2. Ang pag-ibig ay mabuti, hindi namamadali at laging nananatili
Wala itong bahid ng pandaraya, bagkus sa kalungkutan gusto
ka nitong mapalaya.
Nakapaghihintay sa tamang panahon, parang pagpatak ng
tuyong dahon.
Wala ka nang hahanapin pa
dahil ang tunay na pag-big ay sapat na.
3. Hindi totoong kung ibibigay mo ang sarili ang pag-ibig ay
nananatili,
Hindi ang pag-aalay nang puri, ang sagot sa bawat sandali
Sapagkat ang lahat ng bagay na minamadali,
maaaring ang dulot nito ay pagkakamali.
Kabaligtaran naman ng paghihintay sa takdang panahon na
katulad ng pagtatagumpay sa bawat hamon.
4. Ang pag-ibig na nakuha sa panandaliang paraan, maaaring
mawala ng biglaan
Ngunit iba ang pag-ibig na pinaghirapan,
ipaglalaban ka hanggang sa dulo ng walang hanggan
Na kung may sampung dahilan para ikaw ay sukuan,
hahanap ng labing-isang paraan para ikw ay ipaglaban.
5. Ang pag-ibig na nagtatagumpay, ang Diyos ang
sumusubaybay.
Laging maghihintay at hindi nanlulupaypay.
Katulad ng punong mabunga at masagana,
Ihaharap ka sa kanyang dambana at patutunayan na
kayo ang itinadhana.
6. Group 1
Pearlie Adell Salmorin
Jephte Eugenio
Lysa Ann “Pororots” Baldrias
Jeanieve De Ocampo
Melona Rasay
April Endozo