2. LAYUNIN:
Naiisa-isa ang paraan ng pagpasok ng
mag-aaral sa paaralan
MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Naiuugnay ang konsepto ng lugar, lokasyon at
distansiya sa pang-araw araw na buhay sa
pamamagitan ng ibat-ibang transportasyon
mula sa tahanan patungo sa paaralan.
AP1KAP-IVc-6
6. Halina’t basahin ang tula at alamin ang maaring gamitin sa pagpasok sa
paaralan.
Pagpasok sa Paaralan
ni Roselily M. Esteban
Paano nga ba makararating sa iyong
paaralan? May mga paraan upang ito ay
mapuntahan. Maaaring kang maglakad kung
malapit lamang. Pwedeng sumakay sa bisikleta
kung kinakailangan
PAGLALAHAD
7. Paaralan mo ba’y medyo may
kalayuan? Maaari kang sumakay sa
traysikel o motorsiklo o ‘di kaya ay
pahatid sa kotse kung mayroon man.
Ang ibang bata sa bus nakikipagsiksikan.
8. Kung nakatira naman sa malubak na daan
Kuliglig ang ginagamit na sasakyan.
Kung katubigan, bangka ang kailangan.
Pwede naman ang dyip kung malayo
ang paaralan.
9. 1. Ano-ano ang ginagamit kapag ang
paaralan ay malapit lang sa inyong bahay?
Sagutin Natin!
2. Ano-ano namang sasakyan ang
ginagamit kapag ang iyong paaralan ay
nasa malayong lugar?
10. 4.Ano naman ang maaring gamitin kung
sa katubigan ka nakatira?
3.Kapag nakatira ka naman sa malubak
na daan ,ano ang maaring gamitin?
24. Ano ang natutunan mo sa araw na ito? Buuin ang pangungusap.
Tandaan
Maraming paraan para makarating ka sa iyong
__________. Maaari kang gumamit ng ___________
kung malapit ang inyong bahay sa iyong paaralan.
__________ang sasakyan mo kung sadyang
napakalayo ng iyong inyong pinag-aaralan.
bisikleta dyip
paaralan trak
paaralan bisikleta
dyip
26. Panuto: Tukuyin kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang
iyong sagot sa patlang na makikita sa unahan ng
bawat bilang.
_____1. Ang traysikel ay maari nating
sasakyan kung medyo malayo ang
bahay sa paaralan.
27. _____2. Pwedeng lumangoy ng
dagat mula sa isla kung papasok sa
paaralan sa kabilang bayan.
_____3. Kung malapit lang ang ating
bahay sa paaralan pwede na
natin itong lakarin kung papasok.
28. _____4. Ang dyip ay sasakyan kapag
malayo ang bahay sa paaralan.
_____5. Maaring sumakay ng bisikleta
sa pagtawid ng ilog mula tahanan
papunta sa paaralan.