Ito ay isang uri ng liham na ginagamit tuwing may nais bilhin na mga bagay na gagamitin, ititinda, humihingi ng tulong, nais pumasok para magtrabaho, o nagtatanong ukol sa negosyo.
*Disclaimer: the pictures/information/media used in this ppt do not belong to me. Credits to the rightful owners.
2. Kasanayang Pagkatuto at Koda
(MELCS):
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa
ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal bokasyunal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-
106)
Naililista ang mga katawagang teknikal
kaugnay ng piniling anyo (CS_FTV11/12PT-0g-
i-94)
3. Liham Pangangalakal/Pagnenegosyo
Ito ay isang uri ng liham na ginagamit tuwing may nais
bilhin na mga bagay na gagamitin, ititinda, humihingi
ng tulong, nais pumasok para magtrabaho, o
nagtatanong ukol sa negosyo.
Ang liham na ito ay may pormal na tono at sinusulat
upang makipag-ugnayan sa isang opisyal na tanggapan o
opisina.
Kadalasan, diretso ang pagsulat nito at tungkol lamang
sa pangangalakal na gustong gawin.
Ito rin ay ginagamit tuwing may inirereklamo ang isang
tao sa produkto o serbisyong nabibili.
6. Liham Aplikasyon
Ito ay maaaring tawaging cover letter at isang pormal
na dokumento na ipinapadala kasama ang resume o CV
(curriculum vitae) sa iba’t ibang kumpanya,
unibersidad, o samahan.
Kapag naghahanap para sa isang trabaho, ang isang
liham ng aplikasyon ay isa sa pinakamahalagang
dokumento na kailangan mong isulat.
Nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa iyong
mga kwalipikasyong pang-edukasyon, karanasan, at
pansariling paniniwala na aangkop sa posisyong iyong
pinapasukang trabaho.
7. Liham Aplikasyon
Ang isang liham ng aplikasyon ay maikling sulat na may
kasamang impormasyon tungkol sa kung bakit mo nais
ang trabaho, at mga detalye sa kung gaano ka
kwalipikado para sa trabaho. Ito ay isang paraan upang
mapatunayan na ikaw ang tamang kandidato para sa
trabaho.
Upang mapansin ito, magandang ideya na magsulat ng
isang liham aplikasyon na kasama ang iyong mga
personal na detalye, pati na rin ang mga impormasyon
tungkol sa kung ano ang iyong skills na maaaring mas
magaling ka kaysa sa iyong mga kasama na nag a-apply
rin.
9. KALIMITANG BAHAGI NG ISANG LIHAM
Ulong-sulat - Matatagpuan dito ang pangalan,
lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa
ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan
itong nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya
o institusyon.
Petsa - nagsasaad kung kailan isinulat ang liham
Patunguhan - inilalagay rito ang pangalan at
katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham;
kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito
10. KALIMITANG BAHAGI NG ISANG LIHAM
Bating Pambungad/Panimula - maiksing
pagbati sa patutunguhan ng liham
Katawan ng Liham - nagtataglay ng
mismong nilalaman ng liham
Bating Pangwakas - maiksing pagbati bago
wakasan ang liham
Lagda - pangalan o mismong lagda ng
nagpadala ng liham.