ni Hesus na makatutulong na mapalapit sa Diyos
Iisang Diyos na may tatlong Persona.
Mga Pagdiriwang:
Kapaskuhan
Pasko ng Pagkabuhay
ISLAM
Ang Islam ang pinakabatang relihiyon sa mundo.Ito ay nakabatay sa katuruan ni Mohammed
tungkol sa pagsamba at pagsunod sa iisang Diyos na si Allah.Ang salitang Islam ay
nangangahulugang “pagsuko kay Allah”.Sinisimbolo ito ng Crescent Moon at bituin.Ang Islam
ang pangalawang relihiyon na may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo at may
pinakamabilis na bahagadan ng paglaki ng populasyon.

Mohammed (c571 CE-632 CE)
Ang dakilang propeta ng Muslim at tagapagtatag ng relihiyong Islam.Ipinanganak siya sa Mecca
na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Saudi Arabia .Ka’bah pinakabanal na lugar para sa
mga Muslim.
ARAL AT KATURUAN NG ISLAM
Ang Islam ay karugtong ng relihiyong Judaism at Kristiyanismo.paniniwala na si
Abraham,Moses,at Hesus ay pawing mga propeta lamang na sinugo lamang ni Allah upang
ihatid ang kanyang mensahe sa tao.
Qur’an (Koran)
Pinakabanal na aklat ng mga Muslim.Nangangahukugan ito. na recitation.
Limang Bahagi ng mga Muslim
Shahadah
Salat
Sawn
Zakat
Hajj
Aral pan.

More Related Content

What's hot

Hominid
Hominid Hominid
Hominid
CM S
 
HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9
HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9
HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9
arme9867
 
Mga pilosopiya at relihiyon sa asya
Mga pilosopiya at relihiyon sa asyaMga pilosopiya at relihiyon sa asya
Mga pilosopiya at relihiyon sa asya
Jared Ram Juezan
 
Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig
Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig
Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig
Ma Lovely
 

What's hot (20)

Sinaunang Kabihasnan ng Sumer
Sinaunang Kabihasnan ng SumerSinaunang Kabihasnan ng Sumer
Sinaunang Kabihasnan ng Sumer
 
Vegetation cover ng asya ( behetasyon)
Vegetation cover ng asya ( behetasyon)Vegetation cover ng asya ( behetasyon)
Vegetation cover ng asya ( behetasyon)
 
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dexAralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
 
Ang heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asyaAng heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asya
 
Ap 7 kabihasnang indus shang
Ap 7 kabihasnang indus shangAp 7 kabihasnang indus shang
Ap 7 kabihasnang indus shang
 
Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2
 
Hominid
Hominid Hominid
Hominid
 
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaKabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
 
Ang Sinaunang Tao
Ang Sinaunang TaoAng Sinaunang Tao
Ang Sinaunang Tao
 
Katangiang Pisikal ng Asya
Katangiang Pisikal ng AsyaKatangiang Pisikal ng Asya
Katangiang Pisikal ng Asya
 
HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9
HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9
HEOGRAPIYANG PANTAO ( wika) A.P. Grade 9
 
Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asya
 
Heograpiya ng Daigdig - Aralin 1
Heograpiya ng Daigdig - Aralin 1Heograpiya ng Daigdig - Aralin 1
Heograpiya ng Daigdig - Aralin 1
 
GRADE 8 - Kabihasnang indus 2
GRADE 8 - Kabihasnang indus 2GRADE 8 - Kabihasnang indus 2
GRADE 8 - Kabihasnang indus 2
 
Mga pilosopiya at relihiyon sa asya
Mga pilosopiya at relihiyon sa asyaMga pilosopiya at relihiyon sa asya
Mga pilosopiya at relihiyon sa asya
 
Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig
Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig
Ang Pinagmulan ng Tao sa Daigdig
 
Heograpiyang Pantao
Heograpiyang PantaoHeograpiyang Pantao
Heograpiyang Pantao
 
MELC PIVOT 4A Grade 8 Katangian pisikal ng Daigdig
MELC PIVOT 4A Grade 8 Katangian pisikal ng Daigdig MELC PIVOT 4A Grade 8 Katangian pisikal ng Daigdig
MELC PIVOT 4A Grade 8 Katangian pisikal ng Daigdig
 
Kabihasnang Shang
Kabihasnang ShangKabihasnang Shang
Kabihasnang Shang
 
AP 7 Lesson no. 6: Ebolusyong Biyolohikal ng Asya
AP 7 Lesson no. 6: Ebolusyong Biyolohikal ng AsyaAP 7 Lesson no. 6: Ebolusyong Biyolohikal ng Asya
AP 7 Lesson no. 6: Ebolusyong Biyolohikal ng Asya
 

Similar to Aral pan.

Proyektosaap 110402191733-phpapp01
Proyektosaap 110402191733-phpapp01Proyektosaap 110402191733-phpapp01
Proyektosaap 110402191733-phpapp01
raiko_62
 
konsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptx
konsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptxkonsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptx
konsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptx
CherryLim21
 
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptxkatangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
MaryJoyTolentino8
 

Similar to Aral pan. (20)

Proyektosaap 110402191733-phpapp01
Proyektosaap 110402191733-phpapp01Proyektosaap 110402191733-phpapp01
Proyektosaap 110402191733-phpapp01
 
konsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptx
konsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptxkonsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptx
konsepto-ng-asya-aralin-1-grade-7-220902125705-c05da4f0 (1).pptx
 
Konsepto-Ng-Asya-Aralin-1-Grade-7.pptx
Konsepto-Ng-Asya-Aralin-1-Grade-7.pptxKonsepto-Ng-Asya-Aralin-1-Grade-7.pptx
Konsepto-Ng-Asya-Aralin-1-Grade-7.pptx
 
ARALIN 1-ANG ASYA SA DAIGDIG.pptx
ARALIN 1-ANG ASYA SA DAIGDIG.pptxARALIN 1-ANG ASYA SA DAIGDIG.pptx
ARALIN 1-ANG ASYA SA DAIGDIG.pptx
 
Yunit i
Yunit iYunit i
Yunit i
 
AP7.pptx
AP7.pptxAP7.pptx
AP7.pptx
 
asya
asyaasya
asya
 
GRADE 7 WEEK 1.pptx
GRADE 7 WEEK 1.pptxGRADE 7 WEEK 1.pptx
GRADE 7 WEEK 1.pptx
 
Heograpiya ng daigdig
Heograpiya ng daigdigHeograpiya ng daigdig
Heograpiya ng daigdig
 
1q-200919140229.pdf
1q-200919140229.pdf1q-200919140229.pdf
1q-200919140229.pdf
 
Kontinente ng Asya
Kontinente ng AsyaKontinente ng Asya
Kontinente ng Asya
 
Araling panlipunan 7.pptx
Araling panlipunan 7.pptxAraling panlipunan 7.pptx
Araling panlipunan 7.pptx
 
Araling Panlipunan - Copy.pptx
Araling Panlipunan - Copy.pptxAraling Panlipunan - Copy.pptx
Araling Panlipunan - Copy.pptx
 
Modyul 1
Modyul 1Modyul 1
Modyul 1
 
AP7-First-Quarterly-Test-2022-23 (2).pdf
AP7-First-Quarterly-Test-2022-23 (2).pdfAP7-First-Quarterly-Test-2022-23 (2).pdf
AP7-First-Quarterly-Test-2022-23 (2).pdf
 
G7 AP Q1 Week 2 Ugnayan ng Kapaligiran - Copy.pptx
G7 AP Q1 Week 2 Ugnayan ng Kapaligiran - Copy.pptxG7 AP Q1 Week 2 Ugnayan ng Kapaligiran - Copy.pptx
G7 AP Q1 Week 2 Ugnayan ng Kapaligiran - Copy.pptx
 
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptxkatangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
 
Aralin 1 Ang Kontinente at Yamang Likas ng Asya.pptx
Aralin 1 Ang Kontinente at Yamang Likas ng Asya.pptxAralin 1 Ang Kontinente at Yamang Likas ng Asya.pptx
Aralin 1 Ang Kontinente at Yamang Likas ng Asya.pptx
 
week 2 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig.pptx
week 2 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig.pptxweek 2 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig.pptx
week 2 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig.pptx
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 

Aral pan.

  • 1. ANG ASYA SA PANGKALAHATAN Isa sa mga kontinente ng daigdid ang Asya.Nagmula ang pangalang Asya sa wikang Akkadian na asu na nangangahulugang “pagsikat”. Maraming natatanging katangian ang Asya.Naririto ang ilan: Pinakamalaking kontinente sa daigdig kung kabuuang teritoryo at populasyon ang paguusapan. Pinagmulan ng mga pangunahing relihiyon tulad ng Kristiyanismo,Islam,HINDUISM,Buddhism, Confucianism,at Shintoism Pinagmulan ng tatlo sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig:MESOPOTAMIA,HUANG HE,AT INDUS. SUKAT AT LAWAK Kung sukat at lawak ang pag-uusapan, ang Asya ang pinakamalaki sa lahat ng kontinente sa daigdig.Ang Asya ay tinatayang may 44,579,000 kilometro kuwadrado. HANGGANAN NG ASYA Maraming anyong-lupa at tubig ang nagsisilbing hangganan ng Asya sa iba pang kontinente.Ang hangganan ng asya sa hilagang bahagi ay ang ARCTIC OCEAN kasama na ang mga dagat ng BARENTS,KARA,LAPTEV,at EAST SIBERIAN.Pinaghihiwalay ng BERING STRAIT ang Asya,STATE of ALASKA,USA sa North America.Nasa Silangan ng Asya ang PACIFIC OCEAN.Ang TIMOR SEA na nasa timog ng Indonesia ang naghihiwalay s Asya at Australia.Ang malaking Karagatang Indian sa ang hangganan ng kontinente sa Timog.Pinaghihiwalay ng Red Sea at Isthmus of Suez ang Asya at Africa.Ang mga hangganan ng Asya sa kanlurang bahagi nito ay ang Mediterranean Sea,Aegean Sea,Black Sea,at Caspian Sea.Pinaghihiwalay ng Caucasus at Ural angbAsya at Europe. ANYONG LUPA AT TUBIG Matatagpuan sa Asya ang lahat ng uri ng anyong-lupa at tubig ng mundo.Naririto sa Asya ang mga nagtataasang kabundukan at mga mabababang lugar sa mundo.Mga naglalakihang lawa,look,dagat,at mga karagatan ay makikita sa kontinente Asya.  Tatak asya: Matatagpuan ang Mt.Everest sa silangang bahagi ng Himalaya.Nasa pagitan ito ng Nepal at Tibet sa China.May taas na 29,028 na talampakan,pinakamataas na tuktok sa mundo.Matatagpuan din sa Asya ang pinakamalaking lawa sa buong daigdig.Ang Caspian Sea ay may lawak na 349,299 square kilometer. REHIYON NG MGA BANSANG ASYANO Dahil sa lubhang malawak ang kalupaan ng Asya,hinati ito ng mga heograpo sa limang rehiyon. PAGHAHATING HEOGRAPIKO:TIMOG SILANGANG ASYA Sa rehiyong ito matatagpuan ang 11 bansa kabilang na ang Pilipinas.May klimang tropical ang Timog Silangang Asya dahil malapit ito sa equator. May kabuuang sukat ito na 4,510,000 sq.km. SILANGANG ASYA Binubuo ang Silangang Asya ng anim na bansa kabilang ang China na pinakamalaki nsa buong kontinente at ang Japan na pinakamaunlad sa buong Asya.ang Silangang Asya ay may kabuuang sukat na 11,749,795 sq.km.
  • 2. TIMOG ASYA May pitong bansa ang sumasakop sa rehiyong ito na may kabuuang sukat na 4,489,240 sq.km.Pinaniniwalaan na ang India ay isang masa ng lupa na nakahiwalay sa Kalakhang Asya.Dahil sa patuloy na paggalaw ng mga lupain,unti-unting dumikit ang India sa Asya hanggang tuluyang bumangga sa kontinente.Dahil ditto,tinagurian ang India bilang subcontinent ng Asya. HILAGANG ASYA(Gitnang Asya) Ang rehiyon ay may sukat na 4,180,500 sq.km.Ang walong bansa na matatagpuan ditto ay dating kabilang sa Unyong Sobyet.Humiwalay ang mga naturang lugar sa USSR at naging malalayang bansa noong 1991. TIMOG KANLURANG ASYA Ang Timog Kanlurang Asya ang may pinakamaraming bansang kabilang sa Asya na may kabuuang sukat na 6,645,878 sq.km. KLIMA AT KALIKASAN NG ASYA Klima ng Asya Nasa Asya bang halos lahat ng uri ng klima sa mundo.Mula sa pinakamalamig na klimang polar sa hilagang bahagi ng Asya hanggang sa pimakamainit na lugar sa timog-kanlurang bahagi nito. Ang Monsoon Ang Monsoon ay hanging umiihip sa isang particular na direksiyon sa isang panahon.Nagmula ang salitang monsoon sa wikang Arabic na nangangahulugang season. Ang hanging ito ang nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa mga bansang kabilang sa dalawang rehiyon tulad ng Pilipinas.Hanging Habagat ang taguri natin sa timog-kanlurang monsoon.Nagmumula ang monsoon sa hilagang-silangang bahagi ng asya na nagdadala ng malamig na panahon. Klima Nahahati sa iba’t ibang uri ng klima ng Asya. Tropical-mainit at basa;may mataas na lebel ng presipitasyon sa buong taon. Semiarid-mula mainit papalamig;mabilisang pagbabago ng temperature mula araw patungong gabi maliban sa mga lugar na malapit sa karagatan;may mababang lebel ng presipitasyon Desert-mula mainit patungo sa hindi gaanong malamig;mabilisang pagbabago ng temperatura mula araw hanggang gabi.May napakababang presipitasyon. Humid Tropical- katamtamang init patungong mainit na tagtuyot at hindi gaanong malamig na taglamig;may katamtamang presipitasyon sa lahat ng panahon. Humid Continental-katamtamang tag-init patungong taglamig; may katamtamang presipitasyon sa lahat ng panahon Subarctic-maikling tagtuyot na malamig-lamig at mahabang taglamig. Highland-batay ito sa taas ng lupain. KAYAMANANG LIKAS NG ASYA Hayop ng Asya Maraming hayop ang inaalagaan ng mga Asyano na nakakatulong sa kanilang paghahanapbuhay at sa iba pang Gawain. Komodo Dragon-pinakamalaking nabubuhay na butiki sa mundo na may bigat na 140 kilo. Orangutan-pangalawa sa pinakamalaki sa lahing ape.
  • 3. Mayaman din ang Asya sa mga yamang-dagat.Naging isa sa pangunahing kabuhayan ng mga Asyano na naninirahan sa baybayin ang pangingisda. Halaman ng Asya Iba’t ibang uri ng tanim ang tumutubo sa kontinente ng Asya.Ang mga tropical rain forest na matatagpuan sa mga bansa ng Timog-Silangan at ilang bahagi ng Timog Asya ay pinanggagalingan ng iba’t ibang species ng halaman.Dahil na rin ito sa mamasa-masang klima.Bukod dito ,mayaman din sa mga pang agrikulturang pananim ang silangan at timog na bahagi ng Asya.Nangunguna rito ang bigas na pangunahing pagkain ng mga Asyano.Sa Silangang Asya,maraming uri ng tanim at puno ang makikita tulad ng soybean,ginkgo,bamboo,at oak. Yamang Mineral ng Asya Sa Asya rin matatagpuan ang iba’t ibang yamang mineral.Nangnguna rito ang Petrolyo na pangunahing yaman ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya. ANG KAPALIGIRAN NG ASYA Ang interaksiyon ng mga biotic o may buhay na organismo at abiotic o walang buhay na elemento ay tinatawag na ecosystem. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN NG ASYA Sa kasalukuyan,ang Asya ay nahaharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran na may dimabubuting epekto sa tao at sa buong ecosystem kung hindi ito matutugunan ng tao. Polusyon-ito ay kontaminasyon ng kapaligiran dulot ng mga bagay na nakasisira ng buhay at nakaaapekto sa wastong daloy ng ecosystem.Ilan sa mga halimbawa nito ay polusyon sa hangin,tubig,at lupa. Deforestation-ito ay ang patuloy na pagputol ng puno sa mga kagubatan. Global Warming-ito ang pagtaas ng temperatura ng atmospera,karagatan,at kalupaan ng mundo. YAMANG TAO NG ASYA Populasyon ay isang malakas na impluwensiyang nakapagdudulot ng mabuting kalagayan at kaunlaran sa isang bansa.Kung populasyon ang pag-uusapan,ang asya ang may pinakamalaking populasyon sa lahat ng kontinente.Tinatayang may halos 60% ng dami ng tao ay mula sa Asya Yamang-tao Tumutukoy ang yamang tao sa populasyon ng bansa na may kakayahang paunlarin ang sarili,ang kanilang pamilya,at ang buong bansa.Malaking salik ang yamang-tao sa pagpapaunlad ng isang bansa.
  • 4. Bahagdan ng Paglaki Tumutukoy ang bahagdan ng paglaki sa tinatayang taunang pagtaas ng populasyon sa isang bansa. Komposisyon at Kasarian Ang asya ay maibibilang na may batang populasyon.Maraming bansang Asyano ang may batang populasyon kung saan mas malaki ang bahagdan ng dami ng mga bata kaysa sa mga matatanda. Distribusyon ng Tao Ito ay tumutukoy sa kakapalan ng tao sa isang partikular na lugar. Antas ng Kamuwangan Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng tao sa isang particular na bansa na may kakayahang bumasa at sumulat. Kita ng bawat Tao Ibinabatay ang kita ng bansa sa pamamagitan ng pagkuwenta ng kabuuang kita ng bansa na hahatiin sa kabuuang populasyon nito. Antas ng Urbanisasyon Ang mga lungsod ng isang bansa ang tinutukoy bilang mga pook-urban. Tao at Teknolohiya Ang teknolohiya ay isang proseso kung saan gumagawa ang tao ng mga kasangkapan tulad ng makina upang mapabilis at mapadali ang isang Gawain. ANG ASYA SA IBA’T IBANG PANAHON Ebolusyong Bayolohikal ng Tao Ang salitang ebolusyon ay tumutukoy sa kahit na anong bagay na dumaan sa maayos na pag unlad nagmula sa pinakapayak nitong anyo. Pinagmulan ng Tao Mayroong dalawang pahayag na nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng mga species kabilang na ang tao.Ito ay ang biblical at ang teoryang siyentipiko.Ayon SA Biblikal nagmula lahat ng bagay at species kasama na ang tao sa paglikha ng Diyos ng mundo.Sa teoryang siyentipiko,maraming tao ang nagsagawa ng mga pag-aaral masagot ang palaisipan ukol sa pinagmulan ng mga species. Teorya Ng Ebolusyon Charles Darwin(1809-1882)-Isang British naturalist na may-akda ng teorya ng ebolusyon na pinag-usapan ng lahat ng tao sa kanyang panahon.Ipinanganak siya noong Pebrero 12,1809 sa Shrewsbury,England at nakapag-aral sa mga unibersidad ng Edinburgh at Cambridge.Katulad ng ilang mga dalubhasa sa pagpapaliwanag ng ebolusyon,naniwala si Darwin na may malaking kaugnayan ang kalikasan at mga element nito sa pag-unlad ng mga speciesmula sa kinagisnang kaanyuan patungo sa kasalukuyang estado nito.Naririto ang ilan:
  • 5. Payak na species-pinaniniwalaan na lahat ng makabagong species ay nagmula sa pinakapayak na uri na tinatawag na one-celled organism. Kapaligiran-malaki ang papel na ginagampanan sa ebolusyong bayolohikal ng mga species. Adaptation-ito ay kakayahan ng isang specxies na makiayon sa kanyang kapaligiran,maging ito man ay sa klima ng lugar upang mabuhay. Mutation-ay ang permanenteng pagbabago sa katangian mana ng isang species sa kanyang magulang. Panahon-sinasabi ng mga siyentipiko na nagsimula ang proseso ng ebolusyon ng mga species noong 3.8 bilyong taon na ang nakalipas. ANG DAAN TUNGO SA MAKABAGONG TAO Maraming siyentipiko ang naniniwalang nagmula ang makabagong tao sa ape tulad ng chimpanzee at gorilya.Dahil na rin sa maraming katangian ng tao at ape na magkatulad gaya ng mga mahahabang braso at kamay,utak,ngipin,at genetic material.Ang mga natuklasang fossil ay sinasabing nagpapakita ng posibilidad na ang tao ay nagmula sa iisang ninuno lamang. Pliopithecus-isang primitibong ape. Procunsul-ang mga nagkalat na labi nito ay sinasabing ninuno ng kasalukuyang chimpanzee. Dryopithecus-ang unang ape na may mahusay na labi. Ramapithecus-pinapalagay na pinakamatandang ninuno ng tao sa kabila ng ilang mga labi na natagpuan ditto. Australopithecus-isang genus na nanirahan sa Africa mga apat na milyong taon na ang nakalilipas. Australopithecus Anamensis-ilang labi ay natagpuan sa Kanapoi at Allia bay sa Hilagang Kenya. Australopithecus afarensis-ito ay may brasong tulad ng ape ngunit ang spine, balakang ,at binti ay nagpapatunay na naglalakad ng tuwid ang species na ito. Australopithecus africanus-ang species na ito ay mas bilugan ang bungo at hindi mahusay ang binti upang makapaglakad ng tuwid. Australopithecus Boisei-ang species na ito ay mlakas ang katawan,panga,at may malaking molar. Australopithecus Robustus-may malapad na mukha at pisngi. Homo-salitang tumutukoy sa klasipikasyon ng mga species kung saan kabilang ang tao. Homo habilis-nangangahulugang “skillfulman”. Homo Erectus-nangangahulugang “upright man”. Java Man-isang homo erectus na natuklasan ang labi sa Sangiaran,Indonesia. Peking Man-natuklasan ang mga fossil sa isang yungib sa Zhoukoudian. Homo sapiens-nangangahulugang “wise man”o taong nag-iisip.
  • 6. EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO 1.Katuturan ng Kultura 2.Pag-unlad ng Tao Ayon sa Kagamitan Nito a.Panahon Ng Lumang Bato b.Panahon Ng Mesolitiko c.Panahon Ng Bagong Bato d.Panahon Ng Metal Kaakibat ng pag-aaral ng kasaysayan ang salitang kultura.Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian na ng tao.Kabilang dito ang sining,wika,musika,at panitikan.Kasama rin ang panirahan,pananamit,kaugalian,tradisyon,at mga pagpapahalagang moralng isang pangkat ng tao.Ang kultura ay pinagsasaluhan ng tao at siyang nagsisilbing gabay sa mga panlipunang gawain nito. Nahahati ang kultura sa dalawang uri:ang payak at kumlikadong kultura.Ang mga pangkat ng tao na nabuhay noong sinaunang panahon ang karaniwang halimbawa ng isang lipunang may payak na kultura.Ang lipunang may payak na kultura ay may simpleng paraan ng pamumuhay. Nasa kumplikadong kultura naman ang mga taong nakabuo ng organisadong pamahalaan,relihiyon,at ekonomiya tulad ng mga Sumeriann ng Mesopotamia 3500 taon na ang nakalilipas.Ang kumplikadong kultura ay mga pangkat ng tao na may mataas na antas ng pamamahala,pamamahala,pananampalataya,at kabuhayan kasama na ang pagkakaroon ng mahusay na teknolohiya,sining,at wika. PAG-UNLAD NG TAO AYON SA KAGAMITAN NITO Ayon sa mga paleontologist ;mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng sinaunang kasaysayan gamit ang mga nakuhang fossil o labi ng mga species,nagsimulang mamuhay ang mga tao dalawang milyong taon na ang nakalipas.Natutunan nilang gumawa ng mga kasangkapan at sandata upang mapagaan ang kanilang pamumuhay.Sa pagdaan ng panahon,kinakitaan ng pag-unlad ang aspetong kultural ng tao na pinatunayan ng mga artifact;mga kasangkapan o sandata na gawa ng mga sinaunang tao.Dahil ditto,hinati ang kasaysayan ng mundo sa apat na panahon.Ang Panahon ng Lumang Bato,Bagong Bato,Mesolitiko,at Metal. Panahon ng Lumang Bato Tumutukoy ito sa panahon sa kasaysayan kung saan ang bato ang karaniwang gamit at kasangkapan ng mga sinaunang tao.Tinagurian din itong panahong Paleolitiko na mula sa mga salitang Greek na palaios at lithos na nangangahulugang sinauna at bato. Panahong Mesolitiko Nagmula ang salitang Mesolitiko sa meso at lithos na ang ibig sabihin ay gitna at bato.Ito ay isang transisyon mula sa panahon ng Lumang Bato hanggang Bagong Bato.Pinapalagay na nagsimula ito sa pagtatapos ng Pleistocene at nagwakas sa panahon kung saan ang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng tao.
  • 7. Panahon ng Bagong Bato Tinatawag din itong panahong Neolitiko,mula sa neos at lithos na nangangahulugang bago at bato.Tinatayang nagsimula ang panahong ito noong 10,000 taon kung saan natutunan ng tao na manirahan nang permanente sa isang lugar. Panahon ng Metal Sa pagpapatuloy na pag-unlad ng pamumuhay ng tao,unti-unting napalitan ang kanilang kasangkapan mula sa yaring bato patungong metal.Nagsimula ang kaalaman ng tao sa paggawa ng metal sa Asya,partikular sa Timog Kanlurang rehiyon nito.Lumaganap ang kaalamang ito sa iba pang karatig-lugar ng Asya.Pinapalagay na ang unang metal na ginamit ng tao ay ang copper o tanso.Sa kasalukuyan,patuloy pa ring gumagamit ng mga kasangkapang yari sa metal ang tao. PANDAIGDIGANG PANANAW MULA TIMOG ASYA Ang pandaigdigang pananaw ng mga Asyano ay batay sa kanilang relihiyon.Ang kanilang pamumuhay at kaugalian ay nakasandig sa relihiyong kanilang kinaaniban. HINDUISM Ang relihiyong Hinduism ang pinakamatandang relihiyon sa buong mundo.Ito ay umusbong sa bansang India .Nagsimula ang salitang Hinduism sa Persiyanong wika na “Hindu”na nangangahulugang India.Kung gayon ang salitang Hinduism ay patungkol sa “relihiyon ng mga tao sa India”Isang poleitismong relihiyon ang Hinduism.Ilan sa mga ito ay sina Brahma,Vishnu,at Shiva. Trimurti Taguri sa tatlong pangunahing Diyos ng mga Hindu. Brahama-Ang tagapaglikha.Hindi siya sinasamba tulad ng ibang diyos dahil nagampanan na niya ang kanyang tungkulin na likhain ang mundo. Vishnu-Ang tagapanatili.Siya ang nagpapanatili ng balanse sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Shiva-Ang tagasira.Siya ang lahat ng bagay.
  • 8. MGA PANINIWALA NG MGA HINDU: 1.Banal na Kasulatan-walang partikular na aklat ang pinagmulan ng lahat ng doktrina ng Hinduism. a.Vedas-pinakamatandang kasulatan ng mga Hindu at pinapalagay na kauna-unahang banal na aklat sa mga pangunahing relihiyon.Binubuo ito ng apat na aklat Rigveda,Samaveda,Yajurveda,at Aharvaveda.Bawat isa ay may apat na bahagi:ang Samhitas na tungkol sa mga dasal at awitin;Brahmanas na tungkol sa mga ritwal;ang Aranyakas at Upanishads na mga gawa ukol sa hiwaga at pilosopiya ng relihiyon. b.Ramayana at Mahabharata-mahabang epiko ukol sa mga tauhang Hindu.Pangunahing tauhan sa Ramayana ang mag-asawang sina Prinsepe Rama na isang bayaning Hindu at Prinsesa Sita na isang mapagmahal sa asawang si Rama.Ang Mahabharata ay kuwento sa mga digmaan kung saan magkakampi ang mga mortal na tao at mga diyos sa pagkontrol sa kaharian. 2.Sistemang Caste-Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu.Kabilang sa bumubuo ng sistemang caste ang Brahman(pari at iskolar),Kshatriya(pinuno at mandirigma)Vaishya(mangangalakal at propesyunal)at Sudra(manggagawa). 3.Dharma-ibig sabihin ay “nararapat”.Ang bawat Hindu ay may nakatakdang Gawain na nararapat na gampanan. 4.Reincarnation-naniniwala ang mga Hindu na ang isang indibidwal ay muling isisilang at mabubuhay muli sa ibang katauhan o anyo. 5.Moksha-nangangahulugang kalayaan o kaligtasan. 6.Karma-bawat aksiyon na gawin ng isang tao ay may malaking impluwensiya sa magiging buhay niya sa susunod na panahon o muli niyang pagsilang. 7.Pilgrimage-nagsasagawa ang mga Hindu ng mga banal na paglalakbay. 8.Puja o Pagsamba-karaniwang nagsasagawa ang mga Hindu ng ritwal sa sa pagsamba sa kanilang mga diyos. BUDDHISM Ang relihiyong Buddhism ay itinatag sa India ni Siddharta Gautama.Isang prinsipe at kabilang sa pangkat ng mga Kshatriya na nabuhay noong ikaanim na siglo BCE. SIDDHARTHA GAUTAMA (c560 BCE – c483 BCE) Siya ang tagapagtatag ng Buddhism.Ipinanganak siya sa Lumbini malapit sa bayan ng Kapilavastu sa Nepal. Mga Paniniwala ni Buddha: 1.Walang iisang diyos ngunit may paniniwala sa maraming espiritung nilalang. 2.Nirvana-estado ng walang hanggang kaligayahan at kapayapaan. 3.Apat na Marangal na Katotohanan(Noble Truth)-natutunang aral ni Buddha habang siya ay nagninilay sa ilalim ng puno ng Bodhi. 4.Walong Daan ni Buddha(Eightfolg Path)-buod ng katuruan ni Buddha at mga dapat sundin ng tao upang makamit ang kaliwanagan.
  • 9. PAGLAGANAP NG BUDDHISM Pagkamatay ni Siddhartha Gautama,ipinagpatuloy ng mga alagad niya ang kanyang misyon at unti-unting pinalaganap ito sa buong India at sa iba pang lupain.Nang lumaon,ginawa itong relihiyon ng mga tagasunod ni Buddha at nagtayo sila ng misyonero.Habang lumalaganap ang Buddhism sa Asya ,nahati ito sa dalawang pangkat.Ito ay ang Theravada Hinayana Buddhism at Mahayana Buddhism. PANDAIGDIGANG PANANAW MULA SILANGANG ASYA Ang mga pananaw at pilosopiya ng mga tanyag na Tsino ay tunay na humubog sa pamumuhay ng mga mamamayan ng China.Naimpluwensiyahan nina Confucius at Lao Tzu ang kalagayang pulitikal at panlipunang aspeto ng ng bansa. CONFUCIANISM Umusbong ang relihiyong Confucianism sa China.Ito ay itinatag ni Confucius na nabuhay sa panahon ng dinastiyang Chou.Para sa nakararami,ang Confucianism ay hindi isang relihiyon kundi isang paraan ng pamumuhay na nakasandig sa kodigo ng mga dapat gawin ng isang tao.Sa pagkamatay ni Confucius,ginawa itong relihiyon ng kanyang mga alagad at ipinalaganap ang kanyang mga katuruan. Confucius (551 BCE-479 BCE) Si Confucius ang itinuturing bilang pinakadakilang pilosopo ng China.Ang tunay niyang pangalan ay Kung Fu-Tzu na nangangahulugang Grand Master Kung.Ipinanganak siya sa Lu noong 551 BCE.Nabuhay siya sa panahon ng dinastiyang Chou (1027-256 BCE).Ang mga salaysay ukol sa kaniyang buhay ay pawing alamat lamang at ang tanging batayang historikal sa buhay niya ay ang aklat na Lun-Yu o Analects.Naging tanyag si Confucius sa kaniyang Ginintuang Aral o Golden Rule. Mga Paniniwala ng Confucianism: Filial Piety Pagsamba Pakikipagkapuwa Lipunan Pagiging Pinuno Kabilang Buhay TAOISM Isa sa mga relihiyon ng China ay ang Taoism.Nagmula ito sa salitang Tao na nangangahulugang “daan o landas”.Ang simbolo ng Taoism ay ang Yin Yang.Ang Yin ay nangangahulugang kadiliman,kahinahunan,o pagiging maamo samantalang ang Yang ay tumutukoy sa kaliwanagan,kasiglahan o pagiging matibay.
  • 10. Lao Tzu (570 BCE-490 BCE) Pinapalagay na si Lao Tzu ang nagtatag ng Taoism ngunit maraming iskolar ngayon ang nagsasabing isa lamang siyang alamat.Ayon sa tradisyong Taoist,siya ay ipinanganak sa lalawigan ng Henan noong ikaanim na siglo BCE.Naglingkod siya bilang opisyal sa dinastiyang Chou.Dahil sa hindi mabuting pamamahala ng mga pinunong Chou,nagpasya siya na lisanin ang imperyo ngunit hinadlangan siya at inutusang isulat ang kanyang mga pananaw sa isang aklat na tinaguriang Tao Te Ching. Mga Paniniwala ng Taoism: Tao Te Ching Ibig sbihin ay Aklat ng Daan at Kabutihan. Tao-nangangahulugang “daan”Pinaniniwalaan na ang pagsunod sa Tao ay pagsunod sa daan ng kalikasan. SINOCENTRISM Bukod sa relihiyong Confucianism at Taoism ang mga sinaunang Tsino ay may makahulugang pananaw ukol sa kanilang kabihasnan at pagkamamamayan tinatawag itong Sinocentrism. Ito ay paniniwala ng ng mga Tsino na ang kanilang bansa ang katangi-tangi sa buong mundo.Sa Sinocentrism,ang emperador ng China ang nag-iisang lehitimong pinuno ng buong mundo at ang mga pinuno sa ibang bansa ay mas mababa kaysa sa emperador. SHINTOISM Ang Shintoism ay isang katutubong relihiyon ng Japan.Ang ibig sabihin nito ay “daan ng mga diyos”.Nakabatay ang Shintoism sa pagsamba sa kami.Ang kami ay mga ispiritu o diyos sa kalikasan tulad ng bundok,puno,halaman,ibon,hayop,bato at maging tao.Karaniwan sa mga templo kung saan sumasamba ang mga Shinto ay may sagradong bakod na tinatawag na Torii. Mga Paniniwala ng Shintoism: 1.Divine origin-ito ay ang paniniwala sa pinagmulan ng bansang Japan at ng mga mamayanang Hapones.Ayon sa mitolohiya ng Shinto,ang Japan ay nilikha ng mga diyos na Sina Izanami at Izanagi.Ang kanilang apo na si Amaterasu Omi Kami,ang diyosa ng araw ang lumikha sa mga Hapones at pinagmulan ni Jimmu Tenno ang kauna-unahang emperador ng Japan. 2.Pagbigay-Paslamat s biyayang mula sa kami,pagtulong sa kapuwa at pamumuhay ng matiwasay.
  • 11. PANDAIGDIGANG PANANAW MULA TIMOG-KANLURANG ASYA Ang mga paniniwalang umusbong sa Timog-Kanlurang asya ay malaking papel na ginampanan hindi lamang sa buhay ng Asyano kundi sa buong sangkatauhan.Ang tatlong pananampalatayang ito ay nakasandig sa paniniwalang iisang Diyos at ang paglilingkod sa kapuwa ang kaakibat ng pananalig na ito. JUDAISM Ang Judaism ang kauna-unahang monoteismong relihiyon sa mundo.Nagmula ang salitang monoteismo sa Greek na mono at theos na nangangahulugang isa at paniniwala sa Diyos.Si Abraham ang itinuturing na tagapagtatag ng Judaism.Ang simbolo ng Judaism ay tinatawag na Star of David.Ito ay sumasagisag sa bansang Israel kung saan nagmula ang nasabing relihiyon.Mahigit na 13 milyon ang tagasunod ng Judaism. Ang Torah ang nagsisilbing bibliya ng mga Hudyo.Isinasagawa nila ang kanilang pagsamba sa Synagogue at ang namumuno sa gawaing ispiritwal ng mga Hudyo ay ang Rabbi.Ang banal na araw ng mga Hudyo ay ang Sabbath.Ang Passover isang mahalagang pagdiriwang ng mga Hudyo kung saan ginugunita nito ang dakilang pagligtas ng Diyos mula sa pagkakaalipin sa kamay ng mga Egyptian. KRISTIYANISMO Ang Kristiyanismo ang may pinakamaraming tagasunod sa lahat ng relihiyon sa mundo.Nagmula ang pangalan ng relihiyon kay Hesukristo.Nag-ugat ang Kristiyanismo sa relihiyong Judaism kung saan pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na si Hesus ang Mesiyas na ipinangako ng Diyos na magliligtas sa tao.Krus ang simbolo ng Kristiyanismo. Hesukristo (c6 BCE-30 BCE) Tinaguriang “Anak ng Diyos”.Ipinanganak si Hesus sa isang maliit na bayan ng Bethlehem sa Israel na noong panahong iyon ay sakop ng Imperyong Roman ang bansa. Ang Simbahan Isang pamayanan ng mga Kristiyanismo na pinamumunuan ng Santo Papa na nakabase sa Vatican City sa Rome. Ang Bibliya Tinaguriang banal na kasulatan at “Salita ng Diyos”.Ito ang pinakamahalagang aklat para sa mga Kristiyanismo.Dito nakapaloob ang istorya ng buhay ng mga natatanging tauhan sa Kristiyanismo kabilang na ang kanilang mga aral at katuruan. Mga paniniwala ng Kristiyanismo: Misa Santo Papa Komunyon Paggamit ng mga imahen nina Hesus,Maria,at mga banal na tao Binyag Huling Paghuhukom Debosyon kay Maria ang ina ni Hesus na makatutulong na mapalapit sa Diyos Iisang Diyos na may tatlong Persona.
  • 12. Mga Pagdiriwang: Kapaskuhan Pasko ng Pagkabuhay ISLAM Ang Islam ang pinakabatang relihiyon sa mundo.Ito ay nakabatay sa katuruan ni Mohammed tungkol sa pagsamba at pagsunod sa iisang Diyos na si Allah.Ang salitang Islam ay nangangahulugang “pagsuko kay Allah”.Sinisimbolo ito ng Crescent Moon at bituin.Ang Islam ang pangalawang relihiyon na may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo at may pinakamabilis na bahagadan ng paglaki ng populasyon. Mohammed (c571 CE-632 CE) Ang dakilang propeta ng Muslim at tagapagtatag ng relihiyong Islam.Ipinanganak siya sa Mecca na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Saudi Arabia .Ka’bah pinakabanal na lugar para sa mga Muslim. ARAL AT KATURUAN NG ISLAM Ang Islam ay karugtong ng relihiyong Judaism at Kristiyanismo.paniniwala na si Abraham,Moses,at Hesus ay pawing mga propeta lamang na sinugo lamang ni Allah upang ihatid ang kanyang mensahe sa tao. Qur’an (Koran) Pinakabanal na aklat ng mga Muslim.Nangangahukugan ito. na recitation. Limang Bahagi ng mga Muslim Shahadah Salat Sawn Zakat Hajj