Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras.pptx
- 2. Nang sa haring mapakinggan
Ang hatol na kagamutan
Kapagdaka’y inutusan
Ang anak niyang panganay
- 3. Si Don Pedro’y tumalima
Sa utos ng haring ama,
Iginayak kapagdaka
Kabayong sinakyan niya
- 4. Yumao nang nasa hagap
Kabundukan ay matahak
Kahit siya mapahamak
Makuha lamang ang lunas
- 5. Mahigit na tatlong buwang
Binagtas ang kaparangan
hirap ay di ano lamang
Sa hinaba ng nalakbay
- 6. Isang landas ang nakita
Mataas na pasalunga
Inakyat ng buong sigla
Katawan man ay pata na
- 8. Di ano ang gagawin pa’y
Wala nang masakyan siya;
Dala-dalaha’y kinuha’t
Sa bundok ay naglakad na
- 10. May namasdang punong kahoy
Mga sanga’y mayamungmong
Sa nagtubing naroroo’y
Bukod-tangi yaong dahon