Grade 3 Filipino Learners Module

7,633 views

Published on

Grade 3 Filipino Learners Module
Filipino

Published in: Education
0 Comments
3 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
7,633
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
168
Actions
Shares
0
Downloads
141
Comments
0
Likes
3
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Grade 3 Filipino Learners Module

  1. 1. DRAFT April 10, 2014 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  2. 2. DRAFT April 10, 2014 2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 1 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 3 Baitang Batang Pinoy Ako
  3. 3. DRAFT April 10, 2014 3 BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
  4. 4. DRAFT April 10, 2014 4 PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
  5. 5. DRAFT April 10, 2014 5 ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  6. 6. DRAFT April 10, 2014 6 TALAAN NG NILALAMAN Yunit I – Pamilya Ko Mamahalin Ko Aralin I – Ako Ito 7  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Aralin 2 – Pamilya Ko 12  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay  Pagkilala sa Iba’t ibang Bahagi ng Aklat Aralin 3 – Pag-uugali Ko 14  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Aralin 4 – Libangan Ko 17  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay  Paggamit ng Diksiyunaryo Aralin 5 – Pangarap Ko 20  Pagbibigay ng Tauhan, Tagpuan at Banghay ng Kuwento  Paggamit ng Panghalip (Ako, Ikaw, Siya) Aralin 6 – Kakayahan Ko 24  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila)  Pagbibigay-kahulugan sa Pictograph Aralin 7 – Paniniwala Ko 27  Pagbuo ng Bagong Salita  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, kayo, Sila) Aralin 8 – Karapatan Ko 31  Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento  Paggamit ng Panghalip Pamatlig (Ito, Iyan, Iyon)  Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat sa Pagkalap ng Impormasyon Aralin 9 – Tungkulin Ko 34  Paggamit ng Panghalip Pamatlig (Ito, Iyan, Iyon)  Paggamit ng mga Kasalungat na Salita Aralin 10 – Kaibigan Ko 38  Pagtukoy ng mga Bahagi ng Kuwento  Paggamit ng Panghalip Pamatlig (Ito, Iyan, Iyon)
  7. 7. DRAFT April 10, 2014 7 Nakapunta ka na ba sa isang pista? Ano-ano ang natatandaan mo rito? Babalik ka ba rito? Bakit? Basahin nang tahimik ang kuwento upang malaman kung bakit babalik ang ating bida sa pistang kaniyang napuntahan. Ang Pistang Babalikan Ko Araw ng Sabado noon. Isinama ako ni Nanay sa Lucban, Quezon upang dumalo sa Pahiyas Festival. Malugod kaming tinanggap ng aming mga kamag-anak. Maraming tao ang bumibisita sa kanilang lugar sa ganitong araw. Bigla akong napalabas ng bahay nang marinig ko ang sigawan. “Hayan na! Hayan na! Magsisimula na ang parada!” ang sigawan ng mga tao. Ang daming tao sa kalsada! Lahat sila gustong makapanood. Dahil ako ay maliit, wala akong masyadong makita. Natuwa ako sa isang dayuhan nang yayain niya akong lumipat sa kaniyang puwesto sa unahan. Agad akong nagpasalamat sa kaniya. Naging kapana-panabik sa bawat isa ang panonood ng parada ng makukulay na karosa na may palamuting mga produkto ng bayan. Bawat karosa ay talagang napakaganda. “Wow! Nakakatuwa talaga dito. Sana ay isama uli ako ni Nanay sa susunod na taon,” ang sabi ni Rodel. “Naku! Lalo kang malilibang kapag nakita mo ang maririkit nilang palamuti sa kanilang mga bahay. Talagang malikhain ang mga taga-Lucban,” sambit naman ni Nanay. Hinding- hindi ko malilimutan ang pistang ito. Babalik ako.
  8. 8. DRAFT April 10, 2014 8 Punan ng angkop na salita ang mga pangungusap ayon sa iyong sariling karanasan. Isulat ang sagot sa iyong notebook. 1. Dumalo ako sa kaarawan ng aking kaklase. Marami akong kinain tulad ng______, ______, _______, at _______. Nagkaroon din ng mga palaro. 2. Tuwing buwan ng ________, nagdiriwang ang aming baryo ng kapistahan. Dito masaya ang mga _____at _________. Maraming handang pagkain tulad ng ______, _______, at _______ sa halos lahat ng bahay. 3. Tuwing araw ng Pasko, masaya kami sa aming________. Naghahanda ng aking ina ng masasarap na_______. Sabay- sabay kaming nagtutungo sa _______upang magpasalamat sa Dakilang Lumikha. Nagpupunta rin kami sa aming ______, ______, _______, ______, ________, at _______ upang humalik sa kanilang kamay. Tingnan kung paano ginawa ng iyong guro ang isang kiping. Ngayon, ikaw naman ang gagawa nito . Matapos gawain ang iyong kiping, sipiin sa loob nito at kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap: Natutuhan ko sa araling ito na ______________________ _______________. Kaya _______________. Basahin ang kuwento. Kung tapos na, sumulat ng isang talata na may tatlong pangungusap tungkol sa katulad na karanasan. Isulat ang kuwento sa iyong notebook. Ang Pamamasyal sa Parke Tuwing araw ng Linggo pagkatapos magsimba, kaming magkakapatid ay ipinapasyal ng aming mga magulang sa parke. Masaya kaming naglalaro dito ng habulan, taguan, pagpapalipad ng saranggola, at kung ano-
  9. 9. DRAFT April 10, 2014 9 ano pang laro na aming maisip. Tapos, kakain kami ng masasarap na pagkaing niluto ni Nanay. Samantala si Tatay naman ay abala sa pagkuha sa amin ng mga larawan. Ano-anong paghahanda ang isinasagawa sa inyo bago ang araw ng kapistahan? Tingnan kung pareho ng ginagawa ng mag-anak sa ating kuwento. Pista sa Aming Bayan Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan. May kabataan na nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay ng mga banderitas . May ilang kababaihan naman ang nag-aayos ng bulaklak sa mga sasakyan na gagamitin sa prusisyon. Ang mga lalaki naman ay nag-aayos ng mga ilaw. Ang mga Nanay naman ay abala na sa paghahanda ng mga pagkain tulad ng suman, halaya, atsara at iba pang kakanin. Ang mga Tatay naman ay nag-aayos ng kanilang mga bakuran. Ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay katulong sa paglilinis ng aming bahay. Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa binasa mong kuwento? Isulat ang mga ito ayon sa kanilang kategorya. Gawin ito sa isang malinis na papel.
  10. 10. DRAFT April 10, 2014 10 Batay sa iyong napag-aralan, kaya mo nang kumpletuhin ang pangungusap na: Ang pangngalan ay ________ ng ________, _________, ________, __________ at ___________. Pumili ng isa o dalawang salita mula sa listahan. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap na magsasabi ng iyong karanasan. bagyo bulaklak palengke pusa Gusto mo bang makaipon ng pera? Alkansiya ang kailangan mo. Kung may mga lumang botelya o lata sa inyong bahay, maaari mo itong gamitin. Tingnan natin sa kuwento kung paanong napakinggan ang alkansiya ng isang pamilya. Ang Aking Alkansiya Araw-araw, maagang akong gumigising upang ihanda ang sarili sa pagpasok. Naliligo. Nagbibihis ng damit pampaaralan. Araw-araw, paglabas ko sa aking silid, dumidiretso ako sa aming kusina. Sa hapag-kainan, doon ko makikita ang masarap na almusal na luto ng aking Nanay. Matapos kumain, sasabay na ako kay Tatay sa pagpasok sa paaralan. Isang araw, paglabas ko sa aming silid-kainan. Wala si Nanay. Wala ring masarap na almusal. Kaya’t hinanap ko si Nanay. Nakita ko siya sa kanilang silid-tulugan. Umiiyak. May sakit pala si Tatay at kailangang dalhin sa ospital. Bumalik ako sa aking kuwarto. Pinahid ko ang aking luha at kinuha ang aking alkansiya. Iniabot ko ito kay Nanay. At isang mahigpit na yakap ang kaniyang ibinigay sa akin.
  11. 11. DRAFT April 10, 2014 11 Kunin mo ang iyong notebook. Gawin ang sinasabi sa bawat panuto. 1. Basahin ang talaan ng ngalan ng mga kaklase mo na ipakikita ng guro. Sipiin ang ngalan ng sampung kaklase na nais mong imbitahan sa iyong kaarawan. 2. Narito naman ang talaan ng mga pagkain. Sipiin ang limang nais mong kainin. - cake candy pritong manok - atis bayabas lansones - karne isda itlog - cheese gatas tinapay - carrot kalabasa sibuya Kumpletuhin ang pangungusap. Sa pagsipi ng ngalan ng tao at lugar dapat tandaan na ito ay laging nagsisimula sa __________ o _________ letra. Sipiin ang mga salita ng ________ at ______ upang hindi magkamali sa pagbasa nito. Basahin mong muli ang kuwentong “Ang Alkansiya.” Sa iyong notebook, sipiin at ipangkat ayon sa kategorya ang mga pangngalan na ginamit dito.
  12. 12. DRAFT April 10, 2014 12 Paano kayo nagtutulungan sa inyong mag-anak? Katulad din ba ng mag-anak sa tula? Ang Aming Mag-anak (www.takdangaralin.com) Ang aming mag-anak ay laging masaya Maligaya kami nina Ate at Kuya. Mahal kaming lahat nina Ama’t Ina Mayroon ba kayong ganitong pamilya? Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan, Tulong ni Ama ay laging nakaabang. Suliranin ni Ate ay nalulunasan Sa tulong ni Inang laging nakalaan. Pag-aralan ang mga salita na mababasa sa Puno ng mga Salita na ginawa ng iyong guro. Pumili at gamitin sa pangungusap ang isang pares ng salitang magkatugma . Magkakatugma ang mga salita kung _____________. Mula sa mga binasa ng guro, sumipi ng isang maikling tugma. Bilugan ang mga salitang magkakatugma na ginamit dito.
  13. 13. DRAFT April 10, 2014 13 Natatandaan mo ba ang tula na “Ang Aming Mag-anak?” Basahin mo itong upang masagot ang mga tanong na ibibigay ng iyong guro. Pumili ng isang ngalan na binanggit sa tulang binasa. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa napiling ngalan. Kumpletuhin ang pangungusap. Nagagamit ang _________ sa pagsasabi ng ngalan ng tao, lugar, at bagay. Pag-aralan ang larawang ipakikita ng guro. Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol dito. Guhitan ang mga pangngalan na ginamit. Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? Ano ang tungkulin ng bawat isa? Tulad ng isang pamilya , ang aklat ay may kaniya ring bahagi. At ang bawat isa ay may ginagampanang tungkulin , tulad mo sa iyong sariling pamilya. Alamin natin sa tulang babasahin mo ang bawat bahagi ng aklat at ang ginagampanan ng bawat isa. Mga Bahagi ng Aklat ni RCJ Bahaging pabalat laman ay ngalan ng aklat Ang paunang salita mula sa may-akda.
  14. 14. DRAFT April 10, 2014 14 Ang talahuluganan nagbibigay ng kahulugan Talaan ng nilalaman pagkakasunod-sunod naman. Kung nais makita’y kabuuan sumangguni ka sa katawan At sa karapatang–ari naman malalaman limbag kung saan at kailan. Kumuha ng isang aklat. Sabihin at ipakita sa klase ang bawat bahagi nito. Ang mga bahagi ng aklat ay ________, ________________, ________________, _______________ at _______________. Kunin ang gamit sa Art. Gumawa ng isang dummy ng aklat upang maipakita ang mga bahagi nito. Isulat ang ngalan ng bawat bahagi ng aklat. Ano-ano ang ginagawa mo tuwing araw ng Sabado? Katulad din ba ng kay Ian? Tingnan natin sa kuwento. Ang Sarap Talaga! Ako si Ian. Ang tawag nila sa akin ay Ian Masipag. Sa umaga, pagkagising ko agad kong inaayos ang aking higaan at mag-isa na akong maglilinis ng aking katawan.
  15. 15. DRAFT April 10, 2014 15 Habang naghihintay ako na maluto ang aming almusal, tinutulungan ko si Kuya sa pagdidilig ng mga halaman sa aming hardin. Kapag si Ate naman ay nakikita kong naglilinis sa loob ng aming bahay, tinutulungan ko siya sa pagpupunas ng mga mesa. Si Tatay naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain ng kaniyang mga alagang manok. Pagkatapos naming kumain ng almusal, ako lagi ang tagalinis ng mesa. Matapos kong tulungan ang aking pamilya, lalabas na ako ng aming munting bahay upang makipaglaro sa aking mga kaibigan. Ang sarap talaga kapag araw ng Sabado! Pumili at pumunta sa isang learning center na inihanda ng iyong guro. Gawin ang mga panuto na mababasa sa learning center. Natutuhan ko na mahalaga ang pagsunod sa nakasulat na panuto upang __________________________. Basahin at sundin ang mga nakasulat na panuto sa loob ng silid-aralan . Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa kuwento ni Ian? Basahin muli ang kuwento niya upang makatiyak. Mula sa Kahon ng mga Larawan na inihanda ng iyong guro, kumuha ng isang larawan. Sabihin ang ngalan nito at magbigay ng isang pangungusap tungkol dito.
  16. 16. DRAFT April 10, 2014 16 Natutuhan ko sa araling ito na ginagamit ang _______ sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar, at bagay sa paligid. Hintayin ang hudyat ng iyong guro upang lumabas ng silid. Mula sa hardin, kumuha ng isang bagay na nakapukaw ng iyong pansin. Idikit ito sa iyong notebook at sumulat ng pangungusap tungkol dito. Basahin muli ang kuwento ni Ian. Tukuyin ang mga salitang ginamit dito na may dalawa at tatlong pantig. Sa iyong notebook sipiin ang parirala sa kuwentong “Ang Sarap Talaga” na sumasagot sa sumusunod na tanong. 1. Ano ang ginagawa ni Ian pagkagising niya? 2. Ano ang ginagawa niya habang naghihintay na maluto ang almusal? 3. Paano niya tinutulungan ang kaniyang Ate? 4. Ano ang ginagawa ni Ian at ng kaniyang Tatay? 5. Saan pumupunta si Ian matapos ang kumain ng agahan? Sa pagsipi ng parirala, dapat kong tandaan na ________. Mula sa kuwentong “Ang Aking Alkansiya,” sipiin sa iyong notebook ang dalawang pariralang binubuo ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantig.
  17. 17. DRAFT April 10, 2014 17 May alam ka bang laro ng lahi? Alamin ito sa tekstong babasahin. Tara na, Laro Tayo! Anong laro ang alam mo? Sigurado ako- tulad ko- ang nasa isip mo agad ay online games na lagi mong nilalaro sa harap ng computer. Tama? Pero alam mo ba marami pala tayong mga laro na sadyang sariling atin. Ang tawag dito ay laro ng lahi. Ito ang isa sa mga sumisimbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito rin ay tumutulong sa paghubog sa pagkakaisa natin, ang pagiging isport. Ginagawa din nitong alisto ang ating isip at malakas ang ating pangangatawan. Higit sa lahat binibigyan nito ng isang makulay na karanasan ang bawat batang Pilipino. Sino sa atin ang hindi nakakaalam ng Jack en Poy? Ito ay isa sa mga laro ng lahi na kinagigiliwan ng lahat, bata man o matanda. Nariyan din ang patintero na ang kailangan lamang ay pamato na puwede ang isang maliit na bato na nasa tabi-tabi lamang. Kung marami namang goma o rubber band, pagdugtung-dugtungin lamang ang mga ito. Tawagin ang mga kaibigan at lumukso habang umiikot nang pabilis nang pabilis ang nilubid na goma. Kapag nasabit ang paa mo, taya ka na. Ito ang luksong lubid. Kung maliwanag naman ang buwan, yakagin mo ang iyong mga kaibigan at kayo ay magtagu-taguan sa labas ng bahay. Mag-ingat lamang sa pagtatago at baka mahuli ka kaagad. Kung ayaw mo naman ng tagu-taguan, puwede rin naman na maglaro tayo ng bahay-bahayan sa loob o labas man ng bahay. Ito ay ilan lang sa mga laro ng ating lahi na talagang napakasayang laruin. Kung iisa-isahin natin lahat hindi tayo matatapos. Kaya, tara na, laro na tayo!
  18. 18. DRAFT April 10, 2014 18 Sumama sa iyong pangkat. Sagutin ang mga tanong na mababasa sa papel na ibibigay ng iyong guro. Upang masagot ko ang mga tanong sa tekstong aking binasa, kailangan kong _____________________________. Sa mga laro ng lahi na binanggit sa talata, ano ang nais mong laruin? Ipaliwanag kung bakit ito ang pinili mo. Habang binabasa ang “Tara na , Laro Tayo” subukang sagutin ang sumusunod na tanong: - Sino ang puwedeng maglaro ng bawat larong binanggit? - Kailan ito nilalaro? - Saan ito nilalaro? Kasama ang iyong pangkat, umisip ng isang bago at orihinal na laro. Isulat ang kagamitan para dito at kung paano ito lalaruin. Matapos ito, subuking ipalaro sa mga kaklase. Natutuhan ko na binubuo ang mga salita ng mga __________ at________. Mahalagang malaman ang tamang __________ ng isang salita upang mabasa o maisulat ito nang tama. Maghanda upang isalaysay sa klase ang isang laro na naibigan mo.
  19. 19. DRAFT April 10, 2014 19 Pag-aralan mo ang isang pahina na hinango sa isang diksiyunaryo. prototipo pukawin prototipo – orihinal; modelo; huwaran publiko – taong- bayan proyekto – binalak na gawain publisidad –anunsyo; pagsasabi sa madla prunes – pinatuyong uri ng ubas pukaw – hindi tulog prutera – lalagyan ng prutas pukawin – gisingin Gamit ang isang diksiyunaryo, ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. 1. bahaghari 4. sagisag 2. haligi 5. sira 3. parusa Natutuhan ko na sa paggamit ng diksiyunaryo, kailangan kong ___________________________. Basahin muli ang “Tara na, Laro Tayo.” Sipiin sa diksiyunaryo ang kahulugan ng mga salitang hindi mo maunawaan sa talatang ito.
  20. 20. DRAFT April 10, 2014 20 Sino-sino ang iyong kaibigan? Ano ang pangarap ninyong magkakaibigan? Tingnan natin ang pangarap ng magkakaibigan sa kuwento at kung paano nila ito naabot. Pulang Watawat ni Maria Hazel J. Derla “Unahan tayo!” At sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan na sina Bobie, Anna, Jacko at Mark. Mag- uunahan silang makarating at makuha ang pulang watawat na nasa dulo ng kalsadang ginawa nilang laruan nang hapong iyon. Si Eva ang nagbabantay ng watawat na ito. “Sige, takbo. Bilisan niyo,” ang sigaw ni Eva sa kaniyang mga kaibigan. Nang biglang matapilok si Anna. Sinubukan niya muling tumakbo ngunit hindi na niya talaga makaya ang sakit. Tuluyan na siyang napaupo. Hindi na niya makukuha ang pulang watawat. Siya pa naman ang nangunguna sa kanilang takbuhan. Napaiyak si Anna, talo na siya. Ipinangako pa naman niya ito sa bunso niyang kapatid na si Celia. Walong kamay ang sa kaniya ay bumuhat. “Sama-sama nating kunin ang pulang watawat,” ang sabi ng kaniyang mga kaibigan. Mula sa usapang mababasa, tukuyin ang (1)tauhan, (2)tagpuan, at (3) mga pangyayari dito. Pangarap Ko Nagkuwentuhan na lamang ang magkakaibigan habang nagpapahinga si Anna sa kaniyang silid.
  21. 21. DRAFT April 10, 2014 21 Jacko : Wow! Ang galing mo naman. Samakatuwid gusto mong maging artista. Ikaw, Bobie, ano ang gusto mo paglaki? Bobie : Nais kong maging guro. Gusto kong turuan ang mga bata na magbasa, magsulat at magbilang tulad ni Tiya Liling. Siya ang naghikayat sa akin na maging guro balang araw. Maryan : Ako gusto kong maging doktor. Gusto kong tumulong sa mga maysakit lalo na ang mga walang pera sa pagpapagamot tulad ni Anna. Ang mga elemento ng kuwento ay _________, _________, at __________. Kumpletuhin ang hinihingi ng organizer matapos basahin ang kuwento. Gawin ito sa iyong notebook. Paglalakbay sa Baguio ni Maria Hazel J. Derla Isa si Ruth sa mga batang babaeng iskawt na napili upang magtungo sa Baguio. Natuwa siya nang payagan siyang sumama ng kaniyang mga magulang. Agad niyang inihanda ang kaniyang mga dadalhin. Naghanda na siya ng listahan kaya madali na niya itong matatapos. Ngunit nawawala ang kaniyang alampay. Hindi puwedeng wala ito. Hinanap niya ito sa kaniyang kabinet ngunit Pamagat ng Kuwento Tauhan Tagpuan Pangyayari
  22. 22. DRAFT April 10, 2014 22 talagang wala. Napaiyak si Ruth. Hindi na siya makakasama kung bakit ba naman iyong pinakaimportante ang nawawala. Pumasok ang kaniyang Nanay, dala-dala ang bagong plantsang alampay. Napalundag sa tuwa si Ruth na ipinagtaka ng kaniyang Nanay. Basahing muli ang usapan ng magkakaibigang sina Jacko sa pahina 17. Alamin kung ano-ano ang pangarap ng magkakaibigan. Sa iyong pangkat, pag-usapan ninyo ang pangarap ng bawat isa. Maghanda ng isang usapan na iparirinig sa klase gamit ang mga natutuhang panghalip panao. Ginagamit ang ako kapag ___________. Ginagamit ang ikaw naman kapag _________ samantalang ginagamita ang siya kapag _________. Sumulat ng isang script na nagpapakita ng usapan ninyong magkakaibigan tungkol sa inyong pangarap. Gamitin ang ako, ikaw at siya. Bawat isa sa atin ay may pangarap sa buhay. Ano nga ba ang ginagawa natin upang maabot ito? Pag-abot sa Pangarap Bawat bata ay may pangarap. Bawat bata ay may karapatang magkaroon ng edukasyon. Ibig sabihin dapat lahat
  23. 23. DRAFT April 10, 2014 23 ng mag-aaral ay nasa loob ng paaralan. Sa ganitong paraan, tiyak na maaabot nila ang kanilang pangarap sa buhay. May mga batang nais maging doktor, pulis, nars, o dili naman kaya ay guro. Pero tingnan mo ang upuan sa silid-aralan. Kumpleto ba kayo sa klase? Bakit may mga batang laging wala sa klase? May sakit ba? Tinatamad kaya? Ano ang dahilan? Ayon sa ilang mag-aaral, hindi sila pumapasok dahil hindi nila gusto ang kanilang pinag-aaralan. Minsan din naman ayaw nila sa kanilang teacher. Ang iba naman walang baon, pera man o pagkain, kaya hindi na lang sila pumapasok. Iyong iba naman, tinatanghali ng gising dahil sa napuyat sa paglalaro sa computer. Kung laging ganito paano nila maaabot ang kanilang pangarap? Paano na sila?? Sang-ayon ka ba sa sinabi ng talatang iyong nabasa? Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap na sasagot dito. Isulat ito sa notebook. Dapat kong tandaan na sa pagsulat ng isang talata, kailangan kong gawin ang sumusunod: _____________________, _________________, ____________________ at _________________. Isulat muli ang talata. Isaalang-alang ang iyong mga sagot sa katanungan na ibinigay ng guro sa pagsusuri nito.
  24. 24. DRAFT April 10, 2014 24 Natatandaan mo ba ang kuwentong “Ang Aking Alkansiya?” Paano nakatulong sa kaniyang magulang ang batang bida sa kuwento? Gusto mo rin bang makaipon tulad niya? Pag-aralan kung paano makagagawa ng isang simpleng alkansiya. Paggawa ng Alkansiya Kagamitan: pandikit, gunting, makulay na magazine, basyo ng pulbos o alkohol Mga hakbang: 1. Kumuha ng basyo ng polbos, alkohol o iba pang bagay na maaaring paglagyan ng pera. 2. Butasan ang gitna gamit ang matulis na bagay,tulad ng kutsilyo ( Maaaring magpatulong sa nakatatanda.) 3. Kunin ang iba’t ibang makukulay na magazine at gupitin ito sa nais na disenyo. Mas maraming kulay, mas maganda. 4. Lagyan ng pandikit ang ginupit-gupit na magazine at idikit ito sa basyong binutasan. 5. Patuyuin. Saan mo inilalagay ang iyong mga lapis, ballpen at krayola sa ibabaw ng mesa mo? Basahin kung paano gumawa ng isang penholder at sagutin ang mga tanong tungkol dito. 1. Kumuha ng latang walang laman. 2. Linisin ito. 3. Gumupit ng diyaryo at idikit sa labas ng lata. 4. Idikit ang mga ginupit na papel upang maging disenyo.
  25. 25. DRAFT April 10, 2014 25 Sagutin sa notebook ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng penholder? 2. Ano ang gagawin sa diyaryo? Upang masagot ang mga tanong tungkol sa binasa ko, kailangan kong ______________. Basahin ang nakapaskil na paraan sa paggawa ng isang pinwheel. Sagutan ang mga tanong tungkol dito. Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Bata, matanda, mahirap man o mayaman, kapag oras ng pangangailangan, lahat ay bukas-palad sa kapwa. Alamin natin kung paano nakatulong ang magkakaibigan sa paghahanda ng relief goods na dadalhin sa mga biktima ng kalamidad. Maliit Man ay Malaki Rin Nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa relief center upang tumulong sa pag-aayos ng mga damit at pagkain na dadalhin sa evacuation center. Janet : Magandang umaga po. Ako po si Janet at sila ang aking mga kaibigan. Tutulong po kami sa inyo. Bb. Luz : Naku, salamat naman. Sige doon kayo pumuwesto sa may bandang dulo sa kanan. Paki-ayos ang mga damit at mga pagkain. Lea : Jenny, tayo na lamang ang maglagay ng dalawang noodles sa lahat ng plastic bag. Rosa : Lino, Eldy. Kayo naman ang bahala sa pagkikilo ng sampung kilo ng bigas. Sila naman nina Ferdie at Fina ang bahala sa mga damit. Janet : E ako, ano ang gagawin ko? Myrna : Janet, tayo na lamang ang bahalang
  26. 26. DRAFT April 10, 2014 26 magtali ng mga supot na kanilang gagawin. Nang matapos ang kanilang gawain. Rosa : Bb. Luz, lalakad na po kami. Natapos na po naming iempake ang damit at pagkain na ibinigay po ninyo sa amin. Bb. Luz: Maraming salamat sa inyo ha. Maliliit man kayo ay malaking tulong naman ang ibinigay ninyo para mapadali ang aming gawain. Lino : Sige po. Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa bawat pangungusap. “Lahat (kami, tayo) ay maglilinis ng bahay,” wika ni Miguel. “Nautusan (kayong, kaming) magpunas ng sahig. “(Sila, Kayo) naman ang magtatanggal ng agiw sa kisame. “Kayo naman ang magpupunas ng kagamitan sa bahay samantalang ( sila, kami) ang magwawalis ng bakuran.” Ginagamit ang sila sa _____________________. Ang kayo naman ay para sa ________ at ang tayo ay sa _____. Kasama ang iyong pangkat, sumulat ng isang usapan tungkol sa pagtulong sa kapwa. Gamitin ang kami, tayo at sila.
  27. 27. DRAFT April 10, 2014 27 Pag-aralan ang graph na bubuuin mo kasama ang iyong mga kaklase at guro. Itanong sa mga kaklase kung ilan ang babae at lalaki sa kanilang pamilya. Gumawa ng isang graph upang ipakita ang impormasyong nakuha. Natutuhan ko sa aralin na ito na ang __________ ay ________________________________. Ipakita sa isang graph ang mga impormasyon na tungkol sa pangarap naming magkakaibigan. Sina Aian, Vans, at Ryan pangarap nilang maging artista. Sina Tina at Ryzel, ay nangangarap na maging doktor. Pangarap ni Rachelle na maging dentista. Ako at si Martin naman nais naming maging guro. Alamin sa kuwento kung paano ipinakita ng mag-anak ang kanilang pagkakaisa sa gitna ng suliranin. Huwag Mawalan ng Pag-asa ni Jenny-Lyn U. Trapane Isang araw, masayang nagkukuwentuhan ang mag-iina habang hinihintay nila si Mang Lando buhat sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Maya-maya ay humahangos na dumating
  28. 28. DRAFT April 10, 2014 28 si Mang Ador. Ibinalita niya na si Mang Lando ay dinala sa ospital. Noon din ay nagtungo ang mag-iina sa ospital na pinagdalhan kay Mang Lando. Kasalukuyang nagpapahinga na siya nang dumating ang kaniyang pamilya. “Salamat sa Panginoon at buhay pa ako. Nag-alala ako masyado kasi naisip ko kayong lahat. Paano na tayo ngayon na wala na akong trabaho?” ang malungkot na sabi ni Mang Lando. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Ang mahalaga ay ligtas ka na,” nakangiting wika ni Aling Elena. Halos magkakasunod namang nagsalita ang kanilang mga anak. “Opo nga, Itay.Hayaan po ninyo at lalo pa naming pagbubutihin ang aming pag-aaral. Magtitipid na rin po kami sa aming mga kagamitan.” “Salamat mga anak. Hayaan ninyo, kapag malakas na ako ay maghahanap agad ako ng bagong trabaho,” masigla nang sambit ni Mang Lando. “Alam kong hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Halina kayo. Sama-sama tayong magdasal. Huwag tayong mawalan ng pag-asa,” yaya ni Aling Elena. Naniniwala ang Pamilya Reyes na malalampasan nila ang anumang pagsubok sa kanilang pamilya basta’t sila ay sama-samang nanalig sa Panginoon. Palitan at dagdagan sa una o huling pantig ng mga nakalistang salita upang makabuo ng bagong salita. Isulat ang iyong sagot sa notebook. Pinalitan Dinagdagan laso lawa mali papaya
  29. 29. DRAFT April 10, 2014 29 Makabubuo ako ng mga bagong salita kung __________. Sa isang malinis na papel, sumulat ng isang salita na may tatlong pantig. Pumili ng isang kaklase na magdadagdag o magpapalit ng pantig ng naisulat mo upang makabuo ng bagong salita. Suriin ang mga pangungusap. Subuking ilagay ang angkop na panghalip sa bawat patlang. 1. Si Marco, Gab at ako ay magsasanay sa badminton. _____ ay lalahok sa paligsahan sa badminton. 2. Sina Peter, Gary, ikaw at ako ay nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit. _____ ay nag-aral na mabuti. 3. Sina Mang Carding, Aling Perla at ikaw ay modelong hinahangaan ng karamihan. _____ ay tumutulong sa mga taong nangangailangan. 4. Sina Carlos, Jenny at Edward ang nanalo sa palaro. _____ ay pinarangalan sa aming barangay. Sumulat ng pangungusap na gagamit ng sila, kayo, tayo at kami tungkol sa pagtutulungan sa pamilya. Ang ______________ ay inihahalili sa ngalan ng tao. _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong nagsasalita at mga kasama. _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong kausap at mga kasama. _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong pinag- uusapan at mga kasama.
  30. 30. DRAFT April 10, 2014 30 _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong nagsasalita at kaniyang mga kasama. Kasama ang iyong kapangkat, gumawa ng isang dula- dulaan na ipakikita sa buong klase. Gamitin ang mga panghalip na natutuhan sa aralin ngayon. Natatandaan mo ba kung paano gamitin ang diksiyunaryo? Balikan at pag-aralan mo ang pahina ng diksiyunaryo sa pahina 14. Gamit ang iyong diksiyunaryo, ibigay ang hinihingi ng talaan. Salita Kahulugan Dictionary Entry mabait mahalaga malinis mayaman Ang _______________ ay makatutulong sa akin upang mapadali ang paghahanap ng _________. Itala ang tatlong salitang hindi mo naunawaan sa mga nagdaang aralin. Isulat ang hinihingi ng talaan. Salita Kahulugan
  31. 31. DRAFT April 10, 2014 31 Bakit kaya excited si Flor? Limang Tulog ni Florenda B. Cardinoza Limang tulog na lang. Excited na ako. Mamamasyal kami sa Maynila. Naisip ko tuloy ang mga naglalakihang gusali. Ang maiingay na busina ng mga sasakyan at ang mga taong parang langgam sa dami at sa bilis ng lakad. Naisip ko rin ang mga bibilihin kong gamit sa paaralan. Kailangan ko ng ruler, lapis, notebook, bag, at sapatos. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan maaga akong nagising . Ang sakit ng ulo ko. Giniginaw rin ako. Paano na ako makasasama sa Maynila? Pagpasok ni Nanay, may dala siyang isang basang bimpo at gamot. Kasama ang iyong pangkat, ipakita sa isang dula-dulaan ang maaaring maging wakas ng isang sitwasyon na mapipili ng inyong pangkat. 1. May sakit si Celia. Dinala siya sa doktor. 2. May pagsusulit sina Peachy. Napuyat siya dahil sa computer games. 3. Maraming basura sa paligid ng bahay nina Kenneth. 4. Sa umaga ay nagtitinda muna ng diyaryo si Jayson bago pumasok sa paaralan.
  32. 32. DRAFT April 10, 2014 32 Larawan ng batang babae na nakatingin sa kuya na may hawak na pencil case. Sa aralin ngayon, natutuhan ko na _________________. Sipiin ang isang sitwasyon at tapusin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling wakas. 1. Namasyal ang magkaibigang Rino at Lito. Nagpasya silang manood ng sine. Papasok na sila sa sinehan nang mapansin ni Lito na nawawala ang kaniyang pitaka. 2. Sumama si Anna sa kanilang field trip sa Maynila. Nawili siya sa panonood ng iba’t ibang hayop. Hindi niya namalayan na napahiwalay na siya sa kaniyang grupo. 3. Lahat ng barya ay inihuhulog ni Buboy sa kaniyang maliit na alkansiya. Minsan, kailangan niyang makabili ng gamit sa kaniyang proyekto at kulang ang ibinigay ng kaniyang Tatay. Ano ang sinasabi mo sa kapatid mo kung may nais kang hiramin sa kaniya? Tingnan natin sa usapan kung paano ito isinagawa ng ating bida. “Ate, puwede ko bang mahiram itong bag mo?” “Kuya,maaari ko ba iyang mahiram sa iyo?”
  33. 33. DRAFT April 10, 2014 33 Humanap ng kapareha. Gumawa ng usapan tungkol sa panghihiram ng gamit. Ang ito ay ginagamit kung _________________, ang iyon naman ay kung ____________ at ang iyan ay kung __________. Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid mo. Ituro ito sa klase gamit ang ito, iyon o iyan. Buksan ang Talaan ng Nilalaman ng Kagamitan ng Mag- aaral. Hanapin at isulat sa notebook ang pahina ng Aralin 8 - Karapatan Ko. Mula sa kuwentong “Limang Tulog,” sumipi ng dalawang salita na may tatlo o apat na pantig. Isulat ang kahulugan ng mga ito mula sa diksiyunaryo. “Salamat Ate. Salamat Kuya” “Iyon ang mga gamit na maaari mong hiramin.”
  34. 34. DRAFT April 10, 2014 34 Buksan ang Talaan ng Nilalaman. Sumipi ng dalawang aralin at ang pahina nito. Sumipi ng isang salita na nabasa mo sa mga nagdaang aralin. Isulat ang kahulugan nito mula sa diksiyunaryo. Sipiin ang isang pangalan ng sumulat ng aklat na ito. Natutuhan ko sa aralin na ito na _______________________ _____________________________________. Kunin muli ang ginawang dummy ng isang aklat sa naunang aralin. Isulat sa bawat bahagi nito ang mga makikitang impormasyon dito. Mahilig ka bang kumain ng tsokolate? Masama ba ito o mabuti sa iyong kalusugan? Basahin ang talata upang malaman ang kasagutan sa tanong na ito. Benepisyo ng Tsokolate http://www.philstar.com/para-malibang/2013/01/26/901204/benepisyo-ng-chocolAte Isa sa mga karapatan ko bilang isang bata ay mabigyan ng sapat at masusustansiyang pagkain. Tungkulin ko naman na panatilihing malusog ang aking pangangatawan. Kailangang piliin ko ang aking mga pagkain. Pero hindi naman ibig sabihin nito, hindi na ako kakain ng mga pagkaing talagang gusto ko tulad ng tsokolate. Sabi nila masama ito sa aking kalusugan lalo na sa aking mga ngipin.
  35. 35. DRAFT April 10, 2014 35 May nabasa ako na hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain sa ating katawan, lalo na ang mga matatamis gaya ng tsokolate. Sa totoo lang may ilang benepisyo rin ang nakukuha dito. Ilan sa mga ito ay: Nakakapayat – Tama ang pagkakabasa mo, nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. Sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa University of California, natuklasan na nakakapagpabilis ng metabolismo ang tsokolate. Dahil dito, agad na natutunaw sa ating katawan ang calories na nagiging sanhi ng pagtaba. Nakapagpapatalino – Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi muna kumain ng ilang bar ng tsokolate para mas gumana ang iyong IQ? Ang dark chocolAte ay mayaman sa kemikal na nakapagpapaalerto sa utak ng tao. Ito ay ang flavonoids. Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo na patungo sa utak. Nakapagpapalakas – Mahusay itong baunin kung ikaw ay namamasyal. Bakit? Tumutulong kasi ang theobromine na taglay nito para mas lalo kang lumakas. Ang kemikal na ito ay matatagpuan din sa kape at ilang energy drink. Maganda din itong pagkunan ng magnesium at chromium na kilala bilang energy producer. Nakakaalis ng kulubot sa mukha/balat – Kung ang mga prutas at gulay ay nagtataglay ng antioxidants, gayundin ang tsokolate na siyang nagbibigay ng makinis na mukha o kutis sa iyo. Sa isang talaan katulad ng nasa ibaba, isulat ang mga dati mong kaalaman tungkol sa pagkain ng tsokolate. Sa tapat nito, isulat naman ang bago mong nalaman tungkol sa pagkain na ito.
  36. 36. DRAFT April 10, 2014 36 Natutuhan ko sa araling ito na ___________________ __________________________. Ipakita sa pamamagitan ng paggawa ng isang poster ang natutuhan mo sa aralin ngayon. Suriin ang mga larawan. Ano kaya ang sinasabi ng bawat tauhan? Gumawa ng pangungusap gamit ang ito, iyon, at iyan. Tumayo at bumuo ng isang malaking bilog. Ipasa ang bola habang may tugtog. Kapag tumigil ang tugtog ang batang may hawak ng bola ang magbibigay ng isang pangungusap gamit ang ito, iyan, at iyon. Natutuhan ko sa araling ito na ang salitang ito, iyan, at iyon ay mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Noon Ngayon Masama sa katawan Mabuti sa katawan
  37. 37. DRAFT April 10, 2014 37 Ginagamit ang ______ kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo. Ginagamit ang ______kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo. Ginagamit ang _______kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap. Gamit ang mga larawan, sumulat ng isang usapan gamit ang ito, iyon, at iyan. Balikan ang mga larawan sa naunang aralin. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. Sa iyong sagutang papel, isulat nang wasto ang sumusunod na pangungusap. 1. naku Maraming namatay sa lindol 2. bakit ayaw niyang sumama 3. nakita ko silang namamasyal sa luneta 4. wow ang ganda nang babae na nanalo sa miss world. 5. saan ka nakatira ngayon
  38. 38. DRAFT April 10, 2014 38 Ang mga malalaking letra ay ginagamit sa _________. Ang tuldok ay ginagamit sa ___________________. Ang tandang padamdam ay ginagamit sa ____________. Ang tandang pananong ay ginagamit sa _______________. Ang kuwit naman ay ginagamit sa ____________________. Isulat sa iyong notebook ang “Panatang Makabayan.” Alamin sa kuwento kung sino ang mga naging bagong kaibigan ng ating bida. Bagong Kaibigan ni Bernard G. Umali May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw na sumakay upang matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy ng papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang bintana at nakita ko doon ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah, alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon, nakita ko ang iba’t ibang hayop
  39. 39. DRAFT April 10, 2014 39 at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na nang makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw akong maliwanag sa langit. May isang bituin na ubod ng laki. Aha! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap. Ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Mayamaya ay kinalabit na ako ni Inay. “Gising na anak, may pasok ka ngayon.” “’Nay, nanaginiip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!” “Oo. Meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang school bus.” Basahin mo ang kuwento at ibigay ang hinihiling sa ibaba. Gawin ito sa iyong notebook. Ang Robot ni Elmer Malakas ang ulan kaya nawalan ng pasok. Naisip ng magkakaibigan na sina Elmer, Cire, at Dustin na maglaro na lamang sa loob ng bahay nina Elmer. Pagpasok sa bahay, nag-una-unahan sila sa pagkuha ng bagong robot na padala ng Tatay ni Elmer. Nang bigla itong bumagsak sa sahig. Natigilan ang lahat. Nang damputin ito ni Elmer, nakahinga siya nang maluwag nang makitang hindi naman pala ito nasira. Isulat sa notebook ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. 1. Ano ang pamagat ng kuwento na iyong binasa? 2. Sino-sino ang tauhan? 3. Saan ito naganap?
  40. 40. DRAFT April 10, 2014 40 Pamagat Tagpuan Unang Pangyayari Gitnang Pangyayari Huling Pangyayari Tauhan 4. Kailan ito naganap? 5. Ano ang suliranin? 6. Ano ang wakas ng kuwento? Ang isang kuwento ay may mga elemento tulad ng _________, ___________, at __________________. Matapos basahin ang isang kuwentong napili mo, kumpletuhin ang balangkas na ito. Iguhit si Bernard at ang isang bagay na nakita niya sa kaniyang panaginip. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito gamit ang ito, iyon, o iyan. Ano kaya ang sinasabi ng tauhan sa bawat larawan? Isulat ito sa iyong notebook.
  41. 41. DRAFT April 10, 2014 41 Ang ito ay ginagamit sa ___________. Ang iyon naman ay sa _____________ at ang iyan ay sa _________________. Gumawa ng isang komik istrip upang maipakita mo ang wastong gamit ng ito, iyan at iyon. Anong pangyayari ang iyong napakinggan? Ibahagi ito sa iyong mga kapangkat. Basahin at suriin ang naisulat na talata ng iyong pangkat. Isulat mo ito nang wasto sa iyong notebook. Sa pagsulat ng isang talata dapat kong tandaan na __________. Sumulat sa iyong notebook ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa isang pangyayaring iyong napakinggan.
  42. 42. DRAFT April 10, 2014 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  43. 43. DRAFT April 10, 2014 2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 2 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 3 Baitang Batang Pinoy Ako
  44. 44. DRAFT April 10, 2014 3 BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
  45. 45. DRAFT April 10, 2014 4 PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
  46. 46. DRAFT April 10, 2014 5 ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  47. 47. DRAFT April 10, 2014 6 TALAAN NG NILALAMAN Yunit II – Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko Aralin 11 – Magbakasyon Tayo 7  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Aralin 12 – Mamasyal Tayo 10  Pagtukoy sa Salitang Magkakatugma Aralin 13 – Alagaan Natin 12  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay  Salitang may Klaster Aralin 14 – Magkaibigan Tayo! 17  Paggamit ng Iba’t ibang Bahagi ng Aklat Aralin 15 – Maglaro Tayo 20  Paglalarawan/Paghahambing ng mga Bahagi ng Kuwento  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila) Aralin 16 – Magsama-sama Tayo 23  Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita Aralin 17 – Magtulungan Tayo 27  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila)  Pagkukumpara ng mga Kuwento Batay sa Tauhan Aralin 18 – Damdamin, Igalang Natin 33  Pagbibigay ng Kasingkahulugan at Kasalungat  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila) Aralin 19 – Magkuwentuhan Tayo 38  Paggamit ng Panghalip Bilang Pamalit sa Pangngalan (Nito, Niyan, Noon, Niyon)  Pagbuo ng Bagong Salita Aralin 20 – Magmahalan Tayo 42  Salitang Iisa ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Bigkas  Paggamit ng Nito, Niyan, Noon, Niyon
  48. 48. DRAFT April 10, 2014 7 Maraming nangyayari tuwing bakasyon. Isa rito ay ang paglipat ng tirahan na naranasan ng ating bida sa kuwento. Tingnan natin kung paano nabago ang pagtingin niya sa kaniyang bagong pamayanan. Maling Akala Bakasyon. Bagong lipat kami sa Barangay Asisan. Noong una, kinabahan ako. Baka wala akong maging kaibigan. Baka hindi mabait ang mga tao dito. Pagdating namin, binati na agad kami ng pinuno ng barangay, si Kapitan Joel. Mayamaya lang kasunod na niya agad si Konsehal Steve, na opisyal din ng barangay. May kasama siyang ilang kalalakihan upang tumulong sa aming paghahakot ng mga gamit. Oras na ng miryenda. Sinamahan ako ni Precy, ang aking bagong kaibigang bumili ng mainit na tinapay sa tindahan ng panaderong si Mang Elias. Sabi niya, siya raw ang pinakamasarap gumawa ng tinapay sa lugar. Dumaan din sa aming bahay si Mang Ruben, isang tubero, dala-dala ang kaniyang liyabe at tubo upang tiyakin na maayos na dadaloy ang tubig sa amin. At dahil sa maghapong pagtatrabaho, napagod si Nanay, sumakit ang kaniyang ulo. Agad namang pumunta si Doktor Hingan para tingnan kung ano ang kalagayan niya. Buti na lang okay siya. Salamat sa mababait naming bagong kaibigan. Mali pala lahat ng aking akala.
  49. 49. DRAFT April 10, 2014 8 Kunin ang kagamitan mo sa Art. Gumawa ng isang kard ng pasasalamat para sa katulong sa inyong pamayanan. Natutuhan ko sa aralin ngayon na __________________. Iguhit mo ang iyong sarili sampung taon mula ngayon bilang isa na ring katulong sa pamayanan. Basahin mo muli ang “Maling Akala.” Tukuyin ang mga pangngalan na ginamit dito. Sa unang hanay, isulat ang mga katulong sa pamayanan na binanggit sa kuwento. Sa ikalawang hanay, mag-isip at sumulat ng isang pangngalang pantangi para sa pangngalan sa unang hanay. Sa ikatlong hanay, sumulat ng dalawang pangungusap gamit ang mga isinulat sa dalawang hanay. Gawin mo ito sa iyong notebook. Sundan ang ibinigay na halimbawa. Pambalana Pantangi Pangungusap panadero Theo Si Theo ay isang panadero. Masarap siyang gumawa ng tinapay. Ang pangngalang pambalana ay _________. Ang pangngalang pantangi ay _________.
  50. 50. DRAFT April 10, 2014 9 Makipanayam sa isa sa mga katulong sa paaralan. Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa mga gawain niya araw- araw sa paaralan. Balikan muli ang kuwento tungkol sa mga katulong sa pamayanan. Umisip ng isang salitang maglalarawan sa bawat isa. Balikan mo ang karanasan mo nang nagdaang bakasyon. Isipin mo ang mga nakilala mong katulong sa pamayanan. Sumulat ng dalawang salitang magkasalungat na maaaring gamitin para sa kanila. Magkasalungat ang mga salita kung ____________. Pakinggan ang kuwento nina Nerry at Trining na babasahin ng iyong guro. Iguhit ang magkaiba nilang mundo.
  51. 51. DRAFT April 10, 2014 10 Ang lalawigan ng Laguna sa Rehiyon IV-A ay isa sa magagandang lugar na maaari nating pasyalan. Ano nga kaya ang kagandahan ng lugar na ito? Biglaang Lakad Araw ng Sabado. Nakakainip sa bahay. “Magbihis kayo,” ang sabi ni Tatay. Kaya lahat kami ay simbilis ng kidlat na gumayak. “Brrrmm…. Brrmm” “Saan kaya tayo pupunta?” ang tanong ko kay Kuya. Pero umiling lang siya sa akin. “Maligayang Pagdating sa Bayan ng Laguna.” Hindi nagtagal, nakarating kami sa isang lugar na may kakaibang mga bahay at gusali. Akala ko tuloy wala na kami sa Pilipinas. Ang mga nakikita raw namin na mga bahay at gusali dito ay itinayo pa noong panahon ng mga Kastila. Matagal na iyon, hindi ba? Ang galing talaga ng mga Pilipino sa paggawa ng mga kahanga-hangang bagay na ito. May nakita rin kami na mga banga at palayok na nahukay sa Pinagbayanan noong 1967. Makasaysayan pala ang bayan na ito ng Pila. Binisita rin namin ang mudspring sa Los Baños. Ayon sa kuwento ni Ate, ito raw ang pinakagitna ng bulkan na mas kilala natin ngayon na Bundok Makiling. Ibig sabihin, ito ay dating bulkan. Lumangoy rin kami sa isang hot spring sa Los Baños. Ang sarap! Ang init ng tubig! Maganda ito sa kalusugan. Gabi na kami nakauwi at dahil sa pagod wala nang maingay sa biyahe. Tanging sina Tatay at Nanay na lamang ang gising.
  52. 52. DRAFT April 10, 2014 11 Mamasyal sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga larawan ng magagandang lugar na nakadikit sa loob ng silid-aralan. Hanapin sa bawat lugar ang isang pares ng magkatugmang salita na nakasulat dito. Magkatugma ang mga salita kung ___________________. Bumunot ng isang papel na may nakasulat na isang tugma. Basahin ito nang malakas sa klase at tukuyin ang mga salitang magkakatugma. Basahing muli ang kuwentong, “Biglaang Lakad.” Gusto mo rin bang makarating sa mga lugar na pinasyalan ng pamilya? Bakit? Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng isang patalastas kung bakit kailangang piliin ng ibang Pilipino na pumasyal sa isang magandang lugar sa Pilipinas na tutukuyin ninyo. Sa pagbibigay ng paliwanag, kailangang ________. Sumulat ng dalawang pangungusap upang maipahayag ang pagmamalaki sa pamayanang kinabibilangan.
  53. 53. DRAFT April 10, 2014 12 Muling basahin ang “Biglaang Lakad.” Sumipi ng dalawang pangungusap mula dito. Gawin ang sumusunod sa iyong notebook matapos basahin ang “Limang Tulog” sa p. 28. Sipiin ang mga ngalan ng tao. Sipiin ang ngalan ng araw. Sipiin ang tanong ni Ate. Sipiin ang sinabi ni Nanay. Sa pagsipi ng parirala at pangungusap, dapat kong tandaan na ___________. Alin-alin sa lugar na ito ang nais mong pasyalan? Sipiin mula sa talaan ang limang ngalan ng lugar sa iyong notebook. Bulkang Mayon Bulkan ng Taal Underground River Talon ng Pagsanjan Mines View Park Isangdaang Pulo Ayon sa kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan. At upang maging malusog tayo, kailangan naman natin ng isang malinis na pamayanan. Paano natin magiging kayamanan ang ating pamayanan?
  54. 54. DRAFT April 10, 2014 13 Ang Pamayanan ay Kayamanan Natasha B. Natividad Ako ay mahilig mamasyal Sa pamayanan na aking mahal Tuwing Sabado ako’y naglalaro Sa palaruan, kasama ang kalaro. Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita Aking kaibigan nag-iwan ng basura Mabilis ko siyang tinawag Kaibigan, huwag mong gawin ‘yan Dapat alagaan at ingatan Ang ating pamayanan Kung ito ay pababayaan Tayo rin ang mahihirapan. Huwag nating hintayin Kapaligiran ay dumumi Kumilos at isaisip Na ito ay pagyamanin. Sumama sa iyong pangkat sa paglalakbay sa isang pamayanan sa pamamagitan ng isang mapa. Gawin ang mga panutong mababasa sa kapaligiran. Upang makasunod ako nang maayos at wasto sa mga nakalimbag na panuto, kailangan kong __________. Ano ang gagawin mo? Nasa parke ka. Nagandahan ka sa isa sa mga bulaklak na nakatanim dito. Nais mo sanang makita rin ito ng iyong nanay
  55. 55. DRAFT April 10, 2014 14 pero may nakasulat na “Bawal Pumitas ng Bulaklak.” Ano ang gagawin mo? Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng pangungusap tungkol dito. Pumili ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Pahulaan ito sa mga kaklase mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pangungusap tungkol dito. Ang pangngalan ay __________. Sumulat ng isang talata tungkol sa isang larawan na iyong napili. Bilugan ang ngalan ng tao. Guhitan ang ngalan ng bagay. Ikahon ang ngalan ng lugar. IMCS Image Bank
  56. 56. DRAFT April 10, 2014 15 Ano-ano ang ginagawa sa inyong barangay upang maging malinis ito? Katulad din ba ng ginagawa sa Purok 7? Purok 7 Nagkaroon ng pagpupulong ang mga mamamayan. Nagplano sila ng mga gagawin nila upang maging malinis ang kanilang kapaligiran. Ang mga babae ay mag-iipon ng mga plastik at mga diyaryo upang mai-recycle sa kanilang barangay center. Ang kalalakihan naman ay gagawa ng mga basurahan na may iba’t ibang kulay upang ilagay sa bawat tapat ng bahay sa kanilang lugar. Ang mga batang iskawt ay maglalagay ng mga paalala sa tabing kalsada tungkol sa pagpapanatiling malinis ng kanilang kapaligiran. Ang lahat ay nangako na maglalabas ng basura sa takdang oras para hakutin ng trak ng basura. At ibigay ang kanilang suporta sa mga proyekto at programa ng barangay. Kumpletuhin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. IMCS Image Bank
  57. 57. DRAFT April 10, 2014 16 1 2 3 4 5 Ang mga salitang may klaster ay _________________. Isulat sa iyong notebook ang mga salitang may klaster na makikita sa loob ng kahon. 1 2 3 4 5 p l o r e r a k t o r l a k t a w b o l a i a l a k d a n l u i s t a p r i t o i u b e o a l a m b r e w s s i s k w a t e r i t a p l a n e t a t i s e
  58. 58. DRAFT April 10, 2014 17 Paano dadami ang iyong kaibigan? Basahin ang tula ng tungkol sa mga tagubilin. Sigurado akong dadami ang iyong kaibigan kung susundin mo ang mga ito. Ang Bilin sa Akin Malou M. De Ramos Ang bilin sa akin nina Tatay at Nanay Maging magalang, sumunod sa magulang Ang batang ganito ay kinatutuwaan Ng lahat ng tao sa pamayanan. Ang bilin naman nina Lolo at Lola Ibigay ang kay Bunso, ang kina Ate at Kuya Huwag mag-aangkin ng pag-aari ng iba Sinoman at saanman ay katutuwaan ka. Ang guro kong mahal may bilin din sa akin Alituntunin sa paaralan dapat laging sundin Simbahan at anumang lugar ay igalang natin Ang pamayanan ay alagaan at mahalin. Ang bilin sa akin ay laging susundin Gagawin ang makakaya upang ito ay tuparin Ipamamalas kabutihan, kanino man at saan man Upang maging modelo ng mga mamamayan.
  59. 59. DRAFT April 10, 2014 18 Basahin ang mga salita sa loob ng kahon. Hintayin ang panuto ng guro sa susunod na gawain. Magkakatugma ang mga salita kung ___________. Pakinggan ang tulang babasahin ng guro. Itaas ang pulang watawat na hawak kung makaririnig ka ng pares ng mga salitang magkatugma. Ano- anong katangian ng isang kaibigan ang nais mo? Sumulat ng dalawang parirala bilang sagot dito. Gumupit ng isang puso. Sa loob nito, sumulat ng isang pangungusap kung paano ka magiging tunay na kaibigan. Sa pagsulat ng parirala at pangungusap, __________. kulay tulungan kuhanan ampalaya labanos hitsura gulay kanila kaharian kilos Pedro pareho sala kultura kaloob suklob
  60. 60. DRAFT April 10, 2014 19 Isulat ang pangalan ng tatlong kaibigan mo. Sa tapat nito, sumulat ng isang parirala o pangungusap tungkol sa kaniya. Ang aklat ay isa raw sa mga kaibigan natin. Sa bawat pagbuklat natin ng pahina nito, dinadala tayo sa iba’t ibang lugar at ipinakikilala tayo sa iba’t ibang tao. Kilalanin natin ang ating kaibigang ito. Basahing muli ang “ Mga Bahagi ng Aklat” sa p. 8. Kasama ang iyong pangkat, buklatin ang mga aklat na ibibigay ng guro. Pumili ng aklat na may paksa o kuwento tungkol sa magkaibigan. Tukuyin ang mga bahagi ng aklat na napili. Ang mga bahagi ng aklat ay _____________. Pumunta sa silid-aklatan. Humanap ng isang aklat na puwede mong basahin tungkol sa mga kaibigan natin sa bansang Asya.
  61. 61. DRAFT April 10, 2014 20 Ang larong taguan ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas. Tingnan natin kung ano ang nangyari sa paglalaro nito ng mga bago nating kaibigan. Tagu-taguan Bilog ang buwan. Maliwanag ang paligid. Tapos nang maghapunan ang mag-anak. Tapos na rin ang mga takdang- aralin. “Von! Von! Magtaguan muna tayo sa labas,” yaya ni Aiah sa kaniyang nakababatang kapatid. Isinama na rin nila ang kanilang kambal na kapatid na sina Chacha at Cheche. Kasunod na rin nila ang kanilang kambal na pinsan na sina Theo at Sid. “Tagu-taguan. Maliwanag ang buwan. Isa, dalawa, tatlo,” si Aiah ang taya. “Pung, Cheche.” “Pung, Theo.” “Pung, Sid.” Isa na lang ang hindi niya talaga makita. “Ang galing talagang magtago ni Von!” Hanap dito. Hanap doon. Hindi siya talaga makita. “Von, anong ginagawa mo diyan sa itaas ng puno. Baka mahulog ka,” ang natatakot na sigaw ni Ate Nika. Tawanan ang lahat. Si Von naman ang taya.
  62. 62. DRAFT April 10, 2014 21 Pamagat Tauhan Tagpuan Banghay Balikan at basahin muli ang isang kuwento mula sa mga nagdaang aralin. Ibigay ang hinihingi ng story pie sa ibaba. Gawin ito sa iyong notebook. Ang isang kuwento ay may ________, _________, __________, at __________. Humanap ng kapareha. Ibahagi ang kuwentong binasa. Matapos ito, pakinggan mo naman ang kuwentong ibabahagi ng iyong kapareha. Paghambingin ang mga ito sa tulong ng balangkas na nasa ibaba. Kuwento Tagpuan Tauhan Banghay Kuwento 1
  63. 63. DRAFT April 10, 2014 22 Nais ninyong magkakaibigan na makipaglaro sa bago ninyong kaklase na kararating lamang sa inyong paaralan. Ano ang sasabihin mo upang ipakilala ang sarili at ang iyong mga kaibigan. Maghanda ng isang pangungusap gamit ang alinman sa sila, kayo, tayo, at sila. Hintayin ang hudyat ng guro kung ano ang susunod na gagawin. Ang ______ ay ginagamit kapag ______. Ang ______ ay ginagamit naman kung ________ Ang ________ sa ____________. Ipakilala ang sarili at ang mga kapatid mo at ang paborito nilang laro. Gamitin ang sila, kayo, tayo, at sila. Kuwento Tagpuan Tauhan Banghay Kuwento 2
  64. 64. DRAFT April 10, 2014 23 Sumulat ng isang pangungusap na sasagot sa sumusunod na tanong. Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa inyong bahay? Sa paaralan? Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap na sasagot sa tanong na : Bakit kailangang maglaro ang batang katulad mo? Sa pagsulat ng isang talata, _________________. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap na sumasagot sa tanong na ito: Ano ang laro na nais mong matutuhan? May bakanteng lote ba na malapit sa inyong bahay? Ano ang puwede nating gawin dito? Paano natin ito mapapakinabangan?
  65. 65. DRAFT April 10, 2014 24 Ang Mahika Tingnan mo nga naman ang dating bakante, mabato at damuhang lugar sa aming barangay ay isa nang magandang hardin. Hindi rin biro ang pinagdaanan naming magkakaibigan upang maging maganda ang lugar na ito. Una, inalam muna kung talaga bang mainam pagtaniman ang lugar na ito. Nang makasiguro kami, sinimulan na naming bungkalin ang lupa. Sumunod ay inalis na namin ang mga bato at lahat ng mga bagay na makasasagabal sa aming pagtatanim. Matapos ito, itinanim na namin ang mga buto ng petsay. At ngayon , ito ay isa nang magandang hardin. Sagutin ang mga tanong matapos basahin ang kuwento. Kakaibang Kaarawan Kaarawan ni Tatay. Pero sa halip na maghanda sa bahay, iba ang naisip niya. Pinagbihis niya kami nina Ate, Kuya at Nanay ng puting t- shirt. Binigyan din niya kami ng pare-parehong kulay ng sombrero. At kami ay lumakad na. Pagdating sa may labasan ng aming barangay. Ang daming tao at lahat kami ay pare-pareho ng t-shirt at sombrero. Binigyan kami ng pala, tree guard at punla ng puno. Tapos, sumunod kami sa lider ng aming pangkat sa lugar na pagtataniman namin. “Ito ang regalo ko sa inyo at sa mga magiging anak ninyo,” ang sabi ni Tatay. 1. Saan nagpunta ang mag-anak? 2. Bakit kakaiba ang pagdiriwang ni Tatay ng kaniyang kaarawan?
  66. 66. DRAFT April 10, 2014 25 Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasa kung ______________. Basahin ang isa pang teksto upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Ang Pamamasyal Isang araw ng Biyernes, kami ng aking mga kaklase ay namasyal sa isang Botanical Garden. Ito ay isang lugar na kung saan ang iba’t ibang klase ng halaman ay inaalagaan upang pag-aralan. Para itong silid-aklatan na ang nakalagay ay mga halaman. Dito namin natutuhan ang kahalagahan ng mga halaman sa ating kapaligiran at kung paano dapat pangalagaan at paramihin ang mga ito. Pagod man ang lahat sa maghapong pamamasyal , may ngiti pa rin sa aming mga labi dahil sa napakagandang karanasan. 1. Saan nagpunta ang mga bata? 2. Ano-ano ang ginawa nila dito? 3. Bakit sinabing napakagandang karanasan ito ng mga bata? Halina at sama-sama tayong mamasyal sa bukid sa pamamagitan ng tula sa ibaba. Tuklasin natin ang kagandahan ng lugar na ito. Sa Bukid Ninanais ko’y simple lamang na buhay Hindi man napakayaman basta’t matiwasay
  67. 67. DRAFT April 10, 2014 26 Ibig kong tumira sa gitna ng bukid Na pook na tahimik at may luntiang paligid. Dito’y kay gandang pagmasdan ng palay Na tinutukoy na simbolo ng buhay Sariwang prutas iyong matitikman Sariwang gulay, hatid ay kalusugan. Malinis na tubig ang iyong makikita Asul ang kulay na lubhang kay ganda. Samyo ng hanging sariwa Walang amoy ng basura. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1. Ang Barangay Silangan ay payapang lugar. Walang kaguluhang nagaganap dito dahil ang lahat ng tao ay magkakakilala at magkakasundo. 2. Anumang gawain, ang lahat nagtutulungan kaya madali itong natatapos. 3. Ang nakatiwangwang na lupa ay tinataniman ng gulay. Natutuhan ko ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng _________________. Basahin ang talata at pansinin ang mga salitang may salungguhit. Alamin ang kahulugan ng bawat isa batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Sa iyong notebook, gawin ang talaan na nasa ibaba. Mula sa kaniyang kubo sa itaas ng burol, tinanaw ni Jannet ang mga nagsasayang kanayon na malapit sa
  68. 68. DRAFT April 10, 2014 27 dalampasigan. Walang ano-ano, nakita niya ang papalapit na mga dambuhalang alon sa dagat. Mabilis na kinuha ni Jannet ang sulo at sinilaban ang nakaimbak na mga pinatuyong palay. Nakita ng mga kanayon ni Jannet ang usok at apoy na mula sa lugar na imbakan ng kanilang palay. Dali-dali ang lahat na umakyat sa burol upang patayin ang sunog. Pagkaakyat ng kahuli-hulihang kanayon, nakita nila ang malalaking alon na tumangay sa lahat ng bahay, puno at hayop sa kanilang nayon. Sa halos lahat ng mesa ng pamilyang Pilipino, hindi mawawala ang pandesal. May nagtitinda ba nito sa inyong lugar? Alamin kung paano tinutulungan si Arnold ng kaniyang mga kabarangay sa pagtupad niya ng kaniyang pangarap sa buhay. Si Arnold na Magpapandesal Maaga pa lamang ay gising na si Arnold. Kinuha niya ang kaniyang bisikleta at ang maliit na bayong. Handa na siya! Salita Kahulugan
  69. 69. DRAFT April 10, 2014 28 Agad niyang tinungo ang tindahan ni Ate Mely. Iniabot niya ang kaniyang bayong. Pagbalik sa kaniya punong-puno ito ng mainit na pandesal. May bonus pa ito na pitong maliliit na pandesal para kay Arnold. Kailangang magmadali ni Arnold bago lumamig ang kaniyang paninda. Kaya nagsimula na siyang pumadyak sa kaniyang bisikleta. Sa hindi kalayuan, naghihintay na sa kaniya si Mang Jose na handa nang pumunta sa kaniyang palayan. Gayundin si Mang Iking na dala-dala na ang kaniyang martilyo, lagare at kahon ng mga pako. Hindi rin nagpahuli si Kuya Lino na naghahanda na ng kaniyang mga kagamitan upang mabantayan at magabayan ang mga batang patawid ng kalsada. Umabot din siya sa papaalis na si Mang Berting, sakay sa kaniyang jeep, handa na niyang sunduin ang mga bata sa kani- kanilang tahanan upang ihatid sa paaralan. At siyempre, may itinira siya para kay Gng. Derla na kaniyang guro. “O, Arnold, handa ka na ba sa eskuwela?” wika ni Gng. Derla. Hindi siya agad nakasagot. “Hoy, Arnold ! Gising na tatanghaliin ka sa pagdadala mo ng pandesal. Gising” “Hay salamat, panaginip lang pala. Naku! Tanghali na pala. Naghihintay na ang aking mga suki sa pandesal. Papasok pa ako sa paaralan. ” Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Alin sa mga ito ang angkop sa bawat pangungusap? Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel. b. c.a.
  70. 70. DRAFT April 10, 2014 29 d. e. f. 1. Nagtulungan ang magkakapitbahay sa pag-apula ng malalaking ______ ng apoy na puwedeng pagsimulan ng sunog sa kanilang barangay. 2. Ang malinis na kapailigiran ay mabuti sa ating _____. 3. Ang pamilya nina Mica ay sumama sa pagtatanim ng _____ sa tabing-ilog. 4. Ang mga taga Water District ay naglalagay ng malalaking _____ upang maging maayos ang daloy ng tubig. 5. Si Ruel, ang ____ ng kabataan, ay nanguna laban sa ipinagbabawal na gamot. Natutuhan ko na may mga salita na ________ ang baybay ngunit _________ ang bigkas at kahulugan. Kunin mo ang kagamitan mo sa Art. Gawin ang album na “Iisa ngunit Magkaiba.” Narito ang mga gagawin mo. 1. Maglista ng limang pares ng mga salitang iisa ang bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan. 2. Iguhit ang bawat pares upang maipakita ang kahulugan nito. Masarap maglaro ng saranggola lalo na kung malakas ang ihip ng hangin. Ang pagpapalipad nito ay isa sa mga karaniwang eksena na makikita natin sa tuwing bakasyon. Ito ay isang libangan na hindi mo magagawa nang walang kasama. Sa larong ito, kitang-kita
  71. 71. DRAFT April 10, 2014 30 ang pagtutulungan ng bawat isa, bata man o matanda, babae man o lalaki. Tingnan natin sa ating kuwento ang lihim ng magandang saranggola ni Winson. Ang Lihim sa Likod ng Saranggola Caloy : Ang ganda ng saranggola mo Winson. Sino ang gumawa niyan, ha? Winson : Kami nina Enchong, Lino at kuya ko ang gumawa nito. Tinuruan kami ni Kuya. Madali nga naming natapos ito, eh. Caloy : Aba! Magaling pala kayong gumawa ng saranggola. Makagawa kaya tayo nang ganyang kagandang saranggola? Winson : Oo, naman. Hihingi tayo ng tulong sa kuya ko. Hayun sila ng kapatid kong bunso, nagpapalipad ng saranggola. Gamit ang kayo, sila, kami o tayo, gumawa ng isang rap tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan sa anumang gawain. Gawin ito kasama ng iyong pangkat. Ang _______ ay ginagamit sa _________________. Ang _______ naman ay ginagamit sa ____________. Ang _______ ay ginagamit sa __________ at ang ______ naman ay para sa ________. Tingnan ang susunod na pahina. Ano ang sinasabi ng bawat tauhan sa larawan? Gamitin ang kayo, sila, kami o tayo.
  72. 72. DRAFT April 10, 2014 31 A B C Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kuwento ni Arnold Magpapandesal sa kuwento ng saranggola ni Winson? Balikan at basahin muli ang dalawang kuwento upang masagot ang tanong. Pumili at bumasa ng dalawang kuwento. Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang mga kuwento na iyong binasa. Gumuhit ng dalawang bilog na katulad ng nasa ibaba. Isulat sa tapat ng bawat isa ang pamagat ng iyong binasa. Isulat sa bahagi ng dalawang bilog ang pagkakaiba ng mga ito. Sa loob ng magkapatong na bahagi ng mga bilog, isulat ang pagkakatulad ng mga kuwento. Gawin ito sa iyong notebook.
  73. 73. DRAFT April 10, 2014 32 Gulong ng mga Kuwentong Aking Binasa Natutuhan ko na _____________________________. Humanap ng kapareha. Ibahagi sa kaniya ang isang kuwento na iyong nabasa. Matapos ang iyong pagkakataon, ikaw naman ang makikinig sa kaniyang ibabahagi sa iyo. Matapos ang mga unang gawain, paghambingin ang mga kuwentong inyong napag-usapan. Gamitin ang Paruparo ng mga Kuwento na sadyang inihanda para sa gawaing ito. Isulat sa dalawang pakpak ang pamagat at ang pagkakaiba ng mga kuwentong inyong napag-usapan. Sa gitna naman ng paruparo, isulat ang pagkakatulad ng mga ito. Gawin ito sa isang malinis na papel. Paruparo ng mga Kuwento
  74. 74. DRAFT April 10, 2014 33 Malulungkot ka ba kung may lakad kayo ng iyong pamilya ngunit hindi kayo natuloy? Ganito rin kaya ang mga bida natin sa ating kuwento? Alamin. Muntik nang Hindi Matuloy Masayang ang magkakapatid na sina Bryan, Glecy at Pritz. Mayamaya, dumating ang kanilang Tatay na si Mang Troy na isang . Sira pala ang kanilang kaya maagang umuwi ang kanilang ama para kumpunihin ito. Malulungkot na sana ang magkakapatid. Hindi yata sila matutuloy sa kanilang lakad. Pero napawi ang lungkot nila nang iabot ng Tatay ang isang supot na punong-puno ng . Dali-daling naghugas ng kamay ang magkakapatid at inilabas ang laman ng supot.
  75. 75. DRAFT April 10, 2014 34 “Wow! Matatamis at malalaking Talagang katakamtakam. Hindi na namalayan ng magkakapatid ang oras. Naputol ang kanilang kuwentuhan nang marinig nila ang kanilang Tatay na tumatawag. Yari na ang kanilang . Dali-dalin nilang ipinasok ang pinagkainan sa supot at nagtakbuhan sa loob ng bahay. “Brrmm…. Brrmmm…” Sakay na silang lahat. Dadanan na lang nila si Nanay Glenda sa kaniyang pinagtitindahan. Ano-ano ang nasa larawan? Alin kaya sa mga ito ang angkop sa bawat pangungusap? Isulat ang iyong sagot sa sariling notebook. 1. Magdadala si Glecy ng _______ dahil malamig sa Tagaytay. 2. Iniayos ni Bryan ang mga biniyak na prutas sa isang ______. 3. Paborito ni Pritz ang _______ pero walang dala nito si Tatay.
  76. 76. DRAFT April 10, 2014 35 4. Dahil sa pamamadali, nasugatan ang _____ ni Mang Troy. 5. Si Aling Glenda ay mahilig maglagay ng ____ sa buhok. Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang may salungguhit. Gawin ito sa iyong notebook. Salita Kasing- kahulugan Kasalungat Maamo ang alagang pusa ni Mang Troy. Ipinaghanda ni Pritz ng mainit na sopas ang kanilang Tatay. Inakyat ni Bryan ang mataas na puno ng mangga upang kunin ang saranggola ng kaniyang kapatid. Mabango ang sampagita na binili ni Aling Glenda para sa kanilang dyip. Ang mga salitang may klaster ________________. Magkasingkahulugan ang mga salita kung __________ at magkasalungat naman kung _____________. Hanapin ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon. Isulat ang mga makikita mo sa iyong sagutang papel.
  77. 77. DRAFT April 10, 2014 36 Basahin ang mga pangungusap na maaaring naging usapan ng mag-anak sa “Muntik nang Hindi Matuloy.” Sino ang nagsabi ng bawat isa? “ Kumain na kayo habang kinukumpuni ko ang dyip.” “ Umaandar na itong dyip. Aalis na tayo. ” “Magbibihis lamang po kami.” “Malungkot sila kanina nang umuwi akong sira ang dyip.” Kumpletuhin ang usapan sa bawat larawan sa pamamagitan ng pagpuno ng kayo, kami,tayo, at sila sa bawat pangungusap. a f p e l i k u l d a b u l a k l a k a a p k w a d e r n o s h o c a n i j o i g o o l d e t r a k n h b n a p a s o k l i n y a r a l a p a i n a l o k i s a t i n a p a l y t u t u b i a g i w e k a n i n k w a g o s s i s a l a m i n x o
  78. 78. DRAFT April 10, 2014 37 Ang _____ ay pamalit sa ako at mga kasama. Ang _____ ay pamalit sa ikaw at mga kasama. Ang _____ ay pamalit sa akin at mga kasama. Ang ____ ay pamalit sa siya at mga kasama. Kasama ng iyong pangkat, maghanda ng isang dula- dulaan tungkol sa isang paksang mapipili. Gamitin ang kayo, kami, tayo, at sila. - Ang Paaralan - Ang Magkakapatid - Ang Alagang Hayop - Paboritong Pasyalan Lisa, saan ___ pupunta? Pupunta na ____ kina Lolo. Sasama ka na ba? Mauna na ___ . May tatapusin pa ako. A sige. Hihintayin ka namin doon. Sabay na tayo sa pag- uwi.
  79. 79. DRAFT April 10, 2014 38 Basahin ang sumusunod na salita. Ano ang ibig sabihin ng bawat isa? Iguhit ang mga ito. bacon carrot computer hotdog juice video Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin ng iyong guro. Isulat sa iyong notebook ang mga salitang hiram na binanggit sa kuwento. Ang mga salitang hiram ay binabaybay sa paraang ____________. Umisip ng tatlong bagay sa inyong bahay na ang ngalan ay salitang hiram. Iguhit ang mga ito at isulat ang ngalan ng bawat isa. Laging sinasabi na may pera sa basura. Tingnan natin kung bakit para kay Sita ay kayamanan ang kaniyang kinokolekta at hindi mga basura.
  80. 80. DRAFT April 10, 2014 39 Hindi Basura “Bata! Bata! Bakit mo ba kinuha ang mga basurang iyan?” tanong ni Sita sa isang batang nagtutulak ng kariton. “Hindi ito basura. Mga pira-pirasong papel ito, mga bote at latang pipi,” sagot ng batang nagtutulak ng kariton. “Ano nga ang gagawin mo riyan?” tanong muli ni Sita. “Hindi mo ba alam? Ipagbibili ko ito. Tutunawin ito ng bibili. Gagawin nila uli itong papel, bote at lata.” Humanga si Sita sa bata. Kumikita siya. Nakatutulong pa siya sa pagtitipid sa likas na yaman ng bansa. (Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 2, Saint Mary’s Publishing Corporation) Ano-ano ang mga nakita mong ginawa ng ibang bata sa paaralan bago pa man magsimula ang klase? Ikuwento mo ito sa klase. Sa pagbabahagi ng isang pangyayaring naobserbahan ko, dapat kong tandaan na _______. Sa iyong notebook, sumulat ng isang maikling pag-uulat na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa ginagawa ng iyong pamilya upang makatulong sa pagpapanatiling malinis ng inyong pamayanan. Ang buko pie ay isang popular na kakanin ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog na mura na inilagay sa ibabaw ng isang pie. Paano nga ba ito nagagawang masarap?
  81. 81. DRAFT April 10, 2014 40 Ren : Cindy, masarap kaya ang buko pie? Cindy : Oo, masarap iyon. Alam mo ba ang mga sangkap nito? Aling Tess : Naku, mga batang ire. Sa tagal ko nang gumagawa ng buko pie e masasabi kong pare-pareho lang ang lasa niyan. Pare-parehas lang kasi ang mga sangkap dito. Ang pinakasikreto upang maging masarap ito ay ang paraan ng pagluluto. Subukan nating bumuo ng mga bagong salita mula sa mga nasa listahan. Dagdagan lamang ng pantig ang mga ito, maaaring sa unahan, gitna o hulihan. awit dasal isip sayaw walis Ang ___, ____, at ____ ay panghalip na pamatlig. Ang ___ ay ginagamit kung ang pinag-uusapan ay malapit sa nagsasalita. Ang ______ naman ay kung ang pinag-uusapan ay malapit sa kinakausap. At ang _____ ay ginagamit kung ang pinag-uusapan ay malayo sa nag-uusap. Gamitin ang nito, niyan at niyon sa pagtuturo ng mga bagay sa loob ng silid-aralan. Ang balete ay isang uri ng tuwid at makinis na puno. Tumataas ito mula 13 hanggang 40 talampakan, at pakalat ang tubo ng mga ugat. Ngunit, maraming natatakot sa punong ito. Bakit kaya?
  82. 82. DRAFT April 10, 2014 41 Sino ang Takot sa Puno ng Balete? Ayaw na ayaw kong magbakasyon sa bahay ni Lola. Nakatatakot kasi roon. Luma ang bahay na gawa sa kahoy. Parang may mga multo, pero pinakanakatatakot ay ang puno ng balete. Malaki ang balete at maraming mala-galamay na baging. Parang sa octopus ang mga galamay ng balete! Sa gabi, kapag malakas ang hangin, parang gumagalaw ang mga galamay na ito. Katapat pa naman ng bintana ko ang balete. Isang araw, paggising ko, pinapunta agad ako ni Lola sa hardin. May sorpresa raw siya sa akin. Nagkabit sila ng duyan sa mga baging ng balete. Sabik na sabik akong sumakay sa duyan. Masarap palang sumakay sa mga galamay ng balete. Sabihin sa klase ang iyong naisip na wakas sa bawat sitwasyon na mababasa. 1. Nakatira sa kabilang ibayo ng ilog si Isagani. Nang araw na iyon ay malakas ang ulan. Ngunit kailangan niyang pumasok. May pagsusulit kasi sila. Dalawa ang daan patungo sa paaralan. Ang pagtawid sa ilog ang malapit na daan at ang pagtawid sa tulay ay malayo. Lumakad na si Isagani. Kaya ___________. 2. Matapat na bata si Evelyn.May nakaiwan ng pitaka sa upuan na malapit sa kaniya. Kilala niya kung sino ang may-ari.Kaya________. Sa pagbibigay ng wakas ng isang kuwento, kailangan kong _________.
  83. 83. DRAFT April 10, 2014 42 Basahin kung ano ang plano ni Bitoy sa ating kuwento. Bigyan mo ito ng sarili mong wakas. Ang Plano ni Bitoy Marami nang nakasabit na parol at makukulay na ilaw sa bintana. Naririnig na rin ang mga awiting pamasko. May plano si Bitoy at ang kaniyang mga kaibigan. Kumuha si Imo ng lata ng gatas na walang laman. Binutasan niya ito sa magkabilang dulo. Tinakpan niya ang butas gamit ang plastik na inunat at ipinirmi ng goma. Si Mario naman ay kumuha ng maraming tansan. Gamit ang malaking bato, pinipi niya ito. Binutasan niya sa gitna ang mga napiping tansan. Isinuot niya ang isang binilog na alambre sa mga tansan. Samantala, si Bitoy ay uminom ng mainit na salabat. Handa na ang magkakaibigan. Sino si Seli? Ano ang sili? Nakakatuwa! Halos pareho ng tunog ang mga salitang ito. Basahin ang ating tula, marami pa itong katulad.
  84. 84. DRAFT April 10, 2014 43 Sili ni Seli Florenda B. Cardinoza Ang aking inang si Seli Nagtanim sa bukid ng sili Tubig pandilig mula sa poso Kagalaka’y nadama ng puso. Ayaw ng kaibigan kong iwan Kaya sinabi ko sa kaniya’y ewan Sili ni Nanay dapat mabenta Isakay dapat ito sa vinta. Binalot ni Nanay sa tela Habang ang ulan ay tila Kabayaran ni Nanay na pera Pambaon sa eskwela ni Pira. Kasama ng iyong kapangkat, gumawa ng “Banderitas ng mga Salita.” Sa unang dalawang magkakulay na banderitas, sumulat ng isang pares ng mga salitang iisa ang baybay pero magkaiba naman ng bigkas. Pumili ng isang salita mula sa mga naisulat. Sa pangatlong banderitas, isulat ang bagong salita na mabubuo kung papalitan ang unang pantig nito. Sa ikaapat na banderitas naman, isulat ang bagong salita kung papalitan ang huling pantig ng napili pa ring salita. Makakabuo ng bagong salita sa pamamagitan ng _____________ mula sa isang salita. Gawin ang sumusunod sa iyong notebook. 1. Umisip ng isang salita.
  85. 85. DRAFT April 10, 2014 44 2. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang huling pantig nito. 3. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang unang pantig nito. 4. Gamitin ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. 5. Gamitin ang format na makikita sa susunod na pahina. Salita Unang Pantig Huling Pantig Pangungusap Nakapaglaro ka na ba ng bangkang papel kasama ang iyong mga kaibigan? Ano ang nangyari? Ganito rin ba? Bangkang Papel Matapos ang isang malakas na ulan, nagkayayaan ang tatlong magkakaibigan na maglaro ng bangkang papel. Yehey! Ang bilis talaga nitong aking bangka. Oo nga ano. Sana bumilis din ang aking bangka tulad niyan.
  86. 86. DRAFT April 10, 2014 45 Pumili ng isang magandang lugar sa Pilipinas mula sa mga larawang ipakikita ng iyong guro. Gumawa ng usapan gamit ang nito, niyan at niyon. Natutuhan ko na _________________________________. Gamit ang paksang iyong napili, gumawa ng sariling komik istrip upang maipakita ang wastong gamit ng nito, niyon, at niyan. Ano ba ang mainam gawin kung nasa bakasyon ka at naiinip ka na sa lugar na inyong pinuntahan? Nakababagot na Araw Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking mga pinsan. Noong una ay ayokong sumama dahil sila ay nakatira sa malayong baryo. Pero wala akong nagawa. Unang araw ko pa lamang ay inip na inip na ako dahil wala akong malaro. Hindi pinadala ang PSP ko. Tingnan ninyo o, mas magaganda ang kulay niyon kaya lang mabagal. Teka kanino iyon?
  87. 87. DRAFT April 10, 2014 46 Wala ring computer shop sa lugar na ito. Sana nadala ko ang laruan kong robot at kotseng de-remote. Nakababagot talaga. Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana, nakita ko ang aking mga pinsan at iba pa nilang kaibigan na masayang naghahabulan. Pero, nagtataka ako dahil nakita kong may latang pinatumba gamit ang tsinelas, bago sila nagtakbuhan. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha nila. Mayamaya, kumaway ang isa kong pinsan at pinalabas ako ng bahay. Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan at kulitan nila. Nalaman ko na tumbang preso pala ang tawag sa larong iyon. Isinali rin nila ako sa larong patintero, luksong-baka, pati na rin sa piko. Nawala sa isip ko ang computer games, pati na rin ang aking mga laruan. Pag-aralan ang graph na ito upang mabuo ang mga pangungusap. Mga Laro Bilang ng Naglalaro Luksong Tinik Patintero Piko 1. Mas maraming babae ang naglalaro ng _____ kaysa sa mga lalaki. 2. Kakaunting ______ ang naglalaro ng ______ kumpara sa mga ______.
  88. 88. DRAFT April 10, 2014 47 Ang pictograph ay ______________________. Sagutin ang mga tanong tungkol sa graph na ito. Mga Bote ni Patrick Mga araw Bilang ng bote Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Legend: = 5 1. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick noong Lunes? 2. Ilang bote naman noong Biyernes? 3. Anong araw ang may pinakamaraming bote na nakolekta? 4. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick sa limang araw?
  89. 89. DRAFT April 10, 2014 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  90. 90. DRAFT April 10, 2014 2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 3 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ Baitang Batang Pinoy Ako 3
  91. 91. DRAFT April 10, 2014 3 BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
  92. 92. DRAFT April 10, 2014 4 PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
  93. 93. DRAFT April 10, 2014 5 ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  94. 94. DRAFT April 10, 2014 6 TALAAN NG NILALAMAN Yunit III – Bansa Ko, Ikararangal Ko Aralin 21 – Kilalanin Natin 8  Paggamit ng Angkop na Salita sa Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar, at Pangyayari  Paggamit ng mga Salitang Kasingkahulugan at Kasalungat sa Pagbibigay Kahulugan sa Isang Salita Aralin 22 – Pangalagaan Natin 11  Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Gamit ang Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano,Sino-sino  Pagsunod sa Panutong may 3-4 Hakbang Aralin 23 – Pagyamanin Natin 13  Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, at Lugar sa Pamayanan  Pagbibigay-Kahulugan sa Graph Aralin 24 – Tangkilikin Natin 15  Paglalarawan ng mga Bagay, Tao at Lugar sa Pamayanan  Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Binasang Teksto Aralin 25 – Ipagtatanggol Natin 19  Paggamit ng Tamang Salitang Kilos sa Pagsasalaysay ng mga Personal na Karanasan  Pagbibigay ng Paksa ng Kuwento o Sanaysay na Napakinggan Aralin 26 – Pahalagahan Natin 21  Paggamit ng Tamang Salitang Kilos (Pandiwa)sa Pagsasalaysay ng mga Personal na Karanasan  Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Teksto Aralin 27 – Paunlarin Natin 25  Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwentong Napakinggan
  95. 95. DRAFT April 10, 2014 7 Aralin 28 – Mahalin Natin 29  Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto sa Tulong ng Timeline Aralin 29 – Ipagmalaki Natin 34  Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol na –Laban sa, -Ayon sa, at –Para sa  Pagbibigay ng Sariling Wakas sa napakinggang Kuwento  Pagbasa ng mga Salitang may Klaster at Diptonggo Aralin 30 – Ikarangal Natin 38  Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol  Pagbibigay ng Lagom ng Binasang Teksto  Pagsusulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay
  96. 96. DRAFT April 10, 2014 8 Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Isa rin ito sa mga laging paalala ng ating mga magulang. Alamin sa tula kung ito rin ang bilin ng mga magulang ni Lino. Si Linong Pilipino Ako si Lino, Na isang Pilipino. Pagiging kayumanggi, Hindi ko itinatanggi. Laging bilin Ng aking magulang, Lahat ay igalang. Lahat ay mahalin. Saan man mapunta, Sino man ang makasama, Pagiging Pilipino, Laging isasapuso. Pumili ng isang salita sa binasang tula. Sumulat ng limang salitang katugma nito. Isulat sa loob ng ginuhit na b. hay ang iyong sagot.
  97. 97. DRAFT April 10, 2014 9 Ang mga salitang magkakatugma ay ___________. Gawin ang Bahaghari ng Magkakatugmang Salita. Sa iyong papel, gumuhit ng isang bahaghari. Gumupit ng limang metacard sa bawat kulay nito. Sumulat ng magkakatugmang salita sa bawat kulay ng papel. Idikit ito sa loob ng bahagharing ginawa. Sino-sino ang Pilipino? Pilipino Sila Natatangi at naiiba talaga ang mga Pilipino. Hindi lamang kilala sa magandang pag-uugali at kahanga-hangang kaayusan sa iba’t ibang gawain kundi maging sa makukulay nilang kultura. Isa sa mga tunay na maipagmamalaki ay ang mga pangkat-etniko na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa. Maaaring sila ay nasa kapatagan, tabing-dagat, o tabing-ilog. Ang iba naman ay nasa kabundukan at kagubatan. Sila ay may sariling wika, tradisyon, kaugalian, at paniniwala. Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas sa kasalukuyan. Sinusundan ito ng Bisaya. Pero hindi lang sila ang pangkat-etniko ng bansa. Nariyan ang mga Igorot, Kalinga, Kankanaey, Ibanag, Ifugao, Negrito at Aeta na makikita sa Luzon. Sa Mindanao naman makikita ang mga Manobo, T’boli, Higaonon at Tiruray. Anuman ang tawag sa kanila, ano man ang kanilang paniniwala, wika, kaugalian at tradisyon, sila ay mga Pilipino. Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.
  98. 98. DRAFT April 10, 2014 10 Sumulat ng tanong na nagsisimula sa ano, sino,at saan, tungkol sa binasang sanaysay. Ang ano, sino, saan, at kailan ay ginagamit sa pagtatanong. Ang ano ay para sa ngalan ng _____________. Ang sino ay para sa ngalan ng _____________. Ang saan ay para sa ngalan ng _____________. Ang kailan ay para sa ngalan ng _____________. Umisip ng isang taong nais mong makapanayam. Sumulat sa isang malinis na papel ng isang tanong na sasagutin niya. Sino nga ba ang mga pangkat-etniko? Muling basahin nang tahimik ang “Pilipino Sila” sa p. 88. Sipiin ang isang talata mula sa “Pilipino Sila” sa p. 88. Sa pagsipi ng talata,kailangan kong tandaan na, _____. Isulat muli ang talata na binigyang-puna ng iyong guro.
  99. 99. DRAFT April 10, 2014 11 Malaki ang epekto ng klima sa ating bansa lalo na sa pamumuhay ng bawat Pilipino na nasa iba’t ibang panig nito. Ano ang klima? Ang Klima at ang Aking Bansa May mga bansa sa mundo na nakararanas ng apat na klima hindi tulad ng ating bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. Ito ay nasa tropiko ng Kanser na makikita sa itaas ng ekuwador. Kapag nasa malapit sa ekwador ang bansa, mayroon lamang itong dalawang uri ng klima. Ito ay ang tag-araw o tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw samantalang mahalumigmig at malamig kung tag-ulan. Iguhit ang dalawang klima sa mga bansa na malapit sa ekwador. Natutuhan ko sa araling ito na ________________________. Sumulat ng ngalan ng apat na bansang makikita malapit sa ekwador.
  100. 100. DRAFT April 10, 2014 12 Muling basahin ang “Ang Klima at ang Aking Bansa” sa p.90. Sumulat ng isang tanong tungkol sa tekstong “Ang Klima at ang Aking Bansa.” Sa pagtatanong, gumagamit ng angkop na salita tulad ng __________________________________. Sumulat ng dalawang tanong na nais mong sagutin ng Presidente ng Pilipinas tungkol sa programa ng pamahalaan para sa pangangalaga ng kapaligiran. Isulat ang mga tanong sa iyong notebook. Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang pangalagaan ang kalikasan? Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. Pag-aralan at pumili ng isang larawan. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap tungkol dito.
  101. 101. DRAFT April 10, 2014 13 C Natutuhan ko sa aralin ngayon na ________________. Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro. Tayong mga Pilipino ay maraming tradisyon at kaugalian na dapat nating pagyamanin. Isa na rito ang masayang pagsalubong sa Bagong Taon. Paano nga ba natin ito dapat salubungin? Paano natin ito mapagyayaman? Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na - DOH ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) January 3, 2013 Naniniwala si Health Secretary Enrique Ona na panahon na para seryosong ikonsidera ang pagpapalit ng kultura o tradisyunal
  102. 102. DRAFT April 10, 2014 14 na paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil maaari namang lumikha ng iba’t ibang ingay sa ibang paraan para sa pagtataboy ng ‘evil’ at ‘bad luck.’ Sabi ni Ona, karamihang nabibiktima ng paputok ay kabataan kaya’t pinag-aaralan nilang i-ban ang kabataan sa pagbili nito. Inamin ng Kalihim na kahit pa masigasig ang Department of Health o ang pamahalaan sa kampanya kontra sa paputok, marami pa rin ang nabibiktima nito, at ang nakalulungkot ay mga bata pa ang kadalasang napuputulan ng daliri, kamay o maging paa kaya naman imumungkahi niya sa stakeholders meeting, kasama ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na ibawal na sa kabataan ang pagbebenta ng mga paputok. Paano ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa inyong lugar? Ibahagi ito sa klase. Natutuhan ko na ___________________________________. Kunin ang kagamitan mo sa Art. Gumawa ng isang poster tungkol sa pag-iingat na dapat gawin sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Muling basahin ang “Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na – DOH.” Tukuyin ang mga salitang naglalarawan sa mga tao, lugar, bagay, o pangyayari dito.
  103. 103. DRAFT April 10, 2014 15 Sumulat ng pangungusap na naglalarawan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari na makikita sa larawan. Bilugan ang mga ginamit na pang-uri. http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm Ang pang-uri ay ___________________. Makinig nang mabuti sa babasahing balita ng guro. Itala sa iyong notebook ang mga pang-uring napakinggan.
  104. 104. DRAFT April 10, 2014 16 Ano ang tatak ng suot mo ngayon? Saan ito gawa? Ano-ano ang produktong Pilipinong dapat nating tangkilikin? Tatak-Pinoy Gawa sa Pilipinas. Maraming bagay na gawa ng ating kapwa Pilipino ang puwede nating ipagmalaki. Bukod sa magaganda nitong disenyo, hindi rin pahuhuli ang tibay ng mga ito. Bawat produkto ay butil ng pawis at buhay ng bawat Pilipinong manggagawa. Ilan sa mga “Only in the Philippines” na talagang puwede nating ipagsabayan sa buong mundo ay ang mga makukulay at air-conditioned na dyip. Hari ng daan, samu’t sari ang gayak na talagang nakakaaliw. Ang mga matitibay na sapatos na gawa sa Marikina at sa Liliw, Laguna na talaga namang world class ang dating. Ang naggagandahang parol ng Pampanga na talagang nakadaragdag ng saya ng Pasko. Ang mga kakaibang disenyo ng mga barong na gawa sa Batangas. Pagdating din sa pagkain, hindi tayo pahuhuli. Ang napakasarap na mainit na kape na galing sa Batangas na sasabayan mo pa ng suman na galing sa Mindoro. Ang mga matatamis na pinya ng Davao at mangga na mula sa Guimaras ay tunay na hindi mo pagsasawaan. O halika na at ating libutin ang sarili nating bansa. Kung saan ang mga produkto ay subok na matibay, ang mga pagkain ay tunay na masarap. Basta’t sarap at tibay ang gusto, hanapin lamang ang tatak Pinoy. Gumupit sa lumang diyaryo o magasin ng isang bagay na dapat tangkilikin ng mga Pilipino. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa napiling bagay.
  105. 105. DRAFT April 10, 2014 17 Ang paksa ng isang talata ay ________________. Pumili at bumasa ng isang sanaysay o kuwento mula sa mga nagdaang aralin. Isulat ang pamagat at ang pahina nito. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa paksa ng binasang sanaysay o kuwento. Basahin ang “Tatak-Pinoy” sa Alamin Natin, p.98. Tukuyin ang mga pang-uri na ginamit. Gamitin ang larawan na ginupit mo sa naunang gawain. Sumulat ng mga pang-uri tungkol sa larawang ito. Ang pang-uri ay ______________________. Pumili ng isang paborito mong bagay, o lugar. Gumawa ng isang flyer na naglalarawan nito at hihikayat sa ibang Pilipino o dayuhan na tangkilikin ito. Ang Child Friendly Barangay ay isang programa ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkilala ang mga barangay na may natatanging programa para sa karapatan ng kabataan sa kanilang nasasakupan. Sa paraang ito, mabibigyan din ng pagkakataon na makilala ang barangay at matangkilik ng ibang Pilipino ang mga produkto nito.
  106. 106. DRAFT April 10, 2014 18 Basahin natin ang isang liham na nagkukuwento kung ano-ano ang nangyari nang ang kanilang barangay ay tanghaling Child-Friendly Barangay. 106 Purok 190 Brgy. Malinis, Ginhawa Okt. 2, 2013 Mahal kong Vans, Kumusta ka na? Bakit hindi ka nakarating noong nakaraang Sabado? Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal na iginawad sa aming barangay bilang Child-Friendly Barangay ng Reh. IV- A. Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang makiisa sa pagdiriwang. Nagsalita ang puno ng aming barangay na si Kapt. Joel at sinabi niya na sa wakas ay nagbunga rin ang aming mga pagsisikap at pagtutulungan. Dumating din si Kgg. Agnes na aming punong lungsod at si Cong. Abraham na talaga namang ikinatuwa ng lahat. Pagkatapos ng maikling palatuntunan, nagbigay ng libreng serbisyong medikal ang grupo ni Dra. Rey. Sina Bb. Badillo, G. at Gng. Derla naman ay nanguna sa pamimigay ng libreng miryenda para sa lahat. Ang saya talaga nang araw na iyon. Sana nakarating ka. Ang iyong kaibigan, Danika Sa isang malinis na papel, sipiin nang wasto ang liham na ipinadala ni Danika kay Vans. Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat, dapat kong tandaan na ____________. Isulat muli ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga sagot mo sa “Tama ba ang Pagkakasulat Ko?” na ipakikita ng iyong guro.
  107. 107. DRAFT April 10, 2014 19 Ang bawat batang Pilipino ay may karapatan. Tungkulin ng lahat ng Pilipino na masigurong natatamasa ang mga ito ng bawat bata saanmang sulok ng Pilipinas. Ang karapatang mabuhay at magkaroon ng pangalan ang isa sa mga pangunahing karapatan nila. Ang Batang may K Maagang naulila ang batang si Kristine. Namatay sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang. Kaya’t siya ay kinupkop ng Department of Social Welfare and Development. Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may mag- asawang dumating at nais na siya ay ampunin. Inayos kaagad ang kaniyang mga papel at hindi nagtagal siya ay nakauwi na sa bahay nina G. at Gng. Robles. Itinuring siyang tunay na anak. Inalagaan siya nang maayos. Pinapasok sa magandang eskwelahan. At higit sa lahat binigyan siya ng isang mapagmahal na pamilya at pangalang Kristine Robles. Sipiin ang mga pangungusap na sumusuporta sa pamaksang pangungusap na: Si Kristine sa bago niyang pamilya. Ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng isang talata ay __________________________.

×