2. Bilang isang mag- aaral na
lumalaki, may mga tungkulin ka sa
iyong sarili na dapat mong
gampanan. Kapag ang mga
tungkuling ito ay maayos mong
isinasagawa, ito ay nagiging bahagi
ng pang araw- araw mong gawain.
3. Paliligo araw-araw.
Pagpapalit ng malinis na damit at damit
panloob araw- araw.
Pagkain ng balanced diet.
Pagkain ng mga berdeng dahon na mga gulay
at sariwang prutas.
Pag iwas sa pagkain ng junk foods at pag- inom
ng softdrinks at iba pang pagkaing may
maraming sangkap na kemikal.
4. * Pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
• Pagtulog ng walo hanggang sampung oras sa
lood ng isang araw.
• Paglalaan ng sapat na oras sa paglalaro o pag
eehersisyo.
5. May mga bagay at kagamitan na
dapat tayo lang ang gumagamit
tulad ng mga personal na
kagamitan. Dapat ikaw lamang
ang gumagamit ng iyong
sepilyo, bimpo, suklay, at mga
panloob na damit.
6. Panuto: Lagyan ang patlang ng
() masayang larawan ng
mukha kung tama at ()
malungkot na larawan kung
mali ang sumusunod na
pangungusap.
7. ______1. Nawawala ang sepilyo mo,
nakita mo ang sepilyo ng nakababata
mong kapatid kaya ito muna ang
ginamit mo.
_____2. Maganda ang palabas sa
television. May pasok kapa
kinabukasan kaya sinabi ma na lang
sa tiyahin mo na kwentuhan ka na
lang tungkol sa palabas dahil
matutulog ka nang maaga para hindi
ka mapuyat.
8. _____3. Kinakain ni Momay ang mga
guklay at prutas na nakahanda sa
hapagkainan.
_____4. Naliligo si Angelo araw- araw
bago pumasok sa paaralan.
_____5. Nauuhaw ka habang
naglalakad. Nakita mo sa tindahan
na may malamig na softdrinks pero
ang binili mo ay isang bote ng
mineral water.
9. 1. Magsaliksik sa internet ng iba pang paraan ng
pag- aalaga sa sarili.
2. Magtala ng mga gawain na iyong ginagawa sa
araw- araw upang mapanatiling maayos ang
iyong sarili