22. Muli na namang tumambad sa atin ang
mapait na balita ng mga napatay sa
patuloy na kampanya ng gobyerno laban
sa illegal drugs. Sa dalawang linggong
nakaraan ay higit sa 50 katao ang
bumulugta sa magkakahiwalay na
operasyon ng mga pulis sa iba’t ibang
dako ng Metro Manila at Bulacan.
Masasabing isa na ito sa
pinakamadugong linggo ng tinaguriang
“war on drugs.”