2. PAUNANG GAWAIN:
TUKUYIN KUNG MAY MALI SA PANGUNGUSAP O WALA
1.Kaming mga magkakaibigan ay arawaraw
naglalaro ng basketball.
2.Iba’t-ibang paaralan ang nakilahok sa
isinagawang parada ng mga bituin.
3.Lumilipad nang matulin ang saranggola ni
Pedro kahapon.
4.Naku. Nahulog ang bata sa puno.
5.Bakit kaya umiilaw ang buntot ng alitaptap.
3. Simpleng Tuntunin:
KAPAG NILAGYAN NG PANLAPI ANG PANGNGALANG PANTANGI
AWTOMATIKONG GAGAMIT NG GITLING SA PAGITAN NG DALAWA
ANG ITO’Y MAGIGING ISANG PANDIWA (KILOS)
Halimbawa:
Nag + Jollibee (Nag-Jollibee kami kanina.)
Makapag + SM (Ligo na nang makapag-SM na tayo.)
Na + Eat Bulaga ( Na-Eat Bulaga ang bahay namin kahapon.)
Pinag + LRT (Pinag-LRT ako ng nanay patungo sa paaralan.)
I + Dawn Zulueta ( Halika, i-Dawn Zulueta mo ako!
Magpa + Goldilocks (Magpa-Goldilocks ka anaman diyan!)